Pages

Sabado, Setyembre 21, 2019

Resignation

'5 years, 6 campaigns, tons of friends and only happy memories....I'm done here!! Thank you!\


Marami ang nagre-resign sa trabaho dahil hindi makayanan ang striktong boss, sobra-sobra sa overtime, at hindi gusto ang trabaho. Pero may mga survey na hindi naman ganito talaga ang mga dahilan kung bakit gusto nang umalis ng isang empleyado sa pinapasukan.

Sa aking nabasang survey ng LinkedIn kung saan aabot sa 10,000 katao ang respondents, nanguguna sa mga dahilan ng resignation ay ang pakiramdam na wala na silang ikauunlad pa at tingin nila ay hindi sila nag-grogrow sa kumpanyang kanilang pinasukan.

Ito ang nangyayari sa modern lifecycle ng isang trabahante. Hindi na uso ngayon ang mga empleyadong umaabot ng 30-40 taon sa iisang kompanya. Ngayon, palipat-lipat na ng trabaho ang nakararami upang mas mabigyan ng iba pang oportunidad na career, at dagdag na suweldo dahil na rin sa pataas na pataas na demand sa mga bilihin ay hindi nagiging sapat ang nakukuhang suweldo ng ilan.

Bukod dito, iilan pa sa mga rason ng resignation ng mga trabahante ay "Poor Leadership" o kawalan ng kakayahan ng lider na pamunuan ang mga empleyado. Ang ilan naman ay nagiging biglaang branch ng "Jollibee" dahil na rin sa nagiging "bida-bida na sila lang ang masaya" ang ilang mga bagong nasa position.

Pangatlo, mas gusto nila ng pagbabago sa Work Culture at mas gusto ng mas challenging na trabaho.

Panghuli naman sa mga rason, ay ang maliit na sahod at walang maayos na recognition o pagkilala mula sa kompanya, o di kaya ay biglang nagkaroon ng pangmatagalan na sakit o biglaang problema sa kalusugan dahil na rin sa stress sa uri ng trabaho.

Dumarating talaga ang pagkakataong kahit na ayaw nating umalis sa trabaho, kailangan nating gawin. Puwedeng dahil sa maraming problemang kinakaharap natin. Maaari din naman para sa sariling kinabukasan. Kumbaga, dahil may mas magandang offer kaya't ang iba ay nagre-resign.

Mahirap nga naman ang magdesisyong umalis sa trabaho lalo na kung nakapalagayan mo na ng loob ang  mga kasamahan mo. Mabigat sa loob ang umalis lalo na kung kinakabahan ka sa lilipatan mo. Kung matagal ka na sa pinagtatrabahuan mo tapos bigla kang aalis dahil sa malaking offer at magandang hinaharap, kahit na excited tayo, hindi pa rin mawawala ang kaba. Puwede kasing hindi tayo magustuhan ng magiging bago nating katrabaho. Kaya nag-aalangan tayo. Malaki rin ang porsiyentong baka hindi tayo magtagal doon.

Maraming dahilan kung bakit nagre-resign ang isang empleyado. Una, dahil sa dami ng mga problemang dumarating kaya't sumusuko ang isang empleyado. Kapag nga naman hindi mo na kayang solusyunan ang problema at paulit-ulit na nangyayari, hindi nga naman maiiwasang mag resign o sumuko.  Kung minsan, ang pagbibitaw sa trabaho ang nakikita nating dahilan para mawala ang stress at problemang hinaharap natin. Ang isa sa example nito ay kung may boss na nanghaharass sa isang empleyado o di kaya ay may kailangang iwasan sa ating mga nagiging ka-trabaho. May mga taong hindi maiwasan na magkaroon ng pagseselos ang mga kinakasama lalo na kung laging magkakasama ang isang babae o lalake sa trabaho at kung ang bawat isa ay mayroon nang relasyon. Totoo ito at may mga ganitong sitwasyon lalo na kung ikaw ay nagtatrabaho sa isang call center.

Ikalawa, puwede ring dahil sa mas malaking mundong nakaabang sa atin sa labas. Ito iyong pagkakaroon ng mas malawak na mundong gagalawan kapag umalis ka sa kasalukuyang trabaho. Iyong pagkakaroon ng mas magandang hinaharap, mas malaking tyansa at mas maraming pagkakataong mapalawak ang kaalaman at kakayahan.

Hindi porke't nahihirapan tayo sa pagtatrabaho at sandamakmak na problema ang kinakaharap natin, aayaw na kaagad tayo o susuko. Lahat naman ng trabaho ay nagkakaroon ng problema. Mag isip muna ng solusyon.

2004 nang ako'y nakagraduate mula sa kolehiyo ngunit isang taon bago ako nakahanap ng kauna-unahan kong trabaho para kumita at makatulong sa aking mga magulang. Ito yung mga panahong napakahirap maghanap ng mapapasukan dahil kakaunti pa lamang ang mga job post noon hindi kagaya ngayon na parang ang easy na makapaghanap ng mapapasukan. Taong 2004 pa lang kasi unang sumibol ang mga call center sa Pilipinas sa tingin ko ay kailangan talaga nila ng matibay na pundasyon at magagaling talagang mag Ingles at yung mga ahenteng may kakayahan mag decide sa isang problema ng customer na minimal lang ang supervision ng kanilang team leader.

Graduate ako ng BS Computer Science pero gusto ko makahanap ng trabaho sa isang call center industry. Hindi ako pinalad sa dami ng inapplyan namin. Napadpad ako sa Alabang, Quezon City, Manila at kung saan saan pang applayan. Final interview na ako noon sa isang establishment sa Alabang ngunit tinamaan ng lintik ang traffic at buntis pa yung nagpa-final interview sa akin. Na-late ako ng kinse minutos at pagkatapos ng interview na kahit maayos naman ang aking mga pagkakasagot sa katanungan ay hindi ako pinalad na matanggap. Kapag sinabihan ka ng interviewer na tatawagan ka na lamang ay huwag ka nang umasa na pababalikin ka.

NF - 'When I Grow Up'

Hayup din ang kapaguran ko noon sa pag-aaply sa Epza. Sa ilalim ng tirik ng araw ay kailangan mo maglakad sa lawak ng magkakadikit na establishment sa loob nito. May jeep ngunit laging punuan at marami pang dadaanan na ibang building bago marating ang pag-aaplyan mo. Ramdam ko pa ang mga tagaktak ng pawis sa loob ng aking polo na halos parang naligo ka na sa sarili mong pawis. Hindi ako pinalad dahil ang karamihan ay mayroong height limit para sa kanilang kumpanya. Eh di uwi, sayang pamasahe at pagod pero di susuko subok ulit sa iba.

Ang una kong trabahong pinasukan at natanggap ako ay sa Dasmarinas, Cavite. Isa itong eskuwelahan para sa mga Koreanong gustong matuto ng Ingles. Ang HLI o Hannah Language Institute na pag-aari ni Kim Young Bok. Nagtrabaho ako dito bilang maintenance personnel ng mga computer na ginagamit ng mga Koreans. Bawat cubicle ay may computer at dapat ay mapanatili ko itong walang sira dahil ito ang ginagamit ng mga teachers ng HLI para turuan ang kanilang mga kliyenteng teenage Koreans na ipinapadala dito sa Pilipinas para mag-aral at turuan mag-Ingles. Mabait naman si Mr. Kim Young Bok ngunit madali itong ma-highblood. Talaga nga naman kapag nagalit ito ay matatakot ka at tuwing kinakausap niya ako ay hindi ko siya maintindihan kahit Ingles bale yung asawa niyang Pinay ang nagiging translator namin sa isa't-isa.

Anim na buwan lamang ako kila Mr. Kim at nagpaalam din ako sa kanila dahil sa tingin ko ay hindi ako magkakaroon ng growth at di ako makakaipon kung magtatagal pa ako sa aking trabaho.

Nagresign ako noong 2006 at naghanap ako ng panibagong trabaho na magagamit ang pinag-aralan ko noong kolehiyo. Nagamit ko naman ito ngunit hindi bilang big time na programmer kung di ipamahagi ang aking mga natutunan at pinag-aralan para maging College Instructor sa Imus Business and Technological College na ngayon ay kilala na sa pangalang Southdale International School.

Hindi ko talaga linya ang pagtuturo sa kadahilanan na rin na napakamahiyain ko talaga at hindi ko malubos isipin na naging teacher ako. Alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya magsalita sa harapan ng maraming tao pero kinakailangan para magkaroon ng work experience. Hindi ko ipinagkakaila na sobrang kabado ko sa unang araw ko ng pagtuturo talaga nga namang makikita mo ang nginig ko sa aking boses at mga kamay habang nagdidiscuss sa aking klase sa subject na "Computer Concepts" at "Basic Troubleshooting". Pero lumipas ang mga araw, taon ay nakagamayan ko na rin ang magturo. Tumagal ako ng hanggang pitong taon sa pagtuturo at kailanman ay hindi ko ito pinagsisihan dahil hanggang ngayon kapag nakakasalubong mo ang iyong mga estudyante ay hindi mawawala ang katawagan nilang "sir" sayo kahit na matataas na katungkulan ng iba sa kompanyang kanilang pinapasukan. At higit sa lahat nagiging proud ka na rin dahil taon-taon kang may napapagraduate at makikita mong nagiging successful sila sa kanilang buhay pagkatapos nilang makagraduate.

Lumipas pa ang taon at panahon ay dumadami na ang aking nagiging trabaho bukod pa sa pagtuturo ay inaabot na kami sa gabi dahil ako na rin ang nagiging marketing designer sa aming mga tarpaulins, fliers at kung anu-ano pa. Ako rin ang gumawa ng website noon ng eskuwelahan at ako na rin ang nagmamaintenance ng website na ito. Maging lahat ng school activities ay kasama ako sa mga nagpeprepare ng mga kinakailangan. Nagiging DJ din kung minsan at kailangang tumao sa sound system sa tuwing may mga programa ang school. Ang sabi ko sa sarili ko ay nagiging sobrang stressful na at ang iba kong kasamang teachers ay unti-unti na nagreresign. Naging sobrang mas nakakapagod pa noong pinagsama na ang aming pre-school, elementary at high school. Naging malayo na rin ang eskuwelahan dahil mula Tanzang Luma ay inilipat ito sa Carsadang Bago. Madalas akong nalelate dahil medyo malayo din sa aming lugar bukod pa ay may kaltas kapag nalelate ka at kapag na-late ka ng dalawang magkasunod ay wala kang bayad sa araw na iyon pero wala kang magagawa kundi magtrabaho pa rin dahil nandoon ka na sa school at nag-aantay na ang klase mo.
Pagkalipas ng 7 years na pagtuturo ay sumuko rin ako sa stress at nagresign.

Taong 2013 ay sumubok akong muli na mag-try sa call center. Jackpot naman sa pagkakataong iyon at nagkaroon ng call center na malapit sa amin at mula dito ay pinag-igihan ko na ang pag-aapply. Natanggap naman ako bilang project basis muna para sa isang campaign. Success naman dahil na-extend ako at maganda ang performance ko at  nailagay ako sa ibang campaign na probisionary naman ako for 6 months at dito na nagtuloy-tuloy ang aking call center lifestyle sa TaskUs.

Another 6 years added in my work experience and it could be extended until now kung hindi lang ako nagkasakit ay malamang nandito pa rin ako ngayon. Life was fun and comfortable in my first year here. Noon kasi kakaunti pa lang ang mga empleyado and first time ko sa ganitong environment. I'm proud of myself that I was considered as part of the success of this company. Noon kasi makikita mo na talagang naguumpisa pa lang sila mula sa ilalim ng talyer call center hanggang magkaroon na ng maraming branch around the globe you can see them grow. The question here is does the employees grow kasabay ng paglaki ng kompanya? Mamaya ay susubukan natin yang sagutin.

Sobrang gaan sa pakiramdam since I shift to a different environment mula sa mga hebigats na gawain sa school na madalas ay madaling-araw na kayo nakakauwi dahil sa pag-aayos ng programs at activities bukod pa sa pagdating ng may-ari ng school ng alas-singko na kapag inabutan ka na dahil pauwi ka na ng 5 pm ay duon pa lang magmamando ng kaniyang mga iuutos at magpapameeting ng pagkahaba-haba. Putangina talaga noong mga time na yun kaya I really do quit teaching. Hindi kagaya sa paglipat ko ay feeling ko na ang aga-aga lagi ng aking pag-uwi. Fresh na fresh pa ang feeling dahil sa lamig ng airconditioned working environment sa loob. We were the luckiest batch dahil noong time namin ay napakaluwag pa ng mga rules and regulations kagaya ng puwede ka kumain sa harap mismo ng work station mo. Naabutan ko pa rin ang paikot-na-yellowpad para sa attendance everyday. Mga computer unit na maalikabukin pa pero ok naman ang speed, yun lang duon sa tinatawag na "Aquarium room" ay nagkalat ang daga at matatakot ka sa octopus connection ng mga kable. Kapag may gagalaw ng upuan at matamaan ang plug ng saksakan ng computer mo eh malas mo lang dahil magrerestart ka. Bawal ang manood ng movies "kung" magpapahuli ka. Pero mostly pagkatapos ng gawa namin ay nanonood na lang kami ng pelikula pampaubos oras. Halos araw-araw yan ay ganyang kasarap ang siste kaya noong nagkaroon ng mga pagbabago ay napakahirap mag moved on dahil nga naman para talaga kaming na-baby noon. Isa pa na naging komportable ako ay dahil malapit lang sa amin ang opisina at hindi magastos sa pamasahe dahil isang sakay lang naman ako papasok at pauwi. Yung bente pesos mo na pamasahe may sukli pa. Iba rin talaga pag lunch time dahil may kanya-kanyang bugong o baon na dala-dala, kadalasan nagpapasobra ng baon ang iba para i-share. Marami pa akong naisulat at naikwento sa unang taon ko sa aking unang call center experience. I-klik at basa kayo dito https://ubasnamaycyanide.blogspot.com/2014/09/a-long-and-lifetime-diary-with-ht.html

I enjoyed my working years naman with TU duon pa lang sa first year ko is solved na parang wala kang pagod kasi very easy lang talaga ang type of work. Makakakain ka pa sa desk mo with matching the comfort of the seats and your choice of movie yun eh kung tapos ka na sa workloads mo ng araw na yon. Wala pa noong sleeping room kaya you can your head down and go to sleep/idlip. Kaya minsan nagdadalana ako ng alcohol kasi yung iba naglalaway dun sa desk kapag napasarap ng tulog ee. Yung pangalawang account ko nagtagal din ng isa't-kalahating taon bago nagtuluy-tuloy ang journey ko sa iba't-ibang campaigns. That is one of the best thing that TU do ihahanap kanila ng next chapter ng buhay mo kung sakaling magsasara na ang huli mong pinasukan na campaign kaya sureball na may work ka pa rin. Basta aayusan mo lang ang performance mo at hindi ka pala-absent. 

I have a lot of good memories with them. There were not so bad memories pero may mga time talaga na nakakainis yung matataas. Ewan ko ba nailagay lang sa puwesto nagka hydrocephalus na ang ulo. Bat nga ba may mga ganun?Hindi ka naman nasa pinakataas na puwesto pero bakit maraming nalulula? Isa pa sa pinaka-ayaw ko sa loob is the palakasan system, well sa lahat naman ata ng opisina eh may mga ganito. Pero sana noh malinis at masupil na yung mga ganyang "boss" kasi hindi makatarungan at hindi kaaya-aya para sa lahat ng gustong umangat. Yun lang dumami na kasi ang mga kupal. Too many to mention at baka maipasara pa ang blog site na ito. Hahahaha! But 85% of my stay are all good experience and 100% of the girls are fine and hot moms. Lol! Kaya naman it always feast my eyes kaya hindi ako pala-absent. Sksksksksksksk!

NF - 'Stress'

But today that I have already resigned, I'm still a happy man seating on my comfortable tumba-tumba habang nagagantsilyo at minsan hawak ang isang manikang maraming karayom at kandila. Siyempre wala naman akong boss na kukulamin, joke lang. Masaya pa rin kasi nakahanap naman agad ng "work from home", ganito na talaga ang bagay sa aming mga Tito kailangan isilid na lamang ang sarili sa loob ng bahay at dito magtrabaho. Minsan mo na lang ako masisilayan sa labas. Ganito ang adulting life, pagtapos magtrabaho ang pinakanamimis mo agad ay yung lambot ng kama, katinko at magbalot ng sarili sa kumot at humimbing at bukas ay sasabak ulit sa trabaho. Trabahong wala kang iisiping traffic. Eh bababa ka lang naman ayan na ang opisina mo. Ang dapat pala dati na ako nagtrabaho ng ganito. Sobrang komportable. Tapos team leader mo yung nanay mo kapag hindi ka pa gumigising eh siya mismo gigising sayo sa pamamagitan ng pagbukas ng radyo na pagkalakas na naka tune sa AM radio.

MAS MAPAPABUTI KA BA SA LILIPATAN MO?

Kailangan mo rin siyempreng isaisip o itanong sa sarili kung mapabubuti ka ba sa iyong lilipatan. Yes, excited tayo lalo na kung maganda ang trabahong lilipatan at maganda rin ang posisyong in-offer. Pero dapat ding tumatak sa ating isipan ang katanungang "mapabubuti ba tayo sa ating lilipatan." Puwede kasing masaya tayo o excited pero wala rin namang pagbabagong mangyayari.

Kung sa tingin mo ay mas mapapabuti ka sa iyong lilipatan, sunggaban mo na. Huwag mong palampasin. Pero kung nag-aalangan ka naman, magisip-isip ka na muna. Maganda rin at makakatulong kung may nakakausap tayo at nalalaman ang kanilang iniisip o pagtingin sa pasyang ating gagawin.

Marami talaga ang nag-aalangang umalis o baguhin ang kanilang working environment. Hindi naman kasi lahat ng nagbabago ng daan o lumilipat ng opisina ay nagtatagumpay. Siyempre mayroong hindi. Pero marami rin ang nagtatagumpay.

Mahirap magdesisiyon. Pero kung alam mong para ito sa ikabubuti at ikauunlad ng iyong sarili, huwag mo nang palampasin pa. Dahil gaya ng pag-ibig, minsan lang ito kung dumating lalo na kung tunay. Kaya't hindi na dapat na pinalalampas.

1 komento: