Pages

Lunes, Agosto 26, 2019

School Memories: RECESS!!

'Ganitong-ganito ang lunchbox ko noong Kinder ee'


Best childhood memories sa eskuwelahan ang Recess ee.

Riiiinngggg! Recess na! Handa ko na nang buksan ang baunan kong nakalagay sa likod ng klasrum.

Come again, what's your favorite subject? "Recess!" - Exactly. Imposibleng hindi mo jinojoke yan nung bata ka.

Kasama ang lunch time at uwian, recess ang isa sa mga pinakapaboritong timesot sa araw ng mga batang mag-aaral. Nung mas bata-bata pa nga tayo wala pang lunch time ee, kase half-day lang naman tayo nun.m Pagtunog ng bell e dalidaling lalabas ang mga chikiting para pumila at pumunta sa CR (hands at the back!). Pagbalik sa klasrum e kanya-kanyan ang bukas ng mgabaunan nila. Napapaalala rin tayo nito na hindi lang puro aral sa skul. Pwede rin palang kumain. At maglaro.
.
Kulay red ang baunan ko nun na may tatak ng KitKat ibinili ako ng tatay ko niyan sa Saudi pagkauwi niya dito sa Pilipinas. Actually may laman talagang Kitkat ang lunch box na yun ang ginawa ko na ngang baunan noong pasukan na sa eskuwela. Parang attache case na maliit ang itsura at may bukasan sa ilalim ng hawakan. Ang kadalasang laman? Choco wafer o di kaya Hansel. Minsan e Rebisco. E hindi ko naman talaga paborito 'yung mga yun kaya binibigay ko rin sa mga kaklase ko, hirap ubusin e. At tsaka yung Hansel masarap siya kaso lagi akong nabubulunan eh mahaba lagi ang pila sa drinking fountain ee.

Ang all occassion na juice drink. Ang Zest-O

Hansel Mocha flavoured biscuits

The Nostalgic Chocolate Wafer

Kapag maganda ang itsura ng baunan ng kaklase ko, naisip kong masarap na rin ang laman nun. Kaya tuwing recess e nagiinspeksiyon ako ng mga lunch box dahil panigurado e may ilan sa kanilang masarap na pagkain talaga ang laman.

Knick-knacks. Marie. Mr Chips. Orange (jelly) candy. Roller Coaster. Magnolia Chocolait. Zest-O. Snacku. Oishi. 'Yan ang roster ng masasarap at panlabang baon. Hi-C orange flavor at Choco wafer ang gusto kong kombinasyon. Tangina ang sarap!

Alam ko hindi ito ang old Hi-C tetrapack

Isa sa pinaka masarap kaya ang hirap mamigay kasi minsan yung buo-buo ang kinukuha nila. Lugi ka.

Chocolate na orange?! Eeewww!


Kinse minutos lang ang recess namin noon. Pero parang ang dami nang pwedeng gawin - makipagkuwentuhan tungkol sa Regal Presents kagabi, maglaro ng teks at jackstone, tapusin ang nabiting pagdrodrowing sa likod ng notebook, o pumunta sa cancteen para bumili ng Lipps candy. Minsan naman, bibili ako ng sorbetes sa labas ng skul pero hindi rin matutuloy dahil bawal daw lumabas sabi ng guwardiya.

Pagdating ng high school ang lunch time naman ay isang oras na at mas maraming puwedeng gawin. Naaalala ko pa ang mga tinda noon sa canteen. Mga panahon na ito ay hindi na ako gaanong nagbabaon dahil hindi na rin ako nagbitbit ng lunch box at Coleman. Pero ang sarap naman din ng mga luto sa canteen pero kailangan mo na pumila para bumili ng uulamin mo. Karaniwang nakalagay sa styropor ang kanin may mga naka display na tray at iba't-ibang ulam para sa mga gustong magmeryenda lang ay meron din katulad ng spaghetti, pansit, turon at kung anu-ano pa. Pero ang hindi ko makakalimutang ulam at nasa alaala ko pa rin ay yung corned beef na may sabaw. Napakasarap at bibili na lang ako ng isa pang ulam na hotdog ay busog ka na sa halagang P25 bilang student meal.

Shet na malagket, ganitong-ganito yung lunch box ko noon.

Feeling nostalgic? eto ang usong-uso noon na inuman wala pang tumbler tumbler.

Year of the Tupperware! Baunan ng dekada nobenta kids. Pag winala mo yari ka may batok ka sa nanay mo koleksiyon niya yan ee.


Yung iba ko namang mga kaklase ay iba ang trip. Mas gusto nilang maglaro tuwing recess. Nariyan ang larong block 1-2-3 sa ilalim ng kasikatan ng araw, black magic (yung sipa), pero ang karamihan ay kuwentuhan at tsikahan ang trip, ang mga babae naman ay bitbit ang kanilang mga pocket books. Hindi pa kasi uso ang cell phone noon eh. Simple lang at kanya-kanya ang trip kaya ang lahat ay nakakapag-usap pa sa isa't-isa. Ang hindi mo lang makakausap noon ay yung may mga reporting pagkatapos ng recess dahil panigurado ay nag-aayos yun ng kanyang mga visual aids na ididikit sa blackboard.

Balik tayo sa baon at pagkain. Minsan ang baon ko naman na kombinasyon eh Zest-O at Hansel. Masarap ang Hansel eh malambot ang biskwit niya na pagkasubo mo pa lang parang natutunaw na sa laway mo. Bad trip ako kapag Chokies na orange yung filling ang baon ko. Tsokolate yung biskwit tapos orange flavor yung filling?! Puchang kombinasyon yan! Pero sumikat pa rin talaga eh. Mas lalo akong naloka nung lumabas yung mint flavor filling nitong biskwit na toh.  Inggit rin talaga ko sa mga kaklase kong may baon na chocolait. Dabest na inumin yun eh! Pero bihirangbihira lang akong makapagbaon nun kasi mahal eh hindi tulad ng Zesto.

Minsan nagbaon ako ng kanin at klasik na klasik na square tupperware lang baunan ko nun. Walang special compartment ng kutsara't tinidor o divider sa loob para sa ulam at kanin. Lagay ang kanin at ipatong ang ulam sa kanin tapos. Kaya naeelibs ako sa mga kaklase kong kakaiba ang baunan. lalo na nung una kong nakita ang tatlong magkakapatong na stainless steel na bilog na baunan ng kaklase ko. "Lupet ng baunan nun ah!", "parang spaceship", ang sabi ko sa sarili ko. At pwede pa 'tong i-adjust, puwedeng dalawang palapag lang ang gamitin mo depende sa dami ng pagkain na ibabaon mo. Gustong-gusto ko magkaroon nun ngunit hindi nangyari. Kaya kapag tapos na ang kaklase ko kumain, sasabihin ko na ako na magbubuo ng baunan niya. Pagpapatung-patungin ko na at sabay klak! Naka-lock na ang magkakapatong na baunan.

Palipas oras tuwing recess!

Tanya Markova - Disney

Pagkatapos naman kumain syempre ano pa ba? It's playtime! Mataya-taya, batobatopiks, taguan, dampa at iba pa. Meron pa nga noon na may mga nagdadala ng mga panabong na gagamba at nasa sisidlan pang mga kahon ng Bueno na posporo. Nagkukumpulan pa yan sila na para talagang nasa sabong ng manok. Eh kaso ayun napaka-ingay nahuli ng isang guro at pinadala sila sa principal's office.

Yung mga playtime minutes na yan siguradong pagbalik niyo sa klasrum eh pawis na pawis kayo. Yung mga nerd at mama's boy lang ang mga fresh na fresh pa rin. Hindi naman kasi sila sumasali at nakaupo lang sa canteen. Siyempre isa ko sa mga nagpapacool na nagbubukas ng polo kapag naglalaro. Kitang-kita yung naka tack in kong sando sa seksi kong shorts pero maangas ang dating nun dati. May mga goma rin akong bracelet panlaban sa dampa. 'Yung dala kong panyo nun ee basang-basa na at pag pinahid mo pa sa balat mo eh mababasa lang ulit ng pawis na nasa panyo. Yun ang masarap paikutin at ipampitik sa mga kaklase mo. Solid yun kasi basa na ee. Lalagitik talaga yung dulo ng panyo mo sa balat ng kaklase mo. Maraming umiyak at nagsumbong sa titser dahil diyan.

10-20! Experts ang mga girls dito.


Hindi rin naman ganung nagpapahuli ang mga babae dahil kanya-kanyang dala rin ng chinese garter yang mgayan. Pagalingan sa 10-20 yang mga yan. At kapag mataas na ang garter eh naglalabasan na ang mga panty nilang pink o yellow. Palaging yun naman ang kulay ng panty nila dati ee. Syempre makikiepal rin kami sa laro at bigla na lang kaming tatalon talon sa chinese garter nila at kunwaring magteten-twenty rin pero mang-aasar lang.

"Please fall in line! Find your height!"

Oops sige tapos na ang recess nagtatawag na si titser. Sarado ko na rin ang polo ko.

Nagtanong ako at nagpa-survey sa ating mga co-millennial kids kung natatandaan pa ba nila ang kanilang mga binabaon noong sila'y nasa elementary at high school pa at ito ang kanilang mga tugon. Maraming salamat din po sa inyong mga responses:









Walang komento:

Mag-post ng isang Komento