Ipinapakita ang mga post na may etiketa na nostalgia. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na nostalgia. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Abril 9, 2026

Jack's Biking Chronicles - A Visit Back to Childhood Nostalgic Place: The Manila Zoo


Kung meron man sigurong pinakanostalgic place noong aking kabataan ay ang Manila Zoo. Lumaki ako na ang Manila Zoo ay hindi lang simpleng pasyalan—isa itong bahagi ng aking pagkabata. Tuwing linggo, pagkatapos ng misa sa simbahan, siguradong may lakad kami ng pamilya. Simpleng saya lang: lakad-lakad, kain sa labas, at siyempre, ang paborito naming destinasyon—ang zoo. Hindi pa kasi ganoon kasabik ang mga tao sa mall. Madalas gumala ang mga Pinoy noon sa mga parke kung saan puwede kang maglakad-lakad, maghabulan ang mga bata, maglaro at mag-picnic sa damuhan ng Luneta Park o di kaya sa PICC grounds. Ganito ang trip ng mga tao noon, family or friends gathering, ika nga. At kung may request ang mga bata katulad namin na pumunta sa Manila Zoo ay pinagbibigyan naman kasi dahil na rin sa likas na mahilig kami sa mga hayop at gusto naming makita ang mga mababangis na hayop na sa TV lang namin nakikita. 

Naalala ko pa kung paano kami dinadala ng tatay at nanay ko dito. Bilang bata, sobrang saya ko sa bawat hayop na nakikita ko—para bang isang malaking storybook na nabubuhay sa harap ko. Isa sa pinakatumatak sa akin ay yung pagsakay namin sa maliit na banca sa loob ng zoo, sa isang man-made river. Pero kahit masaya, may halong takot—iniisip ko noon, “Paano kung may buwaya dito?” 😂

Noong 2022, nagbukas muli ang Manila Zoo at hudyat na sabi ko para mabisita on a bike tour sa aking pinakanostalgic place noong aking kabataan. Hindi naman ako binigo ng nostalgia vibe simula nang tumapak ako muli sa loob ng zoo. Pero ibang-iba na sa aking kinagisnan ang zoo, mas malawak, malinis,  mas maraming bagong hayop at mas moderno. Puwedeng ipanlaban ang ganda ng zoo kung ikukumpara sa zoo ng ibang bansa. Nag-book ako ng ticket online, kaya pagdating ko doon ay in-lock ko na lang ang aking bisikleta sa bike parking. Hindi na ako pumila sapagkat ang ipapakita ko na lang ay ang message confirmation sa aking cellphone na bayad na ang ticket ko online, kaya hindi na ako nahirapan na makapasok.

I'm so lucky dahil nasulyapan ko pa si Mali bago siya namatay noong 2023. Yun nga lang Mali's story was not so good, and she was not a happy elephant. Mali (Vishwa Ma'ali) was a female Asian elephant who lived in solitary confinement at Manila Zoo in the Philippines from 1981 until her death on November 28, 2023, at age 43. Gifted by Sri Lanka, she became known as the world's "saddest" elephant, sparking global advocacy for better welfare conditions.

Ang isa sa mga makabagong feature sa Manila Zoo ay ang Giant Aviary. Ang aviary o bird sanctuary ay isa sa mga pinakakapansin-pansin. Malalaki at mataas na enclosure na parang gubat sa loob—mas maluwag, mas natural ang tirahan ng mga ibon. Ramdam mong mas pinapahalagahan na ngayon ang welfare ng mga hayop.

Rise Against - Ready to Fall











Hindi lang ibon ang nagbago—halos lahat ng animal enclosures ay inayos at pinaganda:

🦁 African Lions – Mas malawak at mas natural ang kanilang enclosure; may mga bato at espasyo para gumalaw. Hindi na sila mukhang nakakulong—parang mini-savanna na.

🐅 Bengal Tigers – Makikita mo ang kanilang lakas at ganda habang naglalakad sa mas maaliwalas na tirahan.

🐒 Mga Unggoy – Tulad ng dati, sila pa rin ang pinaka-playful! Tumatalon, umaakyat, at tila laging may sariling show para sa mga bisita.

🦋 Butterfly House – Isa itong tahimik at magical na lugar. Puno ng halaman at makukulay na paru-paro na malayang lumilipad—parang nasa isang fairytale garden.

Mayroon ding creepy crawler section na air-conditioned—dito makikita ang mga reptilya, mga gagamba, mga iba't ibang klase ng bulate at iba pang maliliit pero kakaibang nilalang. Medyo nakakatakot, pero sobrang interesting!

But, did you know that there came a time when Manila Zoo seemed to “fall asleep”? Before 2022, it was closed for a major rehabilitation. One of the main reasons was environmental concerns, especially untreated wastewater flowing into Manila Bay.

There were also fire incidents in parts of the zoo, which further highlighted the need for major improvements and modernization. I wrote a blog post about that back in 2015, where the fire incident happened, and you can find and read it here: Rage Against Fire: Way Down Memory Lane with The Manila Zoo

The City Government of Manila led the rebuilding effort. This wasn’t just a simple renovation—it was a complete transformation:

  • Improved drainage and water treatment systems
  • Cleaner, more spacious animal enclosures
  • Modern facilities for both animals and visitors

In 2022, the zoo reopened—like a phoenix rising from the ashes.

Walking through the new Manila Zoo, I felt both the past and present at once. The place may have changed, but the memories of my childhood with my parents remain untouched.

Manila Zoo proves that places can evolve and improve—but memories will always stay the same.




Martes, Disyembre 9, 2025

Nostalgia: A Multivitamins Pill?


Alam mo ba na ang pinaka-interesting na fact tungkol sa nostalgia ay dati itong itinuturing na sakit?  Para daw itong lagnat sa puso. Noong unang panahon, akala ng mga doktor na kapag sobra kang nagbabalik-tanaw, may psychological imbalance ka raw—samantalang sa totoo lang, miss mo lang yung lumang buhay na hindi ka pa nagbabayad ng kuryente. Pero ayon sa modern psychology, nostalgia is actually good for you. Para siyang multivitamins ng emosyon: nagpapalakas ng mood, nagpapababa ng stress, at minsan pa’y nagbibigay ng lakas ng loob na magpatuloy sa buhay. Hindi mo man mapapansing may pakinabang pala yung pagngiti mo habang naaalala mong sinubukan mong maligo noon sa malaking drum na punong-puno ng tubig o yung alaalang inilagay ka ng nanay mo sa batsa dahil pinasok ng baha ang buong buhay mo, kapag naalala mo ang mga bagay na yun ay bigla kang mapapa-instant ngiti. At ang mas nakakatuwa? Hindi natin kailangan ng malaking dahilan para ma-trigger ito. Kahit simpleng amoy ng nag-mumura pang pandesal, tunog ng lumang ringtone, o pagkakita ng tsinelas mong may “bakbak corner”—ayun, balik ka na agad sa panahon na ang problema mo lang ay bakit ang bilis maubos ng teks dahil lagi kang natatalo sa laro. Kaya ayan, ang nostalgia—dati raw sakit, ngayon pampagaan ng loob. Sana lahat ng sakit ganun kadaling maging comfort.

Isa pang nakakatuwang fact tungkol sa nostalgia: hindi lang pala ito tungkol sa pag-alala—pangmalakasang emotional DJ din ito ng utak. Kapag may naaalala kang masayang memorya, nagre-release ang brain mo ng feel-good chemicals tulad ng dopamine. Kaya pala kapag naaalala mo yung unang beses mong binilhan ng mama mo ng Happy Feet, pakiramdam mo biglang gumaan ng pakiramdam kahit overdue na yung bills niyo.

At eto pa—hindi daw tayo nagno-nostalgia kapag bad mood lang. Minsan, nangyayari ito dahil masaya tayo. Parang celebration ng utak na, “Uy, okay buhay mo ngayon… pero naaalala mo ba yung sarap ng childhood mo?” Kaya pala habang masaya ka sa inuman, bigla mong ikukuwento yung crush mong katabi mo sa flag ceremony noon.

May isa pang kaaliw-aliw: ang nostalgia ay universal. Hindi mo kailangan maging millennial, Gen X, o batang 90s para maramdaman ito. Kahit Gen Z ngayon, nagno-nostalgia na sa era ng K-zone, Friendster, at Touch Mobile; samantalang tayo naman, nagno-nostalgia sa panahon ng teks, tirador, at Sunny Orange juice. Ika nga, walang pinipiling edad ang lungkot-saya ng pag-alala.

At ang pinaka-swak na fact: nakakatulong ang nostalgia sa identity mo. Yup, yung simpleng pag-alala mo sa lumang tropa, first school crush, o paboritong laruan mo—yan ang bumubuo sa “ikaw” ngayon. Emotional scrapbook kumbaga. Kaya pala minsan, kahit alam mong cringe yung mga pinaggagawa mo nung elementary, hindi mo pa rin mabitawan—kasi bahagi ‘yon ng naging kwento mo, kung sino ka talaga. 

Itchyworms - Ayokong Tumanda

Sa madaling salita, ang nostalgia ay hindi lang trip down memory lane—life hack din siya para maalala mong minsan, naging bata ka ring masaya, walang iniisip, at naniniwalang pwedeng maging hotdog ang hotdog sandwich mo kapag sinawsaw mo sa ketchup.

At siyempre, hindi kumpleto ang usapang nostalgia kung hindi natin isasama ang Gen Z, ang henerasyong mas bata pero parang may senior citizen card pagdating sa pag-aalala ng nakaraan. Totoo—nostalgic na rin sila, kahit 2010s lang ang childhood nila. Pero huwag maliitin! May sariling flavor ang Gen Z nostalgia.

Para sa Gen Z, ang nostalgia ay amoy bubblegum ng 90s pero puwede na ang mga tattoo, tunog ukulele cover ng mga OPM hits, at visuals na parang washed-out Instagram filter noong 2014. Nagno-nostalgia sila sa Touchscreen-Era Childhood—mga panahon ng Flappy Bird, Vine, Musical.ly, at yung panahong buo pa ang One Direction. At nakakatawa pa dito, mas mabilis ata silang tamaan ng nostalgia kaysa sa ibang henerasyon. Isang kanta lang ni Taylor Swift bigla silang magtatype ng “I miss 2016” kahit kagabi lang naman sila masaya.

Pero ang pinaka-interesting? Gen Z treats nostalgia like an aesthetic. Hindi lang memorya—branding din. May “retro 90s,” “early 2000s,” “2014 Tumblr era,” at “pre-pandemic vibes.” Kung tayo, nagno-nostalgia dahil naaamoy natin ang pandesal na bagong hurno, sila naman nagno-nostalgia dahil nakita nila sa TikTok yung lumang layout ng Friendster at biglang nalungkot. 

At sa huli, pare-pareho lang pala tayo. Boomers, Millennials, Gen Z—lahat tinatamaan ng nostalgia kapag pagod na sa buhay. Ang kaibahan lang? Iba-iba ang trigger, pero iisa ang pakiramdam: yung biglang nagiging kumot ang alaala, at kahit sandali, feeling mo safe ka ulit.




Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...

Certified Great Reads