Huwebes, Enero 7, 2016

90's Energy Drink Battle: Milo vs.Ovaltine

Milo vs. Ovaltine? San ka pa? Kampihan na!!

Isang katanungan para sa gabing payapa at panay huni lang ng kuliglig ang naririnig:

Dahil mayroong bagong Mug ang inyong lingkod, tulungan niyo naman ako kung ano sa dalawa ang may karapatang unang inumin na lalapat sa mug na ito. Dalawa lang ang gusto ko mga bhe Milo ba o Ovaltine? 

Pwede ring isang malamig na malamig at nag-uumapaw sa yelo na Red Horse, pero tsaka na.

Pssttt ikaw, oo ikaw na nagbabasa ngayon, huwag ka nang lumingon kung saan-saan. Oo ikaw, ikaw  na naabutan ang Sunny Orange ang tinatanong ko, Milo boy ka ba o Ovaltine boy? 

Magkaparehas ko natikman itong dalawang ito e. Ninamnam at tinimbang kung ano ang mas papatok sa aking panlasa. Hmmm, parehas silang m ay kakaibang sarap at parehas din mabenta  sa tindahan nila Aling Meding noong ako'y nag-aaral pa sa elementarya. Akalain mo yun noh, Grade 2 pa lang marunong na akong mangilatis at tumimbang ng sarap at linamnam? Opp, easy wag dumihan ang malinis na konsensiya ng nagsusulat. Ibig ko sabihin, sa murang edad, alam ko na kung ano ang mas masarap at kung anong nababagay sa taste buds ko. Pero dahil parehas silang patok sa panlasa ang hirap sukatin kung sino nga ba sa kanila ang P.......ang pinakamasarap. Kung iyong maaalala, itong dalawa na ito ang inuming pambata na naglaban sa merkado. May kanya kanya silang pakulo kung paano nila tatabunan abg isa't-isa.

Tara at sumakay sa time space warp at magtravel  tayo sa nakaraan at sabay sabay nating balikan ang  tagisan ng lakas ng dalawang inumin na ito. Tignan nat in kung sino ang mananalo kung sakaling bigla silang magkaroon ng buhay at maging mga higanteng kalaban ng Bioman at sila  mismo ang maglaban. Pero siyempre, gawin nating tagahatol ang Bioman dahil alam kong sila ang pinapanood mo habang nilalagok mo ang dalawang inumin na ito.

Green na pakete laban sa orange na pakete. Wow ano 'toh intrams? sportsfest? Sila  yung laging may pakulo sa TV kung saan gagamitin mo ang mga nasimot na foil at pagkatapos kukuha ka ng pentel pen, kasi di naman nasulat ang ball pen sa ganitong klaseng foil e. Dito mo ngayon isusulat ang iyong pangalan,  tirahan at suking tindahan. Puta, matik na yan dapat ganyan ang pagkakasabi ng host. Ay pakshet!  wag kalimutan ang lagda. Ihulog sa mga drop boxes at magkaroon ng pagkakataong magwagi ng  milyun milyong papremyo! Oh, ano pang inaanga-anga niyo diyan? Sali na!!

Diyos ko at naalala ko nuon sa lumang bahay sa San Andres Bukid, halos ata matabunan na ang kusina ng sachet ng Milo at Ovaltine. Kulang na lang gawin naming tanghalian at hapunan ang dalawang ito. Sabagay di ba, masarap din siya papakin sa kanin. Oh, napapangiti ka noh? Alam ko namang ginawa mo yan ee kasi batang 90's ka.

Tuwing Sabado, lagi yan dinodrawlots sa Saturday edition ng Eat Bulaga, hindi pa ginagamit ang tiyambolo noon kaya si Joey DeLeon o di kaya si Ruby Rodriguez ay tila lumalangoy isang malaking kuwadra na punong puno ng mga envelopes. 

Sa mga ganitong papremyo, naka  abante ang Milo tohl! Natatandaan kong nagkaroon ako ng Milo Ball dahil sa pakulong ito. Aba naman  napakadali eh, ipapalet niyo lang yung isang pakete ng Milo at isandaang piso meron ka nang Milo Ball. At ayun ang kauna-unahang kong bola. I feel the spirit of being a basketball player dahil yun ang unang official basketball ng buhay ko. Kulay green at white yun. Dun ako natuto d ahil merong basketball ring sa loob ng compound  nila Karlo. Yung dati kong kalaro na kakopyahan ko sa mga problem solving sa Math. Shet, naaalala ko yung unang dribol at tira ko sa ring, tangina kapos agad at tumama agad sa pader yung bola muntik pa mabutas dail may nakatusok na pako dun sa pader. Epic sana, history has been made sana unang dribol, unang tira, butas sana ang bola. Masuwerte pa rin siyempre because I'm drinking Milo everyday! Opss sorry   mukang nagiging bias ata ang nagsusulat.

Speaking of Milo Ball, sino sa mga kalalakihan dito ang sumali sa Milo Best? Siyempre di ko makakalimutan yung music theme ng Milo habang nagdidribol dribol ako. Unang araw ko noon sa Milo Best at ininrol ako ng erpats ko, pero umayaw agad ako, kasi ba naman ang gagaling ng mga putanginang mga bata na yan!! Fetus pa lang ata e pinamanahan na ng bola ng basketball ang mga ito. Wala e, nasindak agad ako, siyempre maliit ka lang  ikaw yung tagababa ng bola. Punyeta kakapasa pa lang sa akin hinaharass na agad ako. Ilang beses ako naagawan ng bola  kaya sabi ko puta wag niyo sa akin ipasa at nakikita yung katangahan ko sa pagdidribol. Di naman ako magaling para itriple team e. Sabi ko, ayoko na at yung dibdib ko at dinadaga sa  tuwing may lalapit sa akin. Sisipain ko sana kaso baka mateknikal ako at baka ipatapon sa kabilang session dun sa taekwondo at si Bea Lucero naman ang endorser. Umuwi na lang ako  at nakipaglaro ng pogs habang ngumunguya ng Bazooka bubble gum.

Habang tinutuloy niyo ang kalbaryo ng pagbabasa malamang nahuhulaan niyo na kung saan ako panig. Eh ganun talaga eh. Batang Milo eh. Sana nga Milo nalang apelyido ko eh, tutal malapit na naman. Jack Milo! asteg! Pero siyempre hindi pa rin naman pahuhuli ang Ovaltine. Sino ba naman ang hindi makaka-alala sa kantang....

"O-O-Ovaltinees! O-O-Ovaltinees! You just can't get enaf!  You jas can't get enaf!"

"Ovalteenies  commercial - ayan ma LSS kayo' = )

Yun. Diyan olats ang Milo.

Kung sa timplahan na mismo ang paguusapan mas madali haluin ang Ovaltine kesa sa Milo. Ang Milo kasi, kahit gaano ka kabilis maghalo, siguradong meron pa ring buo-buo na matitira  sa taas at kapag di ka nakapagpigil ang alam kong ginagawa mo kukutsarahin mo na yun eh at yun ang una mong papapakin bago mo inumin. Kailangan lagyan mo muna ng mainit na tubig ang Milo para matunaw yung powder sa itaas. Nakakasuya kasi yung maaligamgam na Milo. Heaven kapag todo lamig at yun ang gusto noon ng mga batang uhugin na katulad ko. Sa Ovaltine, mas madaling gawin yung todo lamig!

Sabi ang Milo, with olympic energy. Totoo nga kayang Milo ang iniinom ng mga sumasali sa   Olympics?

Pero minsan ayoko na rin makipagtalo kung ano ang mas ok sa kanilang dalawa e. Basta ang mahalaga parehas silang chocolate drink. Di  rin naman ako choosy nung kamusmusan ko, hanggang ngayon naman di naman ako mahirap pumili ng mga bagay bagay. Nakadepende yun kay Nanay kung  ano ang pipiliin niya habang nag-gogrocery. Ang mahalaga may matimpla kaming magkapatid sa umaga o  kaya sa gabi bago matulog. Mother knows best ika nga.

Kapag naman medyo ambisyoso ako sinasamahan ko ng gatas at asukal ang pagtimpla mapa Milo  man or Ovaltine. Medyo wala kasing dating kapag wala ng gatas o asukal. Ang kailangan lang walang mawala kahit sa isa na yun. Kapag gatas napakalabnaw, kapag wala naman asukal, matabang naman. Kaya nga sugar makes the world go round because of its sweetness. Parang pag ibig lang yan,  kailangan ang bawat paghalo ng pagmamahalan may kasamang pampatamis. #Hugot

Ito pa isa ang hindi ko makakalimutan. Taas ang kamay kung sino dito ang pagkatapos magtimpla  hindi muna iinumin at ilalagay sa freezer? Siguro mga one and a half hours lang nagyeyelo na ang Milo o Ovaltine mo. Lagi ko itong ginagawa tuwing summer para  hindi na ako bibili ng ice candy kila Aling Meding. Kasi chocolate flavor lang din naman ang peyborit ng mga bata ee. Eh di gagawa na lang ako ng sarili  ko. Kanila cocoa powder lang yun ee, siyempre sa akin branded at mas masarap lalo na kapag dinudurog durog muna at umuusok usok pa sa lamig. Pinakamasarap ang parteng  paubos na dahil duon mas nagkakalasa. Sa huli kasi yung pinakamalasa at nagtipon tipon ang tamis at frozen powder na sobrang tamis. Aww! 

'2013 Milo Commercial' 

Minsan nagtanong ako kay ermat kung ano ang ulam. "Nay anong ulam?" Habang naghahain na, ang sabi niya, "siguradong paborito niyo ito anak, Galunggong at  Ampalaya!" "Ang sarao naman niyan 'nay teka po at punta muna po ako ng CR. Pero di alam ni ermats noon na sa banyo talaga ang punta  ko. Lumabas ako ng bahay at nagpunta sa katabing bahay, kila tita. "Tita patimpla naman ako ng Maylo na halo sa kanin! Wala na kasing ulam ee!" Salbaheng uhugin ano po?!

"Great things start  from small beginnings...Growing up with olympic energy! Growing up with Milo! Milo everydaaaayyy!!!"

'1986 Klasik Milo commercial'

Crush ko yun si Bea Lucero eh, lalo na naging muse ng paborito kong team sa PBA, yung Purefoods. Pinamukha talaga ng Milo na magiging athletic tayo kapag uminom tayo  niyan. Kitang kita na lang sa mga disenyo nila sa pakete di ba? Merong nagtatrack and field, volleyball, basketball, high jump, hurdles at kung anu-ano pang sports. Kapag  uminom ka ng Milo magiging kasing flexible mo si Bea Lucero. Haaay asan ka na kaya ngayon Miss Bea?

Maraming commercials ang Milo, sa Ovaltine naman ang datingan ang pagiging healthy and smart. Meron patalastas  na grupo ng mga bata na nasa ilog at kailangan niyang mag isip kung paano sila makakatawid sa kabilang pampang. Aksidente namang di kinaya ng coconut yung tabatchoy niyang kaibigan sa pagkakaupo sa bugkos bugkos na niyog. Mabilis ang kanyang thinking at sabi niya "Coconut! (with hand gestures) that will make us float." Naglagay sila ng maraming coconut sa bag at buong gilas na tinawid ang ilog na gamit ang tila salbabidang bag ng mga niyog. Oh di ba? boom panis! Kalurkey ang idea ng Ovaltine.

'1992 Klasik Ovaltine commercial'

Meron pang isa, medyo nakakatuwa dahil merong isang bully na bata na nagtatanong sa naka orange na bata. Yung bully na bata aba nakagreen at white at sobrang obvious na Milo boy yung nambubully. Ang tanong ng batang naka green, kung totoo  bang mas masarap ang Ovaltine sa hawak niyang inumin (malamang Milo). Panoorin ang buong patalastas:

'Klasik Ovaltine commercial'

Isa o dalawang beses ko lang nasubukan 'yung inulam yung Ovaltine sa kanin. Mas gusto ko pa rin talaga ng Milo e. Kapag Ovaltine ang mayroon kame, most of the time pinapapak  ko lang talaga ang powder niya. Umangat ang Ovaltine nung nagkaroon sila ng kendi at tinawag nilang Ovalteenies.

Ang hatol ko, mas masarap ang Milo. Pero siyempre lab ko pa rin ang Ovaltine at si Bea.

Okay let's go back to the future kung saan mas mabili na ang milk tea at frappe frappe na yan. Ang mahal naman. Ayoko ng milk tea, ayoko ng Zagu, ayoko ng Starbucks  dahil bumili ako para hindi mapagod ang panga ko sa kakanguya, bumili ako para uminom at para mapawi ang uhaw. 

Solid Milo. I love Ovaltine. Bow! 

Survey says:



Milet says MILO 






Nadine says MILO



Cams says MILO

Henric says MILO

Camille says MILO

Kapatid says OVALTINE


Clarise says MILO


Belle says MILO

Daisy says MILO

Rui says MILO

Lordjei says MILO


Zia says MILO


Sharmaine says MILO


Aileen says MILO


Cath says MILO


Tom says MILO

Gerri says MILO

Jhoan says MILO

Jcqlyn says MILO

Misaki says MILO

Risse says MILO


Maraming salamat po sa lahat ng rumisponde sa aking katanungan. Magandang gabi sa inyong lahat! Teka umaga na pala. =  )

PS: Kapatid may libre ka na lang Ovalteenies sa akin. ^^




















Lunes, Enero 4, 2016

Walang Paasa: Just Snooze Your Feelings

'Sabi mo BRB, two weeks akong naghintay'


At dahil hanggang ngayon ay na-lalast song syndrome pa rin ako sa mga kantahan ni Carole King ay hayaan mo akong makapagsulat ng medyo hindi kagandahang aral na sisira sa gabi mo na tungkol sa pag ibig, iniibig, iniirog, sinisinta na ikaw lang pala ang nakakaalam na mahal  mo na pala sila. Kailangan kasi natin tohl balansahin ang uniberso, kung ako inspired sa kanta, dapat ikaw na nagbabasa ay mapapaisip sa katotohanan ng nilalaman ng post na ito. Maari kang malungkot o mawalan ng pag-asa pero siyempre tiwala lang.

"Snooze", oo mapapaisip ka't mapapatulog ka pagkatapos mong mabasa ito. Kaya ihanda mo na ang unan at tissue, wag masyado mag overthink. Mapapatanong ka na lang sa sarili  mo, "ganun nga ba ako tohl?" "Ganun nga ba yung pinaramdam sa'yo ng chic na gusto mo?" "Tohl, sigurado ka pinaasa ka niya?" Ang gwapo mo naman.

Ang mga tao sa kasalukuyan, mabilis pa sa alas kwatro na na-realize nila na PINAASA sila nang hindi man lamang inaanalisa ang bawat sitwasyon. Kalurkey di ba? binigyan mo lang ng Stork na candy tapos hindi ka sinagot nung nagtapat ka ng totoong pakay mo, pinaasa ka na agad? Kulang na lang magsumbong ka kay St.Valentine at utusan ang mga isang army ng kupido na panain ang niligawan mo para matodas na. Huwag ganun tohl, magkaiba naman kasi kayo ng nararamdaman eh. Wala kang karapatan para sabihan na niloko ka niya, sinaktan o pinaglaruan ang damdamin. Hindi ganun!

Hindi ibig sabihin kapag nahulog ka sa kanya dahil araw-araw mo siyang nakakasama at nakakausap  eh hindi ibig sabihin na ganun din ang lebel ng emosyon ang puwede niyang ibalik sa'yo. Maaring masaya siya kasama ka kasi masarap ka kausap, ikaw naman masaya ka dahil kasama mo siya, nakakausap mo pero un pala parang sa pelikula meron kang libreng passes na +1 na nararamdaman mo para sa kanya. Puwedeng umibig, puwedeng magtapat walang bawal pero kapag nabigo. H uwag magtratransform bilang green leafy vegetable na ampalaya at never magsasabi na paasa si girlie.

"PAASA"

Pero kung ipagpipilitan mo na PINAASA (all caps para intense) ka talaga, dito na papasok ang Ubas na may cyanide para mag-inaso sa sinasabi mong "paasa".

Bago ka magkulong sa kwarto at mag selfie habang tumutulo ang luha mo at bago mo yan ipost sa social media with cheesy captions Basahin mo muna ito at itanong mo sa sarili mo kung pinaasa ka talaga:

*Kung yang nararamdaman mo ay kasing kitid  ng daanan ng dating bahay namin sa ikswater sa Brgy Damayan Lagi QC, eh siguradong walang mag-aadust sa kakitiran ng nararamdaman mo. Aba, ikaw lang ang may kakayahan na umintindi ng mga bagay-bagay.  Hindi mo kailangan si Papa Jack sa  radyo at manghihingi ka ng advice. Baka lalo ka lang paiyakin at lalo ka lang pagtawanan ng mga kaibigan mo. Sigiraduhin mo lang na wala kang hawak na blade kung tatawag ka sa radyo.

*Hindi porket sinubuan ka lang ng "Vinegar Pusit" na tsisirya e, ibig sabihin parehas na kayo ng nararamdaman. Kung sa unang pagkakataon may feelings ka na sa kanya, hindi niya namamalayan na binibigyan mo na pala ng meaning yung mga bawat kilos niyang ipinapakita niya sa'yo. Malay mo yung lasa nung Vinegar pusit, kasing-asim pala nun ang nararamdaman niya sa'yo, may maganda lang nangyari sa bahay nila o nakatanggap ng magandang balita kaya ka nasubuan. Tuwang-tuwa ka naman. Hindi mo kailangan bigyan ng meaning. Tandaan mo nung nag-aaral ka pa hindi ka magaling sa definition of terms.

*Ask yourself, don't follow your heart and put a big question mark on it na tatarak sa puso mo. Isipin mo, binigyan ka nga ba talaga ng motibo? o namisinterpret mo? Pinaasa ka nga ba o palagay mo lang? Kung di ko sure tohl, advise ko lang, try to find the x and y coordinates in Algebra, alamin mo yung difference ng inertia at freefall sa physics at try mo maglaro ng maraming sudoku para malaman mo kung kelan dapat  at hindi dapat mag-assume. Asyumera ka kasi!

*Panigurado ko namang lahat nung umiibig ngayon sa panahon na ito ay nadaanan ang "Batibot" kung saan tinuruan tayo nila Kiko Matsing, Pong Pagong, Ate Sienna at Kuya Bodjie kung paano pagsama-samahin ang mga bagay at bagay  at kapag pare-pareho ay kailangang igrupo. Marunong naman siguro tayo tumingin ng dipirensiya di ba? Alamin ang pagkakaiba sa 'sadyang mabait' at 'sadyang sweet lang'. Marapat na alamin ang pakikisalamuha niya sa iba sa kung paano ka niya rin pakisamahan para hindi ka kaagad nagfeefeeling special kamote. Paano kung sweet din pala siya sa aso, sweet din siya sa'yo eh di patas lang kayo ni doggie. Sinusubuan niya ng dog food, ikaw gusto mo rin?

*Hindi porke't feeling heaven ka palagi at komportable ka sa mga bagay na pinaparamdam niya, hahayaan mo na lang na magpakahulog at wala ka  nang pakealam sa mundo at yung muka mo parang smiley icon sa  Facebook na nakanganga at may dalawang puso sa mata. Sa bandang dulo eh bigo ang end credits ng pelikula mo. Na-Colombiazoned ka dre.

*Ang tanong updated ba siya sa totoo  mong nararamdaman, bago mo ipagsigawan sa buong galaxy na pinaasa ka nga. Dapat maging patas ka na alam niya rin yung nararamdaman mo, bago mo siya ipagtsismisan at ipagkalat sa mga kaibigan mo na pinaasa ka nga. Baka naman isumbong mo pa siya sa Nanay at Tatay   mo na pinaasa ka niya. Huwag maging self-appointed pinaasa cry baby.

*Wag masyadong pabigla-bigla tohl. Nariyan ang relaxing cactus o mesmerizing cucumber, kape-kape din. Masakit man pero ang katotohan talaga hindi lahat ng minamahal mo, mamahalin ka rin. Never ask for something in return. Hayaan mong siya ang makaramdam ng effort mo. Pero kung wala talaga, mahalin mo sa huling pagkakataon, tapos bitaw na.

Hindi kasalanan ng kahit sinong living things and non living things, may backbone o wala ang pagiging marupok mo. Hindi man nabubuntis ang puso ng bawat indibidwal pero ikaw lamang ang may pananagutan ng nararamdaman mo. Wala kang karapatang manisi ng iba kung ano ang nararamdaman mo sa kasalukuyan at sa katapusan. Napaliguan o nasabuyan ka man ng matatamis na ngiti at pagkakataon para magkaganyan ka, 99% pa rin nun ay kagagawan mo dahil nagpakahulog ka sa isang balon na walang hagdanan para iakyat ka at iligtas ka sa nararamdaman mo. 

Wala man talagang nag-papaasa, ito'y sadyang matamis na multo at guni-guni lamang na lumilikot sa isipan at damdamin mo. Habitual na kasi tayong umasa, gawain na nating umasa. Kadalasan para tayong mga masokista na kailangang meron kaunting sakit, saktan ang sarili, waratin ang damdamin. Ugali na natin ang may sinisisi bukod sa mga sarili natin. Sapagkat dun natin nararamdaman na mas nagmamahal tayo.

Sana'y may napulutan kayong pait at hinagpis sa gabing ito. Kaya kung ako sa inyo sabay sabay nating i-isnooze ang feels...

Magandang gabi sa mga pusong hindi nasusuklian ng pag-ibig!


Sabado, Enero 2, 2016

Snappy Replies sa katanungang "Bakit Late ka na naman?"

'It's too late bro.'
Ewan ko tohl ha, pero inaamin ko naman na naging bahagi ng buhay ko noong nakaraang taon ang pagiging late. Sabi nga nila it’s better to be absent than late. Kung itratranslate sa lengguwahe ng pag-ibig, bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko, pilit binubuksan ang nakasaradong 3 layers mong puson.
Siguro kaya may late dahil niyap na nating yung maling sistema na tinawag nating “Filipino time”, tuwang-tuwa pa nga tayo at proud pa kapag sinabihan ka na Filipino time ka talaga pre. “Nakasakay na ko on the way”, ang katotohanan hawak mo pa lang ang tabo niya at kasalukuyang naghuhugas ka palang ng iyong kayumangging balot.
Tabi tabi po, at bato-bato sa langit. Naranasan mo na bang mag-antay ng pagkatagal tagal dahil late dumating ang kausap mo? Naranasan mo na ba ma-late ng ilang beses sa eskuwelahan o trabaho? Yung “tsunod-tsunod” ika nga ni Kabayan. Napatawan ka ba ng habitual tardiness dahil nakokonsumo ng lateness mo ang oras na dapat nasa trabaho ka na? Sinadya mo ba? Sinadya niya bang late ka tagpuin? Nakakaasar ba? Naiinis ka na ba sa akin? Hahahaha, well wag ka mainis dahil nadaaanan ko rin naman ang ganyang eksena. Pero dahil may New Year’s Resolution naman, it’s our time to shine. Dito sa ubas na may cyanide tuturuan natin ang ating m ga sarili hindi para hindi na ma-late. Kung di mga snappy replies kapag may nagtanong na kung bakit late ka na naman?
Carole King - It's too late
MEDYO LOVE IS THE KEY!
GF: “At bakit late ka na naman Boyet?”
BF: “Ang mahalaga nandito na ako, narito ako para mahalin ka sa bawat sandali na magkasama tayo. At alam natin sa isa’t isa na nagmamahalan tayo. At ligtas akong nakarating dito.” (dapat teary eye)
MEDYO NAPOLES
“Oh bakit ngayon ka lang?”
“Sorry pero sir, I invoke my rights against self-incrimination.”
MEDYO KAPOS SA BRAIN CELLS
“Late ka na naman?”
“Sorry po wala po kaming sabon at pinangsabon ko po kasi yung conditioner shampoo namin, feeling ko po ang dulas dulas pa rin ng katawan ko kaya nakadalawang oras po akong nagbanlaw.”
WALA NA TALAGANG BRAIN CELLS
“Anong oras na at lake ka na naman!!”
“Boss, ninakaw po kasi yung tabo namin, kaya kinamay ko na lang po yung tubig. Ang hirap po pala sir!”
MEDYO CONCERT QUEEN
“Late ka na naman!”
“Bhe, sunod sunod kasi yung Justin Bieber tunes habang nagshoshower ako eh.”
MEDYO ESTUDYANTE BLUES
“At bakit late ka na namang bata ka?”
“Bakit ma’m kapag nalalate ba kayo, tinatanong ko din?”
MEDYO PA-SCI FI
“Bakit ka late?”
“Hindi ako late. Sabay-sabay lang talaga lahat ng orasan niyo. Nasaang planeta ba ko?”
MEDYO NABUKING NA THIRD PARTY
“Pare. Late ka na naman.!”
“Sorry pre, ayaw kasi ako patulugin ng jowa mo kagabi.”
MEDYO JOHN LLOYD BANAT
GF: “Bakit late ka?”
BF: “Kalama. na-late lang ako. Hindi ako mawawala sa buhay mo.”
MEDYO PA-HUGOT
“So late ka na naman?”
“Alam mo, minsan akala natin late na ang isang bagay. Yun pala talaga ang tamang timing at ang tamang panahon.” < 3
MEDYO KATOTOHANAN
“Bakit ka late na naman?”
“Pasensiya na ho mam, nasira na naman ang lecheng MRT at nilakad namin yung riles hanggang sa station na binabaan ko.”
MEDYO BALASUBAS
“So why are you late?”
“Because I can.”
Pero siyempre tohl hindi magandang impression ang makukuha kapag late tayong haharap sa kahit kanino. Sapagkat mahalaga ang bawat segundo, mahalaga ang bawat minuto ng iyong nakakausap.
Eh teka anong oras na ba? Bakit nga ba ko nalalate? Marahil alam mo na ang sagot! Matulog na tayo at bukas na ulet ipagpatuloy ang kalokohang ito.

Miyerkules, Disyembre 30, 2015

You're Safe from my Torotot


'Mas pipiliin kong manorotot kaysa magpaputok.'
Ang tanong, papaano nga ba tayo lalaya sa masamang tradisyon na nagpapaputok ng rebentador sa New Year?

Isa lang ang sagot diyan tohl! "The TOROTOT will SET US FREE!"



Mayroong larawan si Enrique Gil sa torotot kung gusto mo siyang turototin.

Oo bakit naman  hindi? Ang pagtotorotot na nga siguro ang mabisang pamamaraan kung pang-taboy lamang sa malas sa susunod na taon. Ang karamihan sa ating mga kababayan ay natuto na rin sa wakas na imbis na delikadong paputok ang kanilang gamit sa pag-iingay ay torotot na lamang ang kanilang binibili. Bukod sa iba't-ibang kulay, porma at istilo eh murang-mura pa at p aniguradong sasalubungin mo ang Bagong taon na kumpleto ang iyong mga daliri sa kamay at paa at maayos kang makakapagbilang ng 1 to 10 habang kinokompyut mo yung mga umutang sa iyo nitong taon.

Pagkatapos ng Pasko, itaga mo sa bato, diyan pa lang maglalabasan ang mga torotot sa palengke. Wala naman kasing torotot sa mall at hinding hindi ako bibili ng torotot sa mall kung meron man. Ang gusto kong torotot eh yung maihahalintulad  ko sa indie film na gawang kamay ng Pinoy na gustong maghanap buhay and I won't settle for a branded torotot. Anong torotot yan may tatak na Bench at Girbaud? Masasabi nating seasonal lang talaga ang pagtotorotot, kasi ibang torototan naman yung nangyayari kapag Pebrero katorse. 

Pero wag ka ha may babala pa  rin ang DOH sa mga torotot na yan.  Kailangan pa rin natin ng kaukulang pag-iingat at pagbabantay sa ating mga tsikiting. Bakit? Hindi dahil sa sumasabog ang mga torotot. Kapag bibili ng torotot suriin mabuti ang pinakadulo ng hinihipan. Ang ating tinutukoy ay ang pito ng mga torotot kung saan dito  natin hinihipan para lumabas ang ingay, may ilang mga kabataang apat na taon pababa ang nakakalunok ng pito ng torotot. Ang mga torotot na ito ay maluluwang ang pagkakabit ng pito at maaaring malunok ng bata habang ginagamit niya ito. Ang siste  kapag kinausap ng magulang at nagsalita ang bata, tunog ng pito ng torotot na lang ang kanyang tugon. Pero siyempre joke lang yun tohl. Totoong maari nilang malunok ang pito kaya suriing mabuti ang torotot na bibilhin at wag papadala sa ganda at kulay. Parang paghahanap lang   din yan ng tunay na pag-ibig, huwag magpapadala sa panlabas na anyo, mabuting tumingin pa rin sa ganda ng kalooban.

Kung wala naman torotot o ayaw manorotot marami pa rin namang alternatibong gamit pang-ingay. Nariyan ang palanggana at palo palo, pero siguraduhin mo kinabukasan kapag maglalaba ka meron ka ring pang alternatibong pambili dahil sa nabutas mong palanggana kakapalo. Puwede rin namang mag-ingay gamit ang mga loud stereos, pero wag naman sana puro death metal at satanic  tunes ang ipansasalubong mong ingay sa bagong taon dahil sa halip na umalis ang mga masasamang espiritu eh sa inyo pa mamahay. Puwede na yung mga One Direction at Justin Bieber tunes. Option mo rin mag-ingay sa pamamagitan ng pagsisigaw. Magsisigaw ka hanggang mapaos ka. Ngayon mo ipagsigawan na mahal mo si  ganito, si ganyan. Mas maganda kung ipagsisigawan mo sa microphone o di kaya para mas  malakas sa megaphone. Kantahin mo lahat ng kanta sa videoke machine wag na wag lang yung "My Way" kung gusto mo pang makatungtong ng 2016. Manghiram ng sampu o mahigit pang torotot sa ilang kabataan at sabay sabay ipasok sa bibig at hipan. O kung hindi mo talaga maiwasan, bahala ka, bahala ka sa buhay mo kung gusto mo pa rin magpaputok ng mga rebentador, kwitis, super lolo, five star. Sabayan mo ng alak para mas may thrill budburan mo pa  ng yabang sa daan paniguradong hindi lang mga daliri ang wala sa'yo kung di buong kamay at parang lagi ka na lang naka fist bump. Wag mo sabihing hindi ka binalaan ng blog na ito, kumpletos rekados na kame sa karne para bukas, imbitado ka naman wag ka lang magdadala ng sarili  mong bacon pagkatapos mong maputukan ng Crying Bading.

Kaya ako okay lang masabihan ng duwag at walang bayag. Hinding hindi ako magpapaputok kahit pa watusi o lusis. Ligtas na ako sa torotot kong kasing-lakas ng kanyon. Huwag ko lamang malulunok ang pito nito.

Mula sa mga mambabasa (kung meron man) ng Ubas na may Cyanide, Masaganang Bagong taon sa ating lahat  at maligo din tayo sa bagong taon!!!

Miyerkules, Disyembre 23, 2015

Of Woofs and Wags: PROJECT PAWPRINTS

'Cant care for an animal? DON'T GET ONE!


"If you can't help them, at least, don't hurt them".

If you think your life is tough on you, THINK AGAIN. There are innocent beings who have less than you have. This cruel world is too much on animals. Consider giving your time, effort, or money to help the homeless. For those of you here in our country, take personal charge of a homeless and needy animals. The world will be a better place because of your compassion.

I have started this campaign early this month by myself and I will promise to continue this little effort 2 days every week, every rest day from my work. It's called PROJECT PAWPRINTS!

Simple lang, walang halong kiyeme or cheche bureche. I'm on a bike and looking for homeless dogs and cats. It's just like on wheels delivery of foods for their hungry stomachs. You'll never know kung gaano na sila katagal hindi kumakaen. After the last day of work, I'll wake up at 3 AM to prepare foods in a styro. Six packs of fully loaded rice and adobo are enough on my bag. Passing by from Buhay na Tubig Palico 4 to Zapote Kabila Palengke route riding a bicycle, you can see a lot of poor innocent dogs and cats on the streets. Some of them sleeping on a sidewalk (despite the cold) and a lot of them scavenging raw foods from the trash. Others want to cross the street, but others are too weak, that cause many deaths from a road kill. This morning, I found 3 separate road kills one is a cat which I guess it was accidentally run by a speeding car. The cat was near the canvas, but maybe because of the hard impact, the cat didn't make it. In Aguinaldo Hi-way when I'm passing Barangay Malumot in front of Christian Values School a stray dog was brutally run over. I can't describe it, but we know when we say "brutal" it something like unrecognized.

'This what I give them on a  first try, a simple offer to provide food for their hungry stomachs'


But still, I just want to clear some things, for sure there are other people would say things like these "ang taos-pusong pagtulong hindi na kailangang pinapaalam sa iba". I don't need to be noticed by doing this kind of help. It's my passion since I was a kid, I've been doing this since my teenage days. Tama hindi na kailangang ipagladlaran na tumutulong ka, but posting this stuff would more help the homeless animals. It would give encouragement and inspiration to others, alam ko merong mga tao diyan na gusto tumulong pero hindi alam kung saan, paano at anong paraan. For others, they may think "kalokohan" or "kabaliwan" lang ito. But "NO" my friends, when you give and see those needy eyes looking at you there's nothing you can do, maaawa ka na lang because of their weak bodies.  It's an awesome feeling helping them and they will stare back at you saying "thank you" with their eyes looking at you. I wish that I could do this every day, but I can't. There is this dog near the intersection of SM Bacoor, this dog is a big furry friend, pero nahahalata mo na sa kanya na unti unti na siyang nagiging skinny. I guess niligaw ng amo, you can see from this dog na dati talaga siyang alaga.The dog keeps snipping the canvas, I notice him. I stop by, I parked my bike. I bring this brown bag in front of him and I was surprised because he's not running, hindi siya mailap unlike the others.


December 17, I started to prepare at 3 AM in the morning, with the same old packed foods of Nanay's Adobo. This time, the foods were prepared in a small plastic bowl container. I can only manage to arrange four bowls in my bag but all four were fully loaded with Adobo. Madilim at malamig ang pagpadyak and the headlight of my bike suddenly went down, I guess, the battery is already drained which is very dangerous for me to go along the highway. But still, I told myself that I'm already here and I don't want to get back, I just need to be extra careful manning the bike.

First stop was at Palico 4, I saw this dog patiently sitting and wagging its tail from a boy in front of the store, hoping that the boy will share his foods to our  fur baby. The human ignores him and I guess that's the time for me to show on the scene. I parked my bike for about 5 steps before him to avoid him being scared of me  and also to keep away from destruction. The dog seems to be friendly and wag his tail as I'm approaching. Those innocent eyes are waiting for what am I pulling out of the bag, the dog's eyes are delighted when he sees the happy bowl that I gonna give to him. With glee on his face and the speed of the  wagging tail might tell him that I am not a threat and I am not gonna hurt him. So I put the food down next to him, he walks slowly and started to feast on my Adobo (with the tails still wagging. Happy kid!

Thursday last week is also time for Simbang Gabi, so preno muna ang bike papuntang simbahan and for sure that I'm gonna see a lot of strays around the church, especially at the food area at the back of the  church. It was the second day of the  Simbang Gabi and I can't even find a parking area for the bike. So I just decided to stay outside and join the mass riding on my bike. The mass ended after 40   minutes, strolling at the back of the church to find a hungry fur baby. There were lots of food lugaw, arrozcaldo, puto bumbong, bibingka, mami etc. I believe I am at the right place to find my second stray for the night. While waiting, I buy taho to keep my stomach warm from the cold night. From the last gulp of my taho, suddenly I spotted a white dog approaching the mami-lugaw-arrozcaldo section. He sits in front of the people feasting on their hot noodles  with chunks of beef, but the dog was driven away. He's afraid and run a bit, crossed the street and looking for something to eat in the garbage. I crossed the street and went to him slowly before he messed up the trash bin. The dog didn't even scared of me and I managed to take pictures on him directly looking at the camera. I gave him the two bowls because the cat runs away.

Daniela Andrada - Christmas time is here ft. The Cutest Dog in the Galaxy

What breaks my heart while approaching the Nueno avenue, the street aside BPI, I saw a white dog with black spot and a spot on his eye similarly like Tagpi, skinny, and his back leg is injured. I hate to leave him without food, but there's nothing that I could do right now, I 'm out of food supplies.  I wish I can see you there again tonight for Round 3 of Project  Pawprints.  

People for sure, marami sa ating ang magkakaroon ng leftover foods on this Noche Buena tonight. Why don't we share a bit? Let's feed the hungry people/strays tonight because giving is absolutely the  true spirit of this Holiday Seasons! Wag maging  Ebenezer Scrooge, get out of your houses and do good, give love o those needy on this most wonderful event of the year! It's Christmas time bro! Buh  humbug!

Merry Christmas sa lahat ng nagbabasa at bumibisita sa Ubasnamaycyanide.                                                                                                                                                                                                  

Martes, Disyembre 15, 2015

Simbang Gabi

'Imus Cathedral Church, Imus, Cavite


"Ang kampana'y tuluyang nanggigising
Upang tayong lahat ay manalangin
Ang bendisyon kapag nakamtan na
Tayo'y magkakaroon ng higit na pag-asa"


Oo, tohl alam kong dapat ay nagrereview ako ngayon para sa aming exam ngayong linggo. Hindi na ako estudyante pero kailangang ipasa ang nasabing exam para makalikom ng mas higit na kayamanan. Hindi ginto at hindi rin pilak na kayamanan kungdi saktong tanso lamang. Pero dahil isang araw at Disyembre 16 na naman, may pumipitik pitik sa aking nerve cell sa  utak na magsulat ulit tungkol sa Simbang Gabi. Ito ay isang tradisyon nating mga Noypi na minana pa natin mula sa ating mga mananakop na Kastila. Simbang Gabi na  dinadagsa ng nakararami; lalake, babae, bakla, tomboy, teenagers, barely legals, jejemons, mga mukang hasht5, mga mukang hasht 5 na babae, magsing-irog, grupong SMP, magkarelasyon na minadali para di maging SMP, mga mexicanong trashers, punks, hip-hop at kung  anu-ano pang creatures of the night ay dumadalo sa simbahan.

Mabuhay Singers - Kampana ng Simbahan

Ang simbang gabi ay tradisyong makahulugan para sa ating mga Katoliko. Noong panahon na ako'y teenager pa lamang na kagaya niyo ay nakukumpleto ko ang simbang gabi taon-taon ng hindi pumuporma ng OOTD. Magbabarkada man kame pero ang tunay na layunin talaga ay manalangin at magpasalamat sa mga biyayang natanggap kay Ninong at Ninang, maliit man o malaki, Goya chocolates man or M&Ms, Spartan man o Crocs, Nike man o  baliktad na check na logo ng Nike, Adidas man o Adudoy. Ang mahalaga ay tunay na diwa ng pagbibigayan at pagpapasalamat sa blessings ng Panginoon through all this years. At siyempre magpasalamat na din dahil buhay pa  tayo sa gulo ng mundong  ito.

Masaya nga naman ang simbang gabi dahil pagkagaling mo sa simbahan at pagkatapos ng misa ay diretso ka na sa mala-Baga Manilang tanawin sa gilid hanggang likod ng simbahan. Hindi mawawala ang magka tag-team partners na pagkain gaya ng "Puto Bumbong" at "Bibingka". Nariyan din ang taho, mami, mami-pares,pares,mga "si" foods pero hindi po isda (tapsi, longsi, porksi at hekasi), suman, mga grupong balls (squidballs, fishballs, chicken balls at naftalin balls). Sa isang bangketa naman ay may nagtitinda ng pasalubong katulad ng yema, uraro, ampaw rice, barquillos, lengua de ga to,  kape barako, salabat, tsokolate. Habang mayroon ding mga pampainit sa tiyan na makakain katulad ng lugaw, arroz caldo at goto.




Pero tanong ko lang tohl  ha, bakit mas marami atang nagsisimba tuwing  Simbang Gabi kaysa sa simba kapag Linggo? Teka ano nga bang kaibahan nun? Dahil mas masaya ang magsimba ng gabi? walang-araw? Walang araw eh bakit nakashades ka pa ring animal ka? Dahil lamang ba talaga sa porma? Naka varsity jacket kahit sobrang init sa loob ng simbahan? Para maglandian lamang? Magsimbang tabi at   gilid gilid at hahayaang mag-init  ang katawan at pagkatapos ng wala namang natutuhan sa sermon ng pari eh bigla nalang maglalaho sa gilid gilid at alam mo na ang sunod na pinupuntahan? Putangna, utang na loob, magsitulog na lang kayo ng mutain pa kayo. Merong mga kabataan naman na naglalasing muna sila at pumupunta pa rin ng simbahan. Hindi  ko na   rin maintindihan kung naiintindihan ng mga taong ito ang tunay na kahulugan ng Simbang Gabi o para sa kanila ay pawang kalokohan lamang.

Ay meron pa palang mas malala pa, ewan ko  kung sinong mokong ang nagpauso nito na kapag nakumpleto mo  raw ang Simbang Gabi ay puwede ka nang makapgwish ng kahilingan. Ilan bang wish? Tatlo? Punyeta ano ito, instant "genie in a bottle"?  Actually  nakatapos ako ng Simbang Gabi noon nung ang inyong lingkod ay nasa siyudad pa ng Paranaque. Sino nga ba naman ang hindi makakatapos noon eh likod lang namin ng bahay ang maliit na kapilya. Wala ng OOTD-OOTD pa WUGU ang nagyari Wake Up and Get Up. Konting hilamos at paghigop ng kape sa bukana ng kapilya ayos na. Naka abot ako ng siyam na araw, wagas nakumpleto ko! Ngayon panahon na para subukan ang "wish upon a simbang gabi " trial. So sa isang gabing madilim, habang tulog na ang lahat at ako'y nasa taas ng aming balkonahe, isinikatuparan ko ang aking pagwiwish habang nakatingin sa   gabing maningning na punong puno ng bituin. Ang winish ko  "sana maglakas loob na akong makilala si ultimate crush ko nung highschool, at kung may instant bonus na wish sana mag ing kame". Pumikit at taimtim na nanalangin. Lumipas pa ang mga nagdaan na buwan sa bagong taon ay nakalimutan ko na  rin ang wish na yun ee. Hanggang sa dumating ang araw ng Foundation Day ng School, nakita ko siya noon at ang ganda ganda niya. Likas na mahiyain ang inyong lingkod kaya nangangailangan ng tulay, kilala pala siya ng aking kaibigan at sinabi niyang ipapakilala niya ko. Ayaw ko pa nga eh, pero biglang sumagi sa aking isip ang wish ko noong nakaraang taon na simbang gabi. Hinihila hila niya pa ko, sabi ko sana hindi ko na lang nabanggit sa kanya. Pero may the force be with him kasi nagpa-alalay pa sa iba, eh ayoko naman na para akong inahing baboy na hinihila sa harap niya. Kaya malaya na lang ako sumama sa kanila na para bang may mga kasama akong pulis at ako ang suspek. Ayun ipinakilala ako sa kanya at bilang simbolo ng bagong pagkakakilala kailangan niyong magkamay. Ayun habang ipinapakilala pla ko eh kasing bilis ng alas-kwatro sila gumawa ng kalokohan. Nung pagkakamay ko sa kanyang mala bulak na lambot ng palad ay nakatimbre na pala ang isang kanta ng Boyz II Men sa request booth. Mga walanghiya talaga at lumayo pa sa aming dalawa. Magkahalong  hiya, sayaw at bilis ng tibok ng puso ang aking naramdaman Papa Jack. Pero ang saya din pala ng  wish na yan kapag nakumpleto mo ang simbang gabi, medyo matagal nga lamang siguro ang epek. Dapat pala inuna ko yung instant  wish na maging kame or masyado daw atang overrated ang wish na yun sabi ni Lord. Okay na po ako duon sa nakilala ko siya.

Pero ewan, wag ka umasa na totoo nga ito, ang mahalaga ay magpunta sa simbahan nang alam ang dahilan kung bakit ka naroroon. Hindi para makipagharutan o makipaglandian. Nandoon ka para magdasal at  magpasalamat ng taimtim, nandoon ka para humingi ng kapatawaran ng mga kasalanan, hindi lamang sa pagfofoodtrip at hindi lamang sa kagandahan ng porma.

So what are you waiting for mga toohl, plug in the iron na at plantsahin na ang OOTN mamayang gabi. Alam ko naman na marami ka nang napamaskuhan at siyempre yung iba kaka 13th month lang kaya for sure todo get up na for tonight. Eksakto naman yung old school na "varsity jacket"   mo kasi umuulan at may bagyo. Aba eh unahan mo na rin ang pagsikat ng haring-araw bukas kaya gabi pa lang mag-shades ka na. At panigurado naman ako na makakailang shift ka ng simbang gabi mamaya para lang tumambay  at magsearch ng simbang gaBOYS at simbang gaBABES.

Oh siya balik review! Para sa ekonomiya!

Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...