Pages

Lunes, Agosto 26, 2019

School Memories: RECESS!!

'Ganitong-ganito ang lunchbox ko noong Kinder ee'


Best childhood memories sa eskuwelahan ang Recess ee.

Riiiinngggg! Recess na! Handa ko na nang buksan ang baunan kong nakalagay sa likod ng klasrum.

Come again, what's your favorite subject? "Recess!" - Exactly. Imposibleng hindi mo jinojoke yan nung bata ka.

Kasama ang lunch time at uwian, recess ang isa sa mga pinakapaboritong timesot sa araw ng mga batang mag-aaral. Nung mas bata-bata pa nga tayo wala pang lunch time ee, kase half-day lang naman tayo nun.m Pagtunog ng bell e dalidaling lalabas ang mga chikiting para pumila at pumunta sa CR (hands at the back!). Pagbalik sa klasrum e kanya-kanyan ang bukas ng mgabaunan nila. Napapaalala rin tayo nito na hindi lang puro aral sa skul. Pwede rin palang kumain. At maglaro.
.
Kulay red ang baunan ko nun na may tatak ng KitKat ibinili ako ng tatay ko niyan sa Saudi pagkauwi niya dito sa Pilipinas. Actually may laman talagang Kitkat ang lunch box na yun ang ginawa ko na ngang baunan noong pasukan na sa eskuwela. Parang attache case na maliit ang itsura at may bukasan sa ilalim ng hawakan. Ang kadalasang laman? Choco wafer o di kaya Hansel. Minsan e Rebisco. E hindi ko naman talaga paborito 'yung mga yun kaya binibigay ko rin sa mga kaklase ko, hirap ubusin e. At tsaka yung Hansel masarap siya kaso lagi akong nabubulunan eh mahaba lagi ang pila sa drinking fountain ee.

Ang all occassion na juice drink. Ang Zest-O

Hansel Mocha flavoured biscuits

The Nostalgic Chocolate Wafer

Kapag maganda ang itsura ng baunan ng kaklase ko, naisip kong masarap na rin ang laman nun. Kaya tuwing recess e nagiinspeksiyon ako ng mga lunch box dahil panigurado e may ilan sa kanilang masarap na pagkain talaga ang laman.

Knick-knacks. Marie. Mr Chips. Orange (jelly) candy. Roller Coaster. Magnolia Chocolait. Zest-O. Snacku. Oishi. 'Yan ang roster ng masasarap at panlabang baon. Hi-C orange flavor at Choco wafer ang gusto kong kombinasyon. Tangina ang sarap!

Alam ko hindi ito ang old Hi-C tetrapack

Isa sa pinaka masarap kaya ang hirap mamigay kasi minsan yung buo-buo ang kinukuha nila. Lugi ka.

Chocolate na orange?! Eeewww!


Kinse minutos lang ang recess namin noon. Pero parang ang dami nang pwedeng gawin - makipagkuwentuhan tungkol sa Regal Presents kagabi, maglaro ng teks at jackstone, tapusin ang nabiting pagdrodrowing sa likod ng notebook, o pumunta sa cancteen para bumili ng Lipps candy. Minsan naman, bibili ako ng sorbetes sa labas ng skul pero hindi rin matutuloy dahil bawal daw lumabas sabi ng guwardiya.

Pagdating ng high school ang lunch time naman ay isang oras na at mas maraming puwedeng gawin. Naaalala ko pa ang mga tinda noon sa canteen. Mga panahon na ito ay hindi na ako gaanong nagbabaon dahil hindi na rin ako nagbitbit ng lunch box at Coleman. Pero ang sarap naman din ng mga luto sa canteen pero kailangan mo na pumila para bumili ng uulamin mo. Karaniwang nakalagay sa styropor ang kanin may mga naka display na tray at iba't-ibang ulam para sa mga gustong magmeryenda lang ay meron din katulad ng spaghetti, pansit, turon at kung anu-ano pa. Pero ang hindi ko makakalimutang ulam at nasa alaala ko pa rin ay yung corned beef na may sabaw. Napakasarap at bibili na lang ako ng isa pang ulam na hotdog ay busog ka na sa halagang P25 bilang student meal.

Shet na malagket, ganitong-ganito yung lunch box ko noon.

Feeling nostalgic? eto ang usong-uso noon na inuman wala pang tumbler tumbler.

Year of the Tupperware! Baunan ng dekada nobenta kids. Pag winala mo yari ka may batok ka sa nanay mo koleksiyon niya yan ee.


Yung iba ko namang mga kaklase ay iba ang trip. Mas gusto nilang maglaro tuwing recess. Nariyan ang larong block 1-2-3 sa ilalim ng kasikatan ng araw, black magic (yung sipa), pero ang karamihan ay kuwentuhan at tsikahan ang trip, ang mga babae naman ay bitbit ang kanilang mga pocket books. Hindi pa kasi uso ang cell phone noon eh. Simple lang at kanya-kanya ang trip kaya ang lahat ay nakakapag-usap pa sa isa't-isa. Ang hindi mo lang makakausap noon ay yung may mga reporting pagkatapos ng recess dahil panigurado ay nag-aayos yun ng kanyang mga visual aids na ididikit sa blackboard.

Balik tayo sa baon at pagkain. Minsan ang baon ko naman na kombinasyon eh Zest-O at Hansel. Masarap ang Hansel eh malambot ang biskwit niya na pagkasubo mo pa lang parang natutunaw na sa laway mo. Bad trip ako kapag Chokies na orange yung filling ang baon ko. Tsokolate yung biskwit tapos orange flavor yung filling?! Puchang kombinasyon yan! Pero sumikat pa rin talaga eh. Mas lalo akong naloka nung lumabas yung mint flavor filling nitong biskwit na toh.  Inggit rin talaga ko sa mga kaklase kong may baon na chocolait. Dabest na inumin yun eh! Pero bihirangbihira lang akong makapagbaon nun kasi mahal eh hindi tulad ng Zesto.

Minsan nagbaon ako ng kanin at klasik na klasik na square tupperware lang baunan ko nun. Walang special compartment ng kutsara't tinidor o divider sa loob para sa ulam at kanin. Lagay ang kanin at ipatong ang ulam sa kanin tapos. Kaya naeelibs ako sa mga kaklase kong kakaiba ang baunan. lalo na nung una kong nakita ang tatlong magkakapatong na stainless steel na bilog na baunan ng kaklase ko. "Lupet ng baunan nun ah!", "parang spaceship", ang sabi ko sa sarili ko. At pwede pa 'tong i-adjust, puwedeng dalawang palapag lang ang gamitin mo depende sa dami ng pagkain na ibabaon mo. Gustong-gusto ko magkaroon nun ngunit hindi nangyari. Kaya kapag tapos na ang kaklase ko kumain, sasabihin ko na ako na magbubuo ng baunan niya. Pagpapatung-patungin ko na at sabay klak! Naka-lock na ang magkakapatong na baunan.

Palipas oras tuwing recess!

Tanya Markova - Disney

Pagkatapos naman kumain syempre ano pa ba? It's playtime! Mataya-taya, batobatopiks, taguan, dampa at iba pa. Meron pa nga noon na may mga nagdadala ng mga panabong na gagamba at nasa sisidlan pang mga kahon ng Bueno na posporo. Nagkukumpulan pa yan sila na para talagang nasa sabong ng manok. Eh kaso ayun napaka-ingay nahuli ng isang guro at pinadala sila sa principal's office.

Yung mga playtime minutes na yan siguradong pagbalik niyo sa klasrum eh pawis na pawis kayo. Yung mga nerd at mama's boy lang ang mga fresh na fresh pa rin. Hindi naman kasi sila sumasali at nakaupo lang sa canteen. Siyempre isa ko sa mga nagpapacool na nagbubukas ng polo kapag naglalaro. Kitang-kita yung naka tack in kong sando sa seksi kong shorts pero maangas ang dating nun dati. May mga goma rin akong bracelet panlaban sa dampa. 'Yung dala kong panyo nun ee basang-basa na at pag pinahid mo pa sa balat mo eh mababasa lang ulit ng pawis na nasa panyo. Yun ang masarap paikutin at ipampitik sa mga kaklase mo. Solid yun kasi basa na ee. Lalagitik talaga yung dulo ng panyo mo sa balat ng kaklase mo. Maraming umiyak at nagsumbong sa titser dahil diyan.

10-20! Experts ang mga girls dito.


Hindi rin naman ganung nagpapahuli ang mga babae dahil kanya-kanyang dala rin ng chinese garter yang mgayan. Pagalingan sa 10-20 yang mga yan. At kapag mataas na ang garter eh naglalabasan na ang mga panty nilang pink o yellow. Palaging yun naman ang kulay ng panty nila dati ee. Syempre makikiepal rin kami sa laro at bigla na lang kaming tatalon talon sa chinese garter nila at kunwaring magteten-twenty rin pero mang-aasar lang.

"Please fall in line! Find your height!"

Oops sige tapos na ang recess nagtatawag na si titser. Sarado ko na rin ang polo ko.

Nagtanong ako at nagpa-survey sa ating mga co-millennial kids kung natatandaan pa ba nila ang kanilang mga binabaon noong sila'y nasa elementary at high school pa at ito ang kanilang mga tugon. Maraming salamat din po sa inyong mga responses:









Linggo, Agosto 18, 2019

730 Days to Kwarenta: A Melodramatic Story ng Isang Birthday boy

'Hooray to the XXXVIII of existence!'


Mula sa araw na ito ay tatanda na naman ang ipinanganak noong Agosto, 1981. Eh ganun talaga eh hindi naman kasi tayo mga immortal na hindi tayo mag-aalala, hindi tayo magsasawalang bahala na madadagdagan na naman pala ang edad natin. Sabi ko nga noon sa isa kong blogpost EDAD = DEAD. Darating din talaga ang araw na yan ee at lahat naman tayo ay yan ang patutunguhan "una-unahan" lang ika nga. Ngunit wala pa talagang nakakaalam kahit sinong genius na scientist kung saan nga ba tayo patutungo pagkatapos ng ating huling hininga. Ayun ang kagandahan ng kamatayan.  SURPRISING!!

Teka lang ha, bakit nga ba kasalungat ng ikinikwento ko ang dapat na sentro ng paksa ng blogisode na ito. Dapat nga pala eh "Birth" day ang ibinibida ko dito. Sorry na at naging masyado lang akong ma-emosyon nitong nagdaang taon ng 2018. Ibinalot ako na parang tinapa ng kalungkutan at pag-aalala sa sarili. Marahil nga ay nagkaroon ako ng isang pang born day at yan ay noong ika - 29 ng January. Bakit kamo? hindi dahil sa literal na ipinanganak akong muli, pero wish ko lang talaga na mayroong restart button ang buhay natin lahat dito sa mundo yung tipong kapag napapagod ka na, yung tipong masyadong ka nang naiistress ay may panic button na lalabas sa pusod mo para mag-umpisa ulit ang buhay mo at maging sanggol ka ulit na ngumangawa habang inilalabas ka ulit sa puwerta ng iyong Nanay.

Gumagawa ako lagi dito sa aking blog taon-taon ng aking isinusulat para sa aking kaarawan. Kasama na rin dito ang pagpapasalamat sa Diyos na lumikha. Sa aking pamilya, mga mahal sa buhay at mga kaibigan bilang pagbati nila sa aking kaarawan. Iba pa rin kasi yung pagbibigay ng pagpapahalaga sayo na bigyan ka ng maikling oras para batiin ka nila kahit wala kang matanggap na regalo (parinig) basta maalala lang nila na yun ang araw ng iyong kapanganakan ay okay na at buo na ang araw mo dahil hindi ka nila nakalimutan lingid sa busy sila sa kani-kanilang buhay ay naisingit ka nila sa kaunting oras upang ikaw ay maalala.

Bukod sa mga nagawa kong post noon tungkol sa aking born day https://ubasnamaycyanide.blogspot.com/2015/08/bday-feels-isang-pasasalamat.html ; https://ubasnamaycyanide.blogspot.com/2018/09/manigong-bagong-edad.html ; https://ubasnamaycyanide.blogspot.com/2016/08/the-xxxvi-year-of-existence.html ay marahil itong taon ngayon ang mas higit kong bigyang pasasalamat sa ating Panginoong Diyos. Kung hindi dahil sa kanya ang ipinagdiriwang ko siguro ngayon ay mananatili na lang na masasayang alaala niyo sa akin.


We're getting old now🎶

Pero bakit ba ang drama ko masyado?

Hindi naman, siguro ay nagiging masyado lang akong naging ma-emosyon dahil na rin sa mga nangyari sa aking buhay nitong mga nagdaang taon. My misery started last 3 years ago when I was diagnosed with coronary artery heart disease/heart failure/diabetes. It was scary as hell. Kung baga sa liriko sa isang kanta, "Because of you, my life has changed.....". Pero since noong unang nagparamdam ang mga sintomas na ito ay hindi ko masyadong inalintana ang mga nararamdaman ko at tuloy pa rin ako sa mga pagkain na hindi magaganda sa katawan yung mga pagkaing bawal na kainin dahil sa kondisyon mo. Bakit hindi eh ang sarap-sarap ng sisig, porkchop, french fries at iba pang pagkaing mamantika at sasabayan mo pa ng panghimagas na matatamis sabay lagok ng nag-uumapaw sa yelo kong softdrinks. Hindi ko alam na humihiyaw na pala ang katawan ko ngunit hindi ko siya pinakinggan samahan mo pa ng stress at pressure sa trabaho, more pressure dahil walang natitira sa suweldo mo at kung anu-ano pang hindi magagandang kaganapan sa buhay. Kumbaga sa proyekto ni Pangulong Duterte na Build, Build, Build ganyan na nga ang nangyari sa akin build, build, build din ang kolesterol sa aking katawan at tumaas din ang aking presyon. Noong nakaramdam na ako ng hindi maganda ay dito ko na naging kaibigan sila WebMD, Healthline, Mayo Clinic at iba't-iba pang sites para iresearch ko ang mga teknikal na salitang nakapaloob sa aking mga nararamdaman.

Halos tatlong taon din ang mga naranasan kong hindi kanais-nais sa aking sistema. Pero pasalamat pa rin ako sa Diyos dahil nandito pa rin at umaasang maging maayos na ang kondisyon at makarecover na sana ng tuluyan. Pasalamat na rin dahil bukod sa kondisyon na ito ay kinaya ko pang makapagtrabaho ng dalawang taon pasan ang aking mga nararamdaman. Minsan ay naiiyak ka na lang sa mga paghihirap na nararanasan mo araw-araw dahil kailangang magtrabaho kahit masama ang pakiramdam. May mga bagay na gusto mong gawin ngunit hindi mo na kayang gawin. Gusto mong tumulong sa mga gawaing-bahay ngunit hindi mo kayang kumilos o kung may kailangang buhatin. Tanda ko pa ang mga bagay na katulad ng hirap sa pag-akyat sa hagdanan nung ako'y nasa trabaho pa dahil naka-assign pa ako noon sa building kung saan ako nagtatrabaho bilang call center representative na wala pang elevator. Pagka-akyat pa lamang sa 2nd floor ay tagaktak na ang pawis mo at nanlalamig na ang katawan, ganito ang sintomas nito kasama ng pagsakit ng dibdib na may kasamang hingal. Napakahirap talagang magkasakit at ngayon ko pinagsisihan ang mga bagay na hindi ko dapat ipinasok sa aking sistema. Ang mga pagkaing masasarap na unti-unti naman uubos sayong lakas pagdating ng panahon na sila naman ang maniningil. Naniniwala ako ngayon na okay lang na kumain ka ng kumain hanggang bata ka pero pagdating ng edad na 25 ay sisimulan mo nang tigilan ang hindi masusustansiyang, mga mamantika't, matatamis na pagkain kasama na dito ang yosi at alak. Partida pa dahil wala akong bisyo pero ang ikinalulungkot ko ay mayroon sa pamilya ang may lahing diabetes bukod pa ay na-trace na lalaki lahat ang tinatamaan nito sa amin. Sad to say that my father died because of diabetes complications. Ang hilig din kasi noon sa softdrinks at kapag umuuwi siya lagi galing sa abroad eh ako ang taga-bili niya ng Diet Coke 1.5 at ako naman si mokong na tuwang-tuwa lalagyan ko pa yan ng malamig na malamig na yelo at papakinggan ko pa yung tunog ng bula. Habang ang laging ulam namin noon nung bata eh laging pinirito gaya ng hotdog, ham, bacon, lumpia. Talaga nga namang may patutunguhan di ba? Kung magsasabaw laging maalat na sabaw gaya ng noodles. Masaya ang buhay pagkain mo noon ngayon magdusa ka ang sabi sa akin ng mga gulay at prutas.

Hindi ko ikakaila na kinain rin ako ng anxiety at depression ngunit sa gitna nito ay hindi ako nagpapatinag sa pananampalataya ko. Buong puso akong nagpapasalamat sa pangalawang buhay na ibinigay ng Maykapal.

2018 is my worst year dito ko naranasan ang kinatatakutan ko sa sakit na ito. May mga petsa tayo sa ating buhay na hinding hindi natin makakalimutan maganda man o hindi kagandahan ang nangyari sa atin. Madaling-araw ng Mayo 19, 2018, sinubukan ang aking katatagan. Kauuwi lang galing trabaho ngunit bago ako matulog ng bandang alas tres ng madaling-araw ay nangyari ang pagsubok sa akin na hinding hindi ko makakalimutan. Nanikip ang dibdib, nahirapan huminga, pinagpawisan ng malamig, sumakit ang dibdib na parang nililingkis ng sawa ang puso mo. Ginising ko na si Nanay dahil hindi ko na talaga kaya at tumawag na siya ng traysikel sa kanto habang ako naman ay pinilit ko pa rin makapaglakad kahit hirap na ako sa paghinga. Naisugod ako sa malapit na hospital binigyan ng paunang lunas at sinabihan na kailangang ma-admit para i-monitor. Dito ipinaliwanang ng doktor na ako pala ay na-mild heart attack. First time ko itong naranasan at ganun pala ang pakiramdam ng "mild" dahil paarang hindi lang mild ang naramdaman ko, sabi ko sa sarili paano pa kaya kung "severe" o "massive" at mas natakot ako.

The Afters - Fear No More

May 21, 2018 ng alas-kwatro ay nagbabantay ang aking pinsan at kapatid. Nakaramdam na naman ako ng pananakit sa gitna ng aking dibdib halos mamilipit ako sa sakit at walang magawa ang mga nagbabantay sa akin kundi tumawag ng nurse. Binigyan ako ng gamot na kailangang ilagay sa ilalim ng dila para unti-unting mawala ang pananakit at makaluwang na rin ng paghinga. Ang nangyari pala sa akin ay walang dugong dumaloy sa aking puso at napag-alaman na ito ay heart attack muli.

May 22, 2018 ng gabi ay nagpasya ang doctor ko na kailangan ko daw na ma-angiogram. Ito yung proseso na parang chest-Xray pero may tinta na dadaloy sa ugat mo para malaman kung ilan ang bara sa puso mo. At pasalamat na rin ako dahil may HMO pa ako noon na gagamitin para sa ganoong laboratory test dahil ang halaga nito ay umabot sa singkwenta mil. Pumayag na rin sila Nanay at kinaumagan ay dinala ako sa University of Perpetual Help Hospital sa Las Pinas upang doon isagawa ang laboratory examination na angiogram. Unang pagkakataon ko rin na makasakay ng ambulansiya na hindi ko inakalang makakasakay pala ako ng ganun sa tanang buhay ko.

May 27, 2018 Finally I was given a go signal to go home. Medyo gumanda na ang aking pakiramdam at nabawasan na ang aking presyon at bumaba na rin ang aking sugar levels. Dito na ako natigil sa trabaho at mahigit isang taon na rin ang lumipas.

By the month of June nagumpisa kaming mag-ayos ng mga papeles para sa gamutan ko sa Philippine Heart Center. Duon ko nakita na sa kada buwan na aming pagbalik ay daan-daang Pilipino ang nagpapagamot at nadidiagnosed na maysakit sa puso. Karamihan ay matatanda at mayroon ding mga kasing-edad ko at may mas mga bata pa sa akin. Marami rin ang mga sanggol na may Congenital Heart Disease o yung mga isinilang na may butas ang puso. Duon ko naisip na hindi lamang pala ako ang may ganitong pinapasan na karamdaman at dito ako nagkaroon ng lakas loob na sabihin ko sa sarili ko na kakayanin ko ito anu mang pagsubok at hirap na aking mararanasan. Nagtuloy-tuloy nga ang aking gamutan at mga ilang beses rin kami nagpupunta sa Philippine Heart Center para sa mga check up kada buwan. Kasama na ang mga time na kailangan ako dalhin sa Emergency room.

December 24, 2018 Bisperas ng Pasko. Hindi na katulad ng dati ang pagka-galak ko sa ganitong okasyon may mga masasarap na pagkain sa aming lamesa, ngunit kahit gustuhin mong ramdamin ang lamig ng panahon at sumabay sa mga awiting pampasko ay nakatago sa likod ang iyong mga nararamdaman dagdag pa ng depression at anxiety. Dati ay nagpupuyat, nakikisaya, nakikihalubilo para makapagkwentuhan sa mga kasama sa bahay , kamag-anak at pati na rin mga kaibigan sa online. Ngunit ang gabing iyon ang pinakatahimik kong Pasko, totoo nga ang "Silent Night", hindi ko ramdam at parang ordinaryong araw lang para sa akin. Kagaya ng nakaugalian ay dasal at mga panalangin pa rin bago matulog sa kaarawan ng ating Panginoong Hesukristo umaasa na kinabukasan sa araw ng kanyang kapanganakan ay guminhawa na ang pakiramdam.

Demonhunter - The Wind

January 9, 2019 Ang mas matindi kong pagsubok. Dahil nag-aayos na nga ng aking Philhealth ang aking Nanay at kapatid ay naiwan ako sa bahay. Nagkataong mahaba daw ang pila at kailangan talagang mabayaran dahil kailangang ipakita sa hospital na kumpleto ang bayad ko sa Philhealth para ma-approved ang aking operasyon sa ilalim ng Z-benefits ng PHC. Ito ang pinakanakakatakot na sandali ng aking buhay. Totoo ngang traydor ang sakit na ito. Pagkababa ko sa aming hagdanan ay nahilo ako at umikot ang aking paningin. Pasalamat na lamang ako at nagawa ko pa makaupo sa aming sofa. Pinagpapawisan ako ng malamig at kinakapos na rin ako ng hininga at dumudura ako ng dugo. Kasabay ng mabilis na pagtibok ng aking puso at sinamahan pa  ng anxiety. Hindi ko alam ang aking gagawin ngunit hindi pa rin nawala sa aking isipan ang pagdarasal na sana ay dumating na ang aking mga kasama sa bahay. Halos isang oras at kalahati na tiniis ko ang ganitong nararamdaman bago dumating ang aking ina. Nahimasmasan naman ako at gumaan ang pakiramdam pagkatapos ng maraming panalangin. Dumating rin sa aming bahay ang aking mga kamag-anak para magbantay at doon muna magpalipas ng gabi kung sakaling mayroon pang hindi magandang mangyayari at para mapalagay na rin ang aking loob.

January 15, 2019. It was my mother's birthday but we went to Philippine Heart Center for emergency dahil nahihirapan akong huminga at parang humihiyaw na talaga ang puso ko at kulang na lang sabihin na kailangan ko na talaga ma-operahan. Gayundin naman ang sinabi sa akin ng doctor sa emergency room at tinatanong ako kung kelan magagawa ang aking operasyon.

January 25, 2019. Sampung araw pa na pagtitiis. Finally with a glimmer of hope to survive, I received a phone call from The Philippine Heart Center. They said that I was ready to be admitted on January 27 and the day of my operation is scheduled on January 29. At that point, sa isip ko ay magkahalong saya, lungkot at kaba. Maraming katanungan ang sumasagi sa aking isipan. Hindi dahil sa advance ako mag-isip pero sadyang magulo ang isipan, ayaw kong isipin pero laging pumapasok sa isipan ang mga katanungan. Alam ko na ang katapat lang nito ay panalangin pa rin at panalangin lamang ang makakapagpalaya ng aking mga naiisip. 


Gomez - How we operate (Grey's Anatomy)
I want to make this as my theme song for my OHS (open heart surgery)


January 27, 2019 With remaining two days of observations I was already at the admitting section of PHC and pretty comfortable lying in the hospital bed sa ward. I was really thankful for my mother alam kong pagod na pagod na siya at isa pa wala siyang nahihigaan. Physically and mentally I know she was tired enough. I know what's going on on her head, alam ko na marami rin siyang iniisip kasama ng pagod na kanyang nararamdaman. Awang-awa na ako sa kanya but still I pray that the Lord may give strength to my mother at sabay sabay namin na malalampasan ito.

I was given an intravenous or IV and oxygen. An IV of magnesium inserted deep down my veins in the arms para lumakas ang puso ko during operation. It was an agonizing pain duon pa lang sa proseso na yun. It feels like a ripping pain habang pumapasok yung gamot sa mga ugat mo. That pain was reflecting on my wrist going up to my shoulders for 1 hour. Every time the nurse in charge are taking up blood samples to monitor and check my blood sugar. Tusok dito, tusok duon. There was a time na hindi umaabot yung needle pagkapindot dun sa device kaya at that time itinusok na lang manually sa daliri ko yung karayom. Talaga nga namang "aray ku po!"

At the evening of January 28, 2019 a chaplain visited me in my bed ward. This is for the forgiveness of sins and to confess all of my sins. Traditionally itong ginagawa bago ang isang major operation. Because you don't know if magigising ka pa. The moment of truth. The reality that I will be facing if and if ever... He prayed for me, we prayed and bless me with God's guidance. At this phase, I told God na "Lord ibinibigay ko na po sa inyo lahat, at kayo na po ang bahala sa akin." Tomorrow is my big fight and I really need a good sleep.

January 29, 2019. My relatives told me that the blood needed for my blood transfusion after the operation is ready and I should pray that everything goes well during the operation. At 3:00 PM, this is it, I was took away from the ward and brought me near the operating room. That was the last thing I remember. Operation starts at 3 in the afternoon and ended up at 11:45 PM.

I haven't remember anything until I wake up at the evening of January 30. Pagising ko ang unang tumambad na nakita ko is my doctor, he is smiling at me and told me that it is done. It's a relief! F*ck I'm alive. Thank you Lord! At first I really feel numb, but maya maya is naramdaman ko na yung pain ng operation. It feels like that you were bump by a truck on your chest. Bones are clicking in the ribs area, pulsating pain at my legs, head and chest. My mother came in and she was told by the nurse that my first meal is a gelatin. First time ko ulet since I was an infant sinusubuan ulit ako ng Nanay ko para kumain.

I was given a complete rest and may papasok lang kapag kakain na ako, papaliguan ka and kapag puno na yung aking ihi. There was a tube connecting in my gall bladder para duon ko ilabas yung mga dumi ko. I haven't notice that until my last day sa ICU. Ang daming devices na nakakabit besides may nakapasok din na tube sa bibig ko, it's a breathing tube to help me to breathe enough. They really enjoy ripping me up. At the 3rd day, still groggy and weak nakalabas na ako ng ICU and diretso ulit sa ward para magpalakas.

February 3, 2019 Finally, I was given a go signal by my doctors in cardio and pulmonary to go home. It was a rough night going home. I was still short of breath and all my nerves are pulsating because of the trauma that my body experience. At around 1 AM, I was home at my tita's house at Paranaque. I stayed there for 4 months. Check up routines were made since my blood pressure is dropping at low levels. It was a long, long, long way of recovery. BP medicines were adjusted and praising God for this wonderful recovery. I was also given a thumbs up by my doctor to travel and have fun at Baguio City on April 22.

That, my friends are my cardiac journey story. But my battles are not yet finish, I'm still praying for my complete recovery until the next evaluation of my 2d echo maybe on September or October. Hoping and praying for good results. Wishing that there will be no artery blockage on the new three veins stitched in my heart.











Just a little trivia, I remember when I was a kid ugali ko na ilagay ang red ballpen sa pocket ng aking polo, eh biglang nagtae I used to act back home pretending that I was shot to the heart and tulo ang dugo malapit sa puso. Talagang hinahaluan ko ng drama hindi ko din alam sa sarili ko why I like that way na mayroong blood sa puso ko. Hindi kaya dahil ngayon that I really need those blood to flow smoothly in my heart. Because ang main problem ng mga cardiac patients is not enough ang blood na nagpapump sa aming puso dahil sa plaque blockage dulot ng mga fatty substances. I was also diagnosed with heart failure ibig sabihin mahina mag pump ang puso ko ng dugo and two doctors na rin ang nagsabi sa akin that maybe I'm young but my heart used to function like a 70-year old grandpa. Ganun nga siguro ang ipinahihiwatig noon noong kabataan ko that I need more blood pumping action in my heart.

But looking now into the brighter side. I feel better rather than the last 2 years. I'm just praying that all my future lab test will be okay.

Balik tayo sa aking kaarawan. Kung may magagandang nangyayari sa buhay mo, you have all the reasons to celebrate. Kung wala naman keep on praying because God is working something greater for you hindi mo pa lang time para ma-achieved yun.

At the end of the day, kaarawan mo ito. You can spend it any way you want it. Pero para sa akin, ang kaarawan ay isang araw na dapat ipagpasalamat. Hindi man lahat ng nangyayari sa buhay natin ay naaayon sa ating mga plano, ang kaarawan natin ay isang paalala na biniyayaan tayo ng oras upang maisakatuparan ang mga gusto nating gawin sa buhay at makasama ang mga taong mahal natin at mahalaga sa atin. Isang taon na naman ang lumipas ngunit nakatayo pa rin tayo at hindi sumusuko sa mga hamong dumarating sa ating buhay.

Wala ka mang natanggap na regalo mula sa mga mahal mo sa buhay, wag mong balewalain ang pinakamalaking regalo na natatanggap mo araw-araw. Ayun ay ang paggising bawat umaga. Buhay pa tayo at iyon ang mahalaga.

Eto na nga meron lamang tayong sapat na handa mainly pansit para sa mas mahabang buhay. wala rin akong programa para ipagdiwang ang birthday ko. Ganon pa man, kahit siguro sa pinaka-payak na dahilan ay naging makabuluhan ang araw na ito para sa akin. Naging masaya ang aking kaarawan dahil sa mga bumati sa akin sa pamamagitan ng text, tawag, greetings mula sa mundo ng Twitter at Facebook. Sana batiin rin ako ng mga personal na paborito kong pornstars at mga crushes ko online. Siyempre joke lang yan. At nagpapasalamat din ako sa mga naka follow at mga nagbabasa sa aking blog na Ubas.na.may.Cyanide.

At sa sobrang kagalakan ko ay minarapat kong ilagay at ipangalandakan lahat  ng pangalan ng mga bumati sa akin. Maraming salamat muli:


OM Philamie Castillo

Cyr Al Sayo
Alexander Natcher
Kenneth Camerino
Ella Dela Cruz
TL Karen Tarriela
Joy Ochoco
Marianne Azalea Bensali
Angela Jasmine
Kristine Joie
Risse Molo Reyes
Justine Mae Magbanua
LJ Mascarinas Gollena
Sir Marvin Carandang 
Jashi Reyes
Greg Del Rosario
Jay Yurag
John Dove Reyes
Warren Santos
Joy Nino Sarmiento
Jhec Villanueva
Philip Casem
Dys Lexia
Ate Isay Amor
TL Aya
Renjo Bugarin
Dev Palacio
Denz Bulatao
Reagan Von Lacar
Belard Sanchez
Richard Solis
Joanne Pamute
Noreen Rodriguez
Dianne Gabrillo
Ate Azarina Durano
Abigail Paderes
Benjie Rieta
Karla Quebec
Sir Santi Pido
Jorene Abagon
Jerlyn Reyes
Teacher Aiza Garcia
April Crystal Sapphire Martinez
Tonee Robles
Niqui Navarette
Jervi Fallorina
Sir Sol Rellita
Fi Des
Ludie Lyn Ibarra
April (balekwa)
Paula Anacay
Leelac Caunan
Chris Ann Ramos
Gerrieca Adiong
Lin Improso Saballo
June Alvarez
John Carlo Miranda
Alyssa De Guzman
TL Carlo Calantuan
Camille Go
Jackelyn Jarin
Jasper Pandongon
Geneva Millena
Bejadu Nazaire
Arjay Legaspi
Lei Mocorro
Aron Hinanay
Helen Bravo
Alexander Pobre
Adelle Segovia Ugo
Jacq Gozum
John Veil Raz
Myra Fernandez
Jayson Realiza
Sir Jason Madamba
Jasmin Fuller
Lana Sheldon
Sir Snow Badua
Jero Malan
Melody Payopay
Princess De Castro
Chris Herrera
Jay Emmanuel Ramirez Corral
Kyle Cristobal
Abegail Manalastas
Elvin Manuel
Jherlyn Ramos
Camille Trasmonte
Marlyn Garcia
Inay Gerlan
Clarise Punzalan
Gina Garcia
Joyce Santiago
Mark Lyndon Madrid
Jerome Ocampo
Ace Grace
Ledielyn Gutierrez - Barbon
Cathleen De Ere - Barzaga
Princess Danna
Alonica Mae Sonata
Ate Sabrina Cuenca
Cristel Paredes
Apple Figueroa
Duane Escoton
Jim Patrick Yao
Duncan Villarosa
Sara
Lycopenegod of Twitter
Ladybug of Twitter
Jacquelyn Gayoso
Aly Roperez

Huwebes, Agosto 8, 2019

Song Meanings: Badflower's Promise Me

'The realization of getting old'

I love this new song from one of my favorite band Badflower that comes to this point that I need to make some write ups on it. It's about the realization in life that we are getting old and one day our time in this world will end. 

This song is an homage to the pain and struggles that come along with growing up with a loved one. Someone that you've cherish for so long. Most of the time we are scared to "let go" of the person we loved. Though we are aware of the ineluctable fact that we will grow old, in this song, the writer asks  the person to promise him that neither he nor they will grow up.

Real talk some of us are terrified of growing up. Afraid that we are not on the stage of being youth anymore not anymore in our 20's.  Afraid of responsibilities, afraid of not looking like or being perceived as a 'kid'. We struggle in the concept that getting old is inevitable. The song for me validates some of our most complex thoughts and fears in the most simplistic way.

"Promise Me" is an emotional track that oozes feelings of nostalgia and reluctance to accept loss and move on. This is probably my favorite song on the album. Not only because it's a departure from what we normally do musically and lyrically, but because it really feels like a story with a beginning, middle, and end. It describes the feeling of growing up, losing youth and losing love - which is a simple concept that scares the hell out of us.

Please listen to "Promise Me" with the touching music video and lyrics.


Badflower - 'Promise Me'

We're getting old now (We're getting old now)
But I don't feel it (But I don't feel it)
I say you're beautiful (I say you're beautiful)
And I still mean it (And I still mean it)
And I don't wanna know (And I don't wanna know)
What old age feels like (What old age feels like)
So promise me you won't (So promise me you won't)
Give up on this life (Give up on this life)
And we'll be busy tryin'
While the rest of them are dyin'
Promise me we'll never grow up
I don't wanna let go
I wanna stay young
And even when the wrinkles show up
We'll be laughing, and
We can play forever
Don't make me face the truth
I think it's obvious
That we'll stay happy
'Cause I'm the happiest ('Cause I'm the happiest)
When you smile at me
And we won't end the same
A broken family
I'll never



Miyerkules, Agosto 7, 2019

Rakista Nobenta: Deadnails Band

'Ang bandang Deadnails'


Deadnails is a 4 piece group from the Philippines who gained prominence in the local Pinoy rock boom of the early 90's spearheaded by the now-defunct Home of New Rock NU107 and LA 105.9 Rocking to Save the World radio stations. With hits such as "Bogsa", "Nanay Ko", "Aling Pepay" and "Dianne", the groups minimalist approach to composing songs dubbed "tunog bata" or "dead metal" gave them a number of fans as well as a number 1 hit with the LA 105.9 radio station.

They were tag as "Dead metal", I don't know what kind of genre is this but I do believe na yung datingan ng kanilang musika pagdating sa mga liriko ay parang wala lang, may mailapat lang na kuwento sa saliw ng tunog punk-rock. Pero sa aking palagay ay istilo nila ang kantahan at tono ng pagkanta ng sikat na bandang "Nine Inch Nails." Kumbaga sila yung banda na kapag boring ka at gusto mong matawa ay papakinggan mo lang yung lyrics ng kanilang kanta ay matatawa kang talaga. Walang kwenta, mema lang pero mapapasabay ka at malalast song syndrome ka, yun ay kung trip mo ang mga ritmo ng metal sounds.

Nasundan ko ang mga musika ng bandang ito taong 1995. Hit na hit kasi noon ang mga bandang sikat na at mga bandang naguumpisa pa lang o yung tinatawag na "underground bands". Mabuti na lamang at mayroong LA 105.9 Rock of the Worldn na istasyon sa radyo at nabibigyang tsansa ang mga katulad nilang banda na may ibubuga naman pagdating sa industriya ng musika.

Ako mismo ay naging taga-pakinig at avid fan ng mga ganitong tugtugan. Noon kasi ang tawag sa ganitong type ng music ay "hanep" o "astig", "ibang klase", "bagong panlasa".  Ilang beses din naging number 1 sa top 50 countdown ng LA 105 ang tugtugan ng bandang Deadnails. At ang matindi pa sa kanila ay maraming kanta sa kanilang first album ang nag numero uno sa top charts.

Deadnails released their first album "Tunog Bata, Mag-Ingat ang Matatanda" in the year 1995.

Tracklist:


  1. Nanay Ko
  2. Bangungot
  3. Aling Pepay
  4. Dianne
  5. Saturday Din
  6. Barbie Doll
  7. Prokopyo
  8. Pulbo
  9. Bless University (Rock and Roll High School)
  10. B.E.M.


And to give you a taste of their music at para matawa na rin kayo o di kaya mainis eto ang ilang sample ng kanilang tugtugan. Tugtugang kalye nobenta. Yung mga kantahang bahala na basta mapapasabay ko sila.


Deadnails - "Prokopyo"

Deadnails - "Nanay Ko"

Deadnails - "Aling Pepay"

Deadnails - "Dianne"

Deadnails - "Pulbo"

Deadnails - "Bless University"





Linggo, Agosto 4, 2019

Walang Pasok in my Era

blog post cover credits to: @sabadontt


Alas-singko ng umaga.

Naririnig ko na ang ingay ng kapitera at tila nangangalit na ang mga bula sa pagkulo nito. Nakapikit ngunit gising ang diwa sa ilalim ng kulambong pumoprotekta sa kagat ng lamok sa magdamag. Nakabalot pa ang kumot sa aking giniginaw na katawan habang sumasagitsit ang lakas ng kidlat at kulog habang rumaragasa ang tubig ulan sa aming bubungan.

Dinig ko na ang tinig ng aking nanay at ako'y kanyang tinatawag na para magtanggal ng antok at magmuni-muni habang titimplahan niya na kami ng aking kapatid ng gatas o kaya'y kape. Uso na noon ang humingi pa ng dagdag na limang minuto upang umidlip muli dahil na rin sa masarap pang matulog at namnamin ang lamig ng panahon. Talaga nga namang nakakabitin ang pagtulog kapag ganito ang inihahain na tukso sa iyo ng klima.

Gising na pala ang aking kapatid at siya'y nasa harapan na ng lamesa. Iniligpit ko na ang pagkakatali ng kulambo mula sa mga gilid gilid na mga pako sa aming kwarto at iniayos na rin ang mga unan, pajama, at mga pang-akap. Kukuso't-kusot ang mga mata at lumabas ng kwarto umupo sa harap ng lamesa habang di mapigil ang hikab at pagpipikit-pikit ng mga mata. 

Sa aking gawing kanan ay nakasalang na sa kawali at rinig ko na ang pagtilamsik ng mantika sa hotdog na piniprito ng aking Ina. Amoy ko na ang aroma ng umuusok na kape sa pagkakatanggal ko ng takip sa aking tasa. Habang nakasalang ang aming aalmusalin ay binuksan ni Nanay ang aming radyo upang makinig ng balita kung masususpindi nga ba ang pasok namin sa eskuwelahan sa araw na iyon. Noon hindi pa uso ang balita sa TV. Ang lahat ay nakatutok talaga sa radyo at totoo nga namang kapaki-pakinabang pa ang mga AM stations pati sa mga kabataan. Wala pang Twitter, walang Facebook, kung saan duon ka na lamang titingin kung ano nga ba ang pasya ng inyong lokal na pamahalaan kung magkakaroon ba ng pasok o walang pasok sa buong maghapon.

Malalaman mo na kung may pasok ba o wala i-search lamang ang #WalangPasok sa Twitter

Noon kasi ang naghahatid ng balita kung may pasok ba o wala ay iisa lamang, ito ay ang DECS o Department of Education Culture and Sports sa pangunguna ni Dr. Nilo Rosas. Siya ang lagi mong maririnig sa DZMM (radyo station ni Nanay) na mag-aanunsiyo kung may pasok ba ang mga estudyante o wala. Sa panahon ngayon ang inatasan na sa ganitong responsibilidad ay mga Mayor o Governor na sa kanya-kanyang probinsiyang lokal na pamahalaan. Hindi katulad noon na DECS o DEPED sa ngayon ang nagaanunsiyo.

Sa panahon ko noon kapag sinasagot ng mga taga DECS ang katanungang may pasok ba o wala ay malaki ang tsansa na either sa dalawa ang kanilang isasagot. Sa ngayon kasi kapag may tumawag na opisyal na galing sa lokal na gobyerno nagiging awtomatik na wala talagang pasok. May mga kabataan din na mismong minemessage sa social media ang kanilang mga mayor para ideklara nito na wala na sanang pasok. Konting ulan lang ngayon at kahit na normal lang na pag-ulan lamang ay malamang sa malamang na isususpinde na ang klase. Kaya't laking sisi rin ng mga guro, dahil ang iba ay kailangang maghabol ng kanilang ilelesson sa araw na iyon. Samakatuwid, sayang ang araw dahil kaunting ulan lamang at tumila naman ito pagdating ng hapon.

Ventura - 'Walang Pasok'


Noon din ay unang sinususpindi ang mga may klase ng pang-umaga at kapag umaraw ng bandang hapon ay dalawang anunsiyo ang hihintayin niyo at asahan mong magkakaroon ng pasok ang mga estudyante ng pang-hapon.

Gising na ang aking diwa sa pagkakainom ng masarap na kape at naiahon na rin ang aming almusal na hotdog sa ibabaw ng lamesa. Inim na rin ang kanin at handa na kaming kumain ng almusal habang si Nanay ay inilatag na ang kabayo ng palantsahan upang pasadahan na ang aming unipormeng pamasok. Malakas pa rin ang ulan. Inihanda niya na rin ang aming mga kapote at tsinelas. Isinilid na ang sapatos sa plastik kasama na ang nakabalumbun na medyas sa magkahiwalay na lalagyan.

Ito na ang pinakaaabangan namin kausap na ng nagkokomentaryo sa radyo na si Ka Noli  De Castro ang kalihim ng DECS na si Dr. Nilo na may pagka-Ilonggo sa lambing ng kanyang pananalita. Ubos ko na ang aking Purefoods TJ Hotdog, nakaupo na lamang at naghihintay ng anunsiyo at umaasang wala nga sanang pasok dahil reporting ako sa araw na iyon sa aming Science subject.

Nag-anunsiyo.....

Tsaraaann!! may pasok daw! Putragis! Ang susunod ko namang kakaharapin ay ang lamig ng tubig na dadaloy at guguhit sa aking nilalamig na katawan.

"Nay mag-init ako sana ng tubig."

"Hindi na, sa unang buhos lang yan, malalate na kayo kung mag-iinit pa. Bilisan mo na lang maligo at susunod pa ang kapatid mo."

(buntong-hininga), "okay."