Pages

Lunes, Oktubre 5, 2015

Sa Kabilugan ng Buwan sa Ubasan: Ang Alulong ng Paghihiganti

'Pssssttt, ikaw anong klase kang amo sa mga  alaga mo?'


Ano ang nasa dako pa roon?

Tohl. mahilig ka ba noon makinig ng katatakutan sa radyo, ang alam ko kung merong drama meron din namang katatakutan. Masarap makinig  noon neto lalo na kapag brownout sa lumang de-bateryang radyo na pag-aari pa nila Lolo at Lola mo na namayapa na. Yung tipong sa katahimikan ng gabi at kabilugan ng  buwan, huni lang ng mga kulisap ang iyong maririnig at bigla ka na lang makakarinig ng alulong ng aso. Oo, hindi mawawala sa katatakutang Pinoy ang alulong ng aso, matik na yan eh. Ewan ko lang kung hindi ka  rin kilabutan sa klasik pero epektib na "Awoooooohhh" ng aso na yan lalo na kung tahimik ang kapaligiran at ikaw lang mag-isa. 

Ngayong gabi dito sa Ubas na may Cyanide, tatanungin ko kayo kung paano ka ba mag-alaga ng aso? Ikaw ba yung tipo ng amo na mabait? maawain? mahaba ang pasensiya? o ikaw yung tipo ng amo na kaunting pagkakamali lang ng iyong alaga at umihi sa loob ng bahay niyo ay  paghahampasin mo na at hambalos? Eh di sana tinanggalan   mo na lang sana siya ng ari at puwet . Kung mag-aalaga tayo ng aso, sana ay mahaba ang ating pasensiya at hindi lamang "aso" ang turing sa kanya. Ang ibig kong sabihin ay hayop na nga sila, eh hayop pa ang turing mo. Asar ako sa mga among nagpapakaen ng punyetang  kaning-baboy na yan, may sikmura din naman ho sila at sumasakit din ang tiyan at nagtatae sa lecheng kaning baboy na yan. Tutal naman eh napapakinabangan naman natin silang magbantay sa gabi at protektahan ang ating mga bakuran sa mga masasamang elemento eh bakit hindi natin silang ituring na ka-isa sa atin pagdating sa pagkain, sa halip ay nakakatulong din ito sa kanilang pagbabantay. 

At gusto ko lang din sabihin na hindi natin sila alila, bakit hindi natin ituring na isa sa kapamilya natin ang ating mga alaga. Hindi sila habambuhay na magiging sunud-sunuran sa mga gusto nating ipagawa, katulad ng paghabol ng mga bagay na ating ibinabato at kailangan ibalik  niya iyon sa'yo, ibabato mo na naman, ibabalik sa'yo, ibabato.....ibabalik......ibabato.......ibabalik. Tapos kapag hindi na niya kaya dahil lawlaw na ang dila niya magagalet tayo. Huwag sanang maging tanga ang mga   amo, hindi robot ang aso mo na hindi hinihingal at nanghihina kapag nasobrahan na sa mga gusto  mong ipagawa.

At dito maguumpisa ang ating kuwento......


Si Juno at Si Goro

Mabait si Goro, maamo, masunurin, at higit sa lahat masarap kalaro. Purong kulay itim, mataba, may kalakihan at putol ang bundot. Tuwangng-tuwa si Juno, sa tuwing itinatapon niya ang plastik na bola at hinahabol ni Goro at ibinabalik sa kanya. Tuwing napapagalitan ng Ina si Juno at nagmumukmok sa isang sulok lumalapit si  Goro. Nagpapakitang gilas at laging nakasunod sa kanya. Kalaro,bantay at tagapaghatid ng kasiyahan sa kanya.

Sa gabing madilim mahimbing at natutulog si Juno, laging alerto at bukas ang tainga ni Goro, konting kaluskos lamang sa likod-bahay ay pinupuntahan niya ito na parang security guard at kung wala lang naman ay babalik agad sa ilalim ng kama ni Juno para ipagpatuloy ang pagbabantay. Habang nakahiga sa lapag si Goro ay payapa  nitong pinakikinggan ang langitngit ng kama ni Juno kapag ito'y nagpapaikot-ikot sa kanyang kama.

Si Goro rin ang taga-ubos ng pagkaing tira ni Juno. May kung  anong kasiyahan ang nadarama ni Juno tuwing makikitang tila sabik si Goro sa pagsaid ng pagkaing kanyang pinagsawaan. Walang regular na pagkain si Goro kung ano lamang ang tirang pagkain ni  Juno yun lamang ang kanyang pinagtitiyagaan. At sa araw-araw ganun ang sistema.

Mga ilang taon pa ang nagdaan ay tuluyan nang namayat si Goro. Kaya nang minsang maglaro uli sina Goro at Juno sa gabi at liwanag ng buwan, ipinukol sa malayo ang bolang pula, matagal bago nakabalik si Goro. Hapong-hapo at hinang hina ngunit naroon pa rin ang kasiyahan na ihatid kay Juno ang bolang itapon-kuhanin, itapon-kuhanin,itapon-kuhanin. "Ano ba naman Goro.....ang kupad-kupad mo naman, di ka na kagaya ng dati, ha? Sige, baka palitan na kita?" Ang biro ni Juno kay Goro habang hinihimas  himas ng kaliwang kamay ang ulo ni Goro na naghahabol pa rin ng hininga.

Walang anu-ano, biglang SINAKMAL  ni  Goro ang kaliwang kamay ni Juno. At buong lakas nitong sinundot ang mga mata ni Juno. Napalupasay siya habang humihiyaw sa sakit. Hawak ng kanang kamay ni Juno ang kanyang mata na sumisirit at umaagos ang dugo, samantalang ang kaliwang kamay na sinakmal ay nakabitin sa hangin, wakwak ang kanyang hinlalaking daliri at halos matanggal na at mula doon bumubulwak ang sariwa't-malansang dugo. Habang hindi makakita si Juno ay aninag lang ng isang malaki, mabalahibo, nagsakatawang tao, ngunit aso ang itsura, nanlilisik ang mata, matatalim na pangit ang tumambad sa harapan ni Juno at ito'y nagsalita sa pinaka-nakakakilabot na tinig: "PUTA KA, PUMAYAG NA 'KONG ITURING  MONG PANGHABAMBUHAY NA ASO, WAG LANG ITRATO MONG PANGHABAMPANAHONG GAGO!" Tumalon si Goro sa bubungan at mula sa tuktok ng bubong at tanaw na kabilugan ng buwan, isang alulong ng nakapangingilabot na aso ang narinig ng buong barangay.

Ngayon ang tanong anong gagawin mo "Mag-ingat sa aso, o ingatan ang inyong alagang aso?"

Magandang hatinggabi sa lahat!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento