Huwebes, Abril 17, 2025

Kapeng Mainit sa Panahong Taglagkit

 

Magandang umaga, tanghali at gabi Pilipinas, nag kape ka na ba?

Summer sa Pilipinas 2025. Habang umiikot ang ating panahon pansin kong tila nadaragdagan na rin ang level ng alinsangan ng ating klima. Yung pakiramdam na unti-unti na tayong nagiging feeling close sa araw. Noong dekada nobenta kering-keri ko pa ang init  kapag napagkasunduan naming bumili ng Snacku at Pritos Ring sa tindahan ni Aling Meding kahit alas-tres ng tanghali. Oo, ramdam mo yung init pero hindi pa ganitong nakakapaso at nanlalagkit ka na animoy pandesal na pinahiran ng mantikilya sa pugon.. Darating pa ang maraming taon baka hindi na natin kayanin ang init na ito at talagang literal na masunog na tayo paglabas ng ating mga kabahayan. Ano nga kaya? Dumating kaya ang panahon na may mga protective suits na tayong isinusuot sa kalsada? 

Pero wag ka ibahin mo ang mga Pilipino kahit sa napakainit na panahon asahan mong hindi mawawala ang kumukulong kape sa tasa hawak-hawak ng kamay, paihip-ihip ng kaunti sabay lagok na parang nagchichill lang habang humahagod ang init at sarap ng barakong itinimpla sa lalamunan. Swabe ang aroma, ang init, ang tapang kahit sa 40 degrees na temperatura sa kwarto. Tayo lang ata ang lahi sa mundo ang kinahihiligan pa rin ang magkape kahit mala impiyerno na ang panahon. Hindi naman siguro abnormal ang lahi natin o sadyang nakasanayan na lang talaga natin na chillax na maiinum ang kape kahit sa maalinsangang klima. 


Naranasan ko rin naman na magtimpla at uminom ng kape sa katanghaliang tapat, pero hindi ko alam at wala akong rason kung bakit ba ako nagtimpla ng kape, trip ko lang lumagok habang nagsusulat ng aking mga blog post. Sa tingin ko, sa ganitong paraan ay nakakatulong siguro sa aking pag-iisip at pagtahi ng mga salita para makabuo ng isang magandang piyesa sa aking blog post. Pero, change me hindi ako yung uri ng taong kumukulo palang galing sa kapitera at pagkatapos lamang ng ilang segundong halo sa kape niya ay nakakalagok agad ng hindi na hinihipan. Hindi ako kapre. Walang sapat na kapangyarihan ang aking dila para damhin ang mainit na tubig na didiretso sa aking lalamunan. Ayaw kong lagyan ng toothpaste ang aking dila pagkatapos kong mapaso. 

Kung susuriin natin at pag-uusapan bakit nga ba masarap magkape kahit mainit?

Kagaya ng aking nabanggit, maaaring nakasanayan na kahit pa napakainit ng panahon ay balewala na sayo ito, dahil karaniwan mo nang ginagawa. Manhid na rin siguro ang dila mo sa tuwing lumalapat ang kakukulo lang na kape sa iyong esophagus. 

Dito sa pangalawang dahilan ay gusto ko muna batiin ang mga dakilang call center agents at ang mga nag-ko Kopiko 78 diyan sa madaling-araw sa tuwing dadapuan ng antok sa trabaho. Ang kape daw ay isang energy booster at hinahayaang labanan ang antok mo para hindi ka makatulog sa trabaho lalo na sa mga empleyadong panggabi ang  hanap-buhay. Ang kape ay may natural na stimulant na caffeine na tumutulong para manatiling alerto at hindi agad antukin at para na rin hindi ka bisitahin ni Freddie Krueger kapag ikay nakahimbing. Ang iba ay umiinom ng kape dahil sa health benefits nito. Ang tanong ko lang naman mas epektib ba ang benefits na yan sa tuwing katanghalian iinumin? 


Hindi ako eksperto pero sa tingin ko ang Pilipinas ang tinaguriang Coffee lover in Asia, tayo lang ata ang may kapasidad at kakayahan na uminom ng kape sa kainitan ng panahon. Kung ganoon man at maraming coffee drinker sa Pinas ay napakaswerte natin sapagkat ayon sa pag-aaral ay maraming benepisyo ang dulo't ng pag consume ng kape:

- Nariyan ang pampagising lalo na tuwing umaga o meryenda. Kape daw ang gigising sa naniningkit mong mga mata. Binabawsan nito ang ating pagkapagod at pinapatalas ang ating isipan. Ang tanging kahilingan ko lang ay sana damihan niyo ang maraming pag inom ng kape bago kayo dumirteso sa mga eskuwelahan sa darating na botohan. Maging matalas nawa sana ang ating pag-iisip sa taglay ng kape para sa ating mga ibobotong pulitiko sa halalan.

- Ang kape ay mayaman sa antioxidants na nagpapanatili ng malulusog na cells. Siksik liglig din daw ito sa B vitamins and minerals gaya ng manganese, potassium at magnesium. Kaya ano pang hinihintay mo, magtimpla ka na ng kape habang alas-tres pa lang ng tanghali. Mas mainit ang panahon, mas nakakatakam. 


- Ayon sa pag-aaral, ang kape ay nakakabawas ng tyansa ng heart disease. Dito naman ako hindi naniniwala sapagkat itinigil ko ang pag-inom ng kape dalawang taon na ang nakalilipas. Hindi maganda ang epekto ng kape sa akin sapagkat nagpapabilis ito ng tibok ng aking puso kahit wala naman sa harap ko si crush. 

- Sinasabi rin na kung iinom ka ng kape ay huwag mo lagyan ng asukal sapagkat nakakakatulong ito sa pag-iwas sa Type 2 Jabetis at sakit sa atay. Dapat laging bitter taste ang ating mga kape, kagaya ng nagbabasa nito ngayon.  

Ano naman yung Coffee Addiction?

Habang lumilipas nagkakaroon tayo ng tolerance para sa caffeine. Baka kaya yung iba diyan ay laging nang nakangiwi at nasobrahan na sa caffeine addiction. Ooops, wala po tayong pinapatamaan ha. Sa paglipas ng panahon, talagang nararamdaman natin ang pangangailangan na dagdagan ang caffeine upang manatiling alerto at makapag-concentrate. Hindi ito coffee addiction, ito ay coffee dependence.At dahil ang kape ay pampasigla, nagpoproduce ito ng happy effect sa ating kamalayan same feeling na naibibigay kapag maraming enerhiya at pagiging alerto. 

Pero wala naman talagang problema uminom ng kape kahit sa naglalagkit na panahon, pero nakadepende ang kaligtasan ng isang tao sa body temperature niya at caffeine sensitivity niya. Dahil nakapagpapawis ang mainit na inumin, nagkakaroon ito ng "cooling effect" sa katawan. 

Kapag mainit na panahon gusto ko lang sabihin na tubig pa rin ang mainam na inumin para sa tamang hydration. Aba'y palipasin mo muna yung init ng katanghalian bago ka mag coffee sessions. Tiyak naman na mas nakakaginhawa ng katawan ang malalamig na inumin kaysa kape. O kaya reinvent your way, alam kong sabik ka sa traditional coffee pero subukan mo lagyan ng yelo ang kape mo ngayong summer. Maiba lang. Pero siyempre kapag boomer ka talaga di mawawala ang hilig sa traditional coffee.

Ngunit sa paglipas pa ng dalawang buwan at nasa hindi kalayuan ang tag-ulan ay siguradong marami ang maeenganyong humigop ng masarap  at mainit na kape para mag-init ang katawan este, uminit ang katawan. 

Nagtanong ako sa ating mga "manginginom" (ng kape) kung ano ang kanilang dahilan kung bakit na-eenganyo pa rin sila uminom ng kape kahit sa panahong tag-lagkit. Ito ang kanilang prompt na sagot. Actually, tatlo lang silang tumugon hahaha. Gayunpaman, salamat pa rin. 

                                                                                            Destiny Palisoc - Kape


Mga reaksiyon:


Siopao ng Japan

"Yeah, hot coffee even in summer."

"I can’t start my day without a cup of coffee Hindi sya routine parang I’m one of those people na Hindi talaga nag f-function yung utak or yung katawan kapag walang kape"


Risse ng Cavite

"Hahaha! Ang sagot ko dyan, chinachallenge natin ang panahon"

"Bahala na mainitan sa kape"




Gino Paulo ng San Andres

"Masarap kasi kapag mainit yung unang higop mo parang gising na gising ka" 




Miyerkules, Abril 16, 2025

Mga Angel at Demonyo 2.0




Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba. 

Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? Ganun na ba katulis ang sungay ko para tanungin niyo ko ng ganyan? Kung ako'y inyong tatanungin hindi naman po sungay ang matulis sa akin. 

Alam ko rin naman na matagal-tagal na rin akong hindi nagagawi sa simbahan. Kadalasang dinadala ang buong pagkatao ko sa mga tagayan ng mga barako hawak ang bote ng Pulang Kabayo, tayaan ng Lotto Sweepstakes, o kaya'y sa bilihan ng porno. Kaya marahil hindi pinagpala ang aking kapalaran dahil sa mga kademonyohang ito. 

Ako'y naguguilty na rin minsan. Totoo na nakakaramdam ako na akoy nagkakasala at tila mula ulo hanggang paa ay natatakluban ako ng maitim na putik. Pero hindi naman ako taong bato na ganoon katigas ang puso. Hindi lang pagkatao ko ang matigas sa akin. Minsan isang taon, kapag malapit na ang Semana Santa ito lang ang araw na nakakapunta ako ng simbahan. Noon bago paa man mag Mahal na Araw ay nagpapatatak ako ng dinurog na uling na may basbas ng pari at itatatak sa noo kong nagbabaga sa gitna ng mga sungay na ito, masunog na kaya ako?

Pero hindi ko naman talaga kailangang magbalik loob kay Bro, este sa Panginoon, dahil hindi naman talaga nawala ang loob ko. At para paniwalain kayo ay magpapapako ako sa krus sa darating na Semana Santa, magpapahagupit ng latigo at ng walang sini-sinong kadena sa aking likod. Siyempre joke lang yun. Kapag ginawa ko yun parang sinabi ko na rin na titigil na ng pagkain ng kanin at nagmamantikang ulam ang mga kababayan kong Pilipino. 

Huwag kayong maniwala na naririnig niyong malapit nang sunugin ang kaluluwa ko sa impiyerno. Hilig ko lang talaga ang maglaro ng apoy. Naiingit ako sa mga taong bumubuga ng apoy, sumasayaw na may umiikot na apoy, at yung mga  taong kayang pasuin ang sarili nila na hindi man lang nasasaktan at mas kinaiingitan ko yung mga  taong humihigop ng kape yung tipong kumukulo pa lang at kahit sa tindi ng init ng panahon ay sing-bilis pa sa alas-kwatro ang pag-inom nito. Di kaya wala na silang pakiramdam at sanay na ang kanilang mga katawan sa init? Yung tipong easy na lang ang impiyerno sa pagsunong ng kanilang mga kaluluwa? Pero sobrang aliw ko talaga sa mga taong ito tuwing nakikita ko sa Tarantadong Pinoy noon, este Talentadong Pinoy pala, kahit di sila nananalo, kasi sobrang dalas na raw ng ganitong talento. Common na para sa mga hurado. Sabi ko nga, hindi sila mahihirapang mag-adjust kung sakaling hindi man sila sa langit mapupunta. 

At para mas lalong mapalalim ang aking pananampalataya, ako ay mag-aayuno. Alam kong hindi ito gaanong sakripisyo kung tutuusin. Sa mahal ng presyo ng bilihin ngayon aba'y mapipilitan ka talagang bawasan ang iyong nilalamon. Yung iba nga eh halos araw-araw na nag-aayuno.

Change me! dahil hindi ko kakainin kahat ng klase ng karne sa panahon ng aking pag-aayuno. Hindi ako titikim, hindi ko sasalatin o kahit singhot. At kahit pa yung karneng masarap pisil-pisilin ay iiwasan ko. 

Pagpalain nawa ako.

                                                                                          Wolfgang - Mata ng Diyos


Kailangan din magbawas ng luho bilang sakripisyo.Dapat na gayahin ang Tagapagligtas na namuhay ng simple at payak, ang pagmamahal na walang kaparis. Ang awa at pagmamahal niya sa atin ay walang katulad. Dugo, pawis, tubig at laman ang kapalit ng kanyang pagdurusa upang tayong lahat ay mailigtas sa kumukulong asopre at apoy ng impiyerno. Binigyan niya tayo ng pangalawang buhay paglisan natin sa mundong ito dahil sa pag-gapi niya sa kamatayan tayong lahat ay mabubuhay muli sa pagdating ng panahon at mahihimlay sa pag-ibig ng ating Panginoong Hesukristo habambuhay. 

Payak at simple, gusto kong isigaw ito sa pagmumukha ng mga buwitreng pulitiko, mga buwaya ng gobyerno at hindi sa akin sapagkat ako'y nabubuhay lamang ng simple at payak. Wala akong kapasidad sa buhay na namnamin lahat ang luho ng mundo. Hindi naman siguro luho ang magpagupit kung saan si John Lloyd o si Coco o kaya'y si Daniel Padilla nagpapagupit di ba?

Judge me.

Hindi ko masasagot kung ano ang tunay na sukatan ng tamang pananampalataya. Baka sakaling may dagdag puntos ka sa Maykapal kung sasali ka sa mga pabasa at senakulo, magprusisyon o magbisita Iglesia, o di kaya'y magpahagupit ng latigo sa madlang-pipol.

Pero sana maging sapat na muna ang tanging paraan ng pagsisisi na alam ko, ang maging mabait sa kapwa, ang magsakripisyo sa mga taong importante sa atin ngayon, at ang palagian nang magsuot ng karsunsilyo tuwing magsusurf sa Internet. 

Amen. 

Linggo, Abril 13, 2025

Piyesa para kay Ivana

 

'Ang aking Piyesa para kay Ivana'


Natapos ang pananghalian

Nagmumuni muni para antukin sa katanghaliang walang kulay

at saysay

Kanina ko pa tinititigan

ang lumang kalendaryo mo,

Ivana


Nangangarap, umaasa sa kawalan

O, gusto kong tabihan ka habang nagkakape

Gusto kitang ipagtimpla ng kape,

Kapeng magpapanatili ng init dito sa kanayunan

Nais ko rin sanang maramdaman ng aking kaluluwa

ang pagtingin ng iyong mga mapupungay na mata


Gusto kong malaman kung gusto mo rin ba ng mga tula

(o, gusto mo bang sulatan kita ng tula)

pareho ba tayo ng binabasa

pareho ba tayong may nunal

sa paa

Nais kong hawakan ang iyong kamay

Ikumpara ito sa init ng tasa ng kape




Sa init ng aking puso

Gusto kong sabihin sa iyo na kaya kong baliktarin ang mga titik at mga salita, 

piliting huwag gumamit ng tuldok at koma

para lang sabihing

iniibig kita

Itong sulat na ako lamang makakabasa, damdamin na hindi aabot kung nasaan ka

Pero tanging titig lang mula sa kalendaryo ang kaya kong gawin

nang hindi mo pa nalalaman.


Ikaw ang tanging daigdig sa apat na kuwadradong sulok

Naron ka't nagpapaalala ng araw-araw

Sa darating na tatlong daan at anim na put limang pag-ikot ng mundo

Sa pagtulog, sa paggising at paghigop ng kape

wala akong ibang tanaw, kung di ikaw

Ivana

Pero narito ako ngayon nakabara mula sa hangganan ng kalendaryo at katotohanan


#pantasya

#piyesa

#parakayivana

#landisatanghali

Linggo, Marso 9, 2025

Ball is Life: Ang bawat Basketball Court ay may Kwento

 

'Maraming kwento sa likod ng bola'


Mga 80 porsiyento na naging kaibigan kong lalake ay nakilala ko sa basketball court. Bata, matanda at teenager sila kasi yung palaging laman ng court kahit sa kainitan ng tanghali noong hindi pa nauuso ang tinatawag na mga "covered-courts". Napakadali lang magkaroon ng kaibigan sa larong ito kahit tumambay ka lang sa court at magkulang sila ng isang tao para maglimahan ay pagkatapos ng larong iyon ay may instant 9 new friends ka na at hudyat na yun ng pagkakakilanlan sa isa't-isa. Kadalasan aalukin ka pa ng mga yan ng ice-tubig at kung pop cola ang pustahan ay kasama ka sa paghahati-hatian ng softdrinks huwag lang kakalimutan na humingi ng plastik sa tindahan.

Ilang galos, pilay, tapilok at bali na rin ng mga daliri ang aking naranasan sa larong ito. Kung hindi ka na-injury sa larong basketball ay hindi ka talaga naglalaro ng basketball.

BASKETBALL COURTS

Maraming basketball court na rin akong nalaruan, mula sa half-court, whole court, court na inaalikabukan, court na baku-bako ang lupa, court na semento at court na malapit sa tabing ilog. Wag lang mapupunta sa Victoria court dahil ibang basketball ang ginagawa doon, biro lang.

KARLO TEVES HALF-COURT

Ciriaco Tuazon Street


Sampung taon ako noong una akong nakapaglaro ng basketball sa bahay namin sa San Andres Bukid Manila, pero hindi pa ito yung bola na karaniwang laki na ginagamit sa basketball katamtaman lamang ang laki sakto lang sa basketball ring na binili ni erpats at kinabit sa garahe. Nakakapaglaro lang ako kapag walang mga sampay pero maski na walang sampay eh hindi rin ako nakakapaglaro ng maayos dahil sa mga alambre ng sampayan kaya ayun tiyaga-tiyaga lang at para pagpawisan lang dribol doon, dribol dito kapag sawa na kadi-dribol shu-shoot ko na ang bola pero ay, tangina tumama sa alambre pasok na sana. Buti na lang at mayroon akong kaklase na ang pangalan niya ay Karlo. Hindi naman naglalaro ng basketball si Karlo pero mayroon silang basketball court sa loob ng garahe nila, malaking garahe at sementado kaya feeling ko talaga ay masarap doon magbasketball. Nagpabili ako kay erpats ng Mikasa ito yung tatak ng bola na sikat noon at opisyal na gamit sa PBA. Siyempre pagkabili sa akin ay nagpunta na ako kila Karlo at nagpaalam sa kanila kung puwede ba akong makapaglaro. Pinayagan naman ako at duon ako unang nakapaglaro ng maayos. Buhat-bola ako kung shumoot, bato-bato tae nga lang pero ang saya-saya ko kapag pumapasok yung batong tira ko. Minsan sinusubukan ko sa malayo sa guhit ng 3 point line pero wala ee mahina pa ang mga maskels at puwersa ko noon kaya ayun kapyos muntik pang matamaan yung nanay ni Karlo pagbato ko nung bola. Kapag nandoon lang si Karlo ako nakakapaglaro noong sumunod hindi na ako pinayagan maglaro dahil lagi nang may naka-park na kotse kaya balik na naman ako sa garahe namin na panay sampayan.

SAN ANTONIO DE PADUA QUADRANGLE BASKETBALL COURT

'Basketball court in our quadrangle back in my high school'


Ay, dito marami akong kuwento. Siyempre isa sa pinakagusto kong subject noon eh PE dito kasi kami nabibigyan ng oras para makapaglaro ng basketball at nakakapagbanat ng buto. Sabi ko nga hindi pa uso ang covered court noon kaya nagtitiyaga kami sa init ng araw. Hindi mawawala yung pabidahan sa basketball. High school na ako nung time na ito at paborito ko pa rin ang larong basketball. Si Shoji isa sa magaling sa amin at varsity ng aming eskuwelahan. Ayan kung mababasa ni Shoji ito inaamin ko na maganda yung shooting form niya hindi mismo yung shooting skills niya ha yung bitaw lang ng bola kasi alam naman natin ngayon na mas shooter ako sa kanya, lol! Mahusay si Shoji para siyang import kasi black man siya (racist) I mean mukha talaga siyang import at tsaka may height din siya. Siya yung lagi kong kaasaran at bash mate kapag naglalaro kami ng basketball sa half court. Ang lamang niya lang sa akin ay lumalay-up siya ng kaliwa ako kasi hindi ko kaya yun hanggang kanang kamay na lay-up lang ang kaya ko at tsaka nakakapag tap-board pala siya yung tatapikin yung board ng ring sabay lay-up. Oo na hindi kasi ako nagantimpalaan ng tamang dosage ng Growee para sa larong basketball. Pero ayos lang kasi alam ko pa rin naman maglaro nito kahit di maka lay-up ng kaliwa o makapag-tap board man lang.

Ang pinaka hindi ko makakalimutang pangyayari sa basketball ay noong sumali ako sa Sports Club lahat ng high school na sumali sa club na ito ay hinati sa apat na team kung baga mini tournament lang para maipakita ang aming camaraderie at disiplina. Shet tandang-tanda ko noon nung kalaban namin sila Shoji sa team niyang Arkansas ay hindi ko makakalimutan na sa akin ang unang 8 points ng team ko. Bale ang score 8-0 panay fastbreak at lay-up ang score ko noon ee kaya siyempre medyo proud lang ng kaunti sa sarili kasi kahit marunong akong maglaro hindi ko aakalain na ako ang unang makakaiskor at sunod-sunod pa. Ang masama lang, pota talaga I'm in the game ee at alam kong makakaiskor pa ko sa mga susunod na possession namin ang kaso walang-hiyang yan biglang umulan kaya ayun kansel ang game. Sayang!

'Asenso na yung school namin kasi may sarili na silang gym'


Uyy meron pa pala akong isang naaalala at kinikilig pa rin ako kapag naaalala ko. PE rin namin noon at wala kaming teacher sa PE kaya pinaglaro na lang kami ng basketball o kaya volleyball tapos yung iba tambay at kuwentuhan lang. Nagkataon na recess ng third year siyempre maraming manonood. Eto na, bola ng kalaban at itinira nila yung bola at na-rebound ng kakampi ko hiningi ko yung bola eh siyempre nakaharap pa ako sa kanya pagpasa niya sa akin pagkatanggap at pagpihit ko shet may tumawid pala sa gitna ng court mga babaeng third year. Taena, nabangga ko yung isa pero hindi ko napansin kung sino yun bale napaupo siya sa semento pero alam ko hindi naman ganun kalakas yung impact. Nag sorry ako na hindi ko pa rin nakikita kung sino siya inabot ko yung kamay niya at itinayo ko siya. Holy cow! nung nakita ko kung sino siya isa pala sa mga crush ko sa third year. Nung itinayo ko siya at magkahawak ang kamay namin marami na palang nakatingin at naghiyawan ng "Uuuuyyyyyyy"! Ayun hindi naman niya ako sinupladahan at nakangiti pa siya sa akin. Kilig to death talaga ako noon ee.. Ang sarap bumalik sa high school ng mga time na yun. Tropa siya ni Katya Santos kung kilala niyo si Katya ng Viva Hot Babes ngayon. Schoolmate namin siya dati. Third year siya at graduating naman kame sa St.Anthony School Singalong. Kung itatanong niyo yung itsura nung girl kamukha niya si Coleen Garcia.





SAN AGUSTIN ZONE 7, PARANAQUE HALF COURT

1997 nang lumipat kami ng bahay mula sa San Andres Bukid to Paranaque City. Hindi ko naman masyadong na-miss ang high school life ko kasi 4th year HS na ako nung naglipat kami ng bahay kaya doon na rin ako pinatapos nila ermats.

Sa Multinational Village kami nakatira sa Paranaque sounds like classy di ba? pero ang totoo niyan ay sa "gillage" lang kami nakakuha ng bahay na aming nirerentahan buwan-buwan. Sa loob kami ng village pero dun lang sa part na may mga barong barong at yan ay sa San Agustin Zone 7, dikit-dikit ang bahay dito pero hindi ako nahihiyang sabihin na squatter ito dahil mababait ang mga tao. Tatlong taon ko rin nakasama ang mga ka-basketbolan ko dito bago lumipat dito sa Cavite. Tuwang-tuwa ako kasi sa bahay na magkakadikit ay mayroong maluwang na puwesto ang basketball court sa gitna . Kalahating court lang siya pero okay na para makapaglaro ng maayos lagi ka nga lang maghuhugas ng paa pagkatapos magbasketball kasi paniguradong panay buhangin ka at kapag set na ang laro para kang nasa desert storm kapag kumakahig na ang mga tsinelas namin sa mabuhangin at maalikabok na court. Kaya minsan bago mag-umpisa ang halfcourt game eh kumukuha muna ang iba ng balde ng tubig para buhusan ang court kasi nagagalit yung mga may-ari ng bahay na malapit sa court dahil sa kanila napupunta ang alikabok. Hello nga pala kila Louie, Toto, Richard, Dodong, Fernan, Rico, Buboy, Tisoy, Boy Negro, Rommel at marami pang iba. Sabi ko nga sa inyo unang araw pa lang na ako'y naglaro sa court na ito marami na akong kaibigan.

MULTINATIONAL VILLAGE HOMEOWNERS COURT




Bilang teenager noon, ito ang pinakamasarap na weekend para sa akin. Sabado ng madaling-araw ay kakatok na ang mga kalaro ko sa aming pinto para sabihin na magbihis na ng panlaro at magjojogging kami papunta sa basketball whole court ng village. Gumuguhit lagi sa tenga ko yung tunes ng commercial ng Milo habang nagsisintas, "I'm getting ready, getting ready..." Hindi po sa pagmamayabang kasi meron talaga tayong pangmalakasan na edad kung saan hindi tayo agad napapagod at kahit maka-apat o limang set ka ng wholecourt game ay duon mo pa lang mararamdaman yung pagod. Eto rin talaga yung kalakasan ko sa larong basketball. Ang laro ko talaga ay panloob kahit maliit ako idol ko kasi talaga si Captain Lionheart Alvin Patrimonio ng Purefoods team sa PBA na ngayon ay Magnolia Chicken Timplados Hotshots. Trip na trip ko yung mga baseline jumper ni Kap at yung mga perimeter shooting niya at minsan kung mas maliit lang din ang bantay ko ay low-post ang inoopensa ko at gustong gusto ko kasi yung low-post at fake shot ni idol Alvin. Kapag kaya naman tumakbo ay kumukuha ako ng fastbreak at paboritong-paborito ko noon ang pag-steal sa inbound kapag ipapasa na unti-unti na aangat ang paa ko nun at tatymingan ko na yung pagpasa ng magiinbound. Pag nahuli syempre libreng lay-up titingin pa ko sa humahabol pero wala na lista mo na. "Okay, warning 5 na, tapusin na natin para makainom na tayo ng Pop Cola" -kahit Coke 500 talaga ang binibili.

I'm at my sweet 16 that time and this is my best performance in basketball lalo na pagdating sa mga pustahan cash man o softdrinks, kahit pa ice tubig pa ang pusta gagalingan natin para lang atin ang panalo. Masaya noon kasi jogging muna kami ang maririnig mo lang sa daan ay huni ng kuliglig. May time din na lakad lang tapos kwentuhan pa ng nakakatakot at may time din na hinabol kami ng aso may daan kasi duon na panay aso ang mga nakatambay pinili nila ang daan na yun kasi alam mo naman mga teenagers kahit noon pa mga thrill seekers.

Sa lahat ng nilaro namin sa court na ito ay minsan lang talaga kami natatalo kasi kabisado na namin ang mga laro namin alam kung sino ang tatakbo para sa fastbreak, kung sino ang may shooting at kung sino ang kayang depensahan ang scorer na kalaban. Nakakalaban namin madalas ang mga varsity players ng La Huerta high school at tsaka mga taga Olivarez. Natatandaan ko pa pala isang hapon biglang dumating sa court yung dating Ginebra player na si Leo Isaac ayun nakipaglaro siya sa amin at napasama ako sa larong limahan pero kalaban ko siya. Olats kami ang talas ng shooting ni Sir Leo sa three-point line pa lagi ang tira.

Ang dami kong alaala sa court na ito at lampas na ng sampung taon at hindi na ako nakabalik at hindi ko na alam ang bagong itsura ng court. Ni-reasearch ko at ang ganda-ganda na at covered court na rin.

CREDIT RIVERSIDE HALF COURT

Sa court na ito dapat matibay-tibay ang katawan mo kasi pagkatapos ng game talagang bibili ka ng salonpas. Dito sa credit lahat ng game ay pustahan kadalasan cash talaga minsan bente isang tao at 3V3 ang game. Malalakas ang katawan ng tao dito yung iba kasi sa construction nagtatrabaho kaya kapag natapikan ka ng bola sa kamay eh talaga nga naman mangangaray ka. Mahabang makitid na daan ang credit sa kaliwa mo ay palaisdaan at sa kanan mo naman ay open na ilog sa dulong daan doon nakatayo ang half court. Parang streetball sa Amerika ang itsura ng court nila sementado pero may harang ang kaliwang bahagi na yung parang harang sa streetball pero hindi masyadong mataas kaya minsan nahuhulog pa rin ang bola sa ilog. Sa kanang bahagi naman ay mga bahay na dalawang pulgada lang ang pagitan sa guhit ng outside ng court kaya puwede kang mabalandra sa mga pader ng bahay kapag tipong nagkaagawan at natulak ka sa sideline na ito mananakit talaga katawan mo kasi babalandra ka sa hollowblocks na hindi palitada ng bahay.

Olats kami palagi sa pustahan dito kasi madadaya ang kalaban lalo na sa iskoran kapag nakalimutan ang iskor binabawasan nila ang iskor niyo at sa kanila ang dinadagdagan. Wala kaming magawa kasi dayo lang kami at mahaba-haba ang tatakbuhin papunta sa safe zone puwera na lang kung gusto mong talunin ang ilog. Ilang beses na rin ako nawalan ng bola dahil nahuhulog sa ilog at tanda ko pa na akala ko ay kukunin ng bangkero at ibabalik sa akin ang bola pero hindi pala kinuha niya talaga ng tuluyan sabay sibat at paandar ng motor ng bangka. Pinaka worst court ever! Lol!

LIKOD-ILOG HALF COURT

Dito ako nakarami ng paltos bukod kasi sa alikabok prone area eh para ka rin naglalaro sa buwan kasi medyo baku-bako ang bato't semento. Pero masarap maglaro dito kasi dakot ko ang bola. Maliit lang na bola ang gamit namin maliit din kasi ang ring ng half-court na ito. Alas-kwatro ang laro dito at kapag kumpleto na ang anim na player sa tambayan puwede na kayo maglaro 3v3. Laging tatluhan lang ang players kasi hindi ganun kalaki ang espasyo. Yari lang sa kahoy ang board at nakakabit lang ang poste ng board sa sementadong gilid ng bakery kaya kapag nabalya ka paniguradong babalandra ka sa semento kaya panay "spot" o "outside shooting" lang ang ginagawa ko dito ayokong mag-layup kasi kapag sinabayan ka tutulpit ka talaga sa semento. Kahit ganito lang ang court na ito nagpa-liga pa nga si Toto Pandesal ang may-ari ng bakery para mas maraming bumili sa kanyang mga tinapay at mapansin ng ibang tao ang kanilang mga masasarap na tinapay. Kapag masyado nang maalikabok timeout muna kailangang diligan ang lupa para hindi masyadong naalikabukan ang mga nagpapamanicure at mga tsismosa sa kalapit na bahay. Hindi ko ikakaila na nanirahan kami sa squatter's area kasi napakasarap mabuhay dito at ang lahat ng tao ay may pakikisama. Ang hindi ko lang talaga gusto ay kapag nagkakalasingan na ang ilan sa mga goons kasi asahan mo na kapag nagtalo yan sa mga usapin nila maya-maya ay may magsisigawan na at naghahabulan na pala ng saksak. Yan lang ang ikinakatakot ko sa mga ganitong lugar. Di ko rin ikakaila na nagkaroon ako ng mga friends na adik. Hello friends! are you still alive out there?

IMUS SPORTS COMPLEX COVERED COURT

                                                 
Our Intramurals are held at the Old Imus Plaza


Nagtatrabaho na ako noon at nagtuturo sa kolehiyo nang makalaro ako dito sa covered court na ito. Naglaro ako bilang representative ng aming Faculty team laban sa aming mga students. Mga panahong kayang-kaya pa naman tumakbo ngunit nakakaramdam na rin ng kaunting hingal at mga pananakit ng katawan hehe. Arkilado namin ang court mula umaga hanggang gabi at isang linggo ito ginaganap kaya yung ibang students na sports minded eh tuwang tuwa at nakikita nila ang kanilang mga teachers and professors na nagbabanat ng buto sa loob ng court. Iba't-ibang games basketball, volleyball, table tennis, darts, at chess. 

BARCELONA BASKETBALL COURT






Ito ang present day basketball court ko. Lumipat kami ng Cavite taong 2000. Dito medyo rough ang naging basketball life ko. I was 19 years old that year and siyempre bago medyo nakaranas lang naman ng kaunting pambubully pero ayos lang dahil naging kaibigan ko na rin naman ang mga players dito. Ilang henerasyon na rin ng kabataan ang nadaanan ko at yung mga maliliit na batang nagshoo-shooting lang noong taong 2000 ngayon eh ang lalaking bulas na. Ang tawag sa akin ng mga kalaro ko dito ay "Kittles", tinawag akong ganito dahil na rin sa NBA jersey na pasalubong sa akin ni erpats galing abroad. Siya si Kerry Kittles ang rookie ng team ng New Jersey Nets pero kalaunan mas tinawag nila akong "Skittles", dahil nga siguro maliit lang ako kasing liit at kasing-bilog ng Skittles. Nasa kolehiyo na ako ng mga panahong yan at bawat pag-uwi ko at kapag maliwanag pa ang langit eh diretso agad ako sa court baka sakaling maka-isang set pa ng game. Dito sa Barcelona ako nakaranas ng maraming injury sa kamay, sugat sa tuhod dahil nadapa, sa paa, daliri at maraming beses na tapilok. Mga tsinelas na wala pang dalawang linggo eh pudpod na. Hindi pa kasi uso noon ang magsapatos kami kapag naglalaro at hindi pa covered ang basketball courts namin mula Phase 1 hanggang Phase 4. Naranasan ko rin ang mga larong pustahan na nakakathrill kasi baka masisi ka kapag hindi ka nakakadepense at kapag hindi mo nasu-sureball yung mga libreng open shot mo. Pera nga kasi ang nakataya. Mula bente isang tao hanggang sa singkwenta isang tao. Meron naman na softdrinks ang pusta kapag wala talaga ice tubig na malamig lang ang katapat. Nakadayo na kami sa Cherry Homes, Shelter Town, Citta Italia at Primarosa.

Ang basketball court ang nagsilbing pangalawang tahanan ko. Dito ako natuto ng disiplina at pakikipagkapwa-tao, dito ako nagkaroon ng maraming kaibigan, dito ako natuto na hindi lang talaga panay height ang basketball pero mas lamang talaga ang may height pero hindi yun daan para hindi mo mahalin ang sports na ito, dito ako nagsunog ng kilay este ng balat noong mga panahong hindi pa uso ang mga covered courts, dito ako nagkakalyo at nagkapaltos, dito tumibay ang aking mga buto at alam kong hindi dito matatapos ang journey ko sa mga courts na ito at alam kong mas marami pa akong malalaruang ibang basketball court. Tumanda man o lumabo ang mga mata, rumupok man ang mga buto at mawala man ang pulso sa shooting, mamahalin at pipiliin ko pa rin ang larong ito. Ito ang aking kwentong basketball kung saan ang bawat basketball court ay may kwento. 

Lumipas pa ang mga panahon. Nag iba ang hilig kong sports. Mas intense at mas maraming adventures.



Linggo, Disyembre 17, 2023

Karoling 2023: Patawad, Patatawarin at Wala!

                                     Do not be an Ebenezer Scrooge this Christmas season
 

Paborito ko ang pangangaroling bilang starkid ng 90s naranasan ko ito. Di naman alintana noon kung anong susuotin mo sa pangangaroling basta tatawagin na lang ako ng mga kabarkada kong tsikiting pagkatapos naminmaglaro ng teks sa kalye ay diretso na kami mangaroling kanya-kanyan dala ng epektus na instrumento sa pambubulahaw sa mga kalapit na bahay ay all set na ang kantahang pampasko. 

Garapalan noon. Panahon na para hatiin ang barkdada sa dalawang grupo para 2 times ang makokolektang pera. Duon namin hahatiin yan sa tindahan nila Aling Meding para rekta na ang gusto naming bilhin makakain o laruan. Simplier times has the best memories. Lata ng Nido o Birch Tree, mga tansang ginawang tambourine, pangit na boses at matitining na boses na pumupunit na animoy pumupunit ng yero, talino at diskarte yan ang puhunan namin sa pangangaroling!

Ang medley! 

  • sa may bahay
  • we wish you a Merry Christmas
  • kay sigla ng gabi
  • pasko na naman
Ganyan talaga ang pagkakasunod sunod kasi yan ang mga soundtrip check noon, klasik and traditional. 

                                                                    Siakol - Karoling


It was a different era that time, ang panahon ng nobenta. Sa mga panahong yan ang pampublikong pamasahe, cost of living (utilities, rent and daily expenses) ay hindi ganoon kataasan hindi katulad sa panahong kasalukuyan, and people were generally all loving and warm-hearted. Noon nakakaengganyo pa magbigay kasi may lugar pa sa pitaka niyo na maglaan para sa mga nangangaroling kahit bata ka o matanda okay lang mag-abot ng mga barya. Di katulad ngayon kahit yung pinakamaliit mong barya isasave mo sapagkat napakamahal ng bilihin. 

Sa panahon ngayon lahat sinapian ng lahi ni Makahighblood yung kalbong vlogger na nakasandong itim, nakaalpombra at laging nanghahamon ng away. Isang salita pa lang, "kaysigla... " sasampalin ka na agad ng "PATAWAAAD!", karamihan ngayon ay allergic na sa mga Christmas carols. Yung iba patatapusin muna kayo ng Christmas medley niyo bago kayo patatawarin. Wala naman kayong ginawang kasalanan binigyan na kayo ng kapatawaran. Minsan naiisip ko na sobrang hirap na ng Pilipinas kahit siguro yung bentsiko ay hindi na nila kaya ibigay at kadalasan na rin na itinatago sa lagayan ng barya. Hindi nga naman mabubuo ang piso kung walang apat na bentsingko. Ano pa nga bang silbi ng ating pangangaroling kundi ang "patawad" at "patatawarin" lang ang ating matatanggap? Baka muli na lang nating isilid ang mga epektus na tambol, ang tambourine at ang ating sintunado ngunit palaban na boses. 


Noche Buena song


Tanggapin na lang natin na sobrang nagbago na ang panahon ngayon hindi na katulad dati na tayo ay nabibigyan ng kahit kakaunti para na rin sa espiritu ng Kapaskuhan ang pagbibigayan. Malungkot para sa mga kabataan ngayon na panay patawad at wala ang natatanggap at hindi nabibigyang pagkakataon na makakakanta man lang. Hindi masaya para sa mga lumaki sa otsenta at nobenta kasi tanging henerasyon ng childhood natin ang pinakahuli na nakasaksi sa klasik at pinakasimple pero pinakamasayang panahon. 

Pero wag kayong susuko para na lang sa bonding at kasiyahan ng barkada tuloy niyo lang pangangaroling may magbibigay din diyan

Lunes, Oktubre 9, 2023

Nostalgic Landian Blues Highschool Edition

'You put the phone down first, ayoko nga, sige na sabay na tayo 1, 2....'
 

Pagkatapos ng ating huling blog na tungkol sa lugawan switching gears naman tayo at punta tayo sa ligawan. From lugawan to ligawan... Ligawan stage....haaay... wala nang sasarap pa sa buhay ng isang binatilyo kundi ang panahon ng ligawan pero this time ang pagkukuwentuhan natin ay sa panahon ng nobenta. Noon panahon namin ay hindi pa uso ang text messages. Nung bandang huli na lang nagkaroon ng ganoong convenience sa pakikipagligawan na nauuwi lang din naman sa bolahan kung sa text messages lang nanliligaw. Actually, noong college na lang ata 'yon. Ngunit noong kami'y nasa hayskul pa lamang ay "old school" kabaduyan ang gamit namin. Bago pa magsimula ang ligawan ay madami nang nangyayari sa utak ng isang binatilyo.

As early of six months before manligaw si binatilyo ay madami nang tumatakbo sa isip niyan. Ilang drafts na ng loveletters ang nagawa at pinunit kasi nabaduyan. Ilang pimpols na din ang kanyang pinutok para lang tumubo ulit sa parehong lugar. Kasi daw para kapag nakita ni crush isipin talagang inlab siya dito kaya hinahayaan lang ang tigyawat. Ang tigyawat daw kasi ang senyales na ikaw ay umiibig. Para sa impormasyon ninyong mga kababaihan, walang lalaki ang hindi dumaan sa katorpehan. Kapag may kilala kayong lalaki na nagsabing never siya natorpe sa babae, hampasin niyo agad ng bag sa pagmumukha sapagkat siya ay nagsisinungaling at nagpapanggap lamang na cool atmacho. Kahit si idol Aga Muhlack man ay siguradong torpe din nung siya ay binatilyo pa (haaay, Agaton..)

Tsokolate

Siyempre hindi mawawala yan. Kapag natiis mong hindi bumili ng Bioman na laruan sa ipon mong allowance ay maaari ka nang makabili ng desenteng tsokolate tulad ng Hershey's kung gusto mo ng imported at kung going Pinoy ka naman ay Serg's ang piliin may blue niyan, brown at red may choices ka pa o kaya bilhin mo na lahat. Kung wala ka naman pera at hindi ka din marunong mangupit sa magulang mo, sorry ka na lang. May Tsoknat diyan kina Aling Meding, piso tatlo. Samahan mo pa ng pop rice, baka pwede na kay crush. Pero ewan ko lang kung makahalik ka. 

Rosas

Red kung mahal mo siya at white naman kung friendship lang kayo depende kung anong lumabas sa resulta ng FLAMES. Ewan ko ba bakit may color coding ano yan MMDA traffic scheme. Pero sa buong mundo ay eto ang common na ligawan tool - ang bulaklak, na siya nga naman nakakaaliw dahil "bulaklak" ang tawag natin sa hiyas ng babae (kung nakakapagbasa ka ng Abante o Remate noong bata ka, eh siguradong alam mo ang ibgi sabihin ng "hiyas"). Kaya minsan noong kabataan ko naiisip ko na siguro kaya binibigyan ang babae gn bulaklak eh dahil gusto ng lalaki na ibigay naman ni babae ang bulaklak niya sa kanya. Parang trading cards lang noh. Yeaahhh!! (Sorry, na-carried away lang).


                                                                          Tonic - Sugar

There's still so much to talk about the Pinoy dating game - things like the long phone calls at night going to the morning light (telebabad), and not to mention the "you put the phone down first" lines - shet na malagket! Klasik! Ako ikaw, nanay mo at tatay mo dumaan tayo lahat diyan! Ang hindi ko maintindihan ay yung mga lalaking nagpapaalam pa sa babae kung "puwede ba manligaw?" Anak ng tupa! Eh pano kung sinabi niyang "hinde". Eh di nagtampisaw ka na sa kanal! Ah basta! Galing ko magsalita akala mo taken eh noh. 

Moving forward lahat tayo dumaan sa pagiging torpe. At ako na yata ang isa sa mga pinakatorpe. Noong bata ako siyempre hindi ko inaamin na torpe ako kasi hindi ako magiging cool nun. Pero ang totoo, napakatorpe ko. Talagang dumaan ako sa pamimilit ng mga barkada ko na gumawa na ko ng "moves". Yung tipong tatlo na yung humihila o tumutulak sayo para malapitan mo lang 'yung crush mo o yung gusto mong ligawan. Halos lumuwag pa lalo yung maluwag ko nang tshirt i masira yung polo ko kakapilit sa akin ng mga barkada ko. Ang palagi ko pang linya eh, "Wag na tol! Nakakahiya.." Sasabihin naman nila, "Wag ka nang matorpe baka may mauna pa sa'yo,'kaw rin magsisisi". Sagot ko naman, "Sige tol mamaya, bwebwelo lang ako". Yan palagi ang sinasabi ko pero hindi ko naman talaga itutuloy tapos lalayo layo na ng konti sa kanila baka kasi kaladkarin na naman ako nakakahiya talaga.

Stuffed toy

Yan talaga ang isa sa pinaka-klasik na binibigay ng manliligaw. Kadalasan binibigay 'yang mga yan kapag Christmas, Valentines o kaya birthday ng babae at ang uri ng stuff toy na inireregalo ay teddy bear. Eh dati boplaks pa naman tayo eh. Hindi natin naiisip na manligaw tayo sa panahong walang okasyon para makatipid at hindi na kailangan mag regalo. Titipirin mo talaga ang baon mo paramakapag-ipon. Kailangan mo palagi mag-baon at hindi ka na magsosoftdrinks at makikiinom na lang sa pulang Coleman ng kaklase mo. Pero kapag na-tyempo ng Christmas ang panliligaw mo, ok na budget mo. May panregalo ka na kasi may makukuha kang pamasko. Iisipin mo na lang kung anong stuffed toy ang gusto niyo. Wag kang magbibigay ng hotdog na stuffed toy kasi baka isipin na pilyo ka. At dito na papasok ang bespren ng babae.

Best friend 

Kahit gaano kapanget si bestfriend at ugali niyan (swerte mo na lagn kung maganda rin), kelangan mo pa rin magingmabait sa kanya dahil kelangan mo siya (pero kadalasan talaga panget siya eh, joke lang mga bestfriend hehe). Kaya ihanda mo na lahat ang pekeng ngiti sa kanya. Sa kanya mo malalaman anghalos lahat ng gusto ng nililigawan mo kasi siya ang bespren eh. Kung anong meron yung nililigawan mo meron din siya tulad ng suklay,c ologne, pamaypay, atbp pati braces kung may braces yung nililigawan pati si bespren meron medyo iba lang dating sa kanya. Kapag nginitian ka niyan para ka na rin nginitian ng piranha. Dapat maging close ka sa kanya dahil siya ang magsasabi ng mga gusto ng nililigawan mo, Kailangan mo ipakita lahat ng kagandahan ng ugali mo dahil lahat ng makikita sayo ng bespren niya, maamang inirereport nya lahat yan sa nililigawan mo. Eto share ko lang, Napapansin ko lang dati eh 'yung bespren pa 'yung mas nagpapapansin sa'yo na kala mo sya yung nililigawan. Kadalasan ganun di ba? Pansin ko lang. 

'Yan lamang ang iba sa marami pang kasama sa ligawan stage noong dekada nobenta. 

Yung nagtuturuan kung sino ang unang magbababa ng telepono klasik yan. Pero tingin ko kapag nakipagturo siya sayo kung sino ang magbababa ng telepono may gusto din sayo yung babae atm ay pag-asa kang makamit ang matamis niyang buko este "oo". Kaya good sign yun. Eto pa hindi mawawala to. Malamang talaga i-lelettering mo 'yung pangalan ng nililigawan mo sa likod ng notebook, libro o kahit saan mang papel. Minsan nga kasama pa pati apelyido. At sinusubukan mong palitan ang apelyido niya ng apelyido mo. Ayieehhh ang baduy!

Nakakakilig talaga ang ligawan noon dito ko talaga nakita yung kung anu-anong kabaduyan eh. Kanya-kanyang taknik talaga.


                                                           Atlantic Starr - Secret Lovers

Actually hindi naman talagaligawan ang nangyayari most of the time. Mas maraming pagpapacute lang at pagpapanggap ang mga feeling pogi na lalake kapag may mga gusto silang maging syota. Syota talaga ang old school term noon kumpara sa tawag ngayon na "jowa". Nariyan ang may maglalagay ng gel (na tigatlong piso, yun may kulay puting logo ng ulo ng tao). Ako Suave ang gamit ko nun e, para may shiny effect kaya kapag nagpunas ka ng pawis sa muka kakalat yun pati muka mo may shiny effects na rin. Tapos Ivory 'yung sabon ko para mabango. Last but not the least Bench 8 ang pabango ko o kaya kapag wala si erpats eh nakikispray ako ng pabango niyang Drakkar. Oh yesss hunk na hunk na school boy repa. 

Nauso pa talaga 'yung buhok na hinahati sa gitna eh. "Biakers" ang tawag samin don, may iba naman "Keempee". Kapag pumunta ka sa barbero, sabihin mo lang, "Bob Cut po" at alam na niya na ang gupit mo e 'yung mayhati sa gitna at iiwanan ka ng bangs. May halong "undercut" na rin yan, para paghagod mo sa buhok mo e makikita 'yung inahit na bahaging nakatago. Tapos gagawin mo 'yung move na yun everytime na dadaanan mo yung crush mo sa klasrum, o kahit habang nag-uusap kayo.

Lalake: (hagod buhok) Hi Jenny. May assignment ba tayo sa Math?

Babae: Meron. 

Lalake: Peram naman ng notebook mo o. (hagod bukod) Pakopya. (with kagat labi)

Yari na! Tumeknik na! May matatapang talagang hindi na dinadaan sa bespren ng babae ang pagpapapogi e. Saka usually naman e pangit nga ang bespren ng babae, baka mag-feeling pa na sila yung nililigawan. 

Stationery

Papel at envelope na mabango. Ang sarap amuy-amuyin. Kahit gaano pa kapangit ang sulat ni lalake e pilit niyang pagagandahin para umakma sa pagiging presentable ng stationery. Susulatan niya ito ng mga mushy message na talagang nakakakilabot. Yung ibang mga matatapang naman e talagang gagawa ng tula. Tula amputa.

Bukas na polo

Yung kita ang sando. Para makita ni babae ang payat na katawan ni lalake. Mas macho daw kasing tignan kapag kagagaling lang niya sa paglalaro ng agawang base tapos kapag pawis na pawis na eh dadaan-daanan niya yung crush niyang nakaupo malapit sa pinaglalaruan niya para ipakita ang polong bukas sabay hagod rin ng buhok. Swabe. 

Vandals sa CR ng lalake 

"Rose love Jack" - taenang yan. Yung pangalan pa talaga ng babae ang nauna e, parang siya pa yung may crush sa lalake!

Suave. Pabangong hiniram kay tatay. Rubbermaid comb. High-cut boots, at Biakers na buhok pwede ka na maging loverboy niyan. 

Yan lamang naman ang mga kabaduyan ng aming henerasyon. Pero isang malaking Congratulations sa mga torpe noong dekada nobenta pero napasagot nila ang mga nililigawan nila hanggang ngayon. Mabuhay kayo!

Linggo, Oktubre 1, 2023

Throwback to the Hot S-EX

'Lalong sumasarap and SEX kapag marami ang kasama'

Habang dinidilaan ko sa sarap ang ice cream na ito ay pilit ko naman inaalala na may halong kilig ang init, lapot at kasarapan ng mga panahong ako'y nakakapag-SEX pa. Opo mga giliw kong mambabasa ang huli kong pagnanasa sa SEX ay kasama ko ang aking mga high school classmates at lagi namin itong ginagawa tuwing uwian. Kapag narinig na namin ang bell na hudyat ng pagtatapos ng klase ay pumupunta na kaming lahat sa aming hideout para makapag SEX na puwedeng mabilisan at puwede rin bagalan na may kuwentuhan at sigawan. Anim kami minsan walo kung gusto nila magtawag ng iba, the more the merrier ika nga. Lalong sumasarap ang SEX kapag marami ang kasama at lalo na kung baguhan sa aming circle of friends. Ang pinakagusto ko na parte ay yung sinasabihan ko siya na pakidampi muna ang itlog ko bago niya kainin. Ibinibigay ko talaga sa kanya ng buong-buo ang itlog ko at hindi naman kasi talaga ako madamot sa aking itlog. Tuwang-tuwa naman ang kaklase kong babae sa tuwing taos pusong pag-aalay ko ng aking itlog para ilagay sa kanyang lugaw. 

Alam kong diring-diri ka na kaya eto na ang tunay na kwento. Isa sa pinaka past time namin noong dekada nobenta ay ang pagmemeryenda ng LGBT, oh di ba mas nakakadiri pero mali ang nasa isipan mo na naman yan ay ang Lugaw, Goto, Baboy at Tokwa sa SINANGAG EXPRESS na katapat lamang ng aming eskuwelahan noon kaya naman talagang instant bogchi ang nagaganap sa tuwing matatapos ang klase namin kay Mr Dones ang aming guro sa Values Education. Naalala ko pa na nagkaroon kami ng stand-off kay Mr Dones dahil sa kalokohan at kakulitan ng aming klase at hindi niya kami pinauwi at halos tatlumpung minuto na ang nakakalipas simula nang tumunog ang bell kaya yung mga oras na yun ay nabitin ang aming lugaw sessions. Hindi ako nakasali sa session kasi sa malayong lugar pa ako ng Paranaque umuuwi at bawat oras ay mahalaga para sa akin dahil sa rush hour ang sasagupain kong oras. 

Natatandaan ko pa nga noon na binansagan nila ako na "boy goto" dahil sa paulit-ulit na order ng goto with egg. Nakakaasiwa lang kasi malayo ka pa lang sa loob ng campus kapag nakita ka nila ay sisigawan ka ng "Boy Goto", putangina naman nakatingin yung crush ko sa labas ng pintuan ng klasrum nila ang baho naman ng pantawag niyo sa akin bakit di na lang Romnick Sarmenta o kaya Jao Mapa kasi yan daw ang aking mga kahawig noon. Yan ang sabi ng mga classmates ko na laging palakol ang grado pero ok lang kasi at least meron silang sense of humorna tawagin akong Jao o kaya Romnick. Shet!

Nakakamis ang kumain ng lugaw sa Sinangag Express noong dekada nobenta kasama ang mga kaklase mo. Superb ang mga kuwentuhan, tsismis at kung anu-ano pang paksa ng usapan, tawanan, halakhakan sa bawat higop ng lugaw, goto at pag nguya at ngasab ng tokwa, itlog at lamang baboy sa aming mga kinakain. Mas lalong sumasarap ito sa panahon ng tag-ulan. Kanya-kanyang timpla, diskarte sa sarap at pagtantiya sa paglagay ng suka, toyo, kalamansi, sili at minsan hot sauce. Mas nasisiyahan naman ang may-ari ng SEX sa tuwing may narerecruit kaming bagong kaklase namin. 

Simpleng alaala pero walang tapon na kasiyahan ang nadarama tuwing kasama ang mga barkada. Kasabay ng pagpupugay at pag-aalaala na ito ay para sa aming brad na laging naka Speedo bag, brush-up hair, pula ang labi dahil sa Lipps candy at naka Bench 8 na pabango na taga Makati. Kung nasaan ka man Alvin ay sanay masaya ka diyan at nawa ay maraming goto at lugaw sa iyong kinaroonan. Hanggang sa muling lugaw sessions kaibigan, brad!

Twisted Halo - "Brad"

In Memory of Alvin Pineda, 1981-2021 


Miyerkules, Setyembre 13, 2023

Reminiscing the Good Old Days of Yahoo Messenger


Started with ASL's and CTC's so many love stories and friendships built here

Kung puwede ko lamang suriin ang aking buhay pabalik sa nakaraan ang pinakamaraming oras siguro na nagugol ko sa pagbababad sa Internet ay dahil sa Yahoo Messenger. 

1997 noong unang inilabas sa mundo ng Internet ang Yahoo Chat. Ito na nga ang siguro ang pinaka past time na hobby ng mga ka-dekada nobenta natin at unang beses na nakipag socialize ang karamihan sa pamamagitan ng chatting. Noong panahong yan wala pa naman akong computer at ang peyborit past time ko lang siguro noon sa edad na kinse ay pumatay ng langgam, mang hunting ng langaw gamit ang fly swatter. Wala pa rin kasing mga smartphones noon, mga app, social media websites at kung anu-ano pang kinababaliwan ng mga tao sa kasalukuyan. Basta ako okay na sa akin ang mang masaker ng langgam na pula hindi yung itim na mabibilis kasi suwerte daw yun at bad daw kasi yung mga pulang langgam bukod diyan masakit mangagat. Ipinagpasalamat siguro ng langgam na tinigilan ko ang pag-massacre sa kanilang colony nung unang nabilhan ako ni erpats ng computer at dito na rin ako natuto magkuskos ng ISP Bonanza card ilagay ang code na hinihingi sa modem at presto! pwede ka na makapag Internet. Masaya na noon kumabit lang ang connection mo sa internet. Kapag tumigil na yung ingay ng modem at nagdilaw na yung smiley face ni Yahoo ay okay na yun pwede na magsearch ng porn. Oopps half-joke lang. 

Para sa mga Pilipinong nasa hustong edad at nakapagbasa ng good 'ol Yahoo major announcement noong 2016 ang pagtigil ng Yahoo Messenger sa mga operasyon nito ay parang parakamatay na rin ng isang nostalgic friendship, Napakaraming memories ang nilisan sa pagkawala ng aming one and only tambayan at stress reliever. 

Ang Yahoo Messenger ang pinakamabisang paraan upang palawigin ang mga social relation na nagagamit rin sa eskuwelahan upang makipag usap sa bawat kaklase maaaring one on one o di kaya ay ang tinatawag na group chatting. 


                                         Hall and Oates - You've Lost That Lovin' Feeling



Paano ko nga ba ilalarawan ang environment ng Yahoo Messenger?


Kadalasan sa mga computer noon kasama na ang mga unit sa computer shops kapag nagbukas ka ng system unit ay kasabay na nagloload ang log in window ng Yahoo Messenger at malalaman mong naka Connect ka na sa Internet kapag dumilat na yung gray na icon ng Yahoo messenger at naging dilaw na smiley face na ito pwede ka nang mag log in with those weird Yahoo ID's back in time and just put in your password at presto! puwede ka nang makipaglandian at makipag usap kani-kanino. Kasabay ng pag log in sa Yahoo messenger sigurado akong nakalog in din ang Friendster mo at My Space. Sure din akong nagtatanong ka noon kung anong email address niya para makita mo kung itsura ng kausap mo sa chat at hahanapin mo yun sa Friendster. Ganyan ang cycle ng landian noon sa social media. 



Para makahanap ka ng makakausap kailangan mong pumili ng papasukan mong chatrooms kadalasan sa Regional ako pumupunta at pipiliin ko siyempre ang sariling bansa at doon napakaraming chatrooms na puwede mo pasukin pero kadalasan ang tambayan ko ay sa mga rooms ng Metro Manila Barkadahan meron yang MMB 1 to MMB 60 ganyan karami ang puwede pagpilian kaya marami ka talagang makikilalang iba't ibang personalidad sa pakikipag chatting. 



STEALTH OFFLINE MODE

Isa sa mga option kapag ikaw ay maglolog-in sa YM application ay ang pagpipiliang "Mag-sign in bilang hindi nakikita ng lahat". Nananatiling tulog ang icon ng Yahoo ibig sabihin ay maaaring hindi ka gumagamit pero ang katotohanan ay naka log in ka pero hindi ka nakikita ng mga ka-chat ito ay para hindi ka maistorbo ng kung sinoman, o maging "stalker" mode. Kung naka offline ka pero nakita ka ng kasintahan mo na nasa ibang room lang at may nilalandi ka doon ay alam na ang kasunod na tagpo. Dito na magsisimula ang online drama. Totoo yan kasi hanggang ngayon ay umiiral pa rin ang tinatawag na online relationship lalo na noong early 2000s. 

ONLINE STATUS WITH HYPERLINKS

Bukod sa karaniwang status sa chat kung available or busy ang gumagamit maaari din i-customize ng mga user ang kanilang status depende sa kung anong gusto nila. Ang mga pariralang tulad ng "BRB", "Do not disturb". at maging mga quotes ay puwedeng gawing status sa yahoo messenger. 

BUZZ!

Limang minuto ka nang hindi pinapansin ni crush? I-Buzz na yan. Schoolmate or project mate na walang ginagawa at nag-aaksaya ng oras mo? Buzz mo na yan! Masyadong maraming oras sa pagitan ng mga pag-uusap, o natigil sa awkward na sandali? I-Buzz mo! 

Ang buzz ay ginagamit para magpapansin kapag naantala ang isang paguusap pero minsan kapag si crush ang kausap bigyan mo siya ng panahon siguradong kapag buzz ka ng buzz kay crush puwedeng mabwisit sayo yan at magtago sa pamamagitan ng stealth offline mode at hindi ka na kausapin. 

CHAT USERNAME

Tanda mo pa ba ang ginagamit mong username noon? Pagandahan yan ng username noon maaaring hango sa mga cartoons, anime o kung ano man ang uso noon. Isa pa sa features ng yahoo messenger ay puwede kang mag experiment ng kulay ng text kapag nagchachat, Kaya napakakulay noon ng mga chatrooms dahil sa mga ganitong features. 

MGA AVATAR AND YAHOO AUDIBLES


Ang mga digital na representasyon sa anyo ng mga avatar ay mas cool at hipper kumpara sa paggamit ng aktwal na imahe ng isang tao. 

Maaari mong i-customize hindi lamang ang pisikal na anyo (mukha, buhok, kulay ng balat, atbp.) ang iyong avatar kundi pati na rin ang damit at accessories at maging ang background at lugar.

Karaniwang makakakita ng profile picture ng isang taong may avatar noon ay ang nakasuot ng tank top at shorts habang nasa beach. 

IM WINDOWS

Nakupo baka mamali ka ng rereplayan baka si crush no 2 ang mareplayan mo imbis na si crush no 1. Sa Yahoo chat noon mayroong multiple instant messaging windows ang puwede mong mabuksan lalo na kung ikaw ay hari ng pakikipagchat  at kaya mong replayan lahat ng kinakausap mo sabay-sabay.

MESSENGER THEMES

Mula sa iba't-ibang kulay na skin, default na font, laki, kulay ay puwede ma-customized ang magiging itsura ng kabuuan ng iyong yahoo platform. Pero ako I keep the original theme na purple sa aking yahoo messenger. 

At lumipas pa nga ang maraming panahon at tuluyan nang nabaon ang ating mga mensahe ng mga masasayang alaala sa Yahoo Messenger. Hindi mailalarawan ng salita kung gaano nagpapasalamat ang isang henerasyon ng mga Pilipino sa Yahoo Messenger at ang bumuo sa likod nito. Maaaring naglaho na ang YM, ngunit ang hindi mabilang na naka-archive na mga pag-uusap, mga kaibigan, mga naging kasintahan online at mga matatamis na alaala ay hinding-hindi malilimutan.

Salamat Yahoo Messenger. March 9, 1998 - July 17, 2018. 

Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...