Pages

Huwebes, Hunyo 11, 2015

Super Throwback: Pinoy Klasik Komersiyal Ads and Tag lines Part 1

'Super throwback Pinoy Commercial Adverstisements and Tag lines'
Sabihin mo na, na ako yung taong panay throwback ang alam, sabihin mo na sa akin na bakit di na lang ako maging Historian tutal gusto ko lang laging balikan ang nakaraan, sabihin niyo na mag-move on ako sa kasalukuyan. Ang isasagot ko lang sa inyo ay.....

'AYOKO'

Mula sa pagkain, palabas sa TV, kaugalian, kaganapan, lumang tradisyon, tugtugan at kung anu-ano pa mas dito ko nahahanap ang tunay na kasiyahan. Maaaring lipas na ang panahon pero ang memorya at puso pa rin ang pinaka mainam at pinakamatibay na recorder ng bawat sandali. Iba pa rin ang klasik na Babalu sa pagpapatawa kesa sa kakornihan ng pagpapatawa ni Vhong Navarro, mas klasik na magpatawa gamit ang mga salita  kesa sa paglulukot ng muka, pagsasayaw na parang bulate. Masaya ang physical comedy kagaya ng mga slapsticks nila Dolphy at Panchito. Masakit man isipin, ang pagpapatawa ngayon ay nanggagaling sa pangungutya ng kapwa na minsan na kahit sila pa ang mga nagaadvise na wag mang-bully ng kapwa, ang nakakatawa sila pa ang gumagawa. Minsan inililipat ko na lang ang channel dahil naaasar ako sa isang tao na kinukutya ang kapwa dahil sa hindi kagandahan o kaguwapuhan o di kaya ay may diin ang pagsasalita, kailangan talagang pintasan ang kapwa makahakot lang ng tawanan sa audience.

Pero yan ay napapagusapan lamang, ngayong gabi babalik tayo sa taong 1980's. Ikaw ba yung taong naglilipat ng channel kapag patalastas sa kasalukuyan mong pinanonood? Minsan iba-iba tayo ng puwedeng gawin kapag may mga commercial break, minsan hindi natin ito pinapanood sa halip ay may gagawing iba habang patalasta sa paborito mong pinapanood o sinusubaybayan sa TV. Boring daw kasi ang manood ng commercial, pero yung iba tumatatak sa isip nila yung mga nakakatawang tag lines. At minsan nasasambit pa kapag siya  naman ang walang magawa.

Maraming  mga TV commercial ads noon hanggang ngayon ang nagpundar sa ating ng mga alaala. Kanya-kanya ang istratehiya ng bawat komersiyal para nga naman manatili sa isip ng tao ang produkto na ito at para maging mabili. Iba-iba mula sa pinakasimple hanggang sa pinaka out of this world para lamang tangkilikin ang kanilang mga produkto. Mula sa betsin, kape, gatas, softdrinks, noodles,  mga delata,tsitsirya, tsokolate, juice, kendi, sigarilyo,  fast food chain at kung anu-ano pa. Kadalasan matatawa ka sa mga halong practical  jokes at humors, hindi mo ikakaila na minsan eh nagagaya  mo na yung  tagline  mapa-bata man, teenagers o matatanda. Diba Karen? ay hindi Gina po! Pero kung ako ang inyong  tatanungin, sa ngayon ang pinakagusto  kong patalastas ay yung sa Sogo, lahat andun na eh. Para maliwanagan ka sa sinasabi kong ito isasama ko ito dito sa listahan ng ating mga Klasik na Pilipino Komersiyals sa TV na nag ere noong dekada  80's pa. Ito ang aking mga napili base sa kasikatan ng mga taglines at ng mismong commercial.


MC DONALDS commercial "KAREN  po"

Sinong hindi makakalimot sa patalastas na ito, kung saan dalawang pangalan ng babae ang sumikat sa bansa. Si Lolo Rudy na tsumitsibog sa McDonalds ay napagkamalang si Gina si Karen. Ito ay kanyang dalawang apo pero napagkamalan niya na si Karen si Gina. Pero at the end ang pinaka paborito  niya raw na apo ay si Karen. Ano kayang itsura ni Gina? Di ko rin alam, basta ang alam ko dahil sa patalastas na ito sumikat si Karen oo yun ang kanyang screen name sa  TV at naging artista ng Kapuso si Karen Delos Santos.



PLDT NDD (Suportahan Taka)

Naging Ilonggo ang karamihan noon dahil sa patalastas na 'to. Naging biruan ang  mga katagang yan kung halimbawang may dapat gawin ang mga kaibigan o kakilala mo tapos sasabihan mo siya ng wag ka mag-alala tol "suportahan taka" in a malambing na tinig ng diyalektong Ilonggo. Dito rin sumikat ang lalaking aktor na si Christian Vasquez na sa kalaunan ay nasama sa mga mapangahas na mga pelikula noong dekada nobenta.


FITA (Kahilingan)

Natatandaan mo pa ba ang fairy at ang pulang sports car? Napapangiti ka noh? at sa isip isip mo gusto mo rin na humiling ng kahilingan na sports car.









NESTEA (Take the Plunge)

May kanta pa ito eh, personal na paborito kong commercial. Gusto ko sanang gayahin pero alam kong wala naman  talagang tubig na sasalo sa akin kapag naglatag ako ng kumot sa damuhan sabay magpapakahulog ng nakatalikod habang may iniinum na Nestea iced tea. Oh kanta na, "Take the nestea nestea plunge, take the nestea iced tea plunge."




PUREFOODS TJ HOTDOG (Goodbye Carlo)

Isa sa the best na klasik commercial, kung saan merong isang chubby girl na mas pinili niya ang pagiging chubby niya sa pagpili sa hotdog kesa sa magdiet siya pa ra ma-impress ang ultimate crush niyang si Carlo. (Si Carlo nga pala si Patrick Garcia na sumikat bilang teen star noong dekada nobenta)





COKE (The Beat, 2003)

Kung meron lang pagalingan sa paggawa ng jingle na song sa isang commercial walang tatalo sa Coke. "Get's mo na?  gets mo na? aahhhhhh Coca cola!"




POP COLA (Tama ang Timpla)

Sweet na cheesy pa yan naman ang banat ng Pop cola with petite teen darling Aiza Marquez. Ito yung lalake na naging instant poet nung tinanong siya ni Aiza ng, "Bakit mo ko love?" Pero sa mga banat ni lalake eh nalumaan si cutie. Sakto naman ang paparating na delivery truck ng softdrinks at duon niya nakuha at sinabi ang tagline na "tayong dalawa, always tama ang timpla. <3" 





DRAGON KATOL 

Their slogan still remains in my mind until now. Although wala na yung brand ng katol sa kasalukuyan eh hindi ko pa rin makalimutan yung tagline ng Amerikano. Natatandaan mo pa ba ito "Dragon Katol, lamok seguradong teypok." Haha!  klasik tol!




CHIPPY COMMERCIALS

Cool, barkadahan, group study na walang napapatunguhan, takutan at siyempre pag nguya, ngasab at lunok ng number 1 tsitsirya ng aking kabataan, ang Chippy! (yung red!)




SAN MIGUEL BEER (Sabado Nights, 1995)

Ito na yata ang pinakamaraming commercial sa bansa, Sa lahat ng okasyon meron alak eh. Pero ang hindi ko makakalimutan yung kay Ina Raymundo. The best! Dito ipinahihiwatig ng patalastas na kapag Sabado siyempre alak days at maraming chics! Sumikat din ang kanta ng bandang Rizal Underground ang "Sabado Nights". At dito rin nabansagan si Ina na Sabado Night girl! 




PALMOLIVE (I Can Feel It, 1987)

Lifetime na crush ko talaga itong si Alice Dixon, ang babaeng hindi kumukupas ang kagandahan hanggang ngayon. Walang makakalimot sa commercial na ito dahil sa pamatay na pag-shake niya ng kanyang shoulder habang naliligo at isinasambit ang katagang "I can feel it!"



CAMELLA HOMES (Sikip)

Natatandaan niyo pa ba ang batang kyut na si Chacha? Sa commercial na ito eh feeling niya nakatira pa rin siya sa isang bahay na masikip, kulang sa space at kung saan ni hindi man lang siya makapag-inat, pero narealize ng bata na malaki na pala ang kanilang salas, malawak na ang galawan at makakapagstretching na siya ng wagas. Narealize  niya na nakatira na pala sila sa Camella homes. Naging sikat sa mga bata yung commercial jingle na "Bulilit, bulilit".


FAMILY RUBBING ALCOHOL

Wala nang luluma pa dito, buhay pa sila Lolo at Lola hanggang ngayon sikat pa rin ang tag line ng  komersiyal na ito, "di lang pampamilya, pang isports pa!"



MILO (Milo a day)

Kasikatan noon ni Ms. Bea Lucero sa larangan ng gymnastics, sa lahat ng commercial ng Milo, the product aims all children to bring up their talent in sports. Pakita mo galing mo ika nga and never give up. Dito rin sumikat ang tag line na "great things start from small beginnings."





BEAR BRAND (I remember yesterday)

Di ko makakalimutan ito, naging tampulan ako ng pang-aasar ng mga klasmeyt ko noong elementary dahil sa tag line na "Look at my mole", punyeta hahahaha! Muntik na ko mapaiyak sa paulit-ulit nilang pang-aasar. May mole kasi ko sa pisngi na kasing-laki ng Jupiter. Old school sa pinaka old school na commercial.




ROYAL TRU ORANGE (Kuya)

Biglang lakas ulet ng loob ni kolokoy nung nalaman niyang kuya lang pala ang kasama ni Jenny dahil inaasar na siya ng mga kaibigan niya na boyfriend ni Jenny ang kasama niya. I forgot this guy's name ang alam ko lang sumikat siya sa pangalan sa komersiyal na ito na "Joey."  Natatandaan ko pa rin siya dahil writer na siya ngayon at nakita ko yung libro niya sa National Bookstore kamakailan lang.



SEIKO WALLET

Kung totoo lang na may masuwerteng wallet di ako mauubusan ng pera. Yan ang Seiko wallet ang wallet na masuwerte. Kilalang kilala ang jingle at memorize ko pa rin ito ngayon kesa sa mga kantahan ni Justin Bieber.



SOGO (Group study? tara na sa Sogo!)

At sabi ko nga isasama ko sa ngayon ang pinaka paborito kong ad commercial. Ito yun eh andito na lahat. (=



At yan lamang ang  aking mga listahan sa ngayon. Sana'y nasiyahan ang aking mga invisible na readers sa pagbabalik tanaw ngayong Huwebes. We became a time traveler again  just for a little while. Nawa'y napangiti ko kayo kahit sa papaanong paraan at sana'y sa mga patalastas na ito ay may mga  naibalik at may mga naalala rin kayong mga bagay bagay sa inyong mga sarili. Pero, wait there's more!

Kaunting kasiyahan lamang, ibibigay ko lahat ng taglines na may  katumbas na bilang, mula sa mga taglines na ito , hulaan niyo kung anong komersiyal o produkto ang mga linyang mababanggit. Puwede po kayo sumagot sa comment section at lagyan niyo rin ng bilang ang sagot niyo sa katumbas na bilang ng mga tanong! Hasaan ng memorya at walang Googelan! Go!

Guess  the tag line  of Pinoy commercial advertisements (Noon at ngayon)

1 swak sa sarap
2 for quality you can trust
3 a bite sexier
4 sukob na, halika na, sabay tayo sa payong ko
5 I use this in the states
6 nothing escapes
7 see the clean, smell the flowers
8 wala pa ring tatalo sa -
9 to be sure you get the right quality, look for the bird
10 the car paint of the future today
11 may bisa ng powder brush and bleach
12 accept made to order pants and barong finished within 6 hours
13 now you’re talking
14 let’s talk
15 because first impression lasts -
16 ang order ni misis
17 ako si elsa
18 ngiting panalo
19 it’s everybody’s milk - 
20 pumiti na ako in just 4 weeks
21 let’s share a refreshing feeling
22 kontra biyahilo
23 how many zebra will cover with that paint?
24 sarap ng giniling na kape in an instant
25 seriously delicious
26 the cooking milk
27 ikabupini manicura
28 sarap gisado, nalalanghap
29 takbuhan ng bayan
30 ang mantsang di kaya ng iba, tanggal sa unang laba
31 bog-chi
32 when you’re hungry
33 no film. what?
34 keeps on absorbing even when wet
35 simut sarap talaga
36 aba bert, alagaan mo naman ang sarili mo
37 even when there’s milk around
38 bridesmaid ka lang
39 sa bahay namin anim ang toothbrush
40 connecting people
41 tough on worms, gentle on kids
42 ito ang tunay na wonder
43 pinipili ng mapiling ina
44 pure asim
45 brings out the best in you
46 belly good, belly bad, belly cute
47 keeps breath fresh naturally
48 lemok seguredong tepok
49 pasalubong ng bayan
50 it’s the socks of the future today
51 you got the message
52 dito na tayo sa totoo
53 going and going and going and going
54 kasi wala siyang sawang magmahal
55 may equality for all
56 more light into your life
57 di lang pampamilya, pang-isports pa
58 mother, father, brother, sister
59 mag-iodized salt tayo, o ha! Let’s doh it
60 IQ plus, Taurine plus
61 charlie balakubak, excuse me!
62 hindi tulad ng iba John!
63 kausapin mo yang si Katrina, sumosobra na siya
64 walangkasingkulayangbuhay
65 pitong beses man gamitin
66 how thoughtful
67 sure ako dito
68 we serve satisfaction
69 Class, what is Anatomy?
70 when you care enough to send the very best
71 ang mundo ko, sana makita mo
72 happing happy din ang mga pig
73 hindi lahat ng pinaniniwalaan ay totoo
74 the whey to amazing babies
75 share and enjoy
76 may lukso ng dugo, may igting ng damdamin
77 now you can dance for joy
78 ang gaan gaan ng feeling
79 our signature is your assurance
80 bagong ligo ang pakiramdam
81 ikaw lamang wala nang iba
82 I love you sabado
83 sa bukid walang papel, kiskis mo sa pilapil
84 isang patak kaya sankatutak
85 by the way, it’s tricia
86 Have a break
87 share the moment, share life
88 hello metro manila, we’re cooling you in style
89 mom, I’m hot
90 meron na akong BF. Hihihi. Bestfriend
91 breakfast, mukhang éclair? Bulingge ito
92 partner natin, partner ng buong bayan
93 ang hari ng padala
94 siksik sa cake, siksik sa sarap
95 I haven’t zip my fly in 3 years
96 Saucy!
97 kagandang mo’y nakakabighani
98 iron strenght for women
99 for that standout shine
100 pinyakamasarap
101 sikreto ng mga gwapo
102 the make up of make up artist
103 kakambal ko na si Kristine
104 pa-cool ka dyan
105 all beef pattie special sauce lettuce cheese pickle onion on a sesame seed bun
106 tatawag ako sa america, linya ay kay linaw, kay bilis ng tawag
107 the freshmaker
108 you’re in good hands
109 for olympic energy
110 in kainin, in dalhin
111 that’s the taste of magic
112 no survivors
113 kombinsing
114 labadami, labango
115 put some e in your life
116 go nuts with a crunch
117 sweet sour and salty
118 I swear kumapal ang buhok ko
119 kape lang ba? O may ibig sabihin ka
120 take the plunge
121 creams like no other cream can
122 pretty tasty for something healthy
123 snow on the mountains, repeat, snow on the mountains
124 for the world’s no. 1
125 you make a rainbow, a choco rainbow
126 it’s the deo that whitens
127 flawless
128 for every body’s good
129 the munching never stops
130 the brand more dentist use
131 twist, lick, dunk
132 prevention is better than cure
133 I can feel it
134 prove it in 10 days
135 generation next
136 got taste
137 let’s make things better
138 ang photoshop ng bayan
139 dikit dito, dikit doon
140 makin’ it great
141 totally magnetic. make your move
142 aru dugo dugo gang kayo
143 ok linya mo ngayon ha
144 the mint with a hole
145 ponken na ponken
146 tayong dalawa, always tama ang timpla
147 tatagal ka ba?
148 once you pop, you can stop
149 goodbye carlo
150 bring home the excitement
151 dulot ay kakaibang ganda mula ulo hanggang paa
152 ito ang lakas, ito ang tama
153 maganda ang handbag
154 buhay ang dugo, buhay ang lakas
155 wala ba kayong mga kamay?
156 ano nga ba iyon?
157 may mas bida pa ba?
158 ito ang gusto ko
159 superior skin germ protection
160 simply the best
161 sabado nights
162 wannabe ka ba o wanna be iba
163 fumbling so soon
164 secure ang success sa iyo
165 it must be good
166 ang wallet na maswerte
167 you simply must
168 panakip butas na lamang ang
169 singbilis lang ng pag-shower ko
170 we got it all for you
171 6-3-3-9-9-9-9
172 always there for you and me
173 simply amazing
174 you love to eat vegetable
175 also a toughie
176 wala akong tibay na maasahan
177 who’s there ba? They’re so ingay
178 balikat ng bayan
179 absolutely everybody
180 masarap kasama
181 talagang trip kita
182 wais
183 yan ang galing without over spending
184 pour on the good times
185 I found gold in the philippines
186 kilabot ng mga ponkan
187 the only newspaper you read from cover to cover
188 kung mukhang imposibleng paputiin
189 tawag na
190 maganda si Mary pero may an-an
191 ang proteksyon ng bayan
192 galing sa dodo ng cow
193 bilis galing, sarap tulog
194 if you don’t look good, we don’t look good
195 it’s a girl thing
196 the unique health drink
197 yc is for you
198 there can only be one first, one original
199 teka sama ako
200 oks na oks

1 komento: