Pages

Miyerkules, Mayo 20, 2015

Hanap ng Babae sa Isang Lalake

'Ano naman ang hanap ni girlie sa isang boyet?'
Kamakailan lamang hinimay himay natin na parang balat ng hipon kung ano nga ba ang nagugustuhan ng lalake sa isang babae, ngayon sa pagkakataong ito bigyan naman natin pansin kung ano naman ang hanap ng mga babae sa isang lalake. Ready na ba kayong mga  boyet? At para mas maging makatotohanan ang ating  paksa sa gabing ito ay nagtanong  tayo sa ating mga kilalang kababaihan kung anu-ano nga ba ang katangian ng  isang lalake ang kanilang hinahanap. Kaya ikaw boyet ihanda mo na ang iyong lapis at papel at mag write down notes ka na para malaman mo kung anong katangian ang nagugustuhan ng isang chiq sa ating mga kalalakihan.

Ibig ko lamang ipabatid sa mga mambabasa ng Ubas na may Cyanide na hindi eksperto ang inyong lingkod pagdating sa mga kababaihan. Siguro, kung ganun nga ako, eh malamang hindi ako single ngayon. Pero dahil naaliw ako sa pag-aanalisa at masalimuot na imbistigasyon ng mga g usto ng mga lalake sa mga babae, eh ngayon gusto ko namang isulat kung ano sa tingin ko ang hinahanap ng mga babae sa ating mga lalake.

Hindi ito sulit.com para itanong sa mga kababaihan natin  kung ano ang hanap nila, gusto lang natin bigyan ng isang patnubay o reference ang ating mga boyet sa dapat nilang malaman kung ano ang naiibigang kaugalian ng ating mga babae mapa-labas man na kaanyuan o panloob na kaugalian. 

Ang inyo pong mababasa eh pawang mga opinyon ko lamang, mga sagot ng ilang babaeng ating mga kaibigan, kakilala, kabatian sa umaga, hapon, tanghali at gabi, mga tambay sa labas, hot moms, single moms, mom bods, teenagers, call center agents, COC players,LOL players, Tetris battle players, babaeng naglaslas ng pa lengthwise, heartbroken girlies, taong-grasa girls, grade school students at kindergarten pupils. 

Gaya ng nakaraang kong pagbabahagi ng paksa tungkol sa nagugustuhan ng isang lalake sa isang babae, alisin na natin ang mga natural menteng hinahanap ng mga babae, mga pisikal at materyal na bagay. So out muna ang guwapo, maganda ang katawan, mayaman, at ang matitipunong "Jun-jun."

Gusto ko sana ilagay ito sa "battle of the sexes' na label, kaya lang wala naman atang papatol. So anyway, ready, aim, fire! Simula na natin ito...

PERSONALIDAD

Mas kapani-paniwala kapag ang mga girlie ang nagsabi na hindi importante ang looks para sa kanila, kesa sa  mga lalake na nagsasabi nun. Pansin ko ang mga babae eh mahilig sa mga lalakeng malakas ang personalidad. Mapakomedyante, bad boy ala Robin, hindi Robin ni Batman ha, (mga ilang araw pa maglaladlad na rin yan kagaya ni Iceman) ang ibig ko sabihin Robin Padilla yung kung maglakad eh parang talangkang sakang pero may porma, meron ding may gusto na nerdox pero kayang dalhin ang sarili nila, eh ok sa mga babae yun. Maglakad-lakad ka sa mall, makikita mo, andaming magagandang kababaihan na nakikipagholding hands sa mga lalaking mataba, pandak, napapanot, nakakalbo o di gaanong kagwapuhan ang karakas.Siguro, yung ibang lalake eh ubod ng ginhawa sa buhay, pero kadalasan, kapag nakikita mo sila, ang mga babae eh masayang masaya, kahit di kaguwapuhan ang kasama nila. Ang mahalaga kasi para sa kanila, eh yung napapatawa mo sila. Sa madaling salita, hindi boring. Aanhin mo nga naman ang isang guwapong lalake kung ang bibig naman ay pawang may ilang stitches at hindi nagsasalita, aanhin mo ang isang lalakeng cute dahil sa braces kung wala naman ginagawa kung di magselfie at laging inilalabas ang bakal sa   ipen niya at mas babae pa kumilos sayo? Aanhin mo ang lalake na mas  marami pang pulbo sa muka kesa sa foundation mo sa  pisngi?

SPONTANEOUS

Minsan may mga matatagal na ang relasyon, yung tipong higit sa lima o anim na taon nang nagsasama, kulang na lang yung papel para sabihin talagang husband and wife na sila, pero ayun sabi nga ng mapanghusgang lipunan ng social media "walang forever" at naghihiwalay pa rin. Ang madalas na sinasabing dahilan ng babae eh nagsasawa na sila sa isa't-isa. Wala na kasing bago. Oo wala nang bagong dahilan, kung puwede lang sabihin na, "o sige nagsasawa na tayo sa isa't-isa puwede bang ikaw naman ang maging babae at ako naman ang maging lalake for 5 years ulet ha." Lol pero walang ganun. Pero bakit nga ba nagkakasawaan? Ganun ba yun para lang mga apps sa phone na pabago-bago ang gusto at hilig ng mga tao sa isang laro. So ganun nga ba? Para lang isang laro ang pakikipagrelasyon o pag-aasawa? Masyado nang nasanay sa isa't-isa na nakakalimutang minsan kelangan lagyan ng anghang ang kanilang pagsasama. Kailangan pagsamahin ang tamis at anghang sa isang relasyon para bang UFC ketchup. Yung tipo bang, minsan sa isang taon eh lumabas ng Maynila, o di kaya ay umakyat ng bundok at duon gumawa ng bagong junior at puwede pangalanan si baby na "Pulag", "Daguldol", "Banahaw" o kaya eh "Hibok-Hibok". O kaya naman ay gumawa ng activities kapag may date. Dagdag pogi points sa ating mga boyet ang marunong manurpresa sa kanilang girlfriend. Na kahit sampung taon na kayong sagsasama, eh may mga bagay pa rin na noon niyo pa lang magagawa.

MAY EFFORT

Maaaring kahanay na ito ng pagiging spontaneous, hanap ng mga babae ang mga lalakeng marunong mag-effort. Eto yung kadalasan na kahit taga Tuguegarao si babae eh at taga Tondo si lalake eh tatlong beses sa  isang linggo bumibisita by means of biking (joke lang siyempre). Pero siyempre may mga ganyan pa rin naman na mga kalalakihan. Ang kaibigan ko, kapag nag-aaway sila ng boyfriend niya, kadalasan ang dahilan ng away na iyon eh wala siyang nakikitang effort sa kanya na iparamdam niya na mahal  niya yung babae. Yung simpleng bigyan siya ng pasalubong na kahit kornik o mani man lang na pasalubong kapag may lakad ito sa labas ng Maynila o kaya'y paminsan gastusan naman ang mga date nila (yung tipong di na sa Chowking at SM Cinema ang lakad nila, yung sa mga Resorts World Manilaaaaaahhh na dapat ang gala boyet). Yung kapag may tampuhan sila, yung lalake yung manunuyo kahit minsan yung babae ang may kasalanan. Hindi yung lalake pa ang magtatampo at hindi mangangausap. Talagang mababadtrip sa inyo ang mga girlie pag ganyan.

MAGALING SA SHERATON BEDS AT URATEX FOAMS

Oo likas kadalasan sa mga babae ang pagiging tahimik, pero wag ka tahimik man ang mga yan, sa  totoo eh malili..... din yan. Nasa loon ang kulo. Naku, kung naririnig niyo lang ang mga girl talk ng mga yan, kapag hindi sila nasatisfy.... kawawang Jun-jun. Dahil nga inherent sa babae ang pagiging ma-chikamosa, eh kelangan mo talaga magperform, mag enduranz sa sahig ay este sa kama. Pero mahalaga talaga na kaya mong dalhin ang moto ni Juan Ponce Enrile na "gusto ko happy ka" sa apat na sulok na kwarto na kasama ang babae. Mga boyet, minsan hindi masama makinig sa mga girl talk, kasi minsan, tuturuan  ka pa ng mga niyan ng technique na ginagawa sa kanila ng partner nila. Ano nga kaya gumawa ko ng group na "Girl Talk" sa aming Intranet social media  sa aming kumpanya at magpanggap na account na bilang babae at admin. Move on na tayo at masyado nang natutuwa ang mga boyets. (:

MAHABA ANG PASENSIYA

Siguro jackpot ang mga babae kung ang nahanap nilang boyfriend eh kaya silang samahan na mag-ikot-ikot sa mall ng walang naririnig na reklamo. Bibihira kang makakakita ng lalakeng papayag na magspend ng tatlo hanggang limang oras para samahan ang gelpren mamili ng damit at sapatos. Tapos wala namang bibilhin. Feeling ko nga ang mga lalakeng kayang gawin yun eh nawiwili ring magsukat ng damit ng babae sa sarili nila. Biro lang. Ang gusto kong ipabatid ay, ang mga lalakeng ganito eh mahahaba ang sandata este pasensiya. Hindi lang naman sa pamimili, makikita ito. Alam naman nating lahat na minsan sa isang buwan, ang mga girlie natin ay nagiging aswang. So sa panahon ng kanilang sapi, dapat kami'y mapagkumbaba. O kaya naman kapag hormonal. Actually, kahit sa paglatag ng mga desisyon (pabago-bago kasi ang mga isip ng mga babae) kailangan din ng mahabang pisi mas mahaba pa sa pisi ng saranggola ni Pepe, para walang maganap na away.

Alam ko marami pa. Si Bridget Jones nga, ang haba ng listahan eh. Pakidagdagan na lang kapag may naisip kayong bago na wala sa aking listahan. 

At eto na nga ang ating mga nakalap na mga datos sa ilang mga kakilala nating nagagandahan at nagseseksihang mga girlie. Nagtanong tayo sa kanila kung ano ang mga katangiang hinahanap nila sa mga kalalakihan. At ito ang  kanilang mga kasagutan:

"Iba-iba naman kami ng type eh. pro ako, gusto ko simple lang. Minsan naman kahit wala kang magustuhan sa guy, pag tinamaan ang girl, there's no question about it kung ano ang nagustuhan nya don.

Just remember be yourself kumbaga...Magpakatotoo ka brother!" - KLARIZ

"Hahahahahahaha hindi kasi ako natingin sa panlabas. para sakin bonus na kung may maganda kang mukha o katawan. Pero ang hanap ko kasi, una, mahal di lang ako pati yung mga mahal ko sa buhay. Pangalawa, kasundo ko. Aanhin ko ang gwapo o mayaman kung di ko naman nakakasundo sa mga trip ko. At siguro panghuli, God-fearing. Naniniwala ako na mas matibay ang relasyon kung si God ang pundasyon bwahahahahah!" :)) -ANNETTE

"simple lang naman mga girls eh...we r not really after sa luxury/wealth...the mere fact that the guy loves d girl,it's a great relief na." -OSANG


"Responsible, may respeto (kahit kanino,kahit sa sarili nya), may pangarap sa buhay, Mahal ako..mahal ko rin." -MAUREEN

"What do females want? sincere and unconditional love. you have to prove to her that you want to GIVE and not TAKE. you have to convince her that you're not playing around with her feelings, that's she's not someone you just want to score with. Easier said  than done." - SUMMER

-"Mabait sa Dios at sa tao, 
-may pagmamahal sa pamilya at sa kapwa
-may kusa sa paggawa ng mabuti.
-may mabuting kalooban its means maunawain etc pag cnbng may maBuTing kalo0bAn." -GEE

"Sa totoo lang, simple lang naman ang gusto ng babae eh. gusto nila ay ang isang lalaking totoo. yung lalaki na hindi sila gagaguhin. yung lalaki na pinapakita ang tunay niyang kulay habang nanliligaw kesa ang magpaimpress lamang. yung lalaki na mamahalin at aalagaan ang babae hanggang silay nagsasama. dahil siguro kahit ang mga lalaki ganyan rin naman ang hinahanap di ba?" - BUGSBUNNY

Godfear, sweet, responsible. as long as mahal ako at kaya akong ipaglaban,. ayun po,. sken ksi bsta my mabuting kalooban at parehas nman kmi ng nararamdam ok na ako,-BELLE

"Intelligence. And personally, I abhor guys that smell like perfume factories --- why do guys insist on pouring entire bottles of pabango on themselves all the time?" - DAGNY

-sweet
-maaalalahanin
-malakAs sense of humor

-understanding                   -CATHY

"Just be yourself. walang pretentions." - RYTZ 

"Good sense of humor, patient, respectful, adventurous." -KIRSTIN

"Be sweet and thoughtful, like paying attention to the littlest things...matutuwa ang halos lahat ng girls...malaking pogi points yan!!" - STEPH

"My sense of humor, magalang, madiskarte, understanding." -JHOAN

"MABAIT MATIYAGA MASIPAG MASIGASIG." - YEEE

"Gentleman. Courteous. Generous. Light-hearted." - CAMS

-Responsable
-sense of humor
-understanding

-family oriented -SHEREE

-mabait
-responsable
-understanding

-hindi seloso      - CHRIS ANNE

"Hmm. Im not into physical aspect masyado pero gusto ko sana matangkad saken at simple lang manamit. Saka mukang mabango. Haha. Attraction first bago mafall dba.
Second, gusto ko yung nkakakwentuhan ko ng different things. Deep conversation or not. Yung pede mo yakagin kung saan. Kasi komportable ko sa kanya. Siguro sa "chemistry" nyo na lang din yon.
Third, yung hindi mapag promise. Yung tipong basta nya na lang nya gagawin kasi alam nyang matutuwa ka sa gagawin nya. Well di ba some people make promises just to buy more time. And end up na drawing lang yon." - MILCAH

Smart
outspoken

chubby - QUINCY


"May taste sa music, someone na my sense of humour, intellegence." -TINZ

"Loyal, pasensyoso/kaya sabayan ang topak ko, witty, may sense of humour." - KATHERINE

"Confident, romantic, kind and syempre stick to one." -MISAKI

"Yung marunong makisama sa lahat ng tao. Maaalalahanin, masaya kasama (joker) at yung mapagmahal sa pamilya, at yung may abilidad sa trabaho." -AIRA

-Loyal 
-Honest
-Respectful

-Understanding - APRIL

"Chubby, may sense of humor, masarap kasama at ma effort." -AAIEY

"Honest, responsible and mukang malinis.." - NADINE KRISTINE

Ayan GABRIELA has spoken, siguro naman eh may napulot na diskarte ang ating mga kalalakihan kung ano talaga ang hinahanap hanap ng isang babae sa lalake. Pero kung bibigyan  mong pansin ang mga datos halos karamihan ay hanap ay may sense of humor, eto yung boyet na masarap kasama,  masaya makipagbiruan, joker at higit sa lahat mataas ang intelligent quotient. Hindi pa rin naman nawawala ang umaasa sa forever, ba't nga naman mawawalan ng pag-asa kung posible naman. At siyempre gusto nila yung mga lalakeng may yagballs, madiskarte, naeffort at kayang timbangin ang oras sa pamilya at trabaho. Eto nga marahil ang mga pantatag na pundasyon upang magkasundo sa relasyon ang mga lalake at babae.

And everybody wants to deserve that fresh-feeling kind of relationships at siyempre kapag nagtugma-tugma lahat ng kagustuhan ng isa't-isa, magiging masaya at masagana ang pagsasama at eto na ang susunod na destinasyon ng isang mag-irog.....

Ito ang ibig kong sabihin at mailalarawan sa kanta at bidyo na  ito. Gawin natin itong theme song sa post na  ito. Maraming salamat sa lahat ng partisipasyon at sa mga invisible readers  ko na nagbabasa. Magandang gabi sa inyong lahat! :)


Mula sa bandang Eels - "Fresh Feeling"





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento