"Being single doesn't mean you know nothing about love. Sometimes being solo is wiser than being in a false relationship."
Tutal 48 hours na lang Valentines day na naman. Nariyan na naman ang kulay pulang mga bagay at uulanin ang ating mga mata sa tinaguriang araw ng kulay ng pag-ibig. Maglalabasan ang mga stocks ng Ferrero Rocher at dadagsain ang lugar ng may pinakamababango at kahali-halinang bulaklak sa lugar ng Dangwa. Sa kabila lahat ng ganitong gawain ng ilan, ang ibang tao naman ay patuloy na madedepress dahil hanggang sa pagkakataong ito eh single pa rin sila.
Ang layuning siguro ng post kong ito ay para sa mga single ngayon para di masyadong nalulungkot habang naghihintay o naghahanap sa taong tatanggap sa'yo at yung taong makakatuluyan niyo. Isang paalala lamang mga tohl, tandaan na hindi ang pagkakaroon ng lovelife ang dahilan kaya tayo nabubuhay sa mundo. Ang umibig ay isa lamang sa features ng life, isa lamang itong paraan para mabigyang kulay ang buhay ng bawat isa, pero hindi ito ang rason kaya tayo nandito. Hanggang sa narerealize niyo ang kawalan ng kapareha, sigurado ako na di mawawala ang depression sa buhay niyo. Clear your cache and expand your understanding why you're here.
Tonic - Sugar
Ayoko din naman mag preach, hindi ako si Father. Kaya simulan na natin. Ito ang mga maaari ninyong gawin habang wala pa siya:
MAG IPON
Medyo may pagka hedonism itong post na ito, dahil ito yung mga bagay na dapat kong gawin din. Siyempre gusto nating pag nakilala na nating yung ating "the one" eh dapat medyo stable na tayo, para naman di na kailangang maghintay ng matagal bago niyo dalhin sa dambana ang inyong iniibig. Kaya ngayon, habang wala ka pa namang ginagastusan masyado, eh magsimula ka nang magtabi para sa inyong future. Alam naman nating lahat na major pogi points para sa mga babae ang lalaking may malaki ang hinaharap ooops wag berde ang utak ang ibig sabihin ay may plano para sa kinabukasan, sa future. Ang gusto ng mga babae ay yung kaya niyo sila buhayin hindi yung puro love kaya minsan mali yung kanta ng The Eagles na "Love will keep us alive" eh, hindi ka mabubuhay kung maghapon lang kayo magka-akap magiinit lang ang inyong katawan at masisira ang family planning.
MAKIPAGKILALA KUNG KANI-KANINO
Habang wala pang sisita sa'yo na makipag date kung kani-kanino eh lumabas ka at iexplore ang iyong mga options. Kaya masarap maging single dahil hindi ka natatali sa iisang tao (hindi naman ako nagrereklamo, just saying). Kung hindi ka pa sigurado na ang kasama ay siya nawa maaari ka pa ng maghanap ng walang nasasaktan. Kung di mo kayang makipag-date, maghanap ka ng mga bagong kaibigan. Magandang foundation sa isang relationship kung nagsimula kayo bilang friends. Wag lang mauuwi sa "friend zone."
GAWIN ANG GUSTO NIYONG GAWIN
Sabi ko nga habang wala pang pipigil sa inyo, gawin niyo ang mga gusto niyong gawin sa buhay. Kung gusto mo mag travel fine! Ngayon ang best t ime habang wala ka pang iiwanan at papasalubungan. Habang wala pang mangongonsesiya sa inyo, do whatever you wanted to do, magbunjee jumping ka, mountain trekking, scuba diving, sky diving, manuod ka ng sine, buong araw na inuman with friends, makipagpatintero ka sa mga rumaragasang sasakyan sa EDSA, sumamama ka sa mga rally, manood ka ng porn bahala ka basta gawin mo kahit ano kasi you're still free as a bird. Malaya ka. Wala ka pang pagpapaalaman at magbabawal sa'yo. Good experience mo yan ngayon, para kung nariyan na si girlie o boyet, may mga activities na kayo para sa mga date niyo.
Mike Villegas - "Bilanggo" feat. Kevin Roy & Zach Lucero
TRABAHO
Pag busy-busyhan ka sa trabaho o sa kahit ano, madali mong makakalimutan yung pagiging single mo. Kasi may ibang nag-ooccupy sa isip mo. Okay lang yun at least hindi ka nalulungkot. Kung nasa call center ka at nasa field ng customer service gawin mo lahat ng sabay sabay mag email ka, sumagot ng live chats at sagutin ang mga inbound calls hindi mo na kailangan ipaflex kung saan ka nila gusto dalhin dahil masaya ka na gawin ito ng sabay sabay ewan ko na lang kung ma-call out pa ang pangalan mo.Pagbutihin mo maging top agent at maka receive ng joy hindi kasiyahan, kundi Joy dishwashing liquid at kung anu-ano pang makabuluhang pa premyo. Kagatin mo lahat ng ioofer na overtime. Siguro mapapagod ka, pero at least kapalit naman nun pera, di ba? Sabi nga nila kung di ka swerte sa pag ibig, malaking pag-asa na sa ibang bagay ka naman susuwertehin. Malay mo, baka sa trabaho mo yun mapupunta. Habang wala pa siya, eh mabigyan ka ng headstart para maging stable sa buhay. Pero wag masyadong pakalunod sa trabaho. Ika nga nila kailangan din nating ng work-life balance.
Ang lahat ng ito ay mungkahi ko lang. Madalas lang nakakaligtaan ng ibang tao dahil nagmumukmok at hindi pa nila nakikita ang kanilang life partner. Iniisip ko lang, na imbes mag drama sa buhay eh gawin nating productive itong mga panahon na ganito. Para pagdating "niya" ay wala na tayong hahanapin pang iba.
'Masarap magburda ng mga salita sa mundong parisukat'
Kape. Ubo. Dahak.
Alas singko beinte dos (madaling araw)
Nakakailang tipa pa lamang ako ng letra sa unang linya ay naka tatlong kahol na ako. Higop ng kapeng mainit upang humagod ang lalamunan. Nakakulong sa isang silid na di ko mawari kung paano ko matatakasan. Nakatago sa isang aparador na puno ng mga bagay na hindi ko madama. Ako'y nakaupo sa isang silya na gawa sa metal at sadyang nakagigimbal ang lamig, sapagkat bukod sa pagkakaupo'y nakatali ang aking mga kamay ng makakapal na kadenang umuubos ng enerhiya. Hindi ko alam kung nasaan ako.
Nilisanan na ako
ng mga luhang
noo'y hindi
lumilisan sa
aking mga mata.
Tila niyayakap
na ako
ng takot at kalungkutan
masikip at hindi makahinga
sa pagkakabigkis
ngunit ako ay
hindi patitibag.
KWARTO - Sugarfree
Kung may sariling buhay lang 'tong blog na 'to, sa madaling araw at sa oras na ito, malamang ay tampong tampo na ito sa akin. Sapagkat nabibigyan ko lang siya ng pansin kapag kailangan ko ng katahimikan mula sa mapanghusga, mabangis at magulong mundo ng isang pagiging manunulat. Siguro binubulyawan na ako ng mga ubas na nakadisplay sa banner na ito. Baka nilason na nila ko sa sa pamamagitan ng cyanide. Anong sasabihin nila sa akin? "Andito ka na naman punyeta ka kasi hindi mo masubuan ng salita ang isa mong post? Andito ka na naman kasi pnamumugaran ka na naman ng karuwagan at kalungkutan?" Kung sisigawan niya ako ng ganito, tatahimik lang ako't tatango kasi yun naman talaga ang totoo. Baka nga punung puno na naman ng karuwagan ang puso ko. Duwag na ipahayag ang totoong saloobin. Dito kasi, ako lang ito, ako ang hari ng aking mundo, ako ang namumuno sa bawat salitang aking binibitawan. Pero naman kasi hindi niyo naman ako kilala. Kasi hindi niyo naman ako kinakausap. Kasi isa lamang akong hangin (wag lang masamang hangin) na dumadaan sa inyong mga dashboard na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang tagalog. Dashboard. Ewan, basta wala atang katumbas na tagalog para sa salitang ito. Maganda na rin siguro ang ganito. Napakatahimik kahit nagtitipa lang naman talaga ako ng letra at tanging paghigop ko lang ng kape ang naririnig ng sarili kong tenga sa pag-usbong ng isang mangandang umaga.
Di niyo lang alam napakasarap magsulat lalo na sa mga oras na pakiramdam mo tinalikuran ka na ng mundo. Kapag pakiramdam mo na wala nang nagnanais na makinig sa mga nakakasawa mong kwento. Masarap mangsulat lalo na kung nagiisa ka at walang nag-aabot ng kamay upang patayuin ka't yakapin sa kalungkutang kinasasadlakan mo. Masarap bumurda ng mga salita kung marami kang nais isigaw sa mundo ngunit ika'y nagmimistulang pipi sapagkat walang lumalabas na tinig galing sa bibig mo. Masarap magsulat sa mundo ng tinta at papel, may mga kaibigan o di mo kakilala na nais makinig sayo, may mga taong gusto kang damayan. Ang mga tinta't papel sa harap mo ang siyang mga totoong kaibigan na kailanman ay hinding hindi ka lilisanin. Masarap magsulat lalo na kung ang sinusulat mo ay ang sarili mo at ang pinapasulat mo ay yung totoong ikaw.
Minahal ko ang pagsulat gamit ang wikang sarili. Hindi ka cheapan sa isang blogosperyo ang paggamit ng dilang kayumanggi at dito ako sasang-ayon kay Baby Ama, mag-tagalog ka! May mga taong ma-Ingles noon at sabik daw na makita ang aking mundo ng salita ngunit noong napag-alaman na Tagalog ay wala na akong narinig mula sa kanya, siya na mismo ang nagmistulang naging pipi at bingi nang bumulantang ang mga letrang nakaukit sa pananagalog. Hindi kita makakalimutan Ginang.
Labis kong ikinagalak ang pagsiksik ko ng mga kaisipan sa bawat talata ng aking prosa. Minahal ko ang pahinang ito. Ang mga bawat pahinang repleksiyon ng puso ko ng aking pagkatao. Sa kabilang banda'y nalulumbay ako dahil kahit ano pang gawing pagpapakatotoo - sa bawat salitang sinasambit ko, sa bawat salitang likhang isinusulat ko, ay wala pa ring saysay. Ayaw kong huminto subalit lubhang napakasidhi nitong puwersang lumalamon sa akin. Bibitaw na ba? Aayaw na ba?
Malamig na ang kape mula sa isang libong ubo't-dahak. Magandang panimulang umaga mula sa aking parisukat na mundo.
I don't know but I'm seating right here and woke up at exactly 2:30 AM. My cough does not stand still, dalawanglinggonaata 'tohbakanga may napanalunanna kong TV sabagong shift nanito. Well congrats sana slim type at full HD. Coffee becomes more powerful at dawn it fuels my fire in writing something naewanmagpapatawaba omagpapataas ng inahitnakilay ng iba.
Malapit na naman ang Araw ng mga Puso! Maraming sabik, maraming kilig na umaasang makakatanggap ng mga rosas, tsokolate at minsan mga proposals. Shet! wag lang marereject noh? malamang isumpa mo ang araw na ito kung sakali. Pero bukod sa kapangyarihan ng pag ibig mas maraming bitter at namamapak ng ampalaya sa araw na ito.
Kung single ka at unattached hindi mo naman nanaiisin na magkaroon ng maaliwalas na panahon sa araw na ito. Hindi ka magiging choosy, kahit ano mang klima at kung anong mang ibibigay ng panahon sa labas ay wala kang pakialam ang tanging iintindihin mo na lamang siguro ay ang mga isinampay mo kahapon kung umulan man sa katorse. Tatambay na lamang sa iyong kuwarto at haharap sa bintana habang nakatingin sa malayo at minamasdan ang tila luha na umaagos na dulot ng ulan sa bintana. Ito ba yung tinatawag na "window pain?"
Tuluyan mang mag alboroto si Magayon dahil may LQ sila ni Panganoron, wapakels ka. Ang tanging gagawin mo na lamang ay mag-Facebook, pero olats ka pa rin dahil ang tanging gagawin mo lamang ay mag scrolldown ng mag scrolldown ng newsfeed at pumuso sa wall post mga pinakamasasayang kumag sa araw na ito. Nakangiti ang haring-araw pero napapaligiran ka naman na magkakaparehas na nilalang na naka couple shirt at magka holding hands. Kahit yung alaga mong love birds sa bahay pinagbubulungan/pinagtsitsismisan ka na walang kang kapareha.Yung pusa mo na tangi mong kasama sa bahay at tinawag mo wswswswswswsws hindi sumagot ay nasa bubungan na pala at may ka-date na rin.
"Always" by Atlantic Starr
Punta naman tayo sa mga naging single dahil nasawi.
Sumasakto nga siguro ang pag-inog ng mga musika sa kasalukuyan sa nalalapit na hearts day, tagalog man at jejemon ang dating marami ang nakakarelate. Baka jejemon din yung mga nakakarelate? Ewan siguro nga hindi ko tipo yung mga ganung tugtugan.
"Calimotan mo na ian sigue sigue mag-liban
Uag cang magpacajiban dapat ay itaua
Haiaan mo sila an mag-javol saio di ba?"
Lan an problema sa babayi dapat di iniinda
-kung nabuhay ang kanta at itrinanslate sa Doctrina Christiana
I'ts okay to chase someone. Lalo na kung hanggang ngayon hindi pa rin siya bayad sa utang. Anong hayaan? ulol! It's also okay to beg someone to stay. Lalo na kung malakas siya lumafang pero hindi siya marunong maghugas ng pinggan.Sabi nga nung tokhang candidate dun sa kanto namin, "If you're not gonna chase anyone, then who will notice you?" Paanon ka mapapansin ng crush mo kung di ka magpapapansin? "If you won't beg for anyone to stay, then who the pak will remain?" Paano magtatagal ang isang relasyon kung palagi na lang paiiralin ang pride? Hindi laging Pride mas mabula ang Axion na panghugas ng plato at least yung name ng brand positive ang vibe 100% grease removal pa. (Dapat mabasa'toh ng Axion Dishwashing).
Okay lang maghabol. Okay lang ipilit ang sarili. Pero dapat alam mo rin kung alin ang hindi na okay? Yung ipagpilitan ang sarili mo sa mga taong ilang beses ka nang ipinagtabuyan na parang dinaig mo pa ang masamang espiritu na sinapian sa katawan ng panget. Yung mga taong naaalala ka lang kapag may kailangan pero kapag nakuha na ang gusto parang hindi ka na ulit nageexist. Yung ipagpilitan ang sarili mo na mahalin ka ulit kahit ilang beses ka nang ipinagpalit. Yun ang sablay.
Ikaw ang gumagawa ng pamantayan para sa sarili. Kung hanggang saan lang dapat, kung para kanino ka at kung ano ang dapat. Wag kang magpalamon sa ibang tao dahil hinahayaan mo lang silang gawin kung ano ang gusto nila. Kung nagdurugo na ang mga palad sa lubid na tinubuan na ng tinik. Bitaw na ka Ex-B. Wag mo gawing priority ang isang tao kung para sa kanya back-up plan ka lang. Huwag kang matakot na mawala ang mga taong in the end you will totally lose yourself.
Lionel Richie - Stuck On You
Kung kailangan mo ng toothpick bibigyan kita para sundutin mo yang lalamunan mo at para isuka siya sa buhay mo. Lumayo ka sa mga taong nakakapanget. Ang mahal mahal ng Aztec clay at mga toner na nilalagay mo sa muka ee.Nagtitiyaga kang mag-apply ng ganyan gabi gabi para sa fresh na kinabukasan tapos ma-iistress ka lang. Pota naman. Give a break, have a kiat-kiat.
Maglaaan ng space para sa mga taong karapat-dapat, sa mgabagong taong parating pa lang at maaaring magbigay buhay sa mga ugat mong hindi na dinadaluyan ng dugo. Hooray sa mga bagong karanasan. Ooohhh-lala!
Kasing-ikli lang ng sausage mo ang buhay kaya wag aksayahin ang enerhiya sa mga taong pansamantala lamang. "Energy can neither be created nor destroyed rather, it can only be transformed from one form to another." Ilaan na lamang ang emosyon at enerhiya sa mga taong kayang pantayan ang kaya nating ibigay. Maghintay ka na may mag alok sayo ng Milo para pantayan ang energy mong nagkukulang kung pagod ka na sa kaka callout ng pangalan mo kapag queing. Darating din yung taong mamahalin mo at mamahalin ka din sa paraan at posisyon na gusto mo. So you will never feel the need to chase or beg someone to stay.
Tangina malamig na yung kape ko! Bahala ka na. Basta.
Bale, may ikekwento ako sa inyo tutal wala namang magawa ngayong Huwebes ng tanghali bukod sa nakakaboring na panahon nakakasawa na rin mag scroll ng mag scroll ng mga life events, selfies at kung anu ano pang ganap sa buhay nila sa Facebook.
Noong early 2000's naging medyo seryoso ang problema ko sa social life. Dumadaan ang dalawang linggong wala man lang nagti-text sa akin. Hindi ko alam kung nasira ba yung pangkudkod daw ng yelong Motorola cellphone na may built in na antenna, tangina klasik ee. Oo binilang ko talaga 14 days akong yamot at lagi lang nakamasid sa selpon ko hinihintay na tumunog ang "Who let the dogs out" message alert tone. Nakakahiya man aminin pero kadalasan ginagamit ko lang ang selpon ko para sa alarm at calculator nito. Sa mga bihirang panahon na tumunog man ang message alert, kahit naka upo pa ko sa inidoro, iniiwan ko ito at sabik na babasahin na tila ito'y galing sa Santo Papa.
Pota tumunog, habang pa ispluk na yung jebs ko sa tubig ng inidoro, "who...who....who...who who let the dogs out!", pinindot ko agad, pakshet network promo lang pala. Text A down para sa ganitong ring tone, text B para sa truetone and so on. P25 per download. Ah leche! ako pa gulangan niyo ha. Delete message. Stop alerts? P2.50 per sent yun a. Tangna! DELETE MESSAGE!
Delete message icon lang ang laging nagagamit sa selpon ko. Gayon man di ko pa rin iniisip na walang silbi ang gadget na ito sa akin dahil kahit papano ay meron naman.Inuubos ko na lang ang battery nito sa kakalaro ng paulit ulit na games para higitan ang sariling high score. Wala eh, yun lang ang pwede kong magawa. O di kaya makinig ng ring tones habang natutulog hanggang sa makatulog. Grabe ang lungkot talaga. Nag-eexpire lang ang load ko ng hindi ko nagagamit.Minsan nagsusubscribe ako sa unlimited texting kaso limang text lang naisesend. Dyahe na rin k asi mag forward ng mga chain messages e at kapag hindi ka daw nagpasa ay magbibigay ng sampung taon na bad luck. Matindi ee.
Ito na nga siguro yung bad luck.
SANDWICH - Betamax [HQ AUDIO]
Marahil sa tindi ng pagkakalugmok, boredom, naengganyo akong subukan ang ipinangangalandakang UZZAP ads sa TV. Okay din naman. Nakakapag YM ako habang kumakain ng tenga ng daga sa kanto. Bigla nag full 360 degree turn ang aking text layp. Shet. Pati pag chat hindi ko na pinalampas.
Pero iba na talaga ang mga chatrooms ngayon maging sa cellophone. Aba, hindi pa ko nagkakapag hi at hellow, gud am o wats up, care to chat, sex text? at ipa bang papansin sa pagbagti e, inuunahan kaagad nila ako ng ASL, NASL please o di kaya MMS please. Ganun lang siguro para madali mong masasala ang trip mong ka chat/text base sa edad, kasarian at lokasyon. At syempre panlabas na anyo.
Pero mas mukhang gaganahan pa ko maglaro ulit ng paulit ulit na games ko. O magcompose ng ring tones, makinig ng ring tones bago matulog.
Nangayaw ako kaagad.
Akala ko napakabastos ko nang tao. Kahit anong mahalay na usapan sa chat kaya ko. Pero nung mag flash sa CP ko ang tanong na "MALAKI BA ANG TITI MO?"......
PUTANGINA!
LOG OFF!!
May konting hiya pa pala ako. Wala naman talaga akong maisasagot dun ee dahil hindi ko naman naisusukat. Hindi ko na nireplyan kung in inches ba ? o centimeters? dangkal? gagamit ng protractor panukat? pota ano yun korte ng cheese curls? pangkawit? mga ulol! Sana wholesome na mga tanong na lang. maaaring masagot ko pa. Gaya ng "ANONG SIZE NG PAA U?"
At dahil wala namang magawa ngayong Biyernes ng umaga bukod sa pag antay ng trak ng basura ay magsusulat na lang muna ako. Kakausapin na naman ang sarili, magmumuni muni para makagawa na naman ng isang piyesa na ako lang din naman ang magbabasa pagkatapos. Ang saya di ba? Pero bahala na malay mo naman may isang kaluluwang bibisita na puwedeng sumabay sa trip ko ng istilo ng pagsusulat. Malay niyo lang naman...
8:08AM wala pa rin yung trak ng basura mukhang may Christmas hangover pa ang mga tropa. Kaya naman nagtanong si ermat kung saan daw ako pupunta:
"San ka punta? tapon basura?", ewan ko kung nagbibiro pero seryoso ang tinig. Natatawa ako ng palihim kahit alam kong seryoso siya sa tanong niya. Ang sabi ko antayin na lang natin at maya-maya pa ay darating na rin ang hahakot ng mga basurang nakaayos naman ngunit pinuputakte na ng langaw.
Tumungo ako ng kusina para magtimpla muli ng kape. Masuwerte naman at mainit pa ang tubig sa takure. Umuusok pa ang tubig sa init ng inilagay ko sa aking baso. Inalok ko si ermat kung gusto niyang ipagtimpla ko siya ng kape. Napangiti siya at narinig niya pala akong inaalok ko rin ang mga pusa at aso na tambay sa kusina namin kung gusto rin nila ng kape. Likas na kasi sa akin ang kausapin ang mga hayop kahit nakatingin lang sila sa akin. Ewan ko baka siguro kapag nagsalita ang mga ito at pangaralan ako sa buhay ay ayos lang, eh di parang nasa cartoons na kame ng Family guy, meron na akong instant "Brian" the dog.
Putangina 9:47 AM wala pa rin yung trak ng basura.
Pumasok ako ng aking kwarto at nilapag ang umuusok sa init na kapeng itinimpla upang magising ang aking kamalayan. Napatingin ako sa aking dingding, ang ganda niya talaga, kahali-halina ang babaeng isang taon ko nang kasama sa aking kwarto. Seksi, maputi at dyosa ang kagandahan. Katulong ko siya sa araw-araw upang ipaalam niya sa aking kung anong araw na ba at kaagapay sa pagpapaalam kung anong araw papatak ang sweldo. Pinalitan ko na si Bb. Ellen Adarna at salamat sa isang taong pagpapaligaya pagtambay. Welcome 2018, Bb. Erich Gonzales!
10:25AM hindi na fresh yung basura. Asan na sila?
Kailan Pa Man - Kevin Roy
Pero kung iisipin mo sa kagandahang taglay ng mga tsiks na yan, ano kaya yung hanap nila sa isang lalake? Bukod sa kargada ni John Lloyd? Bilang ako,bilang ikaw na lalakeng nagbabasa nito isang katarantanungang iiwan: Bakit ka Magugustuhan ng Isang Tsiks?
Maraming Pogi analyst ang nagsisilabasan para magbigay ng tips or guidelines para sa mga lalake tungkol sa kung pano mo malalaman kung gusto ka ng isang babae, pano ka magugustuhan ng isang babae etc. This time, para mas intense, subukan nating mag fact check sa ating mga sarili bago natin gawin ang mga mababanggit na tips. Tumingin ka sa salamin, huminga ng malalim, kausapin ang sarili, tanungin ang sarili, "Bakit nga ba ako magugustuhan ng isang babae?" Ito ay para maiwasan ang sablay na habit ng pag-aassume o pagbibilang ng sisiw habang di pa napipisa ang itlog.
MAY ITSURA
Actually lahat naman ng nilalang ay may itsura, hindi ka naman ipinanganak na muka kang abstract painting. Hindi ka kaguwapuhan at di mo rin kasing katawan si Channing Tatum pero naman muka kang tao, may sense of fashion ka kahit papaano o marunong ka magdala kahit kaunti. Ikaw rin yung taong may tunay na ngiti pang-Pepsodent. Gusto ng mga babae yung hindi pa cute at hindi masyadong maporma. Kung ikaw naman yung type na walang duda at gwapo kang talaga, mas okay kung simple ka lang. Wag mo masyadong ipangalandakan dahil hindi tungaw ang mga tao sa paligid mo, nakakita na rin sila ng gwapo at tandaan na hindi lang ikaw ang gwapo sa mundo ang nagsusulat rin. Panatilihin ang tamang postura, makuntento sa kung anong itsura ang meron ka dahil at the end of the day, character pa rin ang mangingibabaw sa isip niya.
BE HUMBLE
Hindi dapat mala-bagyo ang mga banat mo at walang bahid na pagmamataas ang kilos at pananalita mo. Though hindi absolute na wala ka talagang kayabangan sa katawan, at least meron kang sapat na amount para maging confident ka pero hindi dapat too much confident.
Kung tanungin ka ng babae kung magkano bili mo ng iPhone X mo at ano ang mga features nito, sagutin mo ng maiksi at wag mo na pahabain pa or else magmumukha kang taga O-Shopping. Hindi ka salesman (unless salesman ka talaga). Kung may mga katangian at may possession ka nga naman talaga na kapansin pansin, sabihin mo sa kanya yun in a way na sapat lang para makilala ka niya at wag magmamalabis kung ayaw mong mamis-interpret niya ang pagkatao mo. Kadalasan kapag marami kang hangin sa katawan, nababawasan mo ang pagkakataon ng isang babae para siya naman ang magsalita at magpakilala. Iwas-iwas sa vulcanizing shop dapat sakto lang ang hangin sa katawan. Kapag ganoon, ang resulta, marami kang na-ishare na kayabangan pero halos pangalan lang ang natandaan mo sa kanya.
CONFIDENT
Marami nang shy type na kaluluwa ang naglipana sa mundong ito at wag ka na sanang dumagdag pa. Kung ano ang intensyon mo kay girlie, ipaalam mo na agad though hindi mo kailangang gawing literal sa lahat ng oras at lalong hindi kelangang sa paraang garapalan. Dito sa puntong ito papasok ang mga tips na nagkalat sa interwebs kung paano ipaalam sa isang babae ang nararamdaman mo. Kung nasa rookie stage ka ng pagkakataong ito, hindi ko inaadvise na magpaka-romantic ka na trying hard naman dahil baka magmukha ka lang ulol. Pero kung beterano ka na, ang kailangan mo na lang alamin ay kung anong istilo ang uubra. Basta tandaan na may gauge ang pasensya ng babae at alam nilang hindi sila ang dapat na gumawa ng first move. Kaya kung kasimbagal ng internet connection ng PLDT ang diskarte mo, halika sumali ka na lang sa aming kulto irerefer kita na taga sindi ng kandila sa tuwing oorasyunan ko ang modem ng PLDT para bumilis.
KWELA
Laging mong intensiyon na mapatawa siya pero di ka trying hard na gawin yun. Hindi sa pamamaraan ng paglulukos ng muka o mag make faces ka para patawanin siya, ano siya sanggol? Putangina! Ang kailangan mo ay sense of humor.
Sa unang conversation sa mga babae, mahalaga na mapangiti sila at kung mapatawa mo sila, ibang level ka na. Siguraduhin lang na kung magpapatawa ka ay hindi sa extent na magmumukha kang stand up comedian. Always make sure na hindi mako-compromise ang respeto niya niya sayo at mah ingat sa pagbitaw ng mga green jokes at baka masampal ka out of nowhere. Ayaw nila sa pervert.
NAG-IISIP
Hindi ka henyo, hindi ka katalinuhan at hindi ka rin kabobohan. Dapat sapat lang. Hindi ka man magkaroon ng mala Einstein na utak o kahit mala-Kuya Kim man lang, nakikita niya na gumagamit ka ng utak na nasasalamin sa kilos at pananalita mo.
Tandaan naiimpress ang mga tsiks sa matatalinong tao pero natuturnoff sila sa una pa lang pag nakakita na sila ng signs na hindi ka nila kayang kontrolin. Gusto rin ng mga babae ay yung mapagtatanungan nila tungkol saa mga hindi kalalimang bagay na mayroon ding hindi kalalimang sagot. Tangina kita mo si Eugene ng The Walking Dead kahit ganun siya katalino pota ang boring ng character niya. Gusto nila yung may praktikal na kasagutan na malinaw na mabe-visualize kesa sa mga mala E=mc2 ang mga response. Nagegets niyo ba?
Kakambal ng mga thinking na tao ang pagiging maunawain na needless to say ay tinitignan din ng mga babae sa mga lalaki ang pagiging pasensiyoso. At ayaw nila sa mga makikitid ang pag-iisip.
MAALALAHANIN.
Alam mo na ang ibig sabihin nito ay ang hindi palagiang pag check sa kanya at pag remind sa kanya ng mga bagay na obvious namang part na ng routine niya or else magmumuka kang AI o machine na nakaprogram para gawin yun. Katulad ng common na tanong: "Kumain ka na ba?" Pero alam mo kung kelan na dapat na alalahanin siya at iparamdam sa kanya na you're there, that you exist, that you care.
Ang problema sa mga Pinoy, masabi lang na maalalahanin, nawawalan na ng sense of reality. Ang riyalidad ay -hindi kailangan ng mga babae na palagian silang itext o tawagan para lang ipaalam sa kanila ang ginagawa ng normal na tao o kaya'y ihnatid o sunduin sila palagi dahil wala na sila sa gradeschool. Tandaan magkaiba ang maalalahanin sa pabida, hindi ka si Jollibee na bida ang saya. Hindi masaya ang mga ganung gawain sana nagtayo ka na rin ng security agency kung lagi kang nakabantay baka isipin nila na masyado ka nang obsessed. Ang maalalahanin, tyumetyempo at sincere sa intensiyon, ang pabida, kahit kelan lang o sadyang palagian at gusto lang talaga magpapansin.
GALANTE.
Hindi ganun karami pera mo, hindi ka anak ng mayaman at lalong hindi ka anak ng corrupt na politiko. Gumagastos ka ng pera hindi para magyabang kundi para ilaan sa okasyong iyon na hindi na kelangan ng accountant para kwentahin ang mga nagastos mo. Dahil habang nakikita mong nag-eenjoy ang kasama mo at may sapat kang means para ituloy yun, go lang. Maaaring kuripot ka minsan pero alam mo kung kelan.
Isipin mo kung inaya mo siya ng date at pagdating sa venue ay ipinaalam mo sa kanya na KKB kayo. Hindi lang makapal ang mukha mo brad, ang tapang pa ng apog mo. Ang least na magagawa mo kung talagang short ka sa budget ay hintayin siyang mag initiate pero pota sana wag na umabot sa ganun, dahil naka focus ka sa date niyo, dapat nakahanda ang bulsa mo in the first place. Tandaan rin na may kusa ang mga girlie at ang iba sa kanila ay ayaw isipin na gold digger sila, bilmoko o namemera lang. Ngayon kung talagang rich kid ka, e hinay lang wag mo naman bilhin ang buong pagkatao ni ate...hindi siya for sale.
HARDWORKING
Alam mong bukod sa pakikipagrelasyon, may mga bagay pa sa mundong ito na dapat mong gawin at kung estudyante ka man o working person, nagsisikap ka para sa mga hangarin mo sa buhay. But not to the point na workaholic ka at wala ka na halos time. Hindi ka Korean businessman sa mga Koreanovelas na ang laging tema ay napapabayaan ang pag ibig dahil sa business. Iba pa ri n yung mayroon kang nakalaan na oras sa romantic interest mo at lalo na sa official love partner.
Naaappreciate ng mga babae ang mga hardworking na tao dahil nakakaramdam sila ng security lalo na para sa future nila kapag ito ang naging partner nila. Hindi mo naman kailangang magpopopost sa Facebook na may business ka para ipagmayabang. Tandaan na hindi lahat ng babae nahahalina sa ganito. Kesyo magppopost ka ng mga quotes na tungkol sa pagiging hardworking mo. Ganito, ganyan pota nakakatawa na lang din minsan. Wala silang pakelam sa personal na oras o lakad mo kung saan tsong.Parang lumalabas lamang na kulang ka sa pansin kapag ganoon. Pero maraming hardworking na tao naman ang nagtatagal ang relasyon dahil kapwa nila naiintindihan ang mga sitwasyon niloa at kung hardworking din ang prospect mo, siguradong maaappreciate niya ng mas malalim ang mga efforts mo.
Ang lahat ng aking nabanggit ay pawang mga opinyon ko lamang at open for criticism.
At para naman mas maliwanagan ang ating mga boyet ay nagsurvey tayo sa mga chiks kung ano nga ba ang maaari nilang magustuhan sa isang lalake.
Ayan GABRIELA has spoken, siguro naman eh may napulot na diskarte ang ating mga kalalakihan kung ano talaga ang hinahanap hanap ng isang babae sa lalake. Pero kung bibigyan mong pansin ang mga datos halos karamihan ay hanap ay may sense of humor, eto yung boyet na masarap kasama, masaya makipagbiruan, joker at higit sa lahat mataas ang intelligent quotient. Hindi pa rin naman nawawala ang umaasa sa forever, ba't nga naman mawawalan ng pag-asa kung posible naman. At siyempre gusto nila yung mga lalakeng may yagballs, madiskarte, naeffort at kayang timbangin ang oras sa pamilya at trabaho. Eto nga marahil ang mga pantatag na pundasyon upang magkasundo sa relasyon ang mga lalake at babae.
And everybody wants to deserve that fresh-feeling kind of relationships at siyempre kapag nagtugma-tugma lahat ng kagustuhan ng isa't-isa, magiging masaya at masagana ang pagsasama at eto na ang susunod na destinasyon ng isang mag-irog.....
Ito ang ibig kong sabihin at mailalarawan sa kanta at bidyo na ito. Gawin natin itong theme song sa post na ito. Maraming salamat sa lahat ng partisipasyon at sa mga invisible readers ko na nagbabasa. Magandang tanghali sa inyong lahat! :)
Eels - Fresh Feeling (Music Video)
11:11AM Tangina wala talagang trak ng basura! Malamig na rin ang kape.
Kung nabasa mo ang title ng blog na ito at napaisip isipan mong tungkol ito sa paguunboxing ng isa sa pinakamaluluhong telepono sa balat ng lupa ay nagkakamali ka ng napuntahan. Walang talakayan na magaganap tungkol diyan, wala akong balak na pag usapan ang kahit anong features na nilalaman ng teleponong ito. Ako yung taong walang hilig sa selpon, sawang-sawa na ko kakapindot sa keyboard at makipag usap, makipagtalo, makipag-girian sa mga Briton sa chat kaya bakit ko pa papagurin ang sarili ko na dapat ay ipinapahinga na lang ng mga daliri ko. Ayaw ko ng iPhone X, ayaw ko pero kung sakaling swertehin sa pag drawlots ng pangalan ko eh di salamat, pero walang confetti na sasabog sa loob ng isipan ko. Kung isigaw ang pangalan ko sa mikropono eh siguro parang naka half mask lang na watawat ng Pilipinas ang ipapakita kong ngiti. Ipapaalam ko sa paglapit ko at pag abot ng selpon na iyon na wala akong hilig sa ganyang uri ng teknikal na bagay. Baka masaya ko sa unang pagkakataon na yun kasi 1st time ever na isisigaw ang pangalan ko na hindi dahil sa pag-call out na naka status akong "away" sa chat. Ewan ko ba sa ganung pagkakataon kasi medyo natatawa ako feeling ko talaga nasa isang shop ako sa loob ng SM department store at sa tuwing may magsasalita sa mikropono feeling ko sumisigaw sila na parang ipinapaalam sa loob ng tao sa stock room kung meron bang size 7 na sapatos na request ng customer o di kaya ay nananawagan sa magulang ng batang nawawala sa loob ng mall.
Balik tayo sa iPhone X, may oras din naman na gumagamit ako ng selpon. Meron akong app na alam na sinubukan ko lang naman dahil na curious cat ang inyong lingkod. Hindi ko gusto yung app pero natutuwa ako sa mga taong ipinapakitang sobrang bored na bored sila sa buhay nila sa BIGO Live, pota ewan ko ba at halos magkulong ang mga kwarto sa iba sabay sayaw ang mga haliparot at nanghihingi ng kung anong virtual coins para umakyat ng level ang mga damuho. Tsaka hindi rin naman kasi ko nagloload kung hindi rin lang may lakad at makikipagkita sa mga dating kaibigan para lang makapagtxt kung nasaan na sila. Eh kasi naman di ba, uso sa atin ang "Pilipino time" yung mga taong nagsasabing "on the way" na sila pero naliligo pa ang mga putangina. Bato bato sa langit ang tamaan bubulagta. Ano pa ba? Hmmmm... ayun ginagamit ko lang din ang selpon sa tuwing ako'y susulyap sa orasan. Hindi na kasi ko nagdadala ng relos buhat nang ipagbawal ng mga burikat ang Smart watch. Binili ko pa naman yung ng 600 pesos tapos hindi ko naman nagagamit.Ang dami daming bawal tapos wala naman ano... ham. Puta!
Hindi rin ako mahilig sa mga lekat na games na yan sa selpon. Kaya kung mabubunot ako't pagpalain na manalo baka gawin ko lang yang libangan sa musika. Oo, musika lang hindi ko trip manood ng porn sa selpon, mas gusto ko sa widescreen. Tsaka nakakahiya rin naman sa iPhone X na yan kung gagamitin ko lang siyang alarm sa paggising ko para pumasok sa gabi o baka madaling-araw dahil nagdedelikado ata ang grupo namin sa shift bid na yan.
Itchyworms - Gusto Ko Lamang Sa Buhay
Hindi ako papasok ng 31 kasi baka mabunot ang pangalan ko, ayaw kong hawaan ko kayo ng pagka negatib ng muka ko pagpasok ng taon dahil hinding hindi niyo ko mapipilit na maging masaya o maging excited sa matatanggap ko. Ano ba yang iPhone X na yan? nakakadiri, magiging heartrob na ba ko kung sakaling mahawakan ko yan? At hindi rin ako yung taong mahilig magseselpi sanay pa rin akong may kasama sa picture at magbibilang yung kukuha ng 1,2, 3 at sasabihin munang say cheese para mas maayos ang ngiti ko. Kung solo ko sa mga litrato baka duon lang kapag magpapakuha ako ng ID picture. Isa pa sa kinaiinisan ko walang katapusan yang iPhone na yan nag umpisa sa ata sa 1st generation hanggang X = 10 na ngayon, putragis matatalo niyo na yung Shake, Rattle and Roll natapos ata hanggang sa 13 yun ee.
Isa pa pala at higit sa lahat malas ako sa mga raffle. Hindi naman ako galet sa iPhone, hindi rin ako bitter sadyang wala lang talaga sa bituka ko ang gumamit ng mga high definition devices at baka maging mitsa pa ng buhay ko yang balang-araw. Hindi naman masama alalahanin ang kamalasan sa buhay, minsan kapag naaalala mo ang isang bagay na sa tingin mo ay pinaglaruan ka ng tadhana, ay matatawa ka na lang.
Noon, palagi akong nawiwiling sumali sa mga raffle. Yung mga raffle na kailangan ng proof of purchase. Bibili ka ng ganito , ganyan tapos isasali mo yung wrapper. Ewan ko ba. Hindi pa naman ako nananalo e, iniisip ko na kung ano ang gagawin sa premyo. Kaya siguro minamalas. Ni minsan di pa nanalo. Counting the eggs kasi kahit hindi pa ito hatched.
Pero hindi. Hindi ko ata matatanggap na ako ay malas. Naghubad ako sa aming CR at tumalikod sa salamin, tumungtong ako sa inidoro para makita sa salamin ang aking puwit. Sinilip ko sa salamin, aba eh wala naman. Wala naman yung "marka" na sinasabi nila. Oo naniniwala ako na wala naman akong balat sa puwet para malasin ng ganito. Mas gugustuhin ko pa kasing isipin na ako ay dinaya. Tama. Dinaya ako! Imposibleng hindi ako manalo. Sinusunod ko ata ang mga regulasyon. Pinapaganda ko pa ang aking sulat kamay. The best pa ang aking signature. Kumpleto ang address. Kulang nalang lagyan ito ng autographed picture ko e. Kaya lang di ko na nilalagyan. Parang panunuhol na yun, kaya wag na lang.
Kung sino man siguro ang mabubunot sa iPhone X na yan ay para sa kanya ay napakaswerte na niyang nilalang. Hindi ako kokontra. Wala akong sasabihin magiging masaya lang ako sapagkat deserve mo ang selpon na yan. Gusto kong makakita ng kapwa ko na masaya dahil nabiyayaan siya ng isang pagkapetmalu loding mamahaling selpon sa balat ng sansinukob. Basta ako masaya ko ng mga araw na yan sa loob ng aking pamamahay, tsumitsibog ng hamon (san ako kumuha?), yumuyupyop ng malamig na softdrinks, pumapapak ng barbekyu't hotdog na may marshmallow, nagpapailaw ng Mabuhay Roman Candles, nagkikiskis ng watusi sa pader, tumitingin sa kalawakan ng mga naguumilaw na paputok mula sa kalangitan, maeexcite kung anong top 1 song sa yearly countdown sa radyo at makikinig ng Auld lang syne habang sinasabayan ko ng pagtalon kapag alas dose na.
'Dwell on your sadness.. until your thoughts and feelings slowly fade away'
Noong lumapag ang mga aliens sa kauna-unahang sightings sa New Mexico USA noong 1947, ang kauna-nahan niyang nasambit ay, “Doobi doobi dapp dapp Doobi doobi dapp dapp.” Choppy pa kasi sila sa pagbaba nila sa Earth kaya that time mali ang impormasyong nasagap ng mga taga US Air Force. Pero kung maitatransalate man ito ng mabuti, nais lamang niyang sabihin na, "mga orb ayos dito, dami chikas petmalu! lodi! wetpaks!."
Patunay lamang na kahit nasaan ka, kahit saang lupalop ka man ng daigdig, kahit saang planeta ka napadpad, makapasok sa blackhole o maging sa napakadilim na parte ng buhay mo o maging sa napakaimposibleng bagay na hindi kayang sukatin ng iyong pagiisip, magiging genuinely okay din ang lahat.
Kung nakaya mong mabuhay ng humigit kumulang 13,272 araw dito sa mundo, sigurado ako, kaya mong lagpasan ang isa o dalawa pang araw na dadaan. Lilisan ang bawat oras at segundo, maeexpire ang bawat delata sa aparador, malalagas at bubunga ang mga dahon sa puno, ngunit hanggat pinipili mong kumandirit sa takbo ng panahon, magiging okay din ang lahat.
Big Mountain - 'Baby I Love Your Way'
Kung nagmahal ka at nasaktan, well, pakyu siya. Pero laging sisiguraduhin na ang susunod na pandiwang gagamitin ay 'nagmamahal pa rin' (Nagmahal. Nasaktan. Nagmamahal pa rin.)Hindi mahalaga kung sa dati pa rin o sa panibagong tao naman. Ang mahalaga tuloy lang ang agos, patuloy kang magmahal. Sampung beses ka mang masaktan at mabigo, sampung beses ka rin dapat sumubok muli. At kung dumating man sa ikalabing-isang beses na pagkakataon, patuloy mo pa ring piliing magmahal. Wala naman ibang makakapansin niyan kung di ang tsismosa mong kapitbahay.
Sabi nga, 'we don't determine who we fall in love with, but we choose who to stay in love with'. Pero ang totoo mas olats ang isang taong hindi pinipili ang magmahal. Masasaktan ka lang din naman eh, e di magmahal ka na lang, sagarin mo na orb. Kapag nagmahal ka ng totoo, masasaktan ka din ng totoo. Ngunit hanggat may kapirasong laman na patuloy na pumipintig sa kaliwang dibdib mo, buo man yan o tuluyan nang nadurog na parang paminta, magiging okay pa rin ang lahat.
Survivor - 'The Search is Over'
Sa ngayon huwag mo munang pilitin. Tumahan ka muna sa pansamantala. Kabisaduhin mo sa videoke ang lahat ng kanta ni Moira, Adele o ang bandang Autotelic wag ka lang mapapariwara dun sa mga kantahan ng mga fuckboy na banda. Ubusin mo ang buong pulutan kahit walang ambag. Namnamin mo ang breakdown, downward spiral ng buhay mo. Solohin ang spotlight. Damhin lahat ng sakit tapos magpahilom ka. At kapag handa ka na at mas handa pa sa mga Kab Scout, ibigay mo ang isang daang porsiyento ng lakas na parang si Taguro para sa isang bilyong bagong emosyon na parating.
Magpasalamat sa lahat ng lamat.Sa pusong naghilom sa malalim na sugat. Hintaying maging muta ang lahat ng luha. Huwag matakot sumubok muli. Dahil kahit gaano man yan kasakit, wala pa ring katumbas ang sarap kapag mas lagi mong pinipiling magmahal. Naging roller coaster man ang buhay pag ibig mo, nalaglag ka sa tsubibo at isa ka sa mga pinaglakad sa riles ng MRT. Wag matakot na tahakin ang muling daan patungo sa pag ibig na wagas.
Bago ang lahat Merry Krisismas at Happy Hellidays sa lahat ng naliligaw at patuloy na umuusyoso't nakikitsismis sa blog na ito. Buti naman at hindi niyo pa rin tinitigilan ang pagpunta dito kahit wala naman kayong nababasang bago. O di kaya sarili ko lang din yung kinakausap ko at nagpapantasya lamang ako na mayroong bumibisita sa pahinang ito. Salamat pa rin sa interwebs at patuloy na binibigyang espasyo ang blog na 'to.
Siya nga pala, magtatatlong taon na ang blog na ito. Eh ano naman ngayon? Wala. Nasabi ko lang.
Dati dalawa lang kaming nagbabasa ng blog ko. Ako at ang aking konsensiya. Ala-Joy Dishwashing ni Michael V at Safeguard ni ateng kinokonsensiya siya na hindi safeguard ang napili niyang sabon sa grocery. Ganun din kame ng aking konsensiya, pagkatapos ko maisulat,babasahin ko naman kakausapin ang sarili kung may kailangang idagdag o bawasan sa nabuong piyesa. Pero putangina! akalain mo yun?, madami na ang mga konsensiyang umaaligid dito! O di kaya nakokonsensiya lang sila sa akin? Ah, basta!
Nagsimula itong blog na ito bilang hamon sa aking sarili na kumpletuhin ang simbang gabi noong 2015. Sabi ko sa sarili na kapag hindi ko nakumpleto ang simbang gabi itutuloy ko ang pagsusulat. Gabi, noche buena sa dami ng kinain at halo halong putahe ang nilapang nagtae ang inyong lingkod at humingi ng patawad kay Papa Jeesas dahil hindi ko na naman nakumpleto ang simbang gabi. Nang dahil sa letseng leche flan at ubas na prutas sa hapagkainan ayun nasira ang plan at natuloy akong gawin ang Ubas na may Cyanide na pamagat ng blog na ito. Ngayon alam niyo na kung bakit may "ubas" dito ang haba kasi kung "leche flan na may cyanide" at dahil na rin sa isa sa linya ng liriko sa tugtugan ng Radio Active Sago Project ay doon naman nakuha ang cyanide, ang cyanide na dulot ng pagtatae ng inyong lingkod. Pasintabi po sa mga kumakain.
Kahit walang nagbabasa noon post lang ako ng post araw-araw. Baka sakaling maligaw si Lord at mapagtanto niyang mabait akong nilalang at ambunan ako ng kahit kaunting grasya. Kahit konting dagdag lang sa kaguwapuhan. Manipis lang.
Pero ewan ko di ata siya dumaan sa blog ko. Wala kasing grasyang dumating. Subalit grasya na ring maituturing na kahit papano ay humihinga pa rin ang walang kwentang blogosperyong ito. Andiyan kayo, andito ako. Solb!
Camera Obscura - "New Years Resolution"
At para lalo akong mainspire sa pag blog sa 2018, eto kahit hindi pa nadaan ang Pasko gusto ko na agad ishare ang aking New Year's Resolution.
*Babawasan ko ang pagrereply ng "Hahahaha" sa comment section. Nakakaloko na rin kasi minsan na kahit hindi ka naman natatawa talaga habang nagtatype ka magsisingit ka pa rin ng "hahahaha" kung simpleng "oo" lang naman ang irereply mo sa kausap mo kahit tinanong ka lang niya kung kumaen ka na ba? Oo, hahahaha! Puta! hahahaha!
*Pag-akyat ng taong 2018 gusto kong lumipat ng Lotto outlet. Halos naka ilang taya rin ako sa lotto netong taon kaso wala hindi ako dinadapuan ng swerte at grasya. Makalipat nga sa mas malapit sa simbahan. Para mas madaling makabulong kay Papa Jeesas.
*Magpapalet na ko ng alarm clock ring tone ang kasalukuyan kasi tiktilaok ng manok, eh sumakabilang buhay na yung buhay ko ng morning shift at halos magtatatlong buwan na akong nangungulila. Ang halay kung manok pa rin ang gigising sa akin ng alas siyete ng gabi at narealize ko na hindi nababagay tumilaok ang manok na lubog na ang araw. So pagsampa ng 2018 papalitan ko na pero farm animals pa rin at gusto ko mas nababagay sa pagkatao ko. Kaya papalitan ko na ng ring tone ng baboy.
*Ititigil ko na ang pagtalon tuwing bagon taon. Sawang-sawa na ko putangina at wala namang nangyayari. Sino bang nagpauso ng kalokohang yan at sumasakit lang ang betlogs ko sa kaka alog.
*Babawasan ko na uminom ng sugar beverages, ninipisan ko nang magiinom ng Coke tutal magkakaron na ng hayup na tax sa mga softdrinks. Lahat na lang nilagyan na ng tax. Nakakasuya, nakakapikon pero ayos lang baka eto na yung pinaka greatest achievement ko sa 2018 kung sakaling "matuloy" hahahaha, ay putangina nag "haha" na naman ako.
Mababaw lang naman tayo gumawa ng NYR at kalimitan patungkol sa ating mga sarili gaya ng "magpapapayat na po ako ngayong taon", mamukat mukat mo ang taba taba pa rin niya sa kasalukuyang taon at nakaka ilang order na kanin kila Nanay Ling. Yung iba hindi na raw maninigarilyo o magyoyosi pero ayun from "isang bote lang, pampatulog" pero ginawang pampatulog ang alak sa araw araw. Sana uminom na lang sila ng sleeping pills.
Sadyang napakahirap baguhin ang isang bagay na nakasanayan na, nakaugalian na.. Pano mo nga naman babaguhin ang ikot ng mundo? Pero ako ang mundo ko dito sa call center laging nababago yung body clock ko dating PST ngayon European time. Sosyal! Hindi mo pwedeng baguhin ang ruta ng sasakyan. Baguhin ang ikot ng relo (kung manual pwede) Gawing summer and winter (unless may climate change)
Bilang human beings ang mga bagay at pag uugali na nakasanayan na ay mahirap na baguhin pero maaari kung talagang gugustuhin maraming preparasyon ang kinakailangan at ilang beses na pag iisip nga lang, pero kaya basta gusto.
Sa darating na 2018 pilitin nating baguhin ang mga bagay na gusto nating alisin sa ating mga sarili di man ganun ka perfect ang new years resolution na ginawa at least yung mga ibang bagay para sa ating sarili ay mabagi sa darating na bagon taon.
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon mula sa Ubasnamaycyanide!