Pages

Huwebes, Oktubre 8, 2015

Vandalized Your Thoughts: Tohl, Paano ko ba Sisimulan ang Pagsusulat?

'When Greek Gods buys vinegar, fish sauce and soy sauce.'
Ang kailangan mo lang naman ay kapayapaan ng isip, puso at diwa idagdag mo pa ang tahimik na kapaligiran ay makakabuo ka ng isang napakagandang likha. Hindi kailangang planado, hindi kailangang mag-isip ng malalim pero ang kailangan ay malikhain, sundin mo lang kung  anong naiisip mo at isulat sa papel dahil sa bawat pagkapayapa ng utak mo ay duon ka makakalikom ng maraming impormasyon, mga detalyeng sumasagitsit at bumabalandra sa iyong isipan. Umpisahan  mo sa simpleng flashback,throwback na tila nagsusulat ka lang ng "Formal theme" mo noong elementarya, dito wala ng  teacher mo na mangbuburaot na kukuritan ng pulang guhit   ang mga maling grammar o spelling mo dahil dito ikaw na mismo ang magtatama. Dito hind uso ang "Original" at "Rewritten" dahil ikaw na mismo ang gumagawa ng sarili mong kuwento. Ang mga taga-basa mo ang magbibigay ng grado sa iyo kung sila ba'y nagkaron ng interes sa mga nais mong ipabatid na galing sa puso, isipan at pagiging malikhain dagdag na lang ang mga salitang ginamit para mas magkaroon ng damdamin ang binabasa ng mga mambabasa. Teka banat na ako ng banat pero alam niyo na ba ang aking pinupuntirya? Ayan ganyan din dapat, kailangang no holds barred, dire-diretso lang, kagaya nga ng aking sinabi sa una walang plano-plano kung anong ibinubulong ng utak mo, irekta mo sa pag-istrongka ng kamay, walang mali, walang tama, walang lingo-linngo pakanan, walang lingo-lingo pakaliwa. Diretso lang, tuloy-tuloy lang ang daloy ng impormasyon sapagkat kapag ikaw ay nawala sa pokus, yung mga ulap above your head bigla na lamang yan maglalaho. Pero puwede ka naman siyempre mangamot, mangulangot  at magkamot ng  puwet hindi mo naman mapipigilan yun eh.

Halimbawa, mayroong tatlong magkakapatid si Athena, Ares at Apollo. Sabihin nating taga Kabite ang tatlo at inutusan sila ng kanilang Nanay Abigail na bumili ng suka, patis at toyo. Mayroong instruction na binigay ang kanilang ina bukod sa pagbili ng kanya-kanyang condiments. Pinagdala sila ng lapis at papel at kailangan isulat nila ang makikitang mga bagay bagay sa tindahan na kanilang pupuntahan. Si Athena ay inutusan bumili ng suka sa Divisoria, si Ares ay inutusang makadiskarte ng patis sa Makati at si Apollo naman ay inutusang makabili ng Toyo sa Alabang. At sabay-sabay umalis ang tatlo kasama ang papel at lapis na kanilang tangan.


After a few hours........(parang Del Monte Kitchenomics lang, luto na)

Unang dumating si Athena inilapag ang bitbit niyang isang bote ng suka sa lamesa at dinukot sa bulsa ang papel. "Anak, ano ang nilalaman ng iyong papel maaari mo bang banggitin sa akin ang iyong mga nakita sa iyong pinuntahan?" Binuklat ni Athena ang pagkakatiklop ng kanyang papel at isa-isang nilahad sa kanyang ina ang mga napansin ng kanyang mga mata. "Nay ang nakita ko po ay isang malaking tindahan na may karatulang "Egoy's store", sa harap ng tindahan ay may bakal na animo'y rehas at mula sa loob ay naka display ang mga garapon ng iba't-ibang brand ng kendi; stork, mentos,snow bear,viva kendi,kendi mint, orange sweets at white rabbit. May mga nakasabit po na shampoo sachet; sunsilk, palmolive, lux, hannah, head and shoulders, dove, pantene at clear. Katabi naman po nuon ay tatlong basket na nakasabit, ang unang basket po ay naglalaman ng mga sachet na kape; kopiko, nescafe, great taste, cafe puro at energen. Ang pangalawang basket po ay mga noodles; maggi, lucky me, cup noodles, quick chow, yakisoba, at  indo-mie. Sa iskaparate naman  po ay naka display ang mga delatang pagkain katulad ng sardinas,corned beef, meat loaf, sausage, tuna at palaman sa  tinapay. Sa loob po ay may refrigerator na may lamang iba't-ibang softdrinks, juice at mga bottled ice tea at bottled enegy drinks, meron din po silang mga softdrinks in can. Yan po inay ang aking mga nakita sa aking pagbili ng suka sa Divisoria.

Pagkaraan ng ilang sandali, may kumatok sa pinto at tumambad sa kanilang harapan si Ares. Siya ay inutusang bumili ng patis sa Makati. Pawisan ang binata, habol ang hininga at inilapag ang hawak na bote ng Lorin's patis sa lababo. Idinetalye sa kanyang ina ang kaniyang isinulat. Halos kaparehas lang din ng mga nabanggit ni Athena ang kanyang mga sinabi, ang kaibahan lang ay mayroong lalagyanan ng frozen meats and ice cream sa kanyang nabilhan. Binanggit ang kanyang pinagbilhan, sa Frances Middleton store sa Jupiter Street, Makati, katapat ng Shell Gasoline station at sa kaliwa ay 7-11. Nagkaroon ng pagkakataon si Ares na makapag kwentuhan sa bantay ng tindahan, hanggang sa matanong siya nito kung taga saan siya dahil bago ang kanyang mukha sa lugar. Sinabi niyang  taga Cavite siya, "ah nagbabakasyon ka dito utoy? taga saan ka dito banda sa Jupiter street  iho?", "Hindi po, taga Cavite po talaga ako at nautusan lang pong bumili ng patis dito sa Makati." Sabay lakad papalayo....

"Aba't tarantadong batang ire...." ang sambit ni Aling Frances.

Lumipas ang anim na oras, hindi pa dumarating ang huli, pagkaraan pa ng isang oras may mahinang katok sa pinto. Si Apollo ang huli nilang kapatid, ubos ang lakas at hapong hapo sa pagod. Ibinagsak ang katawan sa sopa at pati na rin ang hawak nitong toyo. Kinuhaan ng tubig ni Athena ang kanyang kapatid at ipinainum. "Anak anong nangyari sa'yo at ginabi ka na ng  todo?" ang tugon ni Aling Abigail.

"Nay, pasensiya na po, pagkababa ko po kasi sa Zapote ay hindi muna ako dumiretso sa Alabang para maghanap ng toyo sa halip ay dumiretso po muna ako ng Baclaran at sumakay ng Baclaran Tambo. Naglakad po ako sa tindi ng sikat ng araw sa Redemptorist at nagdaan muna sa simbahan para magsimba at ipinagtirik ko na  rin po ng kandila ang Tatay at Lolo. Pagkatapos po nuon ay namasyal na muna po ako sa Mall of Asia, naglakad lakad lang po duon at nagliwaliw. Sadyang napakalaki po pala nuon nay, sana po ay makapasyal tayo duon at makapanood po ng sine, yung may isinusuot pa po na salamin na  kung tawagin nila ay tridi. Napatambay din po ako duon sa mga nagroroller blades on ice at natatawa po ako duon sa mga hindi po makatayo at laging mga nakahawak lang sa railings kasi baka madulas sila at mahalata silang puro porma lang po at di marunong. At marami din po palang masasarap na kainan dun bukod pa po sa Jollibee at McDonalds. Ang totoo po talaga hindi ko po  talaga alam ang daan palabas at nakalimutan ko kung saan po ako pumasok dahil napakarami pong lagusan, Buti na lang  po at nagtanong tanong  ako s amga guard na hindi ko po pinapahalata ang pagpatak ng luha ko. Kasi naliligaw na po talaga ako sa loob. Napakatrapik po pabalik dahil meron pong bangaan ng bus at kariton sa may Roxas Boulevard, buti na lang po at hindi nasaktan ang driver ng bus, joke lang po na'y, buti na lang po ay nakaligtas ang mamang nangangalakal ng bote,diyaryo at garapa. Nagkalat lang yun  mga boteng basag sa kalsada, dahan-dahan ang mga sasakyan dahil baka mabutas yung mga gulong nila na Made in China  kaya ayun usad pagong  ang trapik. Pagdating ko naman  po sa mga  tindahan sa Alabang ay panay sold out   po ang toyo dahil napakyaw raw ang lahat ng toyo dahil sa gagawing Adobo Festival sa kanilang lugar sa darating Linggo. Gusto ko nga sana na'y na mag-stay pa hanggang Linggo para makipag fiesta sa kanila pero alam kong hahanapin niyo na ako. Wala po akong choice kaya sa SM Southmall na lang po ako bumaba, ang kaso po napakahaba ng pila sa counter, bulto-bulto ang mga bilihin na paninda na nauna sa akin samantalang ako isang Marca Pina soy sauce lang ang hawak ko. Kaya nag decide na lang po ako sumakay ulet ng jeep at bumaba ng Alabang Town Center o ATC para bumili ng toyo. Napakasosyal pala ng lugar na yun na'y at masaya ko dahil may nakita akong bilihan lanng ng mga spices at hindi ko na kailangan pumili pa sa grocery store. Tignan niyo yan hindi yan basta lokal na toyo, imported yan nay!"

"Aba oo nga anak at sulat hapon at ang model ay hapon. Ang galing naman ng anak ko!" Inilapag ng Nanay ang toyo sa lamesa. "Yun nga lang na'y sa sobra pong mahal ng toyo na nabili ko ay limang piso na lang po ang sukli sa perang ipinadala niyo kaya inabot na rin po ako ng gabi dahil naglakad na lang po ako mula doon hanggang dito sa atin. Hehehehe! Pero wag kang mag-alala nay masaya naman po at marami akong adventure."

Ngayon sino sa tatlo sa tingin niyo ang magaling na manunulat?

Si Athena ay sumunod sa rules, kung saan nagpokus siya sa kung ano lamang ang mga bagay na makikita niya sa tindahan, maaaring nailista niya ang mga bagay na napansin at hanggang duon lamang. Masasabi kong ang pangalawa ang mas magaling na manunulat kaysa sa nauna, may pagkakalog ata at nakipagkwentuhan pa sa may-ari ng tindahan at duon nadagdagan ang kanyang impormasyon higit pa sa mga nakita niya sa loob ng tindahan. Ngunit isa sa karakteristiks ng isang manunulat ay makikita mo sa huling dumating, hindi siya sumunod sa rules dahil wala namang oras na ibinigay kung anong oras niya kailangang makauwi. Hindi lang siya kalog katulad ng pangalawa at nababaliw pa ata sa knyang paglalakbay. Umikot-ikot pa siya sa maraming lugar bago tapusin ang pinaka climax ng kanyang kuwento. Pinagtawanan natin siya. Hanggang sa makarating siya sa isang lugar kung saan nandoon ang pakay ng isang kuwento. Siya ang pinakamahusay sa tatlong manunulat. Dahil binigyan niya ng kulay ang mga bawat salita, nagkaroon ng interes ang mga mambabasa dahil hindi lamang nakasentro sa pagbili niya ng toyo sa Alabang ang naging daloy ng kanyang paglalakbay.

Walang iisang tama at wala ring naka fix na approach sa pagsusulat, walang iisang standard na kung ano nga ba ang magandang isulat. Go with the flow, smoothly and interestingly, wala tayong mga dibisyon, wala tayong kailangang sundin. Sa pagsusulat ang rules ay nandiyan para wasakin.

"Let your wildest imaginations run free and let your pencils do the talking." - Jack Maico

Wala namang author na kusa na lang siyang sumulat na wala siyang binabasehan, lahat ng paborito mong manunulat ay mayroon ding mga sources of authors na kanilang sinusundan at iniidolo. Ngunit hindi para gayahin kung di para makalikom ng mabibisang ideya sa pagsusulat. 

Napakasarap magbasa, mula sa mga kilalang mga sikat na nobelista, mga lokal at  foreign authors na may kanya-kanyang istilo ng pagsusulat. Kahit anong babasahin bigyan mo ako, wag lang ang mga kalandian ni Marcelo Santos, pagtatiyagaan ko pa magbasa ng cookbook.

Pero kamakailan lang ay napahiya ako at nakalimutan kong magbasa. Sinabi ko nang masarap mag-isip ng mga ideya kapag ikaw ay mag-isa lalo na sa banyo kung saan kulob, tahimik at nililinis mo si manoy. Hindi kasi ako yung taong mabili ng mga ipinapahid pahid sa katawan o kaya sa  buhok. Tama na sa akin ang sabon na Safeguard na pangligo, okay na sa akin na shampoo lang na Hanna ang  pang shampoo sa buhok, hindi ako yung taong nagcoconditioner at gumagamit ng pampaputing sabon, dahil tanggap ko na ang kulay ko at sa pag-isis ko naman siguro ng loofa sa katawan ko ay natatanggal ang libag,dumi at libog sa katawan. Sa simpleng pag shampoo ay naaalis naman siguro ang aking balakubak,kuto at lisa. Pero netong isang araw dahil nag grocery ang aking kapatid na babae, ay marami akong nakitang mga de kolorete sa katawan. At parang pusang naging curious   kung ipapahid ko nga iyon sa muka, gusto ko lang kasi gayahin yung Hash5 na pinaliguan ang muka ng Klorox eh nag-iba ang mga anyo at kuminis ang mga puwet, este muka. Kinuha ko sa tabi ng sabonera ang kulay itim na animo'y toothpaste na hugis, naglagay sa palad ng kaunti at buong sayang ipinahid at ikinuskos sa muka ng limang minuto. Ayos ang lamig ng feeling, hinintay kong mapuno ang balde habang umiikot ikot ang tabo sa loob ng balde. At pagka puno ay nagbanlaw, nagbanlaw ng nagbanlaw hanggang mawala ang mga bula at mapawi ang lagkit ng sabon,shampoo at ng ipinahid ko sa muka na facial wash. Sa pintuan, nakasabit at ang aking  tuwalya at hinila ito ngunit natamaan ang facial wash na binili  ni utol at nahulog sa tiles ng banyo at gumulong ng bahagya, dinampot ko iyon at nakaharap sa akin ang aking bagay na pinulot. Napabasa ako bigla...............at ang sabi sa sarili (punyeta nakalimutan kong magbasa) at ang hawak ko ngayon ay......ay isang VAGINAL WASH pala! 

Putang ina! 

.....at unti-unting hinigop ng sink ang tubig mula sa akin pinagbanlawan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento