Martes, Oktubre 24, 2017

Huling Tatlong Buwan

'Huling tatlong buwan ng taon, bow.'


Huling tatlong buwan ng taon. Tila marami nang naganap ngunit hindi kagandahan ang mga nangyari. May mga dumating at nawala at piniling mawala. Ang sabi nga ng ilan, iisa lamang ang pagtatapos at pagsisimula. Kailangang may matapos upang may bagong panimula. Sa pagsisimula ay kailangan munang may katapusan.

Ang una sa huling tatlong buwan ay mapangwarak. Pitong munting nilalang ang iniluwal ng aking alagang Puspin ngunit pitong nilalang rin ang nagkasakit at naglaho. Di mawari ang iyak ng Ina na nawalan ng mga anghel na kanyang isinilang. 

Ang una sa huling tatlong buwan ay magulo, madugo at masalimuot. Sinamahan ng pangingiliti  ng tadhana na hindi mo mararamdaman ang mapaliyad sa sarap ng pagkakiliti, kung saan kamalas malasang iniluwa sa kulay kahel na kahon. Ang kulay kahel na kahon na nagmistulang tahanan, duyan at pahingahan ng isang taon. Mapanakit, mapanghusga, masalimuot. Iniwang blangko ang mga isipan at naninibugho sa mga katanungan na kahit mismo ang tandang pananong ay hindi masinsin ang kasagutan sa utak na puno ng madidilim na ulap at pagtilamsik ng matalas na kapangyarihan ng kidlat sa kaitaasan. Walang nagawa ang ilan at piniling magpalapnos sa matatalim na dagitab sa kalawakan. Naiwan ang mga masasayang memorya sa kahon at magsisimula sa bagong pagkakataon.

Ang una huling tatlong buwan ay pagbusilak ng bagong panimula. Ang paggising sa kamalayan, ang paghugas ng mga kinalawang na gear at ugat ng karunungan. Pagsubok, trial at bagong pagsasanay, ang paghulma, ang paghihimay-himay sa mga bagong proseso at ang simula ng bagong paglalakbay sa mundo ng pag "hehello" is it me you're looking for?, paghingi ng paumanhin at pakikiramay sa mga bagay na hindi nararapat na maranasan ng kliyente. Tuloy ang buhay pagkatapos sa kahon. Kasabay ng mga bagong pitas na nilalang, magaganda't, maririkit, sariwa at ang ilan ay birhen sa tema ng trabaho't proseso. 

Ang unang linggo sa ikaunang buwan sa huling tatlong buwan ay busog sa pagpapakilala ng bawat isa at pakikipagkaibigan na may kasamang "kilig" paminsan minsan. Biniyaan ng lider na mahusay magpalaganap ng karunungan. Masalimuot, madugo, komplikado ngunit unti-unting natututo. Busog ang utak sa impormasyon na minsan ay halos kumokonekta ang utak sa tiyan at isuka ang mga kaalaman sa kabusugan. Overload! Ang hugot nga ng mga milenyal "susuka pero hindi susuko."

Ang huling tatlong buwan para sa kanila ay pagtapon ng alak sa mga sikmura dahil na rin sa hudyat ng pagtatagumpay sa pagsasanay. Mission complete ang Level 1 at 2. 

Kasalukuyang nasa level 3. Pamumugad. Ang pagpapanitili ng pupugaran. Kailangang matibay ang pundasyon, ang pagkakagawa. Dahil ikaw mismo ang gagawa ang magpapalakas ng sarili mong titirhan.

Level 4. Kailangang solido. Werpa mga orbs. Petmalu na repa. Anignatup kung hindi.

Pero sa isang banda.....
Alak pa!

"I'm a retired drunkard and I'm sorry for the inconvenience". Pasensiya na kung hindi ako nakakatagay dahil sa isang patak ng alak sa aking sistema pati ang nagsusulat dito'y mamamaalam ng maaga. 

Ang huling tatlong buwan ng taon. Tila marami nang naganap at umaasang mas magiging makulay ang bagong panimula. May mga dumating at inaasahang walang nang mawawala. 

Linggo, Oktubre 15, 2017

Sentihan 101: Hanggang Saan Ako Dadalhin ng Aking Pag-Ibig?

 
'PagdaramDAMN'

Hindi ko na alam mga lodi kung bakit 14 entries lang ang aking naisulat sa loob ng taong 2017. Marahil ay nawawalan na ng gana ang inyong lingkod dahil ako lang din naman ang fan ng blog na ito (drama). O di kaya'y unti unti nang naglalaho ang aking mga inspirasyon para magsulat ng isang petmalung piyesa. May mga pagkakataon din siguro na nasesentro ang aking sarili sa mga bagay na nakakapaglayo sa aking pagsulat katulad ng panonood ng Rick and Morty o ang pagsunod at pagtangkilik sa drama ni Bojack Horseman sa Youtube at ilang mga dark secrets na inihahain sa akin ng Internet.

I miss having something to write on, having someone to write for. Natutuyo na siguro yung utak ko, marupok na ang mga gears ng aking mga ugat, hindi na ganun kalakas ang kuryenteng nagpapagana sa aking sintido para makagawa ng isang malupit at dambalasek na post dito sa blog na ito. Minsan gusto ko na lang i-delete ang lahat dahil unti-unti na ring nawawalan ng saysay. Ang dami ko sanang gustong isulat, ang dami kong gustong ilathala at ikwento pero putangina lagi akong tinatalo ng katamaran. Ay, baka yun nga ang numero unong suspek kaya hindi na ako makakapagsulat. Pero hindi eh, minsan kasi kung makakatanggap ka lang ng kaunting komplimento sa mga mambabasa mo dun ka lalong mas ginaganahan. Oh well, the mere fact na may nagtitiyaga magbasa sa sinulat ko e nakakatuwa talaga, lalo na yung mga hindi mo talaga kakilala. Dati halos araw-araw kahit yung masakitna ipin ni Bimby papatulan ko at gagawan ko yun ng mahabang sanaysay, ngayon? wala eh hanggang isip at title na lang tapos wala na... hanggang draft na lang.Delete!

Gusto ko magsulat muli...gusto ko magsulat pa sa inyong lahat. Gusto kong magsulat para sa "kanya" (landi), pero di ko magawa. Gusto kong maramdaman  yung dating enerhiya at sinasapian ng sari-saring thoughts kapag may hawak na panulat, ewan ko ba pero susubukan kong muli. Kaya eto na tama na ang introduksiyon, sisimulan ko nang muli sa mga katanungang "Hanggang saan ako dadalhin ng aking pag-ibig?"

Dun tayo lagi sa Tagalog na salita para mas ramdam ang malulupet na emosyon na bibitawan kong salita. Love. Sabi ng propesor ko dati sa Art Appreciation class, isa lang daw itong "FEELING". Damndamin. Damdamin. Ganun ka simple ang konsepto ng pag-ibig para kay prop. Para sa akin kasi, hindi lang yun ee, marami pang iba. Ang pag-ibig ay hindi lang ukol sa puro damdamin o nararamdaman ng isang tao. Pota, kung puro ganoon lang, e bakit parang hindi ko naman nararamdaman? Hindi ba't nasa aksiyon din naman ang pagpapakita ng pagmamahal? Sa damdamin nga lang ba ng isang tao masusukat ang terminong paulit ulit niyang ipinararamdam sa isang tao? Hindi ba't dapat mong ipakita? (hindi ang tralala ha) Dahil hindi rin naman sapat kung panay paramdam lang, ano ka isang entity? multo? tangina paranormal ka lang ba? Syempre nararapat na may aksiyon din. May katapat din na aksiyon sa bawat damdamin na ating nararamdaman. Hindi puro palipad hangin lang. Aba, eh kung puro ganun lang din, olats ka na, hopya ka pa at hindi ka rin mamahalin ng taong iniibig mo, kaya wag na lang subukan kung wala namang tapang ang inihaing kape sa kanya.

Sabi ng ilan ang sarap daw talagang umibig. Kahit hindi pa masyadong seryoso, puppy love at mga bata pa ay masaya daw talaga ang umibig.


Kevin Roy - "Kailan pa man"

Hindi ko maintindihan
Pangakong magpakailanman
Nagsinungaling ka lang diyan

Ang bukas mo't sino man
Ay di nakikita at di maisasalba
Kung tangayin sa agos ng panahon
Kaya pangsamantala habang nandito pa
Tanggapin mo ang pag-ibig ko ngayon
Hanggang sa dulo ng mundo
Magmamahalan tayo dito
Huwag kang mangakong ganito
Mahal ang pamasahe mo
Kaya pangsamantala habang nandito pa
At di man kailan pa man ang ating samahan Sarilihin ang pagkakataon
Makulimlim man ang panahon
Tanggapin mo ang pag-ibig ko ngayon Tuwing kapiling lang kita Ang mundo ko'y sumisigla
Buhay ang buhay ko ngayon



Hanggang saan ako nadala ng aking pagmamahal?

WALA.

Wala pa akong napuntahan. Wala pa, wala pa namang nakapagpapatunay na meron nga talagang pag-ibig na nageexist sa mundo ko ngayon. Dahil hindi ko alam kung nao ngaba ang sinasabing tunay na pag-iibog. Sino ba ang may alam kung ano ang orig? WALA PA TOHL! di ba?

Sige recitation. Ano ang pag-ibig? Yun nga ba yung pakiramdam? Yung kung paano mo maramdaman ung mga kuryente sa palad mo pag hinawakan niya ang kamay mo as in HHWW? Baka naman carpal syndrome lang yan? Kung paano ka sumigaw at tumalon pag nagtext siya sayo o kung i-like niya ang mga post mo sa Facebook? Ganun ba yun?! Kung paano niya hawiin ang nakaharang na buhok sa muka mo, at pagkatapos, hahalikan ka niya sa iyong mga labi?

PUTANGINA!

Kung ganun ang pag-ibig, edi matagal ko nang natagpuan ang hinahanap ko...Kung ganun lang ka-smooth ang lahat, walana sanag umiiyak at nasaktan sa walang-hiyang pag-ibig na yan. Wala na sanang pumatay at nagpakamatay dahil sa pag-ibig. Hindi lang naman puro ganun di ba? Wala. Wala pang nakakapagsabi kung ano ang tunay na pag-ibig at kung saan lupalop na dimensiyon ka nito madadala.

Ano? ano nga kamo? Langit? Langit daw. Hindi ba't eto ang isang lugar kung saan napupunta yung mga namatay na? Edi pucha, patay na pala ako. At paulit-ulit pang namatay. Double dead? Triple dead? Quintuplet dead? Hahahaha! at mamamatay pa ulit ng paulit ulit. Tangina mga lodi, lakas pala maka walking dead ng pag-ibig.

Sa kabilang banda,, kahit ano pa mang kayang idulot ng pag-ibig na yan, wala akong pakealam. Alaws pakels! Masarap ang umibig at ang kapalet na ibigin. Ang tunay na pag-ibig ay pagtanggap mo kung ano siya lahat ng meron siya. Yayakapin mo kahit yung mga pinakapangit na bagay sa buhay niya. Bisyo, ugali, toyo sa utak. Ganun talaga mga paps. Kapag nagmahal ka, hindi mo iisipin o ipagwoworry yung mga bagay na hindi maganda sa kanya. Kapag nagmahal ka hindi mo kailangan malaman kung hanggang kailan at kung hanggang saan kayo madadala ng pag-ibig na inyong sinimulan. Basta ang isipin hanggat naroon ang pangangailangan sa isa't-isa, ang paghahanap at pagbibigay ng pagmamahal, ang pagnanais makasama sa bawat araw na meron ang kalendaryo nananatiling tunay at tapat ang pag-ibig.

Hanggang kailan ko kayang ipaglaban ang pag-ibig?

SAGOT: 'Pag wala nang ipis sa mundo, titigil na ko.

Hanggan saan ako makakarating sa pag-ibig?

SAGOT: Hindi ko alam. Pero kaya kong libutin ang mundo (kasama yung taong minamahal ko). Pero wag na pala, wag tayong mangako ng ganito. Mahal ang pamasahe natin, kaya't magmahalan tayo dito. 

Sabado, Setyembre 23, 2017

Accidental Sunday Relaxation

And the Lord said: 'Double pay dapat ang mga pumapasok ng Linggo'


Itong pagsusulat sa blog post na ito ay aksidente lamang dala ang bigat ng ulo na pinahihirapan ng sipon at trangkaso ay napahinto't nakapagpaalam na makapagpahinga sa araw ng Linggo. 

"Magpahinga sa araw ng Linggo" na kung iintindihin ng isang normal na nagtatrabaho ay magtatanong siya kung bakit hindi ka nga naman magpahinga ng Linggo, eh Linggo naman at araw talaga ng relaxation? Oo nga naman, maski nga naman ang Diyos ay nagpahinga noong siya mismo ang gumawa ng araw ng Linggo. Napagod siyang likhain ang buong uniberso kasama ang mga halaman, mga bundok, lawa, karagatan, himpapawid, ilog, burol, kagubatan at higit sa lahat ay tayong mga nilalang na inihalintulad niya at nililok niyang kapares ng kanyang katauhang may muka, ilong, bibig, mata, kamay, paa at higit sa lahat ay puso kung saan lahat ng emosyon ng tao ay nagmumula dito.

Nagagalak ang inyong taga-kwento dahil minsan lamang sa isang taon ang makapagpahinga sa tuwing araw ng Linggo pero ang consequence lang ng aking pagpapahinga ay may trangkaso. Tahimik at payapa ang umaga dahil ang lahat ay tanghali na gumising isang pagpapatunay na ang araw ng Linggo ay araw ng pagrerelaks ng katawang tao sa isang linggong pagkayod sa trabaho. 

Daniel Boone - "Beautiful Sunday"

Lumabas ako't nagtali ng aking buhok para bumili ng pandesal, alas sais ng umaga. Tahimik ang paligid at papasikat pa lamang ang araw. Nagmasid-masid at wala pa gaanong mga taong naglalakad sa aming kalye ngunit sa aking paglalakad nariyan ang amoy ng pinipritong bawang na siguro'y isasahog sa sinangag, sa isang banda naman ay aroma ng kape ang iyong malalanghap at sa kabilang dako ay aking natanaw ang isang aleng nagpiprito at ang usok ng kanyang piniprito ay lumalabas sa kanilang bintana. Walang duda tuyo ang aking naaamoy. Sarap! Habang nauulinigan ko naman ang mahinang tugtog na pampasko ni Jose Mari Chan na "A Perfect Christmas" sa tabi ng nagpiprito ng tuyo. Napakinggan ko lang yun at sa dami ng nalanghap kong pagkain papuntang panaderya ay good vibes na ako. 

Malulutong at maiinit na pandesal at palaman na Reno ay swak na umagahan na kasabay ng paghigop ng kapeng mainit ay ang tatapos ng aking umagahan at akoy babalik sa aking pagpapahinga kasabay ng pakikinig ng mga melodramang musika na karaniwang ating napapakinggan tuwing Linggo. 



Linggo, Agosto 27, 2017

1965


'mga gunita: mil novecientos sesenta y cinco'


1965

Atin na lamang nagugunita
ang kanilang mga pangalan
kung sila'y nawala na.
Subalit habang humihinga't nagdarahop
sila'y mga walang pangalan,
walang mga mukhang madaling matandaan
walang karapatang maimbita
at magtalumpati sa liwasan 
sa harap ng mga tao, sa buklod ng lahing Pilipino
mga pangalang hindi nailalathala ng pahayagan
ang kanilang mga blangkong larawan,
at kung sakaling makasalubong mo sa tawiran,
kahit anong halimuyak ng pabango ang yaring gamit
ay hindi ka mapapalingon.

Ang mga taong walang ngalan,
walang mga mukhang madaling matandaan
subalit sila ang mga makina at motor
ng kilusang mapagpalaya.
Sila ang mga magigiting na talampakang nagmartsa 
sa mga kalsadang binudburan ng bubog at alambreng tinik,
ang mga duguan at pawis sa kanilang bisig na nagwawagayway
ng bandila at pakikibaka
sa harap ng libu-libong batuta at bala,
ang mga sugatang kamaong nagbitbit ng naglalagablab na sulo
sa madilim na gabi ng walang hangganang dulong karahasan.

Walang mga pangalan
walang mga mukhang madaling tandaan
mga anino't magagandang layunin lamang ang kanilang bigkis
ito ay mga karaniwang mamamayan,
ang mahihirap na laging pambala ng kanyon.
Ang mga walang pangalan na walang imik 
ngunit magiting na lumaban
kahit kinakalaykay ng nerbiyos,
at dagang ibig kumawala sa dibdib

Sila'y mga walang pangalan
walang mga mukhang madaling matandaan
ngunit ipinaglaban ang sambayanan
kahit hindi kuhaan ng litrato para ilathala sa dyaryo,
kahit walang ginto o pilak na isinasabit sa leeg,
kahit hindi hinaharap ng Pangulo.
Sila'y lumaban para sa iisang lahi,
walang hinangad na luwalhati o gatimpala't medalya
kundi kaunting kanin at ulam na maipasok sa kumakalam na tiyan,
bubong na panangga sa araw at ulan,
damit na hindi gusot at gulanit,
ang laya ng bawat isang
lumakad sa gabi
nang hindi  sinusutsutan ng pulis
para ikulong, pagbintangan at kitilin ang buhay.
Isang bukas na may kaakibat na pag-asa't aliwalas
para sa yaring sarili't, pamilya't mga anak,
buhay na marangal,
mataas na kwalidad ng edukasyon,
yan ang tanging hiling
ng mga walang pangalan,
kahit walang mga mukhang madaling tandaan.

Sabado, Agosto 19, 2017

Thank you!

"Pabata na ko ng pabata: The Curious Case of Jack Maico"


Susmaryosep!

Siguro nga dapat eh Maligayang Araw ng Pagdagdag ng Edad at Future Kamatayan o Happy Death Day to you na lang para mas maigsi. Dahil habang nadaragdagan ang ating edad eh 1 pulgada rin ang paglapit sa hukay, hindi ka man ma-deads sa sakit, accident, sariling pakitil ng buhay o matokhang at mapagbintangang adik  ng mga kampon ni Duterte o kung ano man sa katandaan ka naman matetegi.

Parang kelan lamang eh sanggol pa ako sa sinapupunan ngayon sumasakit na ang mga tuhod ko at marami-rami na ring nararamdaman sa iba't-ibang parte ng katawan, bagkus ay pasalamat pa rin tayo sa Poong Maykapal na tayo'y pinagbigyan ng buhay para tumira sa mundong ito na maki baka sa ano mang klaseng buhay ang meron tayo.

Unang taon sa planeta hindi ko pa alam ang mga pinagagawa ko malamang panay atungal lang ako kapag naiinitan o kaya ay nagugutom at kailangan ko ng dede at gatas na guguhit sa lalamunan ko, pero sa kasalukuyan ay ibang likido na may sipang kabayo na ang gumuguhit at lagi kong iniinom sa kapanahunan ng aking kolehiyo. semi bad ass days noong high school at bad ass days ng college. Sa ating paglaki hindi ata puwedeng hindi tayo daraan sa mga minor sins, trouble at kung anu ano pang mga kaganapang hindi kagandahan. Ganyan daw ang buhay ng tao walang isinilang na anghel na gagawa ng buong kabutihan sa buong buhay niyang paninirahan sa mundong ito ang lahat ay may pinagdadaanang pagsubok at temptasyon. Apat na taon pa nga lang nakagawa na ako ng matinding kasalanan araw pa ng kapanganakan ni Kristo ng tinidurin ko daw yung ulo ng tita ko pagkatapos kong kumaen ng hotdog na may marshmallow ng Noche buena. Kaya ayun putangina palo ang sunod kong nalasahan.Pero ang lahat ng nadaraanan nating ito sa paglaki ang lahat ng ito ay may angking kakayahan upang magbago ang isang tao.

Lahat tayo ay nakagawian at naging tradisyon na natin ang paghahanda sa tuwing sasapit ang ating kaarawan, mayaman man o mahirap Meron diyan isang buwan pa lang bago dumating ang kaarawan ay naka plano na kung anong lulutuin, kung sino sino ang dadalo, kung saan idadaos, an ong susuutin, at marami pang dapat isakatuparan. Lahat ng iyan ay kung may pera ang mga magulang. Meron din naman na ipangungutang pa ng magulang ang pagdiwang ng kaarawan, at dahil na  rin kasi na tradisyon na sa at ing mga Pilipino ang idaos taon taon ang kaarawan.

Gusto ko idaos ang aking kaarawan sa simpleng pamamaraan lamang, kaunting handa, magsimba at magtirik ng kandila, hipan ang kandila sa mumunting minatamis na tinapay sa lamesa at mag wish, magpasalamat sa Panginoon sa mga biyayang natanggap sa loob ng kung ilang taon ka na nag eexist sa mundong ito. Hindi ko kailangan  ng magagarang damit, maraming pagkain na kapag hindi naubos ay itatapon na lamang sa basurahan o di kaya makatanggap ng mamahaling regalo (anyway wala naman talagang magbibigay sa 'kin nun) kung regalo man yan ay mapalad na akong mayroong erpats at ermats na nagturo sa aking ng pinakamamahaling regalo na hindi matutumbasan ng kung ano man. Ang mga gintong-aral na mas gold  pa sa Gold Extreme at Global Intergold na mga lecheng networking na yan. Hindi ko naman sinasabi na perpekto akong matino, pero sapat na sa aking ang mga tools ng kagandahang aral  na iniwan ni erpats para ako'y hindi maging salot ng lipunan.

Ang gusto ko ay maghanda ng pagkain hindi lang para busugin ang mga kakain kundi ay tulong na rin sa mga nagsasakitang tiyan ng mga aso at pusang gala. Kaya ganun na nga ang aking ginawa hindi man sapat sa kanila ang aking naibigay ay susubukan kong damihan sa susunod at magkakaroon ulet tayo ng strays party kahit hindi ko kaarawan.





"At the gates of Barcelona 1 where 30 strays cats and 8 dogs were adopted by our guard house woman."

Hindi ko man kayo naimbita sa tahanan ni Jollibee o mapainum ng sipang kabayo ay hindi ibig sabihin na nangunguripot ako kailangan lang talagang maghigpit ng sinturon. Pero balang araw kapag tumiyempo na at naglinya linya na ang mga paborito kong constellations at mga bituin sa langit at dininig na ng Maykapal ang pagtama ko sa Lotto ay higit pa sa tahanan ni Jollibee at mamahaling inuming pang pasigla ng espiritu ang ihahanda ko sa inyo. 

Pero eto na nga, meron lamang sapat na handa, wala akong programa para ipagdiwang ang birthday  ko. Ganon pa man,   kahit siguro sa pinaka-payak na dahilan ay naging makabuluhan ang araw na ito para sa akin. Naging masaya ang aking kaarawan dahil sa mga bumati sa akin sa pamamagitan ng text, tawag, comment sa blog, twitter at syempre sa facebook. Nakakatuwa lang dahil kahit mga hindi ko personal na kilala ay bumati rin. At nagpapasalamat ako sa mga kontribusyon nila para maipalaganap ko ang blog na ito.

At dahil sa sobrang kagalakan ko a y minarapat kong ilagay at ipangalandakan lahat ng pangalan ng mga bumati sa akin taon-taon. Maraming salamat muli:

Gina Garcia
Angela Carola
Marriott Lim
Benjie Rieta
MC Nicole
Joann Santarin
Epeng Bugna
Tin Felix
Trixie Camarce
Jayson Baculod
Summer Revilla
Nyle Sonsona
Jovanne Ocampo
Tonee Robles
Kenneth Camerino
Joshua Calianga
Marian Lopez
Donna Elzee Vintola
Honey Grace Guinita
Angelica Cabrera
Jessie Castillo Garcia
Cyr Sayo
Lee Marshall Brizo
Lorena Dunn
Teacher Abby Manalastas
MJ Ople
Anne De Castro
Jay Lotik
TL Nadine Kristine De Leon
Alexander Natcher
Ella Atienza
Lorie Anne Espiritu
Charles Flores
Jemma Papilla
Jec Dags
Aprilyn Garces
Lei Laurenciana
Pinky Chavez
Queen Bianca
TL Alexs Alano
Myra Fernandez
Anette Santelices
Anthony Fong
Novilyn Dizon
Crystal Gin Andanar 
Jasper Pandongon
Alyssa Kristie Roperez
Noah Espaldon
Aileen Onda
John Carlo Miranda
Joann Tagubader
Ian Gerbie Param
Kim Pena
Ellah Misona
Duncan Villarosa
Mam Joy Penecilla
Alyssa De Guzman
MJ Redondo
Maricelle Martinez
Dih Ambagan
Prof Harold Aquino
Jorene Abagon
Rozielle Mari Aquino
TL Aya David
Janelle Dreu
Joyce Santiago
Jinky Jarin
June Alvarez
Jielyn Porto
John Veil Raz
Jen Espiritu
Zarah Amor
Tash Manalang
Mommy Grace
Risse Molo Reyes
Sheila Decano
TL Jasmin Nabong
Brian Jay Bernabe
April Crystal Sapphire Martinez
Layca Gatmaitan
Maureen Constantino
Condrad "Potpot" Miane
Clarise Punzalan
Marvin Josh Pata
Son Tiu
Isay Amor
Dhelma Joy Alonzo Flores
Zia ZIa
Nino Sarmiento
Leo Salano
TL Cat Domingo
TL Jaq Clement
Jhigz Diego
Jaimee Pallera Legaspi
Mam Kreeya Tarobal
Jhec Villanueva
Ron Surbano
Kit Cristobal
Ashley Villar
Francis Saria
Jobelle Ongonion
Noreen Rodriguez
Gerald Sasis
Abby Remulla
Elvin Manuel
TL Reynaldo Gabion
Ate Len Laxamana
JM Alonzo
Ish Domingo
Vaughn Mendoza
Patrick Diaz
Cherry Anne Ignacio
Jelly Puno
Jacq Jarin < 3
Abigail Abadies
Liberty Toroy
Joshua Torio
Nica De Castro
Genieve Austin Erishka Telmo
Mary Gracr
Rya Pandain
Jose Cesista
Harold Tolentino
Hapon Casono
Sir Santi Pido
Yuri Monton
Lin Improso
Lei Mocorro
Nikki Navarette
TL Phi 
Jin Espiritu
at kay Nanay!
















Maraming marami pong salamat!!


Linggo, Mayo 14, 2017

Mother Knows Best

'How can I not love my mother — when she carried me first in her body, then in her arms, and then for a lifetime in ur heart'


"There are a million ways to die but only one way for birth. Respect and love your mother the most. She is your universe."


Kung ang nanay mo ang pinaka da best, ang nanay ko naman ang pinakadakilang ina sa buong uniberso.

Ikaw sinong nanay mo? Ano para sa'yo ang nanay mo?

Hindi ako ipinanganak na nakahiga sa ginto at salapi, kaya umaga pa lang bunganga ng nanay ko ang maririnig sa munti naming tahanan. Ito ay para gisingin kaming magkapatid lalo na pag araw ng Sabado at walang pasok, tumutulong sa mga gawaing bahay, kaagapay sa pagbitbit ng basket na aming pinamili sa palengke, pagtitiklop ng mga damit na nalabhan, paghugas ng plato at marami pang iba. Napaka espesyal ng nanay ko sa akin dahil simula't sapul na iniluwal ka niya sa mundo wala kang ibang mararamdaman kundi pag aaruga at pagmamahal.

Your Universe - Rico Blanco
to my mother: "I'll always be the lucky one!"

Minsan ay nakakainis ang mga pangaral na paulit-ulit, kadalasan ay halos na mabingi na ako at ayaw ko nang marinig. Latay ng tsinelas o tambo ng walis ang hahagupit sa'yo kung hindi ka makikinig sa kanyang mga pangaral. Pero ang lahat ng latay na ito ay magsisilbing pasasalamat sa aking ina dahil hindi naman kami naging sakit ng ulo ng aming mga magulang. Ang tanda ng kanilang mga palo ay nagsisilbing alaala na mahal ka nila at gusto ka lamang nilang masuheto at maging matinong nilalang hanggang sa iyong pagtanda. Aminado ako na sawa ako at fiesta ako sa palo noong aking kabataan dahil nga sa sobrang kulit, matigas ang ulo at mahilig mambully sa nakababatang kapatid. Mula tsinelas, sinturon, mongol ng walis, keyboard (dahil sa kakakompyuter) hanggang sa all time winning pamalo na hanger. Salamat po at hindi niyo ako pinalaking spoiled, maraming salamat sa mga gintong pangaral ni Nanay na ang sabi niya ay kapag siya'y lumisan na sa mundo ito, ay walang ibang tutulong sa iyong mga pangarap kundi ikaw lang din kaya pag husayan ninyo ang inyong pag-aaral. 

Tandaan na hindi ka iniri ng nanay mo para lang maging gago sa mundo. Kaya't kung anong hirap na dinanas ng ating mga nanay nuong tayo'y inilabas sa kanyang sinapupunan ay marapat na ating suklian ang kanilang pag-aaruga at pagmamahal sa kanilang pagtanda.

Ang ating mga ina ay matatawag ding mga ilaw ng tahanan. Sila ang nagbibigay liwanag sa ating mga simpleng tirahan. Hindi sila kahit kailanman ay maikukumpara sa Meralco, sapagkat ang liwanang na kanilang hatid ay mas hamak na mas maliwanag pa sa ibinibigay ng Meralco, at hindi sila nagpapadala ng mga "Disconnection Notice", baka tayo pa ngang mga anak ang nagbibigay ng "disconnection" sa ating mga magulang di ba? Ang tanging hiling ng ating mga ina ay pagmamahal mula sa kanyang pamilya, mga anak at kabiyak.

Shinedown - Simple Man
"Mama told me to be a simple kind of man"

Pagmamahal ang pinakamatibay na pundasyon na maaari nilang iparamdam at ibigay sa atin. Kung wala ang ina, hindi magiging tunay na masaya ang isang pamilya. Mga bayani ding maituturing ang ating mga ina, dahil isinusugal nila angkanilang mga buhay para lang mailuwal ang kanilang mga anak, wala ang kahit sino mang bayani, popular na mga tao kung di dahil sa kaniyang ina di ba?

Ganyan lahat ng ina, nanay, mommy, mom, mama, ermat, mudra, mumshie, inang, o kung ano pa man. Alalahanin natin ang ating mga nanay hindi lang sa araw na ito, hindi lang ngayon, hindi lang mamaya, hindi lang bukas, hindi lang sa isang bukas, hindi lang sa makalawa, hindi lang sa mga susunod pang buwan. Atin siyang respetuhin at mahalin hanggang sa mga huling segundo ng buhay ng ating mga nanay hanggat nasa tabi pa natin sila at nakakausap.

Maligayang araw ng Nanay sa lahat! 

Biyernes, Mayo 12, 2017

Your Childhood Post: "One, Two, Three.... Teng! Teng! Teng!"

'WWF...what the world is watching!'


Halos isang buwan na rin ang nakalipas simula ng huling pagsulat, ang huling pagsulat na may kasamang lungkot sa pagkamatay ng aking pinakamalambing na pusang napulot sa kasada ng Aguinaldo Hi-way. Nakakamis na rin at gusto ko naman ngayon punan ng kasiyahan ang post sa blog na ito ngayong gabi.

(Rewinding memory wires) Konting katahimikan,  konsentrasyon sa pag-iisip at muli tayong babalik sa "attitude era" ng pinakapaborito kong palabas tuwing Miyerkules ng gabi, 11:30 PM, patalastas ng Encarnacion Bechaves Flowers at Anzahl Car Paint...alam kong lampas na ako sa curfew ko sa panonood ng TV ngunit hindi ko mapigilang tumakas para makapanood kahit isang laban lang. Tangina ang sagwa pa ng intro nung RAW is WAR nuon akala mo hindi wrestling ang papanoorin yung tunog parang pang exercise lang ng Bodies in Motion, yan naman yung palabas tuwing linggo ng umaga kung sinong gustong mag ehersisyo ay pwedeng sabayan yung host.

"WWF... what the world is watching!" Tama!

1988 WWF Intro

Ito naman yung pinaka unang intro na napanood ko isa sa pinakajologs na intro kung saan lalabas ang logo ng WWF ala credits ng Star Wars at ang background ay mga bundok at dagat pa pero kulay pula ang ulap at bigla na lang kikidlatan yung logo sabay may isang machong boses ng announcer at sasabhin ang katagang "WWF... what the world is watching!" Dumating ang wrestling sa Pilipinas at talaga nga namang sinakop tayo nito pati mga lolo at lola ko ay hindi napigilang hindi manood ng wrestling. Ang natatandaan ko hindi mo mapapanood ang mga pay-per-views noon dahil wala pa nito sa Internet at hindi rin naipapalabas sa TV, pati mga laban sa karaniwang araw ng palabas ay hindi mo mapapanood ng buo ang kumpletong episode sa araw na yun. Pasalamat na lang ako sa kapitbahay namin na may business na Video rentals, tangina Betamax days mga tohl, nakakarenta ako ng bala noong sa halagang bente pesos. So saan aabot a ng bente pesos mo? -sa pagrerent po ng bala ng betamax.

WWE RAW Intro 2002 - 2006

Noong nasa San Andres Bukid pa kame kamuntik-muntikan na rin akong dalhin sa ospital dahil itong mga kalaro ko sinubukan kung gumagana ba talaga ang "sleeper hold" (finishing move ni Brutus the Barber Beef Cake) kung saan sinasakal niya ang kanyang kalaban hannggang sa makatulog. Napaniwala din kami na kapag humawak ka sa ropes biglang babalik ang lakas mo, yung kung anong merong enerhiya na dumadaloy sa ropes na yun sa tuwing mabubugbog ng husto si Ultimate Warrior. At siyempre naman sino ba naman ang hindi makakalimot sa wrestler na ito. Kumabaga sa atin at sa basketball siya naman ang Jawo ng wrestling - walang iba kundi si Hulk Hogan. Talagang kumakapit sa mga bata ang mga trademark gestures niya tulad ng pag senyas ng siraulo (twirling of the wrist) bago idikit ang kanyang kamay sa tenga niya, pati na rin ang pang ilang beses na pagpunit ng kanyang dilaw na sando. Yung hand gesture niya ginawa ko yun sa Nanay ko nung araw na inuutusan niya ko maghugas ng plato. Ayun, nasapok ako from out of nowhere. Galit na galit siya noon dahil tatlong sando na ang kanyang nabibili sa loob lamang ng dalawang linggo. Ngunit naawa ako noon kay Hokogan nung natalo siya kay Ultimate Warrior para sa kampeonato. Ayoko rin naman mainis kay Ultimate Warrior kahit maka-Hogan ako kasi hindi naman talaga siya kontrabidang wrestler. Tsaka napansin niyo ba bago pa magsimula ang mga laban ni Hulkomaniac ay ang ganda ng kanyang buhok - shining shiny. Pero pagdating sa kalagitnaan ng laban ay unti-unti mo nang mabibilang ang buhok niya.


WWE Smackdown Intro 2004

Eh si Million Dollar Man naaalala niyo? siya ang Kanong version ni Smokey Manaloto. Ang tag-team na Rockers, na akala ko noon miyembro talaga ng isang rock band; si Hacksaw Jim Duggan, na naka-asul na brip at laging may dalang dos por dos. Ito yung pinakamadaling gayahin na props kasi puwede ka lang kumupit ng kahoy sa may construction site sa tabing bahay, sabay sigaw ng "Hooooooooooo". Eto pa, wala din naman sigurong makakamiss sa wrestler na sepulturero - si Undertaker (with Paul Bearer na laging may dalang urn sa tuwing entrance ni Undertaker. Yung nakapagluto ka na ng pancit canton at naubos mo na tsaka pa lang nakaakyat ng ring si Undertaker. Isa sa may pinakamahabang entrance. Para sa akin isa siya sa mga bida. Kaso nga lang kalaunan ay hindi na siya realistic kasi nagsusuot na siya ng elbow at knee pads. May sepulturero bang nagsusuot ng ganun?!!

Malaki talaga ang naging impluwensiya ng WWF sa buhay nating mga kabataan ng dekada. Ngunit ang bagay na pinakamahalaga para sa akin ay dahil sa wrestling na yan, nawala ang hiya naming mga bata na mag-brief sa kalsada.

LET'S GET IT ON!

Miyerkules ng gabi puyat kung puyat dahil inaabangan ko talaga ang WWF. Isang newsbreak lang sa Channel 5 eto na umpisa na ang bugbugan sa ring. May lineup na naman ng mga superstar na mapapanood ko, pati yung mga wrestler na hindi kilala at ipinapain lang sa mga wrestler na heel ay talagang bugbog sarado.

'Bob Backlund'
Pero alam niyo ba na hindi si Undertaker ang kinatatakutan ko noon kundi si Bob Backlund. Itong wrestler na 'toh yung basta na lamang sumusulpot kung saan at gagawin niya yung crossface chicken wing niya. Nung nagtagal eh nainis na lang talaga ako sa kanya dahil parati na lang siyang nanggugulo eh. Kahit sa kalagitnaan ng laban biglang lilitaw at mang uupak kung sino ang gustong matipuhan.Siya rin ang recipient ng one of the fastest matches ever dahil sa sampung segundo ay natalo siya ni Big Daddy Cool Diesel.

Speaking of Diesel, isa siya sa mga pinakacool na wrestler dahil bukod sa matangkad (at cool ang pangalan), klasik din ang jack knife powerbomb niya. Kaso napilayan siya nung naglaban sila ni Sid Justice, na may parehong finisher katulad ng sa kanya. Sid Justice becomes Pyscho Sid isa din sa mga kinatakutan ko.

Sid Justice. Siya ang dumb bodyguard ni Heartbreak Kid Shawn Michaels, na may mini show na sobrang nakakabored. Parati kong sana na sana walang mini show si Shawn Michaels dahil anlaking kakaining oras nun. Baka na bored din si Sid Justice at napuno na sa kanya at naglaban sila. Siyempre, nanalo ang mas pogi.

The Rockers
Hindi ko idol yan si Shawn Michaels, dahil hanggang ngayon ay naniniwala akong dinaya niya si Bret Hart! Hindi talaga nagsubmit nung shinarpshooter siya eh, hanggang sa maubos ang oras at nag-overtime. Yan yung Montreal Screw Job halos gusto kong i-eject na yung bala sa Betamax nung nalaman kong dinaya lang ang idol kong si Bret "The Hitman" Hart. Si Michaels din yung laging dinudugong wrestler. Kasama rin siya sa 'The Rockers' at ang tag team partner niya ay si Marty Jannety na nawala na lang bigla nung nag solo na si Michaels at natibag na ang The Rockers. Para sa akin, ang The Rockers ang pinakamagaling na tag-team sa buong mundo, kaparis sila ngayon ng The Hardys na isa rin sa mga pinakasikat na tag teams sa kasalukuyan.

Minsan na rin akong sumulat ng love letter kay Santa Claus para hilingin ang shades ni Bret Hart. Pero walang dumating. : (

Sino ang nakapanood sa inyo ng Hulk Hogan's Classics? sa'n ka nakakita ng wrestler na itinali na sa corner ni Andre The Giant pero nakahulagpos pa rin at nanalo pa?! Iba talaga ang power at strength ni Tatang Hulkster and The Hulkomaniacs run wild! Syempre dun ko rin napanood and klasik na laban nila ni Ultimate Warrior. Hulk Hogan ako dun kaso talagang natalo eh. Pero nung nagyakapan sila after the match, syet! yun yung part na nakakaiyak! 

Megapowers vs. Megabucks
Ay ito pa may naaalala pa ko! Alam niyo ba yung Megapowers vs Megabucks? Naaalala mo? Nangingiti ka? ayun nung bata ako, ang kilala kong members sa Megapowers eh 'yung mga blonde ang buhok at crowd favorite. So ang mga kasama diyan ay sina Hulk Hogan, Ultimate Warrior, Tatanka, The Rockers at Bushwackers, atbp. Kasama naman sa Megabucks sina Million Dollar Man, Ravishing Rick Rude na kamuka ni Ishmael Vernal na kontrabida lagi sa pelikula ni FPJ, Andre The Giant at iba pang rule breakers.

Eto pa ha, may  tsismis ako na galing sa mga batang kalyeng nakakalaro namin nuon. Ang nakarating palang tsismis sa akin, si Andre The Giant daw yung binuhat ni Ultimate Warrior. Tapos, pumutok yung muscle niya. Tapos pinalitan siya kaya hindi na raw original na Ultimate Warrior yung naabutan ko.

Ang ganda talaga ng WWF ee. Palagi ko pa ngang nilelettering 'yang sulat ng WWF na yan. Madali lang naman eh. Halos lahat ata ng notebook ko may WWF na logo na lettering. Pero puta nuong napalita na ng WWE ang hirap na ilettering kahit isang W na lang yung pagkakasulat.

Bret 'The Hitman' Hart
Idol ko din talaga yang si Hitman eh pati mga tita ko kinikilig diyan dahil sa laki na ng katawan ang gwapo pa. Sobrang sang-ayon ako sa sinasabi nyang, "I'm the best there is, the best there was, and the best that there ever will be..." Totoo talaga yan para sa akin. Si Hitman yung hindi gaanong kalakihan pero palaging heavyweight champion. Namimigay pa yan ng shades sa mga bata na pangarap ko ring magkaron dati.

The British Bulldog
British Bulldog. 'Yan naman ang bayaw ni Hitman. Napangasawa niyan ang kapatid ni Hitman. Mejo maliit lang pero malaki ang katawan. Hindi pa uso ang cornrows noong 90s pero naka cornrows na yan. Nag-away sila ni Hitman pero hindi ko alam ang dahilan ng malaon tinaggap na rin siya ni Hitmann sa pamilya nila.

Eto pa ang isang super-klasik na wrestler, Jake "The Snake" Roberts. Shempre sikat 'yan dahil sa dala niyang ahas na nakalagay sa sako na tela. May tsismis din na may namatay dahil may natuklaw 'yung ahas niya, ewan ko lang kung sino yun. 'Pag nilabas na niya yung ahas niya lahat na natatakot at nagtatakbuhan. Ang pamantay niyan DDT.

Demolition's Smash & Axe
Demolition. Isa sa pinaka astig na tag team para sa akin. Parang sila ang unang nakita ko na may pintura sa mukha. May helmet pa talaga sila. Pagdating sa ring, ayan na huhubarin na nila ang helmet at bigla nang didila si Smash. Mahaba at mapula ang dila niyan at ang pintura nila sa mukha ay may pagkasilver at black. May kumalaban sa kanila ang "Legion of Doom". May mga pintura din sa muka at may suot pang shoulder pads na may spikes. Sila ang mga naging siga ng tag team dati.

The Honky Tonk Man
Ang dami dami pa andiyan sila Honky Tonk man na laging may dalang gitara at Elvis Prestley ang gimmick. Minsan pag masyadong napuno inihahampas ang gitara sa ulo ng kalaban. Texas Tornado, Toto Santana (magkamukha sila ni Texas Tornado). Coo Coo Beware (negro na may laging dalang parrot), Virgil (alalay dati ni Million Dollar Man na napuno na sa kanya), Razor Ramon, Superfly Jimmy Snuka (ang taas tumalon nito), Macho Man (na naging Macho King), at marami pang iba. Ang tingin pala namin sa buhok ni Sid Justice ay parang Lucky Me Pancit Canton.
Coco B Ware

Sabi ko nga kanina nanghihiram pa talaga kami ng betamax sa rentahan na kapitbahay lang namin sa halagang bente pesos isang bala. Lahat ng mga special events pinapanuod namin tulad ng Wrestlemania at ang paborito nating Royal Rumble. Palagi kaming nagpupunta sa rentahan para lang i-check kung may bago na silang WWF tapes.


Ang dami ko pa sanang gusto ikwento pero sa ikalawang bahagi na lang ng post na 'toh.




Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...