Pages

Martes, Oktubre 27, 2015

Wag ka nang Humabol: Suicidal Boys and Girls Surviving Tips

'And now, the end is near and so I face the final curtain.'
Op! Op! usapang patay muna tayo at dahil malapit na rin naman ang Undas, siyempre pag Pinoy dapat in ka sa mga aktibidad ngayong Halloween. Hindi natin paguusapan dito ang mga engkanto,aswang,duwende,kapre,manananggal, manananggal ng lakas, ng puri at iba pang mga ka-pederasyon ng kampon ng kadiliman. Hindi natin isisingit ang  mga zombie sa usapin natin dito, walang paksang Walking Dead na kahit mainit pa ngayon ang usapin na patay na nga si Korean boy Glenn. Teka lang, pero sige aaminin ko na buhay siya, nabuhay siya pagtapos siya pagpiyestahan ng mga hayok sa isaw,betamax at dugo na mga "walkers" na yun. Ika nga, ang motto sa TV series na yan "You Only Live Twice." 

Tutal mauuwi din naman sa kamatayan ang post na ito, bakit di natin pag-usapan kung bakit maraming  taong suicidal? Bakit marami ang nagpapakamatay? Saan sila humuhugot ng lakas para gawin ang ganitong bagay? Anong dahilan? 

Gutom/Kahirapan? "Mahirap lang kame at ayoko mamatay sa gutom huling lata ko na ito ng sardinas, pagkatapos nito anong kakainin ko."

Iniwan ng sinisinta? "Iniwan niya na ako sumama na siya sa isang mukang goons na jackstone player, pagkatapos kong ibigay ang lahat, lahat, lahat sa kanya, parang clothing apparel na Forever 21 niya lang ako kabilis palitan."

At para mas lalong madala ang mga mambabasa, patalastas muna, isang kanta mula kay Boyet Vasquez

Napagalitan ng magulang? "Tigilan ko raw ang kakapanood ng Aldub, marami raw akong natututunang kalandian sa kakapanood nun. Laging patay ang TV sa tanghalian  at mas pilit niya akong pinakikinig ng drama sa radyo. Ayoko na Mama! Samantalang siya walang mintis siyang nakapanood ng drama nobela ng Daisy Siyete nuon tapos di pa nakuntento, bumili pa siya ng pirated CD ng buong episode ng Daisy Siyete. Napakalupet mo Mama!"

Nasabihan ng mataba? "Muka na raw akong bull frog at hindi na  raw ako papayat dahil daw matigas na yung taba at wala na raw akong pag-asang magkaron kahit isang abs sa noo. Ang sasakit  niyo magsalita. Goodbye world!"

Pero teka, dapat nga bang tapusin ang buhay dahil sa ganitong pangungutya o estado ng buhay? Maaaring nakakatawa pero mayroong mga ganitong napabalita  na dahil sa pangaalipusta o pangbubully sa kapwa may mga dinala sa puso at isipan ang mga nasabi ng nauna at ang ilan sa  kanila ay hindi nakayanan ang masasakit na salita at hinatulan ang kawawang sarili at tinapos ang buhay sa mundo. Aww ang sad. =(

Pero dito sa Ubas na may Cyanide, hindi natin hahayaan ang mga suicidal na katulad nila. Nada! Nevah! Bibigyan natin ng karamptang suhestiyon ang lahat, para na rin walang matotodas sa mga gustong  humabol ngayong Todos Los Santos. 

Ganito yan:

* Alam kong ilang beses ng maraming magpatiwakal sa pagtalon sa mga billboards sa Kamaynilaan, siyempre wala naman tayong superhero na katulad ni Spiderman na nakakasense ng panganib at mas mabilis pa sa naka sampung Cobra energy drink na pagong nalilitaw na lang bigla para saluhin ang magpapakamatay, kaya kailangan DIY o do it yourself na galawan. So, bakit kaya hindi na lang tayo maglatag ng safety net sa buong lansangan ng bansa. Hindi trampoline ha, yung iba kasi yun ang ginagamit baka magbounce sila at sa railings pa ng MRT bumagsak, mas patay tayo diyan. Rescuer murderer ang labas mo.

*Maraming nagpapakamatay dahil sa lason, ngayon ang magandang gawin magimbento ng lason na hindi nakakamatay, yung tamang makakatulog lang sila, tapos pagising niya sa realidad, magtatanong yan "nasa langit na ba ako o impiyerno?" Mapapamura pa yan, "ay putangina buhay pa ko." Ang matindi sa lahat magrereklamo pa sa DTI na walang epekto ang lason at sasabihin "dapat patay na ko ngayon eh!" Isa pang suhestiyon mas maganda siguro kung may flavors.

*Tohl, isa sa pinakamataas na istadistika na maraming nagpapakamatay dahil sa pagpapasagasa. Ang suhestiyon ko diyan ay bakuran ang lahat ng highways, mataas na mataas na bakod pa ra duon lang dadaan ang tao. Sa gilid-gilid na lang dadaan ang tao na dadaigin ang Great Wall of China sa haba. 

*Laslas, wakwak ng pulso? eh di magbenta na lang ng mapupurol na blade, kutsilyo, gunting at para walang ligtas kahit thumbtacks purulan na din. 

*Ops, tubig! Maraming magpapakamatay sa pagkalunod. Ang magandang suhestiyon dito ay magsaboy ng maraming salbabida sa pool, ilog, dagat, lawa at kanal. O kaya para safe na safe patuyuin na lang ang lahat ng anyong tubig sa Pilipinas. O kaya magpasa ng batas na dapat ang buong karagatan hanggang tuhod lang ang lalim. Kung gayon lang din naman, mabuti pa ang baha umabot hanggang hita.

*Teka, teka, teka, paano itong mga suicide bomber na ito? Kasi mas maraming mamamatay kung hahayaan nating magpakamatay ang suicide bomber na ito. Meaning gagawa na lang din tayo ng pampasabog na di nakakamatay? Ipunin na lang ang lahat  ng utot, para kapag pinasabog niya, hindi siya madedeads  high na high lang siya.

*Baril? Paano yung magbabaril sa sarili?Obligahin na lang din natin na gumawa ng bala na hindi  nakamamatay, yung nakakakiliti lang.

*Kung kontrahan lang naman, magbenta na lang din tayo ng marurupok na tali, alambre at nylon kasi maraming magbibigti at magmumulto pa ang mga lekat na yan.

*Eh yung matataba,  yung mga sobra sobra sa cholesterol, sodium, at asukal yung mga H+ na isinasali sa hypertensive program? Mabuti pa pagbawalan na lang din sila kumaen. O kaya udyokan na mag South beach diet. Sosyal!

*Paano yung mga abnormal na gustong magpakamatay sa sobrang saya? o yung mga magpapakamatay sa sarap? Magpasa na rin tayo ng  batas na bawal na ang maging sobrang saya.

Ayan, safe na wala nang hahabol sa Todas Los Santos. Teka at magagabi na pala wala pa akong tulog at papasok na naman sa ridiculous life na ito, itatago ko na lang muna ang sleeping pills na hindi nakakapagpaantok.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento