Pages

Biyernes, Oktubre 30, 2015

Strange But True: The Urban Legend of Maria Labo

'Lesson learned, wag basta  basta subo ng subo, wag basta basta lunok ng lunok.'
Sa Pilipinas, otomatik ang takutan kapag bisperas na ng Araw ng mga Patay, nakaugalian na nating magtakutan, magkuwentuhan ng mga nakakapanindig balahibong istorya, manood ng mga nakakatakot na pelikula sa bahay (for sure pirated o kaya torrent), o di kaya sa sinehan. Walang makakapigil sa atin dahil minsan gusto ng mga Noypi na kiligin hindi dahil sa isang romantikong palabas, kung di para maihi sa katatakutan sa tuwing may mababasa, madidinig o mapapanood tayong  mga heart pounding stories o documentaries. Panahon na naman maglabasan  ng ASWANG INCORPORATION,  sikat na naman ang mga aswang, manananggal,duwende,kapre,sigbin,tikbalan, tsaka doll, rugby boys, at kung anu-ano pang kampon ng kadiliman. Sama mo na si Nognog sa kampon na yan....opssss  easssyyyy! 

Kung naging habit mo ang pagreresearch mas marami siguro tayong matutuklasan na mga kwento sa mga nagdaang panahon tungkol sa mga aswang. Isa na rito ang urban legend ni Maria Labo. No offense to Capiz ha, pero ever since na mamulat ang aking tamang pagiisip (ewan ko kung kelan) marami na akong naririnig na mga bali-balita na meeting place daw ng mga aswang at engkanto ang nabanggit na probinsiya, kasama na rin ang kalapit na probinsiya ng Antique at Aklan. Noong nabubuhay pa si erpats may mga  nakuwento na rin siya sa akin na pinamumugaran nga daw  talaga ng aswang ang isang baranggay duon, ito ay kuwento din ng kanyang Lolo na taga Leyte naman. Sinugod daw ng mga mamamayan ang baranggay na ito at sinunog ng buhay ang lahat ng taga-rito. Mayroon daw mga nakatakas at nagbantang maghihiganti sa mga taong sumira ng kanilang pamayanan. At pagkalipas nga daw ng ilang buwan ay sunod sunod na kamatayan ang naganap at kung saan saan may mga katawang natatagpuan sa kagubatan, wasak ang tiyan, walang bakas ng dugo, walang mga lamang loob kasama ang puso. 


Rob Zombie-House of 1000 Corpses OST

Sino nga ba si Maria Labo?

Si Maria ay simple lamang na namumuhay sa kanilang lugar sa Capiz, ordinaryong lifestyle na may asawa at dalawang anak. Hindi ganoon kaganda ang ekonomiya noong dekada 80 kaya nagpasya si Maria na mangibang bansa sa Canada bilang OFW para suportahan ang gastusin ng kanyang pamilya habang ang asawa niya naman ay isang pulis.

Nakapagtrabaho siya bilang caregiver sa Canada sa isang matandang lalake. Naging maganda naman ang pakikitungo ng kanyang amo kahit pa hindi sila nagkakaintindihan gaano sa pananalita o lengguwahe. Hanggang sa dumating ang isang gabi na natagpuan niyang naghihingalo ang matanda na nakahiga sa kama. Inutusan siya nitong lumapit pa ng kaunti sa pamamgitan ng pagkumpas ng kamay. May iniabot sa kanyang maliit na  itim na bato at inutusang siyang lunukin ito at hindi para isigaw ang katagang "Darna".  Hindi niya alam kung para saan ang batong iyon, pero nilunok niya pa rin at sinunod ang matanda. Namatay ang matandang lalake pagkatapos niyang lunukin ang itim na bato.

At dahil wala  nang aalagaan si Maria, nawalan siya ng trabaho at bumalik sa Pilipinas sa kanilang probinsiya sa Capiz. Dumaan ang mga araw, madalas sumasama ang kanyang pakiramdam at laging nakakaramam ng pagkagutom at kahit pa kakakaen niya lang eh parang kulang pa rin ang kinakain. So ganun nga ba ang sintomas ng pagiging aswang? Eh di andami palang aswang sa kasalukuyang panahon? Aswang din pala ang manunulat ng blog na ito. Napansin na ito ng kanyang asawa dahil hindi naman ganito dati si Maria na mas pinipili pang laging gising sa gabi. (Aswang nga ata talaga ako, parehas kame ng sintomas.) Hindi na siya yung dating asawa niya na nakikihalubilo sa mga tao sa labas para makipagkwentuhano di kaya ay makipagtsikahan. Mas pinipili niyang magkulong sa bahay sa umaga. Na ang akala naman ng asawa niya ay nag-aadjust lamang ito dahil na rin sa iba ang oras sa bansa na kanyang pinagtrabahuhan dati.

Isang gabi, dumating ang asawa niyang pulis, umupo sa hapagkainan para kumaen ng hapunan. Tinanong niya si Maria, "Nasaan ang mga anak natin?" hindi pa makapagsalita si Maria dahil ngumunguya pa ito sa kanyang nilutong putahe. Pagkatapos, tinignan niya ang kanyang asawa at itinuro ang stove sa kusina. "Andun sila". Lumapit ang pulis sa kalan at mula doon kitang kita niya sa isang lamesita ang putol putol na katawan ng kanilang anak kasama ang mga pugot na ulo at mula sa kawali ay naroon ang mga lamang loob nito. Halos maubos na ni Maria ang mga lamang loob sa kawali. At mula doon ay hinagilap niya ang bolo o labo at walang anu-ano ay handa niyang patayin ang kanyang asawa. At dito naging monicker o katawagan kay Maria yung labo at binansagan siya ng mga tao na Maria Labo. Ang sabi sabi ay nasugatan lamang si Maria sa muka at bakas dito ang peklat na naiwan ng sugat. Sinasabing nakatakas siya sa South Visayas hanggang Mindanao at pinaniniwalaang buhay pa  rin siya sa kasalukuyang panahon at gutom pa rin sa lamang loob ng tao.

Ito ang ilang istorya mula sa buhay  ni Maria Labo ng Capiz. Hindi akin ito at bunga lamang ng aking pagsasaliksik:

Mula sa  Internet:


Mula sa mga text messages:



Ang tanong, buhay pa nga kaya si Maria Labo?







1 komento:

  1. Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
    mayocareclinic@gmail.com
    Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
    Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.

    TumugonBurahin