Pages

Linggo, Agosto 18, 2019

730 Days to Kwarenta: A Melodramatic Story ng Isang Birthday boy

'Hooray to the XXXVIII of existence!'


Mula sa araw na ito ay tatanda na naman ang ipinanganak noong Agosto, 1981. Eh ganun talaga eh hindi naman kasi tayo mga immortal na hindi tayo mag-aalala, hindi tayo magsasawalang bahala na madadagdagan na naman pala ang edad natin. Sabi ko nga noon sa isa kong blogpost EDAD = DEAD. Darating din talaga ang araw na yan ee at lahat naman tayo ay yan ang patutunguhan "una-unahan" lang ika nga. Ngunit wala pa talagang nakakaalam kahit sinong genius na scientist kung saan nga ba tayo patutungo pagkatapos ng ating huling hininga. Ayun ang kagandahan ng kamatayan.  SURPRISING!!

Teka lang ha, bakit nga ba kasalungat ng ikinikwento ko ang dapat na sentro ng paksa ng blogisode na ito. Dapat nga pala eh "Birth" day ang ibinibida ko dito. Sorry na at naging masyado lang akong ma-emosyon nitong nagdaang taon ng 2018. Ibinalot ako na parang tinapa ng kalungkutan at pag-aalala sa sarili. Marahil nga ay nagkaroon ako ng isang pang born day at yan ay noong ika - 29 ng January. Bakit kamo? hindi dahil sa literal na ipinanganak akong muli, pero wish ko lang talaga na mayroong restart button ang buhay natin lahat dito sa mundo yung tipong kapag napapagod ka na, yung tipong masyadong ka nang naiistress ay may panic button na lalabas sa pusod mo para mag-umpisa ulit ang buhay mo at maging sanggol ka ulit na ngumangawa habang inilalabas ka ulit sa puwerta ng iyong Nanay.

Gumagawa ako lagi dito sa aking blog taon-taon ng aking isinusulat para sa aking kaarawan. Kasama na rin dito ang pagpapasalamat sa Diyos na lumikha. Sa aking pamilya, mga mahal sa buhay at mga kaibigan bilang pagbati nila sa aking kaarawan. Iba pa rin kasi yung pagbibigay ng pagpapahalaga sayo na bigyan ka ng maikling oras para batiin ka nila kahit wala kang matanggap na regalo (parinig) basta maalala lang nila na yun ang araw ng iyong kapanganakan ay okay na at buo na ang araw mo dahil hindi ka nila nakalimutan lingid sa busy sila sa kani-kanilang buhay ay naisingit ka nila sa kaunting oras upang ikaw ay maalala.

Bukod sa mga nagawa kong post noon tungkol sa aking born day https://ubasnamaycyanide.blogspot.com/2015/08/bday-feels-isang-pasasalamat.html ; https://ubasnamaycyanide.blogspot.com/2018/09/manigong-bagong-edad.html ; https://ubasnamaycyanide.blogspot.com/2016/08/the-xxxvi-year-of-existence.html ay marahil itong taon ngayon ang mas higit kong bigyang pasasalamat sa ating Panginoong Diyos. Kung hindi dahil sa kanya ang ipinagdiriwang ko siguro ngayon ay mananatili na lang na masasayang alaala niyo sa akin.


We're getting old now🎶

Pero bakit ba ang drama ko masyado?

Hindi naman, siguro ay nagiging masyado lang akong naging ma-emosyon dahil na rin sa mga nangyari sa aking buhay nitong mga nagdaang taon. My misery started last 3 years ago when I was diagnosed with coronary artery heart disease/heart failure/diabetes. It was scary as hell. Kung baga sa liriko sa isang kanta, "Because of you, my life has changed.....". Pero since noong unang nagparamdam ang mga sintomas na ito ay hindi ko masyadong inalintana ang mga nararamdaman ko at tuloy pa rin ako sa mga pagkain na hindi magaganda sa katawan yung mga pagkaing bawal na kainin dahil sa kondisyon mo. Bakit hindi eh ang sarap-sarap ng sisig, porkchop, french fries at iba pang pagkaing mamantika at sasabayan mo pa ng panghimagas na matatamis sabay lagok ng nag-uumapaw sa yelo kong softdrinks. Hindi ko alam na humihiyaw na pala ang katawan ko ngunit hindi ko siya pinakinggan samahan mo pa ng stress at pressure sa trabaho, more pressure dahil walang natitira sa suweldo mo at kung anu-ano pang hindi magagandang kaganapan sa buhay. Kumbaga sa proyekto ni Pangulong Duterte na Build, Build, Build ganyan na nga ang nangyari sa akin build, build, build din ang kolesterol sa aking katawan at tumaas din ang aking presyon. Noong nakaramdam na ako ng hindi maganda ay dito ko na naging kaibigan sila WebMD, Healthline, Mayo Clinic at iba't-iba pang sites para iresearch ko ang mga teknikal na salitang nakapaloob sa aking mga nararamdaman.

Halos tatlong taon din ang mga naranasan kong hindi kanais-nais sa aking sistema. Pero pasalamat pa rin ako sa Diyos dahil nandito pa rin at umaasang maging maayos na ang kondisyon at makarecover na sana ng tuluyan. Pasalamat na rin dahil bukod sa kondisyon na ito ay kinaya ko pang makapagtrabaho ng dalawang taon pasan ang aking mga nararamdaman. Minsan ay naiiyak ka na lang sa mga paghihirap na nararanasan mo araw-araw dahil kailangang magtrabaho kahit masama ang pakiramdam. May mga bagay na gusto mong gawin ngunit hindi mo na kayang gawin. Gusto mong tumulong sa mga gawaing-bahay ngunit hindi mo kayang kumilos o kung may kailangang buhatin. Tanda ko pa ang mga bagay na katulad ng hirap sa pag-akyat sa hagdanan nung ako'y nasa trabaho pa dahil naka-assign pa ako noon sa building kung saan ako nagtatrabaho bilang call center representative na wala pang elevator. Pagka-akyat pa lamang sa 2nd floor ay tagaktak na ang pawis mo at nanlalamig na ang katawan, ganito ang sintomas nito kasama ng pagsakit ng dibdib na may kasamang hingal. Napakahirap talagang magkasakit at ngayon ko pinagsisihan ang mga bagay na hindi ko dapat ipinasok sa aking sistema. Ang mga pagkaing masasarap na unti-unti naman uubos sayong lakas pagdating ng panahon na sila naman ang maniningil. Naniniwala ako ngayon na okay lang na kumain ka ng kumain hanggang bata ka pero pagdating ng edad na 25 ay sisimulan mo nang tigilan ang hindi masusustansiyang, mga mamantika't, matatamis na pagkain kasama na dito ang yosi at alak. Partida pa dahil wala akong bisyo pero ang ikinalulungkot ko ay mayroon sa pamilya ang may lahing diabetes bukod pa ay na-trace na lalaki lahat ang tinatamaan nito sa amin. Sad to say that my father died because of diabetes complications. Ang hilig din kasi noon sa softdrinks at kapag umuuwi siya lagi galing sa abroad eh ako ang taga-bili niya ng Diet Coke 1.5 at ako naman si mokong na tuwang-tuwa lalagyan ko pa yan ng malamig na malamig na yelo at papakinggan ko pa yung tunog ng bula. Habang ang laging ulam namin noon nung bata eh laging pinirito gaya ng hotdog, ham, bacon, lumpia. Talaga nga namang may patutunguhan di ba? Kung magsasabaw laging maalat na sabaw gaya ng noodles. Masaya ang buhay pagkain mo noon ngayon magdusa ka ang sabi sa akin ng mga gulay at prutas.

Hindi ko ikakaila na kinain rin ako ng anxiety at depression ngunit sa gitna nito ay hindi ako nagpapatinag sa pananampalataya ko. Buong puso akong nagpapasalamat sa pangalawang buhay na ibinigay ng Maykapal.

2018 is my worst year dito ko naranasan ang kinatatakutan ko sa sakit na ito. May mga petsa tayo sa ating buhay na hinding hindi natin makakalimutan maganda man o hindi kagandahan ang nangyari sa atin. Madaling-araw ng Mayo 19, 2018, sinubukan ang aking katatagan. Kauuwi lang galing trabaho ngunit bago ako matulog ng bandang alas tres ng madaling-araw ay nangyari ang pagsubok sa akin na hinding hindi ko makakalimutan. Nanikip ang dibdib, nahirapan huminga, pinagpawisan ng malamig, sumakit ang dibdib na parang nililingkis ng sawa ang puso mo. Ginising ko na si Nanay dahil hindi ko na talaga kaya at tumawag na siya ng traysikel sa kanto habang ako naman ay pinilit ko pa rin makapaglakad kahit hirap na ako sa paghinga. Naisugod ako sa malapit na hospital binigyan ng paunang lunas at sinabihan na kailangang ma-admit para i-monitor. Dito ipinaliwanang ng doktor na ako pala ay na-mild heart attack. First time ko itong naranasan at ganun pala ang pakiramdam ng "mild" dahil paarang hindi lang mild ang naramdaman ko, sabi ko sa sarili paano pa kaya kung "severe" o "massive" at mas natakot ako.

The Afters - Fear No More

May 21, 2018 ng alas-kwatro ay nagbabantay ang aking pinsan at kapatid. Nakaramdam na naman ako ng pananakit sa gitna ng aking dibdib halos mamilipit ako sa sakit at walang magawa ang mga nagbabantay sa akin kundi tumawag ng nurse. Binigyan ako ng gamot na kailangang ilagay sa ilalim ng dila para unti-unting mawala ang pananakit at makaluwang na rin ng paghinga. Ang nangyari pala sa akin ay walang dugong dumaloy sa aking puso at napag-alaman na ito ay heart attack muli.

May 22, 2018 ng gabi ay nagpasya ang doctor ko na kailangan ko daw na ma-angiogram. Ito yung proseso na parang chest-Xray pero may tinta na dadaloy sa ugat mo para malaman kung ilan ang bara sa puso mo. At pasalamat na rin ako dahil may HMO pa ako noon na gagamitin para sa ganoong laboratory test dahil ang halaga nito ay umabot sa singkwenta mil. Pumayag na rin sila Nanay at kinaumagan ay dinala ako sa University of Perpetual Help Hospital sa Las Pinas upang doon isagawa ang laboratory examination na angiogram. Unang pagkakataon ko rin na makasakay ng ambulansiya na hindi ko inakalang makakasakay pala ako ng ganun sa tanang buhay ko.

May 27, 2018 Finally I was given a go signal to go home. Medyo gumanda na ang aking pakiramdam at nabawasan na ang aking presyon at bumaba na rin ang aking sugar levels. Dito na ako natigil sa trabaho at mahigit isang taon na rin ang lumipas.

By the month of June nagumpisa kaming mag-ayos ng mga papeles para sa gamutan ko sa Philippine Heart Center. Duon ko nakita na sa kada buwan na aming pagbalik ay daan-daang Pilipino ang nagpapagamot at nadidiagnosed na maysakit sa puso. Karamihan ay matatanda at mayroon ding mga kasing-edad ko at may mas mga bata pa sa akin. Marami rin ang mga sanggol na may Congenital Heart Disease o yung mga isinilang na may butas ang puso. Duon ko naisip na hindi lamang pala ako ang may ganitong pinapasan na karamdaman at dito ako nagkaroon ng lakas loob na sabihin ko sa sarili ko na kakayanin ko ito anu mang pagsubok at hirap na aking mararanasan. Nagtuloy-tuloy nga ang aking gamutan at mga ilang beses rin kami nagpupunta sa Philippine Heart Center para sa mga check up kada buwan. Kasama na ang mga time na kailangan ako dalhin sa Emergency room.

December 24, 2018 Bisperas ng Pasko. Hindi na katulad ng dati ang pagka-galak ko sa ganitong okasyon may mga masasarap na pagkain sa aming lamesa, ngunit kahit gustuhin mong ramdamin ang lamig ng panahon at sumabay sa mga awiting pampasko ay nakatago sa likod ang iyong mga nararamdaman dagdag pa ng depression at anxiety. Dati ay nagpupuyat, nakikisaya, nakikihalubilo para makapagkwentuhan sa mga kasama sa bahay , kamag-anak at pati na rin mga kaibigan sa online. Ngunit ang gabing iyon ang pinakatahimik kong Pasko, totoo nga ang "Silent Night", hindi ko ramdam at parang ordinaryong araw lang para sa akin. Kagaya ng nakaugalian ay dasal at mga panalangin pa rin bago matulog sa kaarawan ng ating Panginoong Hesukristo umaasa na kinabukasan sa araw ng kanyang kapanganakan ay guminhawa na ang pakiramdam.

Demonhunter - The Wind

January 9, 2019 Ang mas matindi kong pagsubok. Dahil nag-aayos na nga ng aking Philhealth ang aking Nanay at kapatid ay naiwan ako sa bahay. Nagkataong mahaba daw ang pila at kailangan talagang mabayaran dahil kailangang ipakita sa hospital na kumpleto ang bayad ko sa Philhealth para ma-approved ang aking operasyon sa ilalim ng Z-benefits ng PHC. Ito ang pinakanakakatakot na sandali ng aking buhay. Totoo ngang traydor ang sakit na ito. Pagkababa ko sa aming hagdanan ay nahilo ako at umikot ang aking paningin. Pasalamat na lamang ako at nagawa ko pa makaupo sa aming sofa. Pinagpapawisan ako ng malamig at kinakapos na rin ako ng hininga at dumudura ako ng dugo. Kasabay ng mabilis na pagtibok ng aking puso at sinamahan pa  ng anxiety. Hindi ko alam ang aking gagawin ngunit hindi pa rin nawala sa aking isipan ang pagdarasal na sana ay dumating na ang aking mga kasama sa bahay. Halos isang oras at kalahati na tiniis ko ang ganitong nararamdaman bago dumating ang aking ina. Nahimasmasan naman ako at gumaan ang pakiramdam pagkatapos ng maraming panalangin. Dumating rin sa aming bahay ang aking mga kamag-anak para magbantay at doon muna magpalipas ng gabi kung sakaling mayroon pang hindi magandang mangyayari at para mapalagay na rin ang aking loob.

January 15, 2019. It was my mother's birthday but we went to Philippine Heart Center for emergency dahil nahihirapan akong huminga at parang humihiyaw na talaga ang puso ko at kulang na lang sabihin na kailangan ko na talaga ma-operahan. Gayundin naman ang sinabi sa akin ng doctor sa emergency room at tinatanong ako kung kelan magagawa ang aking operasyon.

January 25, 2019. Sampung araw pa na pagtitiis. Finally with a glimmer of hope to survive, I received a phone call from The Philippine Heart Center. They said that I was ready to be admitted on January 27 and the day of my operation is scheduled on January 29. At that point, sa isip ko ay magkahalong saya, lungkot at kaba. Maraming katanungan ang sumasagi sa aking isipan. Hindi dahil sa advance ako mag-isip pero sadyang magulo ang isipan, ayaw kong isipin pero laging pumapasok sa isipan ang mga katanungan. Alam ko na ang katapat lang nito ay panalangin pa rin at panalangin lamang ang makakapagpalaya ng aking mga naiisip. 


Gomez - How we operate (Grey's Anatomy)
I want to make this as my theme song for my OHS (open heart surgery)


January 27, 2019 With remaining two days of observations I was already at the admitting section of PHC and pretty comfortable lying in the hospital bed sa ward. I was really thankful for my mother alam kong pagod na pagod na siya at isa pa wala siyang nahihigaan. Physically and mentally I know she was tired enough. I know what's going on on her head, alam ko na marami rin siyang iniisip kasama ng pagod na kanyang nararamdaman. Awang-awa na ako sa kanya but still I pray that the Lord may give strength to my mother at sabay sabay namin na malalampasan ito.

I was given an intravenous or IV and oxygen. An IV of magnesium inserted deep down my veins in the arms para lumakas ang puso ko during operation. It was an agonizing pain duon pa lang sa proseso na yun. It feels like a ripping pain habang pumapasok yung gamot sa mga ugat mo. That pain was reflecting on my wrist going up to my shoulders for 1 hour. Every time the nurse in charge are taking up blood samples to monitor and check my blood sugar. Tusok dito, tusok duon. There was a time na hindi umaabot yung needle pagkapindot dun sa device kaya at that time itinusok na lang manually sa daliri ko yung karayom. Talaga nga namang "aray ku po!"

At the evening of January 28, 2019 a chaplain visited me in my bed ward. This is for the forgiveness of sins and to confess all of my sins. Traditionally itong ginagawa bago ang isang major operation. Because you don't know if magigising ka pa. The moment of truth. The reality that I will be facing if and if ever... He prayed for me, we prayed and bless me with God's guidance. At this phase, I told God na "Lord ibinibigay ko na po sa inyo lahat, at kayo na po ang bahala sa akin." Tomorrow is my big fight and I really need a good sleep.

January 29, 2019. My relatives told me that the blood needed for my blood transfusion after the operation is ready and I should pray that everything goes well during the operation. At 3:00 PM, this is it, I was took away from the ward and brought me near the operating room. That was the last thing I remember. Operation starts at 3 in the afternoon and ended up at 11:45 PM.

I haven't remember anything until I wake up at the evening of January 30. Pagising ko ang unang tumambad na nakita ko is my doctor, he is smiling at me and told me that it is done. It's a relief! F*ck I'm alive. Thank you Lord! At first I really feel numb, but maya maya is naramdaman ko na yung pain ng operation. It feels like that you were bump by a truck on your chest. Bones are clicking in the ribs area, pulsating pain at my legs, head and chest. My mother came in and she was told by the nurse that my first meal is a gelatin. First time ko ulet since I was an infant sinusubuan ulit ako ng Nanay ko para kumain.

I was given a complete rest and may papasok lang kapag kakain na ako, papaliguan ka and kapag puno na yung aking ihi. There was a tube connecting in my gall bladder para duon ko ilabas yung mga dumi ko. I haven't notice that until my last day sa ICU. Ang daming devices na nakakabit besides may nakapasok din na tube sa bibig ko, it's a breathing tube to help me to breathe enough. They really enjoy ripping me up. At the 3rd day, still groggy and weak nakalabas na ako ng ICU and diretso ulit sa ward para magpalakas.

February 3, 2019 Finally, I was given a go signal by my doctors in cardio and pulmonary to go home. It was a rough night going home. I was still short of breath and all my nerves are pulsating because of the trauma that my body experience. At around 1 AM, I was home at my tita's house at Paranaque. I stayed there for 4 months. Check up routines were made since my blood pressure is dropping at low levels. It was a long, long, long way of recovery. BP medicines were adjusted and praising God for this wonderful recovery. I was also given a thumbs up by my doctor to travel and have fun at Baguio City on April 22.

That, my friends are my cardiac journey story. But my battles are not yet finish, I'm still praying for my complete recovery until the next evaluation of my 2d echo maybe on September or October. Hoping and praying for good results. Wishing that there will be no artery blockage on the new three veins stitched in my heart.











Just a little trivia, I remember when I was a kid ugali ko na ilagay ang red ballpen sa pocket ng aking polo, eh biglang nagtae I used to act back home pretending that I was shot to the heart and tulo ang dugo malapit sa puso. Talagang hinahaluan ko ng drama hindi ko din alam sa sarili ko why I like that way na mayroong blood sa puso ko. Hindi kaya dahil ngayon that I really need those blood to flow smoothly in my heart. Because ang main problem ng mga cardiac patients is not enough ang blood na nagpapump sa aming puso dahil sa plaque blockage dulot ng mga fatty substances. I was also diagnosed with heart failure ibig sabihin mahina mag pump ang puso ko ng dugo and two doctors na rin ang nagsabi sa akin that maybe I'm young but my heart used to function like a 70-year old grandpa. Ganun nga siguro ang ipinahihiwatig noon noong kabataan ko that I need more blood pumping action in my heart.

But looking now into the brighter side. I feel better rather than the last 2 years. I'm just praying that all my future lab test will be okay.

Balik tayo sa aking kaarawan. Kung may magagandang nangyayari sa buhay mo, you have all the reasons to celebrate. Kung wala naman keep on praying because God is working something greater for you hindi mo pa lang time para ma-achieved yun.

At the end of the day, kaarawan mo ito. You can spend it any way you want it. Pero para sa akin, ang kaarawan ay isang araw na dapat ipagpasalamat. Hindi man lahat ng nangyayari sa buhay natin ay naaayon sa ating mga plano, ang kaarawan natin ay isang paalala na biniyayaan tayo ng oras upang maisakatuparan ang mga gusto nating gawin sa buhay at makasama ang mga taong mahal natin at mahalaga sa atin. Isang taon na naman ang lumipas ngunit nakatayo pa rin tayo at hindi sumusuko sa mga hamong dumarating sa ating buhay.

Wala ka mang natanggap na regalo mula sa mga mahal mo sa buhay, wag mong balewalain ang pinakamalaking regalo na natatanggap mo araw-araw. Ayun ay ang paggising bawat umaga. Buhay pa tayo at iyon ang mahalaga.

Eto na nga meron lamang tayong sapat na handa mainly pansit para sa mas mahabang buhay. wala rin akong programa para ipagdiwang ang birthday ko. Ganon pa man, kahit siguro sa pinaka-payak na dahilan ay naging makabuluhan ang araw na ito para sa akin. Naging masaya ang aking kaarawan dahil sa mga bumati sa akin sa pamamagitan ng text, tawag, greetings mula sa mundo ng Twitter at Facebook. Sana batiin rin ako ng mga personal na paborito kong pornstars at mga crushes ko online. Siyempre joke lang yan. At nagpapasalamat din ako sa mga naka follow at mga nagbabasa sa aking blog na Ubas.na.may.Cyanide.

At sa sobrang kagalakan ko ay minarapat kong ilagay at ipangalandakan lahat  ng pangalan ng mga bumati sa akin. Maraming salamat muli:


OM Philamie Castillo

Cyr Al Sayo
Alexander Natcher
Kenneth Camerino
Ella Dela Cruz
TL Karen Tarriela
Joy Ochoco
Marianne Azalea Bensali
Angela Jasmine
Kristine Joie
Risse Molo Reyes
Justine Mae Magbanua
LJ Mascarinas Gollena
Sir Marvin Carandang 
Jashi Reyes
Greg Del Rosario
Jay Yurag
John Dove Reyes
Warren Santos
Joy Nino Sarmiento
Jhec Villanueva
Philip Casem
Dys Lexia
Ate Isay Amor
TL Aya
Renjo Bugarin
Dev Palacio
Denz Bulatao
Reagan Von Lacar
Belard Sanchez
Richard Solis
Joanne Pamute
Noreen Rodriguez
Dianne Gabrillo
Ate Azarina Durano
Abigail Paderes
Benjie Rieta
Karla Quebec
Sir Santi Pido
Jorene Abagon
Jerlyn Reyes
Teacher Aiza Garcia
April Crystal Sapphire Martinez
Tonee Robles
Niqui Navarette
Jervi Fallorina
Sir Sol Rellita
Fi Des
Ludie Lyn Ibarra
April (balekwa)
Paula Anacay
Leelac Caunan
Chris Ann Ramos
Gerrieca Adiong
Lin Improso Saballo
June Alvarez
John Carlo Miranda
Alyssa De Guzman
TL Carlo Calantuan
Camille Go
Jackelyn Jarin
Jasper Pandongon
Geneva Millena
Bejadu Nazaire
Arjay Legaspi
Lei Mocorro
Aron Hinanay
Helen Bravo
Alexander Pobre
Adelle Segovia Ugo
Jacq Gozum
John Veil Raz
Myra Fernandez
Jayson Realiza
Sir Jason Madamba
Jasmin Fuller
Lana Sheldon
Sir Snow Badua
Jero Malan
Melody Payopay
Princess De Castro
Chris Herrera
Jay Emmanuel Ramirez Corral
Kyle Cristobal
Abegail Manalastas
Elvin Manuel
Jherlyn Ramos
Camille Trasmonte
Marlyn Garcia
Inay Gerlan
Clarise Punzalan
Gina Garcia
Joyce Santiago
Mark Lyndon Madrid
Jerome Ocampo
Ace Grace
Ledielyn Gutierrez - Barbon
Cathleen De Ere - Barzaga
Princess Danna
Alonica Mae Sonata
Ate Sabrina Cuenca
Cristel Paredes
Apple Figueroa
Duane Escoton
Jim Patrick Yao
Duncan Villarosa
Sara
Lycopenegod of Twitter
Ladybug of Twitter
Jacquelyn Gayoso
Aly Roperez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento