Miyerkules, Hulyo 2, 2025

Nobentimeline: Ano Ang Mga Nangyari Noong 1991

 

Mount Pinatubo eruption in 1991

Sa pag-iwan natin sa ilang madilim na alaala ng 1990 ay ang pagpasok naman natin sa isa pang masalimuot na bahagi ng kasaysayan ng ating bansa pagdating sa mga natural disasters, ang 1991. Hindi natin hawak ang ating kapalaran at kung anong pwedeng ilabas ng bukas halina at alamin natin kung ano bang mga nangyari sa taong ito.

Sa taong ito ay nai-launch ang ikalawang album ng singing group na Smokey Mountain ang "Paraiso" sa ilalim ng Sony BMG. Huwag ka dahil ang album na ito ng Smokey Mountain ay umukit ng kasaysayan sa Philipine music industry. Ang album kasi na ito ay naging isa sa pinaka-best selling album sa ating bansa at ito ay nai-release din sa bansang Japan noong 1992, nagkaroon din kasi ng pagkakataong makapag-perform sa Japanese audience ang grupo ng sila ay mag-participate sa NHK Kohaku Otagasen. Sa mga Pilipino naman ay naging simbolo rin ang kantang Paraiso bilang isang pag-asa para harapin ang iba't-ibang pagsubok sa buhay. 

Ang Maskman, ito a naipalabas na sa ABS-CBN noong 1990. Taong 1991 naman ito magsimulang umere sa IBC 13 at dito sa pagkakataong ito ay mas lalong sumikat ang programa. Ang Maskman ay tinawag ding Laser Squadron Maskman. Ito ay agad na umani ng popularidad dahil ito ang kauna-unahang Super Sentai sa ating bansa na nagkaroon ng Tagalog dub. Sa taong ito ay nanatili si Jovito Salonga bilang presidente ng Senado, si Ramon Mitra bilang Speaker ng House of representatives,  Pero itong si Marcelo Fernan ay pinalitan nitong si Andres Narvasa bilang Chief Justice ng ating bansa. 

Ang buwan ng Disyembre nanatiling aalog-alog ang ating ekonomiya ito'y dahil sa dami ng mga political na pangyayari sa ating bansa at nanatili rin tayong baon sa utang. Ang problemang ito ng bansa ay ang isa sana sa gustong tugunan ng administrasyon ni dating Pangulong Cory Aquino kaya nga lang sa taong 1991 ay malapit ng magtapos ang kanyang panunungkulan at maiiwan pa rin tiyak ang bansa na nagdarahop sa kaunlaran at ang ganitong sitwasyon ng ating bansa ay ang magdadala rin sa pagkakaroon ng malawakang brownout ang kakulangan ng malaking pondo para tugunan ang pagpapagawa ng mga sira at ang pagde-deliver madalas ngang pagba-brownout. Nariyan pa rin siyempre at hindi mawawala ang issue ng korupsyon ang pagkakabahabahagi sa pulitika. Paano mo nga naman tutugunan ang isang problema kung magkakaiba kayo ng agenda. Naroon pa rin na pilit tinugunan nitong si Pangulong Cory ang problema sa brownout pero ang kalbaryong ito ay hindi ganoon kadaling masosolusyunan, at ito ay maipapasa pa sa susunod na administrasyon .

January 14 ay magsisimula ang programang Teysi ng Tahanan sa ABS CBN, isa itong daily morning talk show na paghohosan ni Tessie Tomas, kasama ang ilang mga personalidad na magiging co-host niya rin tulad ni Eagle Riggs at Madam Rosa. Itong si Madam Rosa ay lumalabas sa segment na iparamdam kay madam. Ang Teysi ng Tahanan ay nakakuha ng matataas na ratings at nakakuha rin ito ng maraming mga awards hanggang sa ito'y palitan ng programang Today with Kris Aquino. 

Sumunod na araw January 15 ay ang 1991 PBA Draft kung saan ang naging number one overall pick para sa team ng Alaska ay itong si Alejandro Alex Araneta siya ay nagmula sa Ateneo at ang number 2 overall pick naman ay itong si Rene Bong Hawkins mula naman sa Perpetual Help College of Rizal na kinuha naman ng Presto Tivoli at sumunod na araw January 16 ay sabay na ipinalabas ang satire program na Abangan Ang Susunod na Kabanata ng ABS CBN at ang pelikulang John and Marsha Ngayong 91. dito sa Abangan Ang Susunod na Kabanata ay cast din itong si Tessie Tomas kasama ang mga batikang artista at komedyante na sina Nova Villa , Noel Trinidad, Anjo Yllana,  Roderick Paulate at Carmi Martin at cast naman sa John and Marcia ngayong 91, siyempre si Dolphy,  si Nida Blanca, Marcel Soriano at marami pang iba.

 Sa buwan ding ito January 19 naman ay naganap ang isang palpak na bomb plot sa Thomas Jefferson Cultural Center, kung saan ang mismong kriminal na maglalagay sana ng bomba ay ang nasabugan nito ng aksidente niyang masindihan ang bomba. Ayon sa pag-iimbestiga ang dalawang suspek ay konektado pala sa bansang Iraq at ang pangyayari ring iyon ay sinasabing konektado din daw sa Gulf War.

 January 24 naman ng maitatag ang isa sa nangungunang Wireless Internet provider sa ating bansa ang Smart communication at bago naman magtapos ang buwan ng January ay naganap naman ang isa sa mahalagang bahagi ng kasaysayan ng ating bansa ang pagkakatatag ng PNP o Philippine National Police para maiwasan na ang kalituhan sa hurisdiksyon kung sino ba ang magpapatupad ng batas at syiempre maging epektibo na rin ay nag-merge na ang Philippine Constabulary at ang Integrated National Police para buuhin na nga ang isa lamang ahensya. 

 February 14 naman day nang ipalabas sa mga senihan ang pelikulang Maging Sino Ka Man na pinagbidahan itong sina Sharon Cuneta at Robin Padilla at kumita ito ng 150 million at ang pelikula rin ito ang sinasabing naging dahilan kung bakit nahulog sa isa't-isa itong sina Sharon at Robin. February 20 naman nang ipanganak ang kauna-unahang nagbigay sa Pilipinas ng gintong medalya sa Olympic si Hidilyn Diaz. February 23 ng magbukas naman ng isa sa pinakakilalang amusement park sa Metro Manila ang Star City nung una ay ginaganap lamang dito ang toys and gift fair. Isang Christmas trade exhibition ng Philippines Center for International Trade and Exhibit. Kalaunan sa ilalim ni Fred Elizalde ay pinasimulan na itong gawing amusement park at naglagay na rin dito ng mga rides hanggang sa ngayon ay dinarayo pa rin ang Star City sa kamaynilaan lalong-lalo na sa panahon ng Kapaskuhan.

 Buwan ng Marso, dito sa buwang ito ay sinasabing nadedetect na daw ng PHILVOLCS ang pagyanig ng lupa o mga minimal earthquakes sa paligid ng Mount Pinatubo dahil nagsisimula na palang gumalaw ang magma sa ilalim ng lupa.paangat. Biruin mo katatapos lang ng napakalakas na lindol sa nakaraang taon eh tila magsisimula na at nagbabadya na ang isang matinding sakuna. Sa pagpasok ng buwan ng Abril sinasabing nagpatuloy pa rin ang pagyanig ng mga lupa sa vivinity nga ng Mount Pinatubo dito ay lalong naaalarma ang mga nag-aaral patungkol dito dahil alam nilang hindi maganda ang nangyayari.

 April 25 naman ang bawian ng buhay ang kilala at National Artist na si Lamberto Avellana. Itong si Lamberto Avellana ang unang hinirang na National Artist sa larangan ng pelikula. Ilan sa kanyang mga obra ay ang Anak Dalita at Badjao. Bago naman matapos ang buwan ng Abril ay gumimbal sa buong mundo ang isang malaking trahedya sa bansang Bangladesh, ito ay ang pananalasa ng isang napakalakas na cyclone na masasabing isa sa pinakamalakas na cyclone sa kasaysayan. Halos 140,000 ang binawian ng buhay at nag-iwan din ito ng 1.7 billion dollars damage. 1991 din ng i-launch ni Ariel Rivera ang una niyang album na Ariel Rivera, kung sana y nakapaloob dito ang mga kantang kantang Sana Kahit Minsan,  Ayoko Na Sana, Sa Aking Puso at marami pang iba kung saan ang kanta niyang Sana kahit minsan ay agad nag-top sa mga chart. 

Pagpasok naman ng buwan ng Mayo, May 15 na-ilaunch naman ng ANS-CBN ang hahawak ng record ng the longest running drama anthology series sa ating bansa ang, Maalaala Mo Kaya, kung saan ang host nito ay si Charos Santos at ang pinakaunang episode nito ay pinamagatang "rubber shoes",  na pinagbidahan nina Robert Arevalo,  Romnick Sarmienta at Vina Morales.  May 22 naman nang bawian ng buhay ang batikan at award winning na director na si Lino Brocka at May 30 naman ang ipalabas sa mga senihan ang Batas ng 45 ni Fernando Poe Jr, kung saan ay nakasama niya rito sina Timmy Cruz, Paquito Diaz at marami pang iba. Pagpasok ng Buwan ng Hunyo, June 2 ng matanggap ni Lea Salonga sa Tony Awards ang kanyang parangal bilang best actress sa musical sa role niyang Kim sa Miss Saigon.  June 10 ay nagsimulang mag-evacuate ang mga sundalong Amerikano sa Clark, ito'y dahil sa napipintong pagputok ng Mount Pinatubo. June 13 naman ng ipalabas sa mga sinihan ang Hihintayin kita sa Langit na pinagbidahan naman nila Richard Gomez at Don Zulueta.  June 15 ng tuluyan na ngang pumutok ang Mount Pinatubo,  ang pagputok ng Mount Pinatubo ay agad naging problema sa mga mamamayan kung saan nagpalala pa dito ang pagdaan ng isang bagyo, ang Bagyong Diding na dumaan sa Luzon, ang sabay na pamiminsala ng dalawang natural occurrence ay ang lalong nagpahirap sa mga tao. Naghalo ang abo na mula sa bulkan, sa tubig naman na mula sa bagyo dahilan para lalong lumaki ang lawak ng pinsala at lumikha rin ang napakatinding pagdaloy ng lahar. Tinatayang mga nasa 40,000 na mga kabahayan ang nasira at mahigit 800 naman ang binawian ng buhay 100 million dollar naman ang halaga ng pinsala.

 June 28 naman nang magbukas ang SM Megamall, ito ang ikatlong SM super mall sa ating bansa. Ang SM Mega Mall ang naging pinakamalaking mall sa Pilipinas sa loob ng 17 taon hanggang sa maitayo ang Mall of Asia Noong 2006. Isang malungkot at karumal-dumal na pangyayari naman ang naganap noong June 30 1991. Tatlong miyembro ng pamilyang Vizconde ang pinaslang sa kanilang bahay sa BF Homes sa ParaƱque, ang mag-iinang sina Estrelita, Carmela at Jennifer Vizconde. Sa pagkakataong iyon ay nasa Estados Unidos ang ama ng tahanan na si Lauro Vizconde at dito nagtatrabaho. Naging kontrobersyal ang kasong ito dahil malalaking tao na mula sa mga prominenteng pamilya ang sinasabing involved ito ay mula salaysay ng Star Witness na si Jessica Alfaro matapos ang pagdinig sa kaso ay natulong guilty ni ParaƱque RTC Judge Amelita Tolentino sa kasong rape at homicide ang mga akusado kabilang dito ang sinasabing mastermind ng nasabing krimen na si Hubert Webb. Bagaman itinatanggi niya ang paratang at sinasabi niyang nasa Amerika daw siya nang mangyari ang krimen. Pero makalipas ang 10 taon sa muling pag-apila ng pamilyang Webb ay napawalang sala itong si Hubert Webb at ang kanyang mga kaibigan. Bagaman kinuwestyon ito ng ilang mga nakasubaybay sa kaso na hindi daw talaga patas ang hustisya sa ating bansa. Taong 2016 naman nang binawian ng ng buhay si Lauro Vizocde na hindi raw nakuha ang katarungan para sa kanyang pamilya at ito na nga pagpasok ng buwan ng July, isang krimen na naman ang naganap ng mabaril at mapaslang nitong si Rolito Go ang Dela Salle University student na si Eldon Maguan sa isang road rage incident ito'y sa San Juan sa Metro Manila. Matapos ang pagdinig sa kaso ay guilty sa pagpatay itong si Rolito Go dahilang para siya'y mahatulan ng Reklusiyon Perpetua pero noong 1993, siya ay nakatakas sa kanyang kulungan sa Rizal Provincial Jail at tatlong taon ang nakalipas ng muli siyang maaresto noong 1996 pero matapos ito ay muli na naman siyang tumakas noung 2012, ito naman ay sa Bilibid. Pero ilang araw lang naman ay agad siyang nahuli. Tuluyan na siyang pinalaya noong taong 2016 nang makumpleto niya na ang hatol sa kanya.

Sa buwan ding ito ng Hulyo, July 13 ay naganap din ng Hultman- Chapman murder na kaanak ng isang dating Chief justice ay pinaslang itong sina Maureen Hultman at John Chapman nahatulang guilty sa kasong murder itong si Claudio Teehankee Jr noong December 22, 1992 at siya ay nahatulan ng habang buhay na pagkakakulong, bagaman noong taong 2008 ng dahil sa Presidential clemency mula kay dating Pangulong Arroyo ay nakalaya itong si Teehankee Jr., na ikinadismaya naman ng pamilya ng mga naging biktima. Ang paglala at pagdami ng mga krimen sa bansa ng taong 1991 ang naging dahilan kung bakit nabuo ang idea ng muling pagbabalik ng death penalty sa ating bansa.

 July 18 nang pumasok sa ating bansa ang Bagyong Hening na bagaman sa Babuyan Island talaga ito dumaan ay inulan pa rin ang malaking bahagi ng Luzon. Pagpasok naman ng buwan ng August, na ipalabas ang last sequel ng Happy Ghost film, ang Happy Ghost 5 kung saan sa ating bansa ang pelikulang ito ay tinatawag naman na Magic to Win. Ako nga pala si Kath,  Ako si magic,  ang pelikula na pinagbibidahan nina Raymond Wong at ng ABS CBN actress na si Kris Aquino, kwento ito ng isang asong si Magic na alaga nitong si Kris Aquino kung saan ay humiling siya sa isang ghost na maging tao sa loob ng 49 days at at muli niyang nakasama ang kanyang amo.

 August 15 naman ang ipalabas naman sa mga sinehan ang pelikulang Once Upon a Time in China, na pinagbidahan nitong si Jet Li .Ang pelikulangOnce Upon a Time in China ay sinasabing isa sa pinakasikat na Martial Arts o Kung-fu film sa ating bansa noong dekada nobenta. 

September 10 ay ni-release naman ang International band na Nirvana ang kanilang kantang Smells Like Teen Spirit na isa sa mga naging anthem ng mga rakista at ng mga mahilig sa grunch dito sa ating bansa hanggang sa ngayon ay patuloy ang kantang ito sa pagbibigay ng impluwensya sa mga papausbong na banda dito sa ating bansa. Buwan naman ng Oktubre, October 10 nang lagdaan na at gawin ng batas ang Republic Act 7160 na tinatawag din Bible Act of  Local Governance ito ay para lalong pagtibayin ng higit na pamamahala sa mga LGUo Local Government Units. October 27 naman sa buwang ito ay pumasok sa bansa isang bagyo ang Bagyong Trining na kumuha ng labindalawang buhay. 

Nirvana - Smells Like Teen Spirit

Sa buwan naman ng Nobyembre ay nagpasimula ang Halloween special na Magandang Gabi Bayan kung saan magsisimula rin ang bangungot ng mga munting kaisipan ng mga batang 90s. Ang dalang hilakbot kasi ng programa ay tagos hanggang sa buto na kahit kapag pagbili lamang ng mantika, toyo o Maggi sa isang malapit lang na tindahan ay hindi magawa ng mga bata noon nang dahil sa takot. Ang 1991 Halloween Special na ito ng MGB ay binubuo ng mga kwento patungkol sa engkantong itim at puti, lalaking kalahating tao kalahating engkanto, ang mga kaluluwa sa Manila Film Center at ang white lady sa Loakan Road sa Baguio City at matapos ang 1991 Halloween Special ng MGB, ay nagtuloy-tuloy na ito kada taon at sa bandang ito ng Nobyembre 1991 ay lalo ng tumitindi ang pamumulitika ng mga pulitiko sa ating bansa ito'y dahil sa nalalapit ngang 1992 Presidential Election at November 3 naman ang bumalik na sa ating bansa si dating First Lady Imelda Marcos ito'y para harapin daw ang mga kasong ibinibintang sa kanya. November 5 naman muli isa na namang pagkakataon ay magaganap din ang isa pang madilim na bahagi ng kasaysayan ng ating bansa, ang matinding landslide sa Ormoc City. Ito'y sa pagdaan ng Bagyong Uring, hindi pa man tayo nakaka-recover sa pagputok ng Mount Pinatubo at ang lindol nga na naganap noong 1990 at eto na naman tayo sa isang trahedya sa ating bansa. Illegal logging ang sinasabi naging dahilan ng paghina ng lupa sa mga kabundukan na naging dahilan nga ng matinding landslide na kumitil ng halos isanglibong buhay. 

November 21 naman 1991 nang lumikha ng kasaysayan itong si Allan Caidic sa kanyang team na Presto Tivoli kontra sa kupunan ng Ginebra. Lumikha siya ng 79 points na isa sa pinakamatinding achievement sa kasaysayan ng PBA at ang 79 points niya ngayon na hawak niyang record ay wala pang nakakabura. November 24 naman ginanap sa ating bansa ang 1991 Southeast Asian Games ito ang pangalawang paghost ng ating bansa ng SEA Games mula 1981. Kaya nga lang bagaman tayo ang host ng nasabing tournament ay naging pangalawa lang tayo sa rank kung saan ang nauna ay ang bansang Indonesia. Ang bansa natin ay nakakuha ng 91 golds, 62 silver at 86 bronze. Pagpasok naman ng buwan ng Disyembre, December 15 nang agtapos na ang 1991 PBA season kung saan ang hinirang na Most Valuable Player ay itong si Alvin Patrimonio, nag-champion ang Ginebra sa first conference, ang Purefoods naman sa all Filipinos at ang Alaska sa third conference. 

Sa Metro Manila Film Festival naman ay nakasali ang mga pelikulang ,Contreras Gang ,Darna na pinagbidahan ni Nanette Medved. Kasali din sa MMFF ang pelikulang Juan Tamad at Mr Shooli's Mongolian Barbecue,  Magdalena S. Palacol story, Okay ka Fairy Ko, Ang Totoong Buhay ni Pacita M at ang Shake, Ratle and Roll part 3. Sa taong ito ay humakot ng parangal ang pelikulang Ang Totoong Buhay ni Pacita M, kung saan ito ang tinanghal na Best Picture. Best Actress naman si Nora Aunor na bumida rin sa nasabing pelikula. Best actor naman itong si Eric Quizon mula naman sa Juan Tamad at Mr Shooli Mongolian Barbecue. Kung iaanalyze natin, naging isang madilim na bahagi  ng kasaysayan ng ating bansa ang taong 1991 bukod sa aalog-alog na nga ang ating ekonomiya, palaging walang kuryente ay sinalanta pa tayo ng mga natural disasters. Kaso bagaman ganun ay kailangang ipagpatuloynatin ang buhay. Ganun naman talaga kapag nadadapa ay kailangang bumangon. Taong 1991 ay ipinagdiwang natin ang Kapaskuhan at bagaman maraming naging problema ay sinalubong pa rin natin ng may tuwa ang taong 1992.  Sa susunod ay aalamin naman natin ang ilang mga pangyayari sa taong 1992. ang 1992 Philippine Presidential Election, ang Number Fever ng kumpanyang Pepsi at ang sama-sama nating pagtawa sa panonood ng mga America's Funniest Videos at marami pang iba. 

Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...