Bawal na tatawid pa yan
Siguro, isa 'yan sa dahilan kung bakit kahit ano pamang karatula at babala ang ilagay sa kalye o saan mang pampublikong pasilidad ay hindi rin lubusang sinusunod ng tao. Kahit pa-gwapuhin mo pa ang disenyo at kulayan pa ng neon pink, nagbi-blink, o kung anopamang kalandian, di pa rin uubra. Hindi naman pwedeng ilusot na sobrang illiterate ang mga kababayan natin. Katunayan, naglipana ang bandalismo sa pader at graffitis na gawa ng kahit amateur gangsta at tambay sa kanto. Kahit manakot ka pang, "Bawal Umihi, Putol Titi. Multa P500". O kahit bantaan mo pa nga ang mismong buhay niya at di lang yung titi niya, ex. "Walang Tawiran, Nakamamatay", waepek pa rin. Hardwired na yata sa karamihan ang maging isnabero at isnabera sa anumang babala. Minsan, kahit naintindihan na nga at nabasa, mas trip pa ring makipag-amazing race sa mga humahagibis na sasakyan sa kalsada ang mga pasaway at tamad mag-overpass o sa talagang tawiran upang masubukan siguro kung sino nga ba ang mas matibay at mas mabilis.
Sa pagalay niyo, talaga nga kayang normal sa tao (hindi lang sa Pilipino) ang katigasan ng ulo at nasasarapan sa bawal o hindi pagsunod? Baka naman, abnormal lang talaga yung mga ipinasusunod na batas? Hindi kaya may kinalaman ang kulay pink na karatula sa phenomenang ito? Matuloy nga kaya ang planong People's Power at magtagumpay na mapatalsik si Madam Pandak? May magbasa nga kaya ng post kong ito at magkomento?
Bawal na tatawid pa yan |