Huwebes, Abril 10, 2014

"Ano'ng Gusto mo Paglaki mo?"

Ano'ng Gusto mo Paglaki mo?

Anong gusto mo paglaki mo? Sa ganyan natin tinatanong kung hanggang saan masusukat ang mararating ng isang indibidwal na nag exist dito sa Planet Earth. At wag ka walang batang Filipino na hindi sinagot ang katanungang yan. At nasagot. Maliban sa akin. Oo sa akin!

Noong panahon ng kamusmusan, nung edad na uso pang tinatanong sa mga bata ang "paglaki mo ano ang gusto mo maging?" May patlang ang bawat sandali, pag ako ang tinanong.

Ewan.

Dahil ba sa hindi ko alam. Hindi ko ba alam kung ano ang gusto ko? Wala ba kong pakealam sa sinasabing pangarap o kinabukasan? Hindi ah. Marami nga akong gusto eh. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit iisa lang ang puwedeng sabihin, yun bang pipili ka ng pinaka the best.

 OO isa lang. Walang option. Walang choices. One question. One best and final answer. Parang final answer mo na ba yan? Who wants to be a millionaire ang sagot.

Eh paano nga kung iba-iba. Tsaka paano kung ibang iba ang nasa isip nila? Hirap na hirap akong sagutin yun. Dahil baka hindi magtugma yung sasabihin ko sa gusto nila akong maging. Mahirap na baka sila ma-dissapoint. Hirap kasi lito, hirap kasi dahil ano, eh ano bang paki mo, hirap sagutin kasi may pagtataka... 

OO. Lalo sa pag-aaral hindi mo naisip nag-aral ka ng Grade 1 eenrol ka pa uli sa Grade 2, 3, 4, 5? Bat ba may ganun parang laro lang na kailangan ng level up.

Tatanungin ka pero sa school naman pauli-ulit din naman ang ginagawa: ABCDE, AEIOU, 1,2,3,4,5......
Paulit-ulit na nga hirap pa rin ako matutunan. Namamaga ang kamay ko sa kasusulat ng pangalan ko tsaka bakit ba minsan kailangan pa daw naka slant? hindi ba puwedeng diretso na lang eh halos magka stiffneck nako dahil nakatagilid din ung muka ko habang nagsusulat. Pambihira! Grade 1 palang hard level na agad. 

Pahirapan dahil maraming arte sa eskuwelahan. Minsan si Supernanay ka allied pa ng teacher, kailangan ko raw matutunan yun, ang alin? yung magsulat na naka slant? Bakit? magagamit ko ba yan sa pagtanda? Kaya siguro pati buhay ng tao tabingi dahil sa pagtuturo ng slant na pagsulat. Minsan kailangan pa bayuhin ng patpat ng kawayan ang kamay mo matutunan mo lang. Hindi ko namalayan dahil sa hagupit natuto din naman ako magsulat pati na rin magbasa. Tapos magbilang. Tapos maligo na rin. Paulit-ulit yun diba? Kung magmintis man, may bagyo na o kaya holiday at walang pasok.

Pero gusto ko rin naman sa school andun ang ata ang matamis na mabolo. Poor man's apple, mabalahibo yun. Kailangan lang ikuskos sa damuhan para makain. Lasang kamote pero may tamis ng mansanas. Malaking puno, ang kalaban mo lang higad pag nagapangan ka yari ka, dahil magkakamot ka magdamag ihanda mo lang ang  Caladryl. Madali ding akyatin at puwedeng pagtaguan pag hinahanap ka ni mam at sir dahil magrereport ka sa harap ng klase.

Sana puno na lang ako ng mabolo o di kaya higad. Hindi para hindi ako tanungin. Paglaki ng mabolo, mabolo pa rin eh. Tsaka hindi ako matatanong, puno ako eh. Hindi sasagot. At excuse ang walang imik, puno ka nga kasi. Pero malay ko ba kung naguusap-usap din ang puno. Pero out na yung gusto nila paglaki.

Ewan! please wag ako, iba na lang.

Hindi sa hindi ko alam ang isasagot pero sadyang sumasayad ang kaba, kabadong-kabado. Tipong kasabay ng pintig ng puso ang kaba. Ayaw ko ng ganung feeling, yung tipong lalakas ang kalabog kapag mag-aattempt akong sagutin na yun. Kaya ang nangyayari, hanggat makakaiwas nga ako sa magtatanong ay iiwas ako.

Sa una madali umiwas, ngiti-ngiti ka lang, tapos yung mata mo ibaling mo pakaliwas o pakanan taas baba mo itong gawin na may panaka-nakang baling sa nagtatanong tapos ngiti ka lang ulet. Tsaka mo i-extend ang panga mo at kagat-kagatin ang labi. Sabayan mo ng pinahabang  aeeeeennggggggeeeiuuuummmmmnnmmmmmmmm...Kailangan bata ka ha. Baka ngayon mo gawin, lalabas pa na ikaw ay may sayad.

So, anong gusto mo paglaki mo?

Pwede naman din, pagtanong, turo mo agad ang mas bobo mong pinsan or kahit sinong slow na alam mong slow, "Siya muna" sabay turo at wag mo na ibaba ang kamay yung tipong nagtuturo ka ng suspek sa isang krimen, panatilihing nakaturo para mahiya siya at tuluyang sagutin...

Pero kapag sinagot agad, "kung ano gusto mo paglaki"? Pulis! Bago pa man humanga ang nagtatanong unahan mo na agad "pulis-pulis eh supot ka pa nga wehhhh" Sabay tawang papilit para magtawanan din ang mga kalaro mo. Epektib yun. Lumayo ka nga lang ng ilang distansiya, kasi noong ginawa ko yun, sinapok agad ako. Ako pa ang umiyak.

Pero wala ng dadaig sa pagtakbo. Kahit sa ano, ang takbo ay laging panalo. Pag tinanong ka "anong gusto mo paglaki?" Takbo agad.

Wag kang babalik.
Hangga't hindi ka nagugutom.
Malayong-malayo
Gawin mo yan 3 beses, tiyak ko hindi na tatanungin ng tiyuhin o tiyahin mong pang-asar.

Eh ano bang gusto ko paglaki?

Pag na-corner na talaga ako noon, ginagaya ko na lang din yung sagot ng iba pang mga bata. Kung may sumagot ng bumbero, ganun din ako. Pag tinanong kung bakit, sagot ko "para may katulong siya, di naman niya kaya pumatay ng apoy mag-isa eh." Pero sa loob ko nung kung ako na lang ang taga-sunog para may gagawin ang bumbero? Eh kung ako na lang ang magnanakaw para may gawin ang pulis? Eh kung ako na lang ang maysakit para may gamutin ang doctor? Hindi nga lang puwedeng isagot yan. Mapapalo ka.

Pero magpasa hanggang ngayon, gusto ko pa rin yung gusto ko sa paglaki.

Pakiramdam ko kasi ako lang ang may gusto nun. Natatakot ako baka kasi paluin ako, o baka mapagtawanan. Gusto ko man ipagmalaki pero hindi ko alam kung saan may pag-aaral ng ganun. Sa TV ko lang kasi napapanood. Wala din akong ideya kung may trabahong ganun sa probinsiya namin.

Hindi ko lang talaga alam kung merong ganun sa amin. Ewan. Wala kasi akong nakikita, secret kasi yun. Kahit naman sa mga palabas hindi sila nakikilala at misteryoso. Pero kung sa kilos talagang hahanga ka kasi magaling! sobrang galing! At kung sa pag-uugali at disiplina mas daig pa ang sundalo. At higit sa lahat ang kapangyarihang taglay walang papantay kundi kapwa lang din nila. Totoo yun.

OO. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung maaalam ko lang at mabibigyan ng tsansa iiwanan ang trabaho ko ngayon. Iniisip ko pa rin. Gusto ko talaga.

SIGE HANDA NA AKO! Kahit ano pa ang sabihin niyo. Kasi alam ko rin naman kahit papano, sa ilang bahagi ng buhay nyo nagnais din kayo nito. E di baka pareho lang tayo. Baka iba lang ang pinatunguhan ng mga buhay natin sa kasalukuyang panahon.

So ano nga ang gusto ko paglaki?
Paglaki ko gusto ko maging isang NINJA!
ikaw?
Ano'ng gusto mo paglaki mo?

Miyerkules, Abril 9, 2014

A Trip to Downtown Quiapo (Ang kwento ng isang Lakwatsero)

Trip to Quiapo 
Gala! Lakwatsa! Stokwa!yan ang buhay ko noong dekada nobenta, oo masama daw ang palaging taong-gala yung tipong akala mo lagi kang kasali sa Amazing Race na kailangan mong magpunta sa mga lugar na malalayo, yung tipong wala nang uwian sa bahay at panay happy time na lang sa paglalakwatsa sa kalsada. Sa totoo lang hindi masama ang pagagala nakakadagdag impormasyon o kaalaman pa nga ito sa mga travelers dahil nakakapag explore sila sa isang lugar at marami silang nadidiskubra tungkol dito. Nagiging pinsala lang naman ang paglalakbay ng isang magagala unang-una lalo n akung estudyante ka pa, alam kong sanay ka sa cutting-classes o cutting trip nuong hayskul pero alam ko rin kaya kayo tumatakas dahil boring ang teacher na subject na yun magturo sa mga oras na yun. Pero cannot be borrow one from two mali pa rin. Pangalawa kung bakasyon mo naman sa eskuwela kailangan naman syempre tumulong ka sa kay Nanay na maglinis ng lababo, kwarto at palikuran nyo bago ka naman mag-ala Dora the Explorer sa pagliliwaliw. O kung gusto mo naman ng tour guide sa paggagala humanap ka lang ng taong grasa dahil alam nyan panigurado ang paikot-ikot sa Maynila pero para sure magdala ka na rin ng cellphone yung may GPRS para hindi ka maligaw, nakakahiya taga MAynila ka na maliligaw ka pa sa sarili mong lungsod.

Pero let's go downtown to the main course ika nga, Naranasan mo na bang mag travel mag-isa? Naka-ikot ka na ba sa mga lugar na di mo pa napupuntahan? Natakot ka bang hindi ka na makabalik at maligaw? Dyahe naman kung magiiwan ka ng tracks o marks para hindi ka maligaw noh ang alam ko kasi sa mga masukal na gubat lang yun ginagawa. Hindi naman jungle ang lungsod pero maraming tao na asal hayup. Mag-iingat ka nga lang lalo na sa mga buwitre at buwaya dito.

Bago pa man maitapon sa Kabite, nagtagal ako ng labing-siyam na taon sa Maynila, tatlong taon sa Paranaque at kasalukuyan nasa Cavite hindi ko na sasabihin kung ilang taon nako sa Kabite at baka mag-ala Mathematician ka at ikompyut mo pa ang edad ko. Sa lahat ng lugar na napuntahan pinaka the best ang pagtigil sa Maynila sa may bandang San Andres, Bukid kung di mo pa rin alam sa Malate at kung di mo pa rin alam ma-Google Map ka nalang nyeta! Probinsiyano ka kasi! Pero joke lang baka di ka na magtuloy magbasa ng blog ko eh. My lifetime of gala never ended in Manila especially teenage days kung saan mapusok, walang takot, complete energy from A to Zinc, walang pakealam sa oras at kapanahunan nila Maskman, Bioman at Ultraman actually sa knila ko nakakakuha ng lakas ng loob. Isa sa mga famous destinations ko ang mga mall ang Harrison Plaza sa Taft, Quad Mall sa Makati, SM City Manila, mawawala ba ang Luneta Park, Manila Zoo kung gusto kong  bumisita sa mga tropang Urangutan, Paraiso ng kabataan malapit din sa Manila Zoo na ngayon naging Paraiso na ng Rugby boys at kung ano-ano pang  masasamang elemento, sa Cultural Center kung saan masarap magpagulong gulong dun arkitekto ng buiding na parang slide sa kaliwa at kanan, makipag badminton sa taong-grasa kapag walang makalaban actually PE days nung hayskul kapag di ko trip mag PE gagala lang ako sa likod ng cultural center at maghahanap ng kalaro hanggang sa matyempuhan ang isang taong-grasa na full battle gear makipag tennis. Pero higit sa lahat na napuntahan at napadpad ako ang pinaka gusto ko at binalik balikan ay ang Downtown Quiapo!

Pure heart Manileno na may pusong Mexican dahil sinapian ko ng espiritu ni Dora the Explorer sa paglalakwatsa. Quiapo is usually portrayed and identified as one of the notorious districts of Manila. Sa lahat naman ng lugar lahat mayroong dark elements, dark past. Naging pugad ng mga snatchers, naging playground ng mga Magdalena at minsan na ring naging tading places ng mga droga, adik at mga halang ang bituka. Pero lahat ng yan binalewala ko, musmos na teens pa lang naman ako nun eh kaya hindi nila ako aanuhin at halata naman sa muka ko na walang yaman sa aking ngiti at alam nilang mahirap lang akong kabataan na mahilig lang mag-istokwa. Proud pa nga yang mga yan eh kasi nka uniporme ka ng eskuwela at alam nilang di ka pumasok at nagcucutting lang. Gusto nilang bad ka diba. Gusto nila rock on and join the forces  of evil empire. Pero di ako ganun boring lang talaga si Mam at Sir.

Pero despite of the obscene scene in Quiapo you have to open your eyes and see the beauty wag lang lahat masama. Kung merong lugar na kumpletos rekados na matatawag wala ng iba kung di QUIAPO! Just feel the vibes and blend in. Quiapo is beautiful. Marahil sa Quaipo makikita yung iba't-ibang paniniwala at relihiyon kung saan ang Kristiyano at Muslim ay magkasama sa isang lugar. Pero ang pinaka puso ng lungsod ay ang Minor Basilica of Nazarene or simply the Quiapo Church isa sa pinakamatandang simbahan at pinaka popular sa Pilipinas at dahil na rin sa imahe at nagmimirakulong Poong Mahal na Itim na Nazareno. Kada ika-siyam ng Enero ang kapistahan, kung saan  lahat ng deboto ay magsasama-sama bilang taunang prusisyon. Lalake, babae, bata matanda amy ipin o wala may social status, at may propesyon, artista o mambabatas ay sumasali sa prusisyon umaasang makahawak sa Poon sa animoy karagatan ng tao, kailangan makalapit ka at maipahid mo ang dalang bimpo sa katawan ng Poon. For whatever prayer, purpose, belief or wish ang lahat ng deboto ay winawagayway ang kanilang panyo habang kumakanta ng "Nuestro Padre Jesus Nazareno" paulit-ulit. Dahil kapag nakapahid ka daw sa katawan o paa ng Poon maari kang mag-wish pero sasamahan mo siyempre ng dasal para dinggin ka ng Poon at iyon ay matutupad.

Pagdating naman sa foodtrip, marami talagang mabibili sa Quiapo. Pero hinding-hindi ko makakalimutan noong bata ako, tuwing pagkagaling namin ng simba ni Ermats across the street andun ang Jollibee, masasabi kong espesyal ang Jollibee na yun dahil sa pagkatagal na ng panahon andun pa rin sila walang nagbago at tuloy ang service. Sa tuwing makikita ko ang Jollibee na yun naaalala ko ang kabataan at kamusmusan. Kumpleto rin ang streetfoods the haven of a poormans meal pero walang kong pakealam dahil masarap nariyan ang fishballs, squidballs, hotdogs, iskrambol, samalameg, palameg, betamax, tenga ng baboy, paa ng manok o adidas, instant fried chicken deep fried on the street, sago-gulaman on the side, balot-penoy, chicharon, puto, kutsinta, maja blanca, pitchi-pitchi,siopao, donut, siomai at ang special kalamay sa streets ng Carriedo. Ilista mo na rin yung mga Chinese food haus na nagbebenta naman ng mga Mami. Anjan rin syempre ang mga tropang silog, tapsi, longsi, hotsi, tosi, malingsi, porksi at marami pang kung-anu-ano na hindi mo pa natitikman. Kumpleto rin dahil lahat meron hardware, drugstore, convenient store, palengke, ukay-ukay, bilihan ng CD/DVD players at bala, barberya, school supplies, auto supplies,books, pocketbooks, bags, shoes, gift items, fruits, plants and other novelty items lahat meron in very affordable prices!

Try walking around tutal gala ka na rin lang eh and know the streets and what they offer as a service, Lakad ka ng Evangelista and Paterno streets kung gusto mo ng optical stores; photo and camera shops sa bandang Padre Gomez at Hidalgo; native handicrafts under the Quezon Bridge, wet market ng Quinta; Electronic gadgets and computer shops in Gonzalo Puyat ito yung RAON na tinatawag; Sports and music equipments in Sales street; mga anting-anting, stones, charms, feng shui artifacts,herbal medicines, pamparegla around the Church at ang mga pirated DVD,CD's and VCD's sa Elizondo!

Yan ang Quiapo, notorious, filthy and chaotic pero sabi ko nga open your eyes, try to see beyond what you can see, feel the vibes and blend in, you will see the beauty of it and you will never look at the place the same way again. Despite of the negative images and chaotic senes everyday STILL there are treasures we often overlooked and neglected.

Puwede ka sumang-ayon o hindi pero sa isang banda bilang lakwatsero ng kabataan ko marami akong natutunan  sa lugar na ito at lubos rin ang pasasalamat ko sa Poong Nazareno dahil pinanata ako ni Ermats sa kanya dahil nung kabataan lagi ako nagkakasakit at kadalasang bisita ng ospital, minsan na nga raw akong nilagyan ng tubo sa ulo hahaha kaya siguro lumaki akong siraulo. Pero ayos lang kontolado naman lahat ng bagay at lumaki naman tayo ng matino. Pinakahuling salita ang Quiapo ay mistikal, exotic at beautiful, it will be part of Filipino's life, as it is a part of mine. 

Lubos na gumagalang,
Jack the Istokwa

Martes, Abril 8, 2014

Kamusta naman Lapis mo?

Musta naman Lapis mo utoy? nene?

Anak ng tipaklong title pa lang weirdo na. Sino nga ba naman ang magtatanong at kakamustahin ang bagay na hindi naman kumikilos o humihinga? May social life din ba ang lapis mo para kamustahin siya? Yun bang pangangamusta may kasamang feelings at concern? Pero bago ka bumuo ng Inter Tropical Convergence Zone sa utak mo at sabihin mong siraulo na ang author ng blog na ito hayaan mo munang mabasa ng buo ang gusto kong isalaysay at bigyan ng saysay sa iyo. Relaks kalang dahil ako na nagtanong nito ay garantisado namang ginagamit ko ang utak ko ng mahusay at hindi ko pa ibebenta sa sulit.com este olx.ph na pala. At
syempre kung matino ka rin naman, tiyak na magkakaintidihan naman tayo. So here we go, sago...

Mahilig ako sa lapis. Bata palang amazed na ako sa lapis. Ito ngang pagkakatanda ko, kapag nakakahawak ako at gumagamit ng lapis, may kakaibang yanig o thrill akong nadarama. Para sa akin, mas higit pa ito sa baril-barilan, espadang patpat, lightsaber swords, bola, goma, eroplano, bangkang papel, robot, karton, tansan, jackstone, balat ng kendi, kahon ng posporo and the rest are fragile and trash toys. Napakadali kasing ihandle ng lapis at paglaruan. Parang lite version ng asking espadang patpat. Andun pa rin yung nakasanayang tulis na sapat ipangtusok ng mata ng bawat buskador, alaskador, bullyador at mapang-alipin mong mga kalaro. Panigurado kapag hawak ko na ito wala ng makakalapit pa. Bagaman, hindi naman talaga yun ang purposed ng hawak kong lapis, may gumagawa lang talaga ng ganun, pero hindi ako yun ha. Honesto! Promise!

Pero sa panahong nagigipit at naiipit, sa lapis ako kumakapit. Alam kong pwede ko na rin yun magamit as a weapon. Swerte na lang nila at maputi ang aking budhi at never ko pa naman talaga nagawang manusok ng eyeballs. Dahil kadalasan, matino ako mag-isip, resonable at fair ako sa lahat ng bagay (naks!). Lagi kong iniiisip yung consequences pag ginawa ko yun at siyempre naniniwala tayo kay Mama Karma baka sa pagdating ng panahon eh mas matindi yung balik kaya di bale nalang. Mang-asar man sila mapapagod din yan at lalawit lang dila ng mga yan. Iniisip ko rin baka mabakli yung lapis ko kawawa naman. Kapag nabali manghihinayang ka rin sa mga advance features na meron sa lapis kumpara sa paborito kong espadang patpat. Ang lapis  pwedeng ipansulat malamang sa papel, pader, sahig, damit at marami pang iba. At sana ako ang unang makagawa ng graffiti sa wall n ayari sa pagkakasulat ng lapis! Hayup yun! naiiisip ko pa lang pumapalakpak na tenga ko sa tuwa! So kung pantusok lang din naman may mga alternatib katulad ng ting-ting, barbekyu stiks ang pwede gamitin just in case di ka na makapagpigil. Tapos nung pumasok ako sa skul nagkaroon ng maraming kabarkada ang lapis ko. Sobrang tuwa ko dahil meron nang iba't-ibang kulay, tulis, tigas at tingkad. At sabi naman sa akin ng Super Nanay ng buhay ko ang tawag dun ay "krayola". Sabi ko naman sa kanya colored lapis lang yun 'nay. Until nalaman kong mag-nanay nga kame dahil mali ang aming bawat saloobin, ang tawag pala duon ay "Crayons". Tatak lang pala yung Krayola. Parang yung Frigider na tatak pala ng Refrigerator, yung Colgate na tatak ng toothpaste, at Xerox na tatak ng photocopier minsan nakakaumay....nakakalito. Tapos naging aware na rin ako na pagsamahin ang paggamit ng crayon at paborito kong lapis. Kaya kong drowingan at kulayan ang lahat ng surface na pwede. Parang paggawa ng Diyos sa mundo drowing muna, lahat muna draft bago lalagyan ng nakabibighaning mga kulay lalo na kapag fuschia pink o di kya kinky pink.

Basically, anglapis ay ginagawa kong panulat. Kahit puro lines, zigzags, abstracts, small circles at big circles lang ang nagagawa ko sa umpisa hanggang sa natuto ng iba pang symbols, numero at letra. At itong symbol na ito ang pinaka obra maestra kong nagawa "8===D " ang buto ng aso, hindi yang kung anong bastos ang nasa utak mo ngayon, walang ganun! burahin mo yang nasa isipan mo ng pambura kong lapis.

Gudnews!, dahil marami akong natutunan. Hanggang sa feeling ko lumelebel up na ako dahil tumataas na yung nakalagay na numero sa mga ginagamit kong mongoloid pencils. Hanggang sa malaman kong may sistema at pagkakaklasipika pala sa mga ginagamit kong panulat. Yun bang mga numerong (1,2,3,4) o letra (H-ard, B-lack, F-ine) na pangkaraniwang makikita sa katawan ng lapis. Tsk! ako lang pala ang nag-aakalang lebel up na yun. Hindi pala.

Sa panahong lumipas, iba-ibang klase na rin ang nagamit ko. Merong mahaba, mataba, matulis ang tasa, hubad o yung walang bahay, nawalan ng pambura, pudpod ang pambura, mar marka ng kagat ng ipin. Pero lagi pa rin akong may lapis no matter what. Madalas ko pa rin itong pinaiikot sa mga daliri ko pag meron akong iniisip na malalim o kahit kapag wala lang. Minsan isinasabit sa tenga o sa ilong kapag yung tipong wala ka na talagang magawa sa buhay mo o bored na bored ka na. Minsan naman gumagawa ng beat sa pamamagitan ng marahang paghampas ng lapis sa mesa nagiging little drummer boy for a while with pencil drumsticks. Gayunpaman, lagi kong iniingatan ang lapis ko, iniingatan ang lahat ng bagay na mahalaga sa akin. Hindi na rin ito basta-basta nababakli kahit ilang beses pa bumagsak. At sinisigurado ko ring  always sharp and bold ito for whatever purpose it may serve. Hindi na ako masyadong mapili sa kulay, kinis o brandname na makikita sa panlabas nitong itsura. Ang mas inaakaka ko na ngayon ay yung purong lapis na nasa loob ng kahoy.

Dahil kung yun ang mismong sa loob ang mabali o masira, kahit pa sabihing buo pa naman yung nakabihis ditong bahay ay wala na rin kwenta, wala ng silbi. May cancer na lapis at may taning na ang buhay. Wala na sa katinuan. Hindi na ito kayang lumikha linya, o hugis, o anumang letra o numero. Hindi na ito mabisa para makabuo ng salita, ng pahayag, ng komento, ng inspirasyon, ng sining. Hindi na pwedeng  tasahan pa ulit, upang tumalas pa at mahubog. Ito'y kahalintulad na lang ng ordinaryong patpat para ipanusok sa kapwa o ipansaksak. Naglaho na ang malikhaing  kagamitan. Ang natira ay yung pisikal, yung brutal, yung sandatang nkakapinsala ng lupang katawan. Yung pwedeng-pwede na itapon. Iwala. Dahil wala namang laman. Wala na. Paalam lapis kong mahal.

Kaya nga ang tanong ko ngayon sa'yo, "Kamusta naman ang lapis mo?"
Ako? Ayos na ayos pa naman. Sharp, Bold and Deadly!.



Huwebes, Marso 20, 2014

Walang Tawiran....................Nakamamatay!

Bawal na tatawid pa yan

Siguro, isa 'yan sa dahilan kung bakit kahit ano pamang karatula at babala ang ilagay sa kalye o saan mang pampublikong pasilidad ay hindi rin lubusang sinusunod ng tao. Kahit   pa-gwapuhin mo pa ang disenyo at kulayan pa ng neon pink, nagbi-blink, o kung anopamang kalandian, di pa rin uubra. Hindi naman pwedeng ilusot na sobrang illiterate ang mga kababayan natin. Katunayan, naglipana ang bandalismo sa pader at graffitis na gawa ng kahit amateur gangsta at tambay sa kanto. Kahit manakot ka pang, "Bawal Umihi, Putol Titi. Multa P500". O kahit bantaan mo pa nga ang mismong buhay niya at di lang yung titi niya, ex. "Walang Tawiran, Nakamamatay", waepek pa rin. Hardwired na yata sa karamihan ang maging isnabero at isnabera sa anumang babala. Minsan, kahit naintindihan na nga at nabasa, mas trip pa ring makipag-amazing race sa mga humahagibis na sasakyan sa kalsada ang mga pasaway at tamad mag-overpass o sa talagang tawiran upang masubukan siguro kung sino nga ba ang mas matibay at mas mabilis.
Sa pagalay niyo, talaga nga kayang normal sa tao (hindi lang sa Pilipino) ang katigasan ng ulo at nasasarapan sa bawal o hindi pagsunod? Baka naman, abnormal lang talaga yung mga ipinasusunod na batas? Hindi kaya may kinalaman ang kulay pink na karatula sa phenomenang ito? Matuloy nga kaya ang planong People's Power at magtagumpay na mapatalsik si Madam Pandak? May magbasa nga kaya ng post kong ito at magkomento?


90's kids never fails

Kabataang 90's
Kabataan noong Dekada Nobenta

Magandang umaga sa lahat alas diyes trentay sais ng umaga huling araw bago magtapos ang Agosto napag-isa sa mumunting kwarto at sumagi sa isipan ang kapanahunan noong dekada nobenta. Ano nga ba meron sa Dekada nobenta at ito'y aking laging bukambibig? Marahil ito ang taon na kung saan mararamdaman mo ang kaginhawaan ng buhay lalo na sa mga kabataang Pilipino na kung saan malaya ang pagiging , yung unlimited pawis na walang pakialam kahit madumihan o maputikan ka sa paglalaro. Kaysarap ng buhay noon ng kabataan kesa sa ngayon na ang iba ay nilamon na ng sistema ng teknolohiya, nagpapawis na lang sila ngayon sa pag-iisip sa tinatawag nilang "strategical games" kung pano nila mapapabagsak ang kalaban. Marahas, mabangis, sadyang may kaisipan ng pagsakop at kaguluhan yan ang binibigay ng modernong panahon. Ano kaya kung may time machine at ibalik natin sila sa panahon ng mga Hapon para real time ang pakikipag istratehiya. "bata"            Pinagmamalaki ko na ako'y nabuhay noong 90's kung saan ang lahat ng bagay ay simple lang sariwang hangin, mura at masusustansiyang pagkaen at simpleng slapsticks lang mg komedyante sa TV mapapatawa ka na hanggang sa panaginip.            Simulan nating sa unang hakbang sa ESKWELAHAN, bihira sa mga kiddies noon ang walang sugat sa tuhod dahil sa habulan dito habulan doon kapag nasa elementarya ka pa ang tawag dito ay "mataya-taya" kung saan pwedeng maglaro ang buong klase. Kung ikaw ang taya kailangan mong habulin at tapikin ang sino mang ibang kasali para siya naman ang maging taya. Kasi parang feeling mo you've been cursed habang buhay kung ikaw ang taya lalo na kung yung mga kasama mo eh kasing bibilis ni Road runner kung tumakbo kapag napagod ka na at ikaw pa rin ang taya hahaluan pa yan pang-aasar ilalabas pa ang mga dila at aasarin ka pa ng mga mukha nila.            Pagdating mo naman ng High Schoo,l dito medyo hardcore ang habulan. Hindi habulang gahasa dahil wala naman kasaling kababaihan dito. Natatandaan ko ang pangalan ng laro ay "Block 1-2-3" o pwede ring tawaging "Touchdown" hardcore dahil pwede kang matanggalan ng swelas ng leather shoes o kung hindi man mas mapupudpod pa ang suot mong Bandolino shoes kesa sa Rambo na tsinelas na ginagamit mo sa bahay, hardcore dahil maaaring mapunit ang uniform mo dahil nga may kasamang grab ang paghuli sa matataya. Ang larong ito ay nahahati sa dalawang grupo sa magkalayong "base station" na tinatawag. May tatakbo, may manghuhuli at may magpapalaya ng mga kasamang nahuli sa base ng kalaban kung baga kapag nahuli na ang lahat duon palang may mananalo pwede mong palayain yung mga kasama mo sa pagtapik sa kanila sa pinahabang pila na magkakahawak ang kamay na gwardiyado ng kalaban at duon lalabas ang diskarte kung paano ka makakapunta sa base ng kalaban na hindi ka maga-grab para mapalaya mo ang mga kasama mo sa simpleng pagtapik sa knila. Isa din pala sa requierement nito ay dapat hindi ka hikain. 

Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...