Sa bawat patak ng ulan na bumabagsak sa mga lansangan ng Pilipinas, may isang nilalang na basang-basa, giniginaw, at gutom na hindi kailanman ininda ng mundo—aso sa kalsada, tinatawag nating mga askal. Hindi niya pinili ang maging palaboy. Sa ilalim ng aspalto, sa gilid ng mga karinderya, sa lilim ng mga jeep, sa ilalim ng tulay, siya'y nakasuksok, nanginginig sa lamig, habang ang mga paa niya’y sugatan at ang tiyan ay kumakalam sa kawalan ng awa ng lipunan. Hindi niya alam kung kailan ang huling beses na may yumakap sa kanya, o kung kailan siya huling tinawag sa ngalan ng pagmamahal.
Kapag ang ulan ay bumuhos, tila ba sinasabayan nito ang kanyang iyak. Ngunit walang nakakarinig. Wala ni isang payong na iaabot. Sa halip, ang tangi niyang kasalo ay ang hangin ng pangungulila at ang tulog na gabing may kasamang takot sa paghabol ng mga asong mas malalaki, o sa pagdagit ng dog pound. Ang mga mahihinang hinagpis ng kanyang pag-iak kasabay ang pagtama ng malamig na hangin sa kanyang sugatang balat at nalalagas na balahibo na animo'y impiyerno ang pakiramdam kaugnay ng pagkalam ng kanilang tiyan. Ang tanging komunikasyon nila sa tao ay ang panglaw ng kanilang mga mata at ang pagkawag ng kanilang buntot ay ay kanilang boses upang manghingi ng tulong sa kanilang pagkagutom ngunit mas lagi nating pinipili na bugawin sila papalayo dahil tayo'y nandidiri at natatakot.
Sa loob ng dog pound, hindi siya ligtas. Sa mga kalsada hindi rin sila ligtas. Hindi ito kanlungan kundi kulungan ng panghuling araw. Tatlong araw. Tatlong araw lang para sa pag-asa. Kung walang kukuha, kung walang magmamalasakit, ang hatol ay tiyak—euthanasia, o ang tinatawag nilang mercy killing. Pero anong awa ang kayang bumura ng buhay ng inosente? Paano naging mahabagin ang pagpatay sa isang nilalang na ang tanging kasalanan ay ang mabuhay sa maling lugar at maling panahon?
BAILEN - Stray Dog
May ilan sa kanila'y may sugat sa katawan, ngunit mas matindi ang sugat sa kaluluwa. Pinagsisigawan, binabatukan, binabato, sinasagasaan. May ilan na habang tumatawid, ay hindi man lang pinapansin ng motorista. Walang preno. Walang konsensya. Parang wala silang buhay. Parang wala silang karapatan. Walang ambulansiya para sa mga nilalang na ito at kung maka-survive man sila sa pagkakasagasa ay walang taong may pakialam na ipagamot sila at dalhin sa beterinaryo. Ganito kalupit ang tadhana ng mga asong walang pangalan.
Hangad naming tuldukan ang delubyong ito. Sana'y dumating ang araw na wala nang dog pound na parang sentensiyang bitay ang pagbibilanggo. Sana'y wala nang mercy killing—dahil hindi kailanman naging awa ang pagkitil sa buhay. Nawa'y mahigpit na parusahan ang mga mapanakit sa mga hayop—mga pusong bato na walang malasakit sa pagdaing ng tahol at pag-iyak ng mga walang tinig. Nawa'y ang bawat driver ay matutong magmenor kapag may asong tumatawid, dahil kahit hindi sila marunong magsalita, may damdamin silang kayang masaktan, may pisikal silang katawan, laman at buto na kayang masaktan.
Ito ay panawagan, isang panalangin, isang sigaw mula sa puso para sa mga nilalang na inabandona ng lipunan. Hangga't may ulan na bumabagsak sa ating bayan, sana'y may liwanag na magsimulang sumikat para sa mga asong minsang naging kaibigan, bantay, at tagapagtanggol ng ating tahanan. Hindi sila basura. Hindi sila tanawin sa likod ng windshield. Hindi lang sila nagmimistulang drama bagama't kailangang tugunan ng pansin sapagkat sila’y may buhay, sila’y may halaga kahit sa kakaunting oras lamang nila sa mundong ito.
89 DMZ, the era of disco parties, jeepney techno light music rides, and boombox battles
Bago pa sumikat ang Spotify playlists, TikTok challenges, at YouTube remixes, isa lang ang paborito ng mga Pinoy na mahilig sa tugtugang pangsayawan—89.1 DMZ: Dance Music Zone. Para sa mga batang 90s at early 2000s, kapag narinig mo ang tunog ng DMZ sa radyo, automatic, parang may mini-disco na sa loob ng kwarto mo o sa kalye ng barangay niyo. Mapa-traffic man sa EDSA o general cleaning sa bahay, hatid ng 89 DMZ ang good vibes. All dance remixes are here in this station, so everytime the year changes we easily tune to 89 DMZ to listen to the lively beat and remixes of our favorite song. It's probably like a disco genre with teachno beats and everything to make the night more jolly and loud.
Ang 89 DMZ ay kilala dati bilang DWDM 89.1 sa ilalim ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC). Ngunit noong nire-brand ito bilang Dance Music Zone noong 90s, doon nagsimula ang kasikatan nito. Kilala ang mga DJs tulad nina The Triggerman, MC Lara, at Lala B na nagdala ng kakaibang energy sa airwaves. Laging may dalang "Beat of Manila", ang 89 DMZ ang naging tambayan ng mga clubber, barkada, rap music enthusiasts at dancers.
Hindi tulad ng ibang FM stations na puro love songs at OPM hits, ang 89 DMZ ay sumugal sa kakaibang tunog—mula dance music, house, techno, trance hanggang freestyle. Para itong club na on-air, 24/7. Kung gusto mong gumiling kahit wala sa dance floor, sa DMZ ka lang makikinig. Astig ang mga DJs, malupit ang mix, at walang patid ang groove.
The station’s primary focus was on dance and electronic music—the kind you'd hear in rave parties and underground clubs. It introduced many Filipinos to international dance hits and underground tracks long before they reached the mainstream.
Here are some unforgettable tracks from the golden age of 89 DMZ:
1. "Show Me Love" – Robin S.
📝 About the song: A deep house classic filled with longing, confidence, and empowerment.
🎧 DMZ Vibe: Played during mid-evening sets, a DMZ anthem that gets you moving.
2. "Finally" – CeCe Peniston
📝 About the song: A celebration of finally finding true love.
🎧 DMZ Vibe: Feel-good and euphoric, this was a weekend hit.
3. "Rhythm Is A Dancer" – Snap!
📝 About the song: A Eurodance explosion about the power of music.
🎧 DMZ Vibe: A crowd favorite that screams 90s club culture.
4. "Dreamer" – Livin' Joy
📝 About the song: A motivational dance hit about chasing your dreams.
🎧 DMZ Vibe: Perfect for early morning grooves and Friday pump-ups.
5. "I Like To Move It" – Reel 2 Real
📝 About the song: Pure party energy and fun.
🎧 DMZ Vibe: Often played during the peak of the show, high-energy guaranteed.
6. "Be My Lover" – La Bouche
📝 About the song: Dancefloor romance with a Euro beat.
🎧 DMZ Vibe: DMZ couldn’t go a day without spinning this
7. "Stars" - Simply Red and PM Dawn remix
📝 About the song: Primarily explores the themes of fame, love, and the human desire to connect and escape the pressures of a public life.
🎧 DMZ Vibe: One memorable song in the 90s
8. "(Dying Inside) To Hold You" - Timmy Thomas
📝 About the song: describes the intense longing and internal conflict experienced when encountering someone special and feeling an overwhelming desire to connect with them, but being too hesitant or shy to act on those feelings
9. "Close To You" - Whigfield
📝 About the song: A love song about the joy and empowerment found in a loving relationship.
10. "Always" - Erasure
📝 About the song: A love song about enduring, unconditional love that persists despite challenges and distance.
11. "Too Many Walls" - Cathy Dennis
📝 About the song: a song about the obstacles and barriers that prevent two people from being together, often stemming from external opinions and prejudices.
12. "Just Another Day" - Jon Secada
📝 About the song: A song about the loneliness and emptiness experienced after a separation from a loved one, highlighting the struggle to cope with their absence.
13. "All for Love" - Color Me Badd
📝 About the song: A song about deep love and commitment.
14. "Informer" - Snow
📝 About the song: A song primarily about Snow's experience with the Canadian legal system.
15. "I Love Your Smile" - Shanice
📝 About the song: A song about the joy and freedom found in love, personified by the smile of a loved one.
Maraming sumikat na dance crews ang nagsimula sa pakikinig sa DMZ. Maging ang format ng ilang radio shows ngayon ay inspired pa rin dito. Kahit wala na ang istasyon, buhay pa rin ang alaala—sa mga retro party, sa Spotify playlist, at sa bawat beat na nagpapabalik sa atin sa panahon ng simpleng saya.
To those who lived through the 89 DMZ era, the name alone brings back a flood of memories—sweaty disco parties, cassette tapes with radio recordings, and boombox battles in school. 89 DMZ wasn’t just radio. It was youth, movement, and freedom.
Here we are again on another nostalgic throwback, and I think it's a great day to write once more while it keeps raining. Feeling that all of my memories flow down like the hundreds of water dripping down from my window. This is my common vibe while waiting for my healing, just to reminisce and write. sleep, repeat. This is my way of a temporary escape from the anxiety I feel every time my episode of irregular heartbeat attacks me again.
So while browsing today, napadaan ako sa isang larawan ng lumang burger joint sa Pilipinas but still I know it actually exist pa rin sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas. The title is, "The Burger That Never Sleeps", kasi mostly ang burger joint na ito ay 24/7 like 7/11 laging bukas sa mga taong nagugutom at nagcracrave ng murang burger lalo na sa hatinggabi. Tara, pag-usapan natin.
During the 1990s, when life in the Philippines was simpler and Manila's streets were filled with the sound of jeepneys, cassette tapes, and sari-sari stores blasting Eraserheads songs, one humble food stall stood as a comforting icon of Filipino street culture—Burger Machine. Kilala bilang “The Burger That Never Sleeps,” Burger Machine captured the hearts (and stomachs) of the masa with its affordable, freshly cooked burgers, often available 24/7. Founded in 1981, Burger Machine started as a small mobile burger joint using a converted delivery van parked along EDSA. Over time, its bright red and green stall design became instantly recognizable across the country, especially in street corners, near bus terminals, beside palengkes, and along busy highways—mga lugar kung saan madaling mapansin ng mga taong gutom at pagod. Its best-seller, the Bart Burger—a juicy patty served with cheese, mayonnaise, ketchup, and coleslaw in a soft bun—became a staple for students, jeepney drivers, tricycle drivers, construction workers, and late-night tambays who were looking for a quick and budget-friendly meal. Sa murang halaga, nakakain ka na ng mainit na burger na may malasang patty—kaya’t hindi nakapagtatakang naging paborito ito ng maraming Pilipino.
What makes Burger Machine even more iconic is its surprising pop culture connection: Eraserheads, one of the most influential Filipino rock bands of the 90s, used to hang out in Burger Machine stalls near the University of the Philippines, Diliman. It’s said that Ely Buendia and the gang would often eat there during their early college days, and some even say that the laid-back, relatable lyrics of Eraserheads reflected the everyday Filipino experiences they witnessed, including those late-night kwentuhan over a cheap burger and soda. This cultural intersection further embedded Burger Machine into the nostalgic core memory of 90s kids. The brand became more than just a food stop; it was a meeting place, a break from the day, a part of the Filipino street food landscape.
The song "Tikman" by the Eraserheads was a jingle created for Burger Machine. The song was part of a larger marketing campaign by Burger Machine to promote their affordable and filling burgers. The Eraserheads, a prominent Filipino alternative rock band, wrote and performed the song, which became synonymous with the Burger Machine brand. The song "Tikman" was the result, with its catchy chorus "Halika, tikman ang langit".
Eraserheads - Tikman
Lumipas pa ang maraming taon at nagkaroon pa sila ng maraming promo at menu, nagkaroon sila ng buy one take one for a Jumbo Bart burger that cost only for P109. Meron na rin silang bacon, ham, sausage, egg at longganisa burger. Kaya minsan kapag grupo ang oorder pakyawan talaga ang luto, o di ba parang samgyup mukbang lang din na sa harap mo niluluto ang pagkain, hindi mo lang matitikman ang langit, maaamoy mo pa. And those tall turning seats sa harap ng burger joint is so much classic to me.
Sa mga drinks naman bago ako umuwi ng bahay noon habang nagbubukang liwayway ang langit ay dumadaan muna ako sa Burger Machine para humigop ng kanilang Hot Choco at talaga nga naman nakakapawi ng stress galing trabaho sa BPO call center. Available din ang Tropicana Juices, Lipton Red Tea and the common softdrinks like Mountain Dew, Pepsi at 7UP.
Burger Machine and Minute Burger were considered rivals in the 1990s. Minute Burger emerged as a strong competitor to Burger Machine, particularly in the late 1980s and throughout the 1990s, offering a similar burger stand experience and expanding rapidly. You can also read my blog about Minute Burger. Both brands had a strong presence throughout the Philippines during the 90s, further solidifying their rivalry.
Today, Burger Machine still exists, although not as widespread as it once was. While many stalls have closed down or faced competition from newer burger chains and fast food brands, there are still operational branches across Metro Manila and some provinces. Its presence is more subdued, but for those who grew up with its taste, spotting a Burger Machine stall feels like encountering a long-lost friend. Its long-running slogan, “The Burger That Never Sleeps,” reminds us of a time when things were slower, simpler, and more heartfelt.
Minsan, sapat na ang isang burger at kwentuhan kasama ang barkada para maging masaya ang gabi. Burger Machine is not just a burger joint; it’s a time capsule of Filipino urban life—a reminder of our street-side stories, youthful nights, and the golden era of OPM rock and honest-to-goodness burgers.
That's the song I sing as well habang naliligo at pinapantasya ang pinakamagandang babae ng dekada nobenta. Ang karismang bumalot sa mga teenagers like me in the greatest eram si ALICIA SILVERSTONE.
In the colorful landscape of 1990s pop culture, one name stood out as the ultimate teenage fantasy girl—Alicia Silverstone. She wasn’t just a pretty face plastered on posters in boys’ bedrooms—she was an icon who defined beauty, confidence, and cool-girl charm at a time when MTV and teen magazines ruled the world. Born in 1976 in San Francisco, Alicia quickly rose from modeling in commercials to dominating Hollywood screens and music video charts. Her claim to fame began with a series of unforgettable appearances in Aerosmith’s music videos, including "Cryin'," "Amazing," and "Crazy," between 1993 and 1994. Her blend of innocence and rebellion captured the hearts of millions. She was that girl next door with a rebellious streak—mysterious yet approachable, sweet yet strong. Paired with Aerosmith’s emotionally charged songs, Alicia's expressive eyes and dramatic performances made her the face of teenage angst and longing. For many teenage boys during the 90s, she was the dream girl—part muse, part fantasy.
Sa Pilipinas, hindi rin nagpahuli ang mga kabataang lalaki pagdating sa paghanga kay Alicia Silverstone. Kapag nakita siya sa TV o magazine, instant kilig at hiyawan na parang concert lang ang eksena. Madalas siya sa mga centerfold ng Teen Beat, Bop, at Tiger Beat—mga magasin na bentang-benta noon sa mga high school canteen. Pero hindi lang looks ang puhunan niya. Ang tunay na big break niya ay dumating noong 1995 nang gumanap siya bilang Cher Horowitz sa kult classic na teen comedy na Clueless. Dito tuluyang lumutang ang kanyang comedic timing, fashion sense, at natural charisma. Ang Clueless ay hindi lang basta-bastang pelikula—isa itong pop culture phenomenon. Pinakilala nito ang mga salitang “As if!” at naging fashion bible ng kabataang babae habang pinangarap namang makarelasyon ng mga lalaki ang isang katulad ni Cher—confident, pretty, kind-hearted, at sosyal pero approachable. Alicia didn’t just play the role—she was Cher. Kaya naman kahit dekada na ang lumipas, si Alicia Silverstone pa rin ang peg ng maraming teenage crushes noon.
Aerosmith - Crazy
Aside from Clueless, Alicia appeared in several other notable films like The Crush (1993), where she played a dangerously obsessed teenager—a role that both thrilled and terrified male audiences. She also starred in Batman & Robin (1997) as Batgirl, a role that placed her alongside George Clooney and Chris O'Donnell. Despite the film’s mixed reviews, her presence as the lone female superhero was a win for fans craving female representation in action flicks. She also starred in romantic comedies and thrillers like Excess Baggage (1997), which she also co-produced. While her popularity dimmed in the early 2000s, her 90s reign was so impactful that she remained a nostalgic symbol of a golden era in Hollywood.
Ngayong 2020s, si Alicia ay isang advocate na rin ng environmental and animal rights causes. Isa siyang vegan at aktibong lumalahok sa mga kampanya para sa kalikasan at kapakanan ng mga hayop. Ngunit sa puso ng maraming lumaking bata sa 90s, siya pa rin ang ultimate crush, ang video vixen ng Aerosmith, ang Clueless queen, ang poster ko sa banyo at ang babaeng nagpatibok sa batang puso ng buong generation. Alicia Silverstone wasn’t just a celebrity—she was a moment. And in the memories of 90s kids, that moment was golden. And even she's 48 now bakas pa rin ang kagandahan ni Alicia Silverstone.
"Heto na ang aking isandaang porsyentong lakas!" - Toguro
Sa mundo ng mga batang lumaki noong dekada ’90, isa sa pinakamatinding alaala na hindi kailanman mabubura ay ang pag-uwi mula sa klase habang nagmamadaling buksan ang telebisyon para lamang mapanood ang Ghost Fighter. Sa Japan, kilala ito bilang Yu Yu Hakusho, ngunit sa Pilipinas, mas sumikat ito sa Tagalog na bersyon. Ang tambalan ng madidilim na tema, nakakatuwang Tagalog lines, at kakaibang kuwento ay naging perpektong kombinasyon para maging isa sa mga pinakatumatak na anime sa kasaysayan ng Philippine television. Isa ako sa tagahanga ng anime sa TV na ito dahil sa kwela, aksiyon at mga kakaibang mga character sa programa. Alam naman natin kahit ang mga batang Pilipino ay mahilig sa mga "demon world" na palabas na may halong komedya at bakbakan. Present ako diyan!
Isa ito sa mga anime na ipinalabas ng GMA-7 noong hapon—kasama ng ibang paborito tulad ng Flame of Recca at Slam Dunk—pero kakaiba ang dating ng Ghost Fighter. Mula sa iconic opening theme na may kasamang malupit na guitar riffs, hanggang sa malulupit na laban na puno ng sigawan at powers, naging instant hit ito sa mga kabataang Pilipino. Ngunit higit pa sa mga laban, tumatak ito dahil sa mga karakter at sa kanilang kwento ng pagkakaibigan, sakripisyo, at paglaban para sa tama.
Ang bida sa serye ay si Eugene (Yusuke Urameshi sa original), isang high school delinquent na nasagasaan matapos iligtas ang isang batang masasagasaan sana. Dahil sa kabutihan ni Eugene kahit basagulero, binigyan siya ng pangalawang pagkakataon sa buhay bilang isang Spirit Detective—isang tagapamagitan ng mundo ng mga tao at espiritu. Dito nagsimula ang kanyang pakikipagsapalaran kasama ang kanyang mga kaibigang sina Alfred, Dennis, at Vincent.
Si Alfred (Kazuma Kuwabara) ang malakas pero medyo bobo na kaibigan ni Eugene. Siya ay may "Spirit Sword" na kayang humaba at tumibay depende sa kanyang determinasyon. Si Dennis (Kurama) naman ay kalmado at matalino na fighter na gumagamit ng mga halaman, rosas bilang sandata (plantito kaya siya?), lalo na ang kanyang Rose Whip. Ngunit ang pinakakinatatakutan sa lahat ay si Vincent (Hiei), ang tahimik ngunit ubod ng bilis at lakas, may kakayahang gamitin ang Jagan Eye at Dragon of the Darkness Flame—isang itim na dragon na sumasagisag sa ultimate dark power.
Toguro
Hindi rin mawawala ang mga iconic villains ng serye. Isa sa mga pinaka-kilalang kontrabida ay si Toguro, isang dating tao na naging halimaw para lang makamit ang lakas. Naalala ko na yung ka-look alike ni Toguro na Pinoy doon sa Netflix movie na Yu Yu Hakusho, tama kamukha nga siya ni Mon Confiado hehehe. Ang kanyang hitsura—maskulado, kalmado, malamig magsalita, at may matinding karisma bilang kontrabida—ay naging dahilan kung bakit siya ang itinuturing na “greatest villain” ng serye. Sa Dark Tournament Arc, lumaban siya kay Eugene sa isang laban na punung-puno ng emosyon, tensyon, at plot twists. Ang tagpong ito, lalo na ang final match ni Eugene at Toguro, ay itinuturing ng marami bilang pinaka-exciting na episode sa buong anime. Sa laban na iyon, lumitaw ang buong potensyal ni Eugene at ang kanyang Spirit Gun na siyang tumapos sa halimaw.
Ghost Fighter Theme Song Batang 90s Lyrics
Bukod kay Toguro, mayroon ding mga katunggaling sumasalamin sa bawat bida. Si Alfred ay may sariling rival na malakas din, si Dennis ay nakipaglaban sa kapwa niyang cunning fighter, at si Vincent ay may mga katapat na nagpapakita ng mga dark powers din. Ang ganitong mga laban ay nagpapakita ng malalim na character development, kaya naman napamahal lalo ang mga manonood sa kanila. Talaga nga naman na inaabangan ng bawat batang Pilipino ang mga death matches sa Ghost Fighter. Wala kang makikitang mga bata noon sa kalye bandang alas kuwatro hanggang alas-singko ng hapon dahil lahat ay nakatutok sa paborito nilang Ghost Fighter. Minsan may mga nakikita kang nagkukumpulan sa isang bahay, at yung mga napa-stop over ay nakikinood na lang para walang mapalampas na eksena.
Ang dahilan kung bakit sobrang minahal ito ng mga batang Pilipino ay simple: relatable ang mga bida. Kahit may powers sila, may pinagdaraanan silang takot, kabiguan, at mga desisyong kailangang gawin para sa kabutihan ng iba. Ang pagkakaibigan nila ay parang barkadahan sa kanto, kung saan kahit palaging nag-aasaran ay handang magsakripisyo para sa isa’t isa. Bukod dito, ang Tagalog dubbing ng serye ay napakahusay—puno ng banat, hugot, at mga linyang sobrang quotable. Sino bang makakalimot sa mga linyang "Tara na, boys!" o "Hindi pa tapos ang laban!"?
Hapon-hapon, sabay-sabay na manonood ang mga bata sa sala, kumakain ng tinapay at softdrinks o di kaya ay tsitsirya, habang sigawan sa kanto kung sino ang magaling makipaglaban—si Eugene o si Vincent. May mga bata ring ginagaya ang galaw ni Vincent habang sumisigaw ng "Dragon of the Darkness Flame!" gamit ang walis-tambo bilang espada. Sa eskwelahan, talakayan ng mga episode ang usual na usapan sa recess. It was really a hit back then kahit mga teenagers at may mga edad na ay nakatutok sa panonood at nagiging tagasubaybay na rin ng Ghost Fighter. Nagkaroon pa nga ng mga tsitsirya noon na ang pangalan ay Ghost Fighter masundan lang ang kasikatan nito at pati sa mga cheese curls na tsitsirya ay yun ang naka-print na design.
Ang Ghost Fighter ay hindi lang basta anime. Isa itong bahagi ng pagkabata ng isang henerasyon. Hanggang ngayon, sa dami ng mga bagong anime na lumalabas, palaging binabalikan ng mga Batang 90s ang kwento ng apat na mandirigmang ito—na nagtagumpay hindi lang sa mundo ng anime, kundi sa puso ng bawat batang Pilipinong tumangkilik dito.
Sa pagpapalit ng administrasyon ay naroon pa rin ang pag-asa ng mga Pilipino na mahango tayo sa kahirapan mula ng magkaroon tayo ng absolute Independence noong 1946 hanggang sa pagpasok ng Dekada 90 ay masasabing mahirap pa rin naman ang ating bansa, bagaman may mga panakanakang progreso sa iba't ibang larangan dahil masasabing bawat pangulo naman ay may naiaambag sa bansa at sa panahon nga ni pangulong Ramos sa kanyang unang SONA ay ini-launch niya ang Philippines 2000 bahagi nito ang mga programa na mapag-isa ang ating sambayanan nang sa ganon ay matamo natin ng kaunlaran. Paano nga naman tayo susulong kung ang iba ay lumiliko ng landas at ang iba naman ay nagpapaiwan dahil sa may kanya-kanyang interes. Bahagi ng programa ni dating Pangulong Ramos ay ang pagsusulong ng unang usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng grupo tulad ng RAM, MNLF at CPP-NPA, pero syempre hindi naman magiging ganon kadali ang lahat dahil kung naging madali nga ang bagay na iyon e sana ay wala ng mga NPA sa panahon natin sa ngayon napakahalaga kasi ng pagkakaisa ng bansa para sa isang layunin. Bahagi din ang Philippines 2000 ang pagkatayo ng mga bagong imprastraktura at layunin din ang bayaran ng malaking utang ng bansa at syempre ang mga bagay na ito ay huhugutin sa buwis. Nariyan din ang pag-amyenda sa pagbuo ng Department of Energy ito'y para masolusyunan niya ang kakulangan sa kuryente, ang pagsusulong ng environmental protection code nang sa ganon ay mapangalagaan ang ating kalikasan. Ang pagtutok sa kahirapan, ang pagpapatibay ng mga foreign relationships, at marami pang iba. Ilan lamang sa mga gustong tutukan ni dating pangulong Ramos sa kabuuan ng kanyang administrasyon. Biruin mo 37% lamang ng boto ang nakuha ni pangulong Ramos nang matapos nga ang 1992 election kaya naman masasabing napakalaking challenge din sa kanya ang pamunuan ang malaking bahagi ng mga Pilipino na ayaw naman sa kanya. Maging si Erap na kanyang Bise Presidente ay masasabi ring oposisyon dahil iba rin naman ang partido nito pero sa kabila ng mga ito siyempre bilang isang Pilipino ay hindi mo naman dapat iasa ang lahat sa gobyerno para sa iyong sariling pag-unlad dahil sarili mo pa rin ang malaking factor para makaahon ka sa buhay.
Sa taong ito ay bahagyang magkakaroon ng pagtaas ng mga presyo ng bilihin lalo na ang bigas at sa mga panahon din na ito ay nagpapatuloy ang diaspora ng mga Pilipina para maging entertainer sa Japan, sa kabila ng panganib na kakaharapin nila sa bansang ito ito'y lalo na ng may hindi magandang nangyari sa isang Japayuki na si Maricris Yuson. Noong 1991 mula dekada 80 hanggang dekada 90 ay napakaraming mga Pilipina ang nagtrabaho sa Japan ito'y sa pagnanasang maiahon ang pamilya sa kahirapan, sa kabila ng usong-uso rin sa panahon ngayon ang kinatatakutang grupo na Yakuza. Sa taong ding ito ay muling gagamitin ng ABS-CBN ang Sarimanok na magiging bahagi ng kanilang station ID Station. Sa taon ding ito ay lalabas ang April Boys na kinabibilangan ni Vingo, Jimmy at ni April Boy Regino, ang kanilang debut song na "Sana ay laging makapiling". Ito'y mula sa kanilang album na dugong Pilipino sa ilalim ng Ivory Records. Bagama't maraming nagsasabi na paminsan o pang bisaya raw ang kanta at tinatawanan pa nga ito ng mga ilang pa cool kid ay hindi naman napigilan ang kasikatan ng kantang ito kaya nga lang sa mabilis na pagtamo ng kanilang kasikatan ay humiwalay naman sa grupo noong 1995 si April Boy Regino ito'y para maging solo artist, pero sa kabila naman nito ay nagpatuloy ng paggawa ng mga magagandang kanta ang magkakapatid. January 4, naipalabas naman sa mga sinehan ang Dugo ng Panday ng Regal films na pinagbidahan ni Bong Revilla Jr. Ang pelikulang ito ay dinirek ni Peke Gallaga at ni Lori Reyes na hango at masasabi ring sequel ng Panday ni FPJ. Bukod kay Bong Revilla ay kasama rin sa pelikula si Aiko Melendez, si Edu Manzano, si Leo Martinez , ang orihinal na si Max Alvarado at marami pang iba. January 17 naman ng ginanap ang 1993 PBA draft kung saan ang nakuhang first overall pick itong si Jun Limpot na kinuha ng bagong team na Sta Lucia Realty. Kaya nga ang PBA season na ito ay tinawag ding Santa Lucia Realtor season sa pagpasok ng team ng Sta Lucia ay nawala naman ang Presto. Sa draft na ito ay maraming mga magagaling na player ang nakasali kabilang sina Victor Pablo mula sa FEU na kinuha naman ng Ginebra na na-trade sa Pepsi at sa San Miguel mula din sa FEU ay kinuha naman itong si Johnny abarientos ng Alaska at si Olsen Racela naman na kinuha naman ng Coney Island Ice Cream Stars. Pagpasok ng buwan ng Pebrero, February 2 nang muling pumutok ang Mayon Volcano dahilan ng paglikas ng mga nasa 50,000 mga residente ng 6 km danger zone pero sa kabila ng paglikas na ito ay nagkaroon pa rin ng mga casualties, kung sana ay meron pa ring mahigit pitong binawi ng buhay na karamihan ay mga magkasaka. February 17, sa araw na ito ay napatay ng mga kapulisan kabilang si Major Mangcao ang Philippine Most Wanted na si Alfredo Joey de Leon, ang lider ng sindikatong Red Scorpion Group, siya ay sangkot sa iba't ibang krimen, kabilang ang mga pangho-holdup at pangingidnap. Kung babalikan natin ng konti itong si Alfredo de Leon ay naging bahagi ito ng Alex Bongcayao Brigade at bumuo ng sariling grupo ang Red Scorpion Group. Sa kabila ng pagkakapaslang sa kanya ay may mga ilang kasamahan niya ang nagpatuloy sa ganitong gawain at bukod sa kanila ay may mga kasabay pa silang nagsulputan na mga masamang loob at ito ay sasagupain ni VP Joseph Estrada na inasign ni dating Pangulong Ramos sa PACC o Presidential Anti-crime Commission, kung saan ay makikilala nga rin dito si Panfilo Lacson. February 18 naman ang magpasimula ere ang Star Drama Theater na kalaunan ay tatawagin ding Star Drama Presents. Isa itong ABS-CBN weekly drama program na tinutukan ng mga Pilipino kung saan ang mga bumibida kasi dito ay yung mga sikat na artista kaya nga star kabilang sina Nora Aunor, Lorna Tolentino, Dawn Zulueta at ang mga rising stars ng panahong iyon na sina Caludine Baretto at Judy Ann Santos. Mula sa titulong Star Drama Theater ay naging Star Drama Presents ito noong taong 2000.
February 25 naman ng bawian ng buhay ang Filipina actress na si Mary Walter. Tumatak siya sa mga kabataan nung Dekada 90 dahil sa kanyang mga participation sa mga horror films pero sa totoo lamang ay napakatagal niya ng artista. bata pa siya. Ito'y mula pa sa panahon pa ng mga LVN films at nung dekada 90 nga sa kabila ng kanyang katandaan ay kayang-kaya pa rin iportray ang kanyang role. Sa buwan naman ng Marso sinasabing naitayo ang pinakaunang branch ng Hotel Sogo. Ito ay sa LRT station sa Monumento at sa bandang ito sinasabing lumabas ang third Generation na Wagon type na Tamaraw FX ng Toyota. Isang sasakyan na talaga namang tatangkilikin ng mga Pilipino bilang service at pambiyahe. March 31 naman nang bawian naman ng buhay ang komedyanteng si Chichai na makikilala rin ng mga batang 90s dahil sa pagganap niya bilang nanay ni Bondying. Sa pelikulang Bondying noong 1989. BagamaN 1989 kasi ito pinalabas ay napanood ito ng mga batang 90s noong dekada 90 at sa pagpasok naman ng buwan ng Abril nang magkaroon ng conflict ang programang Martin After Dark sa GMA 7 kaya naman nangyaring nailipat ito sa ABS-CBN sa Buwan ng Oktubre.
Buwan naman ng Mayo, May 3 nai-launch ang TV station na RJ 29. Una itong umere sa pangalang DZRJ-DTV na nakabase sa Makati. Ito ang flagship TV ng Raja Broadcasting Network Incorporated na pagmamayari ng musician at guitarist na si Ramon RJ Jacinto at kasama na rin sa kanilang broadcast facility ang kanilang AM radio. May 8 naman na magpasimula ang Star Cinema ang isa sa mga highest grossing filmmaker studio sa bansa kahilera ng Regal at ng Viva 1983 ng tawagin itong Vanguard films na pinamunuan nina Simon Ongpin at Charo Santos Conchio at 1989 nang magpalit ito ng pangalan na tinawag naman itong Vision Film hanggang sa ito'y maging Star Cinema na nga ng taong 1993. At sa taong ito nh 1993 sinasabing umere sa mga istasyon ng ABC 5, RPN 9 at IBC 13 ang isa sa mga kontrobersyal na TV commercial sa ating bansa ang Incanation Bechaves na TV commercia, bagaman ayon naman sa ilan ay simpleng commercial lang naman ito ng isang flower shop. May mga ilan naman na kinatakutan daw ito dahil sa itsura ng babae na pinagkamalan pang si Cita Astals at sinasabi rin daw na anak ng may-ari ng Incarnation Bechaves. Bagaman wala naman nag-confirm nito at sa kabila ng kontrobersya, ang commercial daw na ito ay hindi na mahanap pa dahil marami ngayon sa social media ang talagang naghahanap daw ng original na kopya nito, bagaman hindi nga nila ito makita kaya naman may mga ilang gumawa o mga nag-create ng nasabing TV commercial at ang mga recreation na ito ay sinasabing medyo may pagka exaggerated daw at talagang ginawang nakakatakot na ang dating niyan sa ngayon. Ang bagong version ng commercial na ito ay mapapanood mo sa iba't ibang platform sa social media.
Sa buwan naman ng June, June 12 na ganapin naman ang 17th Southeast Asian Games sa Singapore kung saan ay naging bahagi pa nga ng opening number nito si Arel Rivera sa kabuuan ng kompetisyon ang Pilipinas ay pumangatlo sa rank kung saan ay nakakakuha tayo ng 57 golds, 59 silvers, at 72 bronze kabilang sa mga gintong medalya ay ang kay Eric Buhain sa swimming at siyempre sa Philippine Basketball Team. June 19 naman nang umere ang unang episode ng Love Notes sa ABC 5 na ang host ng programa ay si Joe Di Mango Hello. ang titulo ng episode na ito ay ang "Tears In Heaven" na pinagbibidahan nila Carmina Villaroel at Rustom Padilla. Ang programang ito ni Joe Di Mango ay hango talaga sa programang Love Notes din ng 89.9 Magic tuwing Biyernes kaya naman masasabing itong si Joe Di Mango ay naging bahagi rin ng buhay ng mga batang 90s. Sa bandang ito, June 23 na pumasok naman sa bansa ang bagyong Goring na magdadala ng dilubyo, bukod sa Pilipinas ay sinalanta rin nito ang Caroline Islands at ang bansang China, kung saan ay nag-iwan nito ng 37 patay at naminsala naman na nagkakahalagang 14 million dollar. Matapos naman ang matinding pamiminsala ng bagyo June 28 naman nang maganap ang isang karumal-dumal na pagpatay ito ay ang kasong Sarmenta-Gomez murder. Itong sina Aileen Sarmenta at Alan Gomez ay mga estudyante ng UP Los Banos na dinukot at sinasabing pinapatay ng Calauan, Laguna mayor na si Antonio Sanchez sinasabing dinukot itong si Aileen ng mga tauhan ni Mayor Sanchez. Ito'y dahil type na type daw siya ng mayor. Nangyari na lamang na nadamay itong si Alan Gomez dahil kasama niya ito. Nang matagpuan ang kanilang mga bangkay ay hindi naman agad umusad ang kaso dahil sangkot nga sa krimen ng mga tauhan nitong si Mayor Sanchez na mga pulis pala ng Calauan. Syempre kung sila yung gumawa ng krimen bakit naman nila aasikasuhin. Hanggang sa dumating na ang pagkakataon na nagkaroon na lamang ng mga star Witness na mga tauhan din ni Mayor Sanchez at dahil nga sa pagtestigo na lang ito. Makalipas ang labing-isang buwan na trials ay nahatulan itong sina Mayor Sanchez at ang kanyang mga tauhan ng pitong ulit na habang buhay na pagkakakulong sa kasong rape at homicide at itong si Mayor Sanchez ay binawian ng buhay noong March 27, 2021.
June 28 din nang ipalabas naman sa mga sinehan ang "Ano ba yan 2", ang sequel ng pelikulang "Ano ba yan?" ni Vic Sotto. Sa buwang ito ng July ay mare-release na ang unang album ng bandang Eraserheads ang Ultra Electromagnetic Pop sa kabila ng mga pinagdaanang hirap at sa kanilang pagnanasa na makilala sa larangan ng musika ay nagbunga rin ito dahil nakuha nila ang kilig ng mga Pilipino. Ang kanilang musika, napakadaming kopya ang agad nabenta bagaman sa panahong iyon ay nauso pa rin ang mga kantang pop katulad ng mga kanta nila Ariel Rivera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Gary Valenciano at Martin Nievera ay gagawa na ng sariling era ang bandang Eraserheads.dahil mula nga sa panahong ito ay sunod-sunod pa ang paggawa nila ng musika at atangkilikin kahit pa ng mga batang 80s at kalalakihan naman ng mga batang 90s. Sa album na ito ay gagawa ng ingay ang mga kantang "Ligaya", "Pare Ko" at "Toyang". Pero alam niyo ba na sa taong ito 1993 ay ang pagpapasimula naman at ang pagre-release din ng mga kanta ng ibang mga banda sa ating bansa, dahil sa taon ding ito ay mare-release ang kantang "Perfect" ng bandang True Faith at ang "Parting Time" naman ng bandang Rockstar at magpapasimula rin sa taong ito ang mga bandang Teeth at Alamid. Sa pag-usbong ng mga banda sa taong ito ay ang patuloy naman na paglikha ng mga pop artist na may magaganda ring kanta tulad nga nitong si Arel Rivera at si Agot Isidro at siyempre sasabay din sa pag-usbong ng Alternative music, at ng mga pop music at ang hip hop music sa ating bansa. Tatangkilikin din ng mga Pilipino ang Hiphop genre at ang mga mag-uusbungan ang mga hip hop acts dahil sa taong ding ito ay naririnig ang grupong Mastaplann ang kanilang album na Mastaplann kung saan sa album na ito ay sisikat ang mga kantang "Bring that booty" at ang "Here We Are", kaya naman masasabi nating ang taong 1993 ay isang masiglang taon sa Philippine Music Industry dahil nga sa pagdami ng mga music artist sa iba't ibang genre kaya nga dito din magsisimula yung tagisan ng metal at ng hiphop. Kung saan ay makakakita ka ng napakaraming mga vandalism sa mga pader katulad ng Hiphop bulok at Punks not dead.
Eraserheads - Ligaya
July 2 na mangyari naman ang sinasabing isa sa pinakatumatak na trahedya sa kasaysayan ng bansa ang Bocaue Pagoda Tragedy kung saan ay mahigit dalawang-daan katao ang binawian ng buhay sa pagkalunod. Ito'y dahil sa paglubog ng pagodang pinoprosisyon ng gabing iyon. Bahagi kasi talaga ng buhay ng mga naninirahan sa Bocaue ang kanilang taunang selebrasyon para sa kanilang Mahal na Poon sa Krus sa Wawa, dahil taong 1850 raw ay may nakuhang krus sa ilog at yun nga ang kanilang dinadalanginan sa paglipas ng mga taon at marami na ang naging deboto dito at kada pagdiriwang ay isasagawa ang 9 na araw na prusisyon na tinatawag na Nobenaryo at sa ikawalong araw nga ng ng kapistahan ay naganap ang hindi nila inaasahang pangyayari. Ang Pagoda kasi na meron lamang kapasidad na tatlong-daang katao ay naglulan daw ng halos limang-daan katao sa gabing iyon ng trahedya Dahil sa isang paputok ay nagalawan ang mga tao at nagpunta sa isang bahagi ng dahilan ng pagtagilid ng pagoda at ang pagtagilid na ito ay nauwi na nga sa dire-diretsong paglubog. Dahil sa gabi nga at madilim ay sumabay pa raw na walaNG kuryente sa mga sandaling iyon kaya naman nang lumubog ang Pagoda ay nasa gitna talaga ito ng karimlan. Kanya-kanyang kampay ang mga tao lalo na yung mga hindi marurunong lumangoy. Siyempre kahit marunong kang lumangoy kung kakapitan ka naman ay sabay-sabay kayong lulubog sa tubig karamihan sa mga binawian ng buhay ay mga babae at mga bata. Sa pangyayaring ito ay nakilala rin ang kabayanihan ng isang batang nagngangalang Sajid Bulig kung saan kasi sa kabila ng nailigtas niya ang kanyang sarili dahil marunong naman siyang lumangoy ay hindi niya naman maatim na nakikita na lamang na nalulunod ang kanyang mga kababayan kaya naman nagawa niyang makapagligtas ng anim na buhay. Pero sa kabila nito sa kanyang pagbalik-balik daw sa ilog ay siya naman daw ang nadisgrasya kung saan sinasabing tinamaan daw siya ng isang matigas na bagay sa kanyang ulo na naging dahilan ng kanyang pagkalunod at pagkasawi. Ang kanyang kabayanihan ay kinilala ng ating pamahalaan at ang pangyayari naman o ang trahedyang naganap ay talaga namang nagsilbing aral sa mga Pilipino.
July 6 bago pa man ang Mara Clara at Ibarra ng GMA 7 napalabas naman sa ABC 5 ang nobelang Noli Me Tangere. Isa itong mini series na programa na idinirek ni Eddie Romero.Sa seryeng ito gumanap bilang Crisostomo Ibarra itong si Joel Torre, si Chinchin Gutierrez naman bilang Maria Clara si Techie Agbayani bilang si Sisa, Daniel Fernando bilang si Elias si Subas Hererro bilang Si Padre Damaso at marami pang iba. July 24 naman ng bawian naman ng buhay ang sikat na komedyante at aktor na si Rene Requestas. Naging mabilis ang pagsikat niya sa industriya na mula 1978 ay nakagawa na siya ng 40 pelikula kung saan noong dekada 90 ay higit siyang nakilala dahil sa kanyang galing sa pagpapatawa at taong 1992 na makapasok din siya sa pulitika nang siya ay naging konsehal sa Taguig. Dangan nga lang sa dalas niyang pag-inom ng alak at paninigarilyo ay nagkaroon siya ng karamdaman na TV na kanyang ikinamatay. Sa buwan naman ng Agosto ay dalawang Tropical storm ang nanalasa sa ating bansa ang Bagyong Ruping noong August 18, at ang Bagyong Saling noong August 23. Sa bagyong Ruping, sinasabing nagkaroon ng malawakang pagbaha sa Metro Manila at gayon din sa mga karatig probinsya kung saan dumaloy pa nga ang lahar sa mga lugar na nakapaligid sa Pinatubo. Sa taon din ito 1993 sinasabing nagsimulang i-develop ang Arroceros Park para gawin itong isang forest park nang mabili ito ng lungsod ng Metro Manila sa Landbank of the Philippines. Ang forest park na ito ay matatagpuan sa Antonio Villegas Street sa central District ng Ermita. Ang proyektong ito ay pinasimulan ng winner foundation katwang sila ng dating Manila Mayor Alfredo Lim at dating first lady na si Amelita Ramos sa ngayon ang lugar ay itinuturing ding Manila's Last Lung. Sa buwan naman ng Setyembre, September 7 nang mauwi na sa bansa ang labi ni dating Pangulong Marcos at ito ay dinala sa kanilang hometown sa Ilocos Norte at September 10 nang inilagay ito sa isang museleo na tinawag ding Ferdinand E. Marcos Presidential Center. Nanatili ang labi dito sa matagal na panahon hanggang sa ito'y mailibing na nga sa Libingan ng mga Bayani noong November 18 2016 at sa buwan ding ito ng September, September 24 nang ma-convict naman si dating First Lady Imelda Marcos at ang dating communication minister na si Jose dance ito'y sa mga kasong graft and corruption patungkol sa unfavorable contract na pinasok ng dalawa, na konektado sa LRTA o sa Light Rail Transit at sa PGHo sa Philippine General Hospital, kung saan sinasabing nakinabang daw sila dito Bagaman na-convict na at nahatulan ng siyam hanggang 12 taon na pagkakakulong ay nakapagpiyansa itong si Imelda Marcos sa pamamagitan ng bail ban kaya naman siya ay hindi na nakulong hanggang siya ay maacquit sa kaso noongtaong 1998. Sa buwan naman ng Oktubre ay ire-release ng Michael Learns to Rock ang album nilang Colors kung san ay nakapaloob dito ang mga kantang "Wild Woman", "Sleeping Child", "Out of the Blue" at siyempre ang "25 Minutes". Ang Michael Learns to Rock ay naging bahagi talaga ng buhay ng mga Pilipino, lalo na ng dekada 90, dahil bukod sa sa mga kanta ni Brian Adams, Tom Jones, Engelbert Humperdinck ay nakasama rin ang kanilang mga kanta sa Videoke, VHS o Betamax ng papa mo o ng tito mo. October 7 naman ng magtanghal sa Meralco Theater ang International Musical na Le Miserable. Pambihirang pagkakataon ito kung saan ang mga gumanap o bumida ay mga Pilipino. Ito ay mula sa Repertory Philippines.October 23 naman nang magpasimula ang sitcom na Oki Doki Dok sa ABS CBN na idinerek ni Johnny Manahan at pinagbidahan naman nitong si Aga Muhlach bilang Doktor Aga na isang batang beterinaryo kasama din sa mga cast itong sina Agot Isidro, Carmina Villaroel, Camille Pratts, Paolo Contis, Babalu, Jimmy Santos at marami pang iba. Nakilala rin ang sitcom na ito dahil sa gay role na ginagampan na nitong si Roderick Paulate bilang Dickson kung saan ay matatawa ka talaga sa mga eksena nila ni Doc Aga.
Sa buwan naman ng Nobyembre, November 25 sa araw na ito ay nai-launch naman ang album ni Ariel Rivera na Paskong Walang Katulad. Kung saan nakapaloob dito ang kantang "Sana Ngayong Pasko" at November 27 naman nang magbukas naman ang ikaapat na SM mall sa ating bansa ang SM City Cebu na tatawagin ding SM Cebu at SM mabolo ng mga lokal. Dahil ito ay matatagpuan sa Mabolo, Cebu City. Ito ang kauna-unahang SM mall sa labas ng Metro Manila at sinasabing panglima naman sa mga pinakamalaking mall sa ating bansa. Sa buwan ding ito, Nobyembre, ay magpapasimula rin ng sikat na kapihan sa ating bansa ang Figaro coffee sa isang maliit na pwesto lamang sa Glorietta mall sa Makati at dahil naman sa tinangkilik ito ng mga Pilipino ay lumago ang kanilang negosyo at lumago rin ang kanilang kumpanya. Sa Buwan ng Disyembre sa buwang ito, December 5, nang pumasok sa ating bansa ang Bagyong Monang na tumama naman sa Southern Luzon at dahil din sa pagkakaroon ng mga flash flood ay nagkaroon din ng mga casualties kung saan ay umabot din ng dalawang daan at tatlumpu ang binawian ng buhay. Isang trahedya naman ang naganap noong December 15 nang bumagsak ang isang Eroplanong C130 na magdadala sana ng mga relief goods sa mga nasalanta ng bagyo sa Camarines Sur kung saan ay namatay ang 30 pasahero nito. Sa panahon ding ito ng magtapos ang 1993 season ng PBA ay muling itinanghal na MVP itong si Alvin Patrimonio nagkampeon naman sa All Filipino cup ang Coney Island Ice Cream, ang Swift Mighty Meaty Hotdogs naman sa Commissioner's Cup at ang San Miguel Beermen naman sa Governor's Cup. Pagdating naman sa Metro Manila Film Festival sa taong ito ang mga nakapasok na pelikula ay ang Doring Dorobo: Hagupit ng Batas, Gaano Kita Kamahal, Inay, kung Mawawala ka pa, May Minamahal at ang Pusoy Dos. Nagwagi naman bilang Best Picture ang Kung Mawawala ka pa at Best Actress naman itong si Dawn Zulueta. Muli namang nakuha ni Aga Muhlach sa pangalawang pagkakataon ang Best Actor at sa katapusan ng taong, December 31 1993 dahil nga sa mga krimen at kaguluhan sa bansa kung saan sa buwan nga lang na ito ng Disyembre ay nagkaroon ng grenade attack kaya naman pinirmahan na ang batas na magbabalik sa capital punishment sa ating bansa o ang parusang kamatayan. Sa pagpasok naman ng taong 1994 ay aalamin din natin ang mga nangyari dito. Ang 1994 Miss Universe, ang Lipa Massacre ang pagkakakulong ni Robin Padilla at marami pang iba.
"Ano ang mga nabili mo noon sa CDR-King na hanggang ngayon ay ginagamit mo pa?"
"Kuya, pa burn"
Have you ever heard this phrase sa mga comshops noon?
During this era, I can admit that I was one of those addicts when it came to CD burning. I can call myself Emperor Nero. Nero is the name of the software that you can use to burn and transfer data and media files to a Compact Disc. Actually, I got a collection of CDs with different files like movies, software, games, and especially music. Ginagawaan ko pa nga dati ng cover ang mga CD case ng bawat album songs na dinadownload ko. I have a printer with continuous ink, so it's a printing party. Until now, those CDs I burn are here for collection purposes and to display or kung gusto ko manood ng old movies from the past pwede ko isalang sa computer o kaya sa DVD.
Pero siyempre hindi ka magkakaroon ng CD collection kung wala kang DVD-ROM, Nero software, torrent sites where you can download your files at higit sa lahat ay yung mismong storage na blank Compact Disc na mabibili mo ng bugkos-bugkos sa CDR-King.
Noong unang bahagi ng 2000s hanggang sa kalagitnaan ng 2010s, isa sa mga pinakasikat na tech stores sa Pilipinas ay ang CDR King. Halos bawat sulok ng mall ay may branch nito — laging may pila, laging may bumibili, at laging may mura. Pero bago naging “all-around tech store” ang CDR King, nagsimula ito sa simpleng produkto: blank CDs.
Sa panahon ng CD recording boom, mga taong mahilig sa musika at pelikula ay nagsimulang mag-"burn" ng kanilang sariling audio at video collections. Ito ang panahon ng Nero Burning ROM, ang sikat na software na ginagamit para mag-burn ng files papunta sa CD-R (Compact Disc Recordable) at CD-RW (Rewritable). Sa Pilipinas, napakasikat ng “burning culture.” Madalas, ang laman ng CD ay mga kanta mula sa LimeWire, pirated movies, MP3 hits, slideshow ng kasal o debut, school projects, at kung minswerte, installer ng Windows XP.
CDR King saw this demand and seized the moment. Tinayuan nila ang pangangailangan ng masa: murang CD-R at CD-RW. Ang isang spindle ng 50 CDs ay puwedeng mabili sa halagang mas mababa sa P200! Ang pinaka-mabenta nilang produkto ay, of course, ang blank CDs—kaya nga tinawag silang CDR King (Compact Disc Recordable King). Sumunod na ring hinanap ng mga tao ang mga CD cases, USB cables, at cheap headphones.
As time passed, lumawak ang produkto ng CDR King: mula sa solar panels, bicycles, printers, lamps, fans, hanggang sa popcorn maker at ice cream machine. May punto pa nga na nagbenta sila ng Segway! Kahit halos lahat ng produkto ay galing China at walang kilalang brand, patok ito sa masa dahil sobrang cheap pero minsan ay surprisingly functional.
Isa sa pinaka-nostalgic na karanasan ko sa CDR King ay ang paghihintay sa pila ng matagal. Box office talaga ang pila dito at makikita mo hanggang sa labas ng stores nila sa mall. Minsan, 15-20 minutes ka lang nakatayo kahit isang USB lang ang bibilhin mo. At sa sobrang dami ng produkto, para kang nasa tech version ng Divisoria. Mura ang mga mouse, printer ink, webcam, headset, at kung anu-ano pa. Isa sa mga pinaka-"sulit" kong nabili ay ang P150 na portable fan—mahigit dalawang taon kong nagamit sa opisina ng school na aking pinagtatrabahuhan noon.
Ngunit tulad ng maraming bagay, may katapusan ang lahat. Unti-unting nawala ang CDR King sa mga malls. Ang pangunahing dahilan? Technological evolution. Nawala na ang gamit ng CD. Naglipana na ang USBs, cloud storage, at streaming services tulad ng Spotify at Netflix. Hindi na kailangan ng tao mag-burn ng kanta o pelikula. Dagdag pa rito, hindi rin nakasabay ang CDR King sa innovation — halos wala silang online presence, at hindi na-upgrade ang quality ng mga produkto.
Keith Martin - Because of You
As per research, these are the most burned songs in the Philippines during the burning culture era:
🔥 Most Burned Song (Arguably #1):
“Because of You” – Keith Martin
- This was practically on every single pirated love mix CD.
- Every lovestruck Pinoy teen and heartbroken tito had this burned onto a disc.
- Iconic in tricycle radio playlists and videoke machines.
🎶 Other Highly Burned Songs:
- “The Day You Said Goodnight” – Hale
- “Same Ground” – Kitchie Nadal
- “Your Love” – Alamid / Rivermaya version
- “214” – Rivermaya
🎤 Acoustic Era Anthems (Barbecue or Tambay Playlist):
- “Ikaw” – Yeng Constantino
- “I’m Yours” – Jason Mraz
- “Bubbly” – Colbie Caillat
- “Forevermore” – Side A
🇵🇭 OPM Bands Boom (Perfect for Barkada CDs):
- “Narda” – Kamikazee
- “Jeepney” – Sponge Cola
- “Hallelujah” – Bamboo
🎧 Dance / Hip-Hop CDs (High School PE Playlist 😂
- “Low” – Flo Rida
- “Yeah!” – Usher ft. Lil Jon & Ludacris
-“Temperature” – Sean Paul
These are a few of my CD collections, both music and movies
Ngayon, kung maghahanap ka ng CDR King sa mall, malamang ay sarado na ang branch. Sa ilang lugar ay may mga naiwan pa, pero halos wala nang tao. Isang malaking paalala ito na kahit gaano ka kasikat, kapag hindi ka nag-adapt, babagsak ka rin. Pero sa puso ng maraming Pilipino, lalo na sa millennials, ang CDR King ay isang alaala ng murang teknolohiya, ng burning era, at ng panahong kayang-kaya mong magkaroon ng sariling “tech gear” kahit maliit lang ang budget.
Rest in peace, CDR King. Salamat sa lahat ng P10 USB cords, P99 headset, at P180 spindle ng CDs.
Gusto ko lang umpisahan yung kwento na ito at sabihin na buti pa yung mga nagtitinda ng fishballs, squidballs at kikiam hindi nag-aaksaya ng boses sa pagsigaw ng kanilang mga nilalako ano kontra sa mga nagtitinda ng taho at balot na grave umeffort para lang mapansin sila ng kanilang mga parokyano pero wag ka habulin ang mga yan at sasama pa ang loob ni suki kung hindi ka tumigil sa harap ng bahay nila. Pero itong mga fishball vendor titigil lang sa isang kanto, animoy charmer ng mga tao na kusang lumalapit sa kanila para sa tuhugan at tusukan. Alam na alam ni manong fishball ang oras at tamang lokasyon niya para mapansin siya ng mga tao at lumapit para tumuhog. Ganito ang kaibahan sa kanila nila mamang taho at balot. Itong dalawang naglalako ay nomad at kailangang ikutin ang buong kalye para makabenta samantalang si manong fishball tumigil lang sa isang lokasyon katulad ng tapat ng eskuwelahan o tapat ng munisipyo ay tiba-tiba na agad sa benta.
Pero kaming mga lumaki sa 80's at 90's alam na namin basta alas-kwatro ng hapon ay mga baryang huhugutin sa aming mga bulsa at pitaka ay panahon na para makipag-tuhugan at tusukan party ng alas-kuwatro ng hapon sa common place ni manong sa kanto. Ang iba sa amin ay nagdadala pa ng mangkok para mas marami kaming mabili at pag-uwi mukbangan na. Yung isa naman ay meron din dalang maliit na mangkok para naman sa sauce ni manong. Ito talaga kasi yung highlight ng kasarapan dahil kung hindi masarap ang sauce ng fishballs mo, balewala rin ang lahat ng itinuhog namin.
Sa bawat kanto ng Pilipinas, lalo na sa Maynila, naroon ang makukulay na kariton ng kalsadang pagkain — ang simbolo ng kalye, kabataan, at kabusugan. Para sa mga batang 80s at 90s, ito ang tunog ng recess bell, ang aroma ng sa kahapunan, at ang lasa ng simpleng ligaya.
Filipino street food is more than just a meal — it's a memory, a culture, and a badge of local pride. From the old classics to modern creations.
Hindi mawawala sa tanawin ang kariton ng street food vendor. May pinturang kulay pula at dilaw, karaniwang yari sa kahoy ang cart, may gaas sa ilalim na nakapaloob sa isang kabinet. Ang lamesa sa harapan ay nahahati sa dalawang bahagi, ang isa ay para sa kalan at ang isang bahagi ay para sa mga botelya ng mga sauce ng fishball sauce na kinapapalooban ng sauce na maanghang, sauce na matamis at sauce na may katamtamang-anghang. Kadalasan may silver tray sa lamesa para duon nilalagay ang mga bagong hangong luto mula sa kumukulong mantika. Dito kumukuha ang mga suki kung ayaw nila maghintay sa bagong luto ni manong. Sa kaiton mayroong pole na nakatayo at nagsisilbing payong ni manong sa kainitan ng araw at para makasilong na rin ng bahagya ang kanyang mga suki habang naghihintay ng bagong lutong fishball, squidball, sliced hotdogs o di kaya ay kikiam. Sa pole din nakatali ang mga barbecue sticks na pangtuhog at mga plastic cups. Siyempre wala kang makikitang naka tuxedo na fishball vendor, karaniwan sila ay nakapang-bahay, simpleng sando o di kaya ay tshirt, shorts at karamihan ay naka sumbrero na humihithit ng yosi habang naghahalo ng kanyang mga niluluto gamit ang kanyang syanse at strainer. Hindi sila sumisigaw ng fishball o squidball dahil may matik na magnet si mamang fishball. Mga parokyano mismo ang lumalapit sa kanila sa pagtigil niya sa alam niyang maraming tao. Ganyan sila kaastig. Bentang benta talaga sa Pinoy ang ganitong uri ng streetfood.
Itchyworms - Penge Naman Ako N'yan
Now let’s take a stroll down memory lane and revisit the legendary Filipino street foods — a mix of the old and the new, each with a flavor that defined our childhoods and continues to shape every Filipino sidewalk today.
Fishball – This is perhaps the king of all Filipino street foods. Made of flour and fish meat (often galunggong), these are flattened into small discs, deep-fried until golden brown, and skewered on a stick. It’s not complete without the signature sauce: sweet, spicy, or vinegar-based — sometimes mixed with chopped onions, chili, and even garlic. Sa mga batang '80s, paborito ito tuwing uwian, sabay tanong ng "Kuya, pa-halo pa!" para mas maraming balls ang makuha. Minsan ay nag-uunahan pa kayo sa pagtusok dun sa tustado. Mas masarap kasi crunchy tapos kapag kinagat mo yung sukang sinawsaw mo ay magwawater sa bibig mo. Parang gusto ko tuloy mag-fishballs habang isinusulat ko to.
Kwek-Kwek – These are quail eggs coated in bright orange batter and deep-fried to a crisp. It’s crunchy on the outside, creamy on the inside. Minsan, sinasawsaw ito sa suka na may pipino at sili. It’s both playful and filling — something that fills your hands and your gut after school. Minsan humihiwalay yung orange coating dun sa itlog tapos yung dilaw ng itlog sumasama dun sa sabaw ng suka sa mangkok mo or kaya sa plastic cups mo. Iniinom ko yan kadalasan. Sarap ng topic ngayon ah.
Tokneneng – A larger version of kwek-kwek using chicken or duck eggs. Same crunchy coating, heavier bite. Para sa mas "grown-up" street food eaters. Hanggang kwek-kwek lang, kasi kapag tokneneng na ang usapan kapalit niyan high blood pressire at dapat lagi kang may kargang Catapress o di kaya ay Losartan. Huwag kalimutan ang moderation kahit gaano kasarap ang tokneneng mo.
Isaw – Grilled chicken or pork intestines marinated in a special soy-vinegar sauce. After boiling to clean, it's skewered and chargrilled to smoky perfection. Maalat, medyo mapait, pero ubod ng sarap lalo na kapag tinernohan ng malamig na softdrinks. Ay dito, I was never a fan of this kind of skewer, ayaw ko kasi ng may mapait na malalasahan. May poop daw kasi minsan sa intestine pero it depends, kasi may kanya-kanya tayong panlasa.
Betamax, Adidas, Helmet – These are not electronics or sportswear. These are grilled blood cubes (Betamax), chicken feet (Adidas), and chicken heads (Helmet). Each with its chewy, earthy flavors — not for the faint of heart, but absolutely adored by many. Again, not a fan of extreme skewers.
Taho – A sweet morning treat sold by men shouting “Tahoooo!” carrying aluminum buckets. It’s soft silken tofu, topped with arnibal (caramelized brown sugar syrup) and sago (tapioca pearls). This warm, sweet comfort food is often the first thing a kid tastes before going to school. Buti pa si mamang taho hinahabol di ba? kahit pupungas pungas ka pa sa umaga marinig lang ang sigaw ni mamang taho at natataranta ka na at nagkakaugaga sa paghahanap ng tasa at barya mo bago siya lumampas ng bahay niyo. Kasi alam mong one-trip lang si manong at malamang hindi na siya makabalik ng kalye niyo dahil paniguradong mauubos ang kanyang nilalakong taho.
Balut – The infamous fertilized duck egg, 16 to 21 days old, steamed and eaten with salt or vinegar. Foreign vloggers love (and fear) this delicacy. The broth is savory, the yolk is rich, and the developing embryo, well, crunchy. Love it or not, it’s uniquely Pinoy. Ang gusto ko lang dito ay yung mainit na sabaw. Hindi rin ako fan ng balut. Ito ay kabilang sa extreme street food na iniiwasan ng aking panlasa. Baka mas Pinoy pa nga ang foreign vlogger sa akin dahil nagugustuhan nila ang lasa at texture ng balot.
Turon – Saba banana wrapped in lumpia wrapper, with sugar sometimes caramelized into a crackly shell. Minsan may langka sa loob. This sweet street snack is a golden memory of recess or merienda sa kanto.
Banana cue – Deep-fried caramelized saba on a stick. Sweet, slightly smoky from the burnt sugar. Tumatak sa dila at puso ng batang 80s. Bigla ko naalala si Aling Inday na laging nagtitinda ng banana cue sa amin sa kanto.
Camote cue – Same as banana cue, pero camote (sweet potato) ang bida. Matigas-tigas, pero satisfying. A crunchy, sugary armor hides the soft camote inside. One of my favorite merienda bukod sa mga tusok-tusok.
Dirty Ice Cream (Sorbetes) – This isn’t dirty, but it’s the Pinoy term for street ice cream sold in colorful carts. Flavors like cheese, ube, and chocolate swirl in thin cones or pan de sal. The bell’s clang? It’s a childhood symphony. Kapanahunan din ng Selecta Ice Cream na tumatak din sa isip ko yung recorded na tunog ng kanilang kalembang. Malayo pa lang ay dinig mo na sila habang yung mga alaga mong aso ay sinasabayan yung type ng kalembang nila sa pag-ungol.
Mais (Boiled or Grilled Corn) – Often sold with margarine and cheese powder, this snack is simple but hearty. Masarap kahit basa ng ulan ang kalsada. Nag evolved na ito ngayon sa cheese corn na may kasamang creamy butter.
Tuyong Mangga at Sampalok (Elementary Days) – Vendors near schools used to sell these sour delights wrapped in plastic. The intense tamarind kick or salty green mango powder was addictively painful and pleasurable. Not for me, kasi ayaw ko ng maasim hehe.
Cheese sticks – Deep-fried cheese in a lumpia wrapper. Crunchy, gooey, cheesy — pambansang baon o recess snack. Nag evolved din ito at naging dynamite. Pinaanghang na cheeseticks na may giniling na ibinalot sa long green chili peppers na ibinalot naman sa lumpia wrapper. Malutong, cheesy, malinamnam, at maanghang to the highest level
Tusok-Tusok Innovations (Recent years) – Today’s generation has seen Korean-inspired cheese corn dogs, flavored siomai, takoyaki, and even budget-friendly ramen or egg drops sold by kariton or pop-up stalls. There’s also dynamite (lumpia wrapper with chili and cheese), hot dogs on sticks with marshmallows, and even street shawarma. The carts have evolved — some with LED lights and Bluetooth speakers — but the essence remains: masarap, mura, at para sa masa.
Bakit nga ba mahal na mahal ng Pinoy ang street food? Because it's sulit, it’s everywhere, and it captures the soul of everyday life. From elementary kids with twenty pesos to jeepney drivers taking a break, to office workers needing a quick bite, street food has become part of our daily rhythm. It’s communal, affordable, and cooked right in front of you — walang pretensyon, puro lasa.
At bakit gustong-gusto ito ng mga banyagang vloggers? Because Filipino street food is not just about taste — it’s an experience. They are drawn to the sizzling sounds, the smoky scents of grilling isaw, the chaotic joy of dipping fishballs in communal sauces, and the thrill of tasting balut for the first time. They love the stories behind each dish, the grit and warmth of every vendor and the people around them, and the surprise of discovering something new in every bite.
Filipino street food is more than just a way to fill your stomach — it’s a bridge to your childhood, a memory of simpler times. It’s laughter shared with barkada after school, it’s the comfort food after a long day, it’s part of who we are. Whether it's an old kariton in Tondo or a neon-lit cart in BGC, Filipino street food lives on — in every tusok, every higop ng taho, at bawat subo ng turon.
Para sa lahat ng batang 80s, ito ang tunay na fast food. At kahit anong mangyari, babalik at babalik ka sa kalsada — para lang matikman ulit ang sarap ng pagiging batang Pinoy. Ano pang hinihintay niyo 4:30 na, TUHOG na!
Swearing or cursing is a natural part of every language—it reflects emotions, frustrations, surprise, and sometimes humor. In the Philippines, Filipino curses or mga mura sa Tagalog are colorful, expressive, and deeply rooted in our colonial and cultural history. Bagaman ang ibang mura is purely native, many were influenced by over 300 years of Spanish colonization, shaping the way we speak even today. Naging bahagi na ng buhay ng mga Filipino ang pagmumura at ang iba dito ay nag-evolve sa paglipas ng panahon. Wala naman ibang tao na natuto na agad magmura habang siyay kapapanganak pa lang, lahat ito ay natutunan natin sa pakikinig, panonood o dahil sa tindi ng galit at halos araw-araw nating naririnig sa kalsada o kahit sa loob ng ating mga kabahayan ay nahawa na rin ang ilan. Ikaw natatandaan mo pa ba kung kailan ka natutong magmura? Tara pag-usapan natin.
Historically, pre-colonial Filipinos already had their own expressions of anger or exclamation. However, most of the direct, vulgar, or blasphemous words—especially those referencing religion or sexuality—can be traced back to Spanish influence. Words like “punyeta”, “leche”, and “puta” are clear examples of Spanish-derived curses that are still commonly used today, often softened in tone depending on context or emotion.
Narito ang ilang karaniwang mura sa Katagalugan at ang mga kahulugan nito, na may halimbawang paggamit:
1. “Putang ina” – Literally translates to “your mother is a whore” but is more commonly used as an expression of anger, frustration, or shock. Ito ang karaniwang ginagamit na salita ng mga Pilipino sa Luzon kapag sila ay nag eexpress ng extreme na galit sa isang tao, o di kaya ay pagkagulat sa hindi kaaya-ayang balita na kanilang narinig.
Halimbawa: “Putang ina ang gwapo ng may akda ng blog site na ito."
2. “Leche” – From the Spanish word for milk, but used by Filipinos to curse or scold someone, sometimes playfully. It's used to express frustration, annoyance, or disappointment, similar to saying "damn" or "crap" in Englis
Halimbawa: “Leche ka talaga, ang kulit mo!”
3. “Punyeta” – Derived from the Spanish “puñeta” (a vulgar term related to masturbation), but in Filipino, it’s used to express annoyance or anger.
Halimbawa: “Punyeta, nawalan na naman ng kuryente!”
4. “Gago” / “Gaga” – These words mean fool or idiot, used to insult someone’s intelligence or behavior.
Halimbawa: “Gago ka pala eh, bakit ka nagjakol sa harap ng klase niyo? Gago!”
5. “Bwisit” – A native term that means bad luck or nuisance, often used when something or someone causes irritation.
Halimbawa: “Bwisit na ulan ’to, hindi na naman ako makakaalis.”
5. “Tarantado” – Refers to someone reckless or beyond foolish, often with a strong negative connotation.
Halimbawa: “Tarantado ka talaga, muntik na tayong mamatay sa ginawa mo!”
6. “Ulol” – Originally referring to someone rabid or mad, now used to insult someone’s mental state or absurd behavior.
Halimbawa: “Ulol ka ba? Seryoso ako dito! Simulan na natin maghukay, sigurado ako diyan natin makikita ang Yamashita treasure”
7. "Hayop" - Literally means "animal" or "beast" in Tagalog, and is often used to insult someone's character.
Halimbawa: "Hayop ka Regino, ang baho ng utot mo!"
8. "Hudas" - Judas was the disciple who betrayed Jesus in the New Testament. Hudas, the Tagalog translation of the name Judas, often refers to a traitor. Like, "Hudas? Das-hu!"
Halimbawa: "Hudas ka inunahan mo na naman ako sa kaning tutong. Paborito ko yan eh!"
9. "Burat" - Filipino term for penis. Often used to express annoyance towards an unfortunate situation or a douche-y person.
Halimbawa: "Hay nako, nakakaburat na talaga 'tong traffic sa EDSA! walang asenso!"
10. "Kupal" - Kupal literally means smegma, the paste-like substance found inside the skin of an uncircumcised human penis. It often refers to a jerk, a ~prick~, or someone who's generally obnoxious.
Halimbawa: "Sobrang kupal niyang mga tao sa comment section, inispoil yung ending ng Squid Game!"
11. "Ungas" - Another word for stupid; a more derogatory term for ignorant.
Halimbawa: "Ang ungas mo naman magdrowing. Hindi ganyan magdrowing ng tite."
12. "Hinayupak" - Much stronger word for "hayop". Hinayupak refers to someone who acts in an inhumane manner.
Halimbawa: "Makaka-move-on din ako sayong hinayupak ka!"
13. "Pucha" - Often uttered when something came out the way one didn't expect, or as an expression of regret. It could be the closest english translation for "Dammit!"
Halimbawa: "Pucha, mukhang malelate ako sa school sa haba ng trapik dito sa Las Pinas."
14. "Pakshet" - A Filipino combined colloquial term for "fuck" and "shit". Generally used to express just about any emotion.
Halimbawa: "Pakshet sa wakas, nakuha ko rin ang tamang timpla nitong ginagawa kong love potion. Akin ka na Margarita!huehehehe"
Tubero - Kapitbahay
Punta naman tayo sa Kabisayaan. Here's a more detailed look at some Visayan curse words: ( I can't give you a sample in sentences because yours truly is unable to speak the Visayan language)
1. "Yawa" - This is a very common curse, meaning "devil" or "evil spirit".
2. "Pisting Yawa"- A stronger curse, meaning "damned devil".
3. "Lintik" - Literally "lightning," but used as a curse, implying a wish for someone to be struck by lightning.
4. "Boang/Buang" - Meaning "crazy" or "foolish," is often used to insult someone's intelligence or actions.
5. "Litse/Leche" - A milder curse, related to the Spanish word for "milk," but used as an exclamation of annoyance or frustration.
6. "Gugmang Giatay" - Meaning "damned love," a sarcastic expression often used to express frustration with romantic feelings.
7. "Bahog Bilat" - A very offensive phrase, literally meaning "dirty vagina".
8. "Imong Mama" - "Your mother," often used in conjunction with other insults.
9. "Ambot sa Kambing na may Bangs" - While not a direct curse, this phrase, meaning "I don't know, ask the goat with bangs," is a dismissive and sarcastic way to avoid answering a question.
Mindanao Muslim communities use a mix of Arabic-derived and local swear words. Here are a few: (( I can't give you a sample in sentences because yours truly is unable to speak the Mindanaoan language)
1. "Al'ama" - Means "blindness" or "damn".
2. "Hayawan" - Means "animal" or "brute."
3. "Hemar" - Means "donkey."
4. "Qalil al'adab" - Means "of little literature" or "ill-mannered".
It’s important to recognize that the use of these words varies depending on tone, intent, and relationship. Among friends, some curses are used jokingly or to tease. In formal settings or around elders, they are considered rude and inappropriate. In street conversations, especially in heated arguments, curses are part of the emotional outburst and can escalate tension.
So, where did it all start?
Pre-colonial Filipinos had their own expressions for cursing or invoking spirits, especially when angered or wronged. But the direct, insulting, and often sexualized nature of modern-day curses became prominent during the Spanish era, when Catholicism introduced concepts of sin, blasphemy, and guilt. Over time, these terms evolved and blended into our own native tongue, producing the unique blend of Tagalog curses we hear today, and evolving continuously.
In the end, curses are a reflection of emotion and identity—sometimes harsh, sometimes humorous. While it’s vital to understand their meaning and history, we should also learn when and how to use them appropriately. Language is powerful, and even the most vulgar words can teach us about our past, our colonizers, and ourselves.