Biyernes, Abril 3, 2026

90s Nostalgic Citizen's Army Training x Reserve Officers' Training Corps Experience

 


Haaay, here we go again to our nostalgic writings, ang sarap lang alalahanin nung masasayang araw noh? Yung tipong wala pa tayong mga problema sa buhay, yung wala pang mga matitinding sakit dahil medyo tumatanda na tayo, isinilang noong 1981. Ito yung simpleng pagtakas ko sa kasalukuyan at pag-aalala sa magagandang memorya ng kabataan. Noong dekada ‘90, may isang araw sa high school na hindi mo basta makakalimutan—ang araw ng CAT. Hindi ito basta subject lang. Isa itong karanasan. Isang kaganapan ng pawis, sigaw ng command, kaba, at… di mawawala sa batang 90s ang natural na kilig. 

CAT days were something else. Isang hapong napakainit, nasa field kayo. The sun is up, ramdam mo ang init at pressure. Naka-line up ang buong batch, tahimik, naghihintay ng utos. Then suddenly—

Company! ATTENTION!

At doon na magsisimula ang lahat.

Simple lang ang uniform, pero iconic.

Karaniwan, naka-puting T-shirt, maong jeans, at rubber shoes o sneakers. Walang arte, walang porma—pero somehow, ito yung isa sa pinaka “aesthetic” na look ng kabataan noon. Sa ganitong pormang natural mas nakikita mo kung sino talaga ang matitikas ang katawan at kung sino ang mga lawlaw na ang tiyan teenager pa lang haha, pero ang sobrang nakakakilig talaga yung mga natural look ng mga crush natin sa simpleng porma kitang-kita ang kanyang kagandahan lalo na si Ms... Yung ibang classmate na makakabasa nito alam na alam nila kung sino yung super crush ko nung high school kaya wag na natin i-reveal. She's looking good until today, and I'm happy for her. 

At syempre, hindi mawawala ang paboritong piraso ng lahat—

The army green cap. Yung may dilaw na burda sa harap na “Citizen’s Army Training.” Medyo kupas na minsan, minsan naman bagong-bago pa. Pero suot mo ‘yan na parang badge of honor. Ang mga kababaihan ay nilalagyan muna ng net ang kanilang buhok bago isuot ang cap para nga naman hindi laladlad ang ibang may mahahabang buhok habang nagsasagawa na ng CAT activities. Buhay pa ba ang inyong CAT caps?

At nabanggit ko nga, there’s something about seeing everyone in a plain white shirt, maong, at sneakers—fresh, effortless, at parang ang linis tingnan kahit pawisan na. Doon nagsisimula ang simpleng kilig habang naka-formation.

Line Formation: Discipline in Motion

Isa sa pinakaunang matututunan sa CAT ay ang line formation. Hindi puwedeng basta-basta lang pumila.

  • Single file – isang diretsong linya
  • Double file – dalawang hanay
  • Platoon formation – mas organized na grupo
  • Company formation – buong batch, parang isang hukbo

Dito papasok ang salitang “Dress right, dress!”

Aayusin niyo ang distansya, titingnan ang alignment—dapat pantay-pantay, parang ruler ang ginamit.

The Marches: Sabay-sabay, Walang Iwanan. Marching is the heart of CAT—hindi ito basta simpleng paglalakad lang, kundi may kasamang ritmo, disiplina, at pride sa bawat hakbang. Dito pumapasok ang mga karaniwang commands tulad ng forward march o tuloy-tuloy na lakad, mark time march na parang naglalakad pero nasa puwesto lang, right/left face para sa sabay-sabay na pag-ikot, at about face na isang 180-degree turn. Ngunit higit pa sa galaw, ang mga march na ito ay hindi lang para ipakita; ginagamit ang mga ito upang hubugin ang coordination, unity, at pagsunod sa utos ng bawat estudyante. Parang ipinapakita nito na kahit iba-iba kayo bilang indibidwal, kaya ninyong kumilos nang sabay-sabay bilang isang buo at disiplinadong grupo.

Pasa-Masid: The Art of Observation. Isa sa mga pinakaseryosong bahagi ng CAT training ay ang pasamasid, o ang tinatawag na inspection time. Dito sinusuri ang bawat detalye ng isang estudyante—malinis ba ang sapatos, naka-tuck in ba ang shirt, maayos ba ang cap, at kung may dala bang bawal. Sa bahaging ito, nasusukat ang tunay na attention to detail, dahil kahit ang pinakamaliit na pagkakamali ay agad napapansin. At oo, hindi mawawala ang kaba, lalo na kapag ikaw ang tatawagin sa harap para i-check.

 Gun and Sword Training: Discipline, Not Violence. Sa ilang CAT programs, bahagi ng training ang mock gun drills at sword o rifle manual. Hindi ito itinuturo para sa pakikipaglaban, kundi para malinang ang tamang paghawak ng kagamitan, coordination, at respeto sa awtoridad at sa mismong kagamitan. Dito makikita ang sabayang galaw sa mga commands tulad ng shoulder arms, present arms, at order arms, kung saan bawat kilos ay kailangang eksakto at magkakatugma. Parang isang sayaw ang dating nito, ngunit mas istrikto, mas kontrolado, at mas precise ang bawat galaw.

At siyempre, hindi rin mawawala sa usapan ang COCC (Corps of Cadet Colonels)—ito ang grupo ng mga estudyanteng pinili at sinanay upang maging student officers o leaders sa CAT. Sila ang nagbibigay ng commands, nag-oorganize ng formations, at nagsisilbing tulay ng disiplina sa buong corps. Para sa marami, ang pagiging bahagi ng COCC ay isang karangalan at patunay ng leadership at dedication sa training. 

Kasama rin sa alaala ang mga parusa kapag nagkamali o di kaya ay hindi ka snappy o loloko-loko ka—pinaka-common na ang squatting, yung paulit-ulit na upo-tayo sa ilalim ng init ng hapon, minsan may kasamang bilang o sigaw ng commands. Hindi man ito madali noon, pero bahagi ito ng training para matuto ng accountability, disiplina, at tibay ng loob. 

Badflower - Machine Gun

May time pa nga na pinagkalas at pinagkabit kami ng totoong baril. Napakabigat pala noon at baka kung may zombie apocalypse at nawalan ako ng bala at kailangan kong magkarga, baka nakain na ako ng zombie sa bagal kong mag-reload ng bala. It's not my thing, and I'm not a violent man, hahaha. Hindi rin ako ganoon ka-snappy sa gun drill, yung mahabang rifle na may bayoneta minsan. Nakupo, parang pagsasayaw lang ang performance niyan dahil may bilang din, eh hindi rin ako kagalingan sa pagmememorize ng motion at napakadali ko, kaya malito sa 1 to 3 actions pa lang, like "ano nga ulit yung 2nd action?" Hindi ako magaling mag-memorize ng galaw; mas magaling akong mag-memorize ng mga binabasa. 

Loko kayo, kung nababasa niyo 'to, bakit lagi niyo pinagtatawanan si Jericho Fernandez noon sa tuwing tumatakbo siya na straight na straight pa rin ang katawan. Pero pagdating sa mga officer na katulad nina Goldine Boeckmann at Toni Barbieto, ang dali-dali niyo sumunod. Basta kapag maganda yung officer na nakahanay na na-assign sa amin, ang babait ng mga kololoy. Iba nga pala ang uniform ng mga officers at Commandant; sila yung mga nakapatig at nakaboots at naka-military attire. Yung ganong attire naman, naranasan ko 'yan pagdating naman sa kolehiyo sa pamamagitan ng ROTC. Masaya rin naman, pero dahil walang ROTC sa school namin noon ay ipinadala ako, as in ako lang talaga, kasi nakatapos na yung ibang classmate ko. Ipinadala ako sa Southern Luzon College sa Dasmarinas para duon mag ROTC. Sobrang kabado ako noon kasi ako lang at di ko kakilala yung mga kahanay ko sa martsa. Noong lumipat naman ako sa NCST sa Dasmarinas, Cavite, mas lalong sobrang humirap ang sitwasyon, kasi dapat alas-sais ng umaga nasa field ground ka na, kaya alas kuwatro pa lang ng madaling-araw ay kikilos na ako para bumiyahe papuntang Indang, Cavite. Eh, I'm from Imus, na mahigit isang oras at kalahati din ang biyahe papunta doon sa main ng CVSU o Cavite State University. Pero pagkalipas ng second semester ng ROTC namin ay nalipat din kami sa mas malapit na grounds, at ito ay sa Dasmarinas National High School, at doon na rin kami nakagraduate ng ROTC, and I'm proud of it, kahit sa mga huling sandali ay naging medic na lang ako na sumasalo sa mga kunyaring nahihilo sa hanay hahaha. Pero lahat ng martsa sa init ng araw ay naranasan natin ’yan, kasama na diyan ang pambubully ng mga officer. Siyempre, hindi ka makakaligtas diyan kasi ganoon talaga noon, kaya parang nagiging fraternity ang ROTC, dahilan para itigil ito. May pagkakataon pa nga na pinagulong kami sa damuhan at sakto naman sa mukha ko ang pag-ikot ng tae ng punyetang pisa, pero kahit na tuyo na, eh mabaho pa rin. Napakamalas naman, pero pagkatapos ng session ng ROTC ay tuloy ang gala ko. Magba-bus ako papuntang SM Bacoor at doon, astig na astig ang pormahang naka-full military outfit, boots, sabay papasok ng naka-arcade para maglaro ng Street Fighter sa Quantum. Ganyan ang buhay ko noong 2000s tuwing linggo. 

Balik tayo sa CAT. Naaalala ko pa na ang pangalan ng commandant namin ay si Mr. Grajo. Talaga nga namang matatakot ako dahil mukha talaga siyang military na malaki ang pangangatawan at boses. Talaga nga naman na naka-full battle gear nung graduation na ng CAT at naka-beret at smarteng-smarte ang kilos. Hindi man kami ang nanalong best platoon, ay laking ginhawa na sa amin yung naipasa namin ang CAT at mahihirang kaming mga reserve citizens kapag nagkagiyera sa Pilipinas vs mga DDS lol siyempre joke lang. Pagkatapos ng every training, diretso kami noon sa 7-Eleven San Andres, ang pinakamatandang 7-Eleven sa buong San Andres Bukid. May isang bibili ng Slurpee at dahil free pa noon ang mag-refill, siyempre, pasa-pasa na ang isang baso. Well, yes super nrain freezing yan naman ang naaalala ko sa Slurpee.

Ngayon, kapag naaalala mo ang CAT, hindi mo na iniisip ang pagod ng Friday afternoon o ang pawis sa ilalim ng araw. Ang bumabalik na lang sa alaala ay ang suot mong army green cap, ang sabay-sabay ninyong pagmamartsa, ang malakas na sigaw ng commander, at ang simpleng kilig habang katabi mo siya sa linya. CAT every Friday at 4PM wasn’t just training—it was the perfect ending to a school week, raw, simple, and unforgettable.




Jack's Biking Chronicles - Bisikleta Iglesia: 14 Simbahan, Isang Panata

 

San Francisco de Malabon Parish Church in General Trias, Cavite

Back in 2022 and 2023, I was able to do something unique that connected to my faith as a Catholic. Even when we were young ones, we were able to experience traditions like this every Semana Santa, which is the Visita Iglesia. Visita Iglesia (Spanish for "church visit") is a Filipino Catholic Holy Week tradition where devotees visit and pray in at least seven (or 14) churches, typically on Maundy Thursday or Good Friday. It is a pilgrimage to honor the Blessed Sacrament and meditate on the Stations of the Cross, commemorating Jesus' journey to Calvary. What I say is unique because I did it by biking, a sacrifice under the heat of the sun in March and April, where the temperature really rises hot as hell in the streets, on the highways. 

Tinawag ko itong Bisikleta Iglesia—isang personal na panata kung saan binisita ko ang 14 na simbahan, sakay ng bisikleta, mula Cavite hanggang iba’t ibang sulok ng Maynila. Hindi ito basta ride lang. Isa itong novena on wheels. Back in 2023 naman, I did roam the churches in Cavite, kung saan mas mahirap, even if under isang probinsiya lang, siya ay malalayo ang kailangang padyakin. Uubos ka talaga ng napakaraming enerhiya sa pagpadyak sa bawat munisipyo ng Cavite. 

Naghanda ako ng maraming lalagyan ng tubig, tutal tatlo naman ang lalagyan ko sa bike dahil alam kong kakailanganin ko ’yon sa tindi ng init ng panahon tuwing Holy Week sa Pilipinas. Kailangan lagi kang hydrated para hindi ka mahilo sa pagpadyak. Alas kuwatro pa lang ng madaling-araw noon ay nakagayak na ako at handa na ang aking novena, mga lalagyan ng tubig, sound speakers ng bike at higit sa lahat pocket money at baong dasal sa pagbiyahe sa malalayong lugar. Siguro kung okay pa rin ang kalusugan ko sa kasalukuyan ay baka nasa kalye ako ngayon at bumibisita sa mga simbahan para mag-Visita Iglesia. I will always love that vibe. Basta sa Panginoon ay handa akong magsakripisyo, kahit ano pang circumstances na suongin, init man o ulan, ay wala akong pakialam; ang tanging focus ko talaga noon ay tapusin ang labing-apat na simbahan. And I did it not once, but twice!

Tree 63 - Blessed Be Your Name

Sa bawat simbahan, humihinto ako—hindi para magpahinga lang, kundi para magnilay. Tahimik na dasal, pasasalamat, at paghingi ng lakas. Hindi ko man maalala ngayon ang eksaktong pagkakasunod-sunod ng 14 na simbahan, malinaw pa rin ang pakiramdam ng bawat paghinto—parang bawat isa ay himpilan ng sariling krus na aking pinapasan.

Hindi biro ang pagbibisikleta mula Cavite papuntang Maynila, lalo na sa init ng Biyernes Santo. Walang lilim sa ilang bahagi ng daan, at ang sikat ng araw ay tila sinusubok ang tibay ng aking panata. Ang pit stop ko lang para magpalamig ay ang 7-Eleven para mag-impok ulit ng tubig at kumain ng kahit tinapay o di kaya ang baon kong saging.

Pero doon ko naramdaman ang kakaibang kapayapaan.

Habang pumapadyak ako, iniisip ko—ganito rin siguro ang pakiramdam ng isang deboto: pagod, uhaw, pero tuloy pa rin. Hindi dahil kailangan, kundi dahil gusto. Dahil may dahilan. Dahil may pananampalataya.

Maaaring hindi ako makapadyak ngayon, pero ang panata ay nananatili. Hindi nasusukat sa layo ng nararating, kundi sa lalim ng pananampalataya.

Ang Bisikleta Iglesia ay hindi lang tungkol sa bisikleta o sa 14 na simbahan—ito ay tungkol sa paglalakbay ng puso. At kahit saan man dalhin ng panahon o sitwasyon, dala ko pa rin ang aral ng paglalakbay na iyon.

Balang araw, kapag kaya na ulit, babalik ako sa kalsada.

At muli, papadyak—hindi lang para makarating, kundi para manampalataya

Ang mga simbahan sa Maynila na aking pinuntahan noong 2022:

1. Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception - The Manila Cathedral

2. National Shrine of Our Lady of Loreto - Sampaloc, Manila

3. St. Anthony Shrine - Sampaloc, Manila

4. Quiapo Church - Minor Basilica & National Shrine of Jesus Nazareno

5. Our Lady of the Airways Parish - NAIA Rd, Pasay City

6. Cathedral Parish of St. Andrew - Parañaque Cathedral

7. Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament (Archdiocese of Manila) - Sta Cruz, Manila

8. Minor Basilica and National Shrine of Saint Lorenzo Ruiz (Binondo Church)

9. Holy Cross Parish Church - Tejeros, Makati City

10. Archdiocesan Shrine of Espiritu Santo - Tayuman Church

11. Benedictine Abbey of Our Lady of Montserrat (San Beda Church)

12. Minor Basilica and Archdiocesan Shrine Parish of Santo Niño de Tondo - Tondo, Manila

13. Minor Basilica of San Sebastian and Archdiocesan Shrine of Our Lady of Mount Carmel (Archdiocese of Manila)

14. San Fernando de Dilao Parish - Paco Church (Archdiocese of Manila)






Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...

Certified Great Reads