Pages

Sabado, Setyembre 27, 2014

A Long and Lifetime Diary with HT Family: "Exit with flying colors" (Part 2)

"Sleigh bells ring, are you listening; in the lane, snow is glistening. A beautiful sight,  we're happy tonight. Walking in a winter wonderland." (TaskUs Christmas Party 2013, @Trader's Hotel Manila)

-Mula sa nagbabagang trangkaso ng panulat at sumusulat. Tuloy ang kwento, powered by Vicks vapor rub.

KALOKOTRIP

Ang sabi nila opisyal na miyembro ka na ng HT kung kasali ka na sa mga "Kalokotrip" ng buong campaign. Wala pa ang aming grupo tradisyon na pala ang ilang aktibidad na nakakatuwa sa loob ng aquarium. Kung trainee ka magugulat ka na lang na biglaang magkukumpol kumpol ang isang grupo sa isang natutulog na teammate ang isa may hawak na kamera. Isang flash ng kamera sa natutulog habang nakapaligid ang karamihan na kanya kanya ang mga posed. Hagikhikan na mahihinang tawanan habang kumakalas sa napiktyuran. Magugulat ka na lang at nasa album ka na ng mga natutulog at nka post sa Facebook at sandamakmak ang likes at comments. Kaya kung ayaw mong mapasama sa "sleep collectibles" hindi ka matutulog dahil anjan lang sila nag-aantay ng mabibiktima. Kung baga sa pelikula ng Nightmare on Elm Street kapag nakatulog ka sa sobrang antok yari ka. Malas mo lang kung malaway-laway ka pa. 

Hindi rin makakalimutan ang Halukay Ube trip. Yan ang tawag ko dun sa mga naghahalukay ng mga lumang pictures sa Facebook, kokomentan ang di kaaya-ayang lumang larawan mo para maging active ulet sa newsfeed at pagpiyestahan ng mga nakakatuwang mga memes. Ang lahat lang naman na yan ay side dish para mawala ang antok. Olats ang mapikon at bawal.

PS: Kung koleksiyon lang pala ng mga memes walang tatalo kay aling maliit si Maan Soriano. Talagang meron yang koleksiyon, na nakatago sa email add nya at tinalo niya si Kuya Bobby sa paramihan ng mga memes. Wapak!

BAWAL ANG SAD! 

Isa sa mga motto ng tropa sa likod ng aquarium. Kapag dun ka nakapwesto parang circus, welcome to the jungle ang tema kaya yung mga panahon na nasa aquarium pa, di pa ko makapag nap. Mararamdaman mo na lang sa sarili mo na tatawa ka. Pinaka cool si Don Roberto Balintong, ang lider, ang bangkero sa loob ng aquarium. Di pa naman gaanong katandaan, onga naman life begins at 40's at kayang kaya pa mag stretching at magja jumping jacks. At wag ka, bilang patunay active siya magbasketball nung mga panahon na naglalaro pa ang team ng US at UK sa Justinville. Iiwas ka nga lang sa kanya pagdating sa rebound dahil may sapi siya ni Tatang Jawo dumipensa for short "magulang." Imaginin mo na lang na tumatalsik si Allan Francisco sa pwestuhan ng rebound. Ganun kalakas! Siya daw ay may-ari ng ekta-ektaryang lupain. Boss san ba yan? Baka puwede diyan tayo mag farewell party? Si Boss Bobby simple lang yan pumorma but with a touch of a teenager from his signature polo shirts at varsity jacket down to his lonta at sneakers swabe ang dating. Isa sa mga talent niya ay magpatawa in a way na hindi niya kailangang gusutin ang mukha, kengkoyin ang sarili o ibahin ang boses. Siya yung may sense of humor, kung pilosopohan ang labanan awww wala kang panalo kay Don Balintong. Pero kapag patandaan na ang balik na depensa ng kalaban minsan kailangan din issurrender ang puting bandila. Duon olats! Kupi!

Meron din namang "gwapo" sa grupo, kumbaga front face, front act, muse ng tropang kalog bet...Sabi nila kapag lagi mong katabi o kasama ang isang tao magiging kamukha mo na siya. Pero bakit ganun Kenneth? Parang mas lalong humihiwalay ang itsura namen kapag nakakatabi ka? Lamang na lamang siya ng halos isang dekadang ligo with matching shampoo and sabon pa. Pero wag ka, usually yung mga ganitong itsura akala mo kilos mayaman o kilos maarte. Hindi tol, jan ka nagkakamali. Koboy itong tropa na ito, kung bangkaan lang din hindi siya papahuli. Ka tandem siya nitong susunod nating ifefeature, kapag nagsama na ang dalawa na yan panay hagalpakan at tawanan na. Binansagan siyang "babyboi" ng isang ultimate fan. Itong ultimate fan na ito ay fanatic ni Beyonce at Jesse J. Pero bakit nga ba "babyboi" ang tawag sa kanya Redge? Explain in essay form with smileys at hart hart kung kinakailangan. Si Kenneth din naman yung mini businessman ng HT, nariyan ang benta nyang iba't-ibang chocolates. Pwede mo yan bayaran sa sweldo mismo, kumbaga "study now, pay later" namnamin mo muna ang tsokolate bago mo bayaran. Cool di ba? Meron din siyang mga Avon-avon, Natasha, Nathaniel at Board Walk. Suki ako sa order diyan! Dito naman ang bayaran ay fifty-fifty sa madaling salita 2 gives, maaaring dalawang bigayan ang bayad. Ewan ko lang kung natuloy yung order ni Iye na wonder bra? 


Moving along with Jesus Villanueva a.k.a "Jhec". Kabaliktaran naman siya ni Don Balintong, siya si Jekoy kenkoy. Kilala bilang stand-up comedian ng grupo, awkward, at may uniqueness magpatawa gamit ang muka at mga hand gestures. Kung kilala niyo si Tikboy sa "Abangan ang Susunod na Kabanata" ganun ang kanyang karakter. "bH0s$z jH3c" mahilig sa fliptop at may pagka gengster! San ka nakakita ng naka polo checkered longsleeve na nagrarap at nagtutugma ng mga salita. Pero Ok "chicano" ang dating. Unique diba?  Isa sa mga promotor ng "halukay ube" trip at palaging nabibiktima ang mga piktyur ni lidilyn. Gumagangster moves na lihim na pag-ibig kay June Camille pero joke lang daw yun. Actually araw-araw siyang nagjojoke "Ikh@wzz luNgzZ $aphuat nwU@hhh." 


Nariyan din ang trip na palitan ng status sa Gmail chat. Kapag hindi mo nai-lock ang account mo at umihi ka saglet yari na ang status mo. Gone in sixty seconds na rak na ito, bigla ka na lang magiging "pink butterfly" sa status or bigla na lang "I love Hello kitty." Pambihira! naka-ilang beses din akong nabiktima ng status gang. Ang malupit pa papalitan din ang background theme mo sa Gmail. Kapag log-in mo ng account, makikita mo na lang na "Chicsers" na ang background, oh di kaya'y "K-pop Korean girl group." Malala na siguro yung "Powerpuff girls", kay Rico Adriano naman ata yun nai-apply. Pero siyempre lintek lang walang ganti vice-versa lang ang palitan ng status at background.

NAPAGTRIPAN SI MASCULADO

Isa sa mga hindi ko makakalimutan ay yung trip ni Kenneth kay Rico. Nakalog-in ang macho papa ng HT sa Grooveshark.com, at nag set siya ng playlist. Ang genre kasi nito ni Rico ay yung tipong punk rock at screamo. Maya-maya pa nakatulog at hindi na-ilock ang account. Hindi mo na-ilock? Yari ka! Mula sa pagkahimbing ng nap, nagising at nagulantang dahil nag-iba ang tugtugin sa headset. Yun pala tumutugtog na ang "Barbie Girl" ng Aqua sa magkabilang sides ng earpiece. Nauwi na lang lahat sa tawanan, ikaw ba naman kumpleto ang six pack abs mo tapos aalingangaw sa tenga mo ang "Hi Ken, wanna go for a ride? Sure Ken" . Sabi naman ni Henric Floranda kaya daw nagising si Rico dahil sa sobrang paborito nya raw ang kantang Barbie Girl, iyon daw talaga ang tumulak sa diwa ni Rico para magising dahil matagal na niyang hindi naririnig ang paboritong kanta. 

FIRST WAVE NEWBIES & TERROR MARKETS

Pagkatapos ng aming batch nila Eljhay, Maan, Butch, Mark, Celine at Ivan. Eto na! Simula na ang pagyabong ng pinakamalaking campaign. Umpisa na ng paglaki ng pamilya. Unti-unti nang nagpapasukan ang mga bagong muka, mga bagong applicants at trainees. Iba't-ibang personalidad, iba't-ibang karakter ang taglay. Merong bata, matanda, dalaga, binata, tomboy at bakla. Ayos kumpleto ang castings! Puwedeng gumawa ng isang pelikulang pang Regal Shocker. Joke lang po! Unang wave, unang batch pagkatapos namen. Minsan nasa loob sila ng aquarium at kadalasan nasa Great Hall; ipakilala natin ang mga nakasama pa sa dating building hindi ko na matandaan ang pagkakasunod sunod pero sila yung fresh crew: Redge, Ate Iya, Iye, Ansherina, Jardin, Ralph, Mak, Cyril, Ken, Glennard, King, Nelsie, Anette, Henric, Lester, Kresta at Denz Bulatao na dati ko nang nakasama sa Chicken and Egg Campaign also known as CHEGG. Ewan ko hindi ko na matandaan kung sino pa ang ilan. Say "present" na lang kung kasama ka pa sa kapanahunan ng lumang building.

Pero bakit ko nga ba nasabi na "minsanan" lang namen sila makasama sa aquarium? Bakit yung iba sa Great Hall? 


Kumbaga kasi sa HT, meron kameng tinatawag na "first come, first seat" the "early bird gets the more comfortable seats". Walang seating arrangements, kung saan may bakante at kapag dumating ka ng maaga dun ka pwede mag station. Pero minsan parang hindi rin naman. Dahil mas okupado talaga ng mga tenured teammates ang Aquarium, noong batch lang namen talaga meron pang mga ilang seats na hindi occupied ng mga tenured. Kadalasan yung mga newbie dun talaga sila sa Great Hall. "Chat systems" na lang or chat group para sa mga bago kung merong mga hindi maintindihan lalo na kung merong mga "keys" sa mga hotel. Kasi kapag meron susi sa isang hotel parang ibig sabihin nun 60-40 ka na pwede magka error.Yabit ka! Kung bago-bago ka pa at natyempo sa iyo ang New York Markets mapapa shet ka sa dami ng susi. Kung newbie ka pinapanalangin mo yan na wag mapunta sa iyo, dahil kakain at uubos talaga ng oras sa pag-iintindi ng mga misteryosong susi. Isa pa sa mga kilabot na markets ay yung mga Mexican kailangan mong mag multi tasking kapag napapunta sa iyo ang mga markets na ito. Sabi ko nga ayoko ng Math, kailangan mong ilabas ang kalkuleytor at konberter para matagumpay mong masagutan ang problem solving. Buti nga walang fractions pero merong mga decimals. Kung pwede ko nga lang i-call a friend si Dora para siya na ang sumagot sa problema ko. Hindi naman kasi ko Mehikano o Espanyol. Nung napunta ako sa isang website na iba ang lengguwahe talagang isinisigaw na ng utak ko "Doraaaaaaaaahhhh!!!" bakit ba kasi mga basic lang na Mexican words ang pini-feature sa Dora the Explorer, hindi ko tuloy alam kung saan dito ang "submit" button, anyway common sense na rin naman yung kalendaryo, madali naman matagpuan at alam ko rin naman magbilang ng "uno, dos, tres un pasito pa'delante Maria, uno, dos, tres, un pasito pa'atras Whopaaaaaaaa." Si Ricky Martin kaya alam kung saan ang submit button? Dala ng katangahan nakalimutan ko mag explore, 'enang yan idol ko si Dora tapos di ako marunong mag explore? Bwiset! Yun pala pwede naman itranslate to English ang webpage. Heaven! Ayos! OK na! Isang click lang nasakop na ulet ng mga Amerikano ang website ng Mexicano. Pero natutunan ko rin malaunan ang translation ng submit yun pala ang tawag dun sa Mehikano ay "Buscar". Ngayon hindi ko na kailangan yan itranslate nakasanayan na rin at no more lonely nights na pagdating sa mga Mexican markets at mga susi.

Pero alam nyo ba na dahil sa mga first come, first seat na yan the best ang attendance ng HT. Namannnn! bihira ang nalalate. Kadalasan one hour before the shift kumpleto na ang cast sa aquarium. Sipag di ba? Kumbaga naging motivation ng lahat na pumasok ng maaga dahil kapag late ka duon ka sa Great Hall mauuupo at kapag malas malas ka pa at wala talagang puwesto duon ka sa malayo katabi ng ibang campaign. Ewan ko na lang kung hindi matuyo ang laway mo dahil malayo ang mga ka tropa. Sana nga nuon pa nauso yung merit na 600php kapag wala kang late at absent malamang lahat kame nun nagkaroon.

H_T CREWS
Kasabay ng paglago ng campaign, gayundin naman ang paglago ng balbas ni Mcking Etuc or Mark Fernan Pasayon a.k.a "King" isa sa mga naging unang friendship. Kung paramihan ng buhok sa katawan champion siya at 2nd place lang si Ralph Lumio dahil dibdib nya lang ang mabuhok na maihahalintulad mo kay Sergio ito ung isa sa primary cast sa isang Mehikanobela nung dekada nobenta at kasintahan ni Marimar. James Harden ang tawag ko dahil sa pamosong makapal na beard na bumabalot sa kanyang pisngi at bibig. Ka-tandem nuon ni King si "Boy Bakal" sa training ngunit nangibang landas si Mister Bakal dahil mas pinili niyang makatulog sa shift. Sa tingin ko morning person siya at dahil duon lumagpak siya sa training. Ang mas pinakamalapit na karakas at datingan ni King ay si Wolverine, mahahabang kuko na lang ang kulang meron na tayong mutant hero sa HT. Tahimik lang pero kapag naging tropa mo na, hihingan ka ng pera, bigla na lang lilitaw ang pangalan sa gmail chatbox at magugulat ka sa chat na "penge pera." Minsan di ko alam kung dapat kong katakutan o biro lang ang lahat. Pero dahil sa kanyang killer smile alam kong 100% na joke lang yun. May talento din sa pagpophoto shop at kadalasang nagpapahula ng mga may kamukhang celebrity sa HT. 

Next stop is the three brotherhood with different characteristics, isang malamig ang boses, isang rakista at ang 2nd placer sa pakapalan ng buhok sa katawan. Sa karamihan na hindi nakakaalam, isa sa singer ng HT si Mak Villaruel, malamig ang boses parang menthol candy na Snow Bear. Bilang proof kumanta na yan sa harap ng madla, CEO at big bosses ng company nuong nakaraang Christmas Party. Medyo nanginginig sa una dahil nga sa kalamigan ng boses, kinanta niya ang "Have Yourself a Merry Little Christmas" na sinuportahan naman ng buong palakpakan at hiyawan na may kasamang kantyawan ng buong HT teammates. Isa na siguro yun sa pinaka highlight ng career niya dito sa kumpanya. Best performance ever!  Yun nga lang ang tanong kung Krismas ba talaga o Krisismas ang haharapin natin pagdating ng Pasko. Malalaman natin yan pagdating pa ng ilang araw. 

Mula sa bandang SLipknot at hardcore metal eto naman ang bandera ni Neil Ivan Ilano. Sa lakas ng tugtugan na nanggagaling sa kanyang headset alam mo na ang genre ng music. Mula sa dumadagundong na drums na animoy magkakatapusan na ang mundo hanggang sa pag-iyak ng gitara habang sinasabayan ng sigawan ng mga bokalista at mga japormang T-shirt ng Pulp Summer Slam, hardcore metal mayhem ang tropa! Pero wag ka ang softside naman ni Ivan ay ang magmahal, kumbaga sa WWE o World Wrestling Entertainment siya pa rin ang Heavyweight Champion pagdating sa pag-ibig ng kanyang sinisinta. Title holder ika-nga at loyal at wala pang nakakatalo. Ideal guy. Best boyfriend ever! Astig diba rakista at romansa! 

Lastly, wala siyang genre ang meron lang siya ay long strands of hair hindi sa ulo kungdi sa dibdib. Sabi ng ilang mga tsikabebots "extremely hot" daw ang isang lalake lalo na kapag nagkukumpolan ang buhok sa dibdib. Pero ano nga ba ang tawag sa buhok sa dibdib? Meron bang pwedeng makasagot? Kung sa ilong, ang tawag duon ay "tutsang", ang buhok naman sa kili-kili ay "asogue", "mulmul" naman ang katawagan ng buhok sa malalaking nunal, "weneklek" naman ang buhok na makikita sa utong ng  mga lalake. Pero ang di ko lang talaga mahagilap ay ang tawag sa buhok sa dibdib. Ang makasagot ililibre ko ng lunch sa October 16. Itigil na natin ang usapang buhok. "Wreck it Ralph" pagdating naman sa basketball wag ka na mangangamba lalo na pag pustahan, kapag kakampi mo siya siguradong hahakot tayo ng pusta. Deadly-shooter on the 3-point arc, siya ang laging kumakada ng puntos lalo na nung nakaraang Sportsfest, mejo lightweight ni Noli Locsin pero streak shooter kapag naiwan mong libre. Quits na ah! Pero madalang talaga yung lalakeng may buhok sa dibdib eh, asset na yan kasi para ka na ring European.

Wala na siguro akong ipagtataka kung bakit lumabo ang mata ni JM Guevarra. Maraming paraan bago daw lumabo ang mata ng isang human being, andiyan ang magbasa sa harap ng kandila, magbasa sa dim lights at magbasa sa patay-sinding ilaw.Patay-sinding ilaw? Wow! Maaari rin dahil sa impact ng radiation ng computer at mga gadgets. 21st century man ganyan si Boss JM. Nagbabasa at nagreresearch siya ng mga cheats at strategies upang todasin agad ang laban sa mga video games. Kaya nga research and cheats analyst siya in his own way. The Game Master, President of the PSP Nation at Leader of Game Strategies with Manual. Malupet at walang monster level na inuurungan kahit anong position kahit nakapatiwarik, patagilid kahit pa nakayuko! Pero wag ka! Basketball is his game too, fastbreak and slashing is his ability to score at mga alahoy na tirang pabanda. Despite of his blurred vision he can score more baskets through fastbreaks and that's the talent of our main man Joe Marwin Guevarra!

BARKADA TREATS
Heto na lumaon pa ang panahon, yung mga friendships dito parang mga islang nabubuo kung saan. Unahin muna natin ang Luzon, siyempre sila yung pinakamalaking grupo ang 6 to 3 crewship ang circle of friends nila Boss Pher, sila na ata yung pi....................nakamaraming group of friends along the campaign. Some of them I only know from their faces and I don't know their names yet. Pero obviously this group contains fresh teens (fresh teens? parang pang 18+ ang description) sabihin na lang natin sa tagalog na mga "tropang bagets." Sila din yung mga mahilig mag midnight snacks sa McDonalds at yung mga gawain ang mag "i-e" sa dulo just like "SELFie, GROUPie, at ang pinakamasarap mag FOODie. A flash of camera, a bunch of food and hungry smiles. Ayos kainan na! At eto ang list ng kanilang TROUPie (hula lang): Boss Pher (poging pic), Julie (cutie patootie), CJ (Rico ano nga yun?), Cla (bat biglang lumiit yung font), Mkts (ano nga po basa jan?), Almira Milcah, Raii, Odin, Riden, Borres, Jake, Lotik at etsetera, etsetera! Mga ilan kaya ang tama kong sagot?

Nandiyan rin naman ang mga tropang "vapers league of smoking devices." Kung kailangan mo ng usok at maraming lamok sa inyo sila yung tropang pwede mo kontakin. Pero hindi siguro mateteypok ang lamok dahil hindi naman kasinglakas ng Dragon katol ang dala ng usok nila kasi may flavorings ang amoy at baka maging tambayan pa ng mga mosquito vapers ang usok. Eto siguro hindi ako gaanong magkakamali: Sila Ken, Pau (na minsan sa profile pic nya yung usok at may colorful na isdang tattoo), Glennard (na laging palabati pero minsan tatawagin pa rin akong Clutch), at Cyril (that always wear his happy braces).

Eh kung rakrakan naman ng 90's ang pag-uusapan, bigyan mo lang siguro ng elektrik guitar, at drums, papormahin, piktyuran at  palumain ang picture mga black and white ang settings babalik tayo sa kapanahunan ng kasikatan ng Siakol na si Pej ang bokalista, si Choy sa base at si Charles Dano sa lead at meron na tayong instant album cover ng isang banda wayback from the 90's.

Meron din naman tayong mga barkada beauties sa HT sila ata yung mga may part-time na modeling,  matatangkad, sexy bodies at mga long legged yan naman sila Nelsie Guevarra, Camille Gabo at John Michael Cuerdo. John Michael Cuerdo??? Ha?

Teka mukang napapahaba na, wala pa talaga tayo dun sa parteng magkakalabasan ng uhog at hikbi. Mukang kailangan ng Pangatlong parte. Marami pang profiling ang magaganap. Matagal tagal pa naman ang "Rest day nating lahat."

Ikaw ramdam mo na ba ang pagtatapos? Feel na ba ng mga daliri mo na pindutin ang panic button? Samahan na lang natin ng dasal at pag-aaral at review tungkol sa mga interviews. Andiyan ang Google, research tayo ng mga katanungang pwede itanong sa atin sa interview! Good luck sa ating lahat at galingan ang mga exams. 

Everything will be ok! 

Kitakits na lang sa Part 3 :)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento