Pages

Miyerkules, Enero 28, 2015

Window Seat

'Biyahilo'

Malapot na ang init, tagaktak ng pawis ang aking nararamdaman umaga pa lang. Uusad pa ang ilang araw at malapit na naman mag-summer pero may init din naman na mangyayari sa buwan ng Pebrero ang init na nakakapaso at init na magpapasiklab sa bawat mag-irog. Wag kang berde ang sinasabi kong init ay init ng pagmamahalan. At meron din naman paniguradong Disyembre pa rin ang feels sa lamig na nararamdaman yung mga tipong going solo. Ito yung mga single na tingin nila ang pagiging single ay sakit na mas malala pa sa kumakalat na Ebola virus. Balik tayo sa kainitan ng panahon, Enero pa nga lang ramdam na ang heat wave, at pagka-uhaw. Summer na at kung bibigyang pagkakataon na makapag vacation leave ay susunggaban ko ang pagkakataong iyon. Kailangan mag relax, mag unwind, tumakas sumandali sa riyalidad ng buhay. Pero saan naman? Batangas? Zambales? Boracay? Dakak? Aman Pulo? Wow medyo gagastos ka ng lapad sa mga lugar na iyan kaya't mabuti pang bumisita na lang muna sa aming probinsiya sa San Miguel, Bulacan. Parang ayaw ko munang magtampisaw sa dalampasigan, ayaw ko munang makakita ng mga beach girls na naka two piece, ayaw ko munang gumawa ng kastilyong buhangin, ayaw ko munang mag scuba diving sa Manila bay baka hindi pa nadadala ng alon ang mga tae at basura sa South China Sea, baka marumi pa. Kaya dito muna ako sa Bulacan, mananawa muna ako sa pagkain ng malamang chicharon habang isinasawsaw sa sukang paumbong na pagka anghang, ok na muna ako magpahangin sa bukirin ng aking tiyuhin. Sariwang hangin, masarap samsamin kahit mainit sa dapit-hapon ay hindi mo ramdam dahil sa presko ng hangin yung mga ganuong pakiramdam ang gusto ko ulet maranasan kung may pagkakataon.

Pero dapat kapag babiyahe na gusto ko naka reserve ako sa window seat. Hindi dahil sa ito ang dapat. Kundi dahil ito ang kailangan.

Makailang beses na rin ako bumabalik balik sa probinsiya, uhugin pa lang ako nun nang magsimula ang isang sumpa tungkol sa paglalakbay. Isang sumpa na dala ang pagkahilo, paghilab ng sikmura at pagduduwal. At ayon sa resident albularyo/manghuhula/nanay, mahiluhin lang talaga ako sa biyahe. Kaya simula noon, ang paglalakbay para sa akin ay isang trahedya na dapat pagdaanan ng paulit-ulit, ng paulit-ulit, ng paulit-ulit---(stop!). kaya't bata pa lang required na nasa window seat ako, para diretso sa labas ng bus ang idinuwal!

Akala ko ang pagiging mahihiluhin isang phase lang. Mawawala din kapag ika'y nag mature. Pero hindi. Tuloy pa rin ang paglalabasan ng mga remnants ng aking mga kinain tuwing bumibiyahe. Palagi pa rin ako sa window seat kaso kailangan ko nang magdala ng supot. Minsan kasi, habang mabilis ang takbo ng bus, at ako'y suka nang suka sa bintana, inililipad naman pala ng hangin ang....alam nyo na. Kaya ayun, yung ibang pasahero me basang kanin sa mukha.

Buti na lang nadiskubre ng Pfizer ang gamot sa biyahilo. kaya medyo guminhawa ang aking trips. pero hindi pala ganun kadali ito mawala...

Minsan, galang Batangas, sakay ako ng bangka papuntang kabilang isla ng Nasugbu. Dalawang oras ang biyahe nakapako ang aking puwit sa matigas na kahoy habang idinuduyan ka pataas sa ere at biglang ibaba pabulusok. Walang window seat, kasi malakas ang alon kaya kailangan takpan lahat. Ok lang. Nakainom ata ako ng pangontra hilo.

Pero bakit ganun? Pinagpapawisan ako ng malapot. Ipinahid ko na ang aking props na vicks at white flower pero ala pa rin. Umaakyat ang aking inalmusal sa lalamunan. Buong kagitingan ko pa rin itong pinipigilan habang humahampas ang malakas na alon. Ilang beses din tumigil ang bangka sa gitna ng laot. Sabi ko, magunaw man ang mundo sa oras na yun, hindi ko ilalabas ang sinangag at pritong itlog na kinain ko!

Me isang bata ang bumigay na. I mean naduwal at hindi nabakla. Naduwal na siya sa floor ng bangka. Sinundan ito ng kanyang nanay, tapos nung katabi nila. Tapos nung kaharap ko. Hindi ko kakayanin ang ganoong eksena kaya nilabasan este inilabas ko na! I puke like there's no tomorrow na. Puke fest talaga ang nangyari kasi halos kalahati ng mga pasahero nasuka. Ewan ko kung dala ng maalong biyahe o nadala lang sa diri ng nasaksihan. Ang ikinaiba ko lang, me dala akong supot. yung kanila, sinalo ng bangka lahat!

Kaya nga number one sa listahan ko tuwing bibiyahe ang plastic. Makalimutan na ang pamasahe wag lang yan. Hanggang ngayon dala-dala ko pa rin ang sumpa ng paglalakbay. kaya't window seat pa rin as usual. Mga sanlibong biyahe pa at baka masanay na din ako. Hindi pala ako puwede maging Christopher Columbus o Miguel Lopez de Legaspi at baka sabihin lang ng lugar na mapuntahan ko e napakahina kong kongkeror baka bansagan pa akong puke boy. At tsaka na lang siguro matitigil ang pagiging adik ko sa Bonamine...

PS: Eh kung sa eroplano kaya puwede kong buksan ang window seat? Nasusuka ako eh.

Martes, Enero 27, 2015

Barbershop Armageddon

'The Barber's convincing power.'

May isang dahilan ako para isulat ang blog na ito, ng dahil sa nangyari sa akin ilang oras pa lang ang nakakalipas. Di ko mawari kung bakit na lang ako biglang napa-upo sa upuan ni Mang Kite na umiikot, akala ko judge na ko sa The Voice Philippines at naramdaman ko na lang na nakabalot na ang kalahating katawan ko ng puting manipis na animo'y kumot na ginagamit ng mga barbero at naramdaman ko na lang na sumikip ng kaunti ang aking batok sa pagkahigpit ng pagkabalumbon ng puting panakip. Pagka-ilang buwan kong pinahaba ang aking buhok, ayaw ko pa sanang magupitan kung hindi lang isanama ako ng isang kaibigan sa dating barberya. Hindi ko muna ninanais na magupitan, dahil sinusubukan ko naman ang magkaron ng medyo long back at medyo tikwas na buhok sa likod ng batok. 

Habang ginugupitan ang aking kaibigan, ng pinaka common na gupit sa barberya ang "Barber's cut" ay nabaling ang tingin niya sa akin at inumpisahan akong kausapin. Tingin niya siguro ay naboboring ako at palinga-linga lang ako sa aking kaliwa at kanan. Marahil totoo naman dahil walang magawa at nakaupo lamang habang naghihintay. Tinanong niya ako, "Ikaw pogi, di ka ba susunod dito sa kaibigan mo, hindi ka ba magpapabawas ng buhok, ang haba na ng buhok mo ah." Ang huli ko kasing pagupit sa kanilang barberya ay noong bakasyon pa ng Marso 2014. Sa loob-loob ko mukhang na-miss ata ni Mang Kite ang buhok ko ah. Ang sabi ko sa kanya, "Ah, eh hindi po muna, dahil tinatry ko po muna magpahaba ng buhok, nang maiba naman." Nung narinig iyon ni Mang Kite sa taynga niya ay napangiting aso siya at iyon ay nakita ko sa salamin ng barberya. Sa isip-isip ko lokong ito ah, sa ngisi niya na yun eh parang may gustong ipabatid at sabihin sa akin na hindi ko naman malaman kung ano. Mula duon eh natigilan siya munang magsalita at lumipas siguro ang limang minuto. Sabi niya sa aking kaibigan, "Ang ganda ng tubo ng buhok mo iho, lagi mo bang sinusuklay ang buhok mo?, marapat yan na ganyan ang gupit ng mga binata, maayos at malinis tignan. Para marami kang malinlang na chika bebots". Sinabi niya iyon habang pinipisil-pisil niya ang buhok ni Jun, ang buong pangalan niya kasi ay Junathan. Eh etong kaibigan ko naman palakpak ang tenga at sabay ihip paitaas sa bangs niya. Presko rin ang kolokoy. Di ko alam sa pagkakataong iyon kung magka kuntyaba na ang dalawa at tila nagbobolahan para lang ako makumbinsi na magpagupit. Nakatingin lang ako habang ginugupitan si Jun, habang si Mang Kite ay pumipito pito pa, pito na may himig. Himig na sinasabayan niya sa radyo, yung kantahan ng Itchyworms yung "Gaano ko Ikaw Kamahal."

Habang nasa ganoong senaryo, may pumasok na mag-ama at yung bata nakalamukos ang mukha at nakasumbrero. Nasa edad kinse at may kapayatan ng kaunti pero may laman naman ang katawan. Halos naghihilahan ang mag-ama sa barberya at alam mo talaga na ayaw pagupit nung bata. Halos nakatingin sa kanila lahat ang tao sa barberya at pati yung mga nagtsitsismisan na manikurista ay natigil ang tsismisan sa paglalahad ng kanilang mga saloobin sa kahapong naganap na Miss Universe Pageant. Tila kakilala na ng ama nung bata yung mga barbero. Ang sabi "Pare pakigupitan mo nga itong anak ko at pagkahaba na ng buhok niyan, nagmumukha ng adik sa kanto." Sabi naman nung barbero na malaki ang tiyan, kalbo at may goatee, "Cge pare ano bang gupit niyan." White side wall pare! Napalunok ako sa style ng gupit na yun, mukhang dating military ang ama nito. Dahil ang alam ko sa gupit na iyon eh ang matitira lang ay yung buhok sa gitna ng ulo at ahit ang buong paligid kaya white side wall. Putragis na yan, kawawa kang bata ka. Paniguradong muka kang siopao paglabas mo ng barberyang ito. 

Si Mang Kite naman ay pangiti-ngiti sa mga nakita at narinig niyang senaryo, at sabay banat bigla sa akin, "Ikaw hindi ka ba talaga magpapagupit, baka magmuka ka ring.....Hahahahaha!" Alam ko adik ang gusto niya sabihin pero hindi niya itinuloy. Sabi ko, "adik ho ba? Mataba ho ako kaya di po akong magmumukhang adik." Sabay nginitian ko na lang siya pabalik. Habang sarap na sarap pa rin ang tropa ko sa paggupit at paghagod ng buhok sa kanya ni Mang Kite. Binalikan niya ako sa sinabi ko, "Hindi naman lahat ng adik ay payat lang, merong mga hiyang kaya tumataba." Hindi ko na lang muna sinagot si Mang Kite at bagkus ay nginitian ko na lang siya, at sa isip ko, siguro dating Master debater itong barberong ito pero frustrated. Hahaha! (tawa sa isip). O sadyang galet lang talaga ito sa mga may buhok na mahahaba. Sa wari ko ano kayang itsura ng buhok ng anak niya, at kung may anak siyang babae siguro hindi kahabaan ang buhok at sakto lang. Ba't ba pilit niya ko gustong gupitan? Bakit? Hindi naman ginto ang buhok ko at iipunin niya pagkatapos at ipagpapalet na pera sa Tambunting Pawnshop. Naiingit kaya siya? dahil ang buhok niya sa kasalukuyan ay kasing nipis na lang ng art paper? Hindi kaya dating mahaba rin ang buhok ni Mang Kite at ginawa lang din sa kanya ng isang barbero ang gusto niyang gawin sa akin ngayon?

Bumaling naman ulit ako sa aking kanan, habang kinakatay na ang long hair ni adik este nung bata, inilabas ng barbero ang shaver, maingay, matining, animo'y galet na galet sa kapal ng buhok ng bata at parang mga ngipin ng isang chain saw na nanggigil at handang sunggaban ang buhok ng bata ano mang oras. At ayun na nga, maikukumpara ko sa illegal logging ang mga nakikita kong pangyayari, unti-unting nakakalbo ang bundok, unti-unting naglalaglagan ang makapal na buhok ng rakistang binata na naka Slayer pa na damit. Mula sa kanyang mga mata habang nakatingin ako sa salamin, ramdam ko ang kanyang lungkot at animo'y may kumikinang na tubig sa kanyang mata ayaw pa lang mahulog. At naglaro ang mapaglaro kong isipan, ano kaya kung asarin siya ng erpat niya at kuhain ang cellphone at sumelfie with him. Hahahaha! 

At dito naman sa aking kaliwa, malapit nang matapos si Jun, "inaahitan kita" na ang tunog ng sipol ni Mang Kite. Oo dahil malapit na matapos, konting ahit na lang sa patilya ng aking kaibigan at makakatakas na ako sa masamang balak na gunting ni Mang Kite. Pero hindi dun nagtatapos ang fetish ni mang Kite sa buhok ko, patingin daw ng buhok ko kasi naka bonnet ako. Ok lang, at tinanggal ko naman. Sabi niya, "Oh maganda pala hulog ng buhok mo eh, mas maganda yan kung ninipisan lang natin ng kaunti at iti-trim lang natin yung kapal ng buhok. Tignan mo yung sa gilid ng patilya mo sabog-sabog na yung buhok mo diyan, magulo na tignan, pangako ko sa'yo hindi natin yan babawasan nang maikli yung sapat lang." Naglaro ang mga anghel at demons sa isip ko, ang sabi ni anghel, "Oo ok naman kung babawasan mo lang ng kaunti, ganun pa rin naman ang haba, humahagikhik pa Hihihi", at ang sabi naman ng demonyo, "Bwahahaha magpapaloko ka ba sa mga yan? antagal-tagal mong pinahaba gugupitan mo lang? wala lang pang-kaen yan si Kite kaya gusto kang gupitan. Mwahahahaha!" At mula duon naguluhan ako, nawala ako sa konsentrasyon, nanahimik ang paligid, ang tanging naririnig ko lang sa ngayon ay ang mga metal na pagkiskisan ng mga gunting sa barberya, mga shave na gigil sa buhok at mga nipper at nail cutter na gumugupit sa mga kuko ng mga Miss Universe debaters. Gusto kong sumigaw, gustong kumawala ng aking isipan sa maingay na kililing sa aking membranes. Magpapagupit ba ako o hindi?  (10x) Susundin ko ba ang pangako ni Kite o dahil lang gusto niya makakaen ng Beef pares at mami mamayang gabi?

Nakapikit ako nun, nang bigla na lang mula sa kawalan, narinig at umalingawngaw sa taynga ko ang malamyos na tinig ng aking Mahal na Ina, umeeko, umeeko papalapit ng papalapit....natatandaan ko ang sinabi niya nung nakaraang Linggo, umeeko ulet.. eto na...... "Jaaaacckkkk magpagupeeettttt kaaaa naaaaa naaa naa, bawaasaaaannn mooohhhh laaaanggg nggggg kaunnnntiiiiiii tiii tii ti, nagmumukaaaahhhhh kaaaa nannggggg kuriiiimaaaawwww maaww maaw maw." Plop! (nawala ang mas angel na tinig kahit sinabihan akong kurimaw)

At bigla akong napabalikwas sa aking upuan, at biglang mulat ng mata. Tama nga atang magpabawas ng kaunti, konti lang ha. Wala na kong magawa ng dahil sa aking naalala, hindi ko puwedeng baliin ang utos ni Nanay, hindi ako Mama's boy pero alam kong alam niya lang ang tama sa akin. Siya na nga lang ang nagsasabing gwapo ako, kaya alam kong tama ang desisyon niya at desisyon ko. Kay Kite na lang magkakatalo ang lahat. Kaya pagkatapos ng gupitan nila ni Junathan eh, sumunod na ako. Pero bago pa ako hawakan ni Kite eh, sinabihan ko muna siya na, hawak ang kanyang puro kalyong kamay, "Paki-ayos na lang po ang gupit, trim lang po gaya ng sabi niyo ha, maikli lang po at tiwala po ako sa inyo. Maraming Salamat." Alam ko sa pag-uwi ko sa bahay mapapasaya ko ang aking Nanay ng dahil sa simpleng bagay na pagpapagupit. Sa tingin ko Ok naman ng buhok ko, ayos naman. Salamat Mang Kite. Salamat.

Linggo, Enero 25, 2015

Be Kind and Rewind: Mga Piso sa Jukebox ng Buhay Mo Part 1

'Tape ka ba? Gusto ko kasing irewind ang ating nakaraan at i-play muli ang ating magandang himig."

Noong mga unang panahon pa, noong uso pa yung mixed tapes imbes na mga customized na CD, may kilala akong magkapareha na naging malapit sa akin. Pag binabalikan ko nga halos lahat ng music education na meron ako (na labas sa Beatles at Eraserheads) ay sa kanila ko nakuha. Gin Blossoms, Red Hot Chili Peppers, Alison Krauss, Indigo Girls at Tracy Chapman, mga ganu'ng klase ng tugtog, lahat ay nakuha ko sa orig at pinaghalu-halong mga recorded na cassette, lahat ng yan ay nakatambak pa rin sa aking rattan basket.

Isang araw, wala 'yung isa dun sa magkapareha, 'yung isa lang 'yung naabutan ko sa bahay nila. Yung hindi ko masyadong ka-close. Nakasalampak siya sa sahig, nakapatong ang mga braso sa isang silyang ginawang patungan ng cassette player. Paulit-ulit niyang nirerewind/forward ang biniling casette ng Fra Lippo Lippi, at gamit ang hawak na one half-lengthwise pad paper at lapis ay dahan-dahan niyang binuo ang mga titik sa pinapakinggang kanta, at eto 'yun:


EVERYTIME I SEE YOU
Released 1996
Fra Lippo Lippi


Life it seems, sleeps away
Just like any dream
All I want is all I need
Still I ask for more
Say, say why is it so
Wait, wait don't let me know
Everytime I see you
My life turns upside down
Everytime I see you I know
Love it seems, sleeps away
Just like any dream
I failed to see this memory
Means so much to me
Say, say why is it so
Wait, wait don't let me know
Everytime I see you
My life turns upside down
Tried so hard to find out
How to make you come back
But even if I told you
I can't hold you again
Everytime I see you I know
Everytime I see you
My life turns upside down
I tried so hard to find out
How to make you come back
But even if I told you
I can't hold you again
Everytime I see you I know
Everytime I see you
My life turns upside down
Everytime I see you I know


Mas madali yatang maging romantiko nitong mga panahong hindi pa nada-download ang lahat sa Internet (tulad ng ginawa ko sa lyrics ng nasa taas). Pag naaalala ko 'yung ginawang ito ng kaibigan kong ito'y natutuwa ako. Nakakatuwa ang kakornihan. Nakakatuwa ang di pagkakuntento sa napapakinggan lang. Masarap umibig sa isang liriko ng isang kanta yung nais mong malaman ang meaning ng kanta at hindi mo lang siya basta sinasabayan sa saliw ng ritmo. Kailangang isulat pa sa papel, kailangang maipabasa sa kanyang kapareha, na para bang hindi pa sapat ang lahat hanggang sa hindi naihahayag, hanggang sa hindi pa nagagawang kongkreto ng mga salita.

Masaya ako sa mga ala-alang 'yun. Kasi parang napakalaki ng papel ng mga salita. Parang andami talaga ng kaya niyang gawin. At malaki ang naiambag ng eksenang 'yun sa kung bakit hanggang ngayon ay masaya pa rin ako sa pagsusulat. 'Yung pakiramdam na bumubuo ako ng kung anu-anong mga mundo, nagmamaniobra ng mga naratibo, 'yung pagkapanatag na alam kong may makakaintindi, may makakaugnay, may makakakoneksiyon, na may epekto't may maaapektuhan ang kung anumang kailangan kong sabihin sa iba't-ibang pagkakataon.

Na ang bawat bigkas ng isang liriko ng pagka-romantikong kanta ay handa mong i-alay sa iyong nililigawan. Masarap ang feeling ng ganuon na kinakantahan mo ang iyong minamahal sa pamamagitan ng gitara at dahil na rin sa pinag-aralan mo rin hindi lang ang titik ng kanta gayon na din ang nota. Isang pogi points para mas mapalapit sa iyo ang sinisinta. Pero wag, wag ka masyadong kiligin ng dahil sa kanta lang. Minsan nagiging sanhi din yan ng pagka-agang..... Ok tuloy ang kantahan.

Ewan ko, siguro dahil Pasko noong naalala ko ito. Siguro dahil lang sa malamig at natutuklap ang mga balat sa labi ko sa mga sandaling iyon. O siguro, iniisip kong tumatanda na ako atnagiging mas madunong, sa mga panahong ang paligid ay may pagka dami-daming sakit, aksidente, patayan, barilan, nakawan, rape at kung anu-ano pang trahedya. May paulit-ulit bang realisasyon na hindi naman talaga ganoon kahaba ang buhay ng isang tao, sabi nga sa isang liriko sa kanta ng The Moffats, "If life is so short, why don't you let me love you, before we run out of time." Tama nga naman. Meron ngang mga nilalang na hindi na nga nakaka-alpas sa siyam na buwang pag-aabang sa sinapupunan. Ang iba hindi man lang nakasilip sa mundo. Hindi lahat ay nabibiyayaan ng malusog na katawan, ng mga mabuting kaibigan, ng buong pamilya, ng hindi kasuklam-suklam na buhay? Ganun nga kaya yun? kaya ba bawat maliit na pasasalamat, kaya ba kada kaunting piraso ng kung anong pagtatagumpay, kaya ba yan lahat ng maiksing oras ng paguusap, ng pagpapahayag ng saloobin, ng mga himutok, kaya ba lahat-lahat ng ito'y nagiging mas matingkad, mas mabigat?

Pero ang lahat ng sakit sa mundo ay may gamot ng dahil sa musika sa larangan ng pagsulat at paggawa ng liriko kaya gamutin pansamantala ang mundong naguumapaw sa kasalanan at kalungkutan. Giyera duon, giyera dito, away relihiyon, korapsyon sa gobyerno at kung anu-anu pa. Buti na lang at nakakalimutan ko panandali ang problemang ito habang ninanamnam ko ang tugtugin ni Ziggy Marley at kanyang reggae version ng "What a Wonderful World" na pinasikat ni Louie Armstrong at kung may problema ka naman sa pamilya at broken family, gusto kong iparinig sa iyo ang kantahan naman ng Everclear na "Wonderful" na siyang tatapal panamantala sa nararamdamanmong problema at sabi naman ng Beatles at pasasaan ba't andito na rin ang araw ng pagbabago sa kantang "Here Comes the Sun".

WONDERFUL
Released 1996
Performed by Everclear

Hey, ain't life wonderful?
Wonderful, wonderful, wonderful, wonderful, wonderful
Isn't it wonderful?
Wonderful, wonderful, wonderful, wonderful, wonderful
Life is so wonderful
Isn't everything wonderful?
Isn't it wonderful now?
I close my eyes when I get too sad
I think thoughts that I know are bad
Close my eyes and I count to ten
Hope it's over when I open them
I want the things that I had before
Like a star wars poster on my bedroom door
I wish I could count to ten
Make everything be wonderful again
Hope my mom and I hope my dad
Will figure out why they get so mad
Hear them scream, I hear them fight
They say bad words that make me wanna cry
Close my eyes when I go to bed
And I dream of angels who make me smile
I feel better when I hear them say
Everything will be wonderful someday
Promises mean everything when you're little
And the world's so big
I just don't understand how
You can smile with all those tears in your eyes
Tell me everything is wonderful now
Please don't tell me everything is wonderful now
I go to school and I run and play
I tell the kids that it's all okay
I laugh aloud so my friends won't know
When the bell rings I just don't wanna go home
Go to my room and I close my eyes
I make believe that I have a new life
I don't believe you when you say
Everything will be wonderful someday
Promises mean everything when you're little
And the world is so big
I just don't understand how
You can smile with all those tears in your eyes
When you tell me everything is wonderful now
No
No, I don't wanna hear you tell me everything is wonderful now
No
No, I don't wanna hear you tell me everything is wonderful now
I don't wanna hear you say
That I will understand someday
No, no, no, no
I don't wanna hear you say
You both have grown in a different way
No, no, no, no
I don't wanna meet your friends
And I don't wanna start over again
I just want my life to be the same
Just like it used to be
Some days I hate everything
I hate everything
Everyone and everything
Please don't tell me everything is wonderful now
No, please don't tell me everything is wonderful now
Please don't tell me everything is wonderful now
I don't wanna hear you tell me everything is wonderful now
No, please don't tell me everything is wonderful now
Everything is wonderful now
Everything is wonderful now
Everything is wonderful now

Andami na ngang problema sa mundo, kaya wag na tayong makisalo, mag-inuman na lang tayo. Hep! speaking of inuman hinding hindi rin naman mawawala ang musika pagdating sa tomaan.Latag mo na ang mahabang mesa, yelo, pulutan at sampung case ng beer handa ko nang kalimutan ang patuloy na kumakalat na Ebola virus sa mundo. Magpapaduyan tayo sa espiritu ng alak na maglalaro sa atin sa buong magdamag, sundan mo pa ng mga kantahan sa videoke, ilabas na ang dalawang mikropono at mag duet na tayo sa kantahan ng The Teeth ang "Laklak" habang ang usok ng sigarilyo ay kumakapal ng kumakapal sa ere. At kapag tumakas ka sa susunod na inuman natin ay kakantahan kita at idededicate ko sayo ang kantahan ng Wolfgang ang "Natutulog kong Mundo." Pero ngayon may bago akong gustong kanta pagdating sa good time for weekend ang kanta ng Robotic Pagong at Blank Tape, kung saan dito inilalahad ng kainuman ang mga problema niya sa buhay habang tayo ay suma-shot. Kanta pa lang alam na, na para sa mga lasinggero, eto yun e:


ALAK
Released 2013
Performed by Robotic Pagong & Blank Tape

At marami din naman nag-aaway na magkasintahan ng dahil sa alak at meron din naman nabubuong pag-ibig dahil sa alak, hindi lang totally pag-ibig eh minsan may bonus pa na buhay. Kung alam mo ang ibig kong sabihin. Pero alam mo ba na mas maraming kwentuhan sa palibot ng isang mesa ang tungkol sa pag-ibig? Oo mga kwentong "sawi" sa pag-ibig kung nasubukan mo nang umupo ng hindi ka pa tinatamaan malamang maririnig mo ang mga himutok ng ilan na tungkol sa sawing pag-ibig. Marami na kong ganyang karanasan talagang hindi ako nagpapatama para marinig ko ang mga kuwentong ganoon. Minsan aba e may mga umiiyak pa nga. Sabi nga nila ang espiritu ng alak minsan nakakapagpalaya sa kung ano talaga ang nararamdaman mo sa buhay. Lumalabas ang kahinaan, bumibigay ang tali sa pagkakabuhol. 

Matagal nang uso ito, panahon pa ng love triangle sa pagitan ng homo erectus (chox), homo habilis (renan) at isang java man. Ang kasawian sa pag-ibig ay maikukumpara sa katangahan/kagaguhan. Tinatanga ka na, na kahit nagdudumilat ang katotohanan eh wapakels ka pa rin. "Hoy! tanga, niloloko ka na! Gago! eh tuloy ka ka pa rin sa pag-ibig na ikaw lang nakakaalam at nakakadama. Totoo nga love is blind kase bulag ka sa katotohanan na dehins ka naman pala mahal. Again, "niloloko ka lang.... tanga! PS: Gago!" Ganito na lang para mas maganda yung quote, dagdagan natin ng ilang salita, gawin na lang nating "Love is blind, but the marriage is the eye opener." Ayos ba? Pero infairness, mahirap kasi labanan at kontrahin yang mga nagtitibukang mga puso, lalo na ngayong malapit na ang Araw ng mga Puso, ang season na pagsikat ni Victoria, Sogo at Mahal Kita at Chula Vista sa Dasma. Paniguradong maraming date yan , eye ball ng  mga  kitikitexters, ingat lang, baka holdaper ang ka eye ball mo, malas mo, nalove at first sight sa cellphone mo.
Kaya sabi ko sayoo halika dito makinig ng pinaka paborito kong kantang pang inuman na old skul at mag inuman na lang tayo hanggang broad day light. Eto yun e:


ALAK
Released 1965
Performed by Sylvia La Torre

Sabado, Enero 24, 2015

Diet! Diet!

'Gusto lang ata nila ko magpakamatay ng hindi ko napapansin'
Hindi ako mataba. Pero hindi ibig sabihin e hindi na ako tataba. Kaya naman ngayon ay medyo nagdadalawang isip ako kung makikiuso ba ko sa tinatawag na pagpapagutom o diet...

Matakaw daw ako sa pagkain. Hindi ah. Hindi totoo yun. Ang sabi naman ng ilang natititang kaibigan ko parang patay gutom ako kung tsumibog. Ows? sabi ko. Ganado lang ako. Ayoko lang na may natitirang pagkain sa plato kaya't kung minsan medyo ako yung huling natatapos.

Ewan ko lang kung bakit nauso ang pagdidiyeta, sino ba ang unang matabang nilalang na nagdiyeta? Yan ba ay naisulat sa mga history books ng buong mundo? Sinong unang nilalang ang nagpauso nito? Di ba ang pagdidiyeta ay yung pinipili mo lang ang iyong kinakain? Hindi ba nila alam na mahal na ang pagkain ngayon? Parang bumulusok ang presyo ng lahat? Gustuhin man ng ibang bumili ng mga karneng mataas sa kolesterol at sa taba e malamang hindi na praktikal. Ito kaya ang numero unong dahilang kung bakit nauso ang pagpapagutom diet.

Ayon sa mga may "pakana" ng dieting, para hindi tumaba, iwasan ang kanin, softdrink, white bread, sugar, powder juice, junk food, pork, beer, ad infinitum. Puta andami naman. Papayat nga ako nito. Yung tipong payat na, tirik pa ang mata. Kaya nga ayoko magbasa ng mga tungkol sa kalusugan e. Gusto lang ata nila ko magpakamatay ng hindi ko napapansin.

Kaya kalaban ko yang diyeta diyeta na yan. Hindi makatao. Dapat ipagbawal. Gusto ko din ng prutas at gulay dahil masustansiya at di nagdaragdag ng timbang. Pero dahil nakikipagpaligsahan na rin ito sa presyo ng bigas, gasolina, tuition fee, at hairstyle haircut ni John "Lloydie" Cruz nahihirapan na akong lunukin ito. Mahal talaga ang mag diyeta. Pang mayaman. Kaya't eto nagtitiyaga na lang ako sa instant pancit canton. Ito ata ang sekreto ng aking kakisigan sa abs. I love you Lucky (me). Kung gusto mo makontrol ang dami ng iyong kinakain, gayahin ako, huwag kumaing mag-isa, wag mag-solo. Kelangan may kasama ka. Mas marami, mas mabuti. Sa ganung paraan malilimutan mo ang iyong manners at kelangan mo na makipag agawan ng pagkain kung gusto mo pang mabuhay.

Nakakatulong din naman ang mahabang oras ng panonood ng TV. Dito tutulo ang iyong laway sa inggit sa mga buto't-balat na modelo ng mga pampapayat na inumin at gamot. Pero wag na wag na magpapanic para bilhin ang kanilang iniindorso, malamang hindi ito ang dahilan ng magagandang katawan nila. Ituloy lang ang panonood ng TV. Ang pagpupuyat ay isa sa mga epektib na paraan kung bakit bumabagsak ang timbang ng isang tao maliban sa pagdu-droga. Iba yun. Mabilisang paraan pero bad.

Sinusunod ko rin ang oras ng ayuno tuwing Ramadan. Ito'y bilang pakikiisa sa mga kaibigan kong Muslim na magagaling magbenta. Huwag na huwag mo nga lang silang aalukin ng barbecue at betamax at baka isaksak nila sa lalamunan mo ang barbecue sticks. Walang pagkain simula madaling araw hanggang alas sais ng gabi. Tubig lang. Subalit sadyang mahina ako sa makamundong tawag ng aking kalamnan. Wala pang tanghali, patago akong bumibira ng kain sa kusina.

Kaya nga tsaka na siguro ang diet. Kung mataba na ako. Hahayaan ko na munang ang katawan at katakawan ko ang mangingibabaw sa sanlibutan. Basta!

Biyernes, Enero 23, 2015

Kanya-Kanyang Abot ng Bayad (Eksena sa Jeepney)

'Sino nagbigay ng prebelehiyo sa kahit sinong pasahero na isiping obligado ako na magsilbing pribadong kunduktor niya?'

Dalawang dambuhalang problema sa pagsakay ng dyip ang bumabagabag sa akin. Ang totoo, ang una ay problema ng mga tsuper; naiipit lang ang mga pasahero. Kung saan mang unibersidad nagtapos ang mga tsuper, hindi sila tinuruang kumalkula ng lulan ng pinag-uupuan.

Ang iba sasabihin kahit muka ng hindi makahinga ang mga tao sa loob, "Isa pa po sa kanan. Sampuan pa po 'yan!"

Lahat kaming mga nasa gawing kanan ay nagkatinginan na lang, halos nangungusap ang mga mata na isa lang ang ibig sabihin sa isipan "masikip na". "Ano ba, pinitpit na luya na kami rito," sabi ng isang malakas ang loob. "Isa pa at para na kaming pinangat na sushi."

May pumanhik na isang Manang. Kung mayroon siyang katangian, ito'y ang malapad na balakang. Diyos ko po Manang yung iyong puwet ay puwede sa pagtutuwerking dahil sa pagkalaki. Sa isip-isip ko kung uupo pa ito sa tabi ko naalala ko yung isang elepante sa isang operasyon para iligtas, eto ata yung "Operation Dumbo Drop", diyos ko po parang bomba sa Hiroshima pag nagkataong umupo ito. Ayun lang, huminto siya sa tapat ko. "Aba, bigyan ninyo ako ng puwang," ang utos, hindi hiling.

'Sisigaw ka ba brad?'

Eh di wow, sa loob-loob ko. Napaso ang aking ngala-ngala sa mainit na kape kingina at handa akong isisi ang pagkapaso sa sino man. Napigil lang ako ng malaki niyang bag, baka may alagang kobra dun sa loob mahirap na.

Siyempre, usugan ang mga pasahero. Nagkaroon ng kapirasong puwang sa aking kaliwa, talagang kapiraso ewan ko kung makakaupo ang isang langgam. Isang pisngi lang ng babae ang sumabit sa upuan.

"Aba, you have to make room for me here!" sabi niya, na pawang kasalanan namin lahat ang lapad ng kanyang balakang at kasuwapangan ng tsuper.

Siksikan. Nagpaliitan ng mga balakang ang katabi ko. Kapag Ingles ang utos, with matching nginig pang sinusunod.

Liban sa inyong abang-lingkod hindi puwede ang ganyang intimidasyon. Mayroon akong 10,000 bokabularyo sa Ingles na handa kong isuka sa kanyang harap kung kinakailangan. Sa halip, ipinagbubukakaan ko ang mga pisngi ko. Pumikit ako, hinipnotismo ang aking balakang para kumalat pa sa upuan.

Sa ganitong sitwasyon, lagi at lagi, may Pinoy na titiklop. Yung lalaki sa kaliwa ng babae, isinulong ang balakang sa labi ng upuan , at nakuntentong ang buntot niya lang ang nakasampiyad sa upuan. Pinagpatong pa ang mga hita para lalong kumitid ang sakop. Hayon, naipasok ni Manang ang kanyang gigantic na balakang. Huminga ng nasisiyahan, at tinapik-tapik ang kanyang bag, na parang sinasabi sa alagang ahas, easy ka lang diyan. HINDI MAN LANG NAGPASALAMAT!

Gusto ko batukan ang lalaking tumiklop at pagsabihan. "ULOL, KUNG WALANG NAGPAPAABUSO, WALANG MANG-AABUSO!"

'Karaniwang mga eksena sa jeepney.'

Paano ba naman uunlad ang ating bansa?

Kung sana man lang ay humingi ng paumanhin ang babae: "Pasensiya na po, alam kong puno na ang dyip, pero nagmamadali ako. Walang tao sa bahay. Naisara ko ang mga pinto at bintana. Baka maaksidente habang pumapasok ang mga magnanakaw ng barangay, mahabla pa ako."

Isa pang sanhi ng aking pang araw-araw na kabag ang pag-aabot ng bayad.

"Bayad po," habang idinuduldol sa akin ng katabi ang isang pulubing-pulubing perang papel.

Teka, bagalan natin ang takbo ng dyip.Isang senaryo ito na nangyayari sa buong bansa, libu-libong beses isang araw at gusto kong suriin.

Sino nagbigay ng prebelehiyo sa kahit sinong pasahero na isiping obligado ako na magsilbing pribadong konduktor niya?

Hindi ba niya nakita, na nang magbayad ako kingina, hindi ko inabala ang katabi ko, bagkus uugod-ugod akong umusad sa gawi ng drayber at uugod-ugod din bumalik sa aking kinauupuan?

"Bayad para sa ano?" gusto kong magtanga-tangahan.

Nakatingin ang ilang pasahero sa akin. Nakatingin ako sa gusgusing papel na pinaniniwalaan kong maaaring pinagmulan ng Ebola virus.

"Tanggapin mo, pare!" parang sinasabi ng lalae sa harap ko, na may mga mata ng lawin. "Tanda yang ng pagka matulungin nating mga Pinoy."

Hindi naman sa hindi ako matulungin. Kung babae ang katabi ko, at may dalawang maliliit na anak na nakasabit sa magkabila niyang teynga, isa pa na sumususo, at ipit ng mga paa ang isang balutan na lulan ang lahat ng kabuhayan nila, maliwanag na nangangailangan ito ng tulong. Malugod ko pang ililibre sa pamasahe ang mag-anak (lalo na kung Miyerkules o Linggo, para hindi na ako dumaan sa simbahan).

Ang tanging problema ko lang, madali akong mahawaan ng lagnat, kaya't ingat ako sa mga hinahawakan. Di ko pa naman naisuot ang hazard suit ko at nakalimutan kong uminom ng gamot kong from A to Zinc. Ano yun? Scrotum? este Centrum. Isang flu virus lang ang dumapo sa kamay ko, magpa flash flood na ang sipon at magbabahin na ako hanggang sa lumuwa sa ilong ang aking mga baga.

Ganito ang karaniwang eksena sa jeepney: Kung mas malapit ka sa hulihan, mas natatagtag ang utak mo, mas marami kang nasisinghot na usok dahil sa backdraft, mas nakaumang ka sa mga nanglalaslas ng tiyan, at mas maraming tapak sa tuhod mo. Kapalit, makapamimili ka ng aabutan ng bayad.

Pansinin ang suwabeng digmaan na nangyayari sa loob ng dyip na ang mas malapit sa drayber ang siyang tagapag-abot ng bayad. Isang pasaheo, nasa dulo. Bisi siya kunwari sa pagtetext. Pag-upo mo pa lang, ihahagis niya ang pera sa harap mo: "Bayad po," Ang hunghang talagang naghihintay lang ng maaabutan.

Okay, bumalik tayo sa kasalukuyan.
Hawak pa rin ng katabi ko ang pambayad. bahagya pang iwinagwag sa muka ko. Naglulundagan ang mga Ebola virus habang naghahagikhikan sa tawa ang mga ito sa aking teynga. Nangungutya pero hindi ako magpapatiklop.
Ang ibang mga pasahero, parang mga zombie, dahan-dahan akong pinapaligiran habang nag-uungulan.
"Kunin mo ang bayad, at iyabot mo sa drayber!" ungol ng isa.
"Huwag mo sirain ang tradisyong Pilipino!" isa pa.
"Anong problema mo?"
Pawis ba, sipon, o dugo na ng Ebola ang gumagapang sa nguso ko?
Binuksan ng babaeng may malaking balakang ang kanyang bag, handang hugutin ang alagang kobra.
"PARA PO!" sigaw ko, sabay tayo. "Kinakabagan na naman ako," paliwanag ko. "Sasabog na yata."
Nagkukumahog ako sa pagbaba. Hindi na baleng masagasaan ako kaysa dapuan ng Ebola o masagpang ng ulupong ang aking mga mata.

Pero kung ganito ang pag-abot ng bayad sa jeepney mas matindi pa siguro sa kabag at Ebola ang aking mararanasan.


Huwebes, Enero 22, 2015

Onion Overdose

'Anong kinalaman ng sibuyas sa pagiging mahalay kong nilalang?'
Mukhang natagalan akong muli bago makapag-blog halos siyam na araw rin ang pagitan ng huli kong isinulat. Ayaw kong mawala ulet ang passion sa ginagawa kong ito. Kahit pa sabihin mong imahinasyon lang ang lahat ng taong sumusubaybay sa blogosperyong ito ay masaya pa rin naman ako sa aking mga ginagawa at obra maestrang pagsusulat. Pakelam ko ba sa inyo kung hindi niyo trip magbasa. Wapakels ako basta ang mahalaga ay naeehersisyo ko ang aking utak at kaisipan. At mula sa siyam na araw na pagka-bakante umpisahan natin ang kwentuhan tungkol sa "sibuyas."

Ang sobrang L ko daw ay dala ng sobrang kain ng sibuyas. Napangising aso lang ako. Ano naman ang kinalaman ng sibuyas sa pagiging mahalay kong nilalang? Nakita niyo lang ang almusal kong hilaw na mangga na merong kamatis at bagoong na nilagyan ng maraming ginayat na pulang sibuyas, e mataas na ang libog sa katawan.

Ang totoo niyan, kumakailan lang ako nahilig kumain ng sibuyas. Gusto ko kasi na laging amoy sibuyas ang aking bawat paghinga. Gusto ko kasi maraming ma-turn off sa akin. Gusto ko kasi iwasan muna ang letseng pag-ibig na yan. At higit sa lahat ayaw ko muna i-share ang magandang lahi ko.

Yun ba ang malibog?

Kung ang isang tao ba ay mapusok kelangan meron tayong sisisihing gulay? Ewan ko. Pero naniniwala akong walang kinalaman ang gulay na yan kung bakit mataas ang aking libido. Ang kailangan ko ngayon ay ang magpahupa ng aking kahinaan.

Habang ang iba ay naghahanap ng sex-pagibig, ako naghahanap ng away. Biro lang. Hindi ko muna iniisip ang mga ma kesong moments at mainam na iwasan muna yan sa panahon ng Pebrero ang season nila Victoria, Sogo at Mahal Kita Inn (Pasay) Mas pinag tutuunan ko ng pansin ang mga mahahalagang problema. Gaya ng kung paano hiwain ang sibuyas na hindi umiiyak.

Hindi nawawala ang sibuyas sa almusal, tanghalian at hapunan ko. Maging pulutan - onion rings. Kaya't malimit three times a day napapaluha ako. Ang sabi nila, puwede maiwasan ito kung palalamigin muna ang sibuyas. O kung hihiwain ito na nakalubog sa tubig. Puwede ka rin magpa andar ng electric fan na iihipin ang ano mang kemikal mula sa iyong hinihiwa palayo sa iyong mga mata.

Pero iba ako. Nagsusuot ako ng goggles. Para siguradong di makapasok ang naka iiritang gas na yan sa aking mga mata. Pagod na pagod na kasi itong tear glands ko.

Kung ang sibuyas merong kapangyarihang magpa luha ng tao, bakit walang gulay na may kakayahang makapag patawa naman sa atin? O baka di ko lang napapansin.

Pero paano kung totoo ang sinasabi nilang nkapagpapalibog nga ang sibuyas? Hindi puwede ito. Ayokong gawin ang bagay na siyang iiwasan ko. Mahirap mag move-on kung merong malisyang naglalaro sa iyong isip. Hindi muna ako padadarang. Hindi muna ako kikiligin ngayong tag-init. Pasensiya na kung prospect niyo ako. Ayoko muna ng mga chick....chickbalang. Dahil simula bukas, wala munang sibuyas sa aking Argentina corned beef.

Martes, Enero 13, 2015

World Youth Day 1995: St. John Paul II and the Pope Mobile

'World Youth Day 1995'
Garantisado kang Batang Dekada Nobenta kung alam mo ang tawag sa sinakyan ni Pope John Paul II sa paglilibot niya sa Maynila noong 1995 World Youth Day. Hindi Popesickle shunga, alam kong parang sasakyan na nagtitinda ng roving ice cream ang itsura ng kanyang sinakyang pero hindi iyon ang katawagan. ito ay ang POPEMOBILE, hindi rin naman isang uri ng telephone company o bagong sim card.

Rewind and refresh your mind sakay tayo sa ating time machine. Alalahanin ang mga kaganapan ng taong 1995 kung saan ay dinalaw ng Santo Papa ang Pilipinas upang idaos ang kauna-unahang pagdiriwang ng "World Youth Day" sa Asya. Feel ko pa yang "youth" na yan dahil high school lang tayo ng mga kapanahunang dumating ang Santo Papa sa Pilipinas. Mula January 10 hanggang 15 ay nagsama-sama ang mga kabataang kinatawan ng iba't-ibang bansa upang magdasal, kilalanin ang kultura ng bawa't isa, at maging "brothers and sisters" sa mga mata ng Diyos na lumikha.

Masasabi kong ramdam ko ang pagdating noon ng pinakamataas na pinuno ng simbahang Katoliko dahil marami kaming mga alaala sa pagdating niya. Bilang patunay ay nagdaan mismo ang Popemobile sa aming lugar sa San Andres Bukid, Maynila. Mismong sa nilalakaran ko papasok sa aking eskuwelahan sa Quirino Station, papuntang Luneta ang Santo Papa noon, kaya siguro napa daan sa aming lugar. 

Ang isa ko pang naalala ay ang turo ng aking mga guro ang bagong dance craze noon bukod sa Macarena, X-tasi X tano at Rump Shaker. Bago pa magsimula ang pasukan nadagdagan ang  aming mga usual ritwals bago pumasok sa loob ng classrooms. Siyempre andiyan ang pagpila ng mga estudyante from Kinder to High School para awitin ang pambansang awit na "Bayang Magiliw" este hindi "Lupang Hinirang" alam ko isa ka sa nagkamali kapag tinanong ka kung anong title ng ating pambansang awit, panigurado ko sasabhin mo ring Bayang Magiliw. Sumunod ang Panatang Makabayan.Then prayer. After that duon nadagdagan ang aming common na ginagawa tuwing umaga bukod sa exercise at stretchings itinuro sa amin ang dance and song interpretation ng "Welcome to the Family" at "Tell the World of His Love" at ang theme nitong "As Father sent me, so am I sending you." Masaya naman ang naging resulta kahit alam mo na, na may kasamang harutan at kulitan na pinagtatawanan namen ang bawat sarili dahil hindi nga kasi pangkaraniwan na makikita mo yung kaklase mong bad ass na makakapag interpret ng ganuong kanta, yung kaklase mong parang halaman na bubuka lang ang bibig kung kakausapin mo aba'y ng dahil sa kanta at sayaw na ito ay na blow away siya. Nakakatuwa ring isipin, kasi kapag nahuli ka ng mga teacher mo na hindi ka nagiinterpret ng song duon ka pa ilalagay sa pinaka harap sa stage kung saan kitang kitang ka ng madlang pipol at siyempre pati ng crush mo na napapangiti dahil sa dun ka pa sa pinaka tuktok ng entablado humahataw ng interpretation. Samantalang kame naman kapit hininga na hindi isabog ang tawa.


"Tell the World of His Love" - Doxology

Ang hindi ko lang matandaan ay kung bakit hindi ako nakasama sa Luneta. Nagkasakit ba ako o mas piniling kong manatili nalang sa loob ng bahay dahil walang pasok sa eskuwelahan? Wala e nabaon na talaga ang bahaging ito ng buhay ko sa kalimot. Sayang at hindi ako naging bahagi ng "largest Papal gathering in Roman Catholic history" na ayon sa datos ay dinaluhan ng limang milyung katao.

Bilang pinakamataas na pinuno ng relihiyong Katoliko kaya naman tinitiyak ang kanyang seguridad sa mga bansang kanyang binibisita. Ang orihinal na popemobile na ginamit noon ay "enclosure-free" upang mas makita ng mga tao ang Santo Papa kapag ito ay naglilibot. Pinaghandaang mabuti ang paggawa ng nasabing sasakyan. Ang naatasan para dito ay ang Francisco Motors Corporation na kilala noon bilang isa sa mga pinakamalaking kumpanyang gumagawa ng mga pampasaherong jeepney, owner type jeep at iba pa. Ang buong Popemobile ay bullet proof dahil na nga rin sa nangyari noong 1981 ng dahil sa pagtangkang pag assasinate sa Santo Papa sa St. Peter's Square sa Vatican City.

Nang mapanood ko sa TV ang makasaysayang pagdaan ni Pope John Paul II sa ilang lugar sa Maynila gamit ang popemobile, talagang tumayo ang lahat ng parte ng buhok at balahibo sa aking katawan. May kung anong kakaibang bagay akong naramdaman habang tinitignan ko ang kanyang imahe. Wala man ako noon sa Luneta ay ramdam na ramdam ko ang presensiya ng kanyang pagiging sagrado. Maging ang mga TV reporters na nakatalaga sa iba't-ibang lugar ganito rin ang nadama sa kanyang pagdaan. Siguro ay mas matindi ang pakiramdam dahil ang iba sa kanila ay hindi napigilang lumuha habang nag-uulat.

Noon yumao si Pope John Paul II noong 2005, inironda ang popemobile sa Simbahan ng Quiapo bilang paraan ng pagluluksa at "instant connection" ng mga taong hindi makakapunta sa Vatican upang makiramay. Sa ngayon ay ginagamit pa rin ito sa mga exhibits na may kinalaman sa Santo Papa. Huwag naman sanang maging isa sa "luxury cars" ng mga politikong buwaya, trapo at epal.

Sana ay makita ko rin ang banal na awto balang-araw.

Bago daw pumanaw si Pope ay nakiusap siya sa mga miyembro ng media noong 2002 na huwag nang tawaging popemobile ang sasakyang ito dahil ang termino raw ay walang dignidad. Hindi ko lang alam kung anong term na ang ipinalit sa sasakyan.

Pero tama ang Santo Papa sa kanyang pakiusap dahil kapag binabanggit ito, bigla kong naaalala ang sasakyan ni Batman.

Lunes, Enero 12, 2015

Isteytside Dramas

'Salamat din naman at binigyan mo ako ng gawa ni pareng Calvin.'
Dumating si pinsan at may dalang supot. Maraming salamat sa pasalubong. Halos mapa-iyak ako na parang pang Famas awards ng makita ko ang laman ng supot. Hindi pala mga porn mags na nasa isip ko ang laman nito. Pero siyempre natuwa naman ako dahil nag-abala ka at inambunan mo ako ng grasya, grasya na katas ng Saudi Arabia. Sana sa susunod matumbok mo na ang gusto kong pasalubong. Gawin mo na lang "clue" yung pag-aakala ko kanina. Deh, biro lang.

Nagtataka lang ako kung bakit binigyan mo ako ng malaking puting sabon na me tatak na ibon. Wag ka namang ganyan, paraan mo ba ito para sabihing magsabon ako kapag maliligo? Tagna naman. Para sa kaalaman mo nagsasabon po ako. Mas mabula pa nga sa sabon na binigay mo ang gamit ko e. Sa sobrang bula, kung minsan isinasabay ko na sa paliligo ang paglalaba ng aking brip at medyas.

Pero wag ka mag-alala, ginamit ko na din ang sabong bigay mo na me 1/4 moisturizer daw. Haha! Nakakatuwa naman, hindi lang balat ko ang moisturized, pati ang underwear ko parang naka fabric conditioner na rin.

Maraming salamat na rin sa malaki at mabangong lotion na bigay mo. Na nakasulat sa Arabong mga titik, ewan hindi ko alam pero parang ang mga sulat ay propesiya na malapit na magunaw ang mundo. Sadyang hindi ko maintindihan. Ibig ba sabihin nun kapag nahaplusan ang mga braso at hita ko ng lotion ay maaaring magunaw na ang Planet Earth? Anong kainsultuhan naman yun. Tangna ulet. Hindi ko naman talaga kailangang magpahid ng lotion sa katawan ko e. Malamang alam mo na, na pawisin talaga akong tao. Kahit hindi ako gumalaw, pinagpapawisan ako. Sa noo, sa kamay, sa kili-kili, at higit sa lahat sa singit.

At dahil laging basa ang aking palad, umiiwas akong makipag kamay kapag ipinapakilala. Ibang paraan na lang ginagawa ko. Sinasaluduhan ko na lang siya, kahit hindi siya sundalo. Ayoko kasing maramdaman niya na malagkit na ang kamay ko sa pawis at baka isipin na katatapos ko lang. Diyahe naman. At lalong hindi rin ako nakikipag-holding hands. Baka maturn-off pa sa naglalangis kong mga palad. Diretso lips to lips na kaagad kung makakalusot. Panigurado namang hindi naglalangis ang aking mga labi depende na lang kung kakakaen ko lang ng porkchop na sinabawan ng mantika ni ermats. At kailanman, hindi ko naging paborito ang kantang "Hawak Kamay" ni Yeng Guiao este Yeng Constantino. Iniisip ko pa lang napapa eeewwww na ako. Pakiusap.

Malamang gagamitin ko na lang na lubricant ang lotion na bigay mo. Lubricant sa tool ko. I mean sa tools ko na medyo madaling kalawangin gaya ng pliers, screw driver, etc.

Salamat din naman at binigyan mo din ako ng gawa ni Pareng Calvin K.

For the first time in my probinsiyano life ngayon lang talaga malalapatan ng medyo sosyal na pabango ang aking balat na ipinaglihi sa kahoy na panggatong. Dati amoy rubbing alcohol lang ako kapag lumalabas ng bahay. Ngayon aba'y amoy CK na. Naks na malupet. Kung inaakala mong itatago ko ito at titipirin, nagkakamali ka. Simula nang maglingunan ang pasahero ng bus dahil amoy isteytsayd ako, inaraw-araw ko na ang pag gamit. Me narinig nga akong nagsabi, amoy-pogi daw ang dumaan. Shet!

Kaso, amoy lang.

Sana insan, sa susunod mong bakasyon at pagpunta sa bahay, siguruhin mong nasa bahay din ako. Ayan tuloy, di tayo nagkita. Magpapalibre pa naman sana ako. Joke lang. Ingat na lang sa biyahe pabalik at wag kang sasakay ng eroplano ng mga taga Malaysia at mahirap na baka sabihin na lang ng mga opisyal dun kapag nawala ang eroplano niyo sa himpapawid "malay ko." Nakakatakot.

Sa muli maraming salamat at nawa'y pagpalain ka ng Maykapal. Naks uli.

P.S. Ilang buwan pa bertdey ko naman insan. Hint, hint.....

(:

Biyernes, Enero 9, 2015

Saan mo dadalhin ang pag-ibig?

'Tatagan ang sarili. Matutong maghintay. Matagal siyang maligo.'
Unang-una wag mo siya paiiyakin, ang sabi nga sa tag line ads ng Newtex napkins "dalaga na siya hindi na bata". Huwag mo hahayaang mawala ang tiwala niya sayo. Sa panahong hindi ka na sigurado sa binabaybay ng kwento niyo. Matalino pa sa matsing ang taong minamahal  mo at trulalu din naman na sabihing napakapalad mo sa pagkakakilala sa kanya.

Pangalawa, matuto ka magbasa. Oo magbasa ka ng marami. Yung maraming marami. Dahil malamang hindi lamang iikot sa current events at showbiz ang usapan niyo. Wag na rin muna mangarap ng Dong-Yan wedding dahil kawawa naman ang Channel 7, sila na lang nga ang artista ng duon eh mawawala pa dahil nag-isang bigkis na ang kanilang mga puso. Si Kuya Germs na lang ang kilalang natira, tapos nagkasakit pa ata. Wasak! Sa pag-ibig puwede kang magsikap tumula o kumanta. Bonus points kung mata-translate mo sa tagalog yung mga malalalim na linya ni William Shakespeare.

Yayain mo siya laging kumain. Fishball man yan o kwek-kwek o pasta, lasagna, o pizza sa isang sosyal na resto, masayang makita kung paanong ang mga simpleng bagay tulad ng hamburger sa Minute Burger yung buy one take one (para mas makatipid) o di kaya isaw o betamax, paa ng manok. Lahat ng yan sa simpleng bagay ay kayang baligtarin ang simangot niya. At kung tumaba man kayo kakakain, panatag kang sa pagtaba niyo ng sabay, sabay niyo pa ring hawak ang kamay ng bawat isa ilang libong peanut butter sandwich man ang humadlang sa inyong daan. 

Ibahagi mo sa kanya ang hilig mo. Huwag mong ililihim na hindi mo talaga gusto ang mga kanta ng One Direction, Chicsers at Daniel Padilla. Wag ganun baka magalet siya sa mga simpleng lihim. Ok lang din naman na sabihin sa kanya na mahina siya sa Math, malay mo mahina din siya sa Math. At least magkakasundo kayo. Puwede mo sabihin na magaling ka sa Science lalo na kamo na kabisado mo ang Reproductive System at puwede ka kamo mag demo anytime, anywhere. Sa mundong ito may kanya-kanya tayong talent. Mahalaga na alam niyo ang limitasyon at kakayahan ng bawat isa.

Tatagan ang sarili. Matutunan ang paghihintay. Matagal siyang maligo. Huwag kang maiinip dahil inuubos niya sa katawan niya ang Kojic soap. Relax ka lang wag bara-barabay. Kung hindi bye-bye.

Sa kanyang piling ka laging umuwi. Ipagluto siya ng sopas tuwing umuulan, o kaya miswa basta masabaw at malapot para mas nakakaengganyo higupin. Yakapin mo siya sa pagtulog at pagkahimbing, pagmasdan ang kanyang kalumanayan. Hawiin ang buhok sa kanyang noo at unti-unti, ipikit ang mga mata saliw sa musika ng dahan-dahan niyang paghinga. Ramdamin ang kanyang paghinga at ilagay ang tenga sa kanyang malu.... na dibdib.

Sa tahanang bubuuin niyo ikaw ang mamuhunan ng pangarap sapagkat noong panahong hiningi mo ang kanyang "oo", bukas palad niyang ipinagkaloob sa iyo ang kanyang katauhan at iniwan ang lahat ng pangamba ng kung ano ang puwedeng mangyari bukas.

Huwag mona naising lisanin siya. Sa hirap at ginhawa kahit wala kayong Vicks Vapor rub sa bahay.

Gawin mong lahat ito at lahat ng iba pang mkapagpapasaya sa kanya (puwede sa Tom's World). Sapagkat sa pag-ibig mo siya mabubuhay, doon mananatili, at doon rin uuwi.

Ikaw? Saan mo dadalhin ang pag-ibig? 

Huwebes, Enero 8, 2015

Ozawaholic, Ozawariffic, Ozawanization

'Sino ang babaeng nasa larawan?'
Bago basahin, isang paalala muna mula sa MTRCB...



Inilagay ko ito sa ating blog alinsunod sa patakaran ng MTRCB. Kinuhanan ko pa ito ng permiso sa NTC, DTI, PNP, NBI, BFAD, at kung saan-saang ahensiya ng gobyerno. Naka tax-mapped rin ang Ubas na may Cyanide ayon sa batas ng BIR. Pinabakunahan ko pa sa RITM ito para sigurado. Mahirap na.

Hey boys.....

Ayon sa nabasang isang research aba'y dumating pala sa bansa si Binibining Ozawa ayon sa kanyang status sa Facebook account. Di matukoy kung saang bahagi ng Pilipinas napadpad si Maria Ozawa: kung siya ba ay nasa isa sa mga gusali ng Sogo, Victoria Court, nasa Baywalk ba, nasa Babuyan Islands, nasa tuktok ng ng Bundok ng Susong dalaga, or nasa Mahal Kita Inn sa Pasay. Ngunit alam ko namang nasa kathang isip lang natin siya, kinukulit at pilit na kinikiliti lamang ang ating imahinasyon. At may ganito palang tsismis, nabaliw daw ang sangkalalakihan nang diumano'y nagkomento muli si Binibining Ozawa na siya ay bumili ng 
Globe sim at naghahanap ng mga Pinoy na kanyang isasalang sa isang audition para sa isang porn film. Parang audition lang ng Pilipinas Got Talent X, XXX-Factor, at Pinoy BIG Brother. At naglipana ang mga volunteers na tila mas hihigitan pa ang dami ng mga volunteers sa Red Cross at haba ng pili sa isang Lotto branch. Ikaw na lalaking nagbabasa ngayon, kung nalaman mo ang balita, isa ka ba sa mag aaudition?

Ang tanong. Sino nga ba si Maria Ozawa?

Una kong natuklasan si Maria Ozawa mula sa aking mga haliparot na blockmates noong college na naguumpukan sa harapan ng isang computer monitor. Siyempre, kahit kasinghigpit ng CIA ng Amerika ang security ng network sa school, di mapigilan at patuloy na pinangigigilan na may nagaganap na kalakaran ng mga porn. Minsan may barter trade pa nga eh depende sa laki ng video. Aminin mo isa ka riyan. Kups ka pare-pareho lang tayo. Nasa hidden folder or di kaya nasa folder na may secret name ang mga videos. napapangiti ka ba? Upang makakuha ka ng kopya, dapat madiskarte ka. At dahil lalong illegal pag binuksan mo at pinanuod sa loob ng lab, ilalabas lang ang USB, para sa aking USBH ang tawag ko sa panahon na yun o Universal Saving Bad Habits or Uy! Suki Bold. Pagkatapos ilabas ang paraphernalia magco CTRL + C/CTRL + X tapos Control + S na kaagad. Walang sinabi ang mga drug mules sa China at Chinese drug mafia sa kalakaran.

At napanood ko nga si Binibining Ozawa, Namumukhaan ko sa kanya si Angelica Panganiban. Kung tutuusin may similarities din sila: parehas silang mahilig sa banana split. :p

Kung Amerika ay may Sasha Grey, at ang Asya naman ay merong Maria Ozawa. What if kung mag-star sila sa iisang film? Panigurado taob ang tandem nila Vilma Santos at Nora Aunor. Boom panis!

Eto yung nakita ko sa Facebook newsfeed about our girl Maria Ozawa's arrival here sa Pilipinas. Tinignan ko yung mismong page kung saan nanggaling yung balita. "Hello Philippines" daw sabi ni Maria. At sumunod ang mga mag nag mariang-palad este ang mga nakakaulol at nakakawindang na comments tulad nitong mga nasa ibaba.



Ewan ko pero habang nababasa ko ang mga komento, di ko mapigilang mainis imbis na magalak sa pagdating kuno ni Ozawa. Yung iba, puta akala mo itinapon sa disyerto at uhaw na uhaw sa sex. Hindi naman tayo nagpapakahipokrito, nakapanood na naman tayo ng mga porn at likas sa kalalakihan ang makaramdam ng tawag ng laman bukod sa flag raising activity. Pero don't get me wrong kupal ka. May psychological explanation naman ang isa sa pangangailangan ng tao ang sexual needs. Pero sa ating nasaksihan mula sa mga komento, ay tila mga asong nauulol sa isang pirasong karne. Parang ugaling kanto lang na parang nakainom tapos aambushin ang isang dalagang dumaan. Yung iba kung makapag-Ingles parang choppy signal na ang hirap i-transcribe. There's a fine fine line between maligaya at being hayok o yakman. Kaya sa bandang huli, tawa na lang. Tawang ape man lang.

Ang mga kalalakihan ay naglaway. Parang sinumpong ng dysmenorrhea ang kababaihan. Paniguradong nag-init na naman ang mga puwitan ng mga arsobispo. At ang mga beki ay dedma galore lang. 

Hindi pa pala duon nagtapos ang Maria Ozawa craze. After couple of days, nagpost na naman si Maria. Bumili daw siya ng Globe sim. Dun palang sounds fishy na e. Siguro kung umabot lang kay Manny Pangilinan ang balita e for sure pati si Ozawa ay bilhin na niya. At di lang yun ha, talagang kalurkey dahil nga may audition daw para sa mga Pinoy para sa susunod niyang porn film. At pati mga TV News stations ay pumatol ha. Tiniweet pa mismo ng ANC at ito ang pruweba.

ANC tweeted this. I hear some 'UHHHH'.

GMA 7 closes the rumors. I hear some big 'AWWWW'

After a few hours, GMA 7 closed the rumors. I hear some big 'AWWWW'

Di ko mawari paano kung ibinalita ito over TV Patrol or 24 Oras. Baka maubo sina Ted Failon at Mike Enriquez. Excuse me pow!

So ganun nga ba kadali mauto ang mga Pilipino? Ganun ba tayo kadali pumatol sa isang balitang walang kasiguraduhan? Sa madaling salita para tayong kulangot na madaling malibog ete mabilog. Basta may pangalan na artista, finafollow na sa Twitter or inaadd sa Facebook. Yung tipong parang bumibili ka ng isang produkto na hindi mo alam kung nakaregistered yung tindahan. Yan tayo eh andaming napapahamak sa social media sites. Yan ang downfall. Daming naglilipanang posers at fake accounts. Kaya ok din yung campaign dati na THINK BEFORE YOU LICK ooopssss THINK BEFORE YOU CLICK!

Ano kaya kung gumawa ako ng account sa Facebook at Twitter at magpanggap akong si PETER NORTH FACE??! 

Mas maganda siguro ito kung may Part 2. Lubos nating kikilalanin si Binibining Ozawa sa likod ng kamel-t ano baaaa what I mean is kamera! Isang mainit na gabi mula sa Ubas na may Cyanide!!