Nananahimik lang naman ako sa kinauupuan ko nang mag-browse ako sa IG nang makita ko ang isang video. May mga guards ng BGC na nagsasabing pauwiin ang ilang kabataang mukhang nasa edad 12, 14, o 16, at malinaw na sinasabi sa kanila na hindi raw sila puwedeng manatili roon. Aminin ko, maikli lang ang clip—mga 10 to 15 seconds lang—but even that short moment was enough to shock me. Napatanong tuloy ako sa sarili ko: may existing rules ba talaga na nagsasabing kailangang pauwiin ang mga minors sa BGC?
Of course, in-analyze ko muna ang video bago ako nag-react. Wala rin naman akong balak ipa-viral iyon dahil hindi iyon ang style ko. Nagsalita lang ako base sa naramdaman ko, kasi lahat naman tayo dumaan sa ganitong edad—yung phase na mataas ang energy at minsan sabog ang trip. Sa video, makikita lang ang isang grupo ng mga bata na naglalakad sa kalsada, gaya ng sabi ko, nasa 12, 14, or 16 years old. Nilapitan sila ng mga marshals at pinauwi, with the exact words: “Umuwi na kayo.”
Hindi ko rin in-expect na biglang bubuhos ang likes at comments sa Threads ko, hanggang sa mag-viral na pala. May mga nagsabi na valid naman daw ang ginawa dahil private-owned ang BGC at may karapatan silang magpatupad ng kahit anong rules na gusto nila. Okay, I get that. May mga nag-reply rin sa comments ng pictures at videos ng mga kabataang nagkakaroon ng riot at chaos sa loob ng eksklusibong lugar na iyon.
My focus is on the video of a group of kids just walking along, and the marshals told them to go home, hindi sila puwede o nababagay sa ganoong lugar. That's a little off. I did say in the Thread comments that what I saw is pure discrimination. Why?
- - The kids were removed based on appearance, age, clothes, or social class
- - There was no observed wrongdoing
- -No warning, no explanation, no equal enforcement on others nearby
That’s called profiling, not security.
- Profiling = judging intent based on how someone looks
- Security = responding to actual behavior
Pero bigla na lang din akong naging target. Tinawag akong tagapagtanggol ng “genggeng,” sinabihan na imbitahan ko raw sa bahay ko ang mga nanggugulo sa BGC, o kaya’y magpatayo na lang daw ng sariling BGC at hayaan ang ganitong klaseng kabataan na gumala roon. Lumabas lahat—mula sa maaanghang na salita hanggang sa lantad na kamatapobrehan. At sa totoo lang, mas nakakatakot para sa akin ang ganitong klaseng pag-iisip ng mga tao kaysa sa pagiging “irritable” ng mga tinatawag nilang genggeng.
This past weeks, tila iisa ang laman ng mga timeline ng maraming Manileño—ang umano’y “pananakop” ng mga tinaguriang young stunnas sa Bonifacio Global City, partikular sa High Street. May mga video ng mga kabataang nag-aasaran, nagtutulakan, at minsan ay nauuwi sa maliit na gulo. Hindi naman malulubha, pero sapat para mairita ang marami at maging mitsa ng mas malalim na diskusyon.
Pero ano nga ba muna yung Young Stunnas?
This is a slang na ginagamit ngayon para ilarawan ang mga kabataang naka-hip-hop / streetwear style—madalas oversized na damit, maong o cargo pants, sneakers, cap, minsan may chain—at may confidence o “angas” sa galaw at tindig.
“stunna” (mula sa hip-hop culture), na ibig sabihin ay someone who stuns—yung mapapatingin ka dahil sa porma, swag, o presence. Dinagdagan lang ng “young” dahil karamihan ay teenagers
Bilang isang lugar na madalas ituring na simbolo ng kaayusan, kaayusan na may presyo, naging mitsa ang mga pangyayari upang ilabas ang matagal nang nakatagong pananaw ng ilang sektor: sino ba ang “bagay” sa BGC at sino ang hindi?
Maraming nagsasabi na simpleng disiplina lang daw ang hinihingi—walang elitismo, walang diskriminasyon. Pero bilang isang educator na araw-araw humaharap sa kabataan mula sa iba’t ibang antas ng buhay, malinaw sa akin na hindi hiwalay ang konsepto ng “tamang asal” sa konteksto ng uri at kapangyarihan. Kapag ang “maayos na asal” ay awtomatikong iniuugnay sa pananamit, pananalita, o pinanggalingan, nagiging instrumento ito ng pagbubukod.
Ang tanong: bakit tila mas mabilis tayong magturo at manita kapag ang kabataang sangkot ay mukhang “hindi kabilang”? Marami na ring insidente ng kaguluhan sa BGC na kinasangkutan ng mayayaman, ng mga lasing, ng may impluwensiya—ngunit bihirang humantong sa panawagang itaboy sila palabas ng lugar. Hindi ba’t malinaw kung kanino mas madaling ipataw ang “kaayusan”? Dahil ang mga batang jejemon ang mas madaling target kesa sa mga mayayamang personalidad diyan sa BGC na mas harmful pa ang maaaring magawa kumpara lang sa pagka iritable ng mga tao sa mga batang tinutukoy.
Mahalagang linawin: walang sinuman ang may karapatang manggulo o manakit sa pampubliko o pribadong espasyo. Tungkulin ng mga awtoridad na pigilan ang aktwal na gulo at protektahan ang lahat. Ngunit ibang usapin na kapag pinapaalis ang mga tao hindi dahil sa ginawa nila, kundi dahil sa hinala, itsura, o “vibes” na hindi pumapasa sa pamantayan ng nakararami.
Bilang guro, itinuturo natin sa mga bata na huwag manghusga base sa anyo, na pakinggan ang konteksto, at intindihin ang pinanggagalingan ng bawat isa. Nakakalungkot kung sa labas ng silid-aralan, kabaligtaran ang ating isinasabuhay.
What really struck me reading the comments is how easily people gave up on these kids. As if their fate is already sealed.
They’re 14–16 years old. Yes, some may have made mistakes. Yes, some may have been involved in gangs or bad behavior. But since when did we decide that teenagers who went astray are beyond redemption?
It’s sad — and honestly ironic — how quick people are to demand order and morality, yet so willing to permanently label young people as “lost causes.”


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento