“From the abyss of hell to the heights of paradise.”
Kaloob nitong Halloween at panahon ng undas, I tried to research something new an article na maaaring ikataas ng kilay ng bawat isa lao na tayong mga Katoliko. Pero sabi nga sa Bibliya, Ecclesiastes 9:4 states, "But whoever is joined with all the living has hope, for a living dog is better than a dead lion". Ang talatang ito ay nagpapahiwatig na may pag-asa pa para sa mga nabubuhay, sapagkat kahit ang pinakamahirap na taong buhay ay may higit na kakayahan at karanasan kaysa sa pinakamakapangyarihang taong yumao na. Bahagi ito ng isang mas malawak na pahayag na naghahambing sa katiyakan ng buhay at kamatayan, at naghihikayat na pahalagahan at tamasahin ang mga simpleng ligaya ng buhay hangga’t mayroon pang pagkakataon. At dito natin uumpisahan at aalamin ang buhay ng isang taong naging satanista ngunit mula sa kadiliman ay umahon siya papuntang liwanag. Tunghayan natin ang buhay ni Bartolo Longo, from satanist priest that became saint.
May mga kuwento ng pagbabalik-loob na tila kathang-isip—ngunit totoo. Isa sa mga pinakatanyag na kuwento ng ganitong uri ay ang kay Bartolo Longo, isang lalaking minsang lumakad sa madilim na landas ng satanismo, ngunit kalaunan ay naging alagad ng Diyos at itinaas bilang Beato ng Simbahang Katolika.
Oo, tama ang nabasa mo — isang dating satanista ang naging santo.
Si Bartolo Longo ay ipinanganak noong Pebrero 10, 1841, sa Latria, Italy. Lumaki siya sa isang pamilyang Katoliko. Bata pa lang siya, itinuro na ng kanyang mga magulang ang pagdarasal at pagsisimba. Subalit nang mamatay ang kanyang ina noong siya’y labing-anim na taong gulang, nagsimula siyang maglayas sa pananampalataya.
Ang kanyang puso ay napuno ng kalungkutan at pagkalito, at sa halip na humingi ng lakas sa Diyos, hinanap niya ang kasagutan sa ibang daan—sa pilosopiya, espiritismo, at kalaunan, satanismo.
Noong siya ay nag-aaral ng batas sa University of Naples, nabighani si Bartolo sa mga modernong ideolohiya. Isa siya sa mga kabataang intelektwal na naghahanap ng “katotohanan” sa labas ng relihiyon. Sa panahong iyon, laganap ang mga anti-clerical at occult movements sa Italya — mga samahang labag sa simbahan at nagtuturo ng mga ritwal ng espiritismo.
Sa kanyang pag-uusisa, nadala siya sa mga okultista at espiritista, hanggang sa tuluyang na-recruit siya ng isang satanikong grupo. Doon, sa ilalim ng impluwensiya ng mga tagasunod ni Satanas, itinanghal siyang “pari ni Satanas” matapos ang isang seremonyang puno ng kadiliman at pagsumpa laban sa Diyos.
Isipin mo ‘yon — mula sa batang nagdadasal ng rosaryo, naging lider siya ng mga ritwal na lumalapastangan sa Diyos.
Sa panahong iyon, nakaranas si Bartolo ng matinding depresyon, mga bangungot, at pagkabalisa. May mga sandaling tila may mga tinig siyang naririnig, at ang kanyang kaluluwa ay nababalot ng takot. Sa halip na kapangyarihan, kaguluhan at kalungkutan ang kanyang natamo.
Ngunit hindi nagwakas sa dilim ang kanyang kuwento.
Isang araw, ipinakilala siya ng kanyang kaibigan sa isang banal na pari na nagngangalang Father Alberto Radente, isang Dominikano. Hindi siya agad naniwala, ngunit dahil sa kabutihang ipinakita ng pari, unti-unti siyang bumalik sa pananampalataya.
Sa pamamagitan ng gabay ni Father Radente at ng taimtim na pagdarasal, nakaranas siya ng pagbabagong espiritwal. Ayon sa mga tala, habang nagdadasal ng rosaryo, naramdaman ni Bartolo na parang bumagsak ang bigat sa kanyang dibdib.
Isang araw, sinabi sa kanya ng pari:
“Ang tanging paraan para mong mapagtanto ang kapayapaan ay sa pamamagitan ng pagbabalik sa Diyos at sa Mahal na Ina.”
Kutless - Take Me In
Mula noon, ibinuhos ni Bartolo ang kanyang buhay sa debosyon sa Mahal na Birheng Maria.
Sa kanyang pagbabalik-loob, pinili ni Bartolo na tumira sa isang maliit na baryo sa Pompei. Doon, nakita niya ang labis na kahirapan ng mga tao at ang kawalan ng pananampalataya.
Sa tulong ng mga kaibigan at ni Countess Mariana di Fusco, sinimulan niyang palaganapin ang debosyon sa Santo Rosaryo.
Naglakad siya sa mga lansangan, nagbahay-bahay, at nagturo ng pagdarasal ng rosaryo sa mga bata at matatanda. Di naglaon, naitayo niya ang “Shrine of Our Lady of the Rosary of Pompei”, isang dambanang inalay sa Mahal na Birheng Maria.
Doon din niya isinulat ang “Novena to Our Lady of the Rosary of Pompei”, na hanggang ngayon ay ipinagdarasal ng mga Katoliko sa buong mundo.
Hindi lang siya tumulong sa pananampalataya. Nagtayo rin siya ng paaralan at bahay-ampunan para sa mga ulila at anak ng mga bilanggo. Ang turing sa kanya ng mga tao ay “Apostle of the Rosary”—sapagkat mula sa dating tagapaghasik ng dilim, siya ay naging tagapagpahayag ng liwanag.
Isa sa kanyang tanyag na sinabi ay:
“Siya na nagdarasal ng Rosaryo ay hindi kailanman mawawala.”
Pumanaw si Bartolo Longo noong Oktubre 5, 1926, sa Pompei. Bago siya namatay, sinabi niya:
“Aking Diyos, aking Ina, ito ang huling paghinga ng aking buhay.”
Noong Oktubre 26, 1980, idineklara siya ni Pope John Paul II bilang Beato Bartolo Longo, ang tanging dating satanista na ginawaran ng ganitong antas ng kabanalan.
Ang kuwento ni Bartolo Longo ay paalala na walang kaluluwang masyadong malayo para hindi na maabot ng awa ng Diyos. Kahit pa tayo’y lumihis, basta’t may pusong handang magbalik, ang liwanag ng grasya ay muling sisikat.
Mula sa “pari ni satanas” tungo sa “Apostol ng Rosaryo,” ang buhay ni Bartolo Longo ay patunay na ang pag-ibig ng Diyos ay walang hanggan, at ang awa Niya ay mas makapangyarihan kaysa sa anumang kasalanan.
Sa tuwing dinarasal natin ang rosaryo, maaalala natin ang isang taong minsang nilamon ng dilim ngunit nagbago dahil sa awa ng Mahal na Ina.
Si Beato Bartolo Longo ay hindi perpekto—ngunit siya’y naging huwaran ng pagbabalik-loob, pananampalataya, at pag-asa.
In the beginning of 2001 merong kataga sa Pilipinas na tumatak din sa isipan ng mga Pilipino lalo na kapag mgakatatakutang bagay ang usapan. Bukod sa Magandang Gabi Bayan ni Kabayan Noli De Castro meron isang palabas na kaabang-abang sa mga bata at matatanda dahil sa hatid nitong katatakutan at kilabot yan ang programang, Verum EST, kasunod ng mga katagang, "Totoo ba ito?"
Ang Verum EST ay isang paranormal / investigative show sa telebisyon ng Pilipinas na unang lumabas noong mga unang taon ng 2000s. Ang pamagat na “Verum EST” ay hango sa Latin na ibig sabihin ay “It is true” o “Totoo ito,” kaya ang Tagalog subtitle “Totoo ba Ito?” ay akma sa tema ng programa.
Sa esensya, sinisikap ng palabas na siyasatin at ipakita ang mga kuwento ng kababalaghan, urban legends, paranormal phenomena, at mga kuwento ng mga tao na nagkuwento ng kanilang karanasan sa hindi maipaliwanag na mga pangyayari.
Karaniwan, merong kombinasyon ng dramatization (muling pagsasadula), field investigation (pagpunta sa lugar kung saan nangyari ang insidente), at commentary / analysis kasama ang mga paranormal experts o resource persons na susubukan magbigay ng paliwanag o konting-linaw (kung mayroon man).
Ang palabas ay kabilang sa lineup ng ABS-CBN noong mga panahong iyon bilang bahagi ng block ng mga shows na may temang “guts and glory,” kasama ang Mission X at True Crime.
Bakit mahilig ang mga Pilipino sa palabas gaya ng Verum EST?
1. May halong katatakutan at misteryo na nakakakilig
Mula pa noong bata, bahagi ng kulturang Pilipino ang mga kathang halo ng kababalaghan — kuwentong aswang, multo, elementales, mga tagpo sa madilim na bahagi ng bayan, at iba pa. Kapag may palabas na sumusubok “didigin” ang mga kuwentong iyon, marami ang natutuwa at natutuksong manood, lalo na sa gabi. Yung mga tipong tatambay kayo sa tindahan sa probinsiya sa kadiliman ng inyong uuwian tapos magkukuwentuhan kayo ng kababalaghan at ang tanging ilaw niyo lang sa pag-uwi ay ang dala niyong lampara dahil noon hindi pa uso ang cellphone na may ilaw. At biglang may papagaspas sa mga puno at kawayanan. Ganitong katatakutan ang gusto ng mga Pinoy kaakibat ng totoong kasiyahan at hilakbot.
2. Curiosity at ang thrill factor
Likas sa tao ang magtaka: “Totoo ba ito?” Kapag may palabas na nagsusuri ng mga kuwento na posible ngunit hindi ganap na napapatunayan, nilalaro nito ang isipan ng manonood. Gusto nating maniwala sa mga kababalaghan, ngunit gusto rin nating malaman kung may paliwanag ito o hindi. Ang mga bagay o karanasan na hindi natin maipaliwanag.
3. Element of realism
Maraming episode ang base sa mga tunay na kuwentong narinig o naranasan ng tao, kaya parang “maaaring mangyari rin sa atin.” Ibig sabihin, hindi lang puro fiction ang dating — may halong “posible talaga ito.”
4. Pampalipas-orasyon at “chill factor” sa gabi
Para sa maraming manonood sa gabi, ang ganitong palabas ay parang dagdag sa kilabot bago matulog — pero ligtas naman dahil nasa telebisyon lang. Wag lang dadalaw sa panaginip at magparamdam ng kababalaghan sa kwarto mo.
5. Nostalgia
Dahil lumabas ito noong unang bahagi ng dekada 2000, maraming manonood ngayon ang may matamis at nakakatakot na alaala nito. Kaya kahit tapos na ang palabas, nire-recall nila ito sa social media, pag-uusap, at muling panonood sa YouTube.
Verum EST episode:Ang Babae sa Balete Drive
Ang main host ng Verum EST: Totoo ba Ito? ay si Tony Velasquez, isang beteranong broadcaster na kilala sa kanyang malalim at mahinahong paraan ng pagsasalaysay. Ayon sa LionhearTV at iba pang mapagkukunan, siya ang nagbigay ng seryosong tono at kredibilidad sa bawat episode ng palabas. Samantala, batay sa mga tala, ang Verum EST ay ipinapalabas tuwing Miyerkules ng hapon sa ABS-CBN, gaya ng binanggit sa LionhearTV. Sa talaan naman ng mga programa sa telebisyon noong 2001, makikita ang Verum EST: Totoo ba Ito? bilang bahagi ng ABS-CBN lineup noong Mayo 2001, ayon sa Wikipedia.
Narito ang ilan sa mga episodes o kuwento na madalas nire-recall dahil sa kanilang pagkakatakot:
Manor Hotel Tragedy
Ito ay episode tungkol sa trahedya sa Manor Hotel sa Baguio City, kung saan maraming tao ang namatay sa sunog — ilan ay kabilang sa isang Christian gathering. Ipinakita ng palabas ang mga larawan at kuwento ng buhay at kamatayan ng mga biktima.
Ang Babae sa Balete Drive
Isang episode na tumalakay sa kuwento ng isang babae sa Balete Drive (isang kilalang “haunted” area), kasama ang tema ng telekinesis at iba pang paranormal na abilidad.
Iba pang tema gaya ng pangitain, espiritu, medium/negotiation sa patay ay naging bahagi rin ng palabas sa iba't ibang episodes. Marami sa mga episodes ay pinaigting din ang suspense sa pamamagitan ng dramatization at pagsasadula ng higit na nakakatakot na mga bahagi ng kuwento. Ang tiyak na “pinakamadilim” o “pinaka-scary” ay madalas depende sa karanasan ng manonood—isang episode na medyo nakakatakot para sa iba, ay maaaring hari-hariin sa kanilang alaala na hanggang ngayon ay hindi nila maalis sa kanilang isipan.
Ang hindi ko naman makakalimutan ay yung kay kabayan Noli de Castro. Yung nakaramdam siya na may nakamasid sa kanya parang nagpapahinga lang siya nun sabay may narinig siyang boses na pinapatingin siya sa isang lugar at doon niya nga nakita ang ligaw na kaluluwa at pagkakasabi, "tumingin ka dito, tumingin ka dito" hanggang matunton niya ang boses at nakita niya ito't kumaripas siya ng takbo.
Dahil sa tema nito, madalas na nauugnay ang Verum EST sa mga ibang horror / documentary shows noong panahon nila gaya ng Nginiiig at Magandang Gabi Bayan Halloween specials. Ngayon, ang ilang mga episode ng Verum EST ay makikita muli sa YouTube, o ibinahagi bilang bahagi ng “throwback horror” features ng ABS-CBN.
Tuwing dumarating ang huling linggo ng Oktubre, tila may kakaibang simoy ng hangin. Hindi ito dahil malamig na panahon o dahil papalapit na ang Undas, kundi dahil sa mga batang biglang nagsusuot ng costume — mula sa mga bampirang labas ang tiyan, hanggang sa mga prinsesang may suot na tsinelas ng nanay nila. At siyempre, bitbit nila ang pinakasikat na linya ng panahong ito: “Trick or treat!” Pero ano nga ba, naging kultura nga ba ng mga Pilipino ang pag-ti trick or treating? Tara pag-usapan natin yan.
Pero saan nga ba nagsimula ang tradisyong ito? At paano naman ito napunta sa ating mga kalye sa Pilipinas kung dati naman ang tanging binibisita ng mga bata kasama ang kanilang mga magulang tuwing Oktubre ay ang sementeryo, hindi ang kapitbahay?
Ang “trick or treating” ay may malalim na ugat sa mga sinaunang kaugalian ng mga Celts sa Europe — partikular sa pagdiriwang ng Samhain (binibigkas na “sow-in”). Ginaganap ito tuwing Oktubre 31 bilang tanda ng pagtatapos ng ani at pagsisimula ng madilim at malamig na panahon — na para sa kanila ay panahon din ng mga espiritu. Ang Celts ay isang uri ng tribe na matatagpuan sa Central Europe at sakop nitp ang mga bansangFrance, southern Germany, Austria, and Switzerland.
Naniniwala ang mga Celts na sa gabi ng Samhain, bumabalik sa mundo ang mga kaluluwa ng mga patay. Upang hindi sila gambalain ng masasamang espiritu, nagsusuot sila ng kakaibang kasuotan (para magtago o makipag-blend sa mga multo) at nag-aalay ng pagkain sa mga pintuan bilang “peace offering.”
Ayun! Doon pala nagsimula ang konsepto ng pagbibigay ng pagkain o treats sa mga “espiritu.”
Paglipas ng panahon, nang pumasok ang Kristiyanismo sa Europa, naging All Saints’ Day at All Souls’ Day ang selebrasyon. May isang kaugalian noon na tinawag na “souling”, kung saan ang mga mahihirap ay kumakatok sa mga bahay para humingi ng tinapay kapalit ng panalangin para sa mga kaluluwa ng mga yumao. Medyo malapit na ito sa “trick or treat,” ‘di ba? Pero imbes na candy, tinapay at dasal ang kapalit.
Fast forward tayo sa Amerika — doon tuluyang naging Halloween tradition ang trick or treating. Sa halip na tinapay, candy na ang kapalit, at sa halip na kaluluwa, mga batang naka-costume na ang kumakatok sa pinto. Dito na rin nagsimula ang mga katatakutang characters katulan nila Jason Vorhees ng Friday the 13th at Michael Myers ng Halloween series. Naging tradition ng katatakutan ang Halloween sa Amerika hanggang sa kumalat na ang tradisyong ito at abutin din ang bansang Pilipinas. Siyempre ano pa nga ba, malaki talaga ang impluwensiya ng bansang Pilipinas sa Amerika di ba?
Ngayon, balik tayo sa Pilipinas. Noong unang panahon, kapag Oktubre 31, ang tanging “trick” na alam ng mga bata ay kung paano makalusot sa mahigpit na titang ayaw magpalaro ng mga natutunaw na kandila na tinulos sa loob ng gate o di kaya ay sa altar. Ang “treat”? Eh ‘di yung Kopiko o Marie biscuit kapag may lamayan o di kaya ay ang inihahandang biko, pichi-pichi at ginataan na sinasabing paborito ng ating mga mahal na namayapa especially ang ating mga lolo at lola. Minsan nga nag-aalay pa ng sigarilyo noon ang mga tita ko para sa lolo ko. Sa isip ko hindi ba nila alam na isa yun sa dahilan ng kamatayan ni lolo, ang sigarilyo? Gusto ata nila maging double dead si lolo. Joke!
Marilyn Manson - Halloween
Nang pumasok ang impluwensya ng Western culture, lalo na sa mga private school at malls, dahan-dahan nating niyakap ang Halloween bilang “costume party day.” Ang mga batang dati’y nagbibihis lang ng puting t-shirt tuwing Undas, biglang naging mini Dracula, Elsa, o zombie na may eyeliner ng nanay.
Ngayon, sa mga gated subdivisions, uso na rin ang trick or treat. Siyempre di naman natin tradisyon yan kaya madalas ang nangyayari ay patawad ang nakukuha na sagot ng ating mga kiddos na naka costume. Hindi naman kasi tayo nasanay na mag stock ng kendi at tsokolate sa bahay di ba, at kung meron man ay para yun sa personal. Pero may mayayamang subdivision naman talaga na sinusuportahan ang ganitong ganap.
Hindi rin papahuli ‘yung mga magulang na mas ganado pa kaysa sa mga anak. “Anak, bilisan mo! Yung bahay na may skeleton sa gate , imported ‘yung candy at tsokolate nila!”
Kung tutuusin, wala talagang “trick or treat” sa orihinal na kulturang Pilipino. Ang pinakamalapit natin diyan ay ang pangangaluluwa — isang lumang tradisyong Pilipino kung saan ang mga tao ay kumakanta sa bawat bahay upang mangalap ng pagkain o alay para sa mga kaluluwa ng mga yumao.
Ang pagkakaiba lang, sa pangangaluluwa, spiritual at solemn ang tema; sa trick or treat, costume at candy overload. Pero parehong may kinalaman sa mga kaluluwa at sa kabutihang magbigay.
Kung tutuusin, medyo ironic nga — dati, pagkaluluwa ang pag-uusapan, tahimik at madamdamin; ngayon, nakangiti at may dalang pumpkin bucket na.
At kung may tunay na “trick” sa trick or treat sa Pilipinas, ito siguro ‘yung mga tatlong batang sabay-sabay na babalik sa iisang bahay — kasi nagpalit lang ng costume para makakuha ulit ng candy!
O kaya naman ‘yung mga nanay na sinasabing, “Sa anak ko po ‘yan,” pero sila ‘yung kumukuha ng tsokolate para may baon kinabukasan.
Sa huli ang “trick or treat” ay patunay na kahit saan galing ang isang tradisyon, kayang-kaya itong tablan ng halong Pinoy creativity at pilyong katatawanan.
Dahil oo, kahit wala sa kasaysayan natin, ginagawa pa rin nating masaya, makulay, at minsan — medyo OA pero wholesome — ang Halloween.
Sapagkat sa bawat bahay na pinuntahan, sa bawat candy na nakuha, at sa bawat halakhak na ibinahagi — naroon pa rin ang tunay na diwa ng pagiging Pilipino: mahilig sa saya, sa kwento, at sa konting kalokohan.
Kaya mga kids, Happy haunting oopss kay John Wick pala ang mga katagang yan, mga kids Happy Trick or Treating!
Tuwing sumasapit ang Undas o Araw ng mga Patay, nagiging mas tahimik at mapanatag ang bawat sulok ng Pilipinas. Ang mga sementeryo ay napupuno ng mga pamilya na nag-aalay ng kandila, bulaklak, at panalangin para sa mga yumao. Ngunit higit pa sa mga tradisyong ito, nakaukit sa ating kultura ang samu’t saring pamahiin — mga paniniwalang ipinasa ng ating mga ninuno, at patuloy pa ring sinusunod hanggang ngayon.
Sa panahong ito, tila mas manipis ang harang sa pagitan ng mundo ng mga buhay at ng mga patay. Kaya’t marami ang naniniwala na dapat tayong mag-ingat sa ating mga kilos, pananalita, at gawain. Narito ang ilan sa mga pinakakilalang pamahiin tuwing Undas, kasama ang kanilang pinagmulan at kahulugan.
1. Bawal magwalis sa gabi ng Undas
Isa sa mga pinakapopular na pamahiin ay ang huwag magwalis sa gabi, lalo na kung katatapos lang bisitahin ang puntod. Sinasabing kapag ikaw ay nagwalis, parang pinalalayas mo ang kaluluwa ng iyong mahal sa buhay na dumalaw sa inyong tahanan. Sa halip, hayaan daw silang magpahinga at bumalik sa kanilang lugar nang mapayapa. Kaya mabuting ireserve mo na lang ang kasipagan mo kinabukasan upang hindi maantala ang pagbisita ng ating mga minamahal na hindi nakikita.
2. Huwag agad umalis pagkatapos magbisita sa puntod
Pagkatapos mag-alay ng kandila at dasal, may mga naniniwala na dapat munang maghintay hanggang tuluyang matunaw ang kandila bago umalis. Ayon sa mga matatanda, kung aalis ka agad, baka sumama sa iyo ang kaluluwa ng yumao pabalik sa bahay. Oo nga naman bakit ka nga naman aalis agad pagkatapos masindihan ang kandila, nandoon ka lang ba para magsindi ng apoy? Isipin natin na ang pagbisita sa ating mga beloveds ay hindi lamang simpleng pagpapakita ng presensiya sa kanilang puntod kundi gawin itong solemn sa pamamagitan ng pag-aalay ng dasal para sa kanila. Sapagkat hindi natin alam ang tunay nilang kalagayan pagkatapos nilang sumakabilang-buhay.Ang dasal sa kaluluwa ayon sa matatanda ay isang paraan upang lalong mapabilis ang proseso ng pagpunta sa langit ng ating mga mahal sa buhay.
3. Bawal magdala ng pagkain mula sa sementeryo pauwi
May ilan ding nagsasabing huwag mag-uwi ng pagkain na inilaan sa puntod. Ang mga pagkaing ito ay simbolo ng alay para sa mga patay, kaya’t kung iuuwi mo raw, baka magdala ka ng malas o masamang enerhiya sa bahay.Kagaya rin ito ng mga pagkain sa lamay na bawal iuwi. Wala ka naman sa handaan bakit magbabalot ka ng pagkain na alay sa patay? Mang-agaw pa ba?
4. Bawal magpatugtog o magsaya nang sobra
Ang Undas ay panahon ng paggunita, hindi ng kasiyahan. Marami ang naniniwalang dapat iwasan ang malalakas na tugtugan o labis na tawanan sa mga araw na ito, dahil baka maistorbo ang mga kaluluwang nagpapahinga. Isa rin itong paraan ng paggalang sa mga yumao at sa kanilang alaala. Pero kung naaalala niyo noong 90s era ay tila naging "fiesta" na literal ang piyesta ng mga patay dahil sa kabi-kabilang sound trip at videoke, inuman, kwentuhan at pulutan. Naging isang malaking party ang sementeryo, mabuti na lang at talagang nag-iba ang sistema at wala nang nagoovernight ngayon sa paligid ng mga sementeryo. Imbis na araw ng mga patay, naging araw ng mga buhay dahil sila ang nagkakasiyahan.
5. Takpan ang mga salamin sa loob ng bahay
Sa ilang probinsya, karaniwan ang pamahiing takpan ang salamin tuwing may lamay o Undas. Pinaniniwalaang ang mga salamin ay daanan ng mga espiritu, at baka may makakita ng imahe ng patay sa repleksyon. Upang makaiwas sa takot o masamang pangitain, tinatakpan ito ng puting tela. Bagamat pamahiin lang ito, hindi naman masamang maniwala at kung hindi ka sumunod okay lang din naman wag mo lang sasabihin na "tsamba" may nakita kang apparition sa lumang salamin. Actually, totoo po ito bungad na rin ng sariling karanasan namin. Namatay si tita noon, nailibing na siya at pagkalipas ng ilang buwan lang ay nagpakita siya sa salamin na malapit sa aming sofa tyempong nagseselfie ang pinsan kong babae, pagkita naman sa larawan ay pinagmasdan naming mabuti ito at tila may repleksiyon nga sa salamin. Pinanindigan kami lahat ng balahibo nung nakita namin dahil yung suot nung babae sa salamin ay yun ang suot ng tita namin nung inilibing siya.
Franco - For My Dearly Departed
6. Mag-iwan ng kandila at pagkain sa altar o labas ng bahay
Marami pa rin sa mga Pilipino ang nag-iiwan ng kandila, tubig, at pagkain sa altar o labas ng bahay sa gabi ng Undas. Paniniwala ito na dumadalaw ang mga kaluluwa ng mga mahal sa buhay, kaya’t dapat silang tanggapin at paghandaan. Ang kandila raw ay nagsisilbing ilaw o gabay upang madali nilang mahanap ang daan pauwi. Ang sabi naman ng ilan, kapag nagkaroon daw ng wax build up/dripping sa sides yung may apoy na kandila (yung parang water falls) ibig sabihin malungkot at umiiyak daw yung kaluluwa nung taong tinulusan mo ng kandila. Kaya we make sure na sa flat surface and upright ang pagtulos para malinis yung pag burn sa candle.
7. Huwag tumawa o magbiro sa sementeryo
Itinuturing na bastos o malas ang pagtawa o pagbibiro sa loob ng sementeryo. Ang lugar na ito ay sagrado, at ang pagpapakita ng labis na kasiyahan ay tila hindi paggalang sa mga kaluluwang namamahinga roon. Alalahanin natin na hindi lahat ng tao doon ay tuyo na ang sugat na naiwan sa kanilang mga puso sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay. Sariwa pa ang sugat kaya dapat pa rin tayong magbigay ng respeto para sa lahat sa araw ng Undas pagpunta natin sa sementeryo. At huwag na huwag kayong magtatakutan at maghahagikhikan.
8. Maghanda ng “atang” o alay
Sa ilang lalawigan tulad ng Ilocos at Visayas, may tradisyong tinatawag na atang — isang handog ng pagkain, kape, sigarilyo, at kandila para sa mga kaluluwa. Pinaniniwalaang kapag ginawa ito, hindi ka guguluhin ng mga espiritu at pagpapalain ka nila sa buong taon.
9. Huwag tumingin sa likod kapag umaalis ng sementeryo
Kapag tapos na ang pagdalaw, sinasabi ng matatanda na huwag kang lilingon habang paalis ng sementeryo. Baka raw may sumunod na kaluluwa at sumama sa iyo pauwi. Ang paglingon ay itinuturing na pag-anyaya sa mga espiritu. Ito'y mahahalintulad din sa mga pamahiin sa lamay. Huwag ka nang lilingon sa bahay na pinaglamayan kapag nakalabas ka na ng bahay.
10. Magdasal sa bawat pagdaan sa sementeryo
Kahit hindi Undas, marami ang nagdarasal o nag-aantanda tuwing dumaraan sa sementeryo. Isa itong simbolong ng paggalang at panalangin para sa mga kaluluwa ng lahat ng mga namatay — hindi lang ng mga kamag-anak kundi pati ng mga kaluluwang walang nagdadasal para sa kanila. Ang iba pa nga ay nagrorosaryo kasama ang pamilyang naiwan ng pumanaw. Kaunting kuwentuhan at pag-alala sa mga lumisan. Yan ang klasik na gawain ng mga Pinoy sa tuwing dadalaw sa ountod ng kanilang mahal sa buhay tuwing Undas.
11. Magpagpag sa 7-11
Sa 7-11 talaga? Isa ito sa pinakapopular na pamahiin. Sinasabing huwag daw diretso uuwi galing sementeryo dahil baka may kaluluwang sumama sa iyo. Ito karaniwan ang tinatawag na "pagpag" bukod dun sa pagkaing pagpag. Kaya ang mga Pinoy, bilang pag-iwas, dumadaan muna sa ibang lugar — gaya ng 7-Eleven, Jollibee, o kahit sa tindahan sa kanto — bago umuwi.
Ang tawag dito minsan ay “pambasag ng biyahe" o pagpag. Ang ideya: kapag nag-stop over ka muna, “nababasag” ang sumpa o ang koneksyon ng mga espiritu na posibleng sumunod sa iyo. Kaya ang lahat ng iyon ay naiiwan sa 7-11. Ewan ko ba kung ilang kaluluwa na ang naiwan at na-trap sa 7-11 at bakit hindi ito ginagawaan ng kuwento ng Gabi ng Lagim ni Jessica Soho, baka naman totoo o may mga nangyari na nagparamdam na mga kaluluwa't multo sa 7-11 dahil iniligaw sila dito? Pero minsan hindi naman ito talaga sadya ng tao, madalas kasi pag-Undas, mainit, maalikabok, at siksikan sa sementeryo. Kaya paglabas ng mga tao, gusto muna nilang magpahinga — bumili ng malamig na inumin, kape, o meryenda. Convenient ang 7-Eleven dahil bukas 24 oras, may aircon, at mura pa ang pagkain.Sa totoo lang, naging modernong “pahingahan” na ito ng mga galing sementeryo.Simple man sabihin, minsan gutom at uhaw lang talaga ang dahilan. Maraming Pinoy ang diretsong galing trabaho o biyahe bago dumaan sa sementeryo, kaya paglabas — ang unang bukas na kainan ay ang 7-Eleven!
Ang mga pamahiin tuwing Undas ay hindi lamang bunga ng takot o pamahiing walang basehan. Isa itong pahiwatig ng malalim na paggalang ng mga Pilipino sa buhay at kamatayan. Sa likod ng bawat paniniwala ay ang kagustuhang mapanatili ang koneksyon sa mga nauna sa atin, at ang pagnanais na huwag silang malimutan.
Sa paglipas ng panahon, maaaring magbago ang paraan ng paggunita — maaaring digital candles na sa social media, o online mass para sa mga yumao — ngunit nananatiling buhay ang diwa ng Undas sa ating mga puso: ang pagmamahal at pag-alala sa ating mga pumanaw.
Ngayon ko lang talaga nalaman at naintindihan ang salitang ito simula nang makapakinig ako ng sleep podcast sa Spotify, ang pangalan ng channel ay Sitio Bangungot, Kwentong Takipsilim at Aswang Diaries. I really feel comfortable during the night before sleeping and listening to my ear pods. The stories were real, yun ang inaadvertised nila sa podcast at totoong may mga lugar at mga petsa ang pangyayari ang ipinapadala ng mga sender. Minsan nakakatulugan ko talaga at bigla lang akong nagigising kapag nagkaroon na ng sigawan at hiyawan at kapag hinahabol na ng aswang ang mga characters. Dito ko rin nalaman ang mga terminolohiya tungkol sa aswang, mga salitang ngayon ko lang narinig at dagdag kaalaman ko tungkol sa kultura ng mga aswang. Kapag nakikinig ka ng podcast tila pumapasok ka talaga sa mundo ng mga aswang at kadalasan ang mga set-up ay probinsiya talaga samahan pa ng mga sound effects na talaga nga naman na kapag napapikit ka ay maiimagine mo yung isinasaad ng nagkukuwento. Magagaling din ang mga nagda-dub, ramdam mo talaga ang kanilang emosyon na totoong nangyayari at parang naroon ka na rin sa loob ng kanilang kwento. Dito ko unang narinig ang mga salitang salab at yanggaw at ito ang ating paguusapan ngayon sa Halloween episode ng Ubas na may Cyanide.
Ano nga ba ang Yanggaw?
Sa malalalim na gabi ng Visayas, kapag ang hangin ay tila may dalang mga bulong ng mga nilalang na di-nakikita, may isang salita na kinatatakutan ng marami—Yanggaw.
Hindi ito basta-basta kwento ng kababalaghan. Ang yanggaw ay isang alamat na may ugat sa takot, hiwaga, at pag-asa ng mga taong nakasaksi sa kakaibang pagbabago ng isang nilalang—mula sa pagiging tao tungo sa pagiging aswang.
Ang Yanggaw ay isang salitang nagmula sa mga lalawigan ng Kanlurang Visayas, partikular sa Capiz at Antique.
Ito ang tawag sa isang taong nahawaan o nagsisimula pa lamang maging aswang—isang yugto ng pagbabago kung saan ang dating tao ay unti-unti nang binabago ng sumpa o impeksyon ng aswang.
Sa ilang lugar, tinatawag itong “bag-ong yanggaw” — o bagong aswang.
Hindi pa ganap ang kapangyarihan nito, kaya madalas itong magkamali. Sinasabing ang taong may yanggaw ay nahawa sa pamamagitan ng pagkain, laway, o likido ng aswang.
Sa Antique, ginagamit din ang salitang “langgaw”, na literal na ibig sabihin ay suka — dahil sinasabing may kakaibang maasim na amoy ang taong may yanggaw.
Ang Yanggaw ay hindi lamang isang pangalan. Ito ay isang pagbabagong marahas at mapanganib — isang sumpa na sumisira hindi lang sa katawan kundi sa kaluluwa ng tao.
Ayon sa mga matatanda, narito ang mga karaniwang palatandaan:
1. Pagbabago ng gana sa pagkain
Biglaang pagnanasa sa dugo o laman ng tao. Sa una, hindi ito pansin, pero kalaunan, nagiging matindi—parang gutom na hindi mapawi.
2. Pagkawala ng kontrol sa sarili
Kapag lumalalim ang gabi, tila may ibang personalidad na lumalabas. Ang taong may yanggaw ay naglalakad mag-isa, umiiyak, o biglang nagiging marahas.
3. Pagbabago ng amoy at panlasa
Sinasabing ang katawan ng taong may yanggaw ay naglalabas ng amoy na parang suka o bulok na karne—isang tanda na may sumpa na sa dugo.
4. Pagpapasa ng sumpa sa pagkain
Kung sakaling nakain mo ang pagkaing hinaluan ng laway ng aswang, maaaring ito ang maging simula ng iyong pagkayanggaw. Kaya kung taga Maynila ka at bibisita ka sa mga probinsiya ng Kanluraning Visayas ay lagi kang mag-iingat sa mga inaalok sa iyong pagkain. Ang sabi nila ay masarap ang pagkaing may yanggaw. Kahit yung hindi mo kinakain na putahe basta nahaluan ng yanggaw ng aswang ay papatulan mo ito at mauubos mo ang pagkain at hihingi ka pa ng ikalawang o ikatlong round. Lagi mo raw hahanapin ang pagkain na niyanggawan ng aswang. Magiging obsessed ka sa pagkaing ito hanggang umepekto na sa iyo ang bisa ng yanggaw at tuluyang magbago ang iyong pag-uugali hanggang sa maging isa ka na sa ka nila. Isang bagong aswang!
Bagamat walang siyentipikong batayan, nananatiling buhay ang paniniwala sa mga baryo na ang Yanggaw ay isang nakahahawang kababalaghan—isang karamdaman ng kaluluwa.
Ang Yanggaw ay matagal nang bahagi ng mga alamat ng Kanlurang Visayas—lalo na sa Capiz, Iloilo, at Antique. Dito unang umusbong ang paniniwala sa mga bag-ong aswang na hindi pa ganap ang lakas. Sa Antique, ang salitang “nalanggawan” ay ginagamit sa mga taong pinaniniwalaang may sumpa ng Yanggaw.
Ang mga kwento tungkol dito ay ipinamana mula sa mga ninuno, na ginamit ang mga alamat hindi lamang bilang takot kundi bilang paalala sa kabutihan, pananalig, at pagkakaisa ng komunidad.
Marilyn Manson - Sweet Dreams (Are made of these)
Batay sa ating pagsasaliksik at para may maikwento na rin sa ating mga mambabasa may isang pangyayaring naganap sa Cebu na niyanggaw noong 1994: (https://www.facebook.com/numrey0217/)
Ang kwentong ito ay hango sa totoong pangyayari
Ako si Renato hindi ko totoong pangalan, naibahagi ko na ang kwentong karanasan ng aking mga kapitbahay patungkol sa Panggabunan na isang Aswang at iyon ay si Aling Corazon. Hindi ko na iyon maikwento sa inyo rito dahil nanalo na iyon sa isang pa contest at kanila iyong ina-narrate sa kanilang channel.
Nang minsang napadalaw ako sa aking mga pinsan, at napag-usapan namin ang tungkol sa kwentong ibinahagi ko sa isang manunulat dahil ilang araw na rin akong naglalagi sa bahay.
Nagkwentuhan kami patungkol sa mga aswang pati na ang ipinasa kong kwento na nanalo pa nga, hindi na ito iba sa amin dahil dito sa lugar namin ay mayroon kaming kapitbahay at 'yon na nga si Aling Corazon.
Habang kami ay nagkukwentohan, ay biglang sumali sa aming usapan ang nanay ng pinsan ko. Bigla nitong nasabi na hindi lang iyon ang nangyari sa mga kwentong ibinihagi ko sa manunulat na kaibigan ko.
Dahil doon ay nagka-interes akong lalo dahil marami pa pala akong hindi nalalaman patungkol kay Aling Corazon, ayon sa kwento ni Tita hindi lang daw ang mga naikwento ko ang nakaranas sa panghahawa nila Aling Corazon.
Taong 1994, Northern Cebu.
Base sa salaysay ni Tita Amelia, hindi niya totoong pangalan. Buhay pa noon ang asawa ni Aling Corazon na si Mang Thomas, base rin sa karanasan ko sa matandang ito ay may taglay itong kakaiba, may karanasan din kasi ako sa matanda na hindi ko makakalimutan.
Balik tayo sa kwento ni Tita Amelia, ayon dito bantog daw talaga si Mang Thomas nong nabubuhay pa ito. Hindi na tiyak ni Tita kung sino ang mga naunang biktima nito dahil sa dalawang tao ang sangkot sa ginawa nitong panghahawa na humantong pa sa kani-kanilang kamatayan.
Una kong ibabahagi, ang karanasan ni Elena. Kapapanganak pa lang nito sa panganay nila, ang bahay na kanilang tinitirahan ay katabi lang ng bahay nila Aling Corazon.
Isang araw, habang wala ang asawa ni Elena na si Boyet lumapit daw si Mang Thomas sa babae at inalok ng de lata, nataon naman na nag-agahan si Elena. Nakahiyaan daw nitong tanggihan ang pagkain kaya tinanggap nito at kinain.
Lumipas lang daw ang ilang oras, namimilipit na sa sakit ng tiyan si Elena. Agad daw itong humingi ng saklolo sa mga kalapitbahay at ang tanging sumaklolo rito ay ang mag-asawang Corazon at Thomas, nagsisigaw pa raw si Elena dahil pinipilit itong dalhin sa ospital.
"Ayokong magpahospital, mamamatay ako ro'n!" ito ang naringgang sigaw ni Tita Amelia.
Kaya maraming tao ang nakiusyuso sa pangyayari, "Dalhin na sa ospital si Elena, baka nabinat ito sa pagkain ng sardinas," wika naman ni Mang Thomas.
"Hindi ako nabinat, ayoko magpa-ospital. Maawa kayo hinawaan ako ng matandang 'yan!" sigaw sabay turo nito kay Mang Thomas, ngunit walang naniniwala kay Elena o baka naman natakot madamay sa nangyayari.
Walang nagawa si Elena ng isama ito ni Aling Corazon sa ospital, mabuti na lang daw ay may isang matanda ang sumama rito. Pilit kinakausap ni Elena ang matanda na hindi siya nabinat bagkus ay niyanggaw ito ng matandang lalaki sa pamamagitan ng sardinas.
Naririnig pa ni Tita ang mga sinasabi ni Mang Thomas na talagang nabinat ito kahit nakaalis na sila Elena at ang dalawang matanda.
Ayon pa sa kwento, kahit nasa ospital na raw sila Elena ay paulit-ulit nitong sinasabi na ni-yanggaw siya at hindi nabinat. Nagmamakaawa rin daw ito sa matandang sumama sa kanya na 'wag siyang iiwan sa kamay ni Aling Corazon dahil tutuluyan daw ito ng matanda.
Lumipas ang mga oras, naisip ni Tita na puntahan ang bahay nila Elena. Naisip kasi nitong walang nagbabantay sa batang sanggol, pagdating niya sa bahay ay nandoon naman ang iilang kapitbahay nila para tingnan ang bata habang wala pa si Boyet dahil nasa trabaho pa ito.
Nang sumapit ang tanghali, nakita ni Tita si Aleng Dolores na pa-akyat sa lugar nila. Nagtaka si Tita kong bakit hindi nito kasama ang dalawa, kaya nilapitan niya ito at tinanong.
Marami pa raw gagawin ang matanda kaya niya iniwan si Elena, sumapit ang hapon nakauwi na si Elena at ilang minuto rin ang lumipas nakauwi na rin si Boyet.
Nag-iiyak si Elena na nagsumbong kay Boyet, nagdadalawang isip naman si Boyet kong totoo ba ang sinabi ni Elena. Para lubos na maniwala si Boyet ay dinala nila sa manggagamot si Elena, pagkauwi nila galing sa manggagamot ay iyak nang iyak si Elena. Sabi pa ni Tita ay tinudo raw ang pagyanggaw rito, una ang ginawa ng matandang lalaki pangalawa ay no'ng nasa ospital sila kasama ng matandang babae.
Ayon pa sa kwento ni Tita, hindi matanggap ni Elena and kahihiyan na kanyang sinapit ayaw nito tanggapin ang ibinigay ng mga matatanda. Nabalitaan na lang nila Tita kinabukasan na pumanaw si Elena, ang sabi ni Boyet dinamdam nito ang nangyayari na siyang dahilan para ito bawian ng buhay.
Dahil sa nangyari, nagwawala si Boyet bawat gabi sa labas ng bahay ng mag-asawang Corazon at Thomas. Kahit anong bintang nito sa mag-asawa ay hindi naman siya pinaniniwalaan ng karamihan, hanggang sa tahimik na lang itong lumisan sa lugar.
Ang sumunod na kwento, ay kapitbahay pa rin namin na si Mang Berting. Kilala ko ang mga anak niya ngunit hindi ko na maalala ang matanda dahil sa matagal na itong nangyari.
Mangingisda ang matanda at lasenggero, ang sabi pa ni Tita ibang tao raw ang balak yanggawin ni Mang Thomas noon at kapitbahay rin namin na babae.
Ayon sa kwento ni Tita, hapon iyon na humahangos paakyat sa lugar namin si Mang Berting galing ito sa pangingisda bitbit ang lalagyan nito ng isda.
"Lourdes, sayo na itong tagay," wika ni Mang Thomas sabay abot nito ng baso sa kainumang si Aling Lourdes na kilala rin sa lugar na manginginom.
Aktong tatanggapin na raw ni Aling Lourdes ang baso ng agawin ito ni Mang Berting, "Akin na muna Lourdes, uhaw na uhaw na kasi ako e ganitong matumal pa sa dagat kaya kailangan kong uminom makabawi man lamang sa pagod," wika nito at inisang lagok ang laman ng baso.
"Ang sabihin mo Berting, matakaw ka lang pagdating sa inuman hahaha," nasabi na lang ni Lourdes.
Hindi na lang daw umimik pa si Mang Thomas sa ginawa ni Mang Berting, ilang oras pa raw silang nag-inuman bago ang mga itong nagsiuwian.
Kinagabihan, bandang alas dose ng gabi ay nagsisigaw si Mang Berting. Namimilipit ito sa sakit ng tiyan, marami na itong pinainum ng gamot para sa sakit ng tiyan subalit hindi raw mawala-wala ang sakit nito.
Sumapit ang madaling araw ay nagsisigaw pa rin ito kaya naisipan na ng mga kaanak na dalhin ito sa ospital, nawala naman daw ang sakit nito ngunit ilang minuto lang bumalik na naman ang sakit niya kaya pinasuri nito ang tiyan ng matanda at ang findings ng doktor na sumuri rito ay may sugat ito sa sikmura dala ng pag-iinum.
Binigyan ito ng gamot para sa sakit nito at umuwi na sa bahay, mas lumala ang pagsisigaw ni Mang Berting. Hindi na rin ito nagkakain at puro daing na lang ang namumutawi sa bibig nito.
Hanggang sa may nagsabing ipagamot ito sa manggagamot, hindi naman nagdadalawang-isip ang pamilya ni Mang Berting at agad nila itong dinala sa manggagamot. Laking panlulumo nila dahil ni yanggaw si Mang Berting, ang sabi pa ng manggagamot ay hindi na raw matatanggal pa ang iniligay ng aswang dahil tinudo raw nito ang paglagay sa baso.
Ang sabi pa raw ng manggagamot sa mag-anak ni Mang Berting ay dalawa lang daw ang pagpipilian nito, kung tatanggapin nito ang pagiging aswang ay mabubuhay pa siya at kung hindi naman ay tiyak na kamatayan ang mangyayari sa kanya.
Hindi ito matanggap ng matanda, 'di bale ng mamatay siya kaysa lunukin ang pagiging aswang na walang magandang maidudulot sa kanya maging sa kanyang pamilya.
Hindi makapaniwala ang mga anak ni Mang Berting, bakit pati ang kanilang Ama ay dinamay sa kagaguhan ni Mang Thomas.
Kahit anong pagwawala ng mga anak ni Mang Berting ay hindi sila pinapansin ng mag-asawa at kahit anong pagpapahiya nila ay binabaliwala lang ng mag-asawa. Nang malaman ito ni Aling Lourdes ay nag-iiyak siya sa bahay nila, hindi nito akalain na balak pala siyang yanggawin ni Mang Thomas kung nagakataong wala roon si Mang Berting ay tiyak na siya ang mapapahamak.
Araw lang ang lumipas nabalitaan na lang nila Tita na pumanaw na nga si Mang Berting, halos gabi-gabi sa lamay ng matanda nagwawala ang mga anak ni Mang Berting may isang beses pa ngang muntik pasukin nito ang bahay ni Mang Thomas at balak patayin ang matanda mabuti na lang ay may mga taong umawat dito. Hindi na rin nagpapakita o kaya'y naglalabas ang mag-asawa.
Hanggang sa mailibing na si Mang Berting, ayon sa kwento ni Tita wala naman raw balitang kumakain ng tao ang mag-asawa, at hindi naman araw-araw nangyayanggaw ang mga ito. Kapag malapit lang daw ang Semana Santa ay ito ang panahong nanghahawa sila katulad na lamang sa mga nauna kong ibinahaging kwento.
Paano mo malalaman kung nakain mo ang pagkain ng Yanggaw?
Sinasabing ang pagkaing galing sa aswang ay may mga kakaibang palatandaan:
May maasim o metalikong lasa, parang dugo.
May amoy na hindi karaniwan, kahit bagong luto.
Kapag kinain mo ito, maaaring sumakit ang tiyan o makaramdam ng biglang pagkahilo o init ng katawan.
May ilan pang naniniwala na kapag nilawayan o hinipan ng aswang ang pagkain, doon nagsisimula ang sumpa. Sa mas malalim na pagtingin, ang Yanggaw ay hindi lamang kwento ng takot—ito’y pahiwatig ng ating takot sa pagkawala ng pagkatao. Isa itong paalala na ang kasamaan ay nagsisimula sa maliliit na bagay: inggit, galit, o kagustuhang makamit ang kapangyarihan. At gaya ng Yanggaw, kapag hinayaan mo itong mamalagi sa puso mo, unti-unti ka ring nagiging nilalang na hindi mo na makilala.
Hanggang ngayon, ang Yanggaw ay patuloy na naglalakad sa mga kwento ng mga matatanda, sa mga pelikula, at sa bawat bulong ng hangin sa gabi. Sa mga baryo ng Visayas, hindi ito basta alamat—ito’y buhay na babala na may mga sumpa sa mundong di natin lubos nauunawaan. Ngunit higit sa lahat, ang kwento ng Yanggaw ay paalala: na kahit sa harap ng kadiliman, laging may pag-asa, at sa bawat sumpa, may kapangyarihan pa rin ang dasal, pag-ibig, at pananalig.
Anong akala n’yo — mga TODA at homeowners lang ang may asosasyon? Nagkakamali ka, kaibigan. Sapagkat dito sa Ubas na may Cyanide, may samahan ding di mo basta malilimutan — ang Aswang Association. Sila ang mga aninong gumagapang sa ating alaala, mga halakhak na humahalo sa huni ng kuliglig tuwing gabi. Sila ang mga bulung-bulungan sa kanto, ang mga kwentong ipinapasa mula sa matanda hanggang bata — mga nilalang na nagpatibok ng ating dibdib sa pagitan ng takot at pagkamausisa. Habang tayo’y lumalaki,kasama nilang lumago ang ating imahinasyon, na parang mga dahong sumasayaw sa hangin ng kababalaghan. At ngayon, tayo na ang mga dating batang nanginginig, na ngayo’y nakangiting nagbabalik-tanaw — sa mga gabi ng hiwaga, sa mga kathang naging alamat,at sa mga alamat na tila baga… totoo.
Malapit na naman ang Halloween — panahong bumabalik ang mga anino ng ating kabataan; ang mga kwento ni Lola tuwing gabi ng Undas, habang pumapailanlang ang amoy ng kandila at pinaghalo ng ulan at hangin ang takot at pananabik. Sa bawat sulok ng baryo, tila nagigising ang mga lumang paniniwala, at sumisilip muli ang mga nilalang ng dilim — mga kathang-isip para sa ilan, ngunit tila tunay para sa mga sanay makiramdam sa gabi.
Sa bansang arkipelago ng liwanag at anino, hindi lang mga tao ang nananahan. Sa likod ng mga puno ng mangga, sa ilalim ng mga tulay, sa lilim ng gabi — naroon sila.
Ang Aswang
Tahimik siyang gumagalaw sa tabi ng daan, dala ang gutom na di maipaliwanag. Sa araw, maamong mukha ng kapitbahay; sa gabi, nilalang na nangangarap ng laman. Sabi ng matatanda, maririnig mo raw muna ang tiktik — ang hudyat ng kanyang paglapit. Pero mag-ingat — kapag malakas ang tunog, ibig sabihin, malapit na siya.
Ang mga aswang — sila ang mga nilalang na hinugot mula sa pinakadilim na bahagi ng ating imahinasyon. Mga aninong gumagalaw sa pagitan ng panaginip at realidad, mga halimaw na binubuo ng takot, hiwaga, at dugo ng alamat. Kung mayroon mang asosasyon ng mga nilalang ng gabi, walang dudang sila ang nakaupo sa trono — ang mga Presidente ng Kadiliman, ang mga Heneral ng Silakbot. Sapagkat ang “aswang” ay di lamang iisa. Ito’y salitang sumasaklaw sa buong hukbo ng mga sumpa: ang mga mangkukulam na naglalagablab ang titig, ang bampira na uhaw sa pulang patak ng buhay, ang manananggal na sa gitna ng dilim ay lumilipad dala ang kalahating katawan,ang nagbabalat-kayo, ang mga tiktik, at ang mga halimaw na di maipaliwanag ng siyensya. Sa Quezon, tinatawag silang bal-bal o maninilong —mula sa salitang silong, sapagkat doon nila gustong manghuli, sa ilalim ng ating mga bahay, sa pagitan ng anino at ingay ng gabi. Kaya’t sinasabihan tayong takpan ang mga siwang ng ating sahig, lagyan ng Vulca Seal ang bawat bitak ng silong, upang hindi makalusot ang kanilang dila — ang dila na kayang umabot sa sinapupunan ng ina, upang sungkitin ang buhay na di pa nagigising sa mundong ibabaw. Dahil sa mga kwento ng matatanda, ang aswang ay laging gutom — sa apdo ng inosente, sa puso ng musmos, sa sigaw ng madaling-araw na di maririnig ng iba. At kung magbagong-anyo sila, sila’y nagiging pusa — itim, lihim, at mapanlinlang, o baboy-ramo, mabangis na tila galing sa kabundukan, o aso, ngunit hindi pangkaraniwang askal — malaki, maitim, at may matang kumikislap sa dilim, tila tagapagsalita ng mga puwersa ng masama. Maging noong panahon ng mga Kastila, isinalin ng mga prayle sa kanilang mga aklat na sa bansang ito, sa arkipelagong naliligid ng misteryo, ang aswang ang hari ng lahat ng nilalang ng gabi — ang nilalang na di mo kailanman gustong makita, ngunit palaging naroon, sa gilid ng iyong takot, at sa puso ng bawat alamat na Pilipino.
Ang Manananggal
Sa ilalim ng buwan, nahahati siya sa dalawa — katawan sa lupa, pakpak sa ulap. Lumilipad sa dilim upang maghanap ng sanggol sa sinapupunan, ngunit sa kabila ng kanyang anyo, may lungkot din siyang dala — sapagkat sa bawat paglipad, iniwan niya ang kalahati ng kanyang sarili. Buti sana kung manananggal lang ang lakas ng isang lalake —ngunit hindi ganon kasimple ang alamat. Sinasalaysay sila bilang nakakakilabot, nakakatakot — kauri man ng bampira, ngunit ibang anyo ang pinagkaiba. Kayang hatiin ang katawan mula sa bewang, ang itaas na bahagi’y nagiging malakas at mabangis, may pakpak na tila unang silwata ng gabi — parang silweta ng isang panaginip na nagngangalit, parang logo ni Batman na nagliliparan sa diwa ng dilim. Bago pa man maghiwalay ang laman, may ritwal —isang tahimik na seremonya ng pagpapanibagong anyo. Sa pelikula ng pananakot, laging may eksena na nagpapainit ng dugo: nagpapahid ng langis sa balat, parang pag-aalaga sa sarili, habang may naninilip sa bintana — ang matang sadyang susunod sa bawat galaw.At ang naninilip na iyon — madalas siya ang unang nabibiktima.
Pagdating ng oras, unti-unti siyang napapangit, dumudugo ang bibig, lumalapad at tumutulis ang mga pangil, ang mga kuko’y nagiging armas ng na animoy mga kutsilyo sa talas—at bigla — lilipad siyang parang ipinagbawal na nilalang, isang lumilipad na bangungot na naghahanap ng biktima sa gabi. Bakit hindi na lang siya mag-“holdap” sa blood bank? Isang biro sa gitna ng takot — baka pwede siyang mag-request kay Rosa Rosal. Ngunit sa alamat, may lunas na simple at tuwid: hanapin ang kaputol — ang naghihintay na bahagi ng katawan, laging naroroon sa bahay, parang nakatayo sa entablado, at isang pangkaraniwang sangkap lang ang kailangan.
Asin! Hindi anumang asin — hindi lang pangkanto, kundi ang alat na kayang hadlangan ang pagbabalik ng dilim. Budburan mo lang ang kaputol, hayaan itong malubog sa alat, at hintayin ang sikat ng araw — sapagkat sa liwanag, ang aninong iyon ay sunugin at susunog.Parang pagtanggal ng uod sa hardin — payak, malupit, epektibo. At minsan, hindi mo maipaliwanag bakit biglang sumasabog ang katawan pag sinikatan — baka chemical reaction, baka mahika, baka lang tamang panahon at araw. Ang manananggal, sa huling sigaw ng umaga, ay mawawala, habang ang lahat ng kakilakilabot na ritwal at alamat, ay mananatiling laman ng gabi at ng ating mga kwento.
Ang Tiyanak
Naririnig mo ba ang iyak sa gitna ng gabi? Wag kang lalapit, sapagkat hindi sanggol ang iyong sasalubungin. Ang tiyanak — kaluluwang naulila, nagbalik upang manlinlang at maghiganti. Sa kanyang tawa, maririnig ang poot ng isang inosenteng pinabayaan. Ang mga sanggol na hindi nabiyayaan ng tubig at salita — mga munting kaluluwang lumisan bago maligo sa biyaya, hinahaplos ng dilim at dinala sa mga gilid ng Limbo. Hindi ito lang kwento ng lungkot; ito’y mga aninong naglalakad sa pagitan ng aming mundo at isang malamig na piitan.Sinasabing doon, sa ilalim ng impiyernong hangganan, ang hindi nabinyagang mga anghel ay nagiging mga anyong hindi pangkaraniwan — mga tiyanak, na mistulang binyag sa poot at pagkukulang. May mga kwento ng mga munting tinig na hindi nagkaroon ng orasyon, kaya ang kanilang pag-alis ay nagbunga ng bayang hungkag at galit. May mga nagsasabing ang ilan ay naging anak ng kahihiyan: mga dinukot ng biro ng tadhana — aborted, pinutol sa sinapupunan — at sa ilang alamat, sila’y bumabalik, hinahanap ang mga gawaing nagiwan ng bakas. Hindi ito simpleng paghihiganti ng laman; ito’y hinaing ng hindi nasaksi, ng hindi nalamay na pag-iral.
Kung makakita ng tao ang tiyanak, nagmamaskara itong sanggol na payapa — malambot, mahinahon, at tila hindi nagdudulot ng takot. At sa sandaling ang kamay ay humawak at ang puso ay magtiwala, nag-iiba ang anyo: lilitaw ang tunay na layon ng anino, at ang biktima ay maaaring agawin ng malamig na dilim. Ito’y mga alamat na pumipintig sa gabi — hindi lamang para katakutan, kundi para paalalahanan:na ang mga pagtalikod, ang mga desisyong sinlaki ng mundo,ay nag-iiwan ng alon sa puso ng tao, at minsan—sa anyo ng anino—ay bumabalik.Sa dulo, ang kuwentong ito ay hindi lamang tungkol sa takot; ito’y paalala ng awa at pag-aalaga, na ang mga munting buhay ay nararapat ingatan at mapakinggan, upang hindi na muling maging alamat ang kanilang hinaing.
Ang tiyanak—hindi lamang nilalang ng takot, kundi kirot ng kasalanan ng lipunan. Sa bawat pagpatak ng luha ng ina sa unan, may isang kaluluwang nagiging anino, naghahanap ng yakap na di ibinigay, ng pagkakataong mabuhay na ipinagkait. Sa likod ng mga dasal ng kapatawaran, naroon ang mga buntong-hininga ng mga batang hindi nabinyagan— mga batang piniling huwag isilang, mga hinulog sa kadiliman ng walang muwang na desisyon. Sila’y bumabalik, ayon sa mga alamat, bitbit ang galit at dalamhati ng hindi nabigyang pangalan. At ang tanging pagkakakilanlan ay sinasabing, "Anak ni Janice!"
Krayola - Kamatayan
Ang Tikbalang
May ulo ng kabayo at katawan ng tao, nanglilito siya ng mga naglalakbay sa bundok. Isang maling liko, isang maling dasal — at paikot-ikot ka na sa kagubatan na bitbit ang takot at pangamba. Sabi nila, isuot mo raw ang damit mo nang baliktad, at baka matauhan si Tikbalang at hayaan kang makauwi. Ito ang taong-kabayo ng masukal na kagubatan nilalang na hati sa laman at alamat—bawat hibla ng kalamnan ay ginawang tula ng kalikasan. Anim na pandesal sa tiyan, tila inukit ng hangin at araw, at sa bawat hakbang mo’y yayanig ang lupa na parang sinasamba ang iyong pagdaan. Ngunit sa likod ng tikas at tangkad, may lihim na itinatago ang gabi— isang pagnanasa, isang sumpa.
Ang totoo niyan inggit ako sa katawan at tangkad ng tikbalang. Malaki ang pangangatawan at macho. Yun lang mukang kabayo. Iba ang trip ng mga ito, medyo makamundo dahil gumagala sila sa gabi at nangrereyp ng mga babaeng natutulog. Hindi pisikalan na reyp dahil ginagawa nila ito ng hindi sila nakikita at parang sa panaginip lang. The raped women will then give birth to more tikbalang. Ang tikbalang din ang gumagawa para maligaw ang ilang mga nasa bundok at forest areas particularly, mga mountaineers. Mapaglaro ang mga tikbalang sa tao, dahil may kakayahan silang pasukin ang isip ng tao para mag-imagine ng mga bagay na hindi totoo. Sometimes a Tikbalang can drive a person crazy. At kasabihan din ng mga lolo at lola natin na kapag umuulan habang tirik ang araw sa katanghalian, meron daw kinakasal na Tikbalang.
Ang Kapre
Sa tuktok ng punong balete, nakaupo siya —may tabako sa bibig, at mga matang nagliliwanag sa dilim. Hindi siya laging masama; minsan ay bantay ng kagubatan, ngunit kapag ginulo mo ang kanyang punong tahanan, asahan mong bubulong sa hangin ang kanyang galit. Parang usok ng gabi ang kanilang anyo—maitim, marumi, at nilulumot ng panahon, mga nilalang na ang balat ay kasing itim ng alkitrang nakadikit sa daan ng mga alaala. Sila ang mga kapreng tahimik na nagmamasid sa ilalim ng punong akasya, malalaki, malahigante, may tabakong sinisindihan ng apoy ng impiyerno, at mga matang naglalagablab na tila apoy ng kalungkutan ng daigdig. Sa dilim ng gabi, sila ang mga bantay ng lansangang nilimot ng tao, ang mga bata’y natatakot sa kanilang anino—“Umuwi ka na,” wika ng hangin, sapagkat sa gabing ito, ang mga kapre ay nagbibilang ng kaluluwang ligaw. Kung sakaling maligaw ka, at tila paikot-ikot sa iisang daan, huwag kang matakot— binaligtad mo lang marahil ang tadhana.
May saysay ang payo ng matatanda: baliktarin mo ang iyong kamiseta, at baka ang daan ay muling magtuwid. At kung hindi pa rin gumana, subukan mong baliktarin ang iyong salawal— hindi man ito nakatala sa Bibliya, ngunit sa mundong ginagalawan ng hiwaga,
minsan, ang kabaligtaran ang siyang daan pabalik sa katinuan. O kapre, nilalang ng usok at dahon, tagapaglaro ng tao’t tadhana, sa bawat sindi ng iyong tabako, may isang kaluluwang naguguluhan, at sa bawat hithit ng iyong ulap, isang lihim na kuwento ng gabi ang muli mong binubuhay.
Ang Duwende
Tahimik silang naninirahan sa tabi ng mga halaman, nagtatago sa mga batong may lihim na daigdig. May mababait, may mapaglaro — at may mapaghiganti. Kaya bago ka magtapon ng mainit na tubig sa damuhan o pinakuluang tubig ng Lucky Me Pancit Canton sa lababo, magpasintabi muna. Sapagkat baka may naninirahan doon. Sa lilim ng mga damong yumayakap sa lupa, may mga munting bundok na tila walang halaga, ngunit sa kanilang katahimikan, may mga matang nakamasid, mga di-nakikitang nilalang na nagbabantay ng hangganan ng daigdig ng tao’t engkanto. Diyan sila nakatira — ang mga nuno sa punso, maliit na hari ng lupa, tagapagbantay ng bawat yabag na walang pahintulot. Sabi ng matatanda, kapag natapakan mo ang kanilang tahanan, magiging mabigat ang iyong hakbang habambuhay— dala-dala mo ang sumpa ng kapilyuhan. Sakit na walang lunas, pagkawala ng mga minamahal, at pag-iisang hindi tinubos ng tadhana.
Kaya’t ako’y nag-iingat, dahil baka sa isang maling hakbang ay tuluyang mapatid ang manipis kong tali sa suwerte. Loveless na nga,
baka pati kapalaran ko’y tuluyang iwan ng hangin. Kung dadaan ka man sa kanilang tahanan, tumigil sandali, ibulong mo sa hangin— “Tabi-tabi po.” Isang paanyaya ng paggalang, isang panalangin ng kapayapaan sa pagitan ng tao at ng di-nakikitang daigdig. At kung sakali mang mapaglaruan ka, huwag mong kalimutan ang sinaunang ritwal: isang dasal, isang buhay na manok, isang patak ng dugo bilang handog ng paghingi ng tawad. Hindi ito mula sa Chooks-to-Go, hindi rin mula sa Jollibee— kundi mula sa puso ng paggalang sa lupaing kanilang minana. Sapagkat sa mundong ito, ang lupa ay may tainga, ang hangin ay may alaala, at ang bawat “tabi-tabi po” ay sambit ng paggalang sa mga nilalang na mas naunang huminga kaysa sa atin.
Wolfgang - Hiwaga
Ang White Lady
Sa tahimik na kalsada ng gabi, kung saan tanging ilaw ng poste ang naglalakbay, doon siya lumilitaw — ang multo ng alaala,
ang ginang na balot sa puting trahedya. Maputi ang kanyang kasuotan, parang ulap na bumaba sa lupa, o belo ng isang kasal na hindi natuloy. Ang kanyang buhok — mahabang anino ng kalungkutan, na humahaplos sa hangin sa bawat pagdaan ng dilim. Sabi nila, minsan siyang minahal, ngunit niloko, iniwan, o pinatay ng tadhana. At mula noon, ang kanyang puso’y nagmistulang lampara na walang sindi — umiikot sa daan, naghahanap ng liwanag na matagal nang nawala. May mga tsuper ng jeep at taxi na nagsasabing sumakay siya, at sa paglingon nila — wala na. May mga batang umiiyak sa dilim, sabay sabing may babaeng nakatayo sa ilalim ng punong acacia. Ngunit sino nga ba siya? Isang kwento lang ba ng matatanda upang takutin ang mga gala sa gabi? O isang kaluluwang umiibig pa rin kahit matagal nang patay ang dahilan?
Sa bawat simoy ng hangin sa dis-oras ng gabi, may malamig na yakap ng alaala, isang bulong ng nakaraan, isang sigaw ng pag-ibig na hindi natapos. At kung sakaling makasalubong mo siya, huwag kang tumakbo, sapagkat hindi siya halimaw — isa lamang siyang babae na humihingi ng dasal, ng alaala, at ng katahimikan na hindi niya natagpuan sa buhay.
Ang Mangkukulam
Ito pa ang isa sa pinaka nakakatakot, ang trip naman ng mga ito ay magbigay ng sakit sa katawan na walang kagalingan sa pamamagitan ng mga evil spells. Maaring gumamit sila ng litrato mo, buhok at mga bagay na pag-aari mo para ka nila makulam. Pero ang pinaka medium na ginagamit nila ay manika at karayom. Kung saan ituturok ang karayom sa manika at duon ka makakaramdam ng kirot at sakit sa katawan. Kaya yung mga selfie selfie mo sa Facebook nako ipagdedelete mo na at baka may maiinggit at ipakulam ka pa. Sa gitna ng gabi, sa ilalim ng buwan, doon nananahan ang mangkukulam — ang tagapagdala ng hiwaga at lagim, ang may kamay na marunong magtahi ng kapalaran. Tahimik siyang nakaupo sa harap ng kalan, may palayok na usok ang niluluto, halong luya, dahon ng bayabas, at abo ng mga lihim na hindi dapat malaman. Ang bawat bulong niya’y may katapat na kirot, ang bawat titig, may sumpang bumabalot. Sabi ng matatanda, huwag kang mangungutang ng loob sa taong may mga matang tila apoy, sapagkat ang kabayaran ay hindi salapi — kundi gabi ng lagnat, o bangungot na di mo matatakasan. May manikang yari sa basahan, may buhok na galing sa ulo ng pinag-initan, tusok ng karayom sa dibdib ng galit — ganito kumikilos ang poot na tahimik. Ngunit sino nga ba ang mangkukulam, kung hindi ang taong nasaktan nang labis? Ang pusong ginawang abo ng pagtataksil, ang kaluluwang tinuruan ng dilim dahil kinalimutan ng liwanag.
Sa bawat salitang “kulam,” may kwento ng paghihiganti, ng pag-ibig na nauwi sa pagkasuklam, ng isang pusong gustong gumaling, ngunit ang tanging gamot ay kapangyarihang masama. Kaya’t sa tuwing maririnig mo ang kanyang bulong, huwag kang basta manghusga. Baka sa likod ng usok at pagringas ng apoy, isang babae lang siya — na minsan, tulad mo, minahal nang totoo, ngunit sinuklian ng sakit na mas malupit pa sa alinmang sumpa.
Ang Mambabarang
Kung gusto mo ng kadiring paraan ng pagkamatay, dito ka kay aleng Mambabarang. Maihahalintulad mo sa kulam, pero gumagamit sila ng mga magical insects para saktan ang mga mabibiktima. Insekto na lalabas na lang sa ilong, bibig o kaya tenga, tiyan o puwet. Mga insektong katulad ng langaw, bangaw, bulate, gagamba, tipaklong, ipis at kung ano-ano pang creepy crawlers. Puwede ka ring tubuan na animoy mga pigsa sa katawan at mula duon maglalabasam ang mga isektong nabanggit. Sa pinakamadilim na sulok ng baryo, kung saan tahimik ang hangin at mabigat ang gabi, doon nakatira ang mambabarang — ang kapatid ng mangkukulam, ngunit mas mabangis, mas mapanganib, mas lihim. Hindi siya basta nagbubulong sa hangin, sapagkat ang kanyang sining ay laman ng buhay mismo — mga kulisap na alaga ng dilim, mga langaw, alitaptap, at uod na ginawang armas ng sumpa. Sa maliit na bote, nakatago ang galit; sa bawat taklob ng garapon, may sigaw ng paghihiganti.
Sabi ng matatanda, huwag kang magtanim ng sama ng loob sa taong marunong magparamdam sa hangin, sapagkat sa isang patak ng pawis o piraso ng buhok, maihahabi niya ang iyong kapalaran. Isang utos lamang ng kanyang isip, at lalangawin ang iyong dibdib, uusbung ang uod sa iyong laman, hanggang ang katawan mo’y maging tahanan ng kanyang galit. Ngunit tulad ng lahat ng nilalang ng dilim, may pinagmulan din ang kanyang poot. Minsan siyang nasaktan, minsan siyang niloko, minsan siyang nagtiwala — hanggang ang puso niya’y ginawang abo. At sa abo, ipinanganak ang sining ng barang, ang dasal na may ngipin, ang sumpang may hinga ng halimaw. Kaya’t sa tuwing maririnig mo ang kwento ng mambabarang, wag mo agad siyang husgahan. Baka siya ay tao ring umiiyak sa gabi, naghahanap ng katarungan sa mundong walang awa. At sa bawat insekto na lumilipad sa dilim, baka isa roon ang mensahero ng kanyang sakit — nagpapaalala sa atin na minsan, ang pinakamabangis na kulam ay ang sugat na hindi kailanman gumaling.
Ang Gabunan
Ang Gabunan ay isang uri ng Aswang na napakabangis at malakas, mabilis kumilos. Anyong malaking maskuladong lalaki. Ang nasabing aswang na itoy nagtataglay ng Mutyang itiman kaya nyang pabagsakin ng segundo lang ang 4 na tao at sa sobrang bilis nito nagbabalat kayo na tulad ng isang matipunong lalaki. Siya ang pinakamalakas na uri ng aswang. Sinasabing matalas ang pakiramdam nito kapag kabilugan ng buwan. Sinasabi din ng iba na ang gabunan daw ay tao na nagsangla ng kaluluwa sa demonyo!
Ang kwento ay mayroon daw gabunan na kayang pigilan ang pagkain ng lamang loob ng tao sa loob ng isang taon at nanatili na lamang itong kumain ng karne ng hayop. May mga mababait daw na gabunan ngunit kapag napuno ang kanilang salop ay mapipilitan silang mamulutan ng lamang loob ng tao. Ang gabunan ang pinakamalakas na uri ng aswang.
Nairud sa Wabad - Tabi Po!
Ang Berberoka
Ang Berberoka ay salita mula sa Kalinga Apayao na ang ibig sabihin ay isang nilalang pangtubig na ang pangunahing biktima ay mga mangingisda, na kanyang binibihag sa pamamagitan ng paghiga at pagharang sa daloy ng tubig sa mga lawa o ilog upang ito ay matuyo at lumabas ang mga isda.
Sa pusod ng lawa kung saan tahimik ang buwan, May nilalang na hindi tao, hindi rin isda’t halaman. Berberoka ang tawag ng matatanda,Higante ng tubig, gutom sa kaluluwa. Sa umpisa’y banayad ang kanyang galaw, Parang hangin sa ibabaw ng alon na walang tinag. Ngunit ‘wag kang palilinlang sa payapang salamin, Sapagkat sa ilalim, siya’y nag-aabang, naninibasib ng buhay. Hihigupin niya ang tubig, parang uhaw na daigdig, Hanggang sa magtaka ang mangingisda sa tuyo’t tigang na sapa. At sa pagtakbo ng mga hayop at tao papalapit, Ibubuga niyang muli—biglang baha, biglang lunod, biglang wala. Ang mga bangkay ay parang dahong nalagas, Lumulutang sa lawa, tinatangay ng malamig na ihip. Sino pa ang maglalakas-loob lumangoy sa gabi, Kung alam mong may matang nakasilip sa ilalim ng dilim? Sabi ng mga ninuno, huwag kang mag-ingay, Huwag kang magtapon ng asin o magbiro sa tubig. Sapagkat ang lawa ay may puso, at ang puso’y may galit—At sa kanyang lalim, nakapulupot ang berberokang naghihintay. Kaya sa tuwing dumaraan ka sa tabing-lawa Manahimik, magdasal, at huwag tumitig sa gitna. Dahil baka sa kislap ng buwan sa tubig, Makita mo ang ngiti ng halimaw—At iyon ang huling liwanag na masisilayan mo.
Ang Balbal
Ito ay isang halimaw na nagnanakaw ng mga bangkay sa punerarya o sementeryo para gawin hapunan. The "corpse-eater". Malakas ang kanilang pang-amoy sa mga bangkay na katawan. Meron silang matutulis na kuko at ngipin para sirain ang damit ng namatay. Since kumakain sila ng bangkay, sobrang baho ng hininga ng mga ito.
Ang nilalang na ito ay pinaniniwalaang kadalasang kumakain ng karne ng patay na tao. Ang Balbal ay pinaniniwalaang nagnanakaw ng patay na tao sa isang burol o kaya'y pagkalibing nito. Kung nanakawin ng "Balbal" ang isang patay, pinapalitan niya ito kadalasan ng puno ng saging. Ang puno ng saging ay pinaniniwalaang nagmimistulang tunay na katawan ng patay sa mga mata ng tao ngunit puno ng saging lamang ito. Maihahalintulad ang Balbal sa Aswang, Amalanhig, o Busaw, na mga nangangain ng katawan ng laman. Maituturing sila bilang mga pinakanakakatakot na mga halimaw sa bansa. Kaya’t kung akala mo sa kaluluwa ka lang matatakot tuwing may lamay, mas matakot ka sa Balbal.
Ang Amalanhig
Ang Amalanhig ay isa sa mga kilalang nilalang sa folklore ng Kabisayaan, partikular na sa mga isla ng Cebu, Bohol, Negros, at iba pang bahagi ng Visayas. Ito ay isang uri ng undead o patay na muling nabuhay na may kakayahang lumakad at habulin ang mga tao.Karaniwang hindi nagbabago ang itsura mula nang sila ay namatay Maaaring may mga tanda ng pagkabulok depende sa tagal ng kanilang kamatayan. Ang kanilang mga mata ay madalas na walang buhay o nakakatakot tingnan. Mayroon silang hindi natural na lakas at bilis. Gabi ang kanilang paggala at pag-atake sa mga tao. May tendensya na habulin ang mga taong nakakita sa kanila. Hindi sila tumitigil sa pagtugis maliban na lang kung mahanap nila ang kanilang target o may hadlang. Mabagal ang kanilang paggalaw pero hindi sila napapagod.
Ayon sa mga tradisyonal na kwento, may iba't ibang paraan kung paano nagiging Amalanhig ang isang patay:
- Mga Taong Namatay nang May Galit o Hinanakit - Ang mga taong hindi nakapagpatawad o may malalim na galit bago namatay ay maaaring maging Amalanhig.
- Hindi Wastong Paglilibing - Kapag hindi nasunod ang tamang proseso ng paglilibing o may nakulang sa ritwal
- Mga Taong Gumawa ng Masasamang Gawain - Ang mga taong nagkasala ng malaki sa buhay ay maaaring hindi makapahinga sa kamatayan
- Mga Namatay nang Hindi Natural - Mga taong biktima ng pagpatay, aksidente, o ibang hindi pangkaraniwang kamatayan.
Sa buong Kabisayaan, maraming mga kuwento ang naipasa mula sa henerasyong nakaraan tungkol sa mga nakakita o nakatagpo ng Amalanhig. Mga Kuwentong Probinsya, sa mga rural na lugar, madalas marinig ang mga testimonya ng mga magsasaka o mangingisda na nakakita ng mga kakaibang nilalang sa gabi.
Ang Sigbin
Ang Sigbin o Sigben ay isang nilalang sa mitolohiyang Pilipino na siyang lumalabas sa gabi at humihigop ng dugo ng tao mula sa kanilang mga anino. Sa ilalim ng buwan na parang luha ng langit, sumisilip ang nilalang na bihira mong makita— ang Sigbin, anak ng anino, alaga ng kadiliman, lumalabas lamang kapag ang gabi’y humihinga ng takot. Tahimik itong naglalakad nang paatras, ang ulo’y nakatungo, tila nagdarasal, habang ang buntot ay parang pamalo ng kamatayan, handang humampas sa sinumang magtatangkang tumingin. Ang kanyang balat, parang nilukob ng gabi, at ang kanyang amoy, sing-anghang ng apoy na walang liwanag. Sinasabing umiinom ito ng dugo ng bata,habang nilalaplap ang anino ng mga walang bantay na kaluluwa.
Ngunit higit sa halimaw, siya’y hiwaga— isang paalala na may nilalang sa mundong hindi mo maipaliwanag, mga aninong isinisilang ng takot at paniniwala, ng mga kwentong hinabi ng mga matatanda upang turuang matulog ang kabataan sa oras. Kaya kapag narinig mo sa gabi ang yapak na baligtad, o naamoy mo ang hanging may halong asupre at luha, wag kang lilingon. Isara mo ang iyong mga mata at manalangin, sapagkat baka ang Sigbin ay nariyan na, sumisinghot sa paligid— hindi ng dugo, kundi ng takot na iniwan mo sa dilim.
Ang Multo
Sa mga kuwentong-bayan sa buong mundo, ang multo ay espiritu o kaluluwa ng mga namatay na tao o hayop na nagpapakita o nagpaparamdam sa mga buhay pa. Sa pagitan ng katahimikan at hangin, may mga tinig na hindi tinatablan ng oras— mga buntong-hininga ng nakalipas, mga paang hindi na maririnig sa lupa. Sila ang Multo, mga aninong iniwan ng alaala, naglalakad sa hangganan ng buhay at gunita. Sa dapithapon, kung kailan nagiging ginto ang araw, at ang liwanag ay unti-unting nilulunok ng gabi, maririnig mo raw ang kanilang mga panaghoy— banayad, parang pagaspas ng dahon sa sementeryo, o bulong ng hangin sa lumang bahay na iniwan ng panahon.Hindi sila lagi’y takot, sapagkat minsan, sila’y mga pusong naghahanap, mga kaluluwang di nakatagpo ng pahinga, mga mata na muling lumilingon sa iniibig na iniwan. Ngunit kapag malamig ang simoy at biglang kumaluskos ang kurtina, kapag ang kandila’y pumatay nang walang dahilan, doon mo mararamdaman— na ang pagitan ng mundo at kabilang buhay ay manipis lang pala tulad ng usok,at ang bawat panginginig ng iyong laman ay yakap ng mga multong hindi pa nakakalaya.
Kaya kapag ika’y mag-isa sa gabi, at may maramdaman kang malamig na haplos sa iyong balikat, wag kang sumigaw, wag kang tumakbo— bumulong ka na lang ng, “Pahinga ka na.” Sapagkat baka ang dumalaw sa’yo ay hindi halimaw, kundi alaala lamang na matagal nang gustong makauwi.
Ang Bungisngis
Ang Bungisngis ay isang malaking higante na may isa lang mata sa kuwentong-bayan sa Pilipinas. Ito ay sinasabing naninirahan sa Meluz, Orion, Bataan, at Cebu at laging nakangiti o nangungutya. May anyong parang tao ito, at may malalaking ngipin na laging nakalantad. Kapag itinataas ang itaas na labi, halos matakpan na ang mukha nito. Mula sa magkabilang gilid ng bibig nito ay nakausli ang dalawang mahabang pangil. Ang kaisa-isa nitong mata ay nasa gitna ng noo, ngunit nababawi naman ito ng matalas na pandinig. Taglay din nito ang pambihirang lakas. Sa kuwentong Pilipino na "Ang Tatlong Magkaibigan – Ang Unggoy, Ang Aso, at Ang Kalabaw," nakayang buhatin ng dambuhala ang kalabaw at ihagis ito nang may matinding puwersa, hanggang sa lumubog ito ng hanggang tuhod sa lupa. Gayunpaman, sa kabila ng lakas nito, ang bungisngis ay madaling maloko at agad na natataranta. Sa kuwento ng Tatlong Magkaibigan, dahil sa mga panlilinlang ng unggoy, nauwi ito sa kamatayan ng bungisngis.
May engkanto sa batis, sirena sa dalampasigan, multo sa lumang bahay. Sa bawat kuwento, may aral na nakatago; sa bawat takot, may tradisyong nais ipaalala — na ang mga nilalang na ito ay hindi lang kathang-isip, kundi mga aninong nagbabantay sa ating pagkakakilanlan bilang Pilipino.
Sa darating na Halloween, habang nagbibihis ang mga bata ng banyagang halimaw, maalala sana natin ang ating sariling mga alamat. Ang mga kwento ng mga ninuno natin — mga kuwentong isinilang sa apoy ng lampara, at nabubuhay pa rin sa ating guniguni. Sa huli, hindi lang sila mga nilalang ng dilim. Sila ay mga salamin ng ating takot, paniniwala, at pagka-Pilipino. At sa bawat aninong dumaraan sa dilim ng Oktubre, naroon din ang ating mga kwento — buhay, humihinga, at handang magparamdam muli. Kaya't alasan ang pakiramdam at laging magdadasal dahil isa rin sa kalaban sa pagtulog ang BANGUNGOT.