Pages

Lunes, Agosto 24, 2015

Nostalgia: Love Bus, Save Gas, Ride on a Love Bus

Pamasahe: 'P2.50, air conditioned, relaxing seats, mellow tunes, spacious bus. Angkas na! san ka pa? sa MRT?'

Touch down 1980's.

Pustahan tayo yung Nanay at Tatay mo kung taga Maynila ay nakasuot pa ng mga bell bottom pants at nagdedeyt sa paglubog ng araw sa Sunken Garden. Karaniwan kasi diyan o kaya sa Luneta ang tagpuan noon ng magsising-irog. Siguro noon magkaroon ka lang ng 100 pesos eh solve solve na kayong dalawa sa date niyo ni girlie. Magkano lang ba ang pagkain noon, ang bulaklak, tsokolate, sine, extra food na puwede itake-out sa Kowloon House para sa mga relative ni giliw. Kung ibabalik man ang lumang panahon sa kasalukuyan eh meron akong mahigit sa isandaang piso siguro hmmmm... pero wag na lang  wala naman pala akong idedeyt. Di bale na lang magmahal ang  mga bilihin. 

Isa pa sa nakakaginhawa sa buhay ng mga Pilipino noon eh ang pamasahe, tohl kung sasabihin ko sa inyo kung magkanong pamasahe ang naabutan ko, eh pagpipiyestahan niyo na naman ang edad ko at may magtatanong na naman na, "oh ilang taon ka na ba?" Leche!  taon-taon ko na lang naririnig yang tanong na yan. Pero para sa kaalaman ng karamihan na sumusubaybay sa Ubas na may Cyanide (feeling ko lang kunyari may sumusubaybay) ang naabutan kong pamasahe noong ako ay nasa elementarya pa ay P1.50! pangkalahatan yan. Astig di ba? Eh paano pa kaya kung estudyante ka? baka sentimo na lang ang bayaran mo. Nakakatuwa lang talaga noon. Okay pa ang mga tambutso ng mga jeepney, bus at iba pang sasakyan, sa madaling salita wala pang smoke-belching. Di ka tulad ngayon talamak ang itim na usok sa kalsada wala nang  pakealamanan kung malanghap mo yan, umubo ka na lang at bahala ka sa buhay mo.

Naalala  ko pang ang aming field trip noon na binisita namin ang pagawaan ng Sarao Jeepney Motors sa may Las Pinas, kung saan ipinakita sa amin ang iba't-ibang disenyo ng sariling atin na jeepney. Magaganda, magagara at makukulay libreng sakay na may picture-picture ang naging kaganapan. Kung uso na nga lang ang selfie noon malamang maraming nakapag selfie. Pero buti na lang hindi. 

Kung meron akong lubos na ikasasaya na sasakyang pampasahero ay itong sasakyan na kulay asul, may guhit na puti, may mga disenyong pusong kulay pink at may malaking puso na kulay pula at mula sa pusong iyon ay nakatatak ang salitang "Love Bus" sa isang puso naman na kulay dilaw ang nakasulat sa loob ng pusong iyon ay "Save Gas."

Mike Pedero - "Love Bus" <3



Paano nga ba naging espesyal ang Love Bus noong dekada 80's?

Naging kilala ang Love Bus dahil  na  rin sa kagandahan ng kanilang serbisyo ang Metro Manila Transit Corporation o MMTC, ito na ata ang pinaka disiplinadong bus company  noon. Ipinanganak ang Love Bus sa rehimeng Marcos kung saan sa ilalim ng Martial Law pumapasada ang bus na ito. Para sa mananakay napaka-cool ng bus at napaka risonable na rin ng pamasahe sa halagang P2.50 sa rutang Ali Mall-Escolta-Ayala. Isa sa pinaka unang bus na nagbigay lamig sa  mga pasahero. Air  conditioned class sa halagang P2.50? san ka pa   toohl? Maraming nabighani sa bus na ito lalo na yung mga Nanay at Tatay natin dahil karamihan daw ng sumasakay sa Love Bus ay  mga magsising-irog sa upong pandalawahan lamang. Napakalinis daw ng bus na ito, maluwang ang loob at ang mga tugtugan ay mga mellow tunes sa built-in na stereo speakers. Iba daw talaga ang aura sa Love bus, ramdam mo ang pagka-relax dahil ang ilan galing nga sa kani-kanilang trabaho. Actually meron theme song ang bus na ito sila lang ang meron niyan tohl! 

Pero katulad nga ng kasabihan ng mga jejemon na netizens "walang forever", kaya ang Love Bus bigla na lang nawala sa kawalan pati yung mga double decker na umiikot sa Maynila at Luneta ay bigla na lamang naglaho ng lumaon ang panahon. Yung bus na disiplinado at kumportable ang mga tao ay napalitan na ng mga bus na ang driver ay mga beast  mode, sobrang kakapal ng usok na tambutso at dadalhin ka sa hukay kung magpatakbo, hindi ba ambulansiya ang nasakyan ko sa  tuwing maluwang ang kalsada? May theme song din ang mga bus sa kasalukuyan, ito yung kanta ng AC/DC na "Highway to Hell". 

Wala kang choice kung ayaw mo sa MRT (Mamamatay Rin Tayo) na palalakarin ka sa riles ng tren kapag nasira, eh di mag-bus ka o kaya magrekwes ka ng seat-belt. 

Martes, Agosto 18, 2015

BDAY Feels: Isang Pasasalamat

'Kahapon lamang sanggol pa ako,  ngayon kumikirot na ang mga tuhod ko'

Birthday mo toohl?  oh ilang taon ka na?

La Punyeta!

Itong tanong na ito sa tuwing kaarawan mo ay maikukumpara sa pagbati sa'yo ng "uy, tumataba ka ngayon ah" ng isang kaibigan. Puwede wala na lang tanungan ng numero? Itataya mo ba sa lotto? Okay na ko wag mo na lang tanungin, pero sige sasagutin kita. 21!

Sa totoo lang  ako talaga yung taong may birthday blues. Ayoko kasi yung taong ayaw ng birthday, kahit anong okasyon ang icelebrate natin na kasama mo ako okay lang,  kahit pa Halloween yan o Araw ng mga Patay sasamahan kita, o kahit Flores de Mayo ng mga bakla okay lang 'tol kasama  mo ako, wag lang talaga i-selebra ang sarili kong birthday.

Pagsampa ng Agosto, sa tuwing papalapit na ang aking kaarawan sumasakit ang ulo ko, sinabi ko na ito minsan sa isang post sa aking blog,  sa tuwing malapit na ang disi-otso ng Agosto ay ang tangi kong nasa isip ay Gilette Ruby, hindi dahil gusto kong mag-ahit pogi, kung di dahil gusto kong maglaslas ng pulso pa-lengthwise (para di gaanong masakit, at para walang tamaang-ugat), o di kaya ay mag Russian  Roulette, o tumawid bigla sa highway habang humaharurot ang isang ten wheeler truck. Ayaw na ayaw ko makakakita ng cake, ispageti, karbonara,ham,bacon at ice-cream na Hagen Daz. Pero di naman talaga ko nakakakita niyan kasi wala naman talaga akong pang-handa. At pinangigigilan ko rin ang mga kumakanta sa akin ng Happy Birthday, nakakapagpanting ng tenga. Gusto ko talaga pasakan ng bulak ang tenga ko, pero siyempre nakakahiya din sa effort nila ng pagkanta ng sintunadong Happy birthday to me. Eto pa isa, ayaw na ayaw kong makakakita ng nakakairitang mascot. Ayoko si Jollibee, dahil mukang spoiled brat ang gago, ayaw ko si McDonald dahil gaya gaya ng make up sa idol kong si Joker, ayaw ko rin yung hayup na dinosaur na yan na kulay ube, san ka nakakita ng dinosaur na kumekendeng kendeng at ginagaya ng mga batang lalake  na paglaki eh nagiging kulay ube na rin. Hah! di bale ilang oras na lang at matatapos na  rin ang kahibangang ito.




Dapat Happy death day to you, eh paano ba naman habang nadadagdagan ang edad mo mas lalo kang itinutulak sa hukay, hindi ka man ma-deads sa sakit, murder, accident o kung ano man sa katandaan ka na matetegi. Tignan mo ah:

EDAD = DEAD (tegi bells x_x)

Kung puwede lang maging ako si Benjamin Button na pabalik kung magbirthday okay lang, kantahan mo ko ng happy birthday buong taon okay lang, ngingiti talaga ko sa mga galawan ni Jollibee habang inuuto niya ang mga bata sa mga istilo niya na pagpapatawa, wala akong magiging problema kay Barney and friends. Pero hindi ako yun, kasi nga curious case nga lang at madalang. Pero ano kaya bumalik din kaya sa kuweba ng nanay niya. Ay, wag na lang kung ganon, ayaw  ko nang maging si Benjamin BUTT on! Di bale na.

Ano nga ba talaga yung tinatawag na Kaarawan?

"Araw ko ngayon eh", uyyy mars, may dalaw ka? meron ka ngayon? "Tanga, hindi yun ibig kong sabihin birthday ko ngayon!"

"Ay ganun pala, eh ilang taon ka na?"

Punyetaaaaaaaaaaa eto na naman! 

Pag ang tao daw ay isinilang sa mundong ito.....doon nagsisimula ang kanyang kaarawan. Napaka dangal ng lumikha, pasalamat tayo sa Buong Maykapal na tayo'y pinagbigyan ng buhay para tumira sa mundong ito na maki baka sa ano mang klase na buhay ang meron tayo.

Sa tuwing unang taon ng ating kaarawan, mayaman man o mahirap, ang mga magulang natin lalo na ang mga Nanay natin  ang nagdala sa atin dito sa mundo ng siyam na buwan. Siya ang nagpunyaging maghanda para sa kanyang anak.

Unang taon! ikaw  tanong ko sa'yo tanda mo na ba kung anong ginagawa mo noong unang taon mo sa Plaent Earth? Malamang panay iyak ka lang o di kaya ay laging hinihele ni nanay sa duyan. Ako  ni hindi ko maalala ang mga unang araw na iyon lalo na kung wala  tayong larawan na nakapaskel sa mga album. Ang mga larawan ang nagmimistulang timeline ng ating paglaki. Pustahan tayo may mga ganyang kang project noong highschool o kolehiyo sa Sociology na kailangan mangumpleto ng larawan simula fetus ka pa lang hanggang pa-graduate mo ng hayskul. Meron di ba? Masayang balikan ang mga album na larawan dahil maraming alaala at etong darating na Huwebes, siguradong may mga ipopost na naman tayo kasi Throwback Thursday na naman.

Lahat ata sa mundong ito ay nakagawian ng humanda pag araw ng kaarawan, tayong mga Pilipino ay may kanya kanyang bansag o kwento kapag dinadaos ang ating araw (Birthday). Meron diyan isang buwan pa lang bago dumating ang kaarawan ay naka plano na kung anong lulutuin, kung sino sino ang dadalo, kung saan idadaos, an ong susuutin, at marami pang dapat isakatuparan. Lahat ng iyan ay kung may pera ang mga magulang. Meron din naman na ipangungutang pa ng magulang ang pagdiwang ng kaarawan, at dahil na  rin kasi na tradisyon na sa at ing mga Pilipino ang idaos taon taon ang kaarawan.

Gusto ko ay simpleng pamamaraan lamang, kaunting handa, magsimba at magtirik ng kandila at magpasalamat sa lahat  ng biyayang natatanggap sa loob ng kung ilang taon ka nang nabubuhay sa mundo. Hindi ko kailangan ng magarang damit, maraming pagkain na kapag hindi naubos ay itatapon at itatambak na lamang sa basura o di kaya ay makatanggap ng mamahaling regalo. Kung regalo man yan ay mapalad na akong mayroong erpats at ermats na nagturo sa aking ng pinakamamahaling regalo na hindi matutumbasan ng kung ano man. Ang mga gintong-aral na mas gold  pa sa Gold Extreme at Global Intergold na mga lecheng networking na yan. Hindi ko naman sinasabi na perpekto akong matino, pero sapat na sa aking ang mga tools ng kagandahang aral  na iniwan ni erpats para ako'y hindi maging salot ng lipunan.

Pero eto na nga, meron lamang sapat na handa, wala akong programa para ipagdiwang ang birthday  ko. Ganon pa man,   kahit siguro sa pinaka-payak na dahilan ay naging makabuluhan ang araw na ito para sa akin. Naging masaya ang aking kaarawan dahil sa mga bumati sa akin sa pamamagitan ng text, tawag, comment sa blog, twitter at syempre sa facebook. Nakakatuwa lang dahil kahit mga hindi ko personal na kilala ay bumati rin. At nagpapasalamat ako sa mga kontribusyon nila para maipalaganap ko ang blog na ito.

At dahil sa sobrang kagalakan ko a y minarapat kong ilagay at ipangalandakan lahat ng pangalan ng mga bumati sa akin. Maraming salamat muli:


Jessie Castillo Garcia 
Nadine Kristine De Leon
Gio Nello Balba
Arci Lemi
Sir Santi Pido
Danna Domingo
Maricar Artoza
Maianne Azalea Creencia
Clarise Punzalan
Philip Emmanuel Abrazado
Denz Bulatao
Maureen Constantino
Camille Revillame Aure
Ysha Trisalbon
Sir Lodel Millo
Geraldine Escario
Gee Purificare
Joy Nino Sarmiento
Aileen Onda
JM Alonzo
Jacq Jarin
Arjay Legaspi
Aron Hinanay
Mischelle Bianca Zamudio
Elvin Manuel
TL Shei Carena
Lourdes Pacis
Princess De Castro
Ludie Lyn Ibarra
Thet Alcodia
Ericson Julian
Sharmaine Baile
Janelle Miranda
Sir Rey Javier
Francis Saria
Dyigs Diego
Cris Taping
Lordjei Valgius
Tropang Metal
Earl Angelo Chua
Jhec Villanueva
Henric Floranda
Charilou Faldas
Lorena Robles
Shierwin Magcalas
Sir Romeo Parcero
Jehlaii Lingo
Wymark Gerodias
Matchbox Aquino
John Carlo Miranda
Glenn Santiago
Kyle Cristobal
Cathleen De Ere Barzaga
Dih Ambagan
Ken Munar
Michael Planas
Camille Villanueva
Ron Surbano
Belle Osorio
Yhanna Asoque
Katrina Nina Yap
Hazelle Madarang
Hannah Alcantara
MJ Custodio
Celine Jasmine Ohoy
Toni Claudio
TL Catherine Sto Domingo
Team Jukely
TL Philamie Castillo
Camille Trasmonte
Angela Carola
Mak Villaruel
Kenneth Camerino
Irvin Flores
Jose Louis Cesista
Alyssa Vergara
Chris Ann Penaranda
Abegail Manalastas
John Veil Raz
Jorene Abagon
Eljhay Escano
Mam Joy Penecilla
Team Homejoy

Muli, ako ay nagpapasalamat sa lahat ng bumati at nagbigay ng halaga sa aking kaarawan. 

Maraming Salamat  po! \m/





Biyernes, Agosto 14, 2015

Sleeping Child

'Ohhh my sleeping child, the world's so wild but you build your paradise.'

Halata bang hindi ko na pinag-isipan ang title? Ayos lang yan yun naman ang ginagawa niya sa  larawan.... Ssshhh wag ka maingay pagmasdan mo na lang siya at palawakin ang tanong sa iyong isipan.

Gasgas na kung sasabihin mo na kasalanan na naman ito ni Noynoy at ng kabuuan ng gobyerno ng Pilipinas. Nakakasawa na kung sisisihin ko sila paulet-ulet sa nadaanan kong ito kumakailan lang. Sa totoo lang, di ko na ito binibigyan ng pansin. Sanayan lang siguro. Likas talaga sa akin ang pagiging passive. Walang pakialaman ata ang motto ko since Grade 1 - Camachile. Magdukutan man kayo ng mata o magsaksakan ng bituka sa harap ko....--bahala kayo diyan. Kaya't siyempre tuloy ang lakad.

Pero diresto man ang hakbang, lumilingon naman ang isip. Naging instant head turner ang isipan ko sa nadaan kong ito. Pinuputakte tuloy ng mga katanungan ang aking kukote. Wala na ba 'tong magulang? Lumayas ba 'to? Nagugutom? Malamig ba ang semento? Anong oras na ba? Late na ba ako?



Tuloy ang lakad.

Jacky walker.....

Ano bang klaseng pakikialam ang dapat gawin ng taong dumaan lang. Gigisingin mo ba? Kakausapin? Matitigil ba ang korapsyon sa ating bansa? Yaan mo na. Inaantok lang yan, andiyan lang ang magulang niyan. Hayaan nating maabot niya ang kanyang mga pangarap kahit sa panaginip man lang.

Tuloy lang ang lakad.

Sana dumaan dun yung DSWD. Yung chairwoman na mataba na laging nagpapalet palet ng kulay ng kanyang bangs, hindi si Dinky Doo ang tinutukoy ko kungdi si Dinky Soliman. Ma'am daan ka naman dito. Sana siya na lang ang bahala dun kung ano ang dapat. Yan naman ang trabaho nila di ba? E paano kung dumaan nga, at gaya ko....tuloy lang din ang lakad......


Martes, Agosto 11, 2015

The Boys 101: Anong alam ng mga Girlie sa mga Boyet?

'4n6 xH4kit xh4k!t nUah fRi3nD'
Sa petsang Agosto 11, alas diyes y media, gabi.

Panahon na para isiwalat ang ating mga saloobin, hindi ako Diyos ng mga kalalakihan para iwaksi ang mga tunay nating nararamdaman para sa mga babae. Hayaan niyo na lang maging gabay ang ating panulat sa mga bagay-bagay at hinaing natin sa piling ng mga kababaihan.

Eto na mga pare ko.

Sino nga ba kame? Anong alam niyo sa mga boyet?


1. Pinagmamalaki namin ang mga babae sa  buhay namin sa harap ng maraming tao kasi 'yon ang gusto nila. Totoo namang sunud-sunuran lang ang mga lalaki, wag na wag lang magkaroon ng away. Dahil kapag nagkaroon ng away, siguradong  olats ang mga lalaki. Kung kame ang tatanungin, mas gusto namen na ipagmalaki sila ng hindi nila nalalaman - di dahil gusto namin manglandi ng iba. Gusto namen i-preserve ang babaeng iyon para lang sa amin.


2. Wala ng mas sasaya sa amin kapag nakikita din namin ang mga kababaihan ang nag-eeffort. Kasi nakikita naming naaappreciate lalo ng mga babaeng ganoon ang effort na ginagawa namin para sa kanila. Hindi 'yung kami na lang ng kami'. Pero hindi naman sa nagrereklamo o napapagod na sa ganoong sistema, pero kung lagi na lamang ganun ang mangyayari matutuwa ka bang pinagtatawanan ng ibang tao ang boyfriend mo at tutuksuhing "ander" at "takusa"?


3. Mas magaling kame mag-pretend. Hindi masama ang pagbaba ng pride, dahil ito ang bumubuo ng aming pagkalalake. Hindi niyo alam na kapag mag-isa ang mga lalake, hindi man kame umiiyak, kayo ang pumapasok sa aming isipan. Hindi narerealize yan ng mga girlie kasi sarili nila ang madalas nilang isipin kung tungkol sa relasyon ang pag-uusapan.


4. Ang nagpapaturn-on samin ay 'yung babaeng kayang tumayo sa sariling paa, pero hindi ibig sabihin ay disabled. Ayaw namen ng mga pabebe epek kasi nakakainis. Ang gusto namin ay 'yung makakasama sa paglalakbay, hindi 'yung kailangan mula simula kami ang aalalay.


5. Gustong gusto namin 'yung mga babaeng malaki ang respeto, at sa paraang iyon ay rerespetuhin din namin sila at ibibigay 'yung "kiss on the forehead" na gusto nila. 

Boyet <3 Girlie

6. Hindi talaga kame magaling magtago. Kung magaling, e bakit nakakapagbigay kayo ng pagseselos? Oo sabihin na nating ang puso niyo ay sa amin lang kahit makakita kayo ng 1M na mas gwapong lalaki, may chance pa rin na sa 1M na 'yon, may isa din dun na mapupukaw ang atensiyon mo. Magaling lang kayo magtago. 


7. Ayaw namin sa mga nililigawan namin ng ubod ng tagal. Nagmumukhang paasa. Pero sa totoo naman paasa lang naman talaga silang lahat sa umpisa. Gusto kasi nila may marinig muna bago kami kilalanin.


8. Ayaw namin ng nanlalambing,  hindi dahil sa  tinatamad kami o may nagugustuhan kaming iba, dahil alam naming masama kapag napasobra kame, masyado kayong kumukulit lalo, parang mga pusang babae na kapag kinanti mo ang buntot e hindi titigil.


9. Kawawa ang mga lalake lalo na sa text, kapag may ginawa daw kaming mali kahit hindi naman namin alam. Minsan dapat din intindihin ang aming side, hindi yung parang mga armalite ang bibig at hindi man lang nabigyan ng chance makapagpaliwanag.


10. Sinungaling. Oo sabihin na nilang kami ang pinakamasamang uri ng tao sa mundo pero ginagawa lang naman namin ang pagsisinungaling na ito para maiwasan na makasakit ng inyong damdamin. Kung minsan hindi na lang namin pinapansin kung ano ang nakita namin, para wala ng masyadong usap.


11. Mas seloso ang mga boyet. Natural nakikipag-usap kame sa mga girlie, hindi naman maiiwasan yun dahil dalawang uri lang ang tao sa mundo, ay may LGBT pala. Ang hindi lang alam ng mga babae, kapag may kausap na iba ang mga girlfriend nila, kahit na babae din 'yon ay nagseselos rin ang mga lalaki. Babae lang ba may karapatan magselos? Selfish din kame mga maarrsss. Hindi lang siguro natural na showy o masalita ang lalaki sa ganyang bagay.


12. Moody rin kame! pero hindi pinapahalata, ayaw lang namin makahawa ng iba sa aming mga saloobin. 


13. Kapag maingay kame, sana wag killjoy, sana sumasabay kayo. Gusto namin ng masayang buhay, at ang pagtawa man minsan ay nagsisilbing panandaliang pagtakas sa aming mga problema. Gusto namin sa  hirap at ginhawa nandiyan ang mga babae, kailangan man ng yakap o ano, basta ang gusto lang namin kasama lang sila. Tapos.


14. Ayaw  namin sa mga babaeng pakipot sa text. Kung mahal niyo kami, sabihin niyo. Nakakainis na parang alipin ang tingin sa amin. Yun pa naman ang isa sa ayaw ng mga lalaki.


15. Ang pangarap naming mga lalaki ay mapakilala sa mga taong malapit sa buhay niya, hindi para angkinin ang isang babae kundi para malaman ng mga taong iyon kung gaano kami kapursigido na maging kalahating-bahagi sa buhay ng isang babae.


Meron pa ba kayong gustong malaman? Magandang gabi sa lahat! 

Sabado, Agosto 8, 2015

Dirty Laundry II: Planggana't-Pag-ibig

'Hatid ng init ang papawi sa kalungkutan ng aking mga sinampay.'

Ang bukambibig ng karamihang bruskong lalake eh nakakasira daw sa pagkalalaki nila ang paglalaba. Bakit? yung batuta mo ba ang gagawin mong palo-palo sa mga damit na iyong lalabhan, yang bang dalawang itlog mo ang gagamitin mong pangkuskos na pantagal sa mga libag mong nanikit sa damit? Iharap mo  nga sa akin ang nagsabi niyan at ipagugulpi ko kay Mr.Clean.

Lalake ako (di nga la ng brusko) pero.......gabi-gabi ako naglalaba! at sinasakripisyo ko ang hindi makapanood ng inaantabayanan kong mga teleserye sa telebisyon matapos ko lamang ang aking pagkukuskos-piga.

Heto ako ngayon may sariling telenobela kasama ang mga palanggana,sabong panglaba, palo-palo at brush. Nagkukusot under the light of a thousand stars, habang ramdam kong bumibigat ang pakiramdam dahil bumabalik ang iyong mga alaala. Pakiwari ko'y ayaw na kitang isipin pero tila mas malakas ang pagbulusok ng iyong mga alaala kesa sa tapang ng amoy ng aking  Zonrox, oooppss wag kang bastos, hindi yang Zonrox na nasa isipan mo, ito yung likidong nagtatanggal ng kahit ano mang marka ng dumi. Kung puwede lang lagyan ng Zonrox na ito ang memorya ng tao upang maalis na rin ang mga alaala ng lumipas, ay gagawin ko. Pero hinde, pipilitin ko na lang na kalimutan ka sa isipan ko, at ibabaling ko na lang dito sa rubber ducky na lumulutang sa aking palanggana. Ganyan ako maglaba kailangang may nakikita akong nagpapalibang sa akin, kasi nuon ikaw ang mistulang rubber ducky ko habang nagkakatinginan tayo sa isa't-isa ay bigla tayong nagkahawak ng kamay sa ilalim ng palanggana. Iyun na ata ang pinakamatamis na sandali na nilikha ng tadhana para sa akin. Leche! naalala na naman kita.

Hindi ko ipinagyayabang na magaling akong maglabada. Dati konting babad at konting kusot ayos na. Pero ang lahat ng iyan ay nagbago. Dahil gusto kita makalimutan, naging makalilimutin na ko, bumagsik ang aking pagkukusot na animo'y na possessed ako ni evil Mr. Clean at halos mabura ko na ang mga print na disenyo sa aking mga t-shirts. Ang pagpapalo palo na tila nagchochop-chop ako ng  kinatay na baboy sa palengke. No holds barred. Out of control. Ito rin ang dahilan ng pagkaluwang ng garter ng aking mga karsunsilyo, brip at medyas. Dahil pa rin ito sa'yo.

                                     
'Tol dehins 'to kontrabando, huwag ka na lang maingay, may naglalaba.'

Sa gabi malamig ang tubig at malakas ang current sa gripo. Malawak ang espasyo sa sampayan at yung mga langaw na lang na tumatambay sa gabi ang naroon. Ramdam ko sa kalawakan ang mundo, ang buwan na tila ngumingiti sa akin, ang pagning-ning ng mga bituin na tila ilaw ng kabaret ng Jackie Roll diyan sa may kanto ng Palico (bago mag Imus bridge) ang hagikhikan ng mga palaka at halakhakan ng mga kulisap, habang pinipigil ko pa rin ang pag-alab ng aking damdamin. Masipag daw ako. Hindi! hindi yan totoo. Ang di nila alam sa aking palanggana ay parang dagat na nangangalit ang aking pagbanlaw. Walang tigil ang pagtilamsikan ng bula sa aking mga mata.

Sabi ng Nanay ko, gumamit na lang daw ako ng washing machine mas madali at mas mabilis patuyuin gamit naman ang dryer. Tama din talaga si ermat, pero ang mas nakumbinsi ako eh kung paano kabilis magpatuyo ang dryer. Sana dryer  na lang ako, sa isang ikot, isang pihit, tuyo agad ang puso kong nilunod mo sa ating palanggana  ng ating pagiibigan. Sana dryer na lang ako.

Ayaw na ayaw kong ipaglalaba ako ng iba, labhan mo na lahat wag lang ang mga pag-aari ko.  Gusto kong ako ang trumabaho sa aking mga dumi,putik,libag,libog,galit at iba pang paninibughong kumapit sa aking mga damit. Ang isang banlawan ay hindi sapat para mahugasan ang animo'y samu't saring nararamdaman.

Bahala na kinabukasan, naging marahas man ang aking pagkukusot-piga, nahamugan man ako ng mapang-asar na buwan, nangulubot man ang aking palad, nangilid man ang aking luha dahil sa bula.
Alam ko, sa muling pagsikat ng araw kinabukasan, hatid nito ang init na papawi sa kung anong lungkot meron ang aking mga sinampay.

Huwebes, Agosto 6, 2015

Tunog Bato Thursday


'Ayaw  ni Mama ng rock.'

Dear 'tol,

Tooohl, toohl alam mo ba yung tugtugang bato? Naaalala mo pa ba 'tol yung oras na nakahilata ka lang tuwing Linggo pagkatapos pananghalian at bubuksan ang radyo para makinig ng kawntdown ng mga musikang bato noon. Swabe yun tol. Kung totoo ngang lalabas ang isang time machine  tuwing Huwebes sa sinasabi nilang Throwback Thursday ay aba'y hindi ko na ito palalagpasin 'tol at babalik ako sa  nakaraan kahit isang araw lang sa isang linggo. 

Alam mo 'tol buti na lamang at may mga matatalinong tao noon at nairekord ang mga rakrakan noong panahon na astigin pa ang musika, mga paglapat ng liriko na may sense at pagbagsak ng mga ritmo at lagapak ng bawat palo sa drum eh talaga nga namang sinasabayan mo ng pag headbang diyan sa ulo mo't    mahaba mong buhok 'tol. Hindi mo na kailangang maghinunuli dahil paniguradong lagas ang mga tutuli mo sa tenga, walis at pandakot na lang 'tol ang kailangan mo para linisin ang kababuyan mo sa sahig. Hahahaha!

May mga sari-sarili tayong kantahan noon 'tol eh, di ba? Noon kasi napaka orihinal ng mga tugtugin, hindi katulad ngayon puro remake na lang. Pweehhh! Mas matatalino pa talaga 'tol yung mga idol natin na underground band lang na nakakalikha ng sariling liriko at paglalapat ng tugtog. Merong mga kantahang pampaibig, mga tugtugang pantira sa korap na gobyerno, may pang headbangan lang talaga, may mga nakakatawang sabayan at may mga kantahang uukit at mamarka sa puso at mga alaala ng nakaraan.

'Tol yung luma mong "Tsinelas" alam ko minahal mo yan, kahit ilang beses  na napigtal eh hindi mo pinalitan dahil nainspired ka sa kantahan nila Dong Abay at Yano. Hahahaha! Naging instant lover ka ng Rambo mong tsinelas 'tol. Eh si Kim? kilala mo pa 'tol? Yung crush mo, tangnamo na nagsulat ka pa sa nabili mo ng stationery sa Hallmark noon. Ang korni mo 'tol magsesembreak lang nun sinulatan mo pa siya ng love letter,  putragis hahahaha maikukumpara kita sa mga breezy boys sa kasalukuyang panahon eh. Eh ano nangyari ginaya mo lang yan dahil sa Eraserheads yung kanta nilang Sembreak, sakto Kim ang pangalan ng kras mo. Ulol hahahaha!

Eh yung oras ng klase natin noon sa Math 'tol? Mainit ang ulo ni kabayo noon eh, Hihihihi akala  mo santo mukang kabayo kids pag nagalit si sir! Hahaha naalala mo ba  yun 'tol yung binigyan ka ng options ni sir dahil hindi mo nasagot sa pisara yung adding fractions, pinapili ka niya kung kakainin mo yung one whole intermediate pad na nilamukos niya o patatayuin sa labas ng klase. Sa sobrang hagikhik ko nun sa katatawa sa'yo, puta napansin ako ni kabayo at binigyan  rin ako ng options kung ilalahad ko ba ang dalawa kong palad at papaluin niya ng makapal na meter stick  niya o lalabas din ako sa labas ng klase. Eh syempre tol gusto ko forever tayo magkasama kaya yun ang pinili natin na  tumayo sa labas. Eh hindi alam ni kabayo na may kililing tayong dalawa. Naalala ko pa 'tol lumundag tayo sa bakod nun, subsob ka nga eh muntik pa muka mo sa tae. Hahahaha! Ah sabay yung theme song nating dalawa, yung Istokwa ng  The Teeth, "mga istokwa, umuwi na kayooo hoo". Idol talaga natin noon si Glenn Jacinto kasi sa tuwing pupunta tayo sa mall eh ang suot natin stripes na damit na maluwang, tsaka low-waist. Orayt! 

At naramdaman ko rin naman ang ka-emohan mo tol  pagdating sa usapang puso. Oo naiintindihan ko brineyk na ni Jen, siraulo ka kasi e. Sukat ba namang dalhin mo  yun sa bag mo'tol tapos pupunta ka sa kanila. Ay de puta ka at doon mo pa binuklat ang Magasin na yun na si Tetchie Agbayani ang nasa centerfold. Ayun nakita tuloy ng gelpren mo, wasak ang ka perbertan mo  'tol. Sige mahalin mo ngayon ang centerfold! Hahahaha!

At nung gabi kakanta kanta ka pa dala ang gitara mo at nagyoyosi at nagaaliw sa usok sa tugtugang Bakit, bakit ba ng Siakol......"bakit, bakit ba, iniwan mong nag-iisa", sabay banat ko sa'yo tol  na itanong mo kay Tetchie Agbayani! Hahahaha! Muntik mo na ko paluin ng gitara 'tol pero mabilis akong tumakbo. 

Pero alam ko naman na sa breyk na yun natuto ka na. Kaya ang payo ko sa'yo nun "bulag ang pag-ibig, kasabihan na sa atin, ngunit para sayo ang pag-ibig ko ay duling." Oo tol kahit panget ka, sabi nila bulag ang pag-ibig kaya puwede ka dun kay Bea, kasi battered gelprend yun eh, lagi sinasaktan ni Baldo yung bi-ep niyang mukang miyembro ng Da Wuds na banda. Lagi broken hearted yun 'tol kaya minsan kausapin mo siya tapos kantahan mo ng "Halaga" ng Parokya ni Edgar siguro mag Wi-with a smile sa'yo yun 'tol. Takbo ka nga lang pag nandiyan na si Da Wuds, pero wag ka mapupunta sa eskinita baka  masagasaan ka kagaya ni Paraluman. 

Nung pumunta naman tayo sa Luneta Park, bumili tayo ng samalameg at naupo sa bench na malapit sa bantayog ni Rizal. Nag open ka  'tol sa akin kung ano ang mas magandang version ang "Overdrive" ba ng Eraserheads o yung "Drayb my BM" ng bandang The End. Napakinggan ko  yan parehas pero ang mas gusto ko eh yung sa The End, gusto ko kasi yung mga pangontrang kanta na parehas ang lapat ng tugtugan. Ang banat ng Eraserheads eh "magdadrive siya" ang banat naman ng The End  eh "Gusto mo ba talaga magdrive." Basta tamang kulitan ang lyrics nun! Hahaha!


       *Pakinggan ang pagkakaiba ng dalawang kanta.


Pero kung seryosohang pag-ibig ang panghaharana 'tol nag-suggest ako sayo ng kanta. Mga kantahang reggae ng Indio I, aayaw ayaw ka pang hayup ka eh nung nasa loob ka ng banyo naririnig kita na kinakanta mo pa habang nanood ako ng Music Bureau noon sa Channel 5.Yan yung "Di mo lang alam" na suwabeng suwabe  ang tugtugan na hanggang ngayon ay ako na lamang ata nakakaalam ng kantang ito. Kung ipaplay mo siguro ito 'tol ngayon sa kasalukuyang radio stations eh baka mag number one pa ito sa kawntdown.

       One of my peyborit klasik reggae love song

Pero 'tol nasan ka na ba ngayon, mahigit sa dalawampung taon na rin tayong hindi nagkikita. Napakatagal na panahon, pero ang mga alaala ng kabataan at kakulitan natin ay nasa aking alaala pa rin. 'Tol bakit wala ka man lang Facebook, wala ka bang face? wala ka man lang din Twitter 'tol o di kaya ay Insta G makita ko man lang kung ano nang hitsura  mo ngayon. Namimiss ko na 'tol yun nagkukorteng onse mong uhog sa ilong habang naglalaro  tayo ng dampa. Yung time na umandar yung pagka WWE wrestling adiksyon ko nung clinothesline kita habang tumalon ka sa laro ng tropa na naglulusong baka. Hinabol mo ko 'tol pero mas mabilis talaga ko tumakbo sayo. laking Nutroplex 'to pero wa-epek,  kasing liit pa rin ako ng minion. 

Hindi ko rin makakalimutan ang mga payo  mo 'tol na nakatulong naman sa akin nung ako naman ang may kailangan sa'yo. Puro tayo katatawanan at harutan pero alam kong naroon pa rin ang brotherhood sa tuwing may problema ang isa't-isa. Naniniwala akong magtatagumpay ka sa buhay mo 'tol balang-araw dahil sa malakas na paniniwala mo sa Diyos at diskarte sa buhay.

Wala na talaga akong balita sa'yo kaibigan pagkalipas ng dalawampung taon, pero bakit may dumating sa aking balita limang taon na ang nakararaan. Totoo nga ba 'tol? Nagulat na lang ako sa narinig kong balita. Akala ko pa naman marunong kang magdala, nalaman ko na lang na ika'y nagpakamatay na...


Paalam 'tol mula sa brigada ng bandang metal bato noong dekada.

WOLFGANG
DATUS TRIBE
GRIN DEPARTMENT
ERECTUS
PHILIPPINE VIOLATORS
YANO
TRIBAL FISH
SALAMANGKERO
PIRANHA
RAZORBACK
THE END
WARLOCK
DEATH BY STEREO
DOG BONE
SIGNUM
DEADNAILS
GNASH
DETHRONE
TULISAN
PSYCHO PLASM
BONEHEAD
NATIVE SCION
BLISS
MUTINY
DA WUDS
PUBLIC MENACE
MUSKEE POPS
RE-ANIMATOR
THE YOUTH
RUMBLE BELLY
SENORITO
BALAHIBUM POOZA
BACKDRAFT
SIAKOL
ORIENT PEARL
MARIYAS MISTRESS
THE TEETH
SAWALIW
INDIO I 
MGA ANAK NG TUPA
MAD FISH
SNAKE BITE RELIGION
DAHONG PALAY
PUT3SKA
DRASTIC NOISE
THE DAWN
ANALGESIA
DRONE
FLABBERGAST
YOUTHFUL REBELLION
SKY CHURCH
RIZAL UNDERGROUND
SCREAMING BEGGARS
SKREWHEADS
POETIC SPARKS
HUNGRY YOUNG POETS
GYPSY GRIND
COLOR IT RED

at mula sa iyong tapat na kaibigan,

         j
                                           k

Martes, Agosto 4, 2015

Kalye Games 101: Nasaan na ang Larong Pinoy?

'Pagbilang ko ng sampu nakatago na kayo, isa....dalawa....'



Araw ng Biyernes. Huling araw ng pasok. Walang sisidlan ang saya dahil bakasyon na, magulo ang utak ko hindi dahil huling araw  ng eskuwela, maligalig ang mga nerve cell sa utak ko dahil hindi ko malaman ang aking gagawin sa naiisip ko pa lang na mga laro na nasa aking ulap ng imahinasyon. Dalawang buwan ng pagiging batang kalye na naman ito. Wantu sawa sa pagiging taong-grasa sa kalye. Hindi ko maikubli ang excitement, pag-ring ng bell eh harabas na sa pagtakbo sa exit ng gate ng eskuwelahan, hila-hila ang istroller at bitbit ang kuwadradong pulang baunan na may tatak ng logo ng Kitkat. Gusto kong magsisigaw sa tuwa at yung mga kaklase  ko eh kala mo eh nakawala kameng lahat sa isang mental hospital. Kanya-kanyang takbo, kanya kanyang uwi! Eh sino ba namang  bata ang hindi magiging masaya sa bakasyon? Eto yung mga panahon na wala kameng ibang aatupagin kung di ang maglaro at mag-aksaya ng oras sa labas ng bahay tuwing umaga at hapon. Iisang kalye lang kame ng aking mga kalaro, isang mahabang kalye, malawak, maluwang at puwedeng maging haven ng pagtatakbuhan, tambayan, taguan ng isang batang katulad ko.Okay lang din siyempre sa aming mga magulang dahil eto na yung pinaka consolation prize ng mga bata sa loob ng maraming araw ng pagpasok sa eskuwela. Mula dito eh sasagarin namin ang aming pagka musmos, walang  pakealam sa araw, no pansin sa oras at puro laro at minsan nood lang ng cartoons ang aming  inaatupag at kapag nagutom ay bibili ng pagkain at  softdrinks sa tindahan. Ang kaso wala ka ng baong pera nun eh. Ang ibang bata madiskarte nariyan ang tutulong sa mga gawaing bahay o di kaya ay magpapabunot ng puting buhok kay lolo at lola  na sa bawat makukuhang puting buhok, ang kapalet ay bentsingko sentimos. Walang tapunan ng buhok  nun dahil pagkatapos ay magbibilangan kung ilan ang puting buhok na nakuha at kapag nabilang na kukurba ka na ng  barya sa kanila. Andiyan din naman ang mga shoe shine boys, bago pumasok sa trabaho ang mga tatay at kuya eh papakintabin muna ang sapatos, ba-brushin at lalagyan ng floor wax, este Kiwi. Suwertehan lang din talaga kung minsan kung mabibigyan ka o hindi, eh  tayo naman eh naghihintay lang at alam na naman nila yun. Hehehe!

Malaki na ang pinagbago ng henerasyon ngayon at dumami na rin ang mga adik, oo adik pero hindi sila yung mga katulad sa kalye na nangtitrip  at sumisinghot ng rugby at acetone, sila yung adik na tago sa loob ng mga computer shop at sa madaling salita mga adiktus sa mga online games.

Dito sa Ubas na may cyanide babalikan natin ang mga pinakasikat na larong Pilipino ang panahong punong-puno pa ang mga kabataan sa lansangan at mga araw na napakasayang pagmasdan. Yung tipong uuwi ka lang ng bahay para kumain at kapag maghahating-gabi na, naku! Pawisan at ang dungis-dungis mo na. The best yun kasi di ka nila pagagalitan, bakasyon naman. Ganun ang buhay bata NOON. Pero ngayon? Puta naglalakihan ang mga tiyan sa kakaupo sa computer shop at walang pawis na tatagaktak sa kanilang mga katawan upang mabanat at maexercise ang kanilang mga buto. At paniguradong bata pa ang mga yan  eh maagang magsisilabuan ang mga mata dala ng radiation sa kompyuter. Pero di ka na magtataka eh, kasi ba naman pati ang mga magulang eh nababaliw rin sa mga online gaming. Haha! Bato-bato sa langit ang tamaan sapul! Basta ako para sa akin mas masaya pa rin ang mga orihinal na la rong Pinoy at sa pamamagitan ng blog na ito sana'y makatulong  at maibahagi ko sa mga kabataan ngayon.

SIPA

Hep! hind ito na nasa isip mo na bayolenteng laro hindi sipaan o tadyakan. Kung nagkaroon ka noon ng subject sa Physical Education, kasunod na lintek na Gymnastics na yan, ang sipa ay tinatawag ding Sepak Takraw sa Indonesia at Sepak Raga naman sa Malaysia. Pagalingan ang laro na ito, isa ka lamang na magpeperform sa harap ng iyong mga katunggali, bawal kasi magsabay at baka magkabangaan kayo. Napakadaling makita neto sa lansangan nuon, ang sipa ay yari sa mga punit-punit at makukulay na plastik at isang takip ng bote o tansan lang ang kailangan. Nilalaro ito sa pamamagitan ng paghahagis at pagsipa gamit ang paa, siko o iba pang parte ng katawan. Kapag sumayad sa lupa ang tansan, ibig sabihin ay  tapos na ang laro. Narasan ko maglaro neto mga Grade 3, kapag recess o di kaya ay pagtapos ng klase  puntahan lahat sa playground at dun ang tambayan ng mga Sipa all-stars. Kung sa all  star ng PBA merong slam dunk at three point shot competition sa sira meron ding exhibition andito ang tinatawag na "Black Magic o sipang kabayo". Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagsipa muna kung sa kanan  ka mag-uumpisa mga tatlo o limang sipa, tatalon at sisipa ka sa ere na gamit ang kaliwang paa na pabaliktad na animo'y sipang kabayo ang itsura. Kaya ang mga kabataan noon ay maliliksi dahil na rin sanay ang mga katawan sa pagtatalon talon at nagagalaw lahat ang katawan. Tunay nga namang napakasarap maglaro ng sipa.

TAGUAN

"Taguan-taguan sa kabilugan ng buwan". Isang larong sikat sa mga lalawigan ng Pangasinan, Nueva Ecija at Pampanga, ito ay hango sa larong Ingles na ang tawag ay hide and seek. Magandang maglaro nito sa mga lugar na maraming kubo, puno at matataas na halamanan. Kahit ilang tao puwede sumali kahit yung buong baranggay niyo, ang kailangan lamang ay may tukuyin na "taya".

Pero sino nga ba ang hindi nahumaling sa larong kalye na ito? Alam kong bawa't isa sa atin ay maraming magaganda at di malilimutang alaala tungkol dito. Isa ito sa pinakapaborito kong laro nung ako'y bata pa. Mas maganda maglaro siguro nito sa probinsiya dahil maraming matataguan, kasi kung sa siyudad ka maglalaro nito, san ka magtatago? sa sulok sulok na mapapanghi at swerte mo pa kung makatapak ka ng ebak talagang lalabas ka sa pinagtataguan mo eh at okay na ma-"pung" o mataya.

At eto karaniwan ang sinasabi ng taya habang nakaharap siya sa pader o poste habang nagtatago ang iba:

Tagu-taguan
Maliwanag ang buwan
Wala sa likod
Wala sa harap
pagbilang ko'ng sampu
Nakatago na  kayo
Isa
Dalawa
Tatlo...!!!

Malas ko lng neto kasi ewan ko ba kapag nilalaro namin eto noon lagi akong napapaebak at napipilitan akong lumabas sa aking pinagtataguan. Hahaha! Time first!

BIHAGAN

Ito ang pinakaunang laro na hinati ang klase sa mga grupo, iniisip ko na sa pagkakataong iyon, masisimula kong makilala ang mga kaklase ko bilang freshman ng high school. Sa larong ito, una ko nang nakilala kung sino sa kaklase ang bibo sa paglalaro, kung sino yung tahimik lang at kung sino yung sigaw ng sigaw. Dito ang lahat nagkausap, nagkakilala, nagsigawan, naghawakan, at nagpalitan ng pawis ang bawat isa.

Kailangang madiskarte ka sa larong ito at kung ikaw na lang ang natatanging survivor at nabihag na ang iyong mga ka grupo. Dapat hindi ka pahuli sa takbuhan at kailangang mong ma-touch ang mga  bihag na nakahilera sa pinahabang scarf o panyo para madali mo silang matouch. Kapag nagawa mo kasi iyon puwede na ulet makalaya ang nabihag ang balik sa base at reset na naman ulet ang bihagan. Medyo hardcore kasi ang larong ito parang Touchdown ng NFL at ilang beses na  rin ako nasiraan ng bulsa ng polo ng uniporme at ilang butones na rin ang nalagas. The best game for boys! astig!

TUMBANG PRESO

















Ito yung may isang taya sa harapan at kayo ay nasa base (isang guhit sa lupa na di ka yo puwedeng lumagpas), kailangan mo ng tsinelas kahit hindi Havaianas o Crocs at isang lata ng Alaska! Oo Alaska dahil walang Carnation noon puro Alaska at Bearbrand lang ang mga nakalatang gatas. Sa paglalaro ng tumbang preso ang taya ay nagbabantay sa kanyang lata na huwag tamaan ng tsinelas ng tumitira, nasa loob ng bilog ang tsinelas at kapag walang nakatira nito ang pinakamalayong tsinelas sa bilog ay siya ang magiging taya, kapag tinamaan mo ang lata at ito ay tumayo ikaw ang taya, kapag tinamaan mo ang lata at tumumba ito puwede  mo nang angkinin at ipakilo, (de joke lang). Kapag natumba ito dapat dali dali kayong kunin ang tsinelas   ninyo bago maitayo ang lata ng taya at maabutan kayo ng taya na wala sa base. Para siguro sa hindi naglaro nito parang nalilito sila, mag COC ka nalang letse! Pero mas masaya ito kung sa kalsada lalaruin, pinakamagandang pambato na tsinelas ay "Spartan"- bakit Spartan? - kasi matibay, matigas at mabigat. Kung may pagkakataong kang pitikin ang tsinelas ni ermats yun ang gamitin mo para kapag dumating yung oras na ipampapalo sa iyo medyo manipis na.

Minsan sa larong ito hindi rin alintana ang tinatawag na "onse" o uhog na tumutulo sa ilong, mas pokus siyempre ang konsentrasyon kung paano patutumbahin ang lata.

SYATO

Hindi sa fliptop rapper ipinangalan ito, ganyan na talaga yan. Ito ay sa dalawa o higit pang manglalaro pero di dapat lalampas ng anim at mas maganda kung dalawa o apat lang kayo, team A and B ang dapat maglaro grupo man o indibidwal, ito ay ginagamitan ng dalawang stik na kawayan, kahoy o rattan, gagawa ka ng butas sa lupa na korteng bangka, at dito mo ilalagay ang iyong maliit na stick, paliliparin mo ang maliit na stik na ito gamit ang malaking stik, ang kalaban naman ay siya ang sasalo sa maliit na stik, at kung masalo mo ang stik ikaw na ang titira o kaya out na yung tumira, kung hindi mo nasalo ang stick, pulutin mo ito kung gaano kalayo ito napadpad at magmula doon ay ihagis mo para tamaan ang malaking stick, kapag tinamaan mo ang stick ay out na ang tumitira, kapag hindi sa next stage na aabot ang laro, papaluin ng tumitira ang maliit na stick gamit pa rin ang malaking stik at pupulutin mo ulet ito, ihahagis ulet sa tumitira ngunit ngayon papaluin na ng tumitira ang maliit na kahoy, kapag tinamaan ang maliit na kahoy, magbibilang ang tumitira gamit ang malaking stik, pagkatapos ng pagbibilang, iyon ang score mo, and next step pa ay ang paglagay ng maliit na stik para lumipad sa ere at sabay paluin ito, kapag hindi tinamaan ang stik ay out na ang tumitira, kung tinamaan ang stik at lumayo, magbibilang ulit ang tumira gamit naman ang maliit na stik, dapat abutin ka ng 200 points para matapos ang laro, ang unang makapuntos ng 200 points ay siyang mananalo, parehong titira ang dalawang group at kung parehong nakaabot sa 200 (overtime) itutuloy ito sa 300, ang parusa sa natalo ay papaluin ng nanalo ang maliit na stik ng 3 beses o kung ilan sila, at magbuhat sa distansiya ng stik ang talo at sisigaw ng "sssssssssiiiiiiiiiaaaaaaatooooooo" na walang tigil hanggang sa makarating sa butas ang haba ng rules and regulation ng larong ito.

PIKO























Halos lahat ng batang Pinoy mapa-lalake man o babae ay marunong mag-piko. Kapag nilagyan mo ng T sa dulo yung piko ibang laro na yun at iyon ay hindi sa kalye ginagawa. Haha! Joke lang. Madaming klaseng piko, may standard na piko, yung tatlo single steps at dalawa double steps at buwan. Kailangan mo ng bato o pinagbasagan na plato bilang bato mo (ang tamang bigkas ay baa-to). ihagis mo ang bato  mo sa steps at ikaw ay pumunta at bumalik sa base. Kailangan mo makumpleto ang lahat ng steps at kapag nakumpleto mo ang lahat ng steps ay may karapatan ka ng magka "bahay" ang bahay ay sa pamamagitan ng paghagis patalikod sa piko at kung saan dadapo ang bato ay doo ang bahay mo (maliban lang sa buwan, sa labas at sa kaban) hindi puwedeng tapakan ng kalaro mo ang bahay, at dalawang paa naman ang puwede mong tuntungin sa bahay mo, kung hindi pa kayo naglaro ng piko sa buong buhay niyo ay hindi kumpleto ang inyong kabataan. Maliban na lang sa mga hindi inabot ang mga larong ito dahil extinct na at wala ka na gaanong makikitang mga batang naglalaro sa kalsada tuwing hapon.

HOLEN O JOLENS

Hindi ito si Jolina Magdangal alam kong muka siyang paslit pero naglaro nga din siya ng larong holen nung kabataan niya. Pero ang sabi karaniwan panlalake ang larong ito di katulad ng piko at syato puwede ang lalake at babae, dalawang klase ang alam kong laro dito, yung isa ay para kang nagogolf at may 4 to 6 na butas sa lupa at may base., ang umpisa ng laro at magpapaligsahan kayo kung sino ang mas malapit sa base pagkatapos ihagis ang holen magmula sa unang butas, ang pinaka objective ng laro ay kung sino mas mabilis makakumpleto i-shoot sa mga butas (parang golf nga di ba?) sa pamamagitan ng paghagis gamit ang kamay.

TRUMPO
















Kailangan mo ng konting skills dito tol, karamihan ng naglalaro mga lalake, patagalan ng pag-ikot ng trumpo ang labanan dito . Ang siyang huling umiikot pa rin siya ang magwawagi. Pagkatapos ng larong trumpo sa hapon, takbo sa tindahan ni Aling Meding at duon naman magmimiryenda. "Turon po!"

TEKS

Di na u so ang tex ngayon, ito ay parang isang maliit na baraha ngunit iba't  iba ang naka printa sa harap at kulay gray na papel ang likod, usong uso ito sa barangay namin, parang sugal na may maliliiit na card na may nakalagay na illustrations sa isang pelikula, cartoon character na sina Voltes 5, Mazinger Z, o kaya cartoonized drawing na pelikula ni FPJ. Parang kara o cruz kung sino ang nagiisang kakaiba sa pagtapon ng tatlong baraha ito ang panalo. Actually hindi pagtapon, papitik paitaas ang galawan.




MORO-MORO
















Parang bihagan din ang larong ito. Ito ay pabilisan ng takbo  o habulan ng dalawang grupo, may sari-sariling   homebase at alternate na naghahabulan.

PATINTERO

Isa sa sikat na laro noong kabataan ko, ang kailangan mo lang ay isang malaking espasyo katulad ng kalsada at mga 8 to 10 na katao. Susukatin ng larong ito ang bilis , liksi at talas ng atensiyon ng manlalaro, at ang kakayanan nilang maglaro hindi bilang mga hiwalay na indibidwal kundi bilang isang nagkakaisang koponan.

Kailangang makalagpas ang mga bangon sa lahat ng linya mula sa una hanggang sa dulo at makabalik muli sa lugar na pinagsimulan ng hindi sila natataya. Ang mga taya naman ay magbabantay, isang tao sa bawat linya, at pipigilang makalagpas ang mga bangon sa pamamagitan ng paghuli o pagtaya gamit ang tapik o pag-abot ng kamay sa harap na bahagi ng katawan.

JACK EN POY
















Puwede mo ito laruin kahit saan kalsada man o loob ng bahay pero dapat kumpleto ang mga daliri. Marami kasing biktima na mga Batang 90s kapag bagong taon sa pagpapaputok ng high powered na mga paputok ayan tuloy ang iba di na makakapag Jack en Poy.

Bato, gunting, papel alam mo naman siguro ang larong ito. For sure ginagamit pa rin ito ngayon sa mga decision makings hahaha yung tipong may gustong gawin ang tropa pero nagtutulakan at di alam kung sino ang gustong gumawa. O Jack en Poy muna para magkaalaman na kung sino gagawa.

May lyrics at tono yan habang pinapagpag ang kamay, memorize ko pa: "Jack en Poy, hali-hali hoy!; sinong matalo, siya'ng unggoy!" "O gunting ako papel ka. Talo ka! Ulol kita mo ba showers ako (tubig ulan) kakalawangin yang gunting mo!"

Itigil niyo yan mag Hoola Hoop na lang tayo!

HULA HOOPS


Makukulay na bilog na yari sa plastik na kasya ang buong katawan kapag inilagay ito sa bewang. Larong babae + bakla na may gumamela pa sa tenga. Pagalingan at patagalan ng pag ikot ng hula hoops sa bewang.





LUTU-LUTUAN


















Isa na siguro sa pinaka popular na laro ng mga Nene noon bukod pa sa manika. Simple lang ang kailangan sa larong ito. Kung may pera kayo ay maaaring makabili ng cooking toy set sa palengke o kaya malls. Makabibili ng mga laruang kagamitan sa pagluluto na yari sa plastik tulad ng kutsilyo, pinggan, kaldero, kalan at iba pa. Meron ding plastic na sunny side  up na itlog, plastik na hotdog, iba't-ibang uri ng plastik na gulay at kung anu-ano pang plastik na pagkain. Puwede mo rin isama yung mga gulay na may magnet na nakadikit sa pinto ng refrigerator ninyo. Maaari ding maglaro nito gamit ang ilang plastik na lalagyan na mapupulot sa tabi-tabi tulad ng plastik containers at kung anu-ano pa. Para naman sa sahog o sangkap ng lulutuin "kuno" ay maaaring makakuha ng mga dahon sa tanim na bulaklak ni nanay, basta't huwag lamang papahuli sa kanya at iligpit ang mga kalat pagkatapos maglaro.

BAHAY BAHAYAN

Kadalasan ay magkaugnay ang larong ito sa isa pang laro, ang bahay-bahayan. Kung may bahay, s'yempre may pamilya (malimit ay  tatay-tatayan, nanay-nanayan at anak-anakan ang drama sa laro) Pero wag delikado na ang maglaro nito ngayon sa kasalukuyang panahon. Masarap ang larong role playing katulad ng isa kong kaibigan na si..... Hmmmmnnnn  (na kinahiligan ang mag role play).

SAWSAW SUKA


















"Sawsaw jowa, ang mahuli patay." Biro lang

Simpleng laro pero nakaka thrill, gamit ang hintuturong daliri at nakabuyangyang na palad, kakanta ng "sawsaw suka ang mahuliiiiii.....taya" sabay sasara ang palad na parang Venus fly trap kailangang di mahuli ang daliri at the end of the tune, pag nahuli ikaw naman ang taya at ikaw naman ang magbubuyangyang ng palad mo.

Pero isang paalala lang, huwag na huwag gagamitin ang hintuturong daliri sa pagdouble ng tap sa katawan ng iyong kalaro lalo na kapag babae, dahil iba ang  ibig sabihin nito. Kung gusto  mag-aya maglaro magsalita at sabihing, laro tayo ng sawsaw suka friend, sabay dun ka mag-double tap gamit ang hintuturong daliri.

DAMPA

Palad games pa rin ito. Laro kung saan ikukurba ng mga kalahok ang kanilang palad na pa rang kweba, kailangan nilang ihampas ang kamay sa sahig at makabuo ng hangin para gumalaw ang lastiko (rubber band), merong finish line. Kung sino ang mananalo, makukuha nito ang lastiko ng kalaban. Pero easy lang sa posisyon ng paglalaro 'toy at nakikita ang jingle balls mo kasi wala kang brip. 

Sa kabila ng lahat dahil sa gusto nating mga tao na mas mapadali ang ating mga gawain, unti-unti ding umuusbong ang pag-unlad ng teknolohiya. Ito ay kung saan gumagamit tayo ng mga makinang nagsisilbi nating mga alipin. Noon wala pang washing machine, vacuum cleaner, cooking stove at dry cleaner na tumutulong sa paglinis ng ating mga tahanan. Lahat ng mga paglilinis noon ay sarili nating ginagawa tulad ng pagwawalis, pag-iigib ng tubig, paglalaba at pagsisibak ng kahoy upang magamit sa pagluluto. Dahil mas sumisimple na ang mga gawain nating mga tao, ito na rin marahil ang dahilan kung bakit mas tumatamad ang mga tao lalo na ang mga kabataan n gating panahon. Marami na sa mga kabataan ang nalululong sa mga kalayawan at halos hindi na maiwasang pansariling kagustuhan. At dahil napakadali nang tapusin ang mga gawain ay mas tumataas na rin ang mga panahong walang magawa ang mga tao kung wala na talaga ay iiwasan nalang ang pagkabagot sa pamamagitan ng paglalaro. Paglalaro lalung lalo na sa paggamit ng kompyuter, isang makabagong teknolohiya sa panahon ngayon. Ang mga usong laro tulad ng Angry Birds, DotA, Farmville, Cityville at Gamehouse games ang mga iilan sa mga kinawiwilihang laruin ng mga kabataan ngayon. Kailangan mo lang umupo at gamitin ang iyong mga kamay upang makapaglaro nito. Maaari ka ring humanap at magkaroon ng kaibigan sa iba’t ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng social sites tulad ng Facebook at Twitter. Sa umuunlad nating pamumuhay at gawain, halos lahat na ng mga ginagawa ng tao ay pinapatakbo na ng kompyuter at halos lahat ng tao ay dumedepende nalang sa paggamit ng kompyuter, ngunit alam naman nating ang lahat ng pag-unlad at pagkasira ay kagagawan naman nating mga tao na lumikha ng mga bagay na ito.

Hindi din naman maiiwasan natin maiiwasan ang paglaro ng makabagong laro ngayon kaya ang pinakamahalaga lamang sa lahat ay ang respeto sa sarili, tamang pagpipigil at matalas na pang iintindi.