Pages

Miyerkules, Nobyembre 25, 2015

Rage Against Fire: Way Down Memory Lane with The Manila Zoo

'Bringing back Childhood Memories.'

Adriatico,Manila
Lubos na yung kasiyahan noong bata ka eh, andiyan yung walang sawang paglalaro kapag bakasyon na sa eskuwelahan. Ito na nga siguro yung tangi kong kayamanan na hindi naranasan ng ibang kabataan ngayon na tila naging alipin na ng modernong panahon. Hinding hindi ko ipagpapalet ang lumipas kahit pa sabihin mong niluma na ng panahon, simple lang at payak pero sagad ang happiness. Magaling ka nga sa mga gadgets/devices na yan, masaya naman ako. Olats ka pa rin.

Idagdag mo pa ang pamamasyal. Linggo, pagkatapos magsimba at kumaen sa labas, siyempre mamimilit ka na huwag munang umuwi at mamasyal muna. Dalawa lang ang gustong pasyalan ng mga bata noon eh. Sikat na sikat sa amin ang Luneta Park o di kaya Manila Zoo. Bunga na rin na malapit lang ang dating tirahan sa Quirino Avenue, madalas kaming nakakapamasyal sa mga lugar na ito. 

Minsan nagtatanong nga ako sa sarili ko buhay pa ba ang mga ganitong pasyalan? Oo, sa Luneta marami pa rin naman siguro, maraming nagjojogging, nagbabike at yung mga ginagawang Lovers in Paris ang park tuwing gabi. Ang hindi ko lang alam at mukhang napag iwanan na ng panahon, may namamasyal pa kaya sa Manila Zoo? 

Sabi nila kapag mamamatay daw ang tao, mayroong pitong minutong aktibidad ang utak upang maalala lahat ng taong mamamatay ang kanyang mga alaala, kasiyahan man, o kalungkutan. Siguro kung ako mamamatay ngayon sa pitong minutong yun, magfaflashback ang lugar na ito sa aking isipan. Sapagkat ang lugar na ito ang isa sa may pinakamaraming alaala para sa akin. Dito ako minulat ng aking mga magulang para pahalagahan ang isa sa mga likha ng Diyos. Dito ako natutong magbigay halaga sa buhay ng mga hayop. 


'Inside the park.'

Ang Manila Zoo ang isa sa pinakamatandang pasyalan/lugar sa buong ka-Maynilaan, ito ay tahanan ng libo-libong uri ng hayop na mayroong 90 species. Kabilang na dito ang sikat na elepanteng si Mali. Kung di ako nagkakamali, pagpasok mo sa entrada ng zoo ay elepante agad ang una mong makikita. Kung baga si Mali ag pinaka kuya ng lahat ng hayop, 1977 nang una siyang dalhin sa Zoo mula sa kagubatan ng Sri Lanka. Nariyan din ang giraffe, zebra, monkeys, crocodiles, ostrich, iba't ibang uri ng ahas mula sa sawa,python, king cobra at ana.... meron nga bang anaconda? Isama mo na  rin sa listahan ang iba't-ibang uri ng ibon, na nasa loob ng isang napakalaking bird cage, meron ding mga pawikan, pabo, lion, tiger, deer, lizards, rhinoceros, hippopotamus, wild pigs, owls at marami pang iba.

Sa loob ng Zoo, hindi ka magugutom dahil marami ding kainan, ang naaalala ko, lagi kame sa pansiteria at palabok ang lagi kong pinaoorder tsaka isang malamig na malamig na kulay pulang inumin, hindi ko alam kung ano yun pero masarap, parang gulaman ang lasa na sandamakmak na crushed ice. Gulaman ang lasa pero walang gulaman. Baka nga samalameg lang? Ewan basta, the best!

May mga nag proposed di kaya ng pag-ibig sa loob ng Manila Zoo? = )

Dito rin kame nakakapagbonding ni erpat, lalo na kapag sasakay na kami sa boat riding, merong mini river sa loob ng park kung saan puwede kayo magboat riding. Dito ko nakaranas mag sagwan, pero may halong takot ako kasi, niloloko ako ni erpat na may buwaya daw doon. Merong ahas na palutang lutang para mas feel ang pagka wild ng mini river. Pero siguro harmless naman yun, baka garter snake lang na nauso noong high school na ginagawang pet ng mga taragis kong classmates tuwing recess. Inilalabas nila sa mga bag nila para manakot sa mga babae. Yun nga yung  first time na nakahawak ako ng ahas (wag kang berde), oo matigas pala siya at maaligasgas kasi ang akala ko sa ahas ay malambot at madulas (nyeta wag kang berde). Wala naman daw kasing venom ang garter snake kaya naman hinimas himas ko siya at parang gusto ko na rin mag alaga nun, kaso may alaga din akong dagang kosta kaya hindi puwede. Yun si Yagbadoodles na nakilala rin dito sa isa sa mga post ko.

'November 24, 2015 - Fire rage'

Ang tanging kalungkutan ko ngayon ay yung nabasa ko na nasunog pala kagai lamang ang pinakamamahal kong parke/pasyalan. Ano man ang dahilan ay hindi ko alam. Ang tanging panalangin ko na lamang ay wala naman sanang nasaktang taga-alaga ng hayop at mga animals sa buong paligid ng park, Ayoko ring isipin na sinadya at balak na naman gumawa ng mga punyetang establishments na ang mga mayayaman lang ang nakikinabang. Huwag naman sana mga bossing, mga sir, halos lahat tayo ay kinalakihan na ang lugar na ito, ipaubaya na nating sa mga hayop ang natural habitat nila. Baka kung makawala sila sa lungsod, eh baka maging true to life story po ang Jumanji. Wag din sanang gawing joke ng iba, kung ngayon ka lang ipinanganak, konting respeto sa mga taong kinalakhan na ang lugar na ito, mula elementary, high school days at mga field trips markado na ang mga memorya sa Manila Zoo, ang parkeng aming pinakamamahal. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento