Pages

Biyernes, Mayo 15, 2015

Katarantanungan: Anong Nagugustuhan ng Lalake sa isang Babae?

'Ano nga ba ang trip ng mga boyet sa isang girlie?'
Heto ako ngayon, hindi basang-basa sa ulan pero sa pawis at nilalabanan ang bigat ng katamaran sa aking katawan, kasabay ng katamaran ang sebong bumabalot sa kaisipan kung bakit  hindi ito gumagana. Pilit  kong  hineheadbang ang ulo ko at baka sakaling   makakuha ng kahit kaunting signal para mapagana ang aking lapis at papel. Kung kaya ko lang sabayan ang dance steps ng Macarena at Rumpshaker eh kanina ko pa ginawa upang ipagpag at iwasiwas ang pagsapi  ng kaluluwa ni Juan Tamad sa akin.

Pero pipilitin ko....pipilitin ko. Ano nga ba ang magandang pag-usapan? Medyo hindi ko trip ngayon ang mga throwback na topics. Gusto ko'y maiba naman ng kaunti.

Tahimik na at makakapag-isip ng mabuti, Huwebes pa lang at bukas pa ako bubulabugin ng Friday Night Videoke Gang Squad. Bukas pa maglalabasan ang mga "The Voice" singers ng Barcelona. Buti naman, pero ayoko ng ganitong katahimikan ni wala man lang kahit isang kuliglig na naligaw para humuni, o di kaya ay yung mga butiki sa kisame na nagliligawan. Wala kahit ni isang kaluskos, di ko trip ang ganito. Minsan sa sobrang katahimikan eh hindi ka rin gaanong makakapagfocus dahil baka kung ano na lang ang sumulpot dito sa aking likuran at nakatalikod pa naman ako sa aking bintana. Baka may magbasa ng aking sinusulat sa aking tenga. Hahahaha! Pota  bukas na lang nga ng umaga mas kampante ang katahimikan sa madaling-araw kesa sa ganitong papalalalim pa lang ang gabi. May naisip na naman akong paksa kaya relax lang and  just sleep for the meantime.

Pausing my brain at exactly 11:10 pm, Philippine Standard time. May 14,2015. Magandang gabi! To be continued....

May 15,2015 @5:43 pm. Ang sabi ko madaling araw ko tatapusin pero tila sinapian ako ng poging bampira at mas piniling gumising ng palubog na ang araw. Once in a blue moon lang ako makahimbing ng ganito, napakasarap pa lang magpractice ng kamatayan, pagkagising mo ay alive na alive ka at refreshing ang pakiramdam ang masama lang eh napakasakit ng aking likod sa tagal ng pagkakahiga panay ngalay at back pains ang aking nararamdaman.

Ayos lang  at baka konting inat lang ito ang mahalaga ay nilalantakan ko itong pagkain na nakaharap sa aking sa kasalukuyan. Ngayon pa lamang ako kakain at nilagpasan ang almusal at tanghalian. Ito na nga yung tinatawag na 'Altanghap' all in one package na ang tsibog ko dito ng pinakamasarap na Chicken Curry sa buong planeta ang superb na luto ni ermats. Sabaw pa lang ulam na. Teka at baka naiinip ka na  napakahaba na ata ng aking introduksiyon simulan na natin ito...

Ang napili kong pag-usapan ay tungkol sa "ANO NGA BA ANG NAGUGUSTUHAN NG MGA KATULAD KONG LALAKE SA ISANG BABAE?", ayan CAPSLOCK para intense!!

Obvious na ang magandang mukha, malaking boobs, at mahusay na katawan ay kasama sa mga listahan, pagbigyan nating ang mga hindi pinalad. Ang mga ililista ko eh yung mga katangian ng pagkatao na gusto namin sa opposite sex. Eto yung mga dahilan kung bakit nasasabi nilang LOVE is BLIND.

*MAY PAGKAMISTERYOSA*

Meron kasing mga taong, unang kilala mo pa lang, eh ikukuwento na sayo ang buong life story niya, kahit di ka nagtatanong ng paboritong niyang kulay, pagkain at  palabas eh sasabihin na sayo, kumbaga yung mga katanungan sa isang slambook eh ilalahad na sayo habang ikaw eh  naka  nganga lang sa mga sinasabi niya . Meron namang nagkukuwento ng history ng pangalan, ang buong kuwento ng kanunu-nunuan, at kahit kuwento ng alaga ng kapitbahay ng pinsan ng aleng nagtitind ng yosi ng takatak sa harap ng building ng dati niyang pinagtatrabahuan (jusme)....in short chismosa at madaldal. Pero siyempre ayos lang din naman ang makuwento, wala naman hassle duon, pero gusto rin naming mga kalalakihan na minsan ay gumamit ng detective skills upang makilala ng mabuti ang isang babae. Yung tipong puwede mong gamitan ng Socrative method para malaman ang mga sikreto nila. Pero kapag nalaman naming may pagka-serial killer type pala sila....ibang usapan na yan. Gusto ko yung tipong lumalabas sa gabi, naka-all black  tapos pupunta sa sementeryo at maghuhubad, magbubuhos ng langis sa buong katawan at hahaplusin ang 36-24-36 na body structure at tapos eh makikita mo pala eh humahati na ang katawan sa bewang ay putaaaa, takbuhan na impaktita pala!

*BABAENG GAME*

Oh iba ang nasa utak mo hindi ganun. Not necessarily sa kama. Ang ibig kong sabihin eh, eh yung madaling mayaya. Game siya sumakay sa tsubibo, manuod ng sine, kumain sa labas, magbasketball, mag-archery, mag-karpintero at bumali ng bakal lol pero siyempre joke na itong sa huling part hindi naman Amazona ang hanap ko. Iba pa rin kasi yung babaeng hindi makiyeme yung masarap makisama ang kumaen sa isang karinderia, magtutusok ng fishballs, squidballs, kwek-kwek sa madaling salita koboy pagdating sa pagkain lalo na kapag street foods. Sa madaling salita hindi maarte. Yung puwedeng one of the boys. Ang isa sa hinahanap naming katangian at sa magiging girlfriend, eh  yung tipong makakasundo  ng kanilang mga dabarkads. Hind yung tipong  kapag kasama ang mga kabarkada at kaibigan namin, eh uupo sa isang tabi. Tapos pag pauwi na, tsaka ka aawayin.

*SIYEMPRE MABAIT*

Nauunawaan naman namin na once a month, nagbabago ang pagkatao niyo, pero kung araw-araw ang ugali mo eh parang lagi kang may tagos, eh isang malaking turn-off! "Dear  may tagos ka na naman? Isang  buwan na yan ah may dugo ka pa ba?" Masarap maging single, masarap din naman yung may ka-partner ka. Pero kung ang girlfriend namin, eh hahayaan kaming mamuhay na parang bagang single kami, eh nakajackpot kami...Eto yung mga tipo ng babae na hindi dapat pinapakawalan. Pag sinabi kong, mamuhay ng single, hindi naman yung tipong mambababae. Ang ibig kong sabihin, yung tipong  hahayaan kang sumama sa mga lakad ng mga tropang lalake o yung boy night out  na tinatawag. Hindi maldita. Papatawarin ka, kung minsang makalimutan mo ang birthday o monthsary ninyo. Hindi naman martir o linta. Pero yung tipong bukas ang isipan.

*APPRECIATIVE*

Ang gusto ng lalake eh minsan, napapansin at inaappreciate yung  mga magagandang ginagawa namin. Hindi yung puros talak na lang ng  mga kabalbalan ang naririnig namin. Ang isa pang nakakaturn off ay yung kapag nang-aaway, eh iuungkat pa lahat ng kasalanan na inamin na naman na nagawa nam in noon previous life. Please lang hindi na kailangan ng throwback sa ganitong sitwasyon. Yung tipong nakalimutan na at nabaon na sa limot ay inuungkat pa rin.

*HINDI INSECURE*

Siguro lahat ng away magkasintahan, eh nagmumula sa pagiging insecure ng mga kababaihan. Nagseselos kapag tumitingin kami sa mukha (o dede) ng ibang babae. Yung tipong palaging magtatanong kung tumataba ba sila (hindi cute yun, lalo na kung h indi kayo naniniwala sa sagot namin, at kapag sinabi mo naman "oo" mababadtrip! lol). Iba ang pa cute, iba  rin ang insecure. Nakakairita mas lalo yung mga babaeng walang tiwala sa sarili, lalo na kung namimihasa na. Kung babaeng confident ka teh, the best ka. Yung tipong, kaya mo kaming pahabulin at kaya mong paikutin ang aming mundo. Madalas nagiging bopols kame sa  mga babeng ganito, pero okay lang. Gaya ng sabi ko, kameng mga kalalakihan ay welcome sa challenge. 

*MATALINO*

Eto, personal choice ko. Ang gusto ko eh, babaeng kaya makipagsabayan sa mga usapan namin. Yung tipong may mga laman ang mga sinasabi, at hindi puros hangin lang. Tahinik akong tao, pero kapag ang babae, ay napagkwento ako tungkol sa mgabagay-bagay, kung hindi man kami magkatuluyan, eh itatago ko siya bilang isang kaibigan. 

Alam kong hindi makikita ang lahat ng ito sa iisang babae lang, pero ang mahalaga eh meron sila kahit at least dalawa o tatlo sa mga katangiang ito, okay na ako. May forever na kung ganito.

PS: Ito naman ang pinaka ayaw ko sa isang babae. Ganitong-ganito sa video na ito. Patawarin.

'Lalaki tumalon sa isang mall dahil napagod sa ka-sho-shopping kasama ang girlfriend.'

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento