Lunes, Mayo 4, 2026

Comfort Activities in Early 2000s


During the early 2000s, I was still in my teenage years—papunta na sa huling yugto ng pagiging teenager. Hindi rin masasabi na boring ang life namin noon. Bukod sa hilig ko sa sports, marami rin kaming puwedeng gawin sa loob ng bahay. Kaya eto, sa ngalan ng masasayang alaala, uungkatin na naman natin ang ating mga nostalgic memories. Here’s my list of activities back then.

DVD MARATHON

Those DVD's back then were really shiny and new. Kapag may DVD ka, para ka na ring nakaangat ng kaunti sa buhay. A DVD is a type of new generation pagdating sa panonood ng pelikula na para bang kakaahon lang natin sa mga VCD at Betamax. Ang kaibahan, sa DVD, ang mga kopya ng bala ay higit na mas malinaw kaysa sa VCD. It was a time na nauso ang salitang "DVD Marathon", sa modernong salita, "binge-watching". Magsasawa ka sa pelikula dahil sa isang bala ng DVD ay halos 4 na pelikula ang puwedeng pagkasyahin para mapanood sa DVD player. Kaya naman halos lahat sa atin talaga ay mayroong DVD collections na ngayon siguro ay inaalikabok na sapagkat hindi na rin naman uso ngayon ang DVD media at halos wala na rin ang nagtitinda nito. Bukod pa diyan, pinagtibay na ang policy sa piracy. During that time, ang nagpasaya sa akin ay yung series of horror movies. Nanonood kami every weekend. Lumipas pa ang panahon, na-upgrade na rin ang mga CD-ROM ng computer units at nagkaroon na rin ng DVD-ROM kung saan puwede ka na rin makapanood ng movies sa harapan ng computer mo. These DVD-ROMS can also create a copy of a DVD disk from downloadable movie content on the Internet. Noong early 2000s, sumikat ang CDR-King kung saan makakabili kayo ng mga murang computer accessories at gadgets. Uso rin noon ang CD-burning, kaya yung mga computer shops ay bugkos-bugkos noon sa pagbili ng mga rewritable at recordable CDs. 

CD BURNING

Oh yes—itong bahay namin dati, parang unofficial piracy laboratory. I used to collect CDs—yung mga murang-mura na nabibili ko sa nearby mall. Burned copies lahat, pero naka-case pa ‘yan ha, complete with printed album art—feeling legit kahit medyo “underground” ang source.

Mahilig ako sa rock at metal, at dito ko nakilala yung mga paborito kong banda hanggang ngayon. Bonus pa, na-amaze talaga ako noon sa mga cover art—yung tipong kahit hindi mo pa naririnig yung kanta, sold ka na dahil sa artwork pa lang.

Mas lalo pang lumala ang CD-burning hobby ko nung nagkaroon na kami ng internet. Doon na ako naging suki ng CDR King—bili ng recordable CDs na parang namamakyaw lang ng kendi. Tipong “isang pack nga po… o sige, dalawa na pala.”

Oo, alam ko naman na medyo sablay ‘yun—but hey, poor man’s collection lang. Binibili ko talaga yung CDs, hindi lang para pakinggan, kundi para i-display sa kwarto ko. Parang mini music library—depende na lang kung anong trip ng mood ko: senti, headbang, o emo-emo sa gabi.

At hindi lang music—pati movies, bina-burn ko rin sa CDs. Tapos weekend bonding namin ng mga pinsan ko, manonood kami. Ang saya panoorin lalo na kapag horror—yung tipong ako yung may hawak ng copy, pero sila yung sumisigaw sa takot. Sulit na sulit yung effort sa pag-download at pag-burn kapag naririnig mo na yung sabay-sabay nilang tilian. Like, "Huwag na kayong maghalikan, tumakas na kayo!" 

FOOD

Mawawala ba naman ’yan?

Ice cream, pizza, at KFC Hotshots—yan ang usual lineup. Well, ice cream alone makes me happy. To hell with calories and whatever consequences eating brings. Kapag maganda ang pelikula, dapat sabay ang aksyon sa screen at ang pagnguya ko—full experience kumbaga. Kaya sige lang, pig out kung pig out.

Oo, minsan alam ko namang pagkatapos, medyo mapapasama ang pakiramdam. Pero at least, masaya ako kahit papaano. Ganun naman talaga, ‘di ba? Happiness—even if it’s just a temporary distraction from boredom.

Pero ayun nga, bad eating habits catch up with you. Hindi rin biro ang epekto sa health. Andito pa rin naman ako—surviving, ika nga. Pero minsan mapapaisip ka rin, kasi parang nasa dugo na talaga. It runs in the family. Karamihan sa amin, may ganitong kondisyon.

Nakakatawa nga eh—dati sobrang athletic ako, mula teenage years hanggang mag-30. Pero kahit anong takbo at pawis mo noon, hindi pa rin pala sapat para takasan ang tinatawag kong “literal achy breaky heart.” Parang kahit anong alaga, may mga bagay talaga na hindi basta-basta naaayos.

Korn - Word Up

BLOGGING

Hindi man ito nagsimula noong early 2000s, pero matagal na talaga akong mahilig magbasa. Bata pa lang ako, hilig ko na ang magbasa—lalo na kapag may bagong labas na funny komiks tuwing biyernes. Para sa akin, magkapamilya ang pagbabasa at pagsusulat—hindi sila puwedeng paghiwalayin.

Nagsimula akong gumawa ng blog site noong 2015. At ayun—11 years na rin pala akong nagsusulat dito sa Ubas na may Cyanide. Ang inspirasyon ko? Yung mga naunang blog sites na sinusubaybayan ko noon. Para sa akin, sila ang mga alamat—yung mga unang nagtayo ng kanilang “munting tahanan” sa internet, o kung tawagin nila, “blogosperyo.”

Iba yung saya kapag may bumibisita sa blog mo—nagbabasa, nag-iiwan ng komento, at na-a-appreciate ang sinulat mo. Parang gasolina ‘yun para lalo kang ganahang magsulat. Siyempre, may mga panahon din na nawawala—walang update, walang idea, parang mental block na ayaw umalis. Pero kahit ganun, binabalik-balikan pa rin ang blogosperyo. Kasi sa dulo, nandun pa rin yung urge na magsulat.

Depende rin talaga sa mood, inspirasyon, at sitwasyon ng buhay kung kailan susulat ang isang manunulat. Ilang beses na ring nagbago ang itsura ng blog site na ito—may revisions, may redesigns, may mga panahong muntik nang iwan. Pero heto pa rin, buhay pa rin… at nagsusulat pa rin ang may-akda.

May nagbabasa pa ba?

Yun ang tanong.

CAMFROG CHATTING

Inaamin ko, noong mga panahong nagtuturo pa ako sa kolehiyo, madalas ko ring sinasabayan ng pagpupuyat ang tambay ko sa Camfrog. Para siyang Yahoo Messenger—i-install mo lang, tapos puwede ka nang makipag-chat at makipagkaibigan online. 

Ang tambayan namin noon ay isang room na ang pangalan ay CHATMATES. Member ako doon nang matagal—mga 2006 hanggang siguro 2012. Doon ako nakakuha ng maraming online friends, yung tipong kahit hindi mo pa na-meet in person, parang tropa mo na talaga.

Anong ganap sa room? Aba, hindi basta-basta—parang noontime show sa internet! May mga pa-games tulad ng trivia, “name that tune,” “bring me,” at kung anu-ano pang pa-contest. At hindi lang bragging rights ang premyo—may load pa! Oo, regular load sa cellphone—panahong wala pang GCash, kaya malaking bagay na ‘yun. Tipong kahit hindi ka makakabili ng snacks, may pang-text ka naman buong linggo. Natatawiran ko na palagi akong nananalo kapag ang genre ng Name That Tune ay rock. The fastest fingers who can type the correct answer get the points. 

Pero hindi lang puro games—may kuwentuhan din, heart-to-heart talks, minsan drama, minsan scary stories. Para kayong isang community—kahit magkakalayo, pinagdudugtong ng webcam at chat box.

At doon ko rin natutunan na kapag marunong kang rumespeto online, mas madali kang makakahanap ng tunay na kaibigan—even in a virtual world.

Siyempre, kasabay pa nito ang kasikatan ng Yahoo Messenger, kaya minsan ang problema mo ay hindi kung may kausap ka—kundi kung saan ka maglo-log in. Camfrog ba o Yahoo? Problema ng mga sosyal noon.

At oo, marami rin akong naging kaibigan sa Yahoo Messenger—kaya doble ang buhay online ko dati.

Ngayon, to kill your boredom is to argue with the social media's comment section, ang pangit na, o di kaya ay makipag-engage sa mga fan site na dinodiyos ang mga paborito nilang artista. Eew! Panay bangayan kaliwa't kanan, walang calmness. Buti pa nga, noong uso pa ang Farmville at Tetris Battle sa Facebook, wala 'yang mga awayan na 'yan. Ngayon, they make us busy through "maritessing", strike a scripted joke sa reels, and lahat ng fake acting, lalo na may AI ang nangunguna. Kaya para sa akin, the realness of activities back then is hindi matatawaran. It's pure, no fake, at higit sa lahat, masaya. Ang napepeke lang ay CD at DVD copies.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...

Certified Great Reads