Martes, Oktubre 28, 2014

Aswang Association Inc.



'Ano ang nasa dako pa roon...?'
Anong akala nyo mga toda at homeowners lang ang mga may asosasyon? Diyan ka nagkakamali. Dito sa Ubas na may Cyanide iisa-isahin natin ang mga miyembro ng Aswang Association Inc. Sila yung nagbigay takot sayo habang tayo ay mga bata pa at kasalukuyang lumalaki. Nakalakihan na natin ang mga katatakutan at hiwaga kung sila nga ba ay tunay na nag exist sa mundong ito o sadyang gawa lang ng ating malikot na imahinasyon.

ASWANG


Ang mga aswang ang labis na kinatatakutan dahil sa likas na anyo ng mga ito. Kung meron ga silang asosasyon na lelevel sila bilang Presidente at lider. Sila yung pinakamataas na uri g creatures of the night. Ang aswang ay general term at nahahati bilang mga witches o mangkukulam, bampira, mananaggals, nagbabalat-kayo o shapeshifters, tiktik at mga halimaw. Sa probinsiya ng Quezon ang tawag sa aswang ay "bal-bal" o "maninilong". It comes from the rootword "silong" kung saan favorite na hunting ground ng mga aswang ay sa ating mga silong. Kaya siguraduhin niyong walang butas ang inyong mga silong at laging gumamit ng Vulca Seal para wala siyang malusutan ng kanyang dila, lalo na kapag may mga buntis. Dahil ang aswang ay takam na takam sa sanggol na dala ng Ina. Sa mga kwentong Filipino maraming nabibiktima ang aswang na buntis, pinahahaba ng aswang ang kanyang dila sa silong para kunin ang fetus na nasa  tiyan pa ng Ina. Gayun na din ang pagkamatay ng Nanay dahil binubutas ng aswang ang tiyan upang makuha ang sanggol. Trip na trip nila kumaen ng fresh na apdo at puso ng mga maliliit na bata. Sa gabi maaari silang mag bagong anyo into a creatures katulad ng pusa (siyempre laging itim, sanay na ko sa mga pelikula ni Mother Lily), baboy (actually baboy-ramo para hardcore), at ang pinaka common ay aso hindi ordinaryong askal, kung di malaking aso basta hindi pangkaraniwan (pero siyempre laging itim para ramdam talaga ang forces of evil empire). Kahit pa raw noon sa panahon ng Kastila, marami nang sightings ng aswang at dahil dito ang mga Espanyol na mismo ang magsabi na ang aswang talaga ang pinaka kinatatakutan na dark creature sa Pilipinas.

MANANANGGAL


Buti sana kung manananggal ng lakas ng isang lalake pero hinde. They described as "hideous" and "scary" maihahalintulad sa bampira pero mas malaki ang dipirensiya kung ikukumpara. Itong  mga ito kaya nilang hatiin ang katawan mula bewang at yung upper part astig dahil nagkakaron sila ng pakpak na parang sa logo ni Batman. Pero bago mahati ang katawan meron silang ritwal na ginagawa. Sa tuwing manonood ako ng horror films about manananggal, gustong gusto ko yung scene dahil medyo steamy at hot. Nagpapahid sila ng langis sa buong katawan, na habang parang niroromansa ang sarili, habang merong naninilip at yung naninilip na yun ang unang mabibiktima. Yan ang problema sa pelikula ni Mother Lily alam mo na ang susunod na mangyayari. Hanggang sa tuluyan nang mag transform ang ating manananggal, bigla na lang siyang papangit at magkakaron ng dugo sa bibig habang lumalapad at tumutulis ang mga pangil at kuko. Hardcore diba? Astig! Tapos nito lilipad na siya na parang flying ipis at maghahanap ng magbabalot sa gabi para mabiktima at ubusin ang dugo. Bakit kaya hindi na lang siya mangholdap sa blood bank ng Red Cross? Pwede naman siguro siya mag request ng blood bags kay Rosa Rosal. Ahhh pano sila mapupuksa, alam ko yan! Kailangang mong hanapin yung kaputol ng katawan. Nasa bahay lang niya yun palagi at laging naka standing ovation. Isang spices lang ang kinakailangan. Ang ASIN! Oo asin pero hindi yung ordinaryo required na kasi ng Department of Health dati Sen. Juan Flavier ang IODIZED SALT tanda mo pa ba yung kanta? "Mag iodized-salt, mag iodized-salt tayo" paulit-ulit yan at nakakarindi. So yun lang, napaka basic pumatay ng manananggal di ba? No worries parang papatay ka lang ng bulate dahil bubudburan mo lang ng asin yung kaputol na katawan niya at dahil dun hindi siya makakabalik hanggang abutin siya at sikatan ng araw. Kaya teypok si MANANG nanggal. Minsan ga di ko maikspleyn, dahil bigla na lang sumasabog yung katawan nila pag nasikata ng araw. Ewan ko lang, baka may chemical reaction. 

MANGKUKULAM


Ito pa ang isa sa pinaka nakakatakot, ang trip naman ng mga ito ay magbigay ng sakit sa katawan mo na walang kagalingan sa pamamagitan ng mga evil spells. Maaring gumamit sila ng litrato mo, buhok at mga bagay na pag-aari mo para ka nila makulam. Pero ang pinaka medium na ginagamit nila ay  manika at karayom. Kung saan ituturok ang karayom sa manika duon ka makakaramdam ng kirot at sakit sa katawan. Kaya yung mga selfie selfie mo sa Facebook nako ipagdedelete mo na at baka may maiinggit at ipakulam ka pa. 





MAMBABARANG


Kung gusto mo ng kadiring paraan ng pagkamatay, dito ka kay aleng Mambabarang. Maihahalintulad mo sa kulam, pero gumagamit sila ng mga magical insects para saktan ang mga mabibiktima. Insekto na lalabas na lang sa ilong, bibig o kaya tenga, tiyan o puwet. Mga insektong katulad ng langaw, bangaw, bulate, gagamba, tipaklong, ipis at kung ano-ano pang creepy crawlers. Puwede ka ring tubuan na animoy mga pigsa sa katawan at mula duon maglalabasa ag mga isektong nabanggit. 






NUNO SA PUNSO


This is literally goblins o duwende. Karaniwang nakatira sa lupang animoy maliit na bundok oh yung tirahan ng mga langgam. Kapag aksidente mo daw matapakan ang kanilang bahay, puwede ka nila bigyan ng kamalasa sa buong buhay mo at bigyan ka ng sakit na walang kagalingan. Sa buong aspeto ng buhay mo taglay ang kamalasan na iyon, maaaring sunod-sunod na pagkamatay ng mga mahal sa buhay, pagkawala ng trabaho at lovelife. Kaya iwas na iwas ako diyan sa punso na yan wala na nga akong lovelife eh, baka habambuhay pa ko bigyan ng kamalasan sa buhay pag-ibig. Kapag daw dadaan ka malapit sa punso, puwede ka manghingi ng permiso para hindi mo sila magambala. Sasabihin mo lang ang mga katagang "Tabi-tabi po." Kapag nabiktima ka ng nuno sa punso ay puwede ka mag-alay ng dasal at manok, hindi po Chooks-to-go o Chickenjoy ang kailangan nila ay live chicken at gigilitan yun sa leeg at iaalay ang dugo sa punso. Kumbaga, peace offering. 

TIYANAK


Ang grupo ng mga sanggol na hindi nabigyan ng baptism rites bago sila mamatay. Sa kanilang paglisan sa mundo ng hindi pa nabibinyagan, mapupunta sila sa Limbo, parte ng Impyerno kung saan ang mga taong hindi nabinyagan at namatay ay dito mapupunta at maari silang mag transform bilang mga evil spirits. Ang tiyanak ay puwede ring mga aborted fetus na bumabalik para maghiganti sa mga malalanding Nanay na pinili lang magpakasaya at kapag nabuntis, putangina, walang-awang pinalalaglag ang bata sa sinapupunan at mas piniling patayin ang sariling anak. Hindi man lang pinasilip ang mundo sa kanyang sariling dugo't-laman. If tiyanaks see a human, they will transform into what looks like a normal baby. At kapag lumapit na ang mabibiktima at hawak na ang sanggol, bigla na lang magbabagong anyo at kakainin ang kanyang biktima.

TIKBALANG


O taong-kabayo, half man-half horse. Ulong kabayo pero katawang tao na may six pack abs. Ang totoo niyan inggit ako sa katawan at tangkad ng tikbalang. Malaki ang pangangatawan at macho. Yun lang mukang kabayo. Iba ang trip ng mga ito, medyo makamundo dahil gumagala sila sa gabi at nangrereyp ng mga babaeng natutulog. Hindi pisikalan na reyp dahil ginagawa nila ito ng hindi sila nakikita at parang sa panaginip lang. The raped women will then give birth to more tikbalang. Ag tikbalang din ang gumagawa para maligaw ang ilang mga nasa bunndok at forest areas particularly mga mountaineers. Mapaglaro ang mga tikbalang sa tao, dahil may kakayahan silang pasukin ang isip ng tao para mag-imagine ng mga bagay na hindi totoo. Sometimes a Tikbalang can drive a person crazy. At kasabihan din ng mga lolo at lola natin na kapag umuulan habang tirik ang araw sa katanghalian, meron daw kinakasal na Tikbalang.

KAPRE


Parang mga taong-grasa at marurumi yan ang bagay na tag para sa mga kapre. Malahigante ang laki at nagtatago sa malaking puno ng akasya na merong hawak na tabako at mapupula ang mga mata. Kapre scares away children who play at night. Kapag natigil ka raw sa isang lugar na hindi mo alam, ang siste pinaiikot ikot ka lang at napaglaruan ka na ng Kapre. Pero meron naman daw pangontra, ang kailangan lang ay baliktarin ang iyong T-shirt at suotin mo para mapunta ka sa tuwid na daan papunta kay NoyNoy, gawin yan para hindi ka na maligaw. Hindi ko lang alam kung pati salawal o brief kailangang baliktarin. Puwede mo yan gawin kung sa tingin mo hindi epektib ang una.

BAL-BAL


Ito ay isang halimaw na nagnanakaw ng mga bangkay sa punerarya o sementeryo para gawin hapunan. The "corpse-eater". Malakas ang kanilang pang-amoy sa mga bangkay na katawan. Meron silang matutulis na kako at ngipin para sirain ang damit ng namatay. Since kumakain sila ng bangkay, sobrang baho ng hininga ng mga ito.

At yan muna sa ngayon ang ating mga miyembro ng Kapisanan ng mga Aswang ng Pilipinas. Hanggang sa muli, at sana'y harinawang makatulog ka sa gabing tahimik. Talasan ang pakiramdam at laging magdadasal dahil isa rin sa kalaban sa pagtulog ang BANGUNGOT.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento