Huwebes, Oktubre 9, 2025

“Nang Panahong Wala Pang SongHits” 🎵

 Kaparehas ba kita na kumakanta lang kapag nag-iisa dahil ayaw nating iparinig ang ating mga boses o isa ka rin ba na kumakanta at their enjoyment sa banyo na parang naglalive concert habang lumalagaslas ang shower niyo sa banyo? Klasik yan, may mga mahiyan at may mga todo confident ang pagkanta. Pero nagkaroon ba ng weird moment nung hindi mo maintindihan yung isang salita sa lyrics ng kinakanta mo, o baka naikanta mo naman ang missing words pero pagdating sa lyrics iba pala ang salita at natawa ka na lang kasi paulit-ulit mo na yun na kinanta mali-mali pala ang lyrics mo. Diyan ngayon papasok ang lahat ng katotohanan sa mga lyrics sa pamamagitan ng Songhits! Tara, pag-usapan natin ang mga kaganapan nang panahong wala pang Songhits! 

Hindi naman siguro natin malilito ang mga Gen Z's sa pagkakataong ito at siguro ay naabutan pa nga ba nila ang kasikatan ng Songhits? 

Before lyric websites, karaoke apps, and Spotify lyrics existed, there was SongHits Magazine — that thick, colorful booklet that every music-loving Pinoy once treasured. Suppose you grew up in the 70s, 80s, 90s, or even the early 2000s. In that case, you probably remember the smell of freshly printed pages, the glossy covers of your favorite bands, artists, and the excitement of flipping through lyrics while holding a cassette or CD in your other hand. But what exactly are SongHits, and what made them such an important part of Filipino music culture?

In simple terms, SongHits were printed magazines containing song lyrics. These were the go-to references for anyone who wanted to memorize the lyrics of their favorite songs — local or international. Long before the age of Google and YouTube, when you couldn’t just type “lyrics of Hanggang Kailan by Orange and Lemons,” SongHits was your savior.

They usually featured:

  • Full song lyrics (English, Tagalog, and even OPM translations of foreign songs)
  • Chords and guitar tabs for aspiring musicians
  • Artist features, interviews, and trivia
  • Charts of Top 10 or Top 40 songs
  • Music news and album releases

Nagsimulang sumikat ang mga SongHits magazine sa Pilipinas noong bandang 1950s, kasunod ng kasikatan ng radyo at jukebox culture matapos ang digmaan. Isa sa mga unang lumabas at pinakatanyag noon ay ang “Pilipino Song Hits”, na tampok ang mga awiting likha ng mga Pilipino pati na rin ang mga isinaling banyagang kanta.

Pagsapit ng dekada 70 hanggang 90, naging isang ganap na phenomenon ang SongHits — mabibili ito sa mga bookstore, sari-sari store, at maging sa bangketa.

Ilan sa mga kilalang tatak ng SongHits sa Pilipinas ay ang mga sumusunod:
  1. Pilipino Song Hits
  2. Song Hits Magazine
  3. Hot Song Hits
  4. Pinoy Song Magazine
  5. OPM Songhits
  6. Popsong Hits
  7. Jingle Magazine
Bawat tatak ay may kanya-kanyang estilo — ang ilan ay nakatuon sa OPM, habang ang iba naman ay mas hilig ang pop at mga banyagang kanta. Ngunit iisa lang ang kanilang layunin: tulungan ang mga Pilipino na maawit nang tama at buong puso ang kanilang mga paboritong kanta… o sige na nga, karamihan sa oras.

Aminin na natin — Filipinos are experts at making up lyrics. Before SongHits, or when we couldn’t afford to buy one, we’d just listen and “feel” the words. The result? Hilarious misheard lyrics, or what some call “liriko-liriko lang.”

At kung talagang imposibleng maintindihan ang mga liriko? Ang gagawin na lang natin: “Hmm hmm hmm…” na may kumpiyansa, na para bang kabísado natin ang kanta! 🎤

Isa ito sa mga pinaka-karaniwan (at nakakatawang) bahagi ng kulturang musikal ng mga Pilipino — ang malikhaing “bahala na” na sinamahan ng sense of humor at pagmamahal sa pag-awit.

SongHits did more than just teach lyrics. It taught literacy, music appreciation, and language. Many Filipinos unknowingly improved their English by reading and singing along. It also helped aspiring songwriters study rhyme, rhythm, and structure.

SongHits were like little music classrooms for everyone — jeepney drivers, students, housewives, barkadas, and band members.

Maryzark - Kai

Aside from lyrics, SongHits often contained:
  • Chords and guitar diagrams — perfect for beginners with their first acoustic guitar.Sabi nga sa kanta ng Sandwich na Betamax, "sa Jingle Magazine, natutong magitara.." Yes, it's true many Filipino's learn a lot from Songhits because of the produced chords in every Songhits kasama ng liriko para matuto ang mga loverboys na magitara.Ginagamit nila ang kanilang galing sa pagkanta para mapasagot ang mga nililigawang kasintahan.
  • Singer features and interviews — getting to know your idols like Sharon Cuneta, Apo Hiking Society, or Gary V.
  • Posters and pinups — a must-have for every teenager’s bedroom wall. Sa mga Songhits may mga libreng posters of a band, favorite artist and etc. Dito nangongolekta ang mga Pinoy teenagers ng kanilang ididisenyo sa kanilang mga personal na kwarto. 
  • Trivia and fun facts — about songs, artists, and even behind-the-scenes stories of hit singles. To make a deeper search and know more about our favorite singers, mayroong mga facts na inilalahad ang mga Songhits or a written interview with them. Mga katanungang personal na out of their field of singing.
  • Advertisements — for cassettes, guitar shops, or even karaoke machines!

Sa kasamaang-palad, halos tuluyan nang naglaho ang mga SongHits magazine sa mga tindahan ng diyaryo at magasin. Dahil sa pag-usbong ng internet, smartphones, at mga streaming app, hindi na gaanong kailangan ang mga nakalimbag na liriko. Gayunpaman, may ilan pa ring kolektor at mga musikong punô ng nostalgia na patuloy na naghahanap ng lumang kopya online — lalo na yaong mga galing sa ginintuang dekada ’80 at ’90.

Mayroon pa ring mga digital na bersyon at mga fan website na inspired ng SongHits, ngunit ang kakaibang karanasan ng paghawak sa tunay na nakaimprentang kopya — ang pagbubuklat ng lukot-lukot na pahina at ang pagmamarka sa paborito mong linya — ay isang pakiramdam na hindi kailanman mapapalitan.

Bago pa man dumating ang internet, ang SongHits na ang ating Spotify at Genius.com sa iisang anyo. Dito natin natutuklasan ang mga bagong kanta, nauunawaan ang kahulugan ng mga liriko, at naibabahagi ang katuwaan ng musika sa iba.

Kahit na bihira nang makita ang mga manipis na booklet na iyon, buhay pa rin ang kanilang pamana — sa bawat karaoke night, sing-along session, at sa bawat Pilipinong kabisado pa rin ang tamang liriko mula sa alaala.

Sapagkat sa huli, kahit nagbabasa ka man mula sa SongHits o umaawit mula sa puso, iisa lang ang tiyak:
Laging makakahanap ng paraan ang mga Pilipino upang lumikha ng musika — at tawanan — sa bawat himig.

Bago pa man dumating ang internet, ang SongHits na ang ating Spotify at Genius.com sa iisang anyo. Dito natin natutuklasan ang mga bagong kanta, nauunawaan ang kahulugan ng mga liriko, at naibabahagi ang katuwaan ng musika sa iba.

Kahit na bihira nang makita ang mga manipis na booklet na iyon, buhay pa rin ang kanilang pamana — sa bawat karaoke night, sing-along session, at sa bawat Pilipinong kabisado pa rin ang tamang liriko mula sa alaala.

Sapagkat sa huli, kahit nagbabasa ka man mula sa SongHits o umaawit mula sa puso, iisa lang ang tiyak:
Laging makakahanap ng paraan ang mga Pilipino upang lumikha ng musika — at tawanan — sa bawat himig.

Miyerkules, Oktubre 8, 2025

Kung Magmamahal Ka Ng Blogger ✍️

 

Gusto mo bang magmahal ng blogger?

Hindi ko sinasabing bawal magmahal ng blogger —dahil kung alam mo lang kung ilang beses na akong napahinga ng malalim sa bawat tula, sanaysay, at lihim na kwento ng mga manunulat sa blogosperyo,baka sabihin mong may PhD na ako sa pa-fall literature. Kaya bago ka pumasok sa relasyon na may kasamang WordPress password at Google Analytics, magmuni-muni ka muna. Dahil hindi lahat ng mga salitang nakakakilig sa blog ay totoo sa labas ng screen. Ang mga manunulat, marurunong magbenta ng sarili —hindi para magpanggap, kundi para mapansin.

Kaya bago ka magpaulan ng puso sa comments section, kilalanin mo muna siya nang walang filter, walang caption, walang SEO keywords. At huwag mong kalilimutan —ang crush mo, hindi lang ikaw ang may crush sa kanya. Kung sakaling ikaw ang mapiling main character ng buhay niya, handa ka bang maging supporting role sa mata ng kanyang mga tagasubaybay? Kasi, sis, may mga “fans” na mas matindi pa sa Marites Nation. Sila ang maghuhusga, sila ang maglalatag ng thread tungkol sa’yo sa Twitter, at kapag siniraan nila ang mahal mo, handa ka bang hindi sumagot —dahil alam mong sa huli, ang karma, ngayon, ay digital na. At kung sakaling maswerte ka, at makita mong sinusulat niya ang pangalan mo sa pagitan ng mga tula —masarap, di ba? Pero tandaan mo rin: kapag naghiwalay kayo, ikaw ang magiging kontrabida sa sarili mong kwento. Siya ang bida — dahil blog niya ‘yun eh. Kahit siya ang may sala, sa dulo ng post, ikaw pa rin ang kawawa. Ganun ka lakas ang editing power ng isang writer. May plagiarist nga riyan, pero sa husay ng kanyang syntax, nagmistulang martir sa comment section. Magaling magdrama at umakting na rin ang blogger sa likod ng kanyang mga panulat. 

At higit sa lahat —kapag may bago na siyang inspiration, handa ka bang basahin iyon? Handa ka bang ngumiti kahit natitigilan ka sa linya na, “Finally, I found the one”? Habang ikaw, ayun, nagre-refresh ng feed, hoping for closure sa paragraph na hindi kailanman sinulat para sa’yo. Aw, tsakit! Pero liwanagin lang natin, hindi ko sinasabing masama ang magmahal ng blogger. Minsan, ang pinakamagandang kwento ay ‘yung hindi kailangang i-publish. Yung nasa pagitan ng mga yakap, hindi ng mga hyperlink. Kaya kung magmahal ka man —blogger man o hindi —basta wala kang nasasaktan, at masaya ka sa sarili mong berso, hindi kailanman mali ang magmahal. Ang mahalaga lang, hindi ka character lang sa kwento ng iba. Dapat, ikaw mismo ang nagsusulat ng sarili mong ending.

Sa totoo lang, napakasarap sigurong magmahal ng taong kayang gawing prose and poetry ang bawat titig mo, kayang ilarawan sa pinakamagandang talata ang ngiti mong hindi mo man lang alam ay nakakapagpa-freeze ng utak niya habang nagta-type ng “New Post.” Para kang pumasok sa relasyon na may kasamang footnote at hyperlink. Kasi kahit hindi mo tanungin, alam mong may backstory ang bawat yakap, may metadata ang bawat halik. Ang mga “kamusta” niya, minsan may kasunod na “pwede bang i-quote 'to?” At huwag ka magugulat kung minsan, habang nag-aaway kayo, bigla niyang sabihing:

"Wait lang, ang ganda ng linya mo ah—pwedeng title.”

Sa totoo lang, kapag blogger ang minahal mo, magiging parte ka ng isang unending draft. May mga araw na ikaw ang main character— at may mga gabi rin na ikaw ang plot twist. Baka isang araw, mabasa mo na lang ang sarili mo sa isang blog entry na nagsisimula sa:

“Minsan may taong dumating at tinuruan akong muli kung paano magtiwala...”

at nagtatapos sa:

“...pero hindi lahat ng natutunan ay kailangang ipaglaban.”

Masakit? Oo. Pero poetic? Labis.

The Paper Kites - When The Lavender Blooms

Sapagkat ang blogger, hindi lang basta nagmamahal—nagmamasid, nagmemental note, nag-eedit. Habang nakikinig sa tawa mo, may naisip na siyang caption. Habang naglalakad kayo sa ulan, iniisip na niya kung anong magandang title:

“Tag-ulan sa Tagpo Natin” o “Sa Bawat Patak ng Alaala.”

At kapag iniwan mo siya— Siguradong may part two. May follow-up post, may closure entry na ipapublish nang alas-dos ng umaga habang nagpe-play sa background ang “Bawat Daan” ni Ebe Dancel. Pero sa kabila ng lahat, magmahal ka pa rin ng blogger. Kasi kahit minsan ay mas marami silang sinasabi sa keyboard kaysa sa bibig, kapag minahal ka nila, buong mundo maririnig ang pangalan mokahit hindi direktang binanggit, ikaw ang inspirasyon sa bawat simula ng talata, ang pahina sa pagitan ng bawat tuldok. At kahit minsan, ang sakit nilang magmahal—kapag blogger ang nagmahal, hindi ka lang minahal.

Ginawa ka niyang literatura.

Kaya kung magmamahal ka ng blogger... handa ka sanang maging musika sa bawat pahina, tema sa bawat kwento, at alaala sa bawat draft na hindi na niya binura. Dahil ang pag-ibig ng blogger, hindi lang sinusulat—ito'y tinatandaan. At kahit lumipas ang panahon, mananatili ka sa kanyang archives. Hindi bilang “ex.” Kundi bilang entry na hindi niya kailanman magawang i-delete.

Linggo, Oktubre 5, 2025

Bakit Hindi Mo Gugustuhing Magka-Snow sa Pilipinas? ☃️❄️

 

From Raining in Manila to Snowing in Manila #WinterInThePhilippines?

Marami na siguro sa atin ang nag-imagine kung ano kaya kung magkaroon ng snow sa Pilipinas. Ano nga kaya noh?

Madaling sabihin ‘yan kapag pinagpapawisan ka habang nasa EDSA traffic o habang tumatambay sa kanto na parang niluluto sa init ng araw. Pero, teka lang — sigurado ka bang gusto mo talaga ng snow?

Paano nga kung magka-snow sa Pilipinas nakakita ka ng shooting star nataranta ka at nasabi mo ang childhood wish mo ang magkaroon ng snow sa Pilipinas hmm exciting. Bakit nga naman hindi? Sinong ayaw magkakita ng snowflakes na nahuhulog mula sa langit magsuot ng mga stylish jacket at maglaro sa ice at siguradong mae-enjoy mo ang hot chocolate mo sa malamig na weather. Pero paano nga kung tuparin ng universe ang wish mo? Ano kaya ang mangyayari kung magkakaroon ng snow sa Pilipinas. Ang mga punong niyog, balot ng niyebe, parang mga payong na nagyelo. Ang mga bahay kubo, nagmistulang mga gingerbread house. Ang dagat sa Batangas, may maninipis na yelo sa ibabaw. Ang ganda — pero parang may lungkot, kasi hindi ito ang Pilipinas na kilala natin.

Let’s imagine for a moment: What if one morning, nagising tayong lahat at ang buong Pilipinas ay binalot ng makapal na yelo? Roads shimmering white, coconut trees dusted with snowflakes, and the smell of champorado and coffee replacing taho at pandesal sa umaga. Sounds magical, di ba? Pero sa likod ng poetic na tanawin na ‘yan, may mga realidad na hindi ganoon ka-snow-tastic. 

Walang snow sa Pilipinas kahit sa ilang bahagi ng Southeast Asia ay may snow katulad ng Vietnam pati sa Middle East nagkakaroon ng snow, pero bakit sa Pilipinas sa isang mall ka lang makakakita ng malaking ice o kaya naman sa Baguio ka lang pwedeng magpalamig. Ganito yan, ang Pilipinas kasi ay nasa tropical zone ibig sabihin malapit tayo sa equator. Sa mga lugar malapit sa equator direkta ang tama ng sikat ng araw kaya mas concentrated ang solar energy at mas mainit dahil dito hindi bumababa ang temperatura natin sa freezing point which is 0° Celsius o 32° Fahrenheit. Para magform ang snow kailangan natin ng malamig na malamig na temperatura. Isa pang factor ay ang humidity o ang halumigmig sa hangin sa Pilipinas ay sobrang dami ng tubig sa hangin natin pero imbis na maging snow nagigiging ulan lang ito. Bakit kasi kulang tayo sa lamig? Isipin mo na lang parang may recipe tayo para gumawa ng snow kailangan ng maraming tubig sa hangin at sobrang lamig na panahon eh ang problema meron lang tayo nung tubig pero kahit tropical country ang Pilipinas ay may mga bundok na sobrang lamig. Isang magandang example nito ay ang Mount Pulag, ang pinakamataas na bundok sa Luzon. Dito tuwing malamig na panahon bumababa ang temperatura hanggang sa point na nagkakaroon ng ice o frost, hindi man totoong snow pero sobrang lamig dito na kung makakapunta ka ng November to February ay parang na-experience mo na rin ang winter sa Pilipinas. 


May chance ba na magkaroon ng snow sa Pilipinas? Pwede kung may malaking pagbabago sa klima ng mundo. Halimbawa nagkakaroon ng snow sa disyerto ng Saudi Arabia dahil sa malamig na hangin mula sa Europe na tumatama sa mainit na hangin ng Middle East bagama't bihira. Pinapakita nito na maaaring magkaroon ng snow sa hindi inaasahang lugar kapag tugma ang malamig na temperatura at kung magka-snow sa Pilipinas posibleng indikasyon ito ng malalim na pagbabago sa global climate patterns. Halimbawa ang pagkatunaw ng arctic ice ay nakakaapekto sa jet streams na nagreresulta ng hindi normal na panahon ibig sabihin mahalagang labanan ng climate change. Dahil kung pababayaan maaari itong magdulot ng domino effects sa ating ecosystem, ekonomiya at kaligtasan ng tao. Pero sige ipagpalagay na lang natin na nagkatotoo ang iyong ultimate wish ang magkaroon ng snow sa Pilipinas, ano-ano kaya ang mangyayari? Paglabas mo isang araw damang-dama mo na ang sobrang lamig ng hangin na hindi mo pa nararanasan. Mas malamig pa sa aircon na ginagamit niyo sa bahay. Paglabas mo nakikita mo ang mga puting nahuhulog mula sa langit. Ito na pala ang snowflakes, malamig ito hanggang sa dumarami ng dumarami. Ulan na pala ito ng snow at fulfillment of your impossible dream, pero papunta pa lang tayo sa exciting part. Breaking news agad ito sa TV at sa social media worldwide.  Nagugulat na ang mga tao sa nakikita nila. May mga maguguluhan, mae-excite at masisiyahan. Pero mas marami ang matatakot dahil nga sa sobrang kakaiba ang pangyayaring ito. Pero katulad mo marami din naman ang masisiyahan at agad ng tatambay sa kalsada kukuha sila ng jacket, magpi-picture at hahawakan ang snow sabay hashtag #WinterInThePhilippines.

Dean Martin - Let It Snow!

It’s easy to romanticize snow — the soft white blanket covering everything, the cozy nights with hot chocolate, and the aesthetic Instagram shots. For a tropical country like the Philippines, snow seems like a fairytale come true — something exotic and beautiful. Just imagine the barong-barong in Tondo covering up the roofs with a pile of snow or something like yung mga tambay sa kanto niyo noon ay hindi na nakahubad-baro at lagi nang may damit at nakasuot na sila ng makakapal na jacket at malamang wala nang kwentuhan at tambayan sa labas ng bahay sapagkat ang lahat ay nirarayuma sa lamig. Wala na rin masyadong maglalaro ng basketball dahil tambak na ng snow ang mga basketball court sa barangay niyo na walang bubong. At tiyak na lalo nating magugustuhan ang magkape at magluto ng lugaw at hinding-hindi na mawawala sa meals natin ang ulam na may mga sabaw lalo na ang sinigang at tinola. 

But the truth? It’s a double-edged sword. ☃️❄️

May mga gagawa ng Snowman , may mag-snow ball fight na mga kalye kids sa Divisoria at tataas ang demand ng jacket sa Baclaran. Pero teka hindi magtatagal ang saya na yan' habang tumatagal ang lamig. Doon na magsisimula ang gulo. Yung bahay mo na sanay sa init ng Pilipinas wala yan laban sa snow. Bawat butas sa pinto at bintana para ng aircon na todo sa lakas, yung mga pader mo, parang cardboard box na lang sa lamig. Lahat naghahanap ng paraan para makaramdam ng init.Yung kalan mo na pang pritong isda lang dati ngayon parang fireplace na, yung oven na pang bake ng cake, ngayon parang personal heater mo na at pati hair dryer ginagamit na para lang makakuha ng konting init. May malaking advantage sa mga may malalaking bahay lalo na kung may heater ang aircon nila. Mas madali silang makaka paghanda at makakapag adjust sa biglang paglamig. Pagkatapos ng dalawang oras ng snow mabilis ng nagkakagulo. Yung mga batang kanina lang masayang naglalaro sa snow, ngayon ay sinisipon na at nagyayakapan naman sa ginaw ang mga matatandang may edad dahil nanakit na ang mga kasu-kasuan nila. Nanginginig na at ang iba ay hindi na makakilos ng maayos. Ang mga ospital ay nagsisimula ng mapuno, pero hindi sila ready dahil walang heater winter blankets o kahit anong pangontra sa lamig. Ang mga staff ay hirap mag-operate. Ang panic ng mga pasyente ay nakakadagdag sa gulo. Sa labas lalong lumala ang sitwasyon, ang mga kalsadang dati ma-traffic ay naging madulas na. Parang nasa ice skating rink na ang mga jeep bus at motor ay madalas na naaaksidente dahil walang sapat na kagamitan at hindi rin marunong ang mga driver sa ganoong kondisyon. Hindi handa ang gobyerno para masolusyonan ito kaagad dahil wala silang snow plows at kahit meron walang sanay mag-operate nito. Pagdating sa pagkain, maraming tindahan ang magsasara dahil kulang sa  supply. Ang mga bukas na tindahan ay mabilis na nauubusan ng delata, noodles, at iba pang easy to prepare foods. Mataas ang demand para sa mainit na inumin, pero ang iba walang access sa kuryente o gas para magluto sa mga restaurant at karinderya. Instant adjustments ang kanilang gagawin. Ang iba magtitinda ng sopas at mainit na sabaw para makatulong magpainit sa mga customers. Ang gobyerno magmamadali ng magbukas ng mga evacuation center para sa mga vulnerable citizens. Pwedeng sa mga condominium, pero hindi rin ito design para sa ganitong sitwasyon. Sa loob ng mga evacuation centers magulo na, walang sapat na kumot pagkain o heating system. Sa dami ng evacuees mauubusan ng space, tubig, at kuryente. Tataas ang tensyon at ang mga staff na walang training para sa snow emergency ay mahihirapan sa pag-manage. Sa loob ng ilang oras ang idea ng snow in the Philippines imbis na maging joyful naging nightmare sa lahat.

Pagkalipas ng isang araw, ang Pilipinas ay hindi na mukhang tropical paradise kundi isang Winter not so Wonderland na. Lumalamig pa lalo at ang mga bata at matatanda lalo na sa mahihirap na community ay nasa bingit ng matinding panganib.Walang makakapal na damit o insulated na bahay kaya ang hypothermia at frost bite ay magiging pangkaraniwang problema sa mga ospital. Dagsa ang mga pasyente pero limitado ang supply ng gamot, equipment, at heating system. Ang health care workers, kahit sanay sa emergency mahihirapan talaga silang makasabay sa weather condition na ito. Magsasara ang mga paaralan, opisina, at negosyo dahil sa hirap ng paggalaw at pagkawala ng kuryente sa maraming lugar. Ang mga delivery truck ay stranded kaya mauubusan ng stock Sa mga palengke at grocery store tumataas ang presyo ng pagkain at maraming tao na ang nagugutom. Ang normal na supply chain ng pagkain at tubig ay halos huminto na. Ang mga ilog at lawa ay may manipis na yelo sa ibabaw kaya magiging mahirap ang pagkakaroon ng malinis na tubig. Hindi sanay sa malamig na temperatura ang mga water treatment facility kaya mas hihina ang water supply. Pahirapan na ang tubig kaya ang mga residente mapipilitang tumunaw ng snow para sa tubig, kaya lang hindi ito sustainable. Ang gobyerno kailangang magdeploy ng water tankers at portable filtration systems para maibsan ang krisis at dahil nga Winter na sa Pilipinas, goodbye tropical beaches. Ang mga beach tulad ng Boracay ay may kakaiba ng view. Ngayon pinaghalo na ito ng buhangin at snow, pero sa ilalim ng malamig na tubig lumalala ang sitwasyon. Ang coral reefs ay maaaring makaranas ng bleaching dahil sa matinding pagbaba ng temperatura.  Ang ilan sa mga coral ay nanganganib na mamatay habang ang iba ay maaaring makaligtas. Pero nasa ilalim ng matinding stress sad news din para sa mga mangingisda dahil mawawalan sila ng kabuhayan at ang ecosystem ng isla ay nagiging fragile. Ang mga hayop sa zoo at wildlife sanctuaries ay nangangailangan ng agarang tulong dahil hindi rin sila sanay sa ganitong lamig ganoon din ang kalagayan ng mga farm animals tulad ng kalabaw baka at kambing na nagdurusa dahil sa biglang pagbagsak ng temperatura.  Ang kanilang tirahan ay hindi fit para sa winter kaya maraming hayop ang maaaaring magkasakit o mamatay dahil sa hypothermia. Malaki ang epekto nito sa agrikultura dahil ang pagbagsak ng kanilang kalusugan ay magdudulot ng kakulangan sa gatas, karne, at iba pang agricultural products. Kailangan ng mga magsasaka ng mas mainit na shelter at magbigay ng masustansyang pagkain para suportahan ang resistensya ng kanilang mga alagang hayop pati mga halaman at puno lalo na ang mga native species ay nagsisimula ng masira. Maraming pananim ang mamamatay na magiging sanhi ng kakulangan sa pagkain sa mga darating na araw. Ang dating excitement ng Winter in the Philippines ay napalitan ng stress, gutom, at kawalan ang tiyak na solusyon. Ang tanong ngayon, paano tayo babangon mula sa ganitong klaseng hamon? Sa pagkakataong ito baka wini-wish mo na na sana panaginip na lang ang lahat. 

One month, pagkatapos ng isang buwan ng snow ang mga bundok cities at mga baryo ay balut na ng yelo. Pero ang epekto nito ay lampas sa esthetics. Ang bansa na hindi handa para sa matinding lamig ay kailangang mag-adjust sa maraming aspeto ng buhay. Biglang tumaas ang demand para sa kuryente dahil sa pangangailangan ng heating na nagdulot ng matinding pressure sa power grid. Maraming lugar ang nakaranas ng rotating brownouts dahil hindi kayang i-sustain ng mga power plant ang mataas na demand maging ang renewable energy sources tulad ng solar at hydroelectric ay naapektuhan ang mga solar panel ay nabalutan ng yelo at bumagal ang kilos ng tubig na nagpapagalaw sa hydroelectric powerplants kaya maraming pamilya ang magdurusa sa lamig kapag nawawala ang kuryente. Ang biglaang lamig ay hindi lang physical problem, ang kawalan ng sikat ng araw hirap sa paggalaw at stress sa mga bagong challenges ay nagdudulot ng negatibong epekto sa mood ng tao. Maraming tao ang nakakaranas ng seasonal affective disorder o sad na karaniwang nangyayari sa mga bansang may winter. Sa kabila ng lahat iiral ang bayanihan. Magbibigay ang gobyerno ng relief goods tulad ng kumot jackets at pagkain habang ang mga komunidad ay nagtutulungan. May local initiatives tulad ng community heating hubs o mga lugar kung saan pwedeng magpainit ang mga tao. Ang mga negosyo ay nag-a-adjust din may mga sari-sari store na nagbebenta ng heat packs, portable heaters, at makakapal na damit. Ang karinderya ay nag-aalok na ng mainit na pagkain, habang ang mga pandesalan ay mabilis na nauubos dahil sa demand para sa mainit na tinapay. Maraming Pinoy ang mas naging resourceful. After one month natutunan ng mga komunidad kung paano magimbak ng pagkain upang hindi ito masira sa lamig. Gumagamit ng local materials tulad ng kahoy, at lumang tarpauline para gawing insulation sa mga bahay sa halip naman na magbiyahe sa malamig na oras nag-adjust ang schedule ng mga paaralan at opisina kahit maraming stress ang nangyayari. Syempre hindi pa rin makakalimot ang mga Pinoy na mag-enjoy sa snow activities tulad ng skiing, skating, o snow sliding. Diyan naman uli papasok ang "Filipino resiliency" pero hindi na dahil sa baha kundi dahil sa unexpected winter sa Pilipinas. Imagine kung ilang libong witty memes at videos na naman ang maglalabasan sa social media about snow in the Philippines. 

Dapat handa ang mga Pilipino sa bagong weather na ito kung magkataon man pero syempre may malaking problema ang mundo kapag nagbago ang climate natin kaya imbis na pangarapin ang snow sa Pilipinas, may malalapit naman na bansa na pwede nating bisitahin pag winter para ma-enjoy ang snow. Kaya ito ng Japan, China, o South Korea kaya imbis na snow ang i-wish upon a star bakit din na lang plain tickets or unlimited money. I-wish mo na yan! 

In the end, I would rather keep the sunshine! 🌞

Ang init minsan nakakainis, oo. Pero sa bawat araw na tirik ang araw, may naglalako ng halo-halo, may batang naglalaro sa labas, at may nanay na naglalaba habang nagkukuwento. Ang init, bahagi ng ating kwento bilang mga Pilipino. Maybe, just maybe, we don’t need snow to make our days magical. The warmth of the Philippines is already its own kind of wonder.

Sabado, Oktubre 4, 2025

Naki Pista sa Capiz


Minsan kapag walang magawa ay nakakapagsulat rin ako ng mga kwentong katatakutan sa aking mga malilikot na imahinasyon lalo na kapag tahimik ang kapaligiran. Gustong gusto ko rin talagang maging story teller ng mga horror stories. May mga personal stories din kasi ako na tungkol sa mga hindi maipaliwanag na bagay, mga panaginip na lang mapapaigtad sa pagkakatulog at paggising ay mabilis ang tibok ng puso at sobrang hingil. Itong kwento na aking nagawa ay tungkol sa magkaibigan magka business partner sa Maynila at magkaiba ang ugali, isang pilyo, walang respeto at mayabang at ang isa ay marespeto at madisiplina. Naglakbay sila sa probinsiya upang bisitahin ang lola ni Ramil upang i-claim ang lupang ipinaman ng kanyang lola para ipambayad sa atraso nila sa isang sindikato sapagkat kapag hindi nila ito nabayaran ay manganganib ang kanilang buhay. Dumating sila sa barrio, tatlong araw bago ang fiesta at marami silang nakilalang personalidad ngunit naglagay sa kapahamakan ng kanilang buhay at habang buhat na pagsisisi ng isa sa mga binata. Tunghayan natin ang kwento tungkol sa mga binatang... "Naki Pista sa Capiz"


Magkababata sina Ramil at Joey. Si Ramil, pilyo, bastos, at walang galang; si Joey nama’y kabaligtaran—magalang, mabait, at marunong rumespeto sa nakatatanda. Nagpatakbo sila ng maliit na negosyo sa Maynila ngunit ito’y nalugi. Sa kagustuhang makabangon, umutang sila sa sindikato na pinamumunuan ng isang kilabot na lalaki na si Dodong.

Ngunit dumating ang araw ng bayaran at wala silang maibayad. Takot ang bumalot sa kanila—kapag hindi sila nakapagbayad, tiyak na papatayin sila ni Dodong at ng kanyang mga tauhan. Dahil dito, napilitan silang bumalik sa probinsya ng lola ni Ramil, sa Capiz, umaasang matutupad ang pangakong pamana ng lupa.

Nagulat si Lola Fidela nang makita ang apo at si Joey, sapagkat hindi nagpaalam ang mga ito. Sakto pa na tatlong araw na lang at fiesta na sa baryo. Ipinakilala niya ang kanyang apo sa mga taga-baryo at sa kasapi ng samahang kanyang kinabibilangan, ang Samahan ng Puting Krus.

Lahat ng kasapi ay nakaputi, may simpleng anyo, at medyo jologs ang dating. Natawa nang todo si Ramil, nilibak pa ang kanilang kasuotan. Nagalit ang lider ng samahan na si Mang Eladio, isang matandang may matalim na titig, at pinagsabihan si Ramil:

“Diri niyo lugar, dong. Respetohon mo kami kay wala ka sa inyong balay.”

Hindi ito pinansin ni Ramil at patuloy ang kanyang kayabangan.

Isang araw, ipinakilala ni Mang Eladio ang kanyang anak, si Althea—isang magandang dalaga, mahinhin, at tila inosente. Agad itong niligawan ni Ramil, hindi dahil sa tunay na pagmamahal, kundi dahil sa kanyang malisyosong hangarin.

Habang namamasyal sina Ramil at Joey sa baryo, nasalubong nila si Althea. Inanyayahan sila ng dalaga na ipasyal sa dagat at bundok. Nang tanghalian, niyaya ni Ramil na sa kanilang bahay na kumain. Dahil wala si Lola Fidela, siya raw ang magluluto.

Ngunit may masama siyang balak. Nilagyan niya ng pampatulog ang pagkain nina Joey at Althea. Pagbagsak ng dalaga, isinakatuparan niya ang kanyang mabigat na kasalanan—hinalay niya ito.

Pagkatapos, nakakita siya ng baboy ramong umiikot sa kubo. Sa halip na alalahanin ang kanyang krimen, tinaga niya ito upang gawing handa sa fiesta. Ngunit mabilis ang baboy ramo; sugatan man, nakatakas ito. Pagbalik niya, wala na si Althea.

Natakot si Ramil—baka magsumbong ang dalaga sa ama nitong si Mang Eladio. Ikinumpisal niya ang lahat kay Joey. Nagalit si Joey at halos suntukin siya. Humingi ng tawad si Ramil, bagaman huli na ang lahat.

Kinagabihan, may tumawag sa kanila, nagyaya na mangahoy para sa fiesta. Sumama sila ngunit inatake at hinampas sa ulo. Paggising nila, nakagapos sila sa isang lumang bahay sa gitna ng kagubatan.

Marilyn Manson - Sweet Dreams (Are Made of This)

Dumating si Lola Fidela, luhaan at puno ng takot. Inamin niya ang katotohanan: si Mang Eladio at ang kanyang anak na si Althea ay mga aswang. Natututo silang magpigil ng kanilang pagkagutom, ngunit ang asawa ni Mang Eladio ay isang malupit na halimaw—at sa tuwing fiesta, kailangang mag-alay ng tao para makakain ito.

Ang baboy ramong muntik nang mapatay ni Ramil ay walang iba kundi ang asawa ni Mang Eladio, isang aswang na nagbabalatkayo.

“Hindi ko kayang ipahamak ang apo ko,” wika ni Lola Fidela. Pinalaya niya sina Ramil at Joey, ngunit pagbukas ng pinto, naroon na si Mang Eladio at Althea.

“Sabi ko na nga ba, Fidela. Hindi mo kayang tiisin ang apo mo. Sila ang iaalay ko sa aking asawa ngayong fiesta.”

Sa isang iglap, nagbago ang anyo ng mag-ama—nagkulay abo ang balat, naglabasan ang matatalas na pangil, humaba ang kanilang kuko, at nanlilisik ang kanilang pulang mga mata.

Sinabuyan sila ni Lola Fidela ng asin at pinatakbo ang dalawang binata. Binigyan niya si Ramil ng papel—ang titulo ng lupa at may kalakip na pera.

“Tumakas na kayo! Habang mahina pa sila!” sigaw ng matanda.

Ngunit nagmatigas si Ramil, ayaw iwan ang kanyang lola. “Ako ang may kasalanan! Ako ang dahilan nito!” Humagulhol siya ngunit hinila na siya ni Joey. Sa huling tingin, nakita niya ang kanyang lola na nilalapa ng mga aswang.

Nakatakas ang dalawa, nakarating sa terminal, at nakauwi sa Maynila. Pagkalipas ng ilang araw, pinuntahan nila ang address sa papel at natuklasan ang malaking perang iniwan ni Lola Fidela. Ang lupa, iniwan na lamang ni Ramil, sapagkat iyon ay nasa lupain ng mga aswang.

Samantala, nabisto ng mga pulis si Dodong at ang kanyang sindikato; nakakulong na ito at wala na silang inaalalang utang.

Nagpasyang baguhin ni Ramil ang kanyang sarili. Naging katuwang muli niya si Joey sa negosyo, at kalahati ng kinita’y binigay niya bilang bayad sa kaibigang nadamay sa kanyang kasalanan. Ngunit sa kanyang gabi-gabing panaginip, patuloy na bumabalik sa kanya ang imahe ng kanyang lolang nilalapa ng mga aswang—at ang mga matang pula ni Althea na tila nanonood pa rin sa kanya, naghihintay ng susunod na fiesta.

Biyernes, Oktubre 3, 2025

When Filipinos Rode the Tamaraw FX: A Ride Through Time

 


Welcome to another ride to nostalgia. Literal na babiyahe tayo ngayon upang alalahanin ang isa sa pinakamabisang commuting type of vehicle dito sa Pilipinas. Bago pa dumami ang Grab cars at mga UV Express vans, isa lang ang hari ng kalsada noon — ang Tamaraw FX. Bigla ko rin tuloy naalala ang pulang Tamaraw FX ng aking tito. Sa tuwing umuuwi kami ng probinsiya sa Bulacan o di kaya ay nagkayayaan ng biglaang outing, ang Tamaraw FX ang aming sinasakyan kasama ang buong pamilya upang mamasyal o bumisita sa aming mga kamag-anak sa San Miguel, Bulacan. 

Ang FX ay hindi lang sasakyan. Isa itong simbolo ng praktikalidad at samahan ng mga Pilipino. Disenyo ng Toyota, mukha itong pinaghalong van at jeep — parisukat, matibay, at maaasahan, kahit sa lubak o trapik.

Kaya nitong magsakay ng sampung pasahero maliban sa driver: dalawa sa harap, tatlo sa gitna, at lima sa likuran. Pero siyempre, kapag rush hour, may mga nagkakabuhol-buhol pa sa loob — basta lahat kasya!

Kung taga-Cavite ka, malamang alam mo ang mga rutang ito:

Dasma–Baclaran, Imus–Pasay, Tagaytay–Lawton, at minsan hanggang Alabang. Ang pamasahe noon ay nasa ₱25 hanggang ₱40, kaya abot-kaya talaga. Mas mura pa kaysa sumakay ng sunod-sunod na jeep.

Inside the FX, you’d find all kinds of people — office workers, students, mothers carrying groceries, and most of the time, regular employees or factory workers heading home. The air conditioning wasn’t always cold, but it was enough to make the trip comfortable — far better than sweating in a jeepney. Pero minsan sa Tamaraw FX merong mga hindi inaasahang amoy like amoy ng natuyong pawis, nakulob na amoy, sari-saring pabango may matapang, may katamtaman para itong fiesta ng kung anong mga pwedeng maamoy sa loob ng FX. Kaya paalala lang na lagi pa rin magdala ng face mask kung ayaw maranasan ang ganitong mga halimuyak na sumasama sa lamig ng aircon. 

And oh, the conversations! Sometimes, strangers became temporary companions:

  • Office gossip about bosses and crushes.
  • Small talk about traffic, politics, or teleseryes.
  • Kwentuhan tungkol sa problemang pamilya na naishashare sa mga kaibigan sa loob ng FX
  • Mga heartbreaks and horror stories na naiipon rin at naririnig sa FX
  • Away, galit at kalungkutan, halos narito na lahat ang kwento kung makakatiyempo
Pedicab - FX
Mga conversation katulad ng:

“Ay naku, si boss kahapon, galit na galit!”

“Napanood mo ba yung teleserye kagabi?”

At yung paborito ng lahat: “Kuya, paabot po!”

“Kuya, paabot po!” echoed as coins and bills passed hand to hand.

Sa loob ng FX, nagiging magkakaibigan ang mga estranghero — kahit sandali lang. Minsan may katahimikan, minsan may tawanan. Para kang bahagi ng maliit na mundo na umiikot sa iisang biyahe.

Today, the Tamaraw FX is rarely seen. Replaced by UV Express vans, Grab, and TNVS cars, it’s almost extinct. But for those who rode it daily, the FX remains unforgettable.

There was something special about its simplicity — no apps, no bookings, just you, your seatmates, and the shared rhythm of the road.

What do I miss most?

The honesty of it. The stories of strangers. The sense that even in traffic, you were never alone. Yung simpleng biyahe na walang app o booking, walang cellphone sa kamay — tao sa tao lang, kwento sa kwento. Ang Tamaraw FX ay paalala ng panahong mas simple, mas magaan, at mas may koneksyon ang bawat pasahero.

Huwebes, Oktubre 2, 2025

🐣 Tamagotchi: The Digital Pet Craze of the ’90s

 

The 90s Virtual Pet Craze

Let's confuse the Gen Zs again with this post. Sa mga kababata ko ng dekada nobenta naaalala niyo pa ba ang Tamagotchi? May mga natuwa, naging responsable at umiyak sa mumunting laro na ito noong dekada nobenta. Alamin natin kung bakit at paano tayo naimpluwensiyahan na maging maasikaso bilang mga batang paslit at hatid na aral sa atin ng laruang Tamagotchi. 

Kung bata ka noong dekada ’90, malamang nagkaroon ka ng Tamagotchi o naiinggit ka sa kaklase mong meron. Ang maliit na itlog na laruan na ito ay hindi basta-basta laruan lamang—parang simulasyon ng responsibilidad ito. Kailangan mong pakainin, linisin, at alagaan ang iyong digital pet. Para sa maraming batang Pinoy bago pa man dumating ang internet, naging isang pagkahumaling ang Tamagotchi na hindi lang nakakaaliw kundi nagtuturo rin ng disiplina at malasakit.

Tamagotchi was created in Japan by Akihiro Yokoi of WiZ and Aki Maita of Bandai. It was first released in Japan in November 1996, and by 1997, it had reached global markets, including the Philippines. The name “Tamagotchi” comes from the Japanese words tamago (egg) and watchi (a cute way of saying “watch”).

Dinisenyo ito bilang isang digital pet na nasa maliit na keychain na gadget. Ibinenta ito ng Bandai bilang pagsasama ng kasiyahan at responsibilidad—sakto para sa mga batang hindi puwedeng mag-alaga ng totoong hayop. Sa unang taon pa lang, mahigit 40 milyong Tamagotchi ang naibenta sa buong mundo, dahilan para maging isa ito sa pinakatanyag na laruan noong dekada ’90.

Simple pero nakaka-stress (sa masayang paraan) ang paglalaro ng Tamagotchi. Magsisimula ka sa isang itlog na mapipisa at magiging isang maliit na nilalang. Mula doon, kailangan mong:

  • Pakainin kapag nagugutom.
  • Laruin para maging masaya.
  • Linisin ang dumi nito (oo, dumudumi ito sa screen).
  • Disiplinahin kapag nagiging pasaway.
  • Patulugin kapag napapagod.

Kapag pinabayaan, maaaring magkasakit o “mamatay” ang Tamagotchi mo—at masakit iyon para sa maraming bata. Kaya’t napipilitan ang mga bata na bantayan ito buong araw, kahit sa klase ay palihim na sinisilip nila. Oh di ba sa simpleng laruan natututong maging disiplinado at responsable ang ating mga batang 90s. 

Bago pa man ang smartphones at social media, ang Tamagotchi ang nagbigay sa mga batang Pinoy ng panlasa ng virtual na buhay. Nakakaaliw ito, interactive, at kakaiba sa panahong wala pang internet sa mga bahay. Kung meron ka nito, para kang “in” o sikat sa klase, lalo na kung nakasabit pa sa school bag mo. Minsan binibigyan pa nga natin ng pangalan ang ating mga virtual pet. 

Para naman sa matatanda, nakakaaliw din ito dahil portable at kakaiba. May ilang magulang pa nga na palihim na nilalaro ang Tamagotchi ng anak nila. Bilang mga Pilipinong likas na maalaga at mapagmahal, nagkaroon tayo ng paraan para maipakita ang pagiging nurturing kahit sa digital na paraan.

Pagsapit ng unang bahagi ng 2000s, unti-unti nang nawala ang kasikatan ng Tamagotchi. Lumabas na ang mas modernong teknolohiya, mga cellphone, at kalaunan ay internet—kaya napunta ang atensyon ng mga bata sa iba. Kahit naglabas pa rin ng mga bagong bersyon ang Bandai, hindi na naabot ang kasikatan nito noong dekada ’90.

Buhay pa rin ang Tamagotchi ngayon, pero mas itinuturing na itong nostalgic collectible. Naglabas ang Bandai ng mas modernong bersyon tulad ng Tamagotchi On at Tamagotchi Smart na may color screen, Bluetooth, at koneksyon sa apps. Mas gusto na ng mga bata ngayon ang tablets at mobile games, pero ang mga kolektor at mga batang ’90s (na ngayon ay matatanda na) ay bumibili pa rin para sariwain ang kanilang kabataan.

Eraserheads - Tamagotchi Baby

Here are the Top 5 Pinoy Tamagotchi Memories:

1. Sneaking Tamagotchi into Class

Alam ko isa ka sa ganito. Hinding hindi kasi natin mapabayaan ang ating mga cute na virtual pets at napamahal na tayo sa kanila. Madalas dinadala ng mga bata ang Tamagotchi sa klase, nakatago sa pencil case. Naiinis ang mga guro kapag may biglang beep beep habang nagtuturo ng math.

2. The Great “Pa-Borrow” Culture

Karaniwan mong maririnig noon: “Pahiram, ako magpapakain sa Tamagotchi mo!” Parang pakikipag-share sa isang matalik na kaibigan ang pakikilaro nito.

3. Tamagotchi Keychains Everywhere

Nakabitin sa school bag ang Tamagotchi ng karamihan. Mas marami kang Tamagotchi, mas astig ka sa klase.Mas doble responsibilidad nga lang na parang ang dami dami mong anak.

4. The Heartbreak of a Dead Tamagotchi

Walang mas masakit pa sa pagbabalik galing recess tapos patay na pala ang Tamagotchi mo. May mga batang umiiyak pa talaga sa lungkot. Sinisisi ang kanilang sarili dahil napabayaan nila ang kanilang alaga. 

5. Trading and Collecting

Tulad ng teks, pogs, o trading cards, minsan nag-e-exchange din ng Tamagotchi ang mga bata. Ang mga bihirang kulay o espesyal na edisyon ay malaking yabang noon.

Tamagotchi wasn’t just about fun and games—it quietly taught kids life lessons. Ang pagkakaroon ng digital pet ay nagturo sa mga bata kung paano mag-alaga ng iba bukod sa sarili nila. Kailangan mong bantayan ito, pakainin, at linisin ang dumi. Para sa maraming batang Pilipino, ito ang unang pagkakataon na natuto silang maging responsable.

Tinuruan din tayo nito ng consistency at malasakit. Kapag pinabayaan mo ang Tamagotchi mo, maaari itong magkasakit o mamatay. Dahil dito, natuto ang mga bata na maging mas mapag-alaga at mapansin na ang mga kilos natin—o ang kawalan ng kilos—ay may epekto. Kahit “laruan” lang ito, totoo ang saya, pride, at lungkot na dala ng pag-aalaga dito.

Sa madaling salita, naging guro rin ang Tamagotchi—ipinaalala nito na ang pag-ibig at pag-aalaga, gaano man kaliit, ay nakakatulong sa paghubog sa atin bilang mas responsable at maaasahang tao. Tinuruan nito ang mga bata tungkol sa responsibilidad, nagbigay ng mga alaala sa eskwela, at nagpakita ng sulyap sa digital na buhay bago pa man ang social media. Para sa mga Pilipino, bahagi ito ng kabataan na puno ng simpleng saya sa panahong wala pang internet.


Miyerkules, Oktubre 1, 2025

Jack's Biking Chronicles: Cavite to Paco Park, A Ride Back to Memory and Mystery

 The ride from Imus, Cavite, to Paco, Manila is not just a physical journey but also an emotional one for me. I pedaled out early in the morning, passing through familiar arteries that connect Cavite to the heart of Manila. My route was straightforward but full of life:

Imus → Bacoor → Las Piñas/Parañaque (depending on road choice) → Pasay → Roxas Boulevard → Quirino Avenue → Paco, Manila.

This was a new kind of ride for me because usually I go to places like Binondo, Divisoria, Tondo, and Intramuros just looking for food trips. Now this is a different kind of vibe. Sinuong kong muli ang Maynila to find a new place at para na rin madagdagan ang aking kaalaman sa history. Meron mang may madilim na nakaraan ay naging maayos ang aking pamamasyal sa loob ng Paco Park. Nagkaroon ako ng interes dito simula noong napanood ko na featured documentary ang Paco Park sa KMJS. Gusto ko makita ang dating libingan ng ating pambansang bayani na si Dr Jose Rizal, ang libingan ng tatlong paring Gomburza, ang dating libingan ng mga mayayamang Pilipino noong panahon ng Kastila, ang libingan ng mga namatay sa cholera at ang misteryong puntod ng isang babaeng tatalakayin natin dito sa blog na to. 

This trip meant more to me than just reaching a destination. I was born in San Andres Bukid, not too far from Paco. Back then, our go-to market was Paco Market, where my family would buy fish, vegetables, and everyday needs. We lived as one extended family in Manila—busy, noisy, sometimes cramped, but full of warmth.

Biking back into this neighborhood felt like visiting my childhood. Every street corner reminded me of the days when Manila was both our playground and marketplace.



Ang Paco Park o Cementerio General de Dilao, ay itinayo noong unang bahagi ng 1800s bilang sementeryo para sa mga pamilyang Kastila na naninirahan sa Maynila. Nang lumaon, dito na rin inilibing ang mga biktima ng kolera at iba pang epidemya.

Isa sa pinakamahalagang bahagi ng kasaysayan nito: dito pansamantalang inilibing si Dr. José Rizal matapos siyang barilin noong 1896, bago dinala ang kanyang mga labi sa Luneta. Kaya’t hindi lang ito basta parke—isa itong tahimik na saksi sa pakikibaka ng bansa para sa kalayaan.

Sa gitna ng bilog na parke matatagpuan ang isang maliit ngunit napakagandang kapilya: ang San Pancratius Chapel. Inialay ito kay San Pancratius, isang batang martir mula sa Roma. Dahil sa katahimikan at ganda nito, madalas itong pinipili para sa mga kasalan at personal na panalangin, kahit na napapalibutan ito ng mga nitso at puntod.

Are there ghosts and other entities in Paco Park?

Because it is a cemetery, it’s natural that ghost stories abound. Many claim to hear whispers at night, the sound of footsteps, and even see figures wandering around the walls. Some visitors report a sudden drop in temperature, as if unseen presences are near.

Sa totoo lang, kahit maaliwalas ang panahon noong ako'y bumisita sa Paco Park ay nakaramdam ako ng pananayo ng balahibo at kilabot habang naglalakad at iniikot ko ang oval na libingan ng mga namatay sa kolera. Naroon pa rin ang ilang labi ngunit ang karamihan ay wala nang laman. Marami rin sanggol ang mga namatay at hiniwalay ang kanilang labi at nagkaroon ng sariling section, ang "Osario". Napakabigat talaga ng pakiramdam habang nililibot mo ang park, ramdam ang kalungkutan kahit masigla ang panahon, may mga anino na bigla na lang dadaan sa gilid ng mga mata mo at hindi maiiwasan ang amoy ng kandilang sumasaliw sa samyo ng hangin. 


Tatin DC - Hiwaga

Isa sa mga pinakatanyag na multo ng Paco Park ay si Margarita Miguel de Cobarrubias, isang mestisang Kastila na sinasabing namatay nang bata pa noong 1800s. Inilibing siya sa Paco Park, at hanggang ngayon ay may mga nakakapansin daw sa kanyang multo malapit sa kapilya—nakaputi, umiiyak, o kaya’y nakatitig lamang.

Sabi ng alamat, nagpapakita siya sa mga magkasintahan na bumibisita sa parke—tila ba paalala ng kanyang buhay na hindi niya nagawang mabuo. May nagsasabi rin na siya ay tagapangalaga ng mga kaluluwa sa sementeryo, habangbuhay nang nakatali sa lugar. Nangilabot ako nang husto nung lumapit ako malapit sa kanyang puntod. Kaunti pa naman ang bumibisita dito at hindi masyadong pansinin ang lugar. Ang tanging mga tao lang na naroon nung ako'y namasyal ay yung mga caretaker at mga guards sa bukana.

One of the things that made Paco Park extra special in the 90s was the “Concert at the Park” series. Every Sunday afternoon, the National Parks Development Committee (NPDC) would host free concerts inside Paco Park. I still remember how families, lovers, and students would gather there—some sitting on the grass, others leaning against the old cemetery walls, while local and international performers filled the air with music.

It was a cultural event that made classical music, kundiman, and even contemporary pieces accessible to ordinary Filipinos. For us who grew up nearby, it wasn’t just a concert—it was an escape, a way to enjoy the arts in a historic setting. Imagine violins and a rondalla blending with the eerie yet beautiful ambiance of the cemetery-turned-park. That’s Paco in the 90s—mystical yet alive with music.

Ang pagbibisikleta kong ito ay hindi lang pagbabalik sa mga kalye ng aking kabataan kundi paalala rin ng kung paanong minsang nabuhay ang Paco Park sa kasaysayan at musika. Mula sa mga multo ng nakaraan hanggang sa mga himig ng Concert at the Park, ang Paco ay nanatiling lugar kung saan nagsasama ang buhay at kamatayan, katahimikan at musika, hiwaga at alaala.

Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...