Biyernes, Hulyo 22, 2016

Circa Nobenta: Sarap ng Weekends



'These are the very best years!'


'Tropang Nobenta'
Trahedya para sa aming mga bata noon kapag patapos na ang weekend...puta! Mga isandaang beses na umuulit ulit sa utak ko yan pag mga Linggo na. Lalo na kapag naasign ka na magrereport ka ng Lunes, parang ang feeling eh nasintensiyan ka ng kamatayan dahil sa kaba ng pagdating ng Lunes. Parang pipilitin mo magkasakit eh para lang hindi ka makapagreport at para hindi ka bigyan ng mga herodes na ngiti ng mga kaklase mo habang nasa harapan ka ng klase habang nangangatog sa kaba. Yung tipong Sabado na ng gabi at patulog na ako. Sinasabi ko sa sarili ko, "ayan na...matatapos na yung masayang kalahati ng  weekend ko....tang inang yan....ayan na, shet! I can feel it! at talaga nga namang nakakabigat ng loob para sa isang batang katulad ko. Biruin mo yun, parang kelan lang Friday pa lang ng hapon at excited ako manood ng Ghostbusters at Are You Afraid of the Dark sa gabi tapos parang ambilis matapos ng araw. Yung kababa mo lang ng school bus (na tinatawag naming "serbis"....at hindi talaga bus kundi isang ford fiera o kaya klasik na jeep  na mahaba) at talaga namang parang walang katapusan ang bakasyon mo dahil kakasimula pa lang ng weekend mo e. Mapapanood mo din sa gabi yung Ewoks at Teenage Mutant Ninja Turtles sa gabi. Speaking of TNMT aba natatandaan ko na nakolekta ko yung  buong cast na miniature figure na yan sa Jollibee. Pantasa yan at sa tuwing Friday masaya rin naman dahil ipinapasyal kame ng  tita namin sa Jollibee, oo pasyal lang walang kainan. Joke!

Ngunit sa isang iglap, boom! Tapos agad ang weekend. Nagsisimba na ako, "GMA Supershow" na tapos "Sa Linngo nAPO Sila" naman sa kabila (wala pang ASAP nun). Pag yun ang mga  palabas at ang ulam niyo eh ihaw-ihaw na baboy o di kaya eh sinigang, alam mo nanng eto na, Linggo na!

Tapos sa hapon patutulugin ka, siyempre pepekein mo ang pagtulog mo by scratching your eyes o kaya lalagyan ng tubig ang mata habang kinakamot para  mamula at magmukhang bagong gising. Pero wa epek  yan sa mga elders sa bahay, alam na nila ang ganyang style. Tapos sa hapon bago ko lumabas para maglaro ay  naririnig mo na sa TV ang jingle na "Showbiz Lingo na, Showbiz Lingo na, ah-aahhhh, chismisan at tawanan...." Iba na yung feeling habang naglalaro ka e, hindi mo na gaanong enjoy ang bata ko pa nag ooverthink na pala ako. Kaya iba talaga...Nakakalungkot..mabigat!

The Grays - 'Very Best Years'

Pero ganun talaga, sa ngayon iba ang feeling mas gusto ko pumasok ng weekend sa trabaho dahil mas less stress ang trabaho kapag weekend e. Pero we should move on with that!

It's just one of those feelings that make us what we are today. It's all  good.

Rewind pa tayo ng konti. Patandain pa natin yung past na naaalala ko.

Ok, nung hindi pa ako nag-aaral, iba talaga ang dating sa akin ng Lingo ng umaga, para kasing maganda 'yung skikat ng araw eh, ramdam ko ang "sun" sa Sunday. Naappreciate ko pa yun hanggang prep.

Puta pero nung grade 1 na ako, medyo sumama na talaga ang loob ko pag lingo na. Pag Sabado medyo ayos ayos pa eh, kahit hanggang sa pagtulog. Pero paggisng ko ng alas siyete ng umaga kinalingguhan, kahit may nagwawalis pa sa may tapat namin at may nagpaparingas ng bango ng aroma ng mga dahon hindi na ako napapasaya nuon. Kahit ilang tilaok pa ng manok ang marinig ko talagang badtrip pa rin ako.

Buti na lang may Kwarta o Kahon pa nun sa Channel 9, dadaanin ko nalang sa panonood ng  TV. Ayoko lang mapatapat sa Channel 13 ang TV pag umaga, eh pano naman ba kasi sino namang gunggong na Pinoy na manonood ng drama anthology na Chinese ang lengguwahe? Pero ayos lang atleast pagdating ng   bandang hapon palabas din yung Bioman at Maskman + Shaider na si Alexis ang Pulis Pangkalawakan kaya nakakalimutan ko yung thought na Lunes na kinabukasan.

Tanginang Lunes talaga yan o. Gigisingin ka ng maaga tapos hindi ka naman iinitan ng tubig. Hindi pa nagbibilang na ibubuhos na pala yung malamig na tubig galing sa gripo kaya mapapatalon ka talaga s alamig habang bumabagsak yung tubig sa likod mo. Torture pota! De bimpo lang ako nun  hindi pa uso ang mga loofa. Bimpo na binanlaw sa Safeguard (classic beige). Tapos pupunasan na buhok ko halos makalog ang utak ko habang pinupunasan. Tapos lalagyan ka ng pulbos sa leeg, tang na beybing beybi ee. Siyempre nakasimangot akong lalabas ng bahay. Mapapabuntong hininga at iwiwika "Luneeeees nanamaaann. Five days pa bago magsabado ulit."

Happy days ang Biyernes. Biyernes ng hapon. Lalo na kapag walang assignment. Walang sawang jolen na naman kila Bokyo! Tapos pag bukas mo ng mga notebook mo, tangina may assignment pala sa Science! (ayaw na ayaw ko talaga 'yung pinagdadala kami ng iba't-ibang klase ng dahon, ewan ko ba kung anong gagawin ni ma'm dun. Pinagdadala kami ng dahon ng san francisco, orchids, gumamela, ipil-ipil, aratiles, bayabas, sampagita, sunflower at makahiya etc.)

Ganadong ganado na ko niyan na magpuyat kapag Biyernes ng gabi. Ana siyempre noon panay cartoons pa ang mga palabas pag gabi. Nariyan ang Ewoks (E-E-E-E-E- Ewoks!). Tapos Ghostbusters. Tapos Baywatch! tangna idol na idol ko talaga si Nightrider star David Hasselhoff eh nakakabakla kapag tumatakbo ng slow mo sa beach. At natetempt naman ang pagka lalake ko kila Pam Anderson at Erika Eleniak. Shet! Tapos Murphy Brown. Tapos McGyver sa Channel 9. Lisensiyadong magpuyat kahit abutan pa ko ng 'The World Tonight' kase wala namang pasok kinabukasan e.

Touchdown Sabado! 7 oklak pa lang ng umaga at wala pang almu-almusal  nagdodrowing na si Tots ng paglalaruan ng tatsing. Kahit di pa kumakaen eh sasali na ko para maka bwenas. Nakalagay na yung holen ko sa sandong ibinulsa sa shorts. Paglapag ng mga holen sa square, talagang may sisigaw ng, "kulang" May isang mabait pa talaga akong kalaro na parating hindi nababawi 'yung holen niya e.

First half  ng kwentuhan mga Sabado ng gabi. Sama-sama ang barkada sa dyip. Ang boss ang bangkero ng kwentuhan, sari saring napagkwekwentuhan at tsismisan. Pero ang madalas na kwentuhan ay takutan at kahit pare parehas naman namin napanood yung Halloween Specials ni Kabayan sa Magandang Gabi Bayan ay paguusapan pa rin namin at dito maguumpisa ang takutan with matching harutan. Minsan naman tawanan lalo na kapag ang napagtritripan pag usapan ay yung mga klasmeyt  namin, pero minsan kasama din sa pinagtsitsismisan ang mga teachers. It never stops hanggang tawagin ng mga magulang. Kahit Linggo ng gabi may kwentuhan pa rin. Sa dyip kame ni Mang Buleng nagkukuwentuhan nun. Kapag dumating na ang bangkero ng kwento,  tangina ayan naaahhh. Habang kwntuhan ay meron kaming tsinitsibog na tsitsirya at ang paborito ng barkada eh yung Lechon Manok na tigpipiso na binibili namin sa tindahan  ni Aling Meding.

Coward - 'Wish'

Paglabas  namin ng dyip alas siyete na. Hihintayin ko na lang yung Million Dollar Movies pero panay intro lang ng pelikula yung napapanood ko kasi patutulugin na ko ng nanay ko.. Paggising ko kinabukasan, lalabas ako ng bahay at kukuha ng dahon at bulaklak para sa assignment sa science na yan.

Linggo ng hapon, kapag Mel & Jay na sa Channel 7 yung pagabi na. Yan ang end of weekend....nanghihina na ko niyan, katapusan na rin ng masaya at magaan na pakiramdam nung bata ka. Limang araw ka magbibilang para mag weekend ulet. Pagdating ng Biyernes, naaalala mo ba yung style ng pagpapaalam niyo sa isa't-isa at sa adviser niyo? Ang sarap sa tenga nun eh "Goodbye teacher.......Goodbye classmates. See you on Monday!" Ay tangina, pagkatamis! Ang sarap sabihin ng "See you on Monday" Wow! dalawang araw talaga ang pagitan bago p umasok  ulet. Iba sa sinasabi niyong "See you tomorrow" simula Lunes hanggang Huwebes.

Again pagdating ng Linggo....tsenen! Ang bigat na ng pakiramdam ko at parang hindi ganun nasisiyahan kahit makarami pa ko ng tau-tauhan sa larong tatsing. Palaging sumasagi sa isip ko "eto na ilang oras na lang tutulog na ko at pagkagising papasok na namn..." Lalo na pag tinawag kana para kumain ng hapunan. Yung masaya kong mukha parang sasapian na parang sa Conjuring, magiging seryoso na lang bigla at babagal ang lakad pauwi ng bahay. Dahil pagtungtong sa bahay parang  pumasok ka na rin sa skul e. Kasi tatanungin ka na kung nagawa mo  ba yung mga homework mo, makikita ko na naman yung mga gamit pang eskuwelahan kahit anong  gara pa ng pencil case ko  balewala na sa akin. Sa una lang naman nakakaexcite pag may mga bago kang gamit eh. Pag minamalas pa, papaliguin ka pa ulit at  nakakainis yun kasi nakakatamad maligo. Ang mejo okay lang gawin ay kumain ng hapunan at sana hotdog ang ulam at sana may tira pang UFC ketchup. Tuwing Linggo ng gabi noon, nanay  ko na lang ang natutuwa lalo na kapag palabas na yung paborito niyang talk show ni Sharon Cuneta.

Gusto ko may papanoorin sa TV kahit hindi ko ganun kagusto pra lang hindi ako makatulog. Kasi 'pag natulog ka na, parang lalo  mo lang pinabilis ang oras para pumasok ka na. Pag wala  na talagang lusot at pinatulog ka na ng magulang mo wala ka nang no choice. Pipikit ka na lang at wala ka nang magagwa para pigilan o patagalin man lang ang pagdating ng Lunes. Kaya paghiga ko sa kama magmumuni muni muna ako dahil pa gpikit mo at pagdilat ng mata mo, ayan na Lunes na, pasukan na. Haselicious na! Pero kaya yan, bilang lang ng lima, sarap ng weekends na ulet kahit walang ice cream ni Zoren at Carmina kaya kong pasayahin ang sarili kong weekend!



Miyerkules, Hulyo 13, 2016

Starving Point of View: The Diyahe Piece



'Will you grab the opportunity?'


Everytime na umoorder ang barkada ng pizza, 'matic na unahan agad sa pagdakma in all forms. Wala ng insta-instagram na ganap, wala ng upload upload ng picture sa Facebook. Ikaw ba naman makakapagantay ka pa ba? Pizza yan eh! Jackpot ang unang makakadampot ng pinakamalaking slice at pinakamaraming toppings. Pero napansin mo tohl kahit pa na gaano kagutom ang lahat, mayroon at meron pa rin diyang matitirang isa. "Last piece syndrome" or " victim of diplomacy" daw ang tawag dun. Yung tipong "dedmaw" (dedmang mga halimaw for short) yung mga kasama mo dun sa huling slice na parang di nila napapansin pero asahan mo lahat yan gustong-gusto naman kainin mula sa kaibuturan ng mga bituka nila. Oo tol, yung tipong nagpapakiramdaman lang. Ang paliwanag kapag kinain mo daw yun, parang ikaw ang lalabas na pinakamatakaw at pinaka PG (patay gutom) sa balat ng planet Earth. Wala naman kasing magbibilang kung ilan yung nakain mo pero palaging may maguusisa, palaging may herodes na magtatanong kung sino ang kumain ng huling piraso. Pero pwede din na may gustong kumain ng huling piraso ng slice na yun, bumubwelo at tumatiming lang. Minsan yung mga ganito lakasan ng loob, ang style niyan bigla nalang siyang magsasalita at yung tipong may ikukuwento kunwari sabay dampot sa diyahe piece na pizza. Pero kadalasan  talaga walang kumukuha. Ang tendency waiting game na may kumuha. Hanggang sa ang ending, walang kumain. Nanigas na ang crust pero walang pumansin.

*Napakalungkot na huling piraso*

                                                                                          Ben & Ben - Araw-araw



Siguro habang nagiisa siya dun sa gitna ng karton, wala siyang ibang ginawa kundi magself-pity. "Siguro kaya hindi nila ako kinain, dahil ako ang may pinakamaliit na slice. Ako yung may pinaka kaunting toppings kaya walang may gustong kunin ako. Ang lupit ng mundo, bakit?" Ang totoo umaarte lang yung pizza kase moment niya yun. Ayaw niya mapunta sa dagat ng basura gusto niya maiaangat siya sa laylayan tulad ng pangako ni VP Leni.

Ngunit walang kaalam-alam ang pizzang yun na marami ang naghahangad sa kanya. Maaring nagparaya  lang yung isa dahil alam niyang merong mas higit na gutom kesa sa kanya. Kaya lang hassle kasi   hindi niya kayang ipaglaban dahil mas iniisip  niya ang sasabihin ng mga tao sa paligid niya. 

Minsan hindi kusang makikipaglaban ang isang bagay para mapunta sa'yo. Kailangan mo ng lakas ng loob at buong paghangad para mapasayo ang gusto mong ipaglaban. Hindi aayon ang gravity at ang pag-ikot ng mundo. Kung handa kang makipagtuligsa sa paghangad din ng iba, ipaglaban mo. Kung alam mong para sa'yo grab it wild, kunin mo, sagpangin mo. Kasi baka sa huli masaya lang. Kaharap mo na, kakainin mo na lang, napakawalan mo pa.