Pages

Martes, Marso 31, 2015

Summer Rituals: Operation Putol Putotoy

'Bilang isang lalaki, ang tanong gaano nga ba kahalaga ang pagpapatuli?'

Psssst.... tuli ka na ba?

'Courtesy of Wow Mali pa rin, TV 5'

Warning: ang post na ito ay naglalaman ng mga maseselang salita. Viewer discretion is advise [R-18]

Dahil bakasyon at sobra na rin ang init ng panahon, kahit sa loob ng bahay ramdam mo ang init, eh lalo na yung mga taong ang trabaho ay construction site at traffic aide, kainamang init ang kanilang nadarama.

Sa mga batang supot, at sa iba riyan na may edad na at hindi pa tuli, aba hoyyy!! eto na ang oras para  kayo ay magpatuli, depende nga lang because it's going into three-direction, kumbaga depende yan kay Zayn Malik kung sa pukpok o albularyo ka magpapatuli o sa duktor siya magpapatuli. Kung ako ang inyong tatanungin, may mga kalokohan din sa pagpapatuli, may mga  ritwal pang ginagawa kung sa pukpok o albularyo ka magpapatuli at kung sa duktor isang turok lang ng anistesya maya-maya tuli ka na. Sabi nga ng matatanda na ang pagpapatuli ay tanda ng pagbibinata, pero mas maganda naman talaga pag tuli ka, para sa personal hygiene na rin. Dahil kapag supot lagi ka mangangamoy kupal. Kupal, yan yung puti puti na nakikita kapag supot ka pa.

Kupal

-minsan taong epal at loko-loko
-kadalasan amoy mo

Ito ang mga kalokohan o pang-aasar kapag magpapatuli ka pa lang: (olats ang pikon)

*'Toy bago ka magpatuli dapat padilaan mo muna sa bilot ang iyong ari para malinis at matanggal ang palkups.

*Toy kung di pa tampos ang ari mo maligo ka sa hapon at ikadyot mo sa alon ang iyong pag-aari.

*Aba 'tutoy bago ka magpatuli ay magpraktis ka muna sa inahing manok.

-Ayan kadalasan ang mga pang-aasar na matatamo mo kapag nalaman ng isang tambay na magpapatuli ka pa lang, at lalo na kung napa tambay sa pila ng toda ng mga traysikel drayber, nako paniguradong katakot-takot na pang-aasar ang makukuha mo. Kaya iwas ka sa mga traysikel drayber na yan dahil boring ang mga yan tuwing hapon dahil walang kita, walang biyahe. Itago mo si pututoy.

Kwentong-kanto:

Anak: Ina'y-ina'y may patulian sa bayan P50 lang po ang bayad, magpapatuli na po ako para hindi na po ako tinutukso ng mga kalaro ko.

Ina: Oh eto anak ang P100, isama mo na ang tatay mo sa bayan at sabay na kayong magpatuli. (:
'May mga proud maging supot kahit amoy kups na'.

Alam mo ba na iba't-iba ang nagiging monicker ang tawag sa pututoy para sa atin gmga kalalakihan, tawagin na lamang natin ang inyong kayamanan o "sandata" sa tawag ng iba na "Totoy". Nako kawawa naman talaga ang may pangalan na Totoy.

Pero paano mo nga ba talaga pinangangalagaan ang iyong Totoy? Sa isang ginawang survey, sa sampung lalaki na napagtanungan, sadyang ang sagot lamang nila ay, "Natural, laging hinuhugasan. Sasabuning maigi si 'toy at ipapagpag clockwise o counterclockwise. Minsan aahitan 'pag may time.

Ganun lang po ba ang pag-aalaga niyo sa  inyong mga sandata? So hindi pa po kayo lahat tuli?

Bilang isang lalaki, ang tanong gaano nga ba kahalaga ang pagpapatuli? Sapagka't simula kabataan ay kinakailangan na ang "pagpapatuli?"

Sa Pinas, ang isang lalaki ay karaniwang nagpapatuli sa mga edad na walo hangga't sa labinlamang taong gulang, ang lumampas pa diyan ay kakapalan na ng mukha dahil "makunat matata" na yan oi magpatuli ka na!

Ito ay tinuturing na ritwal ng pagtuloy (rite of passage) sa pagbibinata ng isang lalake at itinuturing na may malaking stigmang kaugnay sa mga lalakeng hindi tuli o supot.

Isa daw sa maling paniniwala sa pagututuli ang paniniwalang ang pagpapatuli daw ay nagpapatangkad sa isang batang lalake.

Ang paglaking (growth spurt) ito ay dulot ng pampalagong hormone na inilalabas sa pubertad ng mga lalake at hindi ng pagpapatuli.

Hay buti na lang at nabigyan ng kaliwanagan ang bukol este ang ukol sa ganyang usapin at baka mapagkamalan niyo pa ang sumusulat na hindi pa tuli. Ganito lang po ang aking height at tanggap naman natin yan.

Wag lang sana mauso ang punyetang nasa isipan ko ngayon, ang pag-iisip na hindi ko mawari, nasusuklam ako kapag nauso, masasabi mong malala na ang dulot nito sa social media kapag nangyari pa, huwag naman sana. Naisip mo ba ang naisip ko? Ikaw ba sang-ayon ka sa akin na kahit kaunting bagay ay maaari nang ibahagi sa mga social media online? Diyos ko po! Nagegets mo ba na kahit simpleng sugat at nahiwa lamang ang daliri ng kutsilyo ay ibinabahagi online? Pake naman namin sa ka-shungahan mo at proud ka pa i-share. Dito puwede maging proud sa sarili lamang pero kaibigan huwag mo na piktyuran at ibahagi sa amin ang longganisang Lucban mo dito sa Facebook. Hindi kame interesado sa selfie with your pututoy! Sira ulo!

Huwebes, Marso 26, 2015

Senyales na Tumatanda ka na: Bato-bato sa Langit ang tamaan....MATANDA!

'Senyales rin ng pagka-dagdag ng edad kapag nais mong balikan ang mga lumang awitin sa iyong panahon'.
Dumarating talaga ang panahon na hindi mo na lang namamalayan na dumadami na ang mga peleges mo sa mukha o di kaya varicose veins (hindi sa mukha) senyales na sadyang nagkakaedad na. Ilan taon ka na nga bang nabubuhay sa Planet Earth? Maraming pruweba o pagpapatunay na tumatanda na ang isang tao kapag napapalitan na ang mga dati mong kinakanta ng mga modernong genre o di kaya ay bigla nalang nawawala sa limelight ang paborito mong banda o mang-aawit sa kasalukuyang panahon. Minsan, bigla ka na lang mapapangiti kapag dumadaplis sa iyong tenga ang isang kanta na dekada na ang lumipas bago ulet patunugin sa isang istasyon ng radyo. Senyales rin ng pagka dagdag ng edad kapag nais mong balikan ang mga lumang awitin. Minsan naman may mga espesyal sa iyong lugar na bigla na lang maglalaho at napapalitan ng ibang mga gusali o di kaya ay mall. At ang pinaka nakakastress ay yung patuloy ang pagtaas ng bilihin ng mga produkto o pagkain na sinimulan mo ang alin man sa mga produkto na yan sa halagang sentimo pa lang ngayon ay nagmamahalan na ang presyo. Ito ang ilang mga senyales na tumatanda na tayo mga mars! Kuha ka lamang ng pananggang unan o kahit sapagkat, bato-bato sa langit ang tamaan kalabaw!

1. Kung dati-rati'y nakukuha sa palakad-lakad lang sa Sunken Garden ang pag-shed sa mga unwanted pound, ngayon, kahit mag-marathon pa mula Quezon City hanggang Isabela, walang nangyayari.

2. Malayong-malayo na ang tanaw mo sa dagat sa Roxas Boulevard, dati ay tabing kalsada lamang ito hanggang sa matabunan na ng mga lupa upang itayo ang mga naglalakihang gusali. Wala na ang preskong hangin na tumatama-tama sa iyong pisngi habang bumabiyahe papuntang Kabite. Noon paglabas mo ng Paranaque sa MIA Road eh bubulaga sa iyo ang dagat, takot pa nga ako nun eh kapag nabiyahe ng gabi, dahil kako baka biglang may lumabas na malaking pusit sa karagatan yung mga tipong nakakalaban ni Ultraman.

3. Nakikinig ka ng mga rakrakan at humehedbang ka sa mga tugtugan ng mga Pinoy Metal Undergrounds at Foreign Old School bands sa istasyon ng radyo ng NU 107 at LA 105.9.

4. Kapag naabutan mo ang softdrinks na Fanta na mahigit sa sampu ang flavors. Puta sarap dami pagpipilian lalo na kapag uhaw na uhaw ka galing sa paglalaro ng Basketball sa hapon.

5. Meron kang "Cutterpillow" album ng Eraserheads at minememorize ang kantang "Poorman's Grave".

6. Tumatanda ka na kapag nagsisimula nang dalawin sa panaginip ng mga baboy na nilamon, yosing hinithit, at alkohol na nilaklak.

7. Kung meron kang Gobingo cards sa programang Gobingo ni Ariel Ignacio sa Channel 7. Nilalaro ito na parang bingo at inaabangan lagi dahil live ang laro sa bawat tahanan. Sumikat ito at dito nakilala ang seksing si Maricar De Mesa na asawa ngayon ng basketball player na si Don Allado ng Purefoods.

8. Kung naabutan mo pang naglalaro si Jaworski sa Ginebra, wala nang tatanda pa sa iyo.

9. Kapag tinigilan mo na ang pagdidisplay ng kalendaryo sa bahay dahil ayaw mo nang makita ang araw dahil patanda ka na ng patanda.

10. Kung nakagamit ka ng kompyuter na wala pang mouse.

11. Puta idol na idol mo si Hanson at bumibili ka pa ng Songhits para sabayan ang pagkanta ng Mmmbop sa MTV tuwing hapon.

12. Kung nasaksihan mo ang riot ng metal at hiphop sa SM Megamall.

13. Kung ang Internet mo ay de-kaskas at bibili ka pa ng cards katulad ng ISP Bonanza para makapag online lang sa Internet.

14. Kapag naabutan mo ang ingay ng Internet bago kumonek online, yung matining na ingay yung mahabang tunog. Nalalaman tuloy na nag-Internet ako eh.

15. When sexual desire drops. (ulol)

16. Tuwing pinabibili ka ng Lolo mo ng bato ng lighter at Winston Lights sa sari-sari store.

17. Nangongolekta ka ng Funny Komiks tuwing Biyernes at idol na idol mo si Combatron at Niknok.

18. Kung naabutan mo dati na nagkalat ang kalendaryo ng mga hubo't-hubad na Haponesa sa likod ng pinto na pag-aari ng Tito mo.

19. Yung mga panahon na pag nagpapagupit ka sa paborito mong barberong lasinggero, mapapansin mo ang kanyang barbershop na namumutiktik sa mga hubad na poster o di kaya ay kalendaryo. Paniguradong hindi niya makakalimutan kung ano na ang petsa.

20. Kapag isa ka sa may mga litrato na simpleng porma lang, tatayo lang ng diretso sa kamera at ngingiti walang ibang kiyeme, walang peace sign, walang braces para mag-inarte, walang jump shot, walang wacky shot. Hindi katulad ngayon pati sugat pinipiktyuran. Putang ina!

21. Nangingiti 'pag naririnig sa radyo ang "Get Down" ng Backstreet Boys.

22. Kapag napanood at naabutan mo sa TV yung Wheel of Fortune at The Price is Right. Tanda mo na gago! Hahaha!

23. Sumasakit ang singit pagkatapos maglampaso sa bahay. Minsan, napaparalyze sa pagod. Minsan, nako-coma.

24. Yung naging idol mo si Tikboy (Anjo Yllana) ng Abangan ang Susunod na Kabanata kasi parehas kayong abnormal.

25. Kapag naabutan mo pang umaakting sa TV primetime si Freddie Webb at Nova Villa.

26. Nanonood ka pa ng late news sa hatinggabi yung The World Tonight ni Angelo Castro at papatayin mo rin naman kasi Ingles ang balita.

27. "I got two words for you......SUCK IT". Ayan kapag naabutan mo na kumpleto pa ang D-Generation X nila Triple H, Road Dogg, X-Pac, Chynna at Billy Gunn.

28. Nung naabutan mo pa ang tunay na ganda ng Chinese garden.

29. Yung mga panahon na naguguluhan ka kung ano talaga ang masarap Milo o Ovaltine. Pero ngayon alipin ka ng kapeng barako.

30. Lahat ngayon inirereklamo mo: Kung bakit lasang plastik ang carrot, kung bakit walang buko sa fruit salad, kung bakit si KC ang gaganap na Vivian sa Lovers in Paris Pinoy version, kung bakit mapait ang buwakanang inang beer, kung bakit humi-hello ang buhok sa ilong ng kausap.

31. Kung naka kolekta ka ng daan-daang cassette tapes na inaali-alikabok na lang ngayon sa isang shoe box.

32. Kapag naabutan mo na piso pa lang ang pamasahe sa dyip at LRT na magsisimula sa Vito Cruz Station hanggang Baclaran (piso lang ang inihuhulog bilang token)

33. Nagsipilyo ka na Twinkee-Do ang gamit mong toothpaste.

34. Kaypee ang pinakasikat na brand ng sapatos na lokal made.

35. Naabutan mo ang trio nila Manilyn Reynes, Sheryl Cruz at Tina Paner.

36. Kapag sinabihan kang para ka si Samboy Lim mag medyas, di na nila ma-gets ang sinasabi mo.

37. Bawas at dagdag, bawas ng buhok at dagdag ng bilbil.

38. Namimis mo pa rin ang Texas bubble gum at Tootsie Roll.

39. Tinatawag ka na "tanders" kapag kinakanta mo sa videoke ang "Gold" ng Spandau Ballet.

40. Kapag di mo na ma-gets ang usong gupit ng kabataan.

41. Karamihan na kilala mong PBA basketball players ay retiro na.

42. Kapag tuhod mo na lang ang tumitigas at hindi na yung ano.

43. Yung naabutan mo ang batang Karate Kid nuon at malalaman mo ngayon na nasa 50 years old na pala siya.

44. Kapag nagkukuwento ka tungkol sa mga nangyari sa buhay mo sa nakalipas na panahon.

45. Pumpogi lalo. Seriously! (:

Pero laging tandaan na ang pagtanda ay universal. Everybody gets old. It's something that we can't avoid. It's gonna come no matter what. We just have to grow old gracefully. Kaya ikaw na nagbabasa nito tandaan mo tatanda ka rin at ikaw naman ang magkukuwento sa mga susunod na panahon.

Summertime 2.0

'At yung sikat at init ng araw kapag Summer ay nakakatulong din yan para mas lalong mapasaiyo si girlie labs'.
Bago natin umpisahan ang kwentuhang walang patutunguhan nais ko muna kayo bigyan ng isang kantang hugot mula sa baul ng dekada nobenta. Ito yung awitin na lagi kong sinasabayan lalo na kapag official na idineklara na ng PAG-ASA na summer na nga. Female band and they called there band as The Sundays mala tipong Lizard's Convention ang boses ng bokalista at Frente na gustong gusto ng aking kaibigang si Arci Lemi (Renemar sa totoong 'ngalan) dahil inlab na inlab siya ngayong Summer time. Cool summer song, this is..........  

The Sundays - "Summertime"

"Baby it's you and me in the Summer time..."

(Para kay Arci at girlie labs)

Some people wind up
With the one that they adore
In a heart-shaped hotel room
It's what a heart is for
The bubble floats so madly
Will it stay sky-high?
Hello partner, kiss your name bye-bye
Ooh sometimes

Romantic Piscean seeks angel in disguise
Chinese-speaking girlfriend, big brown eyes
Liverpudlian lady, sophisticated male
Hello partner, tell me love can't fail

And it's you and me in the summertime
We'll be hand-in-hand down in the park
With a squeeze and a sigh
And that twinkle in your eye
And all the sunshine banishes the dark...

Some people wind up
With the one that they abhor
In a distant hell-hole room
This third World War
But all I see is films where a colourless despair
Meant angry young men with immaculate hair
Ooh sometimes

"Get up" a voice inside says
"There's no time for looking down
Only a Pound a word 
And you're talking to the town"
And how do you coin the phrase though
That will set your soul apart
Just to touch a lonely heart

And it's you and me in the summertime
We'll be hand-in-hand down in the park...
With a squeeze and a sigh
And the twinkle in your eye
And all the sunshine banishes the dark...

And it's you I need in the summertime
As I turn my white skin red...
Two peas from the same pod, yes we are
Or have I read too much fiction?
Is this how it happens...?

How does it happen?
How does it happen?
How does it happen?
Is this how it happens?

(Now, right now)

Summer
-minsan panahon, mainit na panahon
-kadalasan pangalan ng babae, na naka bathing suit sa beach (sa mainit na panahon)

InTUROduksiyones de amor: <3

Summer - ito talaga ang pinakabakasyon sa lahat. Ang creme de la creme na pinaka aantay ng ating mga kabataan, estudyante, travelers, road trippers at mga empleyado na nag VVL pero hindi makapag vacation leave (ang ilan). Para din sa mga nagcecelebrate ng mga post February romance katulad na lang ng aking kaibigan sa naunang nabanggit na pangalan. SM is the place  to go when you need to explore love and fun at magpalamig na rin. Nothing is brighter than the sun if you have a summer lovin'. Walang tagtuyot na pag-ibig lalo na kung sabay kayo sa pagsipsip ng naguumapaw na tamis at yelo ng McFloat. Malamig on the outside pero mainit ang pagmamahalan on the inside. Ganyan umibig ang tropa ko sapat at totoo at walang bundok na hindi kayang akyatin. Masarap talaga magmahal sa tag-init kesa sa tag-ulan dahil mas marami kayong magagawa, ang mamasyal, magbonding, mamundok, magswimming and everything else under the heat of the sun. At yung sikat at init ng araw nakakatulong din yan para mas lalong mapasaiyo si girlie, kakaibang feeling ang dulot ng sikat ng araw dahil maaliwalas ang paligid at naguumapaw sa ligalig ang mga pusong kailangan ng solar flare of love. Kaya mabuhay ka kaibigan. Ipagpatuloy mo lamang ang summer lovin' na yan at dalhin mo hanggang sa tag-ulan ang init ng pag-ibig sa tag-araw, dalhin mo hindi lamang sa tag-ulan kung di sa buong panahon hanggang sa wakas ng panahon. Mabuhay ka!

Tuloy ang kwento.

Summer - ito ang pinakabakasyon sa lahat. Walang binatbat ang Christmas break (although masaya rin 'yun kasi may mga regalo at bogchi) at araw ng mga patay dahil mas matagal walang pasok kapag summer (April at may ba naman e).

Summer - Puta, eto ang panahon na kung hindi mo maeenjoy, eh siguraduhin mong hindi ka loser sa eskwelahan dahil ito lang ang oras na kung saan may pag-asa kang maging bida sa sarili mong life.

Pagdating ng Marso, ayan na! Nararamdaman mo nang tinatawag ka ng tsinelas mo at sinasabi pabulong na, "Halikaaaahhhh! Pudpurin mo na akooohhhh kooohh koooh kohh (alingawngaw) Naghihintay na rin ang mga sando mong maluwag ang kili-kili hole at ang shorts mong 4 na araw mong isusuot nang walang palitan.
Ganyan talaga pag summer medyo filthy. Noong panahon namin tex ang pinagkakaabalahan, hindi yung sa cellphone ha na magtetext ka hindi ganun, nag-aantay na ang kahong ko ng tex cards at ang isang Fido Dido drawstring bag na punong puno ng holen na minsan ko na rin ipinanumpit (sinubukan lang, kaso umaray sila kaya stop) 

Para sa isang batang katulad ko (noon, baka may mag react) na hindi pinapalabas pag weekdays tuwing pasukan, masarap i-anticipate ang summer. Ito na ang pagkakataong makita ako sa labas ng bahay namin sa isang hapon ng Lunes. Puta wow, biruin mo Lunes nasa labas ka ng kalye at paeasy-easy lang. Hinding hindi mo ako makikita sa labas kapag pasukan dahil busy akong gumagawa ng assignments (ulol) at nagmememorize ng mga rehiyon sa Pilipinas (Putanginang Sibika teacher yan, sarap sabunutan ng bulbol...) Pero sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa, na-deads si Ma'am ng matandang dalaga at hindi man lang nakaramdam ng summer lovin' kaya ayoko maging teacher ng History nuon at tamang turo lang ng Kompyuter, mas masaya. Dalawang buwan akong hindi matatakot tuwing Linggo nang hapon dahil wala namang pasok kinabukasan. Wala na din ang mga periodical exams na ginagamitan ko pa ng patterns pag multiple choice (A.B.C.A.A.B.B.C.C.) - yan ang kombinasyon ng unang test ko pag Martes ginanap ang exam). Kaya pag summer na ay napapahinga ang aking school survival skills.

Puwede na rin akong uminom ng Milo sa umaga nang hindi ako nag-aalala na baka matae ako sa skwelahan. Sa Nido, hindi ako masyadong natatae. Mas malakas ang tama sa akin ng Milo eh parang Red Horse ng mga kabataan 'toh nuon. Kaya naging bespren ko ang janitor namin sa skul na si mang Jun dahil siya ang taga mop ng tae ko sa classroom (2x nung Grade 1) (Medyo filthy din kapag hindi pa summer).

Pag summer, hindi mawawala ang swimming syempre. Masarap sa beach lalo na kung may handa kayong dance number ng mga kaibigan mo dun sa seashore na madaming flags at giant umbrella. Kakantahin niyo ang isang sikat na kantahabang sumasayaw at papalitan niyo ang lyrics para tumugma sa experience ng barkada mo. Shempre sa Pinas ka lang din makakakita ng mga babae na bibili ng bikini, isusuot sa beach, ngunit may nakapatong na shirt at naka maong na shorts pa! Para lang silang nagsuot ng bra at panty na teknikolor. Pero ngayon ay medyo makakapal na ang mukha ng mga kabataan at kaya na din nilang isuot ng tama ang mga bikini. Palakpakan. Mga lalake, deretso sa banyo. Yahooooooo!

Pagpapatule. Hindi ko pa ginagawa 'to hanggang ngayon (pero siyempre joke lang) Ano nga bang kaugnayan ng pagpapatule tuwing summer. Pero siyempre sa isang post ko na lang ito ibabahagi medyo sensitibo para pag-usapan sa ating paksa ngayon.

Ang tag-init..eto lang ang pagkakataon na naiinitan ako pero nakangiti ako. Ibig sabihin ng init na yan ay bakasyon na... it's summertime! Eto ang nagbibigay sakin ng sipag na magreview para sa 4rth quarterly exam sa skul. Iniisip ko na pagkatapos ng exam bakasyon na, last exam na 'to. Tatantsahin ko lang yung mga kakabisaduhin ko. Pagtingin ko na pasado na ko sa daming nakabisa sa mga lessons, ayos na, Aasahan ko na lang ang aking memory skills pandagdag puntos sa exam. Kung anu yung matatandaan ko sa mga tinuro sa amin ng titser ko sa buong school year. Ganyan ako kasipag mag-aral nung kabataan ko (ulol).

Pagsapit ng summer vacation, sobrang linis na ng utak ko nito. Wala ka na kasing aalalahaning assignments, exams, projects, at haselicious na pakiramdam lalo na linggo ng hapon at kinabukasan ay magrereport ka pala. Tangna, hindi masaya ang weekend pag ganun dahil kabado ka sa reporting ng Lunes, hate na hate ko pa naman ang patinginan sa
harap ng klase habang yung ibang klasmeyt mo ay nagngingitian sa harap mo, tapos magtatanong pa mga kupal sa nireport mo. Talaga nga naman urong ang yagbadudels ko nun kapag reporting sa Sibika, pero lintik lang walang ganti dahil reresbak ako kapag sila naman ang magrereporting. Yung iba naman, talagang aabsent sa klase kapag sila na ang magrereport at dun bwiset na bwiset ang titser namin.

Laro.laro.laro.laro.laro yan lang ang nasa utak ko. Gutom at antok lang ang makakapigil sa paglalaro ko. At siyempre ang tawag ng magulang ko. Lahat na ng laruan nilalabas...matchbox, g.i joe (yo joe!) lego, wwf wrestlers, tex, coke slammer, at kung anu-ano pang puwedeng malaro. Gagawan namin ng rampahan yang mga matchbox at pagandahan kami ng rampa ng mga kalaro ko. Basta kapag hindi tumaob yung matchbox mo ang ganda ng kotse mo. At eto ang pinakagusto naming paglaruan...ang tumpok na buhangin sa harap ng bahay. Kapag may nagpapagawa ng bahay dun kami naglalaro sa tambak ng buhangin sa tapat ng bahay. Gagawa kami ng kanya-kanyang butas at tunnel para sa mga g.i. joe namin. Pero kahit anu puwede mong laruin dun e, mapa-kotse o tao puwede. Minsan nga lang bigla ka na lang makaka-amoy ng mabaho pagkahukay mo. Ibig sabihin nun nakahukay ka ng tae! Yung mga aso't-pusang gumagala ang may kagagawan. Bigla ka tuloy pasimpleng uuwi at maghuhugas ng kamay, tapos hukay na ulit.

Siyempre di mawawala sa summer ang pagbabakasyon sa ibang lugar. Dun kame palagi sa tita ko, mga isang linggo kaming magkakapatid at magpipinsan dun matutulog. Gusto namin dun kasi spoiled kami kila  tita at lola ko. Hindi kami pinapagalitan, kahit anung oras ka matulog puwede, kung anung ulam gusto mo iluluto at palaging may juice at milo. Kahit kelan mo  gusto magtimpla puwede. Dun ko nga lang sa kanila nagawa yung magpapapak ng milo e. Ilalagay ko sa maliiit na bowl yung milo, gatas at asukal. Hindi naman lalagyan ng tubig yun. Kakainin lang namin ng ganun lang yun. Sarap di ba? Napapangiti ka ba? Ginagawa mo dati yan noh?

Iration-"Summer Nights"

One of my favorite reggae song kapag summer time at nasa beach. Nakakainlabs!

Piano/organ lessons, pinag-organ lesson ako ni ermats dati. Puta ayoko di ako tumagal, ang boriiinnggg! Nyeta, wala talaga sa dugo ko ang mag-organ! Isang buwan lang ata ang tinagal ko at talagang sinabi ko kay ermats na ayaw ko nun! Basta, ayaw ko na lang pag-usapan yun. Kadire.

Pero ang disadvantage minsan ng summer eh, hindi mo muna makikita ang crush mo kaya wala ka munang papasikatan at pagpapakitaan ng mga dance moves mo ala-UMD dancers na katulad nila Wowie de Guzman at Spencer Reyes. Wala rin munang baon (pero usually naman kapag bata ka eh iniisip mo na ba ang importansiya ng baon sa buhay mo?).

Naisama rin ako sa outing nuon nila tito at tita sa pinagtatrabahuhan nila. Masaya naman, kase 'yung ibang mga ka-opisina nina tito a may mga magagandang anak, kaya puwede ko silang pagpakitaan ng mga moves ko sa swimming pool (basta 'wag lang sa malalim dahil pucha nakakahiya 'yun kapag nakita nila akong nakalunok ng tubig at biglang uubuhin habang sumisigaw ng, tita nalulunod po ako!"). Napansin ko lang: Bakit parang mas sumasarap ang mga pagkain 'pag kinain mo sila habang nasa swimming? 'Yung hotdog parang nagiging mas malasa kapag inihaw nila sa tabi ng swimming pool. At napakasaya ng aura at pakiramdam.

Sa saya mong nadarama hindi mo namamalayan patapos  na pala ang buwan ng Mayo at bigla ka na lang tatanungin ng nanay mo, "Anu gusto mong design ng notebook at cover?, yung solo ni Jolina Magdangal o yung picture nilang dalawa ni Marvin Agustin?" Pucha!!!!


Martes, Marso 24, 2015

Sa Joy, Tunaw ang Sebo!

'Sa Joy, tanggal ang sebong sangkatutak!'
Meron akong kaibigan at kanina lang niya sinimulang uminom ng diet pills. Diet pills na nagpapatuyo ng lalamunan. Para laging uhaw trip. Para dumalas ang pag-inom lamang ng tubig. Para madaling mabusog. Para lumisan ang appetite sa pagkain ng paboritong Shawarma rice with matching ham and egg. Para laging lobo ang pantog. At para maya't-maya umiihi. Upang laging tayo ng tayo. Para lakad ng lakad papuntang CR na 30 metro ang layo mula sa kinauupuan. Para daw ma-burn ang unwanted fats. Para mawala ang umaalog-alog na tatlong layer na bilbil sa tiyan na nagkakapatung-patong. Para lumiit ang ang brasong dati'y singkartada ng kay Beyonce na ngayo'y mukhang higanteng brazo de mercedes. Para lumitaw ang matagal nang nagtatagong collar bones. Para maging muling kasipol-sipol ang legs na ginagapangan ng varicose veins at cellulite de kuryente.

Para makapagsuot na ng two-piece swimsuit sa beach at tutal Summer na rin naman. Para ma-discover at maisakatuparan ang pangarap na maging commercial model. Para maidisplay sa mga billboard sa kahabaan ng EDSA ang 35-23-35 na katawan. Para maibenta ang mga produktong pampapayat/pampaganda/pampalasing/pampalibog sa mga taong umiidolo sa kanya at hanga sa kanyang success story. Para lapitan ng mga bossing sa film industry. Para maging isang sikat na artista. Para makapareha si Piolo. Para mapangasawa si Piolo. Para makagawa ng maraming maraming pelikula. Para maging Diamond Megalaktik Superstarnova of All Seasons of the Universe.

Para masabi ang "Di kita kilala!" sa mga taong ngumungudngod sa kanya sa putikan. Para tirahin at siraan ng press. Para maubos ang movie at commercial offer. Para iwanan ni Piolo at ipagpalet kay Sam. Para ma-depress. Para kumain nang kumain ng shawarma rice with ham and egg. Para bumilog ang mukha na parang giant siopao. Para mawala ang leeg at magtago ang collar bone. Para kumain pa ng maraming-maraming pagkaing nag-uumapaw sa transfat. Para maging mala-troso ang hita't binti. Para muling katakutan ang brasong sinlaki ng paa ng elepante. Para mabalutan ng taba ang puso. Para mamatay.

Pero sa ngayon, tiis taba muna sa maya't-mayang pag-inom ng tubig at pag-ihi. (ANG PAYO KO, MALIGO NG JOY DISHWASHING LIQUID PARA TUNAW ANG SEBONG SANGKATUTAK)

Garantisado sa isang patak lang ng Joy!

Huwebes, Marso 19, 2015

Textmate, Chatmate...Anyone?

'Tumunog ang message alert tone ko, punyeta network promo lang pala'.
Medyo seryoso na ang problema ko sa social life. Dumadaan ang pitong araw/isang linggo na walang nagti text sa akin. Totoo. Binilang ko talaga. nakakahiya man aminin pero malimit ginagamit ko lang cellphone ko para sa alarm para magising ng ala-una ng madaling araw para pumasok sa trabaho (hindi po ako call boy, nililiwanag ko lang...madaling-araw shift sa isang call center). Minsan naman calculator, bilang pag kompyut naman sa mga utang. Sa mga bihirang panahon na tumunog man ang message alert, kahit naka upo pa ko sa inidoro, iiwanan ko ito at sabik na babasahin na tila ito'y galing sa Presidente ng Pilipinas o sa Santo Papa.

Punyetski. Network promo lang pala. Text A daw para sa ganitong ringtone, text B para sa true tone and so on. P25 per download. Ako pa gulangan niyo ha. Urur! Delete message. Stop alerts? P2.50 per sent yun a. Delete message.

Delete message icon lang ang laging nagagamit sa CP ko. Gayon man di ko pa rin iniisip na walang silbi ang gadget na ito sa akin dahil kahit papano ay meron naman. Inuubos ko na lang ang battery nito sa kakalaro ng paulit ulit na games para higitan ang sariling high score. O makinig ng ring tones para matulog. Napakalungkot ng buhay e, pina-hele ang sarili sa ring tone. Pasensiya na lumang model na kasi it
ong cellphone na ito. Nag e expire lang ang load ko na hindi ko man lang nagagamit. Minsan naka-unlimited na limang text lang ang na send. Dyahi rin kasi mag forward ng mga chain messages e. Na kapag di daw naipasa ay magbibigay ng sampung taon na bad luck. Namputa kung aanga-anga ka eh magpapaload ka pa at isesend mo yung mga cursed messages na yun. Tanga!

Ito na siguro ang bad luck.

Marahil sa tindi ng pagkakalugmok, boredom naeengganyo akong subukan ang ipinangangalandakang UZZAP sa TV. Aba'y ayos din naman. Nakakapag YM ako habang kumakain ng isaw sa kanto. Bigla, nag 360 degree turn ang aking text layp ng mga panahong iyon. Pati pag chat dito di ko na pinalampas.

Pero iba na  talaga mga chatrooms ngayon maging sa cellphone. Hindi pa ko nakakapag hi o hellow, gud am o wats up, care 2 chat at iba pang papansin na pagbato e, inuunahan kaagad nila ako ng ASL pls. O di kaya ay MMS pls. Ganun lang talaga siguro ano para madali. Madali mong masasala ang trip mong ka chat/txt base sa edad, kasarian, at lokasyon. At siyempre panlabas na anyo.

'Ang abnormal na si Simsimi'.

Mukang mas gaganahan pa ako maglaro ng paulit ulit na games ko. O makinig ng ringtones bago matulog.

Pinatulan ko nga din i-chat yung mokong na auto response robot ba yun o tao lang din na hindi ko nakikita na ginagago lang ako kapag nirereplayan ako. Sino nga yun....si Simsimi. Di ko rin minsan maiwasan na mapikon sa mokong na robot na yan. Malakas pa mang-asar sa akin e. Pero tinigilan ko rin ang kabaliwan sa pagkausap sa kanya. Olats ako e.

Pero minsan, isang araw.....

Akala ko napaka bastos ko nang tao. Kahit anong mahahalay na usapan sa chat kaya ko. Pero nung mag flash sa CP ko ang tanong na "malaki ba TT mo?".....

Log off.

May hiya pa pala ako. Wala naman talaga akong maisasagot dun e dahil HINDI KO NASUSUKAT. In inches ba? centimeter? dangkal? Sana mga wholesome na mga tanong na lang, maaaring masagot ko pa. Gaya ng "anong size ng paa u?"

Miyerkules, Marso 18, 2015

Hello Summer!

'At sadyang nabago lang nung dumating ang summer na kailangan ko nang magpa-tuli'.
Ngayon ko lang talaga napagtanto ito. Ang summer ay para lamang sa mga bata.

Ilang summer na ba ang aking pinalampas? Pinalampas na parang hindi ko man lang naramdaman ang init nito. Sa kabila ng walang tigil na pagpapawis ng aking kili-kili at walang humpay na paghuhubad slash pagbababad sa banyo araw-araw hindi ko maramdaman ang saya ng tag-init.

Nais kong magliwaliw. Bisitahin ang malalayong kamag-anak at kaibigan para malaman nilang buhay ako. Gusto ko magtampisaw sa batis doon sa probinsiya sa Bulacan, ibig ko rin kasing maranasan ang paglalaba with nature's touch. Mag-swimming at hanapin si Nemo sa pusod ng dagat. Mag-iistambay sa beach. Maglasingan. Magpa-cute.

Gusto kong ma enjoy ang summer. Sana. Ito ang pangalawang event na pinakagusto ko sa Planet Earth bukod pa sa Pasko. Ang lamig ng Kapaskuhan at ang lagkit ng tag-init.

Pero habang maraming bills ang dapat bayaran, ang aking mga paa ay nakatali sa mas mahahalay mahahalagang bagay.

Ibang iba noon, maniwala ka. Noong piso pa lamang ang pamasahe sa traysikel at  beinte singkong barya pa lamang ang stork at white rabbit. Ang summer ay parang isang malaking playground. Kung babalikan ko ang aking paslit life in slow motion hindi mawawala sa isip ko ang mga akyatan sa puno ng chico at bayabas, araw-araw pinipitasan ng bunga kahit wala nang hinog, ang mag tumbang-preso sa tindi ng sikat ng araw pagkatapos pananghalian, ang maghabulan, magtayaan sa hapon. At ang pinaka main event ay ang maglaro ng basketball with contruction kids bago lumubog ang araw. Marami pang exra curicullar activities gaya ng magtampisaw sa malaking palanggana sa puno ng tubig para kunyari nasa beach kami. Kahit nanggagalaiti na ang aking Lola dahil siya ang nagbabayad ng aming tubig sa Nawasa. Masaya din ang aming pag-galugad sa mga malalaking puno para maghanap ng gagambang aming pagsasabungin habang may dalang garapon at barbecue sticks. Ito ang mga nagbigay kasiyahan sa murang isip ko tuwing sasapit ang tag-araw.

At sadyang nagbago lamang nung dumating ang summer na kailangan ko nang magpatuli. At mula duon sa balat na tinanggal sa aking pfffftttt duon naiwan lahat ang kasiyahan ng aking tag-araw.

At simula nuon, ang aking summer ay puro na lang pagjaja pffffttttt at pagmamaktol. Sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon Happy Summer sa inyong lahat,  huwag muna kayong magpatuli.

Miyerkules, Marso 11, 2015

Sa Madaling-Araw

'Payapang feels only in the break of dawn'
Madaling-araw.

Kung meron lang oras sa isang buong araw mas gugustuhin ko ng gumising ng mas matagal ay sa madaling-araw. Tahimik at payapa. Ang tanging maririnig mo lang ay ang huni ng mga insekto sa bukid.Ang ugong ng elektrik fan na anumang oras ay puwede nanng bumigay hindi dahil sa sira o may dipirensiya sa kanyang piyesa ito ay dahil sa bigat ng alikabok sa bawat elisi. Wala pa ang potpot pandesal, mga taong nagwawalis sa kanyan kanyang harapan na bawat pag-isrongka ng walis ay may kasamang tsismis ang mga bruha. Nasanay na sila sa ganung gawi ang mag-almusal ng mga tsika. Buti madaling-araw at wala pa sila. Wala pa si mamang taho na bawat pagsambit ng kanyang nilalako ay may landi minsan magkasabay at may islang "Tah-heeeeeeeeeeeeew", minsan naman ay magkahiwalay "Taaahhhh-heeeeeeeewwww", loko ka alam ko minsan ginagaya mo yan titigil sa harapan ng bahay niyo sabay magtatago ka at alam mo naman sa sarili mo na hindi ka bibili. At sa madaling araw ay wala pa rin ang naglalako ng isda sa Barcelona High Street, wala pa si Manong na animo'y Pied Piper Hamelin, hindi daga ang sumusunod sa kanya kungdi pusa. Oo malalaman mong papalapit na siya sa inyong bahay dahil ilang bilang ng "meoooowwwww" ang maririnig mo kapag sumisigaw na siya "isdaaaaaaa" "isdaaaa kayo diyaaaaaan", "isda kayo dihaaaaaaaa". At lalong hindi ko pa maririnig sa umaga ang bell sa tindahan namen ng load, pagka't minsan nakakairita na, yung ibang tao eh akala mo laging emergency kung pumindot. Isang pindot lang eh mainam nang pantawag sa akin, kaso minsan eh akala mo may isusugod sa ICU kung magpipindot e. Kahit nakita ka na, na paparating ka na sa harapan ng tindahan eh, talaga nga namang hindi titigil ng pindot hanggang sa makarating ka sa harapan niya. Ganitong pupungas pungas pa ko e baka maibuga ko mainit na kape na nasa aking bibig. Sabay sorry nabilaukan ako e. 

Sa madaling-araw masarap gumising sapagkat kalmado pa ang utak mo, masarap magmuni-muni, magrelax at makinig ng banayad na lakas ng radyo. Walang katumbas mag-unat ng likod sa aming lumang tumba-tumba habang nakadekwatro at nagkakape. Nakakagaan din kadalasan ng pakiramdaman ang pagharap sa kompyuter sa oras ng madaling-araw sapagkat marami kang makikitang ka-dramahan, kaartehan, kalandian at kung anu-ano pang anik-anik na kung anong bumalandra sa utak ng ilan e isusulat o ipopost agad sa newsfeed mo sa Facebook. Isa pang masarap sa madaling-araw eh ang mag-unat,magpaputok ng mga buto sa daliri, sa paa, at sa leeg dahil nakakarelax habang tumatama ang swabeng lamig ng hangin sa bintana mo. Kayganda rin pagmasdan ang pag-ikot ng mundo sa aking bintana habang pumipindot sa keyboard at pinipilantik ang mouse sa kompyuter. May oras na titingin ka sa iyong bintana na unti-unti nang nagliliwanag at kusa na lang naglalaho ang mga bituin at buwan at dahan dahan na ang pagsilay ng bagong Araw, ang init na hatid ng bagong kinabukasan na nagdadala ng pag-asa sa bawat nilalang. Nakakaakit ang pagbukang liwayway, ang pag-aagaw ng liwanang at dilim sa kalangitan. At pagkatapos nito, tahimik na ang mga huni ng kuliglig sa bukid, at nariyan na sila....oo nariyan na ang mga lintek na maiingay na sisira ng katahimikan sa umaga. Pangunguhan ng mga walismosa, mga pusang gala, mamang taho, si potpot pandesal at kung sino-sino pa. Sige na at magaalasais na pala kailangan nang makipagsisiksikan sa bakery at bumili ng itlog, mantikilya at keso. Tapos na rin naman ang saglet na kapayapaan ko. Balik sa ingay, balik sa mundong totoo, balik sa riyalidad. Mamaya na lang ulet ng madaling-araw.....

Basta Blogger Sweet Lover

'Just write'
I've just read a hundred of blogs since the summer of 2013 & I noticed that most of the blogger are sweet lover not in terms of relationship but in many ways, they really love what they blog! Sometimes when I visited a site that was not written in English or in Tagalog let say in Mandarin or Korean I really don't understand what the blogger are trying to say but I enjoy looking at their photos. Being a blogger, there are a lot of interest to blog & most of them are in travel & food, emotional, dear hearts thing, the most common cheesy stuffs from Marcelo Santos shits, sports, humors and my specialty nostalgic things from the past. Some blogs are written in poems & sometimes those poems have double meaning hehe, but once you publish your blog into blogosphere it felt something good.

First, I blog because it was my trip then after few blogs & read some comments on it I enjoy & love to do it everyday. "Masarap yung feeling na nakakapagsulat ka ng gusto mo sabihin ng hindi ka nakakaapak ng ibang tao sa sinusulat sa halip naaappreciate pa ng iba". I am not really a writer nor a good story teller. It's a panggap thing, but I know I can and there's a wide room for improvement. I believe that I have the guts and talent to deliver one good story someday (in a book). I am actually writing down a concept, it was like a hero, a Filipino hero with powers and combat skills to fight against evil. More like Alexandra Trese but his powers are different, a mixture of jokes and laughter in the whole story. And our hero's name is Alak Gin Espiritu, the savior of the victims of the drunk people, fighting crimes with his unorthodox powers and the most hilarious thing is how do he get his name from his father Gilbeys Espiritu and Mother Martina Cuervo. Hopefully matapos ko siya. Hahaha! And I'm excited for this obra maestra.

Being a "sweet lover" was not only applied to the drivers (do you agree?) & the theme "basta driver sweet lover", it can apply to anyone! I have read a lot of sweet lover blogger story but again not those Marcelo Santos III shits. It's only kalandian and wala kang matututunan kundi kalandian.

Lunes, Marso 9, 2015

Love Bites: The Chikinini Man

'Kulang na lang maglagay ng blinking arrow na nakaturo sa chikinini nila sa leeg'
Akala ko hindi na ako istupid nung nanood ako ng Science of Stupid Things ni Ramon "Papi" Bautista. Pero akala ko lang pala. Eto at may chikinini na naman.

Sabi ko nga, kelan man hindi na ako magkakaroon ulit ng ganito. Nakakahiya. Nakakarimarim. Noong unang nagkaroon ako ng kissmark nahirapan akong itago. Walang naniwalang kagat lang ng lamok yung pulang mapa na nasa leeg ko. Halos hiramin ko yung neck brace ng matandang kapitbahay namin makaligtas lang sa kahihiyan.

Kaya't ayun, wala akong nagawa kundi itaas na lang ang aking kuwelyo na parang si Vlad Drakula. At habang itinatago ko ang pulang marka sa leeg, pulang pula naman ang mukha ko sa hiya.

Ewan ko nga sa iba at parang medalya kung i-display ang kissmark. Ipinagyayabang ata na active ang sexlayp nila. Kulang na lang maglagay ng blinking arrow na nakaturo sa tsikinini nila sa leeg. Malamang tirik mga mata niyan habang nangyayari ang paninipsip. Ang swerteng mga kumag.

Bad trip at nangyari uli yun ng minsang malasing ang kumag din na ito. Hindi ko nilagyan ng band aid dahil hindi magkasya halata pa rin. Hinayaan ko na lang at nag-astang mainit ang ulo. Pinanindigan ko na lang ang aking tsikinini at ipinahalata na nanggaling ako sa isang matinding gabi at puyat na puyat --kaya't wag na wag kayong magkakamaling mang-asar!


Epektib siya for five minutes. Limang minutong kapayapaan at walang asaran. After six minutes, nagtampal na ko ng salonpas sa aking leeg at sinabing nangangalay na ito kasi. Awts.

Super bad trip. Ayan ang mapa ng Somalia sa aking dibdib. Ang hilig ko pa naman maghubad ng T-shirt. Naisip ko agad pasuin ng yosi pero wag. Bakit kasi di agad ako kumalas nang me bampirang nagtangkang sipsipin ang aking puso. Bakit ako napapikit at nagpaubaya sa sandaling aliw. Bakit ang tanging namutawi sa aking labi ay....Syet, nag marka!
                                                                                    Parokya ni Edgar-"Chikinini
Istupidation!

Konswelo ko na lang hindi sa leeg. Hindi ko na kailangan mag isip ng palusot. Gaya ng allergy, birthmark, sunburn o galis. O nasobrahan sa pagkuskos ng libag kaya namula. Pero sa susunod kung trip lang din magpalagay ng chikinini, mainam na sa mas tagong parte ng katawan na lang. Sa puwit, sa singit, o talampakan. O sa ngala-ngala para di talaga mapuna.

Akala ko tapos na ang kali. Akala ko lang pala. Pero sa ngayon off limits na sa mga bampira. Kutis dugyot na nga ako mamarkahan niyo pa ng pula.

Hindi ako siopao. Hindi.

Huwebes, Marso 5, 2015

Trenta Plus: Feels so damn good

'If we had the confidence of our 30 year old selves and the body of our 20s, life would be more perfect!'
Di ako makapaniwala na dato, takot ako na magtrenta.

Noong teenager ako hanggang early 20's, ito yung pinakakinatatakutan ko, umabot sa edad na trenta.

Dati, feeling ko ang tanda tanda na ng mga taong nasa edad na 'to. Nakakadiri sila kasama. Hindi sila cool. Dasal kong taimtim na sana forever 20's na lang ako.

Almost three years agi, naging 30 na ko. Hindi ako nagcelebrate, dahil natatakot ako. Dumating na ang ika-tatlong dekada ng buhay ko. Pero imbes na madepress, nagulat ako, di ako sobrang na-disappoint.

At kahit lumipas na ang tatlong taon, mas natutuwa ako ngayon na nasa trenta na ako.

I love my thirties!!! Oh yeahhh!

Hindi ko alam kung bakit, pero masaya sa pakiramdam.

Wala na akong angst sa buhay.

At kahit medyo mataba ako ngayon, feeling ko, ngayon ako talaga pinakagwapo (kumulog, kumidlat).


'30s, oohhh hell yeaahhh!!!'


Mukang sa pag-trenta ko lang sang-ayon ang kalangitan at hindi sa huli kong sinabi. Biro lang po boss. Hindi na mauuulit.

Sabi nga nila, with age comes wisdom, at ngayon ko napapatunayan yan.

Hindi na ako nagpapakangarag sa mga simpleng bagay. Mas mataas na ang confidence ko, hindi dahil Rexona ang gamit ko sa kili-kili. Literal na confidence. May pera na ako.

May kalayaan gawin ang gusto. Sex life lang ang wala (chos!)

Kahit siguro single ako, masasabi kong I'm fine in  my 30's. Maaaring hindi kasing-saya, pero mahahanapan ng paraan yan.

Lahat naman 'to eh depende rin sa pananaw natin sa buhay. Pero marami akong kilala na katulad ko o mas matanda pa, na sobrang nag-eenjoy sa kanilang 30s. Tignan mo na lang si Mang Kanor mas matanda pa sa 30s pero sobrang nag-enjoy sa buhay, yun nga lang kung nasan man siya ngayon, nageenjoy pa rin kaya siya?

Sabi ko nga, if we had the confidence of our 30-year old selves and the body of our 20's, life would be more perfect. Pero.....nagagawan yan ng paraan!!! Basta.






Miyerkules, Marso 4, 2015

Bull Crap

'The Alak hours'
Ang hirap pala kapag ganitong lasing ka, ang dami mong gustong sabihin.

At sa dami mong gustong sabihin e nagpapakalasing ka. Pasensiya na kayo. Ang gusto ko lang talaga ngayon. Kasi alam mo yun, masay aka ngayon tapos sa isang iglap malungkot ka. Masayang malungkot. Malungkot na masaya.

Parang ganito, masaya ka dahil virgin ka pa. Pero malungkot ka dahil virgin ka pa. Hindi ko sinasabing wala akong karanasan. Alam kong walang maniniwala pag sinabi kong di pa ako nahahalay. Isang halimbawa lang.

Parang nasagasaan ka ng isang ambulansiyang tinawag para tulungan ka. Ganun kagulo. Gets mo? Masaya dahil may ambulansiya. Malungkot dahil nasagasaan ka.

Parang ang giyera ng gobyerno at MILF. Makikidigma ka para makamit ang tinatamong kapayapaan. Magpapatayan para ang iba naman ay mabuhay. Ganun lang talaga siguro.

Parang isang Olympic swimmer na nalulunod. O isang istasyon ng bumbero na nasusunog. Puta. Gets mo ba? Pasensiya na po. Di ko din ma gets ang mga linya ko ngayong gabing ito. Parang isang matabang nutritionist. O isang underground pop artist.

Pero eto talaga ang tinutumbok ng kagaguhan ko sa mga oras na ito. Nakilala ko na ang taong magpapasaya sa buhay ko. Pero kasabay nun nakilala ko din ang taong nagmamay-ari sa kanya....

Ang saya di ba? Isang tagay pa nga.....

Martes, Marso 3, 2015

It's Shower Time

'Meron din akong sikreto sa banyo, na malamang ay sikreto din ng iba'.
Eto at sasabihin ko na kung bakit matagal ako sa loob ng banyo. Usapang shower tayo dahil sobrang init na ng panahon at minsan ko lang nakita sa buong season ng The Walking Dead na naligo si Rick Grimes at nag-ahit ng mala James Harden na balbas. At dahil din dito nainspired na rin ako maligo araw-araw.

Ang totoo niyan maging ako ay napa isip din kung ano ang dahilan at bakit ako natatagalan. Hindi ko naman ugali ang magbasa ng diyaryo na may nakaipit na porno habang naka upo sa kubeta. Hindi rin ako nagyoyosi. At lalong hindi rin ako nagsasalsal...

Ang unang ginagawa ko sa loob ng banyo matapos maghubad ay manalamin at hangaan ang dapat hangaan ang Planetang Jupiter habang kinakamot ang puwit. Mga ten seconds yan. Tapos mag-iisip ako ng kakantahin habang nagbubuhos ng isang tabong tubig. Ginagawa ko yan para hindi ko masyado maramdaman ang lamig lalo na kapag ang pasok mo sa trabaho eh madaling-araw. Nitong mga nakaraang araw dalawang kanta lang ang sumasagi sa aking isip. Ang "Baby" ni Justin Bieber at "Malayo pa ang Umaga" ni Dodong Cruz.

Dati habangnagsa-shampoo ako, pinapatayo ko ang aking buhok kahit Keempee ang style neto, yun bang parang mohawk. Parang Mr. T. Ngayon hindi ko na magawa. Kumokonti na lang kasi ang buhok ko.

Ginugugol ko ang pinakamahabang oras ng aking paliligo hindi sa pagsasabon sa mga mabuhok na parte ng aking katawan. Kundi naman sa paglalaro. Opo, naglalaro kami ng alaga kong Aspin habang pinapaliguan ko din ito. Naglalaro kami ng rubber duckie. Pinapatunog ko si rubber duckie habang nginangatngat niya ang rubber. Iisa shampoo namin. Magkaiba ng sabon. Kailangan daw kasi masaya ang atmosphere sa banyo para hindi matakot sa tubig ang aso. Kaya yun, kapag nawala, kadalasan sa dagat namin nahahanap. Lumalangoy. Nanghahabol ng mga salbabidang hugis pato.

Marami rin naglalaro sa aking makitid na isip kapag nasa loob ng CR. Nakasanayan ko na kasing dito gawin ang mga matinding pagninilay-nilay sa mga seryosong bagay. Gaya ng kung ano ang mas masakit. Ang ma-reject o mag let-go. Tatanggalin ko din ba ang wang-wang kung meron akong sasakyan? Kelan ko kaya matatapos ang survival sa Plants vs. Zombies. Puta 2015 na di pa rin ako natatapos.

Meron din akong sikreto sa banyo na malamang e sikreto din ng iba. Dito ko pinapakawalan ang pinakamalakas kong utot. Mas malakas pa sa bomba na inihulog sa Hiroshima at Nagasaki. No holds barred ika nga. Pero napansin ko lang na parang mas mabantot ang utot sa loob ng CR kumpara sa ordinaryong utot. Siguro dahil kapag naka pantalon tayo nata trap ang ibang utot sa damit kaya konti ang sangsang na naaamoy natin. Ayan sinagot ko sariling tanong.

Kalimitan sinasabay ko rin sa aking paliligo ang pag wiwi. Sabi nila mali daw yun? Pero ansarap kaya umihi na walang pinupuntirya.

Ginagamitan niyo ba ng shampoo ang magagaspang na buhok sa puwit o sabon lang?

Minsan me nakasama ako maligo. Masarap pala. Me maghihilod ng iyong likod. Hagod ng langit. Me naglilinis ng iyong pusod. Kiliti ng paraiso. etc. Iyon na ata ang pinaka matagal kong oras sa paliligo. (Hindi ko isinasama ang aso sa paliligo sa ganyang pagkakataon.)

At ang huli kong ginagawa sa banyo bago lumabas ay manalamin at hangaan ang aking Planetang Jupiter. Basta....