Pages

Huwebes, Marso 26, 2015

Senyales na Tumatanda ka na: Bato-bato sa Langit ang tamaan....MATANDA!

'Senyales rin ng pagka-dagdag ng edad kapag nais mong balikan ang mga lumang awitin sa iyong panahon'.
Dumarating talaga ang panahon na hindi mo na lang namamalayan na dumadami na ang mga peleges mo sa mukha o di kaya varicose veins (hindi sa mukha) senyales na sadyang nagkakaedad na. Ilan taon ka na nga bang nabubuhay sa Planet Earth? Maraming pruweba o pagpapatunay na tumatanda na ang isang tao kapag napapalitan na ang mga dati mong kinakanta ng mga modernong genre o di kaya ay bigla nalang nawawala sa limelight ang paborito mong banda o mang-aawit sa kasalukuyang panahon. Minsan, bigla ka na lang mapapangiti kapag dumadaplis sa iyong tenga ang isang kanta na dekada na ang lumipas bago ulet patunugin sa isang istasyon ng radyo. Senyales rin ng pagka dagdag ng edad kapag nais mong balikan ang mga lumang awitin. Minsan naman may mga espesyal sa iyong lugar na bigla na lang maglalaho at napapalitan ng ibang mga gusali o di kaya ay mall. At ang pinaka nakakastress ay yung patuloy ang pagtaas ng bilihin ng mga produkto o pagkain na sinimulan mo ang alin man sa mga produkto na yan sa halagang sentimo pa lang ngayon ay nagmamahalan na ang presyo. Ito ang ilang mga senyales na tumatanda na tayo mga mars! Kuha ka lamang ng pananggang unan o kahit sapagkat, bato-bato sa langit ang tamaan kalabaw!

1. Kung dati-rati'y nakukuha sa palakad-lakad lang sa Sunken Garden ang pag-shed sa mga unwanted pound, ngayon, kahit mag-marathon pa mula Quezon City hanggang Isabela, walang nangyayari.

2. Malayong-malayo na ang tanaw mo sa dagat sa Roxas Boulevard, dati ay tabing kalsada lamang ito hanggang sa matabunan na ng mga lupa upang itayo ang mga naglalakihang gusali. Wala na ang preskong hangin na tumatama-tama sa iyong pisngi habang bumabiyahe papuntang Kabite. Noon paglabas mo ng Paranaque sa MIA Road eh bubulaga sa iyo ang dagat, takot pa nga ako nun eh kapag nabiyahe ng gabi, dahil kako baka biglang may lumabas na malaking pusit sa karagatan yung mga tipong nakakalaban ni Ultraman.

3. Nakikinig ka ng mga rakrakan at humehedbang ka sa mga tugtugan ng mga Pinoy Metal Undergrounds at Foreign Old School bands sa istasyon ng radyo ng NU 107 at LA 105.9.

4. Kapag naabutan mo ang softdrinks na Fanta na mahigit sa sampu ang flavors. Puta sarap dami pagpipilian lalo na kapag uhaw na uhaw ka galing sa paglalaro ng Basketball sa hapon.

5. Meron kang "Cutterpillow" album ng Eraserheads at minememorize ang kantang "Poorman's Grave".

6. Tumatanda ka na kapag nagsisimula nang dalawin sa panaginip ng mga baboy na nilamon, yosing hinithit, at alkohol na nilaklak.

7. Kung meron kang Gobingo cards sa programang Gobingo ni Ariel Ignacio sa Channel 7. Nilalaro ito na parang bingo at inaabangan lagi dahil live ang laro sa bawat tahanan. Sumikat ito at dito nakilala ang seksing si Maricar De Mesa na asawa ngayon ng basketball player na si Don Allado ng Purefoods.

8. Kung naabutan mo pang naglalaro si Jaworski sa Ginebra, wala nang tatanda pa sa iyo.

9. Kapag tinigilan mo na ang pagdidisplay ng kalendaryo sa bahay dahil ayaw mo nang makita ang araw dahil patanda ka na ng patanda.

10. Kung nakagamit ka ng kompyuter na wala pang mouse.

11. Puta idol na idol mo si Hanson at bumibili ka pa ng Songhits para sabayan ang pagkanta ng Mmmbop sa MTV tuwing hapon.

12. Kung nasaksihan mo ang riot ng metal at hiphop sa SM Megamall.

13. Kung ang Internet mo ay de-kaskas at bibili ka pa ng cards katulad ng ISP Bonanza para makapag online lang sa Internet.

14. Kapag naabutan mo ang ingay ng Internet bago kumonek online, yung matining na ingay yung mahabang tunog. Nalalaman tuloy na nag-Internet ako eh.

15. When sexual desire drops. (ulol)

16. Tuwing pinabibili ka ng Lolo mo ng bato ng lighter at Winston Lights sa sari-sari store.

17. Nangongolekta ka ng Funny Komiks tuwing Biyernes at idol na idol mo si Combatron at Niknok.

18. Kung naabutan mo dati na nagkalat ang kalendaryo ng mga hubo't-hubad na Haponesa sa likod ng pinto na pag-aari ng Tito mo.

19. Yung mga panahon na pag nagpapagupit ka sa paborito mong barberong lasinggero, mapapansin mo ang kanyang barbershop na namumutiktik sa mga hubad na poster o di kaya ay kalendaryo. Paniguradong hindi niya makakalimutan kung ano na ang petsa.

20. Kapag isa ka sa may mga litrato na simpleng porma lang, tatayo lang ng diretso sa kamera at ngingiti walang ibang kiyeme, walang peace sign, walang braces para mag-inarte, walang jump shot, walang wacky shot. Hindi katulad ngayon pati sugat pinipiktyuran. Putang ina!

21. Nangingiti 'pag naririnig sa radyo ang "Get Down" ng Backstreet Boys.

22. Kapag napanood at naabutan mo sa TV yung Wheel of Fortune at The Price is Right. Tanda mo na gago! Hahaha!

23. Sumasakit ang singit pagkatapos maglampaso sa bahay. Minsan, napaparalyze sa pagod. Minsan, nako-coma.

24. Yung naging idol mo si Tikboy (Anjo Yllana) ng Abangan ang Susunod na Kabanata kasi parehas kayong abnormal.

25. Kapag naabutan mo pang umaakting sa TV primetime si Freddie Webb at Nova Villa.

26. Nanonood ka pa ng late news sa hatinggabi yung The World Tonight ni Angelo Castro at papatayin mo rin naman kasi Ingles ang balita.

27. "I got two words for you......SUCK IT". Ayan kapag naabutan mo na kumpleto pa ang D-Generation X nila Triple H, Road Dogg, X-Pac, Chynna at Billy Gunn.

28. Nung naabutan mo pa ang tunay na ganda ng Chinese garden.

29. Yung mga panahon na naguguluhan ka kung ano talaga ang masarap Milo o Ovaltine. Pero ngayon alipin ka ng kapeng barako.

30. Lahat ngayon inirereklamo mo: Kung bakit lasang plastik ang carrot, kung bakit walang buko sa fruit salad, kung bakit si KC ang gaganap na Vivian sa Lovers in Paris Pinoy version, kung bakit mapait ang buwakanang inang beer, kung bakit humi-hello ang buhok sa ilong ng kausap.

31. Kung naka kolekta ka ng daan-daang cassette tapes na inaali-alikabok na lang ngayon sa isang shoe box.

32. Kapag naabutan mo na piso pa lang ang pamasahe sa dyip at LRT na magsisimula sa Vito Cruz Station hanggang Baclaran (piso lang ang inihuhulog bilang token)

33. Nagsipilyo ka na Twinkee-Do ang gamit mong toothpaste.

34. Kaypee ang pinakasikat na brand ng sapatos na lokal made.

35. Naabutan mo ang trio nila Manilyn Reynes, Sheryl Cruz at Tina Paner.

36. Kapag sinabihan kang para ka si Samboy Lim mag medyas, di na nila ma-gets ang sinasabi mo.

37. Bawas at dagdag, bawas ng buhok at dagdag ng bilbil.

38. Namimis mo pa rin ang Texas bubble gum at Tootsie Roll.

39. Tinatawag ka na "tanders" kapag kinakanta mo sa videoke ang "Gold" ng Spandau Ballet.

40. Kapag di mo na ma-gets ang usong gupit ng kabataan.

41. Karamihan na kilala mong PBA basketball players ay retiro na.

42. Kapag tuhod mo na lang ang tumitigas at hindi na yung ano.

43. Yung naabutan mo ang batang Karate Kid nuon at malalaman mo ngayon na nasa 50 years old na pala siya.

44. Kapag nagkukuwento ka tungkol sa mga nangyari sa buhay mo sa nakalipas na panahon.

45. Pumpogi lalo. Seriously! (:

Pero laging tandaan na ang pagtanda ay universal. Everybody gets old. It's something that we can't avoid. It's gonna come no matter what. We just have to grow old gracefully. Kaya ikaw na nagbabasa nito tandaan mo tatanda ka rin at ikaw naman ang magkukuwento sa mga susunod na panahon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento