Nananahimik lang naman ako sa kinauupuan ko nang mag-browse ako sa IG nang makita ko ang isang video. May mga guards ng BGC na nagsasabing pauwiin ang ilang kabataang mukhang nasa edad 12, 14, o 16, at malinaw na sinasabi sa kanila na hindi raw sila puwedeng manatili roon. Aminin ko, maikli lang ang clip—mga 10 to 15 seconds lang—but even that short moment was enough to shock me. Napatanong tuloy ako sa sarili ko: may existing rules ba talaga na nagsasabing kailangang pauwiin ang mga minors sa BGC?
Of course, in-analyze ko muna ang video bago ako nag-react. Wala rin naman akong balak ipa-viral iyon dahil hindi iyon ang style ko. Nagsalita lang ako base sa naramdaman ko, kasi lahat naman tayo dumaan sa ganitong edad—yung phase na mataas ang energy at minsan sabog ang trip. Sa video, makikita lang ang isang grupo ng mga bata na naglalakad sa kalsada, gaya ng sabi ko, nasa 12, 14, or 16 years old. Nilapitan sila ng mga marshals at pinauwi, with the exact words: “Umuwi na kayo.”
Hindi ko rin in-expect na biglang bubuhos ang likes at comments sa Threads ko, hanggang sa mag-viral na pala. May mga nagsabi na valid naman daw ang ginawa dahil private-owned ang BGC at may karapatan silang magpatupad ng kahit anong rules na gusto nila. Okay, I get that. May mga nag-reply rin sa comments ng pictures at videos ng mga kabataang nagkakaroon ng riot at chaos sa loob ng eksklusibong lugar na iyon.
My focus is on the video of a group of kids just walking along, and the marshals told them to go home, hindi sila puwede o nababagay sa ganoong lugar. That's a little off. I did say in the Thread comments that what I saw is pure discrimination. Why?
- The kids were removed based on appearance, age, clothes, or social class
- There was no observed wrongdoing
-No warning, no explanation, no equal enforcement on others nearby
That’s called profiling, not security.
Profiling = judging intent based on how someone looks
Security = responding to actual behavior
People are quick to judge, saying the same kids in the video are the same kids involved in that gang war. Well, I doubt it.
This is a serious allegation. And serious allegations require serious proof. The key questions are:
Who is saying this?
– Guards? Social media commenters? “May nagsabi lang”?
What proof exists?
– CCTV match? Police blotter? Prior apprehension?
Was that proof shown to the kids at the time?
– Or were they removed based on reputation? Dahil lang katulad ng porma nila yung nangyaring recent gang war?
ANG MALINAW TALAGA NA LUMABAS AY DAHIL KATULAD LANG NG PORMAHAN ANG SUOT.
Ibig sabihin, naparusahan sila sa kasalanang hindi naman nila ginawa. Sa isang comment section, sinabi mismo ng mga bata na nandoon sila para mag-promote ng isang clothing line, at may kasama pa silang mas bata sa kanila bilang bahagi ng promotion. Pero alam naman natin kung paano mag-isip ang ibang tao—sasabiin agad na nagsisinungaling lang ang mga bata para mapagtakpan ang sarili nila. Ganiyan talaga minsan ang ugali ng tao: kahit may paliwanag o pruweba na, ipipilit pa rin ang sariling paniniwala para lang maprotektahan ang ego nila.
Pero bigla na lang din akong naging target. Tinawag akong tagapagtanggol ng “genggeng,” sinabihan na imbitahan ko raw sa bahay ko ang mga nanggugulo sa BGC, o kaya’y magpatayo na lang daw ng sariling BGC at hayaan ang ganitong klaseng kabataan na gumala roon. Lumabas lahat—mula sa maaanghang na salita hanggang sa lantad na kamatapobrehan. At sa totoo lang, mas nakakatakot para sa akin ang ganitong klaseng pag-iisip ng mga tao kaysa sa pagiging “irritable” ng mga tinatawag nilang genggeng.
This past weeks, tila iisa ang laman ng mga timeline ng maraming ManileƱo—ang umano’y “pananakop” ng mga tinaguriang young stunnas sa Bonifacio Global City, partikular sa High Street. May mga video ng mga kabataang nag-aasaran, nagtutulakan, at minsan ay nauuwi sa maliit na gulo. Hindi naman malulubha, pero sapat para mairita ang marami at maging mitsa ng mas malalim na diskusyon.
Pero ano nga ba muna yung Young Stunnas?
This is a slang na ginagamit ngayon para ilarawan ang mga kabataang naka-hip-hop / streetwear style—madalas oversized na damit, maong o cargo pants, sneakers, cap, minsan may chain—at may confidence o “angas” sa galaw at tindig.
“stunna” (mula sa hip-hop culture), na ibig sabihin ay someone who stuns—yung mapapatingin ka dahil sa porma, swag, o presence. Dinagdagan lang ng “young” dahil karamihan ay teenagers
Bilang isang lugar na madalas ituring na simbolo ng kaayusan, kaayusan na may presyo, naging mitsa ang mga pangyayari upang ilabas ang matagal nang nakatagong pananaw ng ilang sektor: sino ba ang “bagay” sa BGC at sino ang hindi?
Maraming nagsasabi na simpleng disiplina lang daw ang hinihingi—walang elitismo, walang diskriminasyon. Pero bilang isang educator na araw-araw humaharap sa kabataan mula sa iba’t ibang antas ng buhay, malinaw sa akin na hindi hiwalay ang konsepto ng “tamang asal” sa konteksto ng uri at kapangyarihan. Kapag ang “maayos na asal” ay awtomatikong iniuugnay sa pananamit, pananalita, o pinanggalingan, nagiging instrumento ito ng pagbubukod.
Maharlika Hood - Habang Panahon
Ang tanong: bakit tila mas mabilis tayong magturo at manita kapag ang kabataang sangkot ay mukhang “hindi kabilang”? Marami na ring insidente ng kaguluhan sa BGC na kinasangkutan ng mayayaman, ng mga lasing, ng may impluwensiya—ngunit bihirang humantong sa panawagang itaboy sila palabas ng lugar. Hindi ba’t malinaw kung kanino mas madaling ipataw ang “kaayusan”? Dahil ang mga batang jejemon ang mas madaling target kesa sa mga mayayamang personalidad diyan sa BGC na mas harmful pa ang maaaring magawa kumpara lang sa pagka iritable ng mga tao sa mga batang tinutukoy.
Mahalagang linawin: walang sinuman ang may karapatang manggulo o manakit sa pampubliko o pribadong espasyo. Tungkulin ng mga awtoridad na pigilan ang aktwal na gulo at protektahan ang lahat. Ngunit ibang usapin na kapag pinapaalis ang mga tao hindi dahil sa ginawa nila, kundi dahil sa hinala, itsura, o “vibes” na hindi pumapasa sa pamantayan ng nakararami.
Bilang guro, itinuturo natin sa mga bata na huwag manghusga base sa anyo, na pakinggan ang konteksto, at intindihin ang pinanggagalingan ng bawat isa. Nakakalungkot kung sa labas ng silid-aralan, kabaligtaran ang ating isinasabuhay.
What really struck me reading the comments is how easily people gave up on these kids. As if their fate is already sealed.
They’re 14–16 years old. Yes, some may have made mistakes. Yes, some may have been involved in gangs or bad behavior. But since when did we decide that teenagers who went astray are beyond redemption?
It’s sad — and honestly ironic — how quick people are to demand order and morality, yet so willing to permanently label young people as “lost causes.”
We talk about discipline and security, but forget that growth, guidance, and change are part of building a safer society too.
You can step in, stop, and even penalize an actual street fight—that’s the real peacekeeping role and responsibility of local authorities. Pero hindi puwedeng mag-Minority Report mode at paalisin ang mga tao base lang sa suot nila, sa itsura nila, o dahil biglang nag-activate ang “Spider sense” mo at kinilabutan ka. That’s not how law enforcement works. Well… at least, that’s not how it’s supposed to work—kahit alam naman nating sa Pilipinas, madalas ganito talaga ang nangyayari.
Walang masama sa paghingi ng maayos at disenteng asal mula sa mga taong gumagamit ng pampublikong espasyo sa BGC. Pero tigilan na natin ang pagpapanggap na hindi ito elitismo kapag ang moral na panunumbat ay nakatutok lang sa isang partikular na uri ng tao. That’s straight-up discrimination. At dito tayo bumabalik sa video ng mga BGC marshals na humaharap sa tinatawag na young stunnas.
Nakakapagod mang ulitin, pero malinaw ito ay tahasang diskriminasyon—lalo na kung magiging pamantayan na ito laban sa lahat ng taong may partikular na pananamit. Hindi naman automatic na nangangahulugan na ang isang taong mukhang galing sa rap music video ay may balak manggulo sa kalsada, kahit gaano pa natin gustong patunayan ang sarili nating hinala at paghusga. At ang sinumang nasa gitna o mataas na uri ng lipunan na sumusuporta sa ganitong uri ng hakbang ay halos wala ring pinagkaiba sa mga panatikong pumapalakpak sa extrajudicial killings sa ngalan daw ng kaayusan at kaligtasan. Ang katotohanang ayaw marinig ng marami: ang sama-samang pagbabantay at pagtataboy sa mga tao palabas ng BGC ay isang mas banayad, mas “katanggap-tanggap” sa middle class na bersyon ng war on drugs—walang dugong tumatagas, walang buhay na direktang kinikitil, at walang pamilyang lantaran na nawawasak, pero pareho ang ugat at lohika ng pang-aabuso.
Nitong mga nakaraang araw ibang klaseng lamig ang bumabalot sa buong Pilipinas. Lamig na tila kumakapit sa ating mga balat na para bang mag-uumpisa pa lang ang Pasko at ngayon pa lamang magsisimula ang bibingka sessions sa bawat kalye ng ating bansa. Gusto ko rin sanang mas magtagal pa ang ganitong lamig ngunit habang tumatanda hahaha ay lalong hindi ako nagiging immune sa lamig at hindi puwedeng hindi ko kapiling ang aking kumot sa magdamag. Ang lamig na dati’y kaibigan lang, ngayo’y kaunting kalaban na rin—pero isang kalabang masarap pa ring yakapin.It feels like I've been torn between two lovers, but accepting that kind of love will put me in big trouble because bawal ang sobrang lamig sa mga may heart condition na katulad ko.
That every morning breeze makes me feel like I'm in Baguio City, presko, tahimik, at may halong lambing ang simoy na parang yumayakap sa’yo bago ka tuluyang magising. It’s that kind of weather that makes us extra lazy, the kind that convinces you to stay in bed just a little longer. This kind of weather also proves that you’re becoming older—dahil masaya ka na sa ganitong kasimpleng pamamaraan at pakiramdam. Hindi na kailangan ng bonggang lakad o mahabang plano; sapat na ang lamig, katahimikan, at pahinga. The extra comfort that your newly washed blanket brings, the familiar smell of the fabric, and the soft mattress waiting for you at the end of the day somehow make you feel a little extra old—in the best way possible.
It’s the kind of “old” that finds joy in stillness, that chooses rest over noise, and that understands comfort as a small but meaningful luxury.
Ang kalaban ko lang talaga sa ganitong panahon ay ang sipon na tila hindi kinakaya ng katawan ko tuwing sumasapit ang malamig na season ng mga unang linggo ng Enero. Ayaw na ayaw ko talagang magkasakit—sobrang hassle ng runny nose, at hindi rin ako komportable sa pag-ubo dahil pinapataas nito ang heart rate ko, na hindi puwedeng mangyari sa akin. At kung talagang minamalas pa, nauuwi ito sa asthma dahil sa naipong plema, isang pakiramdam na parang mas lalong pinapahirap ang bawat paghinga. Kaya kahit gusto ko ang lamig, may kaakibat din itong pag-iingat—dahil hindi lahat ng cozy moments ay kayang sabayan ng isang katawan na madaling bumigay.
Up Dharma Down - Tadhana
Mula sa malamig na simoy ng Enero na pilit nating tinitiis tuwing umaga at gabi, unti-unti tayong dinadala ng panahon papalapit sa Pebrero 14. Habang ang lamig ng Enero ay kumakapit sa balat at nagpapabalot sa atin ng kumot, ang tanong ay kung aabot ba ito sa lamig ng pag-iibigan ngayong Araw ng mga Puso 2026. Sa pagitan ng malamig na hangin at papalapit na selebrasyon ng pag-ibig, napapaisip ka kung may init pa bang sasalubong sa Pebrero—isang yakap, isang presensiya, o isang damdaming kayang tunawin ang lamig na matagal nang nananatili. Sapagkat kung ang Enero ay tungkol sa pagtitiis sa ginaw, ang Pebrero 14 ay tila paalala kung may init pang naghihintay, o kung mas malamig pala ang katahimikan kaysa sa mismong panahon.
Ngunit hayaan na natin ang pansamantala lamang na lamig ng January, minsan lang natin to maranasan na tayong lahat ay parang nasa de-aircon na bansa malayo man sa lamig ng Canada, Russia at Greenland sapat na ito sa balat ng Pinoy dahil baka kasi kapag nasobrahan pa ay baka hindi natin kayanin ang ngatog at nginig lalo na ang mga nagrarayumang katulad ko. Pasasaan ba't darating muli ang init ng Marso at doon ay makakakita ka na naman ng mga gusto mong makita. Pero sa habang ganito ang panahon parang ayaw ko munang magtampisaw sa dalampasigan, ayaw ko munang makakita ng mga girls jumping on trampoline o kaya ng mga beach girls na naka two piece bikini. Ayaw ko munang gumawa ng kastilyong buhangin, ayaw ko munang mag scuba diving sa Manila bay baka hindi pa nadadala ng alon ang mga tae at basura sa South China Sea, baka marumi pa.
Sa huli nanamnamin ko pa rin ang mga natitirang lamig ng Disyembre yung para bang iniwang lamig ng ilalim ng unan mo kapag kinapa mo ito. Ubuhin man, sipunin man ay ayos lang, wag lang darating sa ospitalan dahil sawang-sawa na ko. Hindi na rin naman magtatagal ang ganitong klima pero mas dapat tayong nakahanda sa nalalapit na tag-init.
Ang lamig ng Enero ay hindi lang nasusukat sa temperatura ng panahon, kundi sa mga damdaming dala nito—ang paghinto, ang pagninilay, at ang paghahanap ng init sa maliliit na bagay. Habang papalapit ang Pebrero at ang Araw ng mga Puso, nawa’y mas mahaba ang panahong manatili ang init ng pag-unawa, lambing, at presensiya—dahil anuman ang lamig ng panahon, mas masarap pa ring harapin ito kapag may init kang inuuwian.
Isang mapagpalang hapon sa ating lahat. Matagal-tagal ding nagpahinga ang aking panulat, tila huminga muna bago muling sumuong sa ikalawang yugto ng patalasan ng alaala ng ating mga taon sa high school. Ngayon, muli ko itong hinahawakan— dahan-dahan, may paggalang sa panahong lumipas— at inaanyayahan ko kayong idampi ang inyong mga tainga sa mga kuwentong aking ilalahad, mga masasayang gunita ng ating kahapon na minsan ay iniwang nakabitin sa hangin.
Mula rito sa aking upuan, tahimik akong nakatanaw sa langit, hinahanap ang tamang salita, habang tinatahak ng isip ang kalawakan ng mga alaala na minsang naging tahanan ng ating kabataan. Sa aking kanan, may isang pusang gala— nakahiga sa ibabaw ng lamesa,
may sariling mundo, may sariling espasyo. Si Miming— iniligtas namin noong panahong nagngangalit ang mga paputok bago mag-alas-dose.Mula noon, natagpuan niya ang kanlungan, at natutunan ang oras ng pagkain, kasabay ng aking mga alagang pusa’t aso. Ngayon, palagi na siyang bumibisita—tahimik na saksi sa bawat salitang aking binubuo.
Sa katahimikang ito, pinipili kong magpokus, upang ihatid sa inyo ang mga lugar, tagpo, at sandaling humubog sa atin sa loob ng ating minamahal na paaralan. Muli, samahan ninyo ako— sapagkat ang alaala, kapag pinagsaluhan, ay lalong nabubuhay.
May mga Sabado sa paaralan na tila nakatupi pa rin sa aking puso— mga araw na payak, ngunit punĆ“ ng tuwa. May tiket noon para sa film showing, ginanap sa tahimik naming aklatan, na sa isang iglap ay naging munting sinehan ng kabataan. Noon, ang Sabado ay tunay na araw ng mga bata— malaya ang oras, magaang ang hininga, sapagkat wala pang pasok kinabukasan at ang mga takdang-aralin ay nakaabang pa sa Linggo. Kaya’t buong galak akong pinayagan ng aking ina, binili niya ang aking tiket, at ako’y pumasok sa paaralan na may dalang pananabik.
Nasa Grade 6 pa lamang ako, musmos pa ang isip, ngunit malinaw pa rin sa alaala ang tanawin: tinanggal ang mga lamesa’t upuan, ang sahig ay pinunuang upuan ng mga batang nakasalampak, ang iba’y nakatayo, at sa pader, sumayaw ang mga anino ng pelikula mula sa projector ng paaralan. May numerong iniabot sa amin— noo’y hindi ko pa alam na iyon pala’y paanyaya sa suwerte. Ang pelikula ay “Benji”, isang asong gala sa gilid ng bayan, walang tahanan ngunit may pusong marunong magmahal, tahimik na naghahangad ng lugar na matatawag na sarili. Sa bawat eksena, tila may humihila sa damdamin— ang pagkakaibigan, ang pag-asa, ang pagnanais na mahalin.
Mahigit isang oras at kalahati ang lumipas, at paglabas namin ng aklatan, bitbit ng bawat bata ang luha at ngiti. Isang lumang pelikula mula 1974, ngunit ang tama sa puso ay sariwa pa rin. At tila hindi pa roon nagtatapos ang himala— may raffle pala. Binunot ang mga numero, at sa unang pagkakataon sa aking buhay, ako’y tinawag ng suwerte. Ang aking napanalunan: isang malaking kahon ng Koko Krunch.
Para sa isang bata, iyon ay higit pa sa premyo— isa iyong tagumpay, alaala, at ligaya. Kaya’t umuwi akong busog sa saya: may pelikula, may pagkain at inumin, at may cereal na nilantakan ko sa aming tahanan. Sulit na sulit ang Sabadong iyon— isang munting kabanata ng kabataan na hanggang ngayon, ay masarap pa ring balik-balikan..
Noon, maraming pumapasok sa silid-aklatan hindi upang makipagtagpo sa mga pahina ng libro, kundi upang sumilong sa malamig na hininga ng aircon. Sa panahong yaon, bihira ang tahanang may ganitong luho— tanging ang mga mas nakaaangat lamang sa buhay ang may pribilehiyong iyon. Sabik kami sa lamig, lalo na sa ilalim ng matinding init ng dekada nobenta, kapag ang pawis ay bakas pa sa aming mga noo matapos ang nakakapagod na oras ng PE. Kaya may mga pasaway na dumidiretso sa library, naghahanap ng pahinga, hindi ng kaalaman. Ngunit hindi rin nagtatagal ang aming pagtatago; agad kaming tinutunton ng matang mapagmatyag ng librarian, at kami’y pinalalabas— sapagkat malinaw sa aming anyo na ang hinahanap namin noon ay hindi libro, kundi lamig.
Ang aming silid-aklatan ay nakadapo sa paanan ng hagdan, sa gawing kaliwa— at sa lilim ng bawat baitang, nakatago ang munting kaharian ng mga locker. Maging sa harapan ng library, nakahilera rin ang mga bakal na tagapag-ingat ng lihim, bag, at pangarap ng mga mag-aaral sa high school. Kapag ikaw ay varsity, may himalang kasama ang iyong pangalan— libre ang locker fee, parang gantimpala ng lakas at sipag. Sa mata ng paaralan, ang varsity player ang sukatan ng astig at pogi: siya ang sinisigawan ng palakpakan, ang sinusundan ng hiyawan ng mga chicks tuwing may interschool competition.
Mehro - Chance With You
Ikaw ang chinicheer, ikaw ang pamoso, ikaw ang laging napapansin— dahil sa husay sa basketball, sa tikas ng katawan, sa kumpiyansang humahataw sa court. At minsan, sa kakaibang batas ng kabataan, tinatabunan pa ng isang varsity jersey ang talino ng estudyanteng nasa star section.
Sa paanan din ng hagdan, nakatago ang munting tanggapan ng aming guro sa PE— isang silid na parang baul ng galaw at sigla. Doon ka maaaring manghiram ng bilog na pangarap: bola ng basketball at volleyball, raketa ng badminton at mga shuttlecock na tila ibon sa himpapawid, pati darts at iba pang kagamitang humuhubog sa pawis at tawa ng kabataan.
Medyo mataray si Mrs. Latonero, may titig na kayang patahimikin ang magugulong paa, ngunit sa likod ng mahigpit na anyo ay may pusong marunong umunawa. Basta’t tama ang oras ng paghiram, at marunong kang maghintay, ang kanyang “sige” ay parang hudyat ng kalayaan— isang pahintulot upang muling tumakbo, tumalon, at maging bata.
Mukhang hanggang dito na lang ang pag uusapan natin tungkol sa mga alaala sa lugar sa loob ng ating eskuwelahan. Dadako naman tayo kung saan nangyayari ang mga bagay-bagay sa labas ng eskuwelahan. Hindi ka puwedeng umuwi o lumabas ng eskuwelahan lalo na kung school hours pa. Ang mata ni Mang Jess ay parang agila na laging nakabantay sa mga gate ng school kung may mga estudyanteng gustong mag istokwa sa oras ng klase.
Sa oras ng uwian nagsisimula ang pinakamatitingkad na alaala— sandaling kalayaan bago tuluyang lamunin ng dilim ang mga kalsada. Panahong maaari kang maglihis ng kaunti, maglakad nang walang hinahabol na oras. Ngunit ako’y batang homeboy, ang landas ko’y tuwid pauwi, subalit hindi kailanman tahimik. Sapagkat ang pagsabay sa mga kaklase sa pag-uwi ay isa nang piyestang araw-araw na handog ng kabataan. May kuwentuhang humahaba sa bawat kanto, may asarang walang preno, at food trip na parang ritwal— kanya-kanyang hawak na stick na tinuhugan ng kwek-kwek, fishball, kikiam, o kung anumang abot-kaya ng bulsa at gutom. Wala pang plastik na baso noon, stick lang at saya, sapat na. Habang naglalakad, kumakapit sa palad ang mantika at sa hangin ang tawanan. May bangka sa tropa— tagapagdala ng walang katapusang kuwento, sentro ng katatawanan, pinagmumulan ng mga salitang bago, mga salitang sa amin lang muna nabubuhay. Ganito kasaya ang uwian habang dahan-dahang lumulubog ang araw— kasabay ng ngiti naming ayaw pang umuwi sa alaala.
Tuwing Biyernes, kusa akong lumilihis sa landas ng pag-uwi—sapagkat iyon ang araw ng pangako, ang araw ng bagong labas na mga kuwento na hinihintay ng aking mga mata at puso: ang Funny Komiks. Sa kanto ng Angel Linao Street, may munting komiks stand na tila dambana ng imahinasyon, nakatayo sa harap ng panaderya kung saan ang amoy ng bagong lutong tinapay ay humahalo sa amoy ng bagong pahinang papel. Doon kami bumibili, doon din kami nagbabasa— sabay kagat ng putok o Spanish bread, sabay higop ng Fanta o Sarsi, parang ritwal ng kabataang sabik sa kuwento.
Maraming nagtitipon sa komiks stand— mga panahong adik pa ang mundo sa pagbabasa. Nariyan ang mga diyaryo, malalaki at mabibigat sa balita; ang songhita, mga magasin, mga pocketbook na kayang maglakbay ng isip kahit nakatayo ka lang sa kanto. Wiling-wili kami noon, binubuo ng mga letra ang aming mga pangarap. Ngayon, tahimik na ang mga sulok. Wala na ang pagtitipon, wala na ang sabik na mga mata sa pahina. Halos wala nang nagbabasa. Lahat ng iyon ay naiwan na sa isang dekadang tinawag naming tahanan— ang dekada nobenta, kung saan ang kuwento ay binabasa, hindi ini-skip.
Ngayon naman, masasabi kong masuwerte ka kapag malapit ka lang sa tindahan ng school supplies— sapagkat sigurado, isang daang porsiyento, may nakalimutan kang ipabili kay nanay na kakailanganin mo kinabukasan. Isang bilin ni teacher: Manila paper, art paper, mga gamit na biglang nagiging mahalaga kapag gabi na at bukas na ang pasahan. At dito pumapasok ang himala ng Miannis— isang kanlungan ng mga batang makakalimutin, isang tagapagligtas ng mga estudyanteng nagmamadali. Ang tindero roon, si Mang Filemon, tahimik ngunit maaasahan, ang bantay ng papel, lapis, krayola, at pangarap. Ang tindahan ni Mang Filemon ay parang munting National Bookstore ng San Andres, Maynila noon— lahat ng hanap mo, nariyan. Hindi ka niya bibiguin, kahit anong naiwan sa listahan ni teacher, may sagot siya sa iyong kaba.
At paano ko nga ba makakalimutan na sa harap mismo ng Miannis ay may isa pang piraso ng alaala— ang 3M’s Pizza. Ilang ulit din naming tinikman ang saya roon, panahong wala pang GrabFood, wala pang delivery sa isang pindot. Noon, kapag gusto mo ng pizza, lalakarin mo, pupuntahan mo, o iuuwi mong mainit at amoy keso. At ang 3M’s Pizza? Kahit simpleng pizza stand lamang, panalo sa lasa— malutong ang crust, umaapaw ang keso, at ramdam ang bigat ng karne sa bawat kagat. Isang patunay na noon, hindi kailangang sosyal o mahal para maging masarap, para maging alaala.
Sa gilid ng simbahan ng San Antonio de Padua, nakatabi ng tahimik na dasal ang payak na buhay— mga karinderyang umausok ang ulam,
mga tindahan ng bulaklak, sampaguita, at mga pigura ng santo’t santa na tila nakatingin sa bawat nagdaraan.
Hindi ko malilimutan ang halimuyak ng mga bulaklak na sumasalubong sa umaga, banayad at banal, parang panalanging hindi binibigkas
ngunit ramdam sa dibdib. Nakasabit din doon ang mga eskapularyo at rosaryo, mga hibla ng pananampalataya sa pagitan ng mga daliri,kasama ang mga korales— pula at itim na pulseras ng paniniwala, isinusuot sa mga sanggol bilang panangga sa usog at masamang mata. Nagkaroon ka rin ba noon, noong ikaw ay musmos pa? Isang maliit na alaala ng panahong ang mundo’y simple, at ang proteksiyon ay hinahabi mula sa dasal, tradisyon, at pagmamahal.
Aqua - Turn Back Time
Lahat ng mga uso noong dekada nobenta ay tila nagsisiksikan sa harap ng aming eskuwelahan— isang makulay na palengke ng kabataan at kalokohan. Naroon ang mga tindero’t tindera ng kung anu-anong hilig ng panahong iyon, mga munting bagay na ngayon ay alaala na lamang. May mga kwintas na ang palawit ay nakakulong sa salamin, may tubig sa loob na tila kumukulong dugo— pulang likido o kulay kahel na bumubula, nakakaakit, misteryoso pero walang may alam kung para saan. Parang lihim na naka archive noong kabataan. Mayroon ding mga makukulay na beads na isinasabit sa ID— kaya biglang naging proud kaming isuot ito sa dibdib, hindi dahil sa pangalan o seksyon, kundi dahil sa palamuting sumasayaw sa bawat hakbang.
At nang sumikat ang Tamagotchi, tila may kanya-kanya kaming munting mundo sa palad— mga digital na alagang dapat pakainin at alagaan. Ngunit saglit lamang ang ligaya, sapagkat agad itong kinumpiska, bawal daw sa loob ng silid-aralan ang ganoong saya. Ngunit ang pinaka-kakaiba— ang alamat ng mga kaklaseng may tililing: may isang nagdala ng garter snake sa eskuwela, itinago sa bag na parang karaniwang gamit. Hindi man makamandag, ang sigaw ng mga takot sa ahas ay umalingawngaw sa buong hallway— dahil bihira naming makaharap ang ganoong hayop sa pang-araw-araw. At oo, sa panahon namin, hindi uso ang sabong ng manok— kundi sabong ng gagamba! Mga posporo ang nagsilbing bahay, at tuwing breaktime, dito nagsisimula ang laban at pustahan. Ganyan ang harap ng eskuwelahan noon— isang entablado ng uso, kabaliwan, at kasiyahang naiwan na sa dekada nobenta, ngunit patuloy na nabubuhay sa ating mga alaala.
Wala nang hihigit na tamis sa meryendang dala ng kanto, sa tindahan ni Fermin St., tuwing periodical exam ay dumadalaw. Tinig ng nagyeyelong Sarsi, halimuyak ng tikoy roll na homemade, na bawat kagat ay alaala ng araw-araw naming pagbisita.Simula nang matuklasan ang maliit na paraiso, ang aming hakbang ay awtomatikong naglalakad patungo rito— Sarsi at tikoy roll, simpleng kaligayahan sa lalamunan, kasabay ng utak na naglalaban sa sagot ng pagsusulit. Sa bawat higop ng Sarsi, nailalabas ang pagkadismaya, ang init ng pagkabigo, natatabunan ng tamis at lamig. Sarsi, higit sa iba, higit pa sa simpleng inumin, ito’y musika sa panlasa, kaagapay sa gutom at pag-iisip.
Di ko alam, ako lang ba? Noong makagraduate tayo, makatapos ng kolehiyo, nag-asawa, nagkaanak, at ang iyong anak ay nakapasok na rin sa paaralan, nariyan pa rin— ang 7-11 branch sa harap ng ating eskuwelahan. Saksi ito sa bawat araw nating pagpasok at pag-uwi, sa bawat lagok ng unli Slurpee na tila walang katapusan, sa huling minuto ng binili mong snack bago sumakay ng bus sa araw ng field trip.
Para sa akin, espesyal ito, ang 7-11 na ito, na noong 2023, huling pinasyalan ko sa aking bisikleta, at ramdam ko ang nostalgia, ang pinakamatandang 7-11 sa San Andres Bukid, tila nakatayo pa rin, tahimik na saksi ng oras.
Dito ko rin nasaksihan ang pagpunit ng loveletter ko ni... na ipinasa ko sa aking messenger, diretso sa basurahan— hahaha, mga alaala!
Mga sandaling ang simpleng convenient store, ay naging bahagi ng ating kabataan, ng ating mga lihim at komedya, ng ating lumipas na dekada.
Sabi sa wrestling, kapag may hidwaan, “Settle it in the ring.” Ganito rin kami noong high school, may isang lugar para tapusin ang alitan— Smith St. Lahat ng basaguleros, alam ang daan, kung saan ang maliit na away, o ang agawan ng jowa, nagwawakas sa semento ng kalsada. Bakas pa sa Smith ang panuntukan, ang tadyakan, ang sigaw ng riot. Di ito kalayuan sa eskuwelahan, harap lang, at harap din ng Miannis ni Mang Filemon. At paglipas ng araw, bawat kamao, bawat galit, natutunaw sa bati-bati. Kinabukasan, bestfriend ulit, sa sabong ng gagamba, o sa laro ng pera—1-3 last.
Mukhang marami na akong naibahagi sa Part 2, pero gusto niyo pa ba ng Part 3? Parang ako mismo, sabik sa ikatlong kabanata, kung saan pangalan at alaala ng bawat isa’y lilitaw. Bulagaran ng crushes, mga katawagan sa school, at mga kwento’t tawa ng nakaraan. Kung sinipag muli, handa na ang mga alaala— hanggang sa muli, hanggang sa susunod na kwento!
Just like yesterday, there isn’t much to write today. Same routine, still our rest day. Tomorrow, work resumes again in the afternoon.
One thing I continue to appreciate is the cold weather every morning. It makes waking up easier—or sometimes makes it nicer to stay in bed a little longer. I usually wake up around 9 AM and take advantage of the cool air, something we don’t often get to enjoy here in the Philippines.
Last night, we woke up when Pixie started crying. She needed to poop and didn’t want to do it on the bed sheets. We took her outside so she could finish her business. The 3 AM cold air was surprisingly soothing. It didn’t take long for us to fall back asleep afterward.
This is the hard part of having a puppy—you have to care for them almost like an infant. Tiring at times, but also heart-warming in its own way.
Marami akong napapanood na video ngayon—karaniwan ay mga street interview—kung saan tinatanong ng isang foreign vlogger ang mga turista at expat ng isang tanong:
“Which country has the friendliest people?”
What caught my attention is that almost 8 out of 10 respondents answered: Filipinos.
Nakakaproud pakinggan di ba? Kilala nga naman tayo bilang hospitable at mababait. Madaling ngumiti, madaling tumulong, at parang hindi nauubusan ng kwento. Pero napaisip din ako:
Talaga bang palakaibigan ang mga Pilipino sa lahat? O mas mabait lang tayo kapag dayuhan ang kaharap?
There’s no denying it—Filipino hospitality is real. When foreigners visit the Philippines, they often experience:
Being invited into homes by people they barely know
Being offered food, even when the host doesn’t have much
Strangers going out of their way to give directions or help
Endless smiles, jokes, and conversations
For many Filipinos, making visitors feel welcome is almost instinctive. We want guests to feel comfortable, safe, and happy. It’s part of our culture—and also our pride. Because of these treatments, others chose to come back to the Philippines, and others really fell in love not only with the nature and beautiful landscapes, but also with the people.
Pero paano kapag kapwa Pilipino na? Dito nagiging masakit na katotohanan ang tanong. Kapag sarili nating kababayan ang kaharap, tila minsan nawawala ang parehong init at malasakit. Sa araw-araw na buhay, makikita ang mabilis na pag-init ng ulo sa mga pampublikong lugar, ang panghuhusga batay sa itsura o estado sa buhay, at ang kakulangan sa pasensya at ngiti. Nakakalungkot isipin na ang kabaitang bukal nating naibibigay sa mga dayuhan ay hindi palaging naipapakita sa sarili nating kapwa Pilipino—lalo na sa mga mahihirap at nasa laylayan ng lipunan.
Pero bakit nga ba ganun?
Coldplay - Viva La Vida
Maraming posibleng dahilan:
Colonial mentality - ang pag-iisip na mas maganda, mas tama, o mas mataas ang halaga ng mga banyaga kaysa sa sariling kultura, produkto, o kapwa Pilipino. Nagmula ito sa mahabang panahon ng pananakop, kung saan unti-unting naitanim ang paniniwalang mas magaling ang galing sa labas kaysa sa atin mismo.
Paghahanap ng papuri at validation
Pagod at hirap ng araw-araw na buhay
Pamilyaridad– bisita ang tingin sa dayuhan, kakumpitensya ang kapwa Pilipino
Hindi ito mga dahilan para maging masama—pero paliwanag lang kung bakit nangyayari.
So… ulitin natin ang tanaong: Are Filipinos Really Friendly?
The honest answer?
Yes—but not consistently.
Filipinos are capable of deep kindness, generosity, and warmth. We prove this during calamities, fiestas, and moments of crisis. But true hospitality shouldn’t depend on nationality, skin color, or accent.
Imagine if the same friendliness we so freely show to foreigners were also extended to jeepney drivers, service crew, garbage collectors, and even random strangers on the street—if we treated one another with the same respect and warmth every single day. That kind of everyday kindness, shown especially to those we often overlook, would be something truly worth being proud of as a people.
Iyon ang klase ng pagiging “friendly” na tunay na kahanga-hanga at hindi lang limitado sa mga banyaga.
Today was a full rest from the chaotic world of dropshipping and angry customer emails. Sundays really do have a different kind of peace. With that calm, I spent time on a newly rediscovered but old-school hobby—playing Counter-Strike. I still enjoy it because the opponents are real people, connected through a good online server, which makes the experience more engaging and nostalgic.
I also spent more time playing with Pixie, our new puppy. She’s a mix of half-Aspin and half-Labrador. This is actually my first time having a dog with a breed, and I find myself excited to watch how she develops as she grows. I can’t wait to see how her traits unfold over time.
Today was also payday. As usual, the money didn’t stay long—bills, medicines, and daily expenses took their share almost immediately. That’s just how life works sometimes.
That’s it for today. A simple Sunday—peaceful, realistic, and still something to be thankful for.
But tomorrow there'll be Hell to pay (yes it is it is hot)
Now the D and A and the M and the N and the A
And the T and the I-O-N
Lose your face
Lose your name
Then get fitted for a suit of flames
Now the D and A and the M and the N and the A
And the T and the I-O-N
Lose your face
Lose your name
Then get fitted for a suit of flames
Squirrel Nut Zippers - Hell
While creating a Spotify playlist dedicated to NU 107 rock songs from the '80s and '90s, I unexpectedly stumbled upon a song that didn’t sound like the usual alternative or grunge tracks associated with that era. The song was “Hell” by Squirrel Nut Zippers—jazzy, swing-inspired, playful on the surface, yet dark and serious in its message.
If anyone wants to visit and listen to the playlist. Please log in to your Spotify account and search: "NU107 ReRuns" or simply click the link here: https://open.spotify.com/playlist/1xIjSxUWHcRdV74uFDKZP5?si=6b86ca4a33af4379&pt=e6981c454474c70df750ad8133d17fb9
Released in 1996 as part of their album Hot, “Hell” became one of the band’s most recognizable tracks. Squirrel Nut Zippers are known for blending neo-swing, jazz, big band, and ragtime sounds with modern alternative sensibilities. Think vintage 1930s jazz meeting 90s alternative rock—a sound that feels both nostalgic and unsettling.
The vocals even reminded me of Richard Cheese—tongue-in-cheek, theatrical, and almost comedic—yet the lyrics carried a truth that lingered long after the song ended.
Sa unang pakinig, parang biro lang yung kanta yung tipong vibe ng Radioactive Sago Project na jazzy like, nakakatawang lyrics pero may sapak at patama—masigla ang tugtog, masaya ang himig na para kang nasa show na may pa contest. Pero kapag pinakinggan mo ang lyrics, malinaw ang mensahe: may kabayaran ang lahat ng kasalanag ginagawa natin.
Pinapaalala ng kanta ang mga taong walang pakialam sa epekto ng kanilang mga aksyon—nakakasakit ng kapwa, gumagawa ng kasalanan, at iniisip na walang hahabulin na hustisya. Ngayon, puwede kang sikat o masaya, pero darating ang oras ng paniningil.
I know some people don’t believe in hell—but I do. As a Catholic, my belief is rooted in faith and prayer. In the Apostles’ Creed, we profess that Jesus descended into hell. This doesn’t mean He was sinful or evil. Rather, it signifies that Christ conquered death and hell, freeing souls and opening the path to salvation.
Hell, in this sense, isn’t just fire and punishment—it’s the ultimate separation from God, a consequence of freely choosing sin over love, pride over humility.
Ang impiyerno ay hindi lang apoy—ito ay ang bunga ng ating mga maling pagpili, ang paglayo sa Diyos dahil sa sarili nating kagustuhan.
Ang lakas ng kantang ito ay nasa kontradiksyon nito—masayang tugtog, mabigat na katotohanan. Hindi ito sermon, pero tinatamaan ka nito sa konsensya. Isa itong paalala na mag-isip, magsuri ng sarili, at panagutan ang ating mga ginagawa.
Sometimes, the songs we least expect—especially the weird, jazzy ones—are the ones that speak the loudest. “Hell” isn’t just a novelty track from the 90s; it’s a timeless reminder that choices matter, sin has consequences, and redemption is always offered—but never forced.
I’m not writing this because I think I’m better than anyone else. I’m writing this because I am a sinner too. Like everyone else, I’ve made mistakes, hurt people—sometimes knowingly, sometimes without realizing it. This song didn’t just remind me of judgment in the afterlife; it reminded me of my own accountability.
“Hell” felt like a mirror. Not pointing fingers, but quietly asking: Are you living the way you should? This blog is as much a reminder for myself as it is for anyone reading it—to reflect, to repent, and to choose to be better while there is still time.
Nothing much happened today, just the familiar tiredness from work-from-home tasks. Work started at 4 in the afternoon and ended at midnight, leaving me drained but thankful that I was able to get through it.
The carpentry work for the bedroom wall—handled by the husband of our housemaid—was postponed. We’ve agreed to proceed with the repairs on January 17 instead.
I also realized I haven’t written about something important yet: we have a new dog. Our little puppy has been with us since December 21. He’s adorable, and every day he somehow manages to lessen my anxiety. His presence alone brings comfort, and I’m grateful for that small but powerful blessing.
Everything went well today. Thank You, Lord.
Tonight, I’ll rest instead of praying the rosary—I’m simply too tired. I offer my apology, Lord, and my gratitude all the same. Tomorrow, I will continue again.
Woke up to a cold morning—something I really enjoyed, because this kind of weather is rare in the Philippines. It reminded me of how things used to feel back then. Breakfast was simple yet satisfying: warm pandesal with egg and melted cheese as a topping.
Nothing major happened today, but it was a quiet day in a good way. I decided to rerun an early-2000s classic—Counter-Strike—on my PC. What surprised me was that I wasn’t playing with bots. I found a live server with real players from different parts of the world. It felt nostalgic and exciting at the same time.
I told myself I’d only play for one hour—but like the old days in computer shops, one hour turned into another… and another. “Extend pa.” Some habits really never change.
Later on, I watched one episode of The Walking Dead. Since Stranger Things is already done, I decided to run this series back as well.
In the afternoon, my sister and I wrapped up our work-from-home tasks. Feeling a bit tired, I went to bed around 9 PM. The usual aura of the day lingered—people still upset over emails, as always. š¤£
A simple day. Calm, nostalgic, and quietly complete.