Huwebes, Agosto 18, 2016

The XXXVI year of Existence



'The older  you get, the better you get unless  you are a banana


To the tune of "sa tuwing sasapit ang pasko"

Sa tuwing sasapit ang birthday ko, na-mi-miligro ang pera ko, sa mga udyok ng tropa ko.....

Eto na naman, sadyang kaybilis ng araw parang kelan lang yung debut ko, ngayon debut ko na naman? Walastik talaga. Parang idinidiin  talaga ng kalendaryo na wala ka na sa mga numero niya. Up we go to the second level counting the numbers of your age na pabiro. "Ayan nasa lotto stage ka na, final stage na ba ng bilangan yan?" Aabot ba ko hanggang 72? Naman! Ano pagkatapos ng Lotto? ano pa-ending sa basketball na ang bilangan? Hanggang 99? Lekat na  yan ayoko nang umangat pa sa rurok ng numerong yan.

Ayoko tumanda, okay na ko umabot sa senior age na 60 para naman makabawi ako sa mga tsuper ng jeep at magkaron ng discount ang pamasahe, pumila sa mga senior priority lane lalo na sa mga grocery store, restaurant at Mercury drugs.

Parang kelan ko lang nalasap ang kauna-unahang tinapay na matamis at may isang kandila pa lang sa ibabaw ng tinapay na  yun. Ni-hindi ko pa nga alam ang ibig sabihin nun. Ang tanong ko sa sarili ko bakit ang daming pagkain? may spaghetti, pansit, iba't-ibang putahe ng ulam, ice cream, hotdog on sticks at kung anu ano pa. Huling kaen ko na ba? aba 1 year old pa lang po ako. Bakit may kandila sa cake? bakit nila sinindihan yung kandila sa ibabaw tinapay? hindi pa ba luto, susunugin pa ba nila at itutustado? Tsaka nagulat ako dahil bakit nila ko binibilangan ng hanggang tatlo at hihipan ko daw yung kandila? Anong ritwal ito? May lahi  ba kaming bruha?

Pero nang lumaon pa ang mga panahon ay dun natin naiintindihan ang lahat ng bagay na hndi natin maitanto sa ating isipan noong tayo'y mga uhugin pa. Di ko pala dapat ikabahala ang ganung araw sa halip ay mas lalo ko ito dapat gustuhin. Sino ba namang hihindi sa dami ng iyong regalong natatanggap, pagkain, pera at kung anu ano pang sayang taglay s atuwing magbibirthday tayo.

Lahat din naman yan nababago na naman habang tumatanda rin tayo, kung ano yung mga kasiyahan noong bata ka unti unti ring naglalaho habang pawala na ang numero natin sa kalendaryo. Kumukonte ang excitement habang pakulot ng pakulot ang mga pubic hair natin. Kahapon lamang ngumangawa pa ako sa crib at idinuduyan habang kinakantahan, ngayon kumikirot na ang tuhod ko. Kamakailan lang isa pa lang ang kandila ko sa keyk ngayon wala nang mapaglagyan.

Pag-akyat ng Agosto ito na yung mga oras na sumasakit na yung ulo ko, sa buwan na ito ang tanging laman ng isipan ko ay blade, oo yung talas ng ahit pogi hindi dahil gusto kong mag ahit ng kilay kundi dahil gusto ko maglaslas sa leeg, o di kaya ay mag Russian roulette, o tumalon na lang sa ilog banda rito sa Imus sa tabi ng Jackie Roll nightclub. Ayaw ko ng mga masasarap na pagkain, ayoko ng birthday cake, ice cream kahit pa 3 in 1+1 lang ayoko! Ayaw ko ng karbonara, ham, bacon, burger, all kinds of pansit, lasagna etcetera! etcetera! At pinaka ayaw ko ang spaghetti lalo na yung mga kumain ng spaghetti with rice. Yan yung mga carbo-fueled humans. 

Lenny Kravitz - Happy Birthday! \m/


Pinanggigilan ko rin yung mga kumakanta sa akin ng Happy Birthday, nakakapanting ng tenga. Iba ang dating sa akin kapag kinakantahan ako. Gusto ko talaga pasakan na lang ng bulak ang tenga ko kung ayaw nila magpapigil. Pero kung kantahan man nila ako ngingitian ko lang sila, hindi ako magpapasalamat at  tatango lang ako. 

Ayaw ko ng mga mascot, huwag na huwag niyong ihaharap sa akin si Jollibee at baka masipa ko lang siya at itanong sa mascot pagkatapos kong sipain kung bida pa rin ang saya. Yung mga boyoyong clowns nung kabataan ko nagmistulang nightmare lang sa akin ang mga yan. Pestelens!

Minsan ko nang sinabi toh tohl, dapat talaga Happy Death Day to you, bakit hindi? eh habang nadadagdagan ang edad mo eh lalo kang pinupush sa hukay, hindi ka man matodas sa sakuna, sa galet  ng Inang Kalikasan, murder o mapagbintangang adik at ma-cardboard o kung ano man, sa katandaan ka naman matetegibells. Achieve! EDAD in Tagalog jumbled  the words in english is DEAD. Hihirit ka pa? Kaya batiin niyo na lang ako ng Happy Death day to you mas maginhawa sa pakiramdam.

Pero balik na tayo sa katinuang usapan, birthday ko na naman? oo birthday ko nga eh, ano ngayon? Siyempre beer day na yan (teka lang, pang shoktong lang ang meron ako e) Pero kung wala ka talagang pang serbesa, ayos na yung magpasalamat dahil ilang na ang nilagi mo sa mundo. Oo pasalamat na ko sa 30ish kong existence sa mundong ito. Andito pa rin buhay pa rin kahit na alam ko naman sa sarili ko na medjo nagjoke si Lord sa puso ko. Hindi dahil broken hearted ako kundi dahil physically kinurot niya ang puso ko kaya di ako minsan makahinga para siguro dumisiplina. Di na raw kasi ako pisikali fit. Nilamon na ang sistema ko ng extra rice at softdrinks at mapangahas na mga pagkain. Joke talaga eh dahil noong araw pa ng mga puso ako tinamaan. Maraming bagay ang nahinto, nabago ang ikot ng buhay pero ang mahalag nag eexist pa rin ako at nakikijive sa mga jokes ngayong 2016. Either may natitira pa akong misyon sa buhay kaya dapat maging maalaga at maingat lalo na sa pag-ibig. Iba yung tibok ng sakit sa puso at iba rin yung tibok ng sinaktan ka sa puso mas mapanganib ata yun. 

Gusto ko ay simpleng pamamaraan lamang, kaunting handa, magsimba at magtirik ng kandila at magpasalamat sa lahat  ng biyayang natatanggap sa loob ng kung ilang taon ka nang nabubuhay sa mundo. Hindi ko kailangan ng magarang damit, maraming pagkain na kapag hindi naubos ay itatapon at itatambak na lamang sa basura o di kaya ay makatanggap ng mamahaling regalo. Kung regalo man yan ay mapalad na akong mayroong erpats at ermats na nagturo sa aking ng pinakamamahaling regalo na hindi matutumbasan ng kung ano man. Ang mga gintong-aral na mas gold  pa sa Gold Extreme at Global Intergold na mga lecheng networking na yan. Hindi ko naman sinasabi na perpekto akong matino, pero sapat na sa aking ang mga tools ng kagandahang aral  na iniwan ni erpats para ako'y hindi maging salot ng lipunan.

Pero eto na nga, meron lamang sapat na handa, wala akong programa para ipagdiwang ang birthday  ko. Ganon pa man, kahit siguro sa pinaka-payak na dahilan ay naging makabuluhan ang araw na ito para sa akin. Naging masaya ang aking kaarawan dahil sa mga bumati sa akin sa pamamagitan ng text, tawag, comment sa blog, twitter at syempre sa facebook. Nakakatuwa lang dahil kahit mga hindi ko personal na kilala ay bumati rin. At nagpapasalamat ako sa mga kontribusyon nila para maipalaganap ko ang blog na ito.

Nakakakilig din naman kasi yung may mga bumabati sayo, dahil kahit gaano sila ka busy eh napapahalagahan ka nila sa unting segundong ilalaan nila para magsulat at batiin ka. Napakasimpleng bagay pero para sayo naguumapaw  na yun sa tuwa. Bakit naman hindi? eh siyempre alam mong may mga nagpapahalaga at nagmamahal sayo. Kaya ikaw kapag walang nakaalala sa araw ng kaarawan mo, mabahala ka na. Ako siguro kahit ang alam ko lang sabihin sa araw-araw ay "para", "oo", "hindi", "kumain ka na?", "punyeta", "gutom na ko" eh marami pa rin akong kaibigan. Kahit hindi ko kayo nakaka-ututang dila sa araw-araw alam kong mahalaga kayo sa akin at tunay din naman akong kaibigan sa inyo.

Iba rin kasi minsan yung mga nagigreet sa'yo, hindi mo mga personal na kilala pero nagagantimpalaan ka ng oras at napapagbigyan ka nila. Lalo  na nung batiin ka ng idol mong pornstar. Hahahaha! 

Mga simple lang din naman sila:

MIRI - tropang Latina sa twitter <3 font="">
Ma'm Saab Magalona <3 font="">
yung i-greet ka ni idol Rizza Diaz <3 font="">
si Ma'm Natasha Alquiros  ng Malditas Football Team <3 font="">
A Greetings from Japan,  salamat sekai! 

LELU LOVE - Idol ko yan tohl! Punta ka sa lelulove.com =)))



Maraming salamat din sa pagbati mga mars, mga bestikels, mga tooohl, mga bayaw!

Ms. Rizza Diaz

OM Lana

Jan Ishmael Domingo

Marla Rodriguez Coching

Maan Soriano

Krizelle SanDiego Ramos

Honey Gi

Dih Ambagan

Sarah Jane Tabing

Jessie Castillo Garcia

Jei Valgius

Mia Joy Mamon

Bent Zaiz

Ghie Martin Nabas

Khena Jen Abella

Kim Pena

Ma Fides Maqui

Lalah Joy Mussa

Anne De Castro

Jinky Jarin

Edward Bautista

Mark Garcia

Apolloktuz Dokimazo

Aron Hinanay

TL Shei Carena

Laaureen Leii

Criselda David

Jorene Abagon

Jingky Arucan

Jacqueline Gayoso

Jhoan Santarin

Kyle Cristobal

Katrina Nina Yap

Janine Roman Enriquez

Angel Samorin

Khae Jarin

Kelvin Rosete

Efrel

Rui Cero

Kat Bianca Gabao

Zthefie Reyes Garcia

Harold Aquino

Epeng Bugna

Cathleen De Ere

Jhoan Tagubader

Jose Villacorta

Joyce Santiago

Leo Lester Nato

Sir Marvin Carandang

Princess Danna

Kayen Delos Santos Apalit

Clarise Punzalan

Risse Molo

Camille Villanueva

Rachel Claveria Sanchez

Eljhay Escano

Charlyn Apolinar

Ericson Julian

John Carlo Amparo

Gerald Sasis

Conrad Miane

Jan Fernan Banogon

Elvin Manuel

Abigail Abadies

Belard Sanchez

Eros Azrael

Jose Cesista

Tom Cabal

Rine Kalinga

Angelica Tibayan

Whena Caimol

Marianne Azalea Creencia

Queen Bianca

Jhay em alonzo

Adrian Dadap

Geraldine Escario

Ellai Dela Cruz-Atienza

Francis Saria

Lin Improso Saballo

Denz Villarosa

Kathleen Sheree Lardizabal-Marzan

Mary Gracr

Philip Emmanuel Abrazado

Donna

Joy Nino

Sir Romeo Parcero

Raine Ambre

Nadine Kristine

Abegail Manalastas

Alyssa De Guzman

Stephanie Vore

Jhem Abanilla

Jaq Clement

Celine Jasmine Ohoy

Mommy Cai

Insan Aries 

Alyssa Kristie Roperez

Freilla Gonzales

Genieve Austine Telmo

Maria Fe Butingan

Janelle Iris Dreu

Tonee Robles

Dexter Ropeta

Alyssa Delos Santos


Birthday mo na naman… oo, birthday ko nga, e ano ngayon? E di mag-happy-happy tayo. Hahaha!





































































Walang komento:

Mag-post ng isang Komento