Pages

Huwebes, Marso 26, 2015

Summertime 2.0

'At yung sikat at init ng araw kapag Summer ay nakakatulong din yan para mas lalong mapasaiyo si girlie labs'.
Bago natin umpisahan ang kwentuhang walang patutunguhan nais ko muna kayo bigyan ng isang kantang hugot mula sa baul ng dekada nobenta. Ito yung awitin na lagi kong sinasabayan lalo na kapag official na idineklara na ng PAG-ASA na summer na nga. Female band and they called there band as The Sundays mala tipong Lizard's Convention ang boses ng bokalista at Frente na gustong gusto ng aking kaibigang si Arci Lemi (Renemar sa totoong 'ngalan) dahil inlab na inlab siya ngayong Summer time. Cool summer song, this is..........  

The Sundays - "Summertime"

"Baby it's you and me in the Summer time..."

(Para kay Arci at girlie labs)

Some people wind up
With the one that they adore
In a heart-shaped hotel room
It's what a heart is for
The bubble floats so madly
Will it stay sky-high?
Hello partner, kiss your name bye-bye
Ooh sometimes

Romantic Piscean seeks angel in disguise
Chinese-speaking girlfriend, big brown eyes
Liverpudlian lady, sophisticated male
Hello partner, tell me love can't fail

And it's you and me in the summertime
We'll be hand-in-hand down in the park
With a squeeze and a sigh
And that twinkle in your eye
And all the sunshine banishes the dark...

Some people wind up
With the one that they abhor
In a distant hell-hole room
This third World War
But all I see is films where a colourless despair
Meant angry young men with immaculate hair
Ooh sometimes

"Get up" a voice inside says
"There's no time for looking down
Only a Pound a word 
And you're talking to the town"
And how do you coin the phrase though
That will set your soul apart
Just to touch a lonely heart

And it's you and me in the summertime
We'll be hand-in-hand down in the park...
With a squeeze and a sigh
And the twinkle in your eye
And all the sunshine banishes the dark...

And it's you I need in the summertime
As I turn my white skin red...
Two peas from the same pod, yes we are
Or have I read too much fiction?
Is this how it happens...?

How does it happen?
How does it happen?
How does it happen?
Is this how it happens?

(Now, right now)

Summer
-minsan panahon, mainit na panahon
-kadalasan pangalan ng babae, na naka bathing suit sa beach (sa mainit na panahon)

InTUROduksiyones de amor: <3

Summer - ito talaga ang pinakabakasyon sa lahat. Ang creme de la creme na pinaka aantay ng ating mga kabataan, estudyante, travelers, road trippers at mga empleyado na nag VVL pero hindi makapag vacation leave (ang ilan). Para din sa mga nagcecelebrate ng mga post February romance katulad na lang ng aking kaibigan sa naunang nabanggit na pangalan. SM is the place  to go when you need to explore love and fun at magpalamig na rin. Nothing is brighter than the sun if you have a summer lovin'. Walang tagtuyot na pag-ibig lalo na kung sabay kayo sa pagsipsip ng naguumapaw na tamis at yelo ng McFloat. Malamig on the outside pero mainit ang pagmamahalan on the inside. Ganyan umibig ang tropa ko sapat at totoo at walang bundok na hindi kayang akyatin. Masarap talaga magmahal sa tag-init kesa sa tag-ulan dahil mas marami kayong magagawa, ang mamasyal, magbonding, mamundok, magswimming and everything else under the heat of the sun. At yung sikat at init ng araw nakakatulong din yan para mas lalong mapasaiyo si girlie, kakaibang feeling ang dulot ng sikat ng araw dahil maaliwalas ang paligid at naguumapaw sa ligalig ang mga pusong kailangan ng solar flare of love. Kaya mabuhay ka kaibigan. Ipagpatuloy mo lamang ang summer lovin' na yan at dalhin mo hanggang sa tag-ulan ang init ng pag-ibig sa tag-araw, dalhin mo hindi lamang sa tag-ulan kung di sa buong panahon hanggang sa wakas ng panahon. Mabuhay ka!

Tuloy ang kwento.

Summer - ito ang pinakabakasyon sa lahat. Walang binatbat ang Christmas break (although masaya rin 'yun kasi may mga regalo at bogchi) at araw ng mga patay dahil mas matagal walang pasok kapag summer (April at may ba naman e).

Summer - Puta, eto ang panahon na kung hindi mo maeenjoy, eh siguraduhin mong hindi ka loser sa eskwelahan dahil ito lang ang oras na kung saan may pag-asa kang maging bida sa sarili mong life.

Pagdating ng Marso, ayan na! Nararamdaman mo nang tinatawag ka ng tsinelas mo at sinasabi pabulong na, "Halikaaaahhhh! Pudpurin mo na akooohhhh kooohh koooh kohh (alingawngaw) Naghihintay na rin ang mga sando mong maluwag ang kili-kili hole at ang shorts mong 4 na araw mong isusuot nang walang palitan.
Ganyan talaga pag summer medyo filthy. Noong panahon namin tex ang pinagkakaabalahan, hindi yung sa cellphone ha na magtetext ka hindi ganun, nag-aantay na ang kahong ko ng tex cards at ang isang Fido Dido drawstring bag na punong puno ng holen na minsan ko na rin ipinanumpit (sinubukan lang, kaso umaray sila kaya stop) 

Para sa isang batang katulad ko (noon, baka may mag react) na hindi pinapalabas pag weekdays tuwing pasukan, masarap i-anticipate ang summer. Ito na ang pagkakataong makita ako sa labas ng bahay namin sa isang hapon ng Lunes. Puta wow, biruin mo Lunes nasa labas ka ng kalye at paeasy-easy lang. Hinding hindi mo ako makikita sa labas kapag pasukan dahil busy akong gumagawa ng assignments (ulol) at nagmememorize ng mga rehiyon sa Pilipinas (Putanginang Sibika teacher yan, sarap sabunutan ng bulbol...) Pero sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa, na-deads si Ma'am ng matandang dalaga at hindi man lang nakaramdam ng summer lovin' kaya ayoko maging teacher ng History nuon at tamang turo lang ng Kompyuter, mas masaya. Dalawang buwan akong hindi matatakot tuwing Linggo nang hapon dahil wala namang pasok kinabukasan. Wala na din ang mga periodical exams na ginagamitan ko pa ng patterns pag multiple choice (A.B.C.A.A.B.B.C.C.) - yan ang kombinasyon ng unang test ko pag Martes ginanap ang exam). Kaya pag summer na ay napapahinga ang aking school survival skills.

Puwede na rin akong uminom ng Milo sa umaga nang hindi ako nag-aalala na baka matae ako sa skwelahan. Sa Nido, hindi ako masyadong natatae. Mas malakas ang tama sa akin ng Milo eh parang Red Horse ng mga kabataan 'toh nuon. Kaya naging bespren ko ang janitor namin sa skul na si mang Jun dahil siya ang taga mop ng tae ko sa classroom (2x nung Grade 1) (Medyo filthy din kapag hindi pa summer).

Pag summer, hindi mawawala ang swimming syempre. Masarap sa beach lalo na kung may handa kayong dance number ng mga kaibigan mo dun sa seashore na madaming flags at giant umbrella. Kakantahin niyo ang isang sikat na kantahabang sumasayaw at papalitan niyo ang lyrics para tumugma sa experience ng barkada mo. Shempre sa Pinas ka lang din makakakita ng mga babae na bibili ng bikini, isusuot sa beach, ngunit may nakapatong na shirt at naka maong na shorts pa! Para lang silang nagsuot ng bra at panty na teknikolor. Pero ngayon ay medyo makakapal na ang mukha ng mga kabataan at kaya na din nilang isuot ng tama ang mga bikini. Palakpakan. Mga lalake, deretso sa banyo. Yahooooooo!

Pagpapatule. Hindi ko pa ginagawa 'to hanggang ngayon (pero siyempre joke lang) Ano nga bang kaugnayan ng pagpapatule tuwing summer. Pero siyempre sa isang post ko na lang ito ibabahagi medyo sensitibo para pag-usapan sa ating paksa ngayon.

Ang tag-init..eto lang ang pagkakataon na naiinitan ako pero nakangiti ako. Ibig sabihin ng init na yan ay bakasyon na... it's summertime! Eto ang nagbibigay sakin ng sipag na magreview para sa 4rth quarterly exam sa skul. Iniisip ko na pagkatapos ng exam bakasyon na, last exam na 'to. Tatantsahin ko lang yung mga kakabisaduhin ko. Pagtingin ko na pasado na ko sa daming nakabisa sa mga lessons, ayos na, Aasahan ko na lang ang aking memory skills pandagdag puntos sa exam. Kung anu yung matatandaan ko sa mga tinuro sa amin ng titser ko sa buong school year. Ganyan ako kasipag mag-aral nung kabataan ko (ulol).

Pagsapit ng summer vacation, sobrang linis na ng utak ko nito. Wala ka na kasing aalalahaning assignments, exams, projects, at haselicious na pakiramdam lalo na linggo ng hapon at kinabukasan ay magrereport ka pala. Tangna, hindi masaya ang weekend pag ganun dahil kabado ka sa reporting ng Lunes, hate na hate ko pa naman ang patinginan sa
harap ng klase habang yung ibang klasmeyt mo ay nagngingitian sa harap mo, tapos magtatanong pa mga kupal sa nireport mo. Talaga nga naman urong ang yagbadudels ko nun kapag reporting sa Sibika, pero lintik lang walang ganti dahil reresbak ako kapag sila naman ang magrereporting. Yung iba naman, talagang aabsent sa klase kapag sila na ang magrereport at dun bwiset na bwiset ang titser namin.

Laro.laro.laro.laro.laro yan lang ang nasa utak ko. Gutom at antok lang ang makakapigil sa paglalaro ko. At siyempre ang tawag ng magulang ko. Lahat na ng laruan nilalabas...matchbox, g.i joe (yo joe!) lego, wwf wrestlers, tex, coke slammer, at kung anu-ano pang puwedeng malaro. Gagawan namin ng rampahan yang mga matchbox at pagandahan kami ng rampa ng mga kalaro ko. Basta kapag hindi tumaob yung matchbox mo ang ganda ng kotse mo. At eto ang pinakagusto naming paglaruan...ang tumpok na buhangin sa harap ng bahay. Kapag may nagpapagawa ng bahay dun kami naglalaro sa tambak ng buhangin sa tapat ng bahay. Gagawa kami ng kanya-kanyang butas at tunnel para sa mga g.i. joe namin. Pero kahit anu puwede mong laruin dun e, mapa-kotse o tao puwede. Minsan nga lang bigla ka na lang makaka-amoy ng mabaho pagkahukay mo. Ibig sabihin nun nakahukay ka ng tae! Yung mga aso't-pusang gumagala ang may kagagawan. Bigla ka tuloy pasimpleng uuwi at maghuhugas ng kamay, tapos hukay na ulit.

Siyempre di mawawala sa summer ang pagbabakasyon sa ibang lugar. Dun kame palagi sa tita ko, mga isang linggo kaming magkakapatid at magpipinsan dun matutulog. Gusto namin dun kasi spoiled kami kila  tita at lola ko. Hindi kami pinapagalitan, kahit anung oras ka matulog puwede, kung anung ulam gusto mo iluluto at palaging may juice at milo. Kahit kelan mo  gusto magtimpla puwede. Dun ko nga lang sa kanila nagawa yung magpapapak ng milo e. Ilalagay ko sa maliiit na bowl yung milo, gatas at asukal. Hindi naman lalagyan ng tubig yun. Kakainin lang namin ng ganun lang yun. Sarap di ba? Napapangiti ka ba? Ginagawa mo dati yan noh?

Iration-"Summer Nights"

One of my favorite reggae song kapag summer time at nasa beach. Nakakainlabs!

Piano/organ lessons, pinag-organ lesson ako ni ermats dati. Puta ayoko di ako tumagal, ang boriiinnggg! Nyeta, wala talaga sa dugo ko ang mag-organ! Isang buwan lang ata ang tinagal ko at talagang sinabi ko kay ermats na ayaw ko nun! Basta, ayaw ko na lang pag-usapan yun. Kadire.

Pero ang disadvantage minsan ng summer eh, hindi mo muna makikita ang crush mo kaya wala ka munang papasikatan at pagpapakitaan ng mga dance moves mo ala-UMD dancers na katulad nila Wowie de Guzman at Spencer Reyes. Wala rin munang baon (pero usually naman kapag bata ka eh iniisip mo na ba ang importansiya ng baon sa buhay mo?).

Naisama rin ako sa outing nuon nila tito at tita sa pinagtatrabahuhan nila. Masaya naman, kase 'yung ibang mga ka-opisina nina tito a may mga magagandang anak, kaya puwede ko silang pagpakitaan ng mga moves ko sa swimming pool (basta 'wag lang sa malalim dahil pucha nakakahiya 'yun kapag nakita nila akong nakalunok ng tubig at biglang uubuhin habang sumisigaw ng, tita nalulunod po ako!"). Napansin ko lang: Bakit parang mas sumasarap ang mga pagkain 'pag kinain mo sila habang nasa swimming? 'Yung hotdog parang nagiging mas malasa kapag inihaw nila sa tabi ng swimming pool. At napakasaya ng aura at pakiramdam.

Sa saya mong nadarama hindi mo namamalayan patapos  na pala ang buwan ng Mayo at bigla ka na lang tatanungin ng nanay mo, "Anu gusto mong design ng notebook at cover?, yung solo ni Jolina Magdangal o yung picture nilang dalawa ni Marvin Agustin?" Pucha!!!!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento