Pages

Martes, Setyembre 22, 2015

Kukolate

'Ang kuko na choco."

Ang mag-inang Floring at Ipe ay galing sa isang bertdeyan ng pinsan ni Ipe na si Jenny. Medyo naparami ng kaen ang sampung taong gulang na si ipe. Chocolate cake, pizza, ice cream, spaghetti, chicken lollipops at tacos ang nagpapabigat ng kaniyang tiyan ngayon. "Anak nakakahiya sa Tita Karen mo, dumiretso ka na lang sa bahay at duon ka na magbawas." ang mahinang tinig ng kaniyang Ina, halos pabulong ngunit nanggigigil.

"Nay parang hindi ko na po kakayanin eh." Lumilitaw na ang malalamig at butil  butil na pawis ni Ipe sa kanyang noo. Namimilipit ang tiyan at namumutla. Sa kabilang kanto pa ang kanilang bahay at baka daw magkalat lang si Ipe ng kanyang Hersheys sa daan.

"Ano ba 'yun ate?" ang tanong ng kanyang tiyahin.
"Itong pamangkin mo, diyos ko sa dami ng kinain ayan at sumasakit na ang tiyan. Dito pa ata isasabog ang bomba. Kaw kasi..." sabay dampi ng bimpo ng kanyang nanay sa kanyang noo.

"Kaw naman, di naman kasalanan ng bata yun." Inakay siya ng kaniyang tiyahin papuntang banyo. Halos hindi na makalakad ng maayos si Ipe sa kanyang pagpipigil. Animo'y bagong tuli kung  maglakad at tila ilang minuto na lang ay babagsak na ang bomba sa Hiroshima. Binuksan ang ilaw sa loob ng banyo, pati ang gripo ng tubig na may nakasahod na malaking timba ng Orocan at may kulay pulang tabo sa loob.

"Medyo buhusan  mo lang mabuti at barado 'yan."
Habang inilalabas niya ang maitim na balak, minamasdan niya ang lagaslas ng tubig mula sa gripo. Umiikot ang tabo sa loob ng timba dahil sa sikad ng tubig. Sa lakas ng pagdausdos ng tubig ay bahagya niya na lamang nauurinigan ang kwentuhan ng kanyang ng nanay at tita sa labas.

Nilamon ng ingay ng rumaragasang tubig ang pagsambulat ng laman ng kanyang tiyan, Brrrrrttttt! Brrrttttttt! PLOP! Isang buong kasinlaki ng barkong Titanic ang tumapos ng kaniyang hirap. Sinarhan niya ang gripo. Bahagyang mapuno ang timba. Agad siyang naghugas. Nangalugad ng sabon. May sabonera sa bandang kaliwa na may malaking sabong mabango. Pinaikot ang sabon sa kanyang palad. Nagsabon. Nagbanlaw gamit ang tabo, hinimas at hinugasan ang puwit habang bumabagsak lamang ang tubig na ipinanghuhugas sa kanyang Titanic na iniluwal. Nagsuot na siya ng salawal. At pagharap niya sa bowl ay nagulat siya sa kanyang nakita kung gaano kalaki at katigas ang nasa lalamunan ng inidorong nagdulot ng pagsasakripisyo niya ng ilang minuto.

Gamit ang tabo, nagbuhos siya ng isa. Wa epek! dalawa.tatlo.apat.lima. Ngunit di pa rin lumulubog ang Titanic. Binuhos niya ang kalahating tubig na laman ng timba. Sumayaw lang ang laman nito at bahagyang umahon pa ang depositong tubig.

Binuksan niyan gmuli ang gripo. Pinuno ang timba at mukang magbebeastmode na si Ipe. Pagkapatay ng gripo, agad buong pwersa niyang iniangat na parang si Atlas na karga ang mundo ang timbang puno ng tubig at ibinuhos lahat ng laman.

Namulwak ang inidoro. Iniluwa nito ang kaninang kanyang iniiri. Lumagapak at ang Titanic ay nahati sa dalawa sa tiles ng banyo.
Di niya alam ang gagawin at naghalo ang kaba at pag-aalinlangan. Di niya alam kung paano ibabalik ang tumapon sa dapat niyang kalagyan. Tatawagin ba niya ang nanay niya o ang kanyang tiyahin?

Di na siya nagsayang ng oras at marahan at maingat na dinampot ng kanyang dalawang kamay ang dalawang piraso na kanina'y iisa. Ibinalik sa inidoro. Marahan ang pagbuhos. Hanggang sa lumubog ang dahilan ng puno't dulo ng kanyang problema at pagkabalisa. Nagsabon siya ng kamay. Sabong mabuti. Kinaskas niya  rin ng sabon ang sahig na  pinaglandingan ng kanyang problema kanina. At pinabula niya sa sarili ang sabon. Mabulang mabula. At matiwasay na pinaagos ang bula sa masaganang pagragasa ng tubig galing sa gripo habang kinukuskos niya ng paa ang sinabunang tiles ng banyo.

Success! 

Pinatay niya ang ilaw sa paglabas ng banyo. Nahihiya siyang magtama ang mga mata niya sa nanay at tiyahin.

"O anak, nagsabon ka bang mabuti? Binuhusan mo bang maigi? Iniwan mo bang malinis ang banyo nila tita mo?" Ang package na tanong ng kanyang ina.

Tango lang ang kanyang sagot.

"Ito naman si ate..." sabat ng kaniyang tiya Karen at sabay haplos sa kanyang buhok.

Umupo siya sa tabi ng kanyang ina na abala sa pakikipagkwentuhan sa kanyang tiya.Nagkakatawanan ang mga ito. Habang kinukuskos ng kaniyang mga paa ang mga sarili upang mabilis matuyo. Sabay narinig na lamang niya ang tinig ng kaniyang tiyahin, at tila may napansin "O, Ipe akala  ko ba  naghugas ka ng mabuti, bakit may bakas pa ng chocolate cake ang mga kuko mo?"

Tinignan ang mga kuko at.........................

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento