Linggo, Enero 22, 2017

Gymnuary Belly

'Let me hear your body talk'

Gymnuary

So, kamusta na pala yung mga nag gym, nagzuzumba, mga nagtetratraining ng iba't-bang klaseng pisikal na aktibidades para lumiit ang mga bilbil bago magbuwan ng romansa't-pag ibig sa Pebrero?

Hindi ko maikakaila na ang pagpapaliit ng tiyan ay parang trapik armageddon sa EDSA - nakakainip - nakamamatay.

Ilan sa mga remembrance sa aking mga pagpapasakit ay ang mag-push ng pagkaraming beses na naka-angat ang paa habang pinapanood ang aking mga nakolektang exercises mula sa Pornhub Youtube videos. Umakyat, bumaba, magmanhik manaog ng hagdan nang isang oras at ang magjogging ng mabilis palayo sa tumatahol na nakawalang pitbull ng kapitbahay para lang lumiit ang walastik na tiyan na ito. Yun bang para kang hihimatayin at aatakihin sa puso ang pakiramdam.

Kaya't ang aking sigaw itigil na yan. Itigil na sana ng lipunan ang ganitong pagpapahirap at pagpaparusa sa mga taong nagkakabilbil. Tama na. Sobra na. Uwian na wala pang nanalo, malaki pa rin tiyan ko.

Dati naman talaga nung mga araw pa ng kolehiyo, sana'y akong tumakbo ng isang kilometro araw-araw, sabayan pa ng apat na set na laro ng basketball. Natigil lang yun nung nailipat ang 7am subject ko sa alas diyes.

Noong nakaraang taon naisipan kong bumalik sa pag e exercise nang minsang kapusin ako ng hininga habang nanonood ng Desperate Housewives at Girls Jumping on Trampolines. At kahit gusto ko nang itigil ang mga kalokohang ito naniniwala pa rin ako sa salitang "HOPE" kahit sa kasalukuyan ang Hope na yan ay nagmimistulang brand na lamang ng isang sigarilyo. Higit pa sa maliit na tiyan ang inaasam ko. Gusto ko yung may anim na pandesal sa labas ng sikmura.Ewan ko, hindi ko alam kung paano gagawin yun. Goodluck.

Olivia Newton John - Physical

Ayon sa mga kuro-kuro at mga nagmamagaling da best pa rin daw na ABS exercise ang cardio o jogging o yung pagtakbo. Bakit hindi? tanong ko sa inyo, may nakita na ba kayong isnatcher na malaki ang tiyan? At dahil hindi na ligtas ang ating mga kalsada ngayon, sa tingin ko mainam na substitute ang SKIPPING rope. Ma-heart attack ka man sa kakatalon at least home sweet home kang mamamatay nasa privacy ng iyong tahanan.

Ang alam ko lang dati na pag exercise sa ABS ay ang pag-ubo. Sa tuwing dadapuan ako ng sakit na ito, sumasakit din pati ang mga abdominals ko sa kaka-ubo, di malayong para ka na ring nag crunches ng isangdaang beses sa isang oras ng buong araw. Buti na lang may Ritemed, kaya wag mahiyang magtanong.

Ayon ulit sa aking mga ibon ng karunungan, nauso daw nuon ang exercise na Inversion therapy. Ito ang pag ehersisyo na nakalambitin ka na patiwarik na parang paniki. Mainam daw ito sa back pains. Pero naimagine ko ang sarili ko kung gayon, baka matapos na ang isang araw hindi ko pa rin mahila ang sarili ko pataas na hindi sumisigaw ng saklolo. Samantalang napakahirap ngmaitupi ang tiyan habang nagmemedyas at nagsisintas. 

Pero dahil na rin sa likas na kaugaliang hindi pagsuko, ginawa ko pa rin ang inversion therapy at baka mapabilis ang paglabas ng six-pack pandesal ko. Minsan ko lang ginawa at hindi na muling inulit. Natanggalan lang ako ng snowflakes sa buhok, nagkalaglagan lang ang mga balakubak ko. At napagtanto kong hindi pala mabisa ang Head and Shoulders na yan.

Para mas lalo kang mamotivate sa ginagawa mong adhikain sa GYM, dapat rin daw meron kang KASAMA yun bang taga paalala, taga alalay, taga punas ng pawis at taga salo kung nafa-fall ka na. Hinikayat ko rin minsan ang isang kaibigan na sumama. AYAW niya raw, kesyo he is in shape daw. ROUND is considered a shape pa rin daw. Wala eh, pilosopiya niya yun eh. Wala tayong magagawa dun. 

Ikaw na nagbabasa nito, mga ilang patatas na ba ang lumitaw sa tiyan mo, may kalahating dosena na ba? o kamote pa rin?

At sa gabing malamig ako'y matutulog ng mahimbing habang nananaginip ng tungkol sa pandesal, patatas, six packs at inversion therapy.

Bahala na.....




Martes, Enero 10, 2017

Totoy Big-O

'This post is brought to you by Dolce & Banana'


Isang mabilisang kapilyuhan lamang habang ramdam natin ang lamig ng pagtunaw ng yelo sa Siberia. Teka mali, may bagyo nga pala ang sabi ng PAG-ASA.

May nakita lamang akong thread na nagpagana ng aking malikot na pag-iisip ngayong gabi. Isang anunsiyo mula sa bansang Japan ang aking nabasa! Para sa tropang "Salvacion" nagkukulang na raw ng aktor na lalaki para sa mga adult films ng Japan. Pagkakataon nang maging isang matikas at matulis na Shiba Inu. Ayon sa bilang, 6,000 ang aktres at pitumpu (70) lamang ang mga lalaking aktor na nagwiwiggle ng kanilang tralala sa harap ng kamera. 

Kung ikaw ay magiging isang sikat na pornstar sa kahit anong bansa, ano ang trip mong gamiting screen name?

Ikaw ba si Boy Big Coke? TitiK Man? Bakatsky? ewan ko, ikaw na ang bahala dahil ikaw rin naman ang kakarga-da sa sarili mo kung sakaling ikaw ay isang magiging matalim na Samurai warrior.

Maganda rin sana yung Totoy Mola. Tunog malaking kargada. Kaso may nagmamay-ari na ng alyas na yan. Kilala naman natin ang magaling na aktor na si Jay Manalo kaya dyahe na gamitin.Kung para sa akin, mas fit siguro ang Totoy BIGo na lang. Hindi ganun kalaswa ang tunog pero bagay. Kailangan ko pa bang sabihin ang dahilan kung bakit? 

Huwag kayong mabahala kung (kayo'y nababahala man). Hindi ako bitter. Paborito ko lang talagang ulamin ang ampalaya nitong mga nagdaang araw pero hindi ako kasing pakla ng ampalaya. Alam kong sanay na akong mawalan ng lablayp. Single man. Solitary man wala na akong pakialam kung ano mang kataga ang ibato niyo sa akin.

Pero mas katanggap tanggap kung  tatawagin niyo akong Totoy BIGo.

Marcy Playground - 'Sex and Candy'

Ngayon nama'y nakakatawa na akong kuli. Lalo na't tambay ako sa katanghalian at nakakapanuod ng mga lumang pelikula ni Rene Requestas, Panchito't Dolphy at ni Jimmy Santos sa Pinoy Box Office. Hindi kagaya noon na lagi kong naiisip kung paano ko karumal dumal na paslangin ang me pakana ng kabiguang ito.

Dati gusto kong hugutin ang saksakan ng mga radyo ng kung sino mang nagpapatugtog ng mga romantic love songs. Para akong bampirang tinutunaw sa ilalim ng araw kapag naririnig ko ang mga kantang love songs ng Backstreet Boys, yung putanginang "Show me the meaning of being Lonely" na yan para akong kandilang nauupos sa tuwing pinapasok ng ritmo ang aking tenga, puso't-kaluluwa. Pero ayos na ako ngayon kahit patugtugin mo sa harap ko ang "Alone" ng Heart wala na akong pakiramdam. Naging malaking tulong din ang pagbabasa. Ang pagbabasa ng children's book, ang mga alamat ng kung anu-ano at ang mga kwento ni Lola Basyang. Naiiwasan ko nang maging bayolente at mas nakakrelate ako ngayon sa Cartoon Network o kaya Disney Channel. 

Hindi ko na kailangan ng paliwanag ng siyensiya kung paano ako nabago. Malaking bahagi ng pagmomoved on ang panonood ng TV. Lalo na kapag balita. Yung mga balitang patayan, aksidente, tokhangan, kalamidad, holdapan, etsetera, etsetera....Yun bang mapapagtanto mong mapalad ka pa rin at safe ka at puso lang ang masakit sayo. Samantalang sa mga oras na ito maaaring may mga nalulunod sa barko, mga naaksidente sa kalye o di kaya ay mga nabalian ng buto sa kahit anong sports na naglalaro ngayon. Malaking bonus na lang kung may balita tungkol sa sumasakit na ipen ni Bimby, o kaya kung kulay na naman ng buhok ni Yeng Constantino. Yung bang mga ganun. Kahit papaano ay maaaliw ka sa masalimuot nilang buhay.

Okay na ako. Nabigo man, patuloy na magiging mapusok. Sumusugal pa rin sa lablayp.Kasing-bilis pa rin ng alas kwatro kung mainlab. Kahit kung minsan nagtatagal ng limang minuto ang akala mong relasyon -libog lang pala. Pero ok na rin kesa sa wala. Ilang five minutes ba sa isang oras. Kung minsan masaya rin ang mag move-on. Challenging. Challenging na parang yung mga role ng mga adult actors at actresses ng Japan pagdating sa mga mala-erotikang scene. 

Pero kung magiging stable ang buhay sa ganito, walang pinagka iba sa porn star. Parang....hmmm parang masayang gamitan lang. Ayaw mong masaktan pero gusto mong ma in love. Ayaw mo na gusto. Ang gulo.

Kaya nga tama na yung naisip ko hindi mo mapaghahalataang mahalay pero malaki malakas ang dating. Ako si Totoy BIGo. Pwede na.







Biyernes, Enero 6, 2017

Jollibee: Bida ang Saya Ngunit Nasan na Sila?

'Wer art thou?'

Una sa lahat wala akong natanggap na supply ng thigh part sa Jollibee kapalit ng pagsulat ko sa post kong ito. Ito'y bilang pag-alala na rin sa ating mga musmos na isipan noong panahon na pinatatahan tayo ni Jollibee sa pag-ngawa sa tuwing susumpungin tayo ng bugnot noong ating kabataan. Bukod sa karaniwang panakot ng ating mga magulang na mayroong kukuha sa ating mama sa tuwing nasa loob tayo ng simbahan, mayroon din namang ibang pinaka sweetest na paraan upang tayo ay mapatahan sa ating pag-iyak. Iyon ay ang pangalang "Jollibee". Ganito ang dating ng mahika ni Jollibee sa mga bagets, sabihan lang na ipapasyal tayo para kumain nila Nanay at Tatay sa Jollibee pagkatapos ng misa ni Father ay kung anong mirakulo na lang na bigla tayong mananahimik sa pag-ngawa, siguro dahil naiinitan  tayo sa loob ng simbahan o di kaya'y habang karga ka ni Nanay ay may nag faface making na tao sa likuran, siguro nginingitian tayo o binebelat tayo kaya minsan iiyak na lang o di kaya ay bored na bored ka sa homily ni padre. 

Jollibee 1992 Old Commercial - 'I love You Sabado'

Hindi ko mawari pero kasi si Jollibee animo'y anghel na bubuyog na pinababa sa langit para magbigay ng kasiyahan sa mga bata. Gusto ko rin kasi yung lagi akong niyayakap lalo na pag fluffy ang itsura. Minsan na rin ako humawak sa paa ni Jollibee habang hinihila niya ko habang naglalakad siya, ok lang kahit naging human map ako noon, wala naman sa akin yun eh kasi nga bata. Gawin ko kaya ngayon yun, malamang ang iisipin ngayon ng tap ay may sayad ako, kaya hindi na lang. Pero sa edad kong ito nakukyutan pa rin ako sa bubuyog na yan eh. Si Jollibee yung dapat na maging inspirasyon ng mga kabataan. Aba naman nag evolve na ang bubuyog na yan hindi lang siya nagpapasaya sa mga bata kundi nariyan na rin ang pagtulong niya sa mga matatanda. Meron akong nakitang picture at video niyan na itinatawid ang mga matatandang may ka-edaran na sa pedestrian lane. Makabayan din ang ating pambansang mascot sa mga larawang nakikita ko sa mundo ng social media. Kaya kayo Mc....palitan niyo na yung mascot niyo, naku lalo na nitong mga nakaraang buwan nauuuso ang mga killer clowns. 

Jollibee helps an old lady across the street

Kilala niyo ba si Tony Tan Caktiong? aba tohl siya lang naman ang CEO ng Jollibee. Kung hindi niya siguro nakilala ang management consultant na si Manuel Lumba noong 1975 ay walang kabataang napapatahan ngayon, siguro binaha na  tayo ng luha ng mga bata sa simbahan, baka di na tayo nakatikim ng pinakamasarap na thigh part. Ang tsika ay mas naunang pagkaabalahang business ni Ginoong Tony ay ice-cream. Nagkaroon siya ng dalawang ice cream parlors sa Cubao. Hindi rin naman pipitsuging sorbetes dahil may brand din naman ang Magnolia. Sumikat din naman ngunit hindi siya huminto na hanggang ice cream lamang. At dahil na rin siguro sa pag aaral ng entrepreneurship ni Lumba ay napagtanto niyang sa mga panahong yun mas mataas ang demand ng mga hamburgers. At kahit pa sikat na noon ang Mc Donalds ay hindi pa rin nagpakatinag ang dalawa at dito na nagsimula ang isa sa pinaka tanyag na fast food chain sa bansa and the rest is history. Nagbukas ang unang Jollibee franchise noong January 28, 1978 sa Quezon City.

Bukod sa kyut na tutubi mayroon pang ibang mascot na tropa ni Jollibee pero sa paglipas ng napakaraming taon bigla na lang silang nawala at hindi na natin masyadong nakikita. Ito ang mga ilan.

CHICKEE



Si Chickee ang kumakatawan sa Chicken Joy. Ang pagkakaalam ko siya ay isang inahen, matabang manok kulay puti, may palong at dilaw ang paa. Isipin mo na lang kung anong itsura ni Big Bird ng Sesame street ngunit nagkakaiba sa kulay. Wala na si Chickee ang kontrata niya sa Jollibee ay hanggang 1993 lang. Asan na kaya siya ngayon?

LADY MOO AT MICO



Silang dalawa naman ang kumakatawan sa Milkshakes. Si Lady Moo ang pa-girl na baka kulay pink at animo'y ballerina ang get-up, may tatlong rosas ang ulo at
naka pink na stilleto. Si Mico naman ay human, aww pinagpartner pala dito ang baka at tao. Nagkaanak kaya si Lady Moo at Mico? Si Mico ay may sumbrerong may pagka magician na kinortehan lang ng handle ng tasa para magmukhang tasa ang sumbrero.Naka americana sa loob at may kurbatang kulay kahel sa labas na suot naman ay mukhang V-neck na sando at nakapajama. Puta anong porma yan. Mas naunang natapos ang kontrata ni Mico dahil 1985 pa lang nasibak na siya, samantalang si Lady Moo umabot hanggang 1993.





CHAMP



Champ represents the premium burger offered by the fast food chain. Si Champ  naman yung pinaka astiging mascot ng Jollibee. Minsan na rin napagkamalan kong Street Fighter character si Champ dahil na rin sa parehas nilang get-up ni Balrog. Isipin mo lang kung anong itsura ng boxer na may manas yun ang itsura ni Champ. Natapos ang kontrata ni Champ noong 1984.




MR.YUM



Si Mr.Yum cool kid, bagets, na kung pagmamasdan mo siya yung batang laging nabebeat ang energy gap. Ang kanyang sumbrero ay hamburger. Siya ang nagrerepresent ng lahat ng regular burgers may keso o wala. Natapos ang career ni Mr. Yum noong 2008 dahil muka na rin kasi siyang fuccboi.






TWIRLIE



Si Twirlie yung tita mo na nagbihis ng pang teenager. Twirlie represents Sundae ice creams. Siya yung naka skirt pero may leggings sa loob na naka boots. Blonde ang hair na korteng Sundae twirl, muka ring troll ang buhok pero mas galante tignan. Meron siyang headband na may disenyong double star. Nasibak si Tita Twirlie noong 2008 kasabay ni Mr.Yum.




POPO



AY! eto ang pinaka paborito ko sa lahat. Popo represents french fries! Si Popo yung pinaka fit sa get up palang. Naka pormang pang jogging, naka jacket at jogging pants na blue tapos naka sun visor. Mukang reggae na blonde ang buhok na yari sa french fries. Ngunit natapos din ang takbo ni Popo noong 2008.





HETTY



Kung mauuuso ulet ang bangs sa mga babae gusto ko yung katulad ng hair style ni Ms.Hetty. May dalawang pony tails sa magkabilang gilid at nakabagsak ang blonde na bangs. Makukumpleto ba ang Jollibee kung walang spaghetti that Hetty represents? Hetty probably is the cheerleader of your dreams. She can cheer up those childrens who had the saddest face in that day. Pero ayun hindi rin pinatawad ng kontraktwalismo si Hetty at nasibak noong 2008.




I wonder if nag-apply silang lahat sa Krusty Krab kung saan lahat ata ng nag-aapply ay tinatanggap.

Sana ok lang silang lahat. Lagi na lang kasing si Jollibee ang nabibigyan ng projects. Minsan kailangan nating ibagsak ang patriarchy.









Martes, Disyembre 27, 2016

Ang Pag-ibig ay parang Bisekleta by Papadyak

'Angkas na at ako'y papadyak'

Kung mayroon naman tayong huhuguting makabuluhan ngayong 2017 ilabas na natin. Kailangan na ng mundo ng pagbabago, mga pagbabagong sisimulan natin sa usapang pag ibig at pagmamahalan. Everything can changed by love ika nga, kahit pa gaano kagulo ang mundo nitong nakaraang taong 2016 (putangina!) basta nariyan pa rin ang presensiya ng pag-ibig hindi posibleng makamit natin ang kapayapaan. Kapayapaan para sa lahat. Kapayapaan para sa mundo. Kapayapaan sa buong kalawakan at sansinukob. Naniniwala ako dito, naniniwala ako sa kapangyarihan ni Little Nicky na ang kasagutan ay pag-ibig versus all forms of hate in the world. Kahit nga yung mga nasasailalim sa eksorsismo ay pinasusuko ng mga alagad ng Diyos ang masamang espiritu sa ngalan ng pag-ibig. Ngunit iba ang pag-ibig na pandalawahan lamang sa pag-ibig sa buong sangkatauhan. Madaling magpakita ng pagmamahal sa kapwa, sa mga tao sa paligid, sa mga alagang hayop at sa lahat ng living things at non-living things may back bones man o wala. Ngayon ang katanungan, marunong ka bang magmahal sa larangan ng pandalawahang pagmamahalan? 

Sabi mo:

*Takot akong Umasa.
 *Takot akong Masaktan.
*Takot akong Magmahal.

Ngayon hugutin natin ang bisekleta niyo mula sa inyong garahe. Trinx ba yan? itim? Gagawin natin itong medium para sa mga katulad nating biglaang kinukumbulsiyon sa  tuwing nakikita natin ang ating mga pinaghuhugutan ng inspirasyon at perpirasyon.

Atlantic Starr - Always

"Ang bisekleta kasi kung sa unang beses ka lang sasakay dito panigurado sa umpisa ang mararamdaman mo ay takot at pagkalito. Nariyan yung tinatawag na self doubt lalo na kung ang nagtutulak sa iyo para sakyan ito ay yung mga kaibigan mo. Kasi hindi natin alam kung totoo ba sila o dahil sa mga loko loko ang  mga friendship mo ay mahirap sila paniwalaan. Kaya one time umuwi ka sa inyo at nagtanong ka sa mga magulang mo. Inay, itay papayagan niyo ho ba akong sumakay sa isang bisekleta? Masarap po bang sumakay sa bisekleta? Ito ang mga katanungang iniwan mo sa mga magulang mo. At dahil walang pambili ng bisekleta ang mga parentals mo nauwi ka pa rin sa mga kaibigan mo ngunit dala ang payo ng mga magulang mo."

"Dadating ang puntong lalagyan ka ng dalawang gulong para unti-unti kang matuto...Yun naman pala hindi lang pala puro kagaguhan at pambubully ang ginagawa ng mga friends mo. Napaka supportive din naman pala at sa una mong pagsakay ay tuturuan ka ng dalawa mong kaibigan na bumalanse, at papayuhan kang huwag kang bibitaw at dapat mong matutunan ang mga bagay bagay para hindi ka mahulog. Matuto kang lumagay sa tamang daan at huwag kang magpapagulong sa mga humps at baka ka sumemplang."

"Iniwan ka na ng mga kaibigan mo, ngunit kahit marunong at bihasa ka nang magbisekleta hindi mo pa r in maiiwasan ang sumemplang na magiging dahilang para matakot ka ulit. Hindi ka man pulutin ng bisekleta mo,at hindi ka man tulungan ng pusonegrong pinagsemplangan mo, nariyan pa rin ang mga taong rerescue sayo at pagagalingin ang iyong nararamdaman na sakit sa iyong sugat na nagnanaknak na dahil sa pagka ilang beses mo na palang pagkahulog. Baka naman maluwang pagkakapit mo sa handlebars ng bisekleta? Hindi kaya?"

"Pilitin mo mang kalimutan ang mapapait na pagkadapa (huwag lang matyetyempo sa ebak), bahagi na ito ng iyong pagkatao.. Bagama't nangyari ang lahat ng ito, dadating ang puntong sasakay ka ulit..Ngayon, mas maingat kaysa sa dati. At sa puntong ito magsusuot ka na ng mga protective gear katulad ng con... ooopsss di yan, katulad ng helmet, elbow pads, knee pads at kung anu ano pa. Para kung masaktan ka man uli ay di na kasing sakit nung una. At least sa pagkakataong iyon hindi ka na mamemeklat at pahapyaw na lamang ang sakit. Ngunit sa mga bakas sa iyong tuhod at siko nariyan na sila, silang mga peklat na nag iwan ng hapdi at kirot. Andiyan na yan, andiyan na sila hindi na mawawala yan, unless gagamit ka ng cebo de macho."

At kung paulit ulit ang sakit kahit nakaprotective gear ka na. Leche! sumakay ka na lang ng bus o jeep wag ka lang mag MRT mas mapapadali ka.

~The End~






Sabado, Nobyembre 19, 2016

Lolo mo Move On: Para sa mga Milenyal na di nakatikim ng Martial Law

'Hanggang paglilibing, panakaw pa rin?'


Lolo mo moved on, o baka kamot ulo ng mga lolo't lola niyo kung nasaan man sila ngayon.

Yung mga nagsasalita na pabayaan na lang at lumarga na lang puwede ho bang wag na lang kayong magbigay ng opinyon kung wala rin naman itong maitutulong at pagpapalakas ng loob na magagawa sa mga nabiktima at napatay noong Martial Law. Pwede bang itikom na lang natin ang ating mga bibig at makinig ka na lang ng musikang nais mo. Wag na sa kayong makisakay lang dahil kanyo na gusto niyo na kalimutan na lang natin lahat ito para sa spiritual healing ng bansa. Mga ulol! sinong niloloko niyo? Madaling magpakalambot ng puso at magbait baitan kunwari, napaka easy na sabihin nating patay na rin naman yung taong nagpapatay sa mga mahal niyo sa buhay eh. Eh buti nga siya may ililibing pang katawan, eh yung mga taong pinasalvage, pinatay, binaon sa lupa ni hindi nga nila nahanap yung bangkay ng mga mahal nila. Nabaon at nadurog na ang mga buto at naging alikabok na lamang at hindi na nila natagpuan ang mga kamag-anak nila. Tapos, putangina sasabihin mo lang moved on? Gago ka bang talaga. Ikaw nga eh yung puso mong nasaktan dahili iniwan ka ng boypren o gelpren mo dekada ka bago makamove on, iiyak iyak ka rin naman minsan di ka rin makakain dahil hinahanap mo yung lambing ng taong nawala sayo. Alam mo ba na ganun rin ang nararamdaman nila? eh buti ka nga eh buhay pa yung nang-iwan sayo eh yung mgakatulad ng biktima ng ML parang naglaho na lang mula sa kawalan. Hindi ko rin naman inabot ang ML pero kahit isang araw sa buhay mo naman magbasa ka ng Kasaysayan, uso rin magbasa ng history books tohl hindi libro ang Face"book" na lagi mong kaagapay sa buhay.Pwede ka rin naman magsaliksik sa pamamagitan ng panonood ng pelikulang tagalog katulad ng Dekada 70 kung tinatamad k ang magbasa ng libro. Yung sa mga nakapanood naman na Marcos Loyalist pero naantig daw yung damdamin niya at naiyak nung pinanood niya ito eh kailangan mo nang magpa check up sa leading mental health hospital na malapit sa inyo. Tanong mo na rin kung may Ritemed ang mga gamot mo, dahil gusto namin na gumaling kayo.



The most brutal stories under the Martial Law

Millenials meet Martial Law Victims

Surviving Torture under Martial Law


Siyam na taon sa kuko ng diktador. Siyam na taon na pagdanak ng dugo at paghihirap ng bayan. Ang mga taon na napasailalim ang mga Pilipino sa Batas Militar. Hindi ko ibibida ang mga dilawan dito gawa ng  EDSA Revolution sapagkat alam ko naman yun din naman ang ibabalik niyong buwelta sa akin sa huli. Pero kung walang rebolusyon na naganap eh baka wala na ako, wala ka na diyan, wala na yung mga anak mo at nalagasan ka na rin ng mga mahal sa buhay.Hindi ka makakapag social media ngayon at wala kang layang makapagpahayag ng mga sarili mong opinyon. Magsalita ka ng masama sa diktatorya bukas makalawa isa ka nang malamig na bangkay. Yan ang kuwento sa akin ng aking Lolo Jose noong nabubuhay pa siya. 

Bumagsak ang malupit na rehimeng iyon dahil na rin sa hangad ng sambayanang Pilipino ang minimithing kalayaan, kalayaan na hindi mo matatamasa ngayon kung hindi dahil sa mga nagsakripisyo noong panahon ni Marcos. Subalit nangyari na ang kinatatakutan ng lahat. Ang kanilang pagsisikap ay nawalan ng saysay at nailibing na nga ang Pangulong hindi naman naging bayani ngunit ipinilit lamang ilibing sa Libingan ng mga Bayani at Isang Magnanakaw. 

Bamboo - Tatsulok

Sinasabi ng karamihan na ito ang panahon upang ang lahat ay magkapatawaran na. Sa pamamagitan ng pagpapatawag ay susulong na ang bayan sa matiwasay na prospektibo. Pero alam mo tohl, napakahirap sa isang tao lalo na sa isang bayan na patawarin ang mga taong kailanman ay hindi naman nagsisi o humingi man lang kahit na singkong duling na kapatawaran. para sa mga hindi lang basta't kasalanan na ginawa nila sa bayan. Ipilit mo man sa kukote na magpatawad kaso hindi pa rin talaga lalo pa't hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang mga naging biktima ng diktaduryang Marcos. Sa ganitong kalagayan, lalong isang dagok sa atin na mahimlay siya sa Libingan ng mga Bayani ksama ng mga dakilang Pilipinong nanindigan para sa kapakanan ng bansang ito. Ang sabi ng ilan pumokus na lamang sa kasalukuyan, napakadaling bigkasin ngunit ang nakaraan ay mananatiling mantsa ng kahapon lalo na't nabuksan muli ang sugat at sariwa pa para sa karamihan. Tandaang ang pagpapatawad ay hindi nangangahulugang katumbas ng pagkalimot sa mga kasalanan. Ika nga ng isang presidente: "FORGET YOUR ENEMIES, BUT NEVER FORGET THEIR NAMES". Paano ka susulong sa kasalukuyan kung ang kamalian ng nakaraan ay hindi pa naitatama? Matututo ang bayan sa nakaraan. Huwag hayaang ibaon sa limot ang hirap na pinagdaanan ng mga mamamayan sa panahong ng kanyang panunungkulan.

Ngayong nailibing na si Marcos, ito'y  magsisilbing mantsa sa sagisag ng mga bayani. Hindi kailanman naging bayani ang dating pangulo, siya's isang diktador na nagpahirap sa kaniyang mga kababayan habang nagkamkam ng bilyon-bilyong salapi ng bayan para sa sarili niya at ng kanyang pamilya. Sila ang mga hari't reyna noon habang hanggang ngayon ay binabayaran ang napakalaking utang na nabuo sa ilalim ng kanyang administrasyon. Hindi mo yun naiisip dahil kinakaltasan ka lang naman eh, minsan nagagalit tayo sa tax dahil halos lamunin na ang buo mong pinaghirapang pera sa pagkayod. Kasama na ho diyan ang binabayaran mo c/o Marcos wala lang resibo. 

May mga nagsasabi sa inyo na mas maganda raw ang buhay noong panahon ni Marcos na hanggang ngayon ay paulit ulit at bukambibig ng mga kabataang hindi naman naranasan ang pagmamalupit ng rehimeng ito.
Noong idineklara ang Martial Law, tahimik bigla. Walang rally. Wala ng mga nagrereklamong estudyante at manggawa. Maski sa hintayan ng dyip, pumipila ang mga tao. Tapos maraming pabongga at pasiklab. Nariyan ang Miss Universe pageant noong 1974. Panay ang dalaw ng mga sikat na artista mula sa Amerika. Tapos laking tuwa ng marami dahil dito mismo sa Pilipinas nagbakbakan sina Muhammad Ali at Joe Frazier sa Araneta Coliseum.

At sa lahat ng ito, nandoon ang hari at reyna. Si Malakas at si Maganda. Nandoon si Marcos at Imelda. Sa kanila nakatutok ang nakakasilaw na ilaw. Sila ang bida. Walang kontra bida. Pero alam mo ba iha at iho sa likod ng nakakasilaw na ilaw, mga pasabog at pasiklab, sa mga boksingero, beauty queen at artista, tago sa lahat ng ito ang KADILIMAN - MATINDI AT NAKAKATAKOT NA KADILIMAN.

Napakahirap  tanggapin ang kasakiman, walang lelevel up na pagnanakaw. Hanggang ngayon, sumusulpot ang mga balita tungkol sa mga dinugas ng diktador. Mansyon dito, mamahaling alahas doon at ang mga putaragis na sapatos ni Imelda. Mga kawawa iyong mga maliliit na mamamayan sa lipunan - mga karaniwang estudyante, manggawagawa, madre, pari, mga tatay at mga nanay niyo, mga lolo at lola natin na nangahas kalabanin ang diktadura ni Marcos. Sa gitna ng mga pasabog at pasikat, sa kadiliman ng mga kulungan ng Batas Militar, walang katapat na kasamaan.

Nangyari ito sa mga sariling kababayan mo, maswerte ka lang at ngayon ka lamang isinilang - dun mo sabihin sa mga binugbog, ginahasa, kinuryente ang mga ari, mga pinahiga sa yelo, isinubsob sa kubeta, pinakain ng kung anu-ano, tinorture tinanggalan ng kuko, patayin ang mga minamahal nila sa buhay na marapat na kasama pa nila ngayong Kapaskuhan, dun mo sa kanila sabihin na kalimutan na lang ang lahat dahil matagal na kamo ito. Sa isang banda, masuwerte na siguro 'yong basta na lang pinatay. Hindi na pinahirapan. 

Sa panahon ni Marcos, dahil sa kanya na rin mismo, natuto ang militar nating umastang hayop - silang dapat na nagtatanggol sa kapakanan at kaligtasan ng mamamayan. Tinuruan sila ng diktador na ako lamang ang atupagin niyo at ako lamang ang inyong susundin. Kaya wag mong ibida sa akin na mas maganda ang buhay noon na nasa poder pa ng mga Marcos ang Pilipinas. Kaya wag kayong maniwala sa mga ganid na gustong maghari-harian sa bayan na gustong kalimutan ninyo na ang lahat ng naganap sa atin noong panahon ng diktadura. Huwag na huwag kayong maniniwala na mas maunlad sana ang Pilipinas kung hinayaan lang ang masarap na pagkakaupo ng diktador.

May mga disiplina "raw" noong panahon ni Marcos. Pero simple lang ang maisasagot ko diyan: Ang pambubutangero ay hindi kailanman naging disiplina.

ANG PAGNANAKAW AY HINDI DISIPLINA.

ANG KAHAYUPAN - ANG TORTURE - AY HINDI DISIPLINA,

ANG PAGHIHIKAYAT SA INYONG: "KALIMUTAN NINYO NA ANG GINAWA NI MARCOS AY LUMANG TUGTUGIN NA 'YON" AY HINDI DISIPLINA.

Sa kasalukuyang panahon napakarami pa ring buwaya sa pulitika at pangungurakot lamang ang pakay, marami pa rin ang nambubutangero at nandaraya. Pero ito ang pinakamahalagang aral sa panahon ni Marcos: Huwag na huwag kayong maniniwala pag sinabi ng isang pulitiko na SIYA LANG ANG PAG-ASA NG BAYAN, NA SIYA LANG ANG MAY SOLUSYON.

Wag kayong paloloko sa mga nagmamarunong, Sa mga nagpapanggap na bagong tagapagligtas, sa mga taong nanaginip lang idinamay pa ang Diyos sa kagaguhan. Sa kabila ng lahat binawi rin naman ang pangako,

HUWAG KAYONG MANINIWALA SA MGA NAG-AAMBIsYONG MAGING BAGONG MARCOS!

Kalimutan ang nakaraan ngunit dahan dahan ulit tayong ibinabyahe patungo sa madugong nakaraan. #MARCOSISNOTAHERO








Huwebes, Nobyembre 17, 2016

Inis Talo

'Nakakainis ang Mainis'

Sabi nila inisin o asarin mo na ang lahat wag lang ang bagong gising, pero hindi rin e may mga tao kasing tipikal na madali mainis, humangin lang ng malakas at nagusot ang buhok ay naiinis na agad, puta kulang na lang awayin ang hangin o di kaya, wag ka minura na yung hangin. Weird noh? may mga tao naman na kahit hindi mo asarin kahit bagong gising eh nakalamukos na ang muka. Akala mo galing pa rin sa trabaho yung muka niya na hindi nakapagpahinga at parang sumagot ng isandaang sup call sa sobrang init ng ulo. Minsan napagdidiskitahan pa natin ang umaga at sasabihing "ang panget naman ng umaga" tohl baka ikaw ang panget sa umaga.

Hindi maubos ubos ang dahilan para tayo mainis. Halos sa araw araw sa loob ng bente kwatro oras may mga pagkakataon na naiinis tayo sa isang bagay. Minsan umaakyat yung dugo natin sa ulo kasi hindi nasusunod at nangyayari ang gusto mo. Mayroon tayong mga bagay na hindi mahanap, may mga taong nambabasag ng trip at dun mismo nagsisimula ang pagbabago ng mood o yung tinatawag na "violent mood swing" ng isang tao.  O kaya galing sa isang taong naiinis din sayo at kaiinisan m rin naman kasi ikaw ang laging nakikita, ikaw ang laging nasisisi at ikaw ang laging may kasalanan. Pero hindi ko kinaiinisan si Ka Freddie ha.

Naiinis tayo dahil sa ating mga katrabaho na may mga sakit na Tzika Virus. Yung mabagal at mahabang pila sa MRT Station. Yung mga kasama natin sa parte ng ating buhay at yung walang mintis na traffic sa kalsada. Ilan lamang yan sa napakaraming dahilan ng pagkainis ng bawat isa sa atin.

Normal naman ang mainis, ang positive side naman ng pagkainis ay yung natural na response natin kapag tayo ay inaagrabiyado. Isa pa, ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang emosyon na mainis, dahil dito ay para kainisan yung mga maling bagay at sablay na sistema o pamamalakad sa mundo. Pero kung ito ay gagamitin natin sa maling paraan then hindi ito makakatulong sa atin at mabubuhay lang tayo sa pagka inis at stress.

Limp Bizkit - "Break Stuff"

Lahat tayo minsan nagiging iritable. Walang tao ang nakapagsabing never siyang nainis sa  tanang buhay niya. Ang mainis ay sapat lang pero ang pagiging mainisin ay hindi. Bakit? Dahil at the end of the day, may pagpipilian tayo kung anong gagawin natin sa inis natin. Pwede natin itong patulan, palalain at gawing issue, o may choice ka rin naman na palagpasin na lamang. Nasa sa atin pa rin ang desisyon.

Dapat matuto tayong mag LET GO hindi yan yung MOVE ON sa kawikaan ng pag-ibig, kaya tayo naiinis dahil sa nawawalan tayo ng KONTROL sa mga bagay bagay. Nababali ang sanga, naguumapaw na parang lava yung init ng ulo na nararamdaman. Pero sa realidad maaaring napakadaling sabihin ng salitang kontrol pero ang katotohanan hindi natin kayang kontrolin lahat. Tao lang tayo and we have LIMITATIONS. We have to LEARN to let go of the things that are BEYOND our control.

Kung sa traffic naman wala pa talaga ta yong kongkretong solusyon diyan. Just think of other things na lang siguro na pwede  mong gawin na maaaring maging BENEFICIAL para sayo kahit naistak ka sa traffic. Kung may kasama ka siguro pwede kayo magkwentuhan muna o kaya ikwento mo sa kanya yung umpisa hanggang katapusan ng Daisy Siete o kaya yung Probinsiyano mas mahaba habang kwentuhan yun.

Pero yung 2016 'nang yan, hindi maalis alis yung inis, dahil parang binili lang natin sa CDR-King. May taglay talagang kamalasan. Nakakainis!




Linggo, Nobyembre 13, 2016

Bakit Masarap Magsulat?

'Wala ng mas sasarap sa paglikom ng mga alaala hindi lamang gamit ang memorya kungdi pati na rin sa paglapat nito sa papel gamit ang utak at panulat'


Hindi ko po ikakaila na napakasarap magsulat. Bukod sa responsibilidad ng isang nilalang na kumayod para kumita at mabuhay sa bilog na mundong ito ay bigla ko lang naisip na mainam pala ang mag-isip at magsulat. Noong kabataan ko kasi sa mga CR lang ako ng eskuwelahan nagsusulat gamit ang pentel pen at nagdodrowing ng kung anu-anong maseselang bahagi ng katawan, minsan nag-iiwan din ako ng selpon number baka kasi sakaling may bading na kumontak sa akin. Di ko rin kasi mawari na magiging libangan ko ang pagsusulat bukod sa betlog ang mga grado pagdating sa Filipino at Ingles na formal themes. Asahan mo na laging tinta ng pulang bolpen ang makikita mo dahil sa mga corrections ng pinakamagagaling ko daw na teachers. Eh paano ba naman kasi yung topic lang na kung anong ginagawa ko bago pumasok sa eskuwelahan ay hindi ko man lang magawaan ng isang sentence. Ni-hindi ko man lamang mapalawak yung isang bagay na ginagawa ko na katulad ng "gumising", "mag kape", "mag-inat" eh hindi naman puwedeng yun lang ang ilagay dun. Ano yun question and answer portion lang? Nahihirapan talaga ako pero hindi ko rin naman sinabing napakagaling ko na. Syet wala pa ngang napapatunayan ang munting tahanan kong ito. Ang sa akin laman eh hindi na ako siguro mabebetlog kung sakaling makasalubong ko man yung mga teachers ko na yun sa daan at pagawain ako ng written exercise real quick. 

Stereophonics - "Mr.Writer"

Tatlong taon na rin akong nagsusulat, 193 post na ang aking na-published at 17 ang nasa draft na pilit kong tinatapos kapag libre ang oras. Hindi man tuluy-tuloy ang pagsulat...pero di ko pa rin siya nalilimutan i-update paminsan-minsan. Baka nga ako lang din ang bumabasa ng mga sinusulat ko, eh anu naman atleast may mga babalikan akong mga sariling kwento at puwede ko naman maibahagi sa mga may interes na magbasa. Teka, may naalala ako na may pumansin sa aking blog noon at nagpakilala na taga I-Juander ng GMA 7, wala lang nagpaalam lang siya kung pwede niya gamitin yung isang storya sa blog ko na katatakutan at gagamitin ata sa kanilang Halloween special at tinatanong kung kilala ko yung taong nasa kuwento. Eh wala tapos yun iniwan na ko ni mokong nung ni-research ko yung taong nasa kuwento ng aking blog at ibinigay sa taga I-Juander yung facebook account nung nasa aking blog post. Na-itchapuwera na ang Ubas na may Cyanide. Pero ayos lang atleast na sesearch na pala ang blog ko sa Google at mayroon na sa kasalukuyang 38,175 na mga kaluluwang ligaw na bumisita sa aking blog. Mayroon na ding 199 na ginusto ang pahina sa Facebook.



Ang mga sumusunod ay ang mga dahilan kung bakit hindi ako tumitigil sa pagsusulat at kung bakit kong pinipilit buhayin ang munti kong tahanang ito:

Ito ang naging tampulan ng aking mga kwento sa buhay at halos karamihan ay noong nag-aaral pa ako noong high school, nariyan ang mga classroom set-ups, mga escapades at kakulitan at kung anu-ano pang kagaguhang nakikita at pinagagawa noong mga araw na teenager pa si Shaider at kulay yellow pa ang panty ni Annie.

Marami akong nakikilalang mga bagong kaibigan sa mundo ng pagsusulat. Meron hanngang ngayon ay kaibigan ko pa rin, kahit medyo ang karamihan ay ka-social media ko na lamang. 

Naging witness ng blog na ito ang puppy love ko na nahopia. Dito ko naikwento ang pagpunit ni crush ng love letter ko na itinapon sa basurahan ng 7-11. Paano ba naman imbis na sa stationery isinulat eh sa brown na balot ng pandesal isinulat ang mga mensahe ng pagkakilig. Wala na kasing time, at wala nang ring pambili ng stationery. Baka nandiri si kras dahil may mga mumo pa ng pandesal yung pambalot. Jusko sawing pag-ibig. Ayoko na maalala pa. 

Dito ko rin naisulat ang ilang mga kwentong kathang-isip ko lamang. Mababawa man, feeling ko, eto ang magiging legacy ko. Kahit papaano naman, pakiramdam ko ay may mga naisulat din naman akong proud akong ginawa ko.

Sa blog na ito, maraming katatawanan akong nalikha, dahil gusto ko talagang magpatawa ng tao, yung hahalakhak sila hanggang lumubo ang sipon at lumabas ang utak sa ilong. Sa paglisan ko sa mundong ito, gusto kong maalala nila kong may ngiti sa kanilang mga labi.

Sa totoo lang masarap mag-back read ng blog. Minsan maiinis ka kasi sa sobrang babaw ng mga naisulat ko noon, pero di ako magiging ganito katino ngayon kung di ko maaalala yung mga pinagdaanan ko noon.

Anyway, maraming salamat sa mga nagbabasa at tumatangkilik sa mga kalokohan ko sa blog na ito. Maraming salamat sa mga nakilala ko sa blog at personal at sa mga kaibigan ko na sumusuporta, thank you din.

Magandang gabi po sa inyong lahat!





Biyernes, Nobyembre 11, 2016

UNMC Music Review: The Flaming Lips: Yoshimi Battles the Pink Robots Pt1

'Yoshimi Battles the Pink Robots pt1'

Sabi nila when the world is in chaos and the people are getting cruel there's only one thing you can do to leave this all behind for a moment. Pero kung sasabihin mong alak ang kasagutan, mali ka dun tohl hindi lahat eh kayang solusyunan ng alak. Why not try something new? Yung iba sa atin we find our comfort listening to good music. Put your headsets on! pero wag sa opisina namin kasi baka ma NTE ka "Ninja Turtle Extreme", joke notice to explain kasi bawal daw ang musika, bawal magrelax. Ang gusto nila yung mga tugtugan ni Rihanna yung work, work, work. Tanginang kanta yan pressured ka na sa ginagawang email yun pa maririnig mo sa floor. Bawal ang personal headsets kaya wala kang katahimikan. 

Back in my days and time during the early 90's, better rhythms stuck in our era, frozen in time. Kung maibabalik yung mga tugtugin na yun ngayon sa mga modern airwaves eh baka mag top 1 pa nga sa mga daily countdown ng mga radio stations. And today, I will bring up a perfect piece for you kiddos of the new millennium. This is one of my favorite bands back then, bands that create songs based on our daily life and struggles.Please listen to THE FLAMING LIPS - YOSHIMI BATTLES THE PINK ROBOTS PT1.





Her name is Yoshimi
She's a black belt in karate
Working for the city
She has to discipline her body

'Cause she knows that it's demanding
To defeat those evil machines
I know she can beat them
Oh Yoshimi they don't believe me
But you won't let those robots defeat me
Yoshimi they don't believe me
But you won't let those robots defeat me

Those evil-natured robots
They're programmed to destroy us
She's gotta be strong to fight them
So she's taking lots of vitamins
'Cause she knows that it'd be tragic
If those evil robots win
I know she can beat them

Oh Yoshimi they don't believe me
But you won't let those robots defeat me
Yoshimi they don't believe me
But you won't let those robots eat me
Yoshimi

'Cause she knows that it'd be tragic
If those evil robots win
I know she can beat them

Oh Yoshimi they don't believe me
But you won't let those robots defeat me
Yoshimi they don't believe me
But you won't let those robots defeat me
Yoshimi they don't believe me
But you won't let those robots eat me
Yoshimi they don't believe me
But you won't let those robots eat me
Yoshimi

‘Yoshimi Battles the Pink Robots’ is a story about a girl fighting against her terminal illness.

‘Yoshimi Battles the Pink Robots’ is a musical about a girl trying to overcome her terminal illness while dealing with emotional issues, depicted in real life and in her imagination.

‘Yoshimi Battles the Pink Robots’ is a musical about Yoshimi, a girl trying to overcome her terminal illness while her friend Ben struggles with her situation and his feelings towards her. The story takes place in the real world and a fantasy world, where she fights against pink robots as a metaphor of her fight against the disease. Yoshimi learns about her own strength and the people who support her during this process.

The play takes place in the real world and a fantasy world. The real world is represented as an American contemporary city, while the fantasy world is another planet inhabited by destructive pink robots, as a metaphor of Yoshimi’s disease. It could be a product of her imagination.


The space in the real world is mostly interior, built and contained. The main scenes happen at Yoshimi’s exhibition, Yoshimi and Booker’s apartment, and the hospital. The fantasy world feels wide open, considering all the battle scenes that take place here. However, there is an interior and contained space during the scenes at the doctor’s lab.


Time is linear, although it is unclear in how much time it takes place because of the constant transition between both worlds. The fantasy world is an emotional reflection of the real world, so it seems to be more ‘eternal’ and indefinite.




The mood is mainly created by music, which is basically contemporary indie rock music with some psychedelic and electronic elements. This element, along with the action scenes in a fantasy world, helps to portray the character’s emotions during the play. Overall it is a dramatic story but the elements mentioned provide an optimistic and colorful feel.



The social context is private. The story revolves around a central figure and her interaction with other characters: parents, love interests, friends and doctors. In the real world, characters have jobs and problems pretty much like ours. In the fantasy world, the main character fights pink robots and doctors research on weapon using bright chemicals. All characters seem to live in both worlds at the same time, and they speak in verse/singing.



Yoshimi’s disease and her evolving relationship with Ben drive all the plot of the play. Towards the end, Yoshimi’s disease progresses until she dies, and she realizes her feelings towards Ben. Fantasy world falls apart.


THE PLAY

                         Play at La Jolla

Based off of the Flaming Lips album of the same name and a handful of their other popular songs, the main actress, Yoshimi (Kimiko Glenn), must choose her life’s journey between two men — all while a chronic disease takes over her body and world.

Kimiko Glenn as Yoshimi
Pink robots, including one that towered over the cast at 14-feet tall, stand in the way of Yoshimi’s health and battle against the well-being of her body. The robots, whose bodies’ LED armor plating is synced up to the music, lit up the dark stage and became the unsung main characters of the evening. As much as we wanted to hate the robots that harmed Yoshimi, we couldn’t help but fall in love with their colorful suits, clever choreography, unusual sing-alongs, and high-flying acrobatics.

The musical touched on themes regarding today’s obsession with technology and smartphones, while also addressing hope, loneliness, and how the love between two people can change drastically in times of crisis. And for someone who personally went through health scares among immediately family this year, the struggle between health and illness was extremely emotional.
The show is thrilling and really unlike any musical we’ve ever seen. If you are a fan of The Flaming Lips, appreciate innovation in performance arts, or just have a love for robots, you must see Yoshimi Battles the Pink Robots before it closes.
Sources: http://itp.smorad.com/2015/10/the-world-of-yoshimi-battles-the-pink-robots/



Nagmahal.Nasaktan.Nagmahal Muli

'Magmahal ka ulit sa panibagong pagkakataon'

Sabi nga ng isang liriko sa isang kanta "Don't stop believing..." na-hopia ka man sa panliligaw sa isang pag-ibig na gusto mong makuha ayos lang yun huwag ka pa ring susuko. Magmahal ka ulet gaya noon unang beses mo itong sinubukan. Walang ibang dahilan para huminto sa paghahanap ng isang tunay na pag-ibig at  tunay mong mamahalin. Huwag mo hayaang literal na tumibok lamang ang puso mo ng walang dahilan. Tumitibok lamang ang puso mo para mabuhay ka? Bakit hindi mo ulet subukan magpatibok ng puso ng iba? Failure is failure kung hindi naging matagumpay ang journey mo sa una mong minahal. Ang puso mo ay hindi isang sirang makina kung pumalya sa unang subok na pagmamahal ay titigil na ang pagsupply ng dugo nito para manatili kang buhay sa kasalukuyan.

Tandaan mo tohl na halos 100 milyong bagong cells ang nabubuo sa loob ng katawan natin sa loob lamang ng ilang minuto at halos isangdaan din ang namamatay. Araw-araw, halos daang pirasong hibla ng buhok ang nawawala ng hindi natin namamalayan kasama na ng mga balakubak at kuto. Ngunit ang buhok ay napapalitan din lahat sa pamamagitan ng mga bagong tubo. Iyang outer layer ng balat mo, hindi ka ahas pero hindi mo alam na napapalitan yan every 35 days. Yung mga patay na kuko mo tumutubo ulit at napapalitan ng bagong kuko after 6 months. Panibagong red blood cells ang dumadaloy sa ugat mo every after 4 months. Nabubuo at nadadagdagan ka ng bagong skeletons every 10 years at nagreregenerate ang mga maskels mo every 15 years.

Meatloaf - I'd do anything for love (But I won't do that)

Kung kaya ng iba't-ibang bahagi ng katawan mo, natural mente kaya rin ng puso mo. Darating din ang araw na yung taong kinabaliwan mo noon at pinag-aksayahan mo ng oras ay magiging parte na lamang ng malungkot mong nakaraan na hindi na dapat balikan. Put everything in history books tohl. Mag-umpisa ka ulet. Mawawala din siya sa sistema mo at hindi ka na kakainin ng nakaraan. Maghihilom ang lahat ng sakit at galit na taglay at pasan mo sa araw-araw. Mas may patutunguhan ka pa sa kilay ni Liza Soberano kung magagawa mo ang lahat ng ito. Hindi man ganun kadali, mahabang panahon man ang malilikom, ilang bilyong bagong selyula man ang magpalit-palit sa loob ng iyong katawan, pasasaan ba't darating ka rin dun.Hindi natin alam, sa pagpapalit-palit na yon, maaaring dahan-dahan ding pinapalitan ang emosyon moh hanggang sa magising ka na lang na naglaho na ang dating pagtingin. At paggising mo kinabukasan isa ka nang bagong nilalang. Nakakalanghap ka na muli ng sariwang hangin, ramdam mo ang gaan ng feeling, babatiin ka ng mga kakilala mo at sasabihin "uy ang blooming mo naman today".

"Umibig ka na parang si Jorah Mormont"

At kung magmamahal ka uli, tip lang tohl tularan mo si Jorah Mormont isa siya sa paborito kong karakter sa Game of Thrones at kahit na na-hopia sa pag-ibig ay kailanman ay hindi sumuko. Isa yan sa mga susubaybayan ng lahat ng panatiko sa darating na Season 7 ng nasabing palabas sa TV. Si Jorah kasi yung akala mo bes, bes mo lang at gagawin lahat para maproktektahan ang kanyang lihim na pagsinta. Nasaktan at pinalayas na't lahat ngunit nagbalik para ibuwis ang buhay, hahamakin ang lahat hanggang kamatayan. Pero yun lang nung umamin na siya ng kanyang totoong nararamdaman ay sadyang na-hopia pa rin ang ating loverboy sa ikalawang pagkakataon bukod pa sa magiging taong bato na siya dahil sa isang scene sa serye ay nakipaglaban at nakipagtuos siya sa mga taong-bato na kapag nahawakan ka ay magiging kamukha mo si General Bato. Unti-unting nagiging stone man si Jorah ngunit ang puso niyay mananatiling hopia...este mananatiling busilak at totoo sa kanyang sinisinta.

Magmahal ka ulit sa panibagong pagkakataon gaya noong unang beses mo ito sinubukan.



Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...

Certified Great Reads