Pages

Miyerkules, Nobyembre 25, 2015

Rage Against Fire: Way Down Memory Lane with The Manila Zoo

'Bringing back Childhood Memories.'

Adriatico,Manila
Lubos na yung kasiyahan noong bata ka eh, andiyan yung walang sawang paglalaro kapag bakasyon na sa eskuwelahan. Ito na nga siguro yung tangi kong kayamanan na hindi naranasan ng ibang kabataan ngayon na tila naging alipin na ng modernong panahon. Hinding hindi ko ipagpapalet ang lumipas kahit pa sabihin mong niluma na ng panahon, simple lang at payak pero sagad ang happiness. Magaling ka nga sa mga gadgets/devices na yan, masaya naman ako. Olats ka pa rin.

Idagdag mo pa ang pamamasyal. Linggo, pagkatapos magsimba at kumaen sa labas, siyempre mamimilit ka na huwag munang umuwi at mamasyal muna. Dalawa lang ang gustong pasyalan ng mga bata noon eh. Sikat na sikat sa amin ang Luneta Park o di kaya Manila Zoo. Bunga na rin na malapit lang ang dating tirahan sa Quirino Avenue, madalas kaming nakakapamasyal sa mga lugar na ito. 

Minsan nagtatanong nga ako sa sarili ko buhay pa ba ang mga ganitong pasyalan? Oo, sa Luneta marami pa rin naman siguro, maraming nagjojogging, nagbabike at yung mga ginagawang Lovers in Paris ang park tuwing gabi. Ang hindi ko lang alam at mukhang napag iwanan na ng panahon, may namamasyal pa kaya sa Manila Zoo? 

Sabi nila kapag mamamatay daw ang tao, mayroong pitong minutong aktibidad ang utak upang maalala lahat ng taong mamamatay ang kanyang mga alaala, kasiyahan man, o kalungkutan. Siguro kung ako mamamatay ngayon sa pitong minutong yun, magfaflashback ang lugar na ito sa aking isipan. Sapagkat ang lugar na ito ang isa sa may pinakamaraming alaala para sa akin. Dito ako minulat ng aking mga magulang para pahalagahan ang isa sa mga likha ng Diyos. Dito ako natutong magbigay halaga sa buhay ng mga hayop. 


'Inside the park.'

Ang Manila Zoo ang isa sa pinakamatandang pasyalan/lugar sa buong ka-Maynilaan, ito ay tahanan ng libo-libong uri ng hayop na mayroong 90 species. Kabilang na dito ang sikat na elepanteng si Mali. Kung di ako nagkakamali, pagpasok mo sa entrada ng zoo ay elepante agad ang una mong makikita. Kung baga si Mali ag pinaka kuya ng lahat ng hayop, 1977 nang una siyang dalhin sa Zoo mula sa kagubatan ng Sri Lanka. Nariyan din ang giraffe, zebra, monkeys, crocodiles, ostrich, iba't ibang uri ng ahas mula sa sawa,python, king cobra at ana.... meron nga bang anaconda? Isama mo na  rin sa listahan ang iba't-ibang uri ng ibon, na nasa loob ng isang napakalaking bird cage, meron ding mga pawikan, pabo, lion, tiger, deer, lizards, rhinoceros, hippopotamus, wild pigs, owls at marami pang iba.

Sa loob ng Zoo, hindi ka magugutom dahil marami ding kainan, ang naaalala ko, lagi kame sa pansiteria at palabok ang lagi kong pinaoorder tsaka isang malamig na malamig na kulay pulang inumin, hindi ko alam kung ano yun pero masarap, parang gulaman ang lasa na sandamakmak na crushed ice. Gulaman ang lasa pero walang gulaman. Baka nga samalameg lang? Ewan basta, the best!

May mga nag proposed di kaya ng pag-ibig sa loob ng Manila Zoo? = )

Dito rin kame nakakapagbonding ni erpat, lalo na kapag sasakay na kami sa boat riding, merong mini river sa loob ng park kung saan puwede kayo magboat riding. Dito ko nakaranas mag sagwan, pero may halong takot ako kasi, niloloko ako ni erpat na may buwaya daw doon. Merong ahas na palutang lutang para mas feel ang pagka wild ng mini river. Pero siguro harmless naman yun, baka garter snake lang na nauso noong high school na ginagawang pet ng mga taragis kong classmates tuwing recess. Inilalabas nila sa mga bag nila para manakot sa mga babae. Yun nga yung  first time na nakahawak ako ng ahas (wag kang berde), oo matigas pala siya at maaligasgas kasi ang akala ko sa ahas ay malambot at madulas (nyeta wag kang berde). Wala naman daw kasing venom ang garter snake kaya naman hinimas himas ko siya at parang gusto ko na rin mag alaga nun, kaso may alaga din akong dagang kosta kaya hindi puwede. Yun si Yagbadoodles na nakilala rin dito sa isa sa mga post ko.

'November 24, 2015 - Fire rage'

Ang tanging kalungkutan ko ngayon ay yung nabasa ko na nasunog pala kagai lamang ang pinakamamahal kong parke/pasyalan. Ano man ang dahilan ay hindi ko alam. Ang tanging panalangin ko na lamang ay wala naman sanang nasaktang taga-alaga ng hayop at mga animals sa buong paligid ng park, Ayoko ring isipin na sinadya at balak na naman gumawa ng mga punyetang establishments na ang mga mayayaman lang ang nakikinabang. Huwag naman sana mga bossing, mga sir, halos lahat tayo ay kinalakihan na ang lugar na ito, ipaubaya na nating sa mga hayop ang natural habitat nila. Baka kung makawala sila sa lungsod, eh baka maging true to life story po ang Jumanji. Wag din sanang gawing joke ng iba, kung ngayon ka lang ipinanganak, konting respeto sa mga taong kinalakhan na ang lugar na ito, mula elementary, high school days at mga field trips markado na ang mga memorya sa Manila Zoo, ang parkeng aming pinakamamahal. 

Sabado, Nobyembre 21, 2015

90's Nostalgia: Cartoons of your Time

'Ghostbuster's secretary, Janine Melnitz cosplay'

Iba yung anime, hindi ko pa trip ang anime noon sa regular na cartoons. Mas gusto ko yung mga cartoos na napapatawa ako kesa sa mas bayolenteng tagalized anime. Sa cartoons kahit English ag wika naiintindihan ko pa rin naman. Kung ikaw yung tipong di nahilig sa cartoons ay anak ka ng ewan, ang korni ng kabataan mo. Ika nga you've missed one of the important part of your childhood. Mula Biyernes ng gabi piyesta na ang palabas sa TV ng mga cartoons niyan, kung baga noon binibigyan ppang importansiya ang mga bata, hindi katulad ngayon mga gurang na lang ang nakikinabang kapag Biyernes, sa mga walang katapusang punyetang mga telenobela sa TV. Dapat talaga kahit sa isang araw ng Biyernes ng gabi, ibahagi naman sana sa mga kabataan ang mga palabas na para sa kanila. Ang siste kasi pataasan ng ratings ang mga kupal na giant network, kung ano ang palabas sa kabila, gagayahin ng kabila so kung yung dating cartoons ang palabas at siyempre mas mataas ang ratings ng kadramahan, automatik papalitan ang cartooons makasabay lang sa tumataas na ratings ng kabilang istasyon.

Egan,Peter,Ray and Winston

Biyernes ng gabi noong dekada, asahan mo ubos na ang tigpipisong chichirya sa tindahan, nabili na yan ng mga 90's kids mula sa Oishi, Boogeyman Crunch, Kirei, Pritos Ring,Snacku, Nutri Star, Sunshine Green Peas, Lechon Manok, Expo Nuts pati Texas at Bubble Gum. Kasi nga naman pagkatapos ng Original na TV Patrol na apat pa ang anchor men at pagkatapos ng segment ni Ka Ernie Baron, aba hudyat na para pumuwesto sa sofa bitbit ang tsitsirya dahil eentrada na ang Ghostbusters nila Peter,Egan,Ray at Winston + the cutest green jelly ghost na si Slimer. Nguya,ngasab, lunok habang nakikipag sagupaan ang ating mga bida sa mga monster ghost na naghahasik ng lagim sa city. At kapag nakareceive na ng tawag ang sekretarya nilang si Jenine eto na dito ko na maririnig yung pinaka astig na theme song.... "If there's something strange, in your neighborhood, who you gonna call.....siyempre sasabay kame ng mga pinsan ko at tatayo sa sofa, malakas at sisigaw kame GHOSBUSTERSSSSS!!! Trip na trip ko yung Ecto One na kotse, ful battle gear at maraming gadgets sa loob at labas, napaka cool din ng baril nila na proton pack ang tawag, kapag tinamaan na ang multo wala nang kawala, parang magnet na hindi na makakaalpas pa ung multo o halimaw. Pagkatapos nun ilalabas na nila yung ghost trap, isang device kung saan kinukulong o hinihigop yung multo at doon nila ilalagay yun sa isang malaking storage sa headquarters nila na kulungan ng mga masasamang elemento. Kinukulong nila ito sa ghost world para hindi na makapaminsala sa mga tao. Pero ang pinaka cool at ginaya ko rin minsan nung mag-gel ako, eh yung buhok ni idol Egan Spengler. Yung pa roll na twist na horizontal na bangs sabay long back. Hahaha the best!

X-MEN

Kailangan mong tipirin yung tsitsirya eh, porket naeexcite ka sa palabas nadadamihan mo yung kuha, pagkabili kasi noon, dapat papaprte-partehin niyo, mahirap na magkadayaan at may makalamang. Sa pagkain sa isang balot dapat aabot yun ng dalawa o tatlong patalastas sa isang cartoons. Kailangan hanggang huling cartoons meron ka ring last bite. Kaya ang ginagawa ko, isang kuha, isang kagat then 2 minutes bago ulet kumuha. Ewan ko na lang kung hindi pa umabot yan hanngan sa huling palabas.

Next in line: X-MEN, aba kung astig ang Ghostbusters mas maporma 'to, intro pa lang magilas na. Ang XMEN ay hindi samahan ng mga beki na may super powers. Tinatawag silang mutant. Half man-half mutant, mga nilalang na may kanya kanyang kapangyarihan pero hindi pa nila alam gamitin kaya't nariyan yung kanilang maestro na si Professor X, buti walang nagtanong na kabataan ngayon kung napapanood nila ito kung bakit lagi lang nakaupo si Professor X. Siya ang taga gabay sa mga mutant kung paano gamitin ng wasto ang kapangyarihan at para gamitin lamang sa kabutihan at  para labanan ang mga lupon ng mga mutant din naman ni Magneto, sila naman yung mga bad guys/kontrabida. Pero yung pinaka boss sa kasamaan ay si Apocalypse, na maikukumpara ko sa aming kapitbahay sa laki ng bunganga sa pagkatsismosa, ganun din kalaki ang bibig ni Apocalypse na kulay asul na gigantic robot. Ang super idol ko sa X-MEN ay si Gambit, maporma ang costume, may maskara na takip ang patilya hanggang baba, pula ang mata, may robe na pang sinister ang dating at may hawak na tubo, plus may pulang buhok na parang trolls ang itsura. Cajun expert ang skills niya sa pakikipagbugbugan at may playing cards na granada, kumikinang na cards pag itinapon sayo, titilapon ka! Tsaka gwapings din si idol!

Eh kung paastigan naman sa unang dalawang oras na programa, iba naman ang tema ng kasunod, hindi siya cartoons pero isa rin sa pinakakaabang-abangan ng mga bata noon. Magdidikit dikit na kame nuon sa sopa at magtatakip ng unan sa mga mata. Kasi katatakutan na ang kasunod na palabas. Introduction pa lang, nakakapanghilakbot na eh, una nagpapakita ng mga lugar na creepy, madilim at panay usok ang paligid. Creepy na seesaw, manika, hinahangin na dahon, bangkang sumasayaw sa madilim na alon, bumubukas na pinto at bintana, nakakapanindig balahibong background sounds sabay sindi ng posporo sa madili na sulok at doon lilitaw ang title ng programa "Are you Afraid of the Dark", lahat yan trademark na ng palabas na ito kaya pagkatapod ng programa, at kapag gusto mo umihi at uminom sa kusina, walang batang nakakababa noon dahil sa programang ito. Yung iba kunyari wet dreams at doon na lang umihi sa kama. At pagdating ng umaga, wapakkk!!! "nonood nood kayo ng nakakatakot hindi niyo naman pala kaya!" sermon kay ermats sabay latay ng Spartan na tsinelas sa puwet. Masakit ang Spartan kasi matigas at malutong ang tunog ng pagkakahampas. Kamot puwet na lang minsan, parang tusok lang naman ng scorpion yan.

Are you afraid of the Dark?

Sabado!

Siyempre rest day pa rin yan ng mga batang kalyeng katulad ko. Araw ko pa yan kaya manonood pa rin ako, dito naman ang cartoons pang umaga. Simula yan ng alas diyes ng umaga. Kapag narinig mo na yung "meep-meep" alam na, naghahabulan na naman sila Road Runner at Coyote, it's Looney Tunes time. Nakangiti na naman ako at parang trip ko na naman bumili ng mangangasab. Idol ko sila Bugs Bunny, Tazmanian Deil, Tweety Bird, Sylvester, Elmer, Porky Pig at Yosemite Sam. Ito ang pinakapaborito ko sa Sabado ng umaga idagdag mo pa si Mr. Bogus! Siya naman yung mukang goblin, kulay dilaw, matakaw at mapapansin mo lahat ng character dito kamukha niya, naiiba lang ang costume. Ang kalaban niya dito ay yung mga green goblin at mga monster na alikabok, kaya kung mapapadpad man si Mr.Bogus dito sa kwarto ko, eh malamang mapapalaban siya ng husto.

Napakarami pang cartoons nong dekada nobenta nakalimutan ko na lamang ang iba, halos araw-araw tuwing hapon pag uwi sa eskuwela. Bakit nga ba hindi na lang nila ibalik ag cartoons sa tanghalian at weekend? Panay battle of ratings na lang kasi ang mga punyetang network stations. Kaya yung ibang
kabataan imbis na cartoons pa lang ang pinanonood at humalakhak sa harap ng telebisyon eh napapalitan nalang ng kilig, kalandian at namumulat sa maagang kaartehan. Nasan na sila Garfield and friends, Carebears, Rugrats, He-Man, Thundercats, Tiny Toons, Beavis and Butthead, Southpark, Inspector Gadget, GI JOE, Smurfs, Ed, Edd and Eddie, Scooby Doo, Garbage Pail Kids, Attack of the Killer Tomatoes, Popeye, Captain Planet at special mention Rainbowbrite. Wala na kinaen na sila ng sistema, niluma na ng panahon ang mga nagpasaya sa akin nung kabataan ako, ang bawat ngasab, nguya at lunok ay alaala na lamang ng lumipas at kinupas na panahon. Wala na sila, napalitan na ng puros ka cheapan at kagaguhan na palabas, mga anime na panay sakitan at patayan, barilan at saksakan. Wala na yung simpleng katatawanan lang, yung maghabulan lang sabay madadapa ang nanghahabol, yung simpleng kadakilaan na lalabas ang bida at kakaripas na ng takbo ang mga kalaban na walang makikitang sapukan. Wala nang ganon cartoons eh, ang ilan hinaluan na ng kalaswaan o yung mga tinatawag na adult cartoons, yun ang mas trip nilang ipanood sa murang isipan ng mga kabataan sa ngayon. Pero ang tanong wala na rin naman talagang kabataan na nanonood ng cartoons eh. Wala na! ang lahat yan nilunok na ng buong buo ng mga teknikal na gadgets. Iba pa rin talaga ang kapanahunan noong dekada, simple lamang ang buhay bata, pero patok ang kasiyahan, sagad hanggang buto ang tuwa. At kapag Linggo na ng hapon, kailangan nang mag regroup at magahahanda na naman sa isang linggong pakikipagtunggali sa mga titser at pag-aaral at pagsapit uli ng Biyernes ng gabi tuloy na naman ang ligaya.

Ngasab. Nguya at Lunok! Paalam sa aking mga kalaro sa telebisyon nuong musmos pa aming isipan. Hindi namin makakaimutan ang ligayang taglay.

Paalam Cartoons ng 90's!


Nguya.Ngasab at Lunok!


SMP: The Cold Christmas Code

'Walang basaan ng brip, para hindi lamigin ang Pasko.'
“Ang Pasko ay sumapit, tayo ay mahagsi-awit ng magagandang himig, dahil sa ang Diyos ay pag-ibig, ng si Kristo ay isilang may tatlong haring nagsi-dalaw, at ang bawat ang isa ay nagsipaghandog ng tanging halayyyyy.” (Kapampangan sorry)
Pero alam mo kung maririnig mo akong kinakanta yan, malamang nilamig ka na at bigla mo na lang naalala na single ka pa rin pala after another 365 and one-fourth days. Oo mga tsong at mga tsang uso na naman ang akronim na SMP. That time of the year, heto na naman tayo at tila kasama na rin sa tradisyon ng Pasko ang salitang “Samahan ng Malalamig ang Pasko.”
Eh siyempre dito sa Ubas na may Cyanide trip naming mambasa ng kanya-kanyang brip. Kaya para matigil na ang mga kabalbalan sa mga salitang yan, heto ang ilang solusyon kapag may narinig kang nagsabing “Pasko na, at malamig na naman ang Pasko ko”, dahil single pa siya, eto ang ilang mga pamblangka tips:
Wham - Last Christmas
*Danglamig ng pasko ko. ouch :(
-Eh paanong di ka lalamigin iha, yung short mo halos nakapanty ka nalang
*Ang lamig ng pasko ko... ughh :(
-Ebola na ba yan o sadyang libog ka lang?
*Ang lamig ng pasko ko huhu. May 50 days ka pa para landiin ako. Gow!
-Sige pag mga 12 days of Christmas na lang , papakulo ako ng mainit na tubig tapos at ibubuhos ko sa’yo ala Ice bucket challenge.
*Ang lamig ng pasko ko, penge kayakap.
-Hi ano ba address mo, may alaga kasi akong sawa, siguradong solve sa sa init kapag nilingkis ka niya. (walang double meaning, sawa lang talaga. bad!)
*OMG...Ang lamig ng pasko ko :(
-”Punyeta! malamang December na eh. Try mo lang magpasko ng March o April para maalinsangan. For a change!”
*Ang lamig lamig ng pasko ko.
“-Miss, open minded ka ba pagdating sa business?”
*Huhubells, ang lamig ng pasko ko.
“-Boyet, try mo dumikit sa likod ng ref.”
*My Christmas is so cold. :(
-”Wag ako ha, wag ang aso ko, wag ang mga pusa ko. Na kay Willie ang jacket wala dito.”
*Malamig ang pasko ko =(
“-Ah kaya pala kahit sa loob ng simbahan, kapag simbang gabi naka-varsity jacket ka.”
*Shet, ang lamig ng pasko ko
“Hoy, nahohorny ka na naman ha. Pagtiyagaan mo na lang ulet yung toothpick.”
*Tangina, ang lamig ng pasko ko.
“-GLY - Gutom Lang Yan”
*December na naman ang lamig ng pasko ko.
“-Teh, bacon and ham will set you free.”
*Lumalamig na naman kasi Pasko na, ang lamig ng pasko ko.
“-Wag mo ko gaguhin, gusto mo lang magpalibre ng puto bungbong at pichi pichi.”
Hindi na naman kasi natin kailangang ibunyag para sabihin lang na single ka ngayong pasko. Darating din ang puntong may magpapainit sa’yo hindi lang Pasko kahit pa sa may magpasnow ng Summer mo, at kahit mawalan pa ng bigote si Santa Claus. Ang sabi ng ni Juan Ponce Enrile, gusto niya happy ka. Siya nga happy eh, ikaw ba naman magkaron ng imortal na buhay hindi ka ba sasaya? So ganun lang. darating din ang apoy na sisindi sa iyong sulo, magdidingas din at magaalab ang Pasko mo sa mga paskong darating.
Over and out!

Lunes, Nobyembre 16, 2015

Superhero v2.0

'Darating na siya........'
Masyado na atang palala ng palala ang mga krimen  hindi lang sa sarili kong bansa, pati na sa buong mundo. Ito lang nakaraang araw nang sumapit ang Biyernes Peligro o Friday the 13th ay sumambulat ang mga nakakarimarim na balita sa buong globo. Pag-atake ng mga terrorista sa Pransiya na siyang pinakamalalang ganap na pangyayari sa buong historya ng Europa, Ang  paglindol sa Japan na umabot sa magnitude 7.0, suicide bombings sa Lebanon, suicide bombing killlings sa Baghdad at isang malaking hurricane sa Mexico. Ayan sige Friday the 13th post pa more sa Facebook, mukhang nagising natin ang espiritu ng kamalasan dahil masyado nating binibigyang pansin ang ganyang bagay. Kesyo, "Uuyyy Friday the 13th na naman, ingat  tayong lahat", "tol Friday the 13th ngayon, I'm scared." --mga ulol! Meron pang "Freddy is coming", sino nga Freddie Aguilar? may dalang gitara para kantahan ka ng Anak at ipanghampas sa ulo mo?  wow I'm so aFRaid Panopio naman! Pero ano yun pati si Mother Nature nakiki Friday the 13th? Nakakatakot kung ganon.

Minsan na rin akong nangarap at nagdaydreaming, minsan na rin napagtripan ang sarili na ako'y isang ekstra ordinaryong nilalang na maraming superpowers. Kailangan na nga kaya natin ng mga Super heroes sa kasalukuyang panahon? Dahil kung magkakaroon man  ng giyera laban sa mga teroristang ito, lalo lang magkakagulo sa buong mundo, dadanak ang dugo, sakit na naman sa mata ng Diyos ang mangyayari. Hindi naman matatapos ang kaguluhan sa ubusang lahing pamamaraan. Alam kong medyo komedyante ang dating ko kung  ang hinahanap ko ay mga super hero, pero tol sila lang talaga ang makakatulong para mabawasan ang kasamaan sa mundong ito. Pagbabarilin man sila ng AK 47 o sabugan man sila ng mga granada, targetin man ng mga missile at rocket sa katawan eh parang kagat lang ng langgam ang sakit na mararamdaman. 

Tears for Fears-Everybody Wants to Rule the World
"There's only 1 King, now meet your maker."

Kaya uumpisahan ko nang manawagan sa ating mga shy type na nilalang. Panahon na para i-call out ko kung sino mang nakagat ng gagamba at nagkaroon ng pambihirang liksi at lakas, yung taong kulay berde na yumuyupi ng 10 wheeler truck, yung poging may letter S sa dibdib, yung paniking maraming gadget, yung taong ipinaglihi sa lamig ng  yelo na kelan lang napabalitang shokla, yung taong may secret hiding place, magbabakal at may umiilaw sa dibdib, yung tropang mahaba pa ang kuko sa bruha na kayang bumali ng bakal dahil mala Titanium ang kuko, at yung ate natin na nakaputi na kayang pigilan ang kahit anu mang disturbing weather condition.

Kung ako ay mabibigyan ng pagkakataon na maging kaisa sa mga superheroes na ito ay pipiliin ko ang kapangyarihan na pasunurin sila sa mabubuting adhikain. Hypnotizing powers at may kakayahan silang utusan kung anong gusto ko ipagawa sa kanila. May pagka-kultong super powers pero mabisa, ayoko kasi ng makakasakit ako, okay na sa akin yung kontrolin yung kanilang masasamang gawin sa pamamagitan lamang ng pagkontak sa kanilang isipan, mala Jean Grey ng X-Men.

Kaya sa mga biniyayaan ng mutant powers kailangan niyo nang lumabas sa cover, masyado nang magulo ang mundo natin at kailangan nang supilin ang kasamaan. Yung kapag narinig ang pangalan ng super hero na yun eh kakaripas na lang ng takbo ang masasamang nilalang. Hindi na kasi uso ngayon yung kapag may matandang mukhang ermitanyo, tutulungan mo at bibigyan mo ng makakaen kahit biskwet lang ng Fita eh, ang kapalit nun ay bibigyan  ka niya ng pagkakataon na maging isang pambihirang nilalang. Sasabihin pa sayo na, "anak matagal na kitang  sinisurveillance at napakadakila  ng puso mo, kaya naman ikaw ang napili ko para maging tagapagligtas ng mundo sa mga masasamang elemento." Ikaw naman hindi mo pa alam kung ano yung gagawin mo sa ibinigay sayo, karaniwan puting bato, pero ang halay naman kung magsasa-Darna ka, kasi lalake ka tapos costume ni Darna, baka maglabasan pa yung mga bulbol mo sa suot na pambaba. Kadalasan  may mga isinisigaw na kataga, hindi naman siguro "supercalifragilisticexpialidocious  " ang isisigaw mo diba?, karaniwan one to two words lang. Puwedeng Kumander Bawang, Captain Barbel o kaya Porno King! ayos sabay naka brief ka lang katulad  nung bida sa palabas na Bora. 

Pero sa modernong panahon ang pagiging superhero ay accidental, kagaya nung nakagat ng gagamba, hanep yun may tsiks kana na maganda, nakakapag air trip ka pa sa mga buildings dahil sa super sapot sa madikit na package na kapangyarihan mo. Merong mga  nagpakagat sa gagamba kaso, sa hospital napunta, tanungin niyo muna kasi yung gagamba kung may angkin silang kapangyarihan o kaya umpisahan mo muna magpakagat sa gagambang tikling sa bahay niyo. Mas marami ang pangalan ng insekto at hayop, katulad nila Ant man, bat man, ninja tutles, porcupine pete, the fly, the mandrill at kung anu-ano pang kahayupang super hero names.

Hindi ako mawawalan ng pag-asa na balang araw matatapos ang problema ng buong mundo pagdating sa mga terrorista at mga kurakot na politiko, at masasamang elemento naniniwala ako na sasapit ang panahon na maglalabasan na ang mga nilalang na inaasahan ko na pupuksa at magbibigay liwanag muli sa mundong ito at iyan ang pinakagusto kong super hero na kahit sinong super hero ay hindi mapapantayan ang lakas at kapangyarihan......

Siya ay si HESUS ang super hero ng buhay  ko at ng buong sangkalawakan.

Darating na siya............

Biyernes, Nobyembre 13, 2015

The Bro Codes

'I'll scratch your back pare, you scratch mine.'

Teka, ano ba ibig sabihin ng codes? Ano yung tinatawag na universal code? Ang alam ko lang sa ngayon eh humihigop ako ng mainit na sabaw sa malamig na madaling-araw. Usok pa lamang ng ramen na ito eh solve na ang umagahan ko, invigorating ang feels at mula sa init ng sabaw na ito eh natapunan na naman ang nerve cell ng utak natin para makapagsulat ng kalokohan.

Mula sa mga batas ng physics na may kaugnayan sa law of gravitational force, relativity hanggang sa law of logic at karma, isama mo pa ang free fall at law of pa-fall....lahat yan ay hindi ko rin alam. Pero kapag sinabi mong universal code, ito ay isang sistema na inaapply sa lahat ng nilalang na may feels o lahat ng may buhay. Kapag pumasok ka sa  trabaho mo, may tinatawag na dress code. Iyan ay isa sa mga halimbawa ng universal code. Hindi ka naman pumapasok sa  trabaho na kung anu-ano lang ang suot mo di ba? Never kang papasok sa work place na necktie lang ang suot mo. Ibig sabihin sa lahat  ng bagay meron tayong sinusunod, kagaya na lamang ng mga traffic codes, road signs at kung anu-ano pa, pwera  na lang yung mga sumasakay sa MRT na pinaglakad sa riles kasi na flatan yung tren. Idagdag mo pa n g professional codes na kabilang ang ating magigiting na akyat bahay gang at m ga mandurukot, lahat yan may sinusunod na moral standards. 

Ang universal code ay nakasulat na parang listahan ng mga batas na kailangan sundin ng mga taga-sunod mapa relihiyon man, pulitika, panlipunan at maging sa ekonomiya.

Meron din namang mga bagay na nakasulat na hindi mo puwedeng mapapaniwalaan basta basta at ganun-ganun na lang. Kagaya ng librong halimbawa ang title eh: Abs Now: Develop Your Six Pack Abs in 5 Minutes." Ulol,  sinong lolokohin ng libro na yan, ano yung sinong gagong maniniwala na magkakaroon ka ng abs kung umire ka lang?  Paano kung ang tiyan mo eh kasing laki ng isang batyang nakataob? 

Paano maging kutis labanos in 3 days? paano kung kasing kulay mo si nog-nog, pandak....oppssss easssyyy! Wala naman kasing ganun eh. Walang ganun, walang writer na magsusulat na katarantaduhang ganyan.

Pero alam mo ba 'tol na merong mga bagay na lohikal na hindi na kailangang pag-aralan pa sa harvard at bigyan ng masinsinang pagsisiyasat. Ito ay ang code of  ethics na para sa mga lalake o yung tinatawag na Bro Codes. Ang bro codes na ito ay alam ng halos nobenta porsiyento ng mga lalake sa buong mundo, puwera sa mga European countries ha, marami kasing mapagpanggap    diyan eh. Curious ka na ba? For some unknown reason hindi naituturo ito sa paaralan o simbahan ang mga bagay na ito. Unti unti ko na bang nakukuha ang atensiyon mo na kahambing ng napapapayag ka na sa isang networking agency? Masyado na atang mahaba ang introduksiyon na ito at ubos na rin ang bangis ng anghang ng ramen ko. Ito na pagtagpi-tagpiin na natin ang code na ito.


*BAWAL. Oo hindi puwedeng  makipagtitigan sa kapwa lalake na katabi mong umiihi sa urinal.  Hindot ka, hindi puwedeg umikot ang ulo mo ng 180 degrees habang "on-going" ang pagtulo ng Pagsanjan falls ko. Masyadong provocative. Baka uminit ang ulo niya sayo dahil habang nakating in ka  sa kanya, kumikindat kindat ka pa at nilalabas ang dila mo. Baka balatan ka niya ng buhay at isabit ka sa sampayan at ibilad sa araw na parang daing. Pasensiya na morbid talaga ako mag-isip sa mga ganitong sitwasyon.

*Kahit gaano pa kasiksikan sa LRT o MRT, hindi kayo allowed na magkiskisan ang mga pututoy niyo, punyeta umpisa palang na susuka na ko sa mga sinusulat kong 'toh. Hindi ka  rin namang puwedeng tumalikod sa kanya, juskupo mahalay pa rin, puwede bang bumaba muna at mag-antay nlng ako ng ibang tren. 

*Puwedeng mag chest bumps sa isang basketball game, pero hindi maya't-maya. Ano yun naka-shooot lang siya sa free throw eh mag chehest bumps pa rin? Puwedeng mag chest bumps pero dapat hindi ka nakangiti na animo'y sarap na sarap ka, dapat tiger looks at may matching na pagsigaw  sigaw ng "let's go bro, let's go!" Ang totoong lalake sa isang basketball game ay magbabatukan sa ulo kapag naka shoot ang kakampi.

*At  eto pa isa, tandaan kahit ano pang klaseng sports yan, hinding hindi kayo puwede magpunasan ng pawis sa muka ng kaibigan mo. Putragis, baka masabihan kayong dalawa na sobrang cheesy. Para sa akin mas acceptable ang magpunasan ng tawas sa kili-kili.

*AT KAHIT gaano pa kayo ka-close ng kaibigan mo, never na never mo siya puwedeng tawaging "best", "chubbychamps", "mars" o "BFF". Tohl, tandaan mga babae lang ang nagpauso niyan. First name pa rin ang basehan para sa tawagan ng mga bro. Mas patok kapag yung mga kanto names kagaya ng kupal, tukmol, boy ratbu, boy tae, tae, gunggong, negro, sunog, o di kaya tarugo. 

*Pagkatapos ng isang matindihang hardcore inuman sessiosn, tandaan wala kang obligasyon i-check ang kapwa tarugo kung safe ba siya o kung nakauwi na. Wala sa option na tatawagan mo pa ang ka-bro para itanong kung nakarating na siya ng haybol nila, o kung masakit ang ulo niya o kung  kailangan niya ba ng hot towel compress. Sa chicks lang pinupunas ang hot towel at hindi sa bigote na kainuman mo. Maliwanag?

*Ang mga salitang gaya ng kalurkey,imbiyerna,peg,feeler,afraid panopio, etching at chenes ay hindi dapat gamitin sa anu mang uri ng usapan. 

*Ang boses ng lalake dapat ay malaki especially kung malaki rin ang hinaharap at ang katawan. Kung malaki ang wangkata na parang kay Johnny Bravo ngunit maliit ang boses ay dapat masanay at praktisin na palakihin ang boses kapag nagsasalita. Dahil napakahalay na boses pipit ka tapos macho papa ka pa naman. Sanayan lang yan, magpaka Rey Langit voice.

*HINDI ka puwedeng mag-aya sa isang tropa mong lalaki na manood kayo ng sine lalo na kapag romantic chick flick ang palabas. 

*HUWAG paglaruan ng dila kapag gagamit ng straw sa kahit na anumang inumin, o di kaya ay wag na mismo gumamit ng straw. Ang barakong lalaki ay hindi gumagamit ng  straw o chopsticks. Iwasan rin mag-aya sa kapwa lalaki na uminom ng milk tea. Kapag Zagu, pwede pa.

*Iwasang magshort na maikli at magsando lalo na kapag kasama ang kaibigang lalaki sa mall. Ang halay mo tignan lalo na kapag long hair ka at naka headband ka pang malandi ka.

*IWASANG tumagal ng 10 minuto ang pakikipag video chat sa kapwa lalaki. Pero may exception kung ang paguusapan niyo ay dyoga, balls, nips, o di kaya ay mga UFC fighters. Pwede rin isama sa topic ang enhancement at steroids.

*HUWAG na HUWAG magcocomment sa Facebook ng tropa ng "wow yummy naman ng abs", o di kaya "blooming ka ngayon pre ah!"  Sa totoo lang, babae lang ang puwedeng magbolahan sa peysbuk. Ang maaaring icomment ay "so gaayyy".

*Sa basketball kapag napulikat ang tropa puwede mo siya tulungan para mapawi ang sakit sa pagstretching ng kanyang muscle na naipit sa binti, puwera lang hawak hanggang singit.

*NEVER magsama  ng kapwa  mo  barako sa pagkukuha ng cam selfie at siyempre mas bawal yan pag dalawang lang kayo. Mas consider kapag tatlo kayong lalaki o maramihan provided na h indi nakapout ang mga lips niyong mga bruha kayo.

*Kung lasing na lasing ka at problematic sa mga bagay bagay huwag magtetext kay bro ng "wish you were here, tol" (sad face). Babae lang ang gumagawa niyan at yung mga hindi  maka move on sa boyfrend nila.

*Sabihin nating star player ka ng basketball team, scorer at assist player, pero huwag na huwag mag iinitiate ng  "group hug naman tayo tol" dahil ikaw ang nagpanalo sa team. Malinaw niyan na binobromance mo sila. High five at fist bump lang ang allowed.

Yan lang mga brother ang ilan sa mga rules and guidelines natin para hindi maghalo ang balat sa tinalupan. Sundin natin yan by heart and soul at para hindi masira ang a ting brotherhood. Ang hindi sumunod titirahin ng bamboo sa puwet. Para na rin ma iwasan ang mga awkward moments sa kahit anu mang sitwasyon.

Maraming salamat mga brother at magpapa pony tail muna ko kay utol. 




Biyernes, Nobyembre 6, 2015

Pinoy Telenovelas

'Di kaya nagpapaapekto na tayo sa mga kadramahan sa telenovela, kaya ang buhay natin eh puno na  rin ng drama?'
Telenobela sa umaga, sa tanghali, sa hapon at sa gabi,  ay putangina kaya tinanggal ko na ang buhay sa harap ng telebisyon eh. Parami na sila ng parami. Nasasakop na tayo ng mga ito at patuloy naman tayong nagpapasakop. Leche! kaya ang dadrama ng buhay ng bawat Pilipino eh. Nakakatakot na rin, dahil dumadami na  rin ang mga walang trabaho at nakatutok na lang sa telebisyon. Padagdag na ng padagdag ang Pilipinong libangan na lang ang pagluha sa maghapon. Iyak-tawa nakakapraning, meron din namang panay iyak lang, kaya nababalot ng negatibong elemento ang buong kapaligiran dahil sa mga ganitong galawan.

Hindi ko rin naman sinisisi, yan ang gusto niyo eh, pero sobrang nawili na ang mga network na akalain na ganoon katanga ang mga manonood, kaya sige ipapalamon natin sa kanila ang mga istorya na sarili nilang likha.

*Karamihan sa mga kuwento, aba siyempre laging may involve na ampon, ganun daw kasi talaga kasalimuot  ang buhay mo kapag ampon ka. Minsan nagkapalitan ng anak sa ospital at nagkaroon ng switching na kagaya ng ginawa ni Viveka Babajee noon sa isang envelope para iproklama ang pekeng  nanalo.

*Kahit pa magpanggap na taong grasa ang bidang lalake at babae eh sobrang gagwapo at gaganda pa rin nito at ang kikinis pa rin ng mga balat. Sana nga lahat ng taong grasa at pulubi eh ganyan para naman may option kameng mga panget kapag gusto dumiskarte sa isang chiq.

*Puro tisay at soyti ang mga bida. ( O diyos ng mga kulugo, sumanib sana sa amin ang kanilang kutis banyaga).

*Laging may pulis na handang tumulong o di kaya eh kasabwat ng mga kontrabida. Eto yung mga pulis na hindi malalaki ang tiyan. Kaya pinagloloko ako ng telenobela hindi ganyan ang pulis sa Pilipinas, ang kailangan parang kabuwanan na ang tiyan sa laki.

*Kapag unti-unti nang namamatay ang mga main cast, hudyat na ito na malapit na magtapos ang telenobela. Kumbaga, parang Walking Dead, nagagalak tayo kapag may natotodas na bida o kaya kontrabida na isa sa main character.

*Flawless at maganda ang bida na sagad sa hirap at mabait, tapos mapaghiganti kapag yumaman. Kapag mayaman na siya tutulungan niya ang poorest of the poor ala  Manny Villar ang datingan at kulang na lang kumanta ng "Dagat ng Basura".

 *Second sa kagandahan ng bida ang kontrabida, mayaman as in super yaman, matalino, may hacienda o mansion tapos ubod ng sama at malakas ang kapit sa mga pulitiko o di kaya ay walang takot gumawa ng masama dahil maraming magagaling na lawyer.

*Siguradong hahaba pa ang telenobela kapag napansin mong parang kabute na nagsusulputan ang mga bagong character. Kung di ka fan ng telenobela, mapapamura ka na lang kasi akala mo todas na yung kontrabida tapos biglang may sumulpot eto pala yung "God" o kaya "boss sa pinaka-boss" kung ikukumpara sa mga video games.

*Eto nakakatawa, kahit anong yaman ng mga tauhan kapag breakfast scene na ang makikita  mo lang sa hapagkainan eh hotdog tsaka loaf bread, asahan mo yan isang subo lang sa pagkain  ta pos magpapaalam na at aalis na dahil may meeting o kaya conference. Basta isang kagat, lunok, inom ng juice sabay batse na!

*Sa hapagkainan naman ng mahihirap hindi mawawala ang all time "tuyo" hindi dahil sa minamaliit natin ang tuyo ha, wag maging mangmang para isipin na ganun, isisi niyo yan sa mga writer kung bakit laging tuyo ang nakahain eh ang sarap sarap ng tuyo sa umagahan. It's so unfair!

*Alam na ng sambayanan, sangkalawakan ng social media, keyboard warriors, tambay, lasenggo, drug addict at tanim bala groups ang solusyon sa problemang nilulutas ng isang telenobela, maliban na lang sa mga tauhan ng telenobela. Mamamangha lang ang mga tsismosa dahil mali sila ng tsismis na ganoon nga ang mangyayari sa inaasahan nila dahil merong tinatawag na "twist of fate" sa isang kuwento.

*Expected na rin ang shampoo,sabong panlaba,conditioner,sabong pampaputi,fastfood resto, lotion ang mga patalastas sa isang telenobela. Asahan na rin ang iniendorsong produkto ng artista, minsan naisasama pa  yun sa kwento eh.  Tangna  talaga maisingit lang, "Oh anak uminom ka na muna ng gatas mo bago matulog." (sabay ifofocus pa sa kamera yung pangalan ng produkto) at ang pinakamalala mababanggit pa yung  tag line ng commercial. Hahahaha! sinapian ata ako ng Diyos   ng mga tawa.

*May mga bata rin na mas matalinghaga pa magsalita kesa kay Confucius, 7 years old pa lang alam niya na yung mga dinaranas ng tao sa buhay. Hindi ba dapat nanonood ba siya ng  Teletubbies. Ang weird.

*At ang ending.....they live happily ever after.

O Diyos ng kagalakan at Panginoon ng mga halakhak mangyari nawa sa lupa ang mga nangyayari sa telenobela.

Hindi malayo na yung mga cartoons gawan na rin ng mga istoryang pang telenobela, halimbawa si Spongebob nagkaron ng  lihim na pagtingin kay Dora, samantalang si Dora mas gusto niya si Nobita pero hindi siya pinapansin dahil ang gusto ni Nobita ay si Sailor Moon.

Masaya na ako sa cartoons kaya wag naman sanang maiba pa ang tema. Ang kasiyahan ko sa panonood ng cartoons ay katulad lamang din ng pinanonood niyong telenobela, ang kaibahan lang sa cartoons, alam kong ginagago lang ako ng lumikha  nito. Sa telenobela, akala nila, ako ang gago at hindi gago ang mga gumagawa nito. 

Pero kung may mga ganitong aksiyon na mapapanood sa telenobela, ay wala ng pagdadalawang isip pa a t makikipagpatayan pa ko sa remote control ng TV......

Kung may mga ganitong super epeks lang sa isang telenobela at gawang Lito Lapid brand ang tema, di nakakasawa. Hahahaha!