Pages

Martes, Setyembre 8, 2015

The (K)ilig Factor

'Naked  lovers, feel the blood beneath their veins, electric nerves communicate with tiny explosions through our brains. Who is this energy that never left or came?'


Kape. Asukal. Gatas. Hapon. 4:35  PM.

Nagtimpla ako ng maiinum, nilapag sa harapan ng lamesita ng kompyuter ang nagumaalimpuyong na usok ng kapeng nagdidingas sa init. Hinalo ng hinalo. Hinalo para mapawi ang inet at mula sa tasa, sumalok ng kaunti hawak ang kutsara, hinipan dahil hindi pa kaya ang init ng kape, ayaw kong mapaso ang aking dila. Hinigop ang kutsara't  ninamnam ang sarap ng kape na aking tinimpla upang manatiling gising at pagmasdan ang paligid. Ayoko pang matulog, marami pang nilalaman ang aking isip, nais ko pang manatiling mulat kahit pa pwersahang pinigilan ang pagsara ng talukap ng aking mga mata dahil sa kapeng aking tinimpla.

Hindi ako masokista para pigilan at pahirapan ang sarili. Masaya lang ako, sapagkat isang araw na lang, araw na naman ng pahinga mula sa trabaho. Kumbaga, gusto ko lang magcelebrate ng maaga kahit kailangan pang pumasok ng isang araw. Hindi dahil ayaw ko ng trabaho, kailangan ko lang ng pahinga, pahingi ng pahinga, pahinga ng katawan, puso at isipan sa mga nagdaang mga araw. Gustong gusto ko ata makipag usap sa mga Amerikano at ibigay ang aking serbisyo, mali yang nasa  isipan mo, hindi ganung serbisyo, kung di sagutin ang sandamukal na email at inquiries nila sa araw-araw. Kailangan ko ng pahinga, isipan, puso at katawan.

Mainit pa rin ang kape, inilubog ulet ang kutsara, humigop. Sa pangalawang higop hindi ko nagustuhan tila nawala ang tamis sa unang pagkakatikim. Ganun ba talaga? kahit sa paghigop ng kape eh sa una ka lang masisiyahan? Humigop ng pangatlong  beses. Wala talaga! Anong nangyari? napabayaan lang kita ng ilang minuto, nawala na ang ibinibigay mong tamis.

Kape. Asukal. Gatas. 5:00 PM

Hindi ito test, pero tatanungin kita, sa  tatlong nabanggit ano ba ang dapat piliin para dagdagan ng tamis ang aking kape.

Sumagot ang isa, "kailangan idagdag ay kape." -ulol bitter ka lang.

Ang isa naman ang isinagot ay gatas, bakit gatas? "kasi ang gatas ay maputi,malapot at malinamnam kahit walang tamis ng asukal, masasarapan pa rin ako." -gago ka libog lang yan.

Ang huling sumagot ay asukal. "Hindi ba dapat naman talagang ilagay ay asukal? Ito ay isang mabisang pampadagdag ng tamis sa tumatabang o pumapait na kape. Ang tamis ng asukal ang nagmimistulang batayan ng panlasa sa mga taong  gustong palaging nakangiti. Ang tamis ang nagsisimbulo ng pagiging masayahin, kasiglahan at naguumapaw na kilig sa bawat nilalang na umiibig. Sa isang relasyon ang tanging panlasa na dapat ihalo para gumana ay ang tamis ng pagsinta, Hindi mo isasalin ang alat, pait, anghang at hindi ninanais na may kakulangan o katabangan. Masarap kiligin hindi lang dahil sa swaktong timpla ng kape, masarap din kiligin dahil nararanasan mong umiibig ka.

Tonic - 'You Wanted More'

Naranasan mo na bang umibig at kiligin?

Hindi ko ka-istilo si boy Hopeless Romantic kuno kung bumanat, di ako yung tipong lalandiin kayo. Kung ano yung laman ng isip  ko yun lang ang ibinabahagi ko. 

Sa mga may asawa na, naaalala mo pa  noong nililigawan ka pa ni Mister? Ano yung nagpakilig sa'yo? Yun bang pungay ng kanyang  mga mata (yun pala adik siya before), o  yung kanyan mala Close-Up toothpaste na ngiti? o di kaya ay yung mala lovapalooza niyang  kissable leps? Uso pa ang harana noon, kinantahan ka ba niya ng "O, ilaw sa gabing madilim..." habang ikaw naman ay nasa balkonahe ng inyong bahay habang pinagmamasdan ang kanyang pagbirit kasama ang tatlong Rogelio, Rogelio, Rogelio na nagigitara. Puwede ring  kinilig ka dahil, ikaw yung tipong mahilig sa swabeng bigote? o dahil sa makatang panulat? (Eheeeemmmm) O 'di kaya'y wala lang  basta kinilig ka lang, tapos "Kayo" na, in a blink of an eye.

Ikaw ba yung tipo na kapag narinig mo yung theme song niyo, eh bigla ka na lang napapangiti, tapos bigla ka na lang mapapakanta at bigla na lamang gaganda ang araw mo. Panigurado kabisado mo ang mga liriko.

Maaaring luma na ang themesong ng ilan at mas nadadala ka na ng mga bagong kanta na kinakanta  naman ng mga anak mo  ngayon. Mas moderno ba, nakakapanibago, nakakabata ng pakiramdam at sobrang nakakakilig!

Ayoko pag-usapan sila #AlDub pero sige kanta tayo...

"Su hane now...Teyk me into your labeng arms...kes me ander da layt of a towsand stars...Pleys your head on my beting hart....Aym sinking awt lawd..."

Chat.

Kung kilig lang din naman nag pag-uusapan, dito na ata ang tahanan ng kilig na patago. Sa pamamagitan ng  chat natin karaniwan ibinubuhos ang kilig natin lalo na't kausap natin ang ating crush, lihim na pag-ibig, at minsan kilig na may malisya. Eh bakit mo  nga ba naman pipigilan ang kilig factors kung ikaw lang nakakabasa o nakakakita ng pinaguusapan niyo. Yan ang tinatawag na "Freedom to kilig".

Beep!

"Hi beautiful. I saw your profile in Tinder, and I got interested of knowing you, would you mind if I'll have your number?"

PTJ - Patay Tayo Jan. Ikaw ano ang isasagot mo? ilarawan natin ang profile nang nagmessage: matipuno ang kanyang pangangatawan, makinis ang balat, may dimples, may mapupungay na mata, malinis ang itsura, mukang mabango, magara ang bahay, mapostura ang pananamit. Sige sabihin nating kamukha ni Alden, Alden Patrimonio, (deh joke lang) Alden Richards.

Sabihin na rin nating trulalu na si koya nga ang nasa profile, ang tanong aakyat ba sa mga ugat mo ang feels...Kikiligin ka ba? at paglalaanan mo ba siya ng oras para makilala?

"Hu u??" ang pamatay mong reply. Sabay kilatis sa profile, baka kasi panggap lang o poser. At sa loob-loob mo mukang siya nga yun. Siyempre na-pa smile ka ngayon at sa loob ng isipan mo naglaro ang pagkaduda, "Biruin mo, ang cute na ito, nagka-interest sa akin", "Hmmm...wala namang masama, chat lang  naman", "Okey"

Isa, dalawa, tatlo...

Tatlong buwan na pala kayong magka-chat. Akalain mong sa simpleng "HU U" nasundan ng "I MISS YOU" "I LIKE YOU" at "I LOVE YOU".....(Background music: "Love moves in mysterious ways...." aba, tila ayaw mo na lubayan ang ngiti habang nakatitig ka sa monitor ng screen ng kompyuter o di kaya ay cellphone. Pero iba ka na, sabog ka ba? Para ka nang naka-drugs, hyper kung makadutdot hanggang sa panaginip gising ang imahinasyon.  Eassyyyy! At kung hindi ma-drain ang CP ayaw pang lubayan pwera na lang kung may extra pang baterya.

Pero ika nga, smile makes us look younger and fresher, kaya ngiti lang tayo, sabay selfie.

Para sa akin ang kilig ay ang paunang reaksiyon o pakiramdam ng isang taong nakadama ng saya o bugso ng damdamin matapos ang isang masaya at romantikong pangyayari.

May scientific explanation ang pag ibig at kilig. Ang totoo niyan merong mga chemicals na sini-secrete ang ang ating utak, limbic system at iba pa. Pero sino ba naman, ano ba naman pakealam namen sa siyentipikong eksplanasyon. Yung pakiramdam kasi na ito, bigla mo na lang mararamdaman. Kailangan mo pa ba pag aralan kung bakit ka kinikilig? Ang mahalaga kinikilig pa ko sa edad ko na ito. 

Malaki ang factors ng kilig para mapalitan yung pagka bad vibes mo kanina, yung tila nilamukot yung muka mo na parang pambalot ng tinapa, pero nung pinansin ka ni crush sa simpleng "hi" unti-unting lumiliwanag ang muka mo. Oh good vibes ka na? Walastek!

Sa lahat ng feels, ito ang pinaka the best. Masarap kiligin, walang masama. Pero magkaiba pa rin ang kilig sa landi, yung tamang kilig lang walang landian. Yung kahit sa mga simpleng bagay, sinasadya man niya o hindi, nakakapagpasaya na sa'yo.

Yung makita mo lang siya, masaya ka na, eh ano pa kaya kung kausapin ka niya, pero ako limited lang kasi ako magsalita, sa isang araw ang nasasabi ko lang eh, "kumaen ka na ba?" "Oo", "Hindi", "Para sa tabi", "putang namo", "bye", "alis na ko".

Masarap din namnamin yung mga simpleng messages sa chat na "good night",  "ingat" ni John Lloyd Cruz sa patalastas at "good morning". At siyempre yung mga "I miss you" puwede na akong mamatay sa kilig.

Madali lang naman mahalata kung kinikilig ka na eh. Una talaga 'yang nakikita sa pag ngiti. Nagmumuka ka pa ngang tanga sa harap ng kompyuter, tapos bigla ka na lang ngingiti na parang may tililing. Karamihan naman sa mga babae, nanghahampas kapag kinikilig at kadalasan titili pa. Namumula pa nga at naglulupasay o di kaya tatalon sa tuwa. Wala eh ganun talaga ang kilig eh.
Ang mga lalake naman, hindi nagpapahalata. Simpleng ngiti lang, pero deep inside, kinikilig na. Ang sarap lang ng feeling na may inspirasyon ka. 'Yung sa lahat ng bagay ganado kang gawin kasi iniisip mo siya.

Malandi man sa paningin ng iba, kahit di kame pabebe wala kayong magagawa. Pustahan wala ka ring magagawa kapag ikaw naman ang dapuan ng kilig. Ganyan lang talaga ang reaksiyon nat in kapag nandiyan na ang ating sinisinta. Nakakakilig :">

At yung mga babanat na ang tanda tanda na ng writer ng Ubas na may Cyanide ganun pa rin kiligin. Eh eto na lang siguro ang video na isosoplak ko sa mga kokontra, walang batayan sa edad ang tunay na pagmamahalan kahit pa uugod ugod na, malalabo na ang mata andun pa rin yung kilig sa pagmamahalan.

Ang di kiligin, panget!

Dito sa ating blogosperyo ay kumuha tayo ng mga datos kung ano ang  depinisyon sa kanila ng salitang "kilig" at eto ang kanilang mga nakatutuwang feedbacks: 

Francis




"Ang kilig ay parang yung pag tapos mo jumingle, nanginginig yung buong katawan mo kasi alam mong may nagawa kang maganda/masarap. Tulad din ng mga John Lloyd movies, ang kilig ay senyales ng EGO ng lalaki. Pag may nagawa silang maganda na kinatuwa nung Bea Alonzo ng buhay nila. In other words... Achievement."

Trish





"Kilig? - Big word! Baket? Kasee for me that feeling comes from within. Yung hinugot galing puso. The butterflies will not reach your belly if it did not pass by the heart. To be honest, ang kilig talaga minsan mo lang mararamdaman yan, pero pag naramdaman mo na....... AYUN! SURE YUN! Sapul ka na ng pana ni kupido."

Belle




"Ha? E nararamdaman ko na lang un pag naiihi ako.. Hahahaha!"

Clarise




"Hormones acting up siguro. Hahaha hndi ko alam e. D sya maexplain. Pero prng s medical field ksi may knlaman un s hormones daw."

Jose from Eatsreet




"Libido."

"dati siguru nung mas bata ako, mahaba meaning.. pero ngayon matanda na, ala na eh magic eh.. nyhahaah"

Princess




"Ahmm.. para skin ito ay kombinasyon ng Pagkatuwa bunga ng "ka-sweetan"


Ericson



"Well kilig para sakin is a strange feeling na matatagpuan mo lang kapag nakita mo ang taong makakapagpasaya sayo... Something na di mo ma define... Something na kahit isipin mo mararamdaman mo parin. Pero in medical terms, euphoria yun, nirerelease yan ng dopamine."


Bappy




"Kilig- isang pakiramdam kung saan para kang naiihi o kaya nama'y hindi matanggal ang ngiti sa iyong mga labi."


Kyle




"depende sa kilig pare,pro ang pinaka masarap na kilig yung pag nag wiwi ka, bago mag pag pag, siryoso ako."

"pro kung sa panahon ngayon.. kilig para sakin pag narirnig ko kabaduyan.. pramis. kasi d na nagagamit sa  tamang discription eh. parang puro sa pinoy showbiz nalang. wala na yung genuine na meaning  nya."

"wala na yung tunay na sense ng " kilig". yung d ka makakatulog kasi  iniisip mo yung crush mo, kung anong step ang gagawin mo para maging romantic. yung ganun!!! ehh ngayon kas, parang fad  nlang ang relasyon eh, lalo sa mga bata, nasa relasyon kasi uso. Savvy!! dapat talaga maging  mag ka co-author tayo eh. wala akong makausap ng ganto!!"


Joy




"sige i'll describe na lang paano ako kinikilig...iyong tipong inaalagaan ako, inaasikaso lalo sa mga pangangailangan ko o gamit ko sa school or work...ung iaupdate ako from time to time asan sya and ung katabi ko lang sya kahit sa panunuod ng tv hehehehe."


Celine






"Hahaha!! Natutuwang nahihiya s taong gsto mo."


Cath





"Kuya seryoso yan? Hahahaha"


Cathy
 "Kilig: ito ung sudden rush ng feeling dahil s sobrang sweet or sarap sa pakiramdam habang nkikita or nkakasama m ung taong mahal mo.?"


Zia
"Hahahah sige.. yung kilig kasi may tatlong ibig sabihin yan.. una mararamdaman mo ung kakiligan kapag sinabihan ka ng kaht na anong compliments galing sa taong gusto mo lang.. pangalawa ung kilig kapag binigyan ka ng bagay or kaht anong materyal na bagay galing sa taong gusto mo.. pangatlo ung kilig factor na nararamdaman araw araw kagaya ng pag ihi. Chos lang.. ung pangatlong kilig eh un ung araw araw ka pinapakilig ka ng taong mahal mo kahit sa simpleng "iloveyou" "kumaen ka na ba?" "Kamusta araw mo?" Effort kasi un eh na naalala ka niya araw araw kahit gano pa kabusy yung tao."


 Millet
"tagal ko ng di nararamdaman yan."

"pero usually it makes you feel happy, excited and it makes you feel human."

 Angel




"Parang excitement na tinatago"


Crystal 




"Pag nkakakita ko ng crush ko hahaha, Syempre pag ung partner mo sinurpresa ka.."

 Nads
kilig???

"kilig is pag may nagpasaya sayo unexpectedly.. kunware yun bf ko bigla bigla ngsabi ng i miss you ng out of nowhere yun kilig yun o kaya bigla may ngbgay ng something na gusto namin, ayun kilig yun."


Cams 

 "Sa effort and sweetness ng isang tao."


Alyssa 

"Pag may spark sa mga walang kwentang bagay na ginawa nia."

"Kunwari kinausap ka lang niya pero feel mo sasabog na un dibdib mo sa kaba."





Kape. Asukal. Gatas. 8:32 PM

Malamig na ang kape, pinilit ko pa rin lagukin kahit nanabang na ng tuluyan...... 






1 komento:

  1. Kilig? Salitang pandiwa na madalas maranasan ng isang tao. Masarap sa pakiramdam, malambing bigkasin pero ito ay isang mabisang dahilan ng pagkabaliw ng mga tao. Baw!

    TumugonBurahin