Pages

Miyerkules, Mayo 27, 2015

Guitar Man's Good Vibes

"Uso pa ba ang haranaaaa? Marahil ikaw  ay nagta-tah-kaa, ay pota  ano nga ba lyrics nun?"
"Oy! Paps! Ano'ng bago natin diyan? Eto tol, "Sinking out loud'...."Su hane now...Teyk me into your labeng arms...kes me ander da layt of a towsand stars...Pleys your head on my beting hart....Aym sinking awt lawd..."

Meron lagi sa tropa ang marunong tumugtog ng gitara..95% ng lahat ng magbabarkada ay may musikero, sigurado yan pustahan pa tayo. Ultimo ang mga Tausug at Badjao ay  may designated na taga-tugtog, mapa-batingaw, gong man yan o banduria. (Teka...ano to, HEKASI?)

Kinig ka muna dito and chill with this song remake....

Moving on...

Malakas na power sa tropa ang taga-tugtog. Kung ano ang sikat sa radyo ay siyang inaaral ng sikat na gitarista specialist ng barkada. Para pagdating ng happy hour weekends  tambay o inuman eh hindi siya mauubusan ng kanta, lalo na 'pag nalasing na ang mga babae at paulit-ulit nilang nirerequest ang "Torn" ni Natalie Imbruglia.

"Nothings right am Torn! I'm all at a place...This is something real..I'm call and out ashamed..."

Siyempre  napag-aralan na ni gitara noy ang kantang yun. At madalas nyang pag-aralan ang songhits kesa sa mga libro niya. Mapa-strumming o plucking ay kabisado na niya, pati na din ang intro ng "Now and Forever" ni Richard Marx at "Heaven Knows" ni Rick Price.

Hinding-hindi mawawala sa hit list ang "Harana" at Pare ko". Duon sa kanto namin dati sa San Andres Bukid, Manila eh lagi mong maririnig yang dalawang kantang yan habang nabubusog sa isaw at betamax ang mga nakikinig. Kapag medyo nalasing na at gumanda na ang kanilang english accent ay babanat na yan ng panay plucking at kakantahin na ang "More Than Words" ng Extreme. Intro pa lang ay makalaglag-panty na, diba? yan yung mga nagpapanty pa ha.

Ikaw sa barkada mo ilang ang gitarista, ilan ang singer? Meron din ba na mahilig sa flute, violin o harp?O baka naman may kaibigan ka na sa dahon lang eh nakakagawa ng musika yun gtipong Levi Celerio, kaso sabi nalason daw si Manong Levi dun dahil yung tinira niyang dahon eh may lason sa dagta. Wag na lang, balik na lang tayo sa gitara.

Ang paggigitara  ay tamang pampalipas oras. Ang kadalasang eksena diyan eh pupunta ka sa bahay ng kapitbahay mo at magja-jamming kayo, mga bandang tanghali yan makatapos pananghalian. Yun kasi yung mga boring times eh kung ikaw eh hindi sanay matulog sa tanghali. Dala-dala ang songhits, pag-aaralan mo ang chord chart na nasa gitnang pahina. Magpapaturo ka sa barkada mong marunong at ang mga kadalasang itinuturo ay :

Pare ko by Eraserheads. Madali lang ang strumming at chords nito. Siguro e hindi lalampas ng tatlong chords ang magagamit sa buong kanta.

Harana by Parokya ni Edgar. Okay. medyo hindi pa naman gaanong kalumaan ito. Talaga nga naman pogi points ka dahil sa title pa lang ng kanta e halata na ang intensiyon mo kung bakit kmo gusto mong matutunan 'yan. Kaso ang tanong, "Uso pa ba ang harana?"

More Than Words by Extreme. Intro lang  naman ang gustong alamin ng mga lalake rito e. Konting plucking plucking lang (at tapik sa gitara) ready to go na at pagkatapos nun e uulit ulitin nila ang parteng yun at kuntento na sila.

Picha Pie by Parokya ni Edgar. Eto mabilis-bilis pero strumming lang din naman, hindi mahirap matutunan.

Ang Huling El Bimbo by Eraserheads. Walastik! Ewan ko na lang kung hindi niyo sinubukang tugtugin ang isa sa mga pinakasikat na kanta sa kasaysayan ng bandang Pilipino.

'Foo Fighter's Dave Grohl's bloody guitar pick.'
Mabalik tayo sa mga lalaking nagpapacute. Actually yung mga nagpapaturong mag-gitara ay hindi naman talaga nakakabuo ng isang  matinong piyesa. O kung matuto man sila ay parang parating paos ang tunog ng gitara. Ang siste, talagang gusto lan gnilang ma-feel na merong instrumentong pinapasadahan ang kamay. At masarap ang pakiramdam nang nagkakantahan kayo habang ngumangata ng tatlong supot ng Lechon Manok o kaya chicharon. Ang end result? Walang kinalaman sa chicks. Tamang pangrerelaks lang sa tambayan niyo at kahit na wala sa tiyempo ang pag-strum sa gitara e feeling good pa rin. Hayahay good life...

INTROBOY. Eto naman yung mga nagpapakyut lang sa gitara sa iskul, sa kanto, sa tambayan o kung saan man. Siyempre gets niyo na kung bakit yan ang tawag. Eh puro intro lang ng mga kanta ang alam eh. Basta makahawak lang ng gitara sa harap ng mga tao at maka-strum lang. Pakyut nga eh. Pakyu!

"O pare ko... (dyen dyen dyenen dyen). Meron akong problema (dyen wenk wonk  wonk).. Ay nakalimutan ko na." yan kadalasan ang banat ng mga introboy.

"Uso pa ba ang haranaaa? Marahil ikaw ay nagtaah-tah-ka. Ay pota, ano nga ba lyrics nun?" ang palusot na naman ni introboy.

"HOY GAGO!  Bitawan mo na nga yan at ibigay mo sa marunong talaga mag-gitara!" yan ang sigaw naming mga alaskador boys. "WAG  MO BITAWAN YAN AT IHAHAMPAS  NAMIN YAN SA NGALA-NGALA MO!" Weh, talaga? sabay takbo palayo si introboy at  kinukusot  kusot ang mata.

Hindi mo rin naman masisisi si introboy kasi malakas talaga ang dating ng mga lalaking nagigitara sa chicks. Eto ang kumakalaban sa pagka-cool ng mga varsity players at gwapong estudyante. Kahit hindi ka ganun kagwapuhan at katangkaran pero gitara boy ka, dale mo ang atensiyon sa chicks. Pakitaan mo lang ng isang buong  gitara ng "With a Smile" eh siguradong kasama ka na sa "Who is your crush?" nila sa autograph book or slam book.

Kapag susuriin mo ang bag ni gitara boy, bagong-bago pa rin ang mga notebook at libro pero ang songhits? Ang dami nang tupi-tupi at halos rumorolyo na yung dulo sa kakagamit. Yan ang peyborit subject niya.

Masarap talagang magkaroon ng gitara boy sa tropa lalo na kapag nakatambay kayo. May alak man o wala eh napapasaya pa rin ang tambay moments niyo. Mag-gigitara lang siya at sabay-sabay kakanta ang mga bopols sa gitara at magiging instant singer na ang lahat.

"Bakit, bakit ba? Iniwan mong nag-iisa!" ang kanta naming lahat. Siakol yan pards! Ohh yeah! \m/

"May libre kang tooth....paste toothpaste! may libre kang tooth...brush toothbrush! ang kanta namin sabay halakhakan, batukan at harutan. Wala lang hindi pa kasi ganon kahalaga ang oras nuon, hindi katulad ngayon magulo at komplikado ang lahat ng bagay.

Kaya kahit hindi ka marunong mag-basketbol, hindi kagalingan sa pagpapatawa o hindi pogi basta gitara boy ka eh marami ka pa ring magiging barkada at magkakacrush sa'yo. Masaya ang buhay kapag may gitara boy!

May gitara ba kayo diyan? Paheram naman!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento