Sabado, Oktubre 29, 2016

Gloomy Sunday



'Life is not like Gloomy Sunday, with a second ending when the people are disturbed'

Buo na ang loob niya. Matibay na ang kanyang dibdib at handa na siyang magpakamatay. Para sa kanya, Linggo ang pinakamaiging araw ng pagkitil ng buhay. Pahinga ang Diyos. Hindi siya abala. Baka daw maunawaan ang gagawin niyang pagpapakamatay.

Kinuha niya ang maliit na dumbell at dinurog ang ga-buto ng sampalok na panlinis ng silver sa isang tasang kumukulong kape.

Binuksan ang kanyang kompyuter. Pinuntahan ang YouTube at naghana ng mapapanood at mapapakinggang malungkot na awitin.

Nakita niya ang "Gloomy Sunday". Isinara ang lahat ng bintana. Tinabingan ang lahat ng puwedeng pagmulan ng liwanag. Kinuha ang front cover ng tabloid Abante newspaper at nilamukos pinantakip niya sa butas na screen dahil mayroon pa ring pumapasok naliwanag. Binuksan ang bentilador. Tanging liwanag na lang sa monitor ng PC ang liwanag na kumakalat sa kwarto niya.

Tagaktak ang pawis niya kahit bukas ang pupugak-pugak na elekt rik fan. Kulob ang kwarto.

Tinignan niyang mabuti ang nakakalungkot na palabas sa PC. Dinamang mabuti ang melodya. Pumikit siya. Dumilat.

Kinuha niya ang tasa ng kape. 

Tinikman. Napaigtad siya sa init. Napaso ang kanyang labi. Sa pagkaigtad niya lumigwak ang kape sa kanyang hita. Tumama ang tuhod niya sa nakausling patungan ng keyboard. Kumalog ang mesa. Umuga ang  monitor. Inagapan ng isang kamay ang monitor. Lalo lang lumigwak ang kape. Natapunan ang keyboard. Inagapan ng isang kamay niya na galing sa monitor ang keyboard.

Silverchair - "Suicidal Dreams"

Natumba ang monitor. Napatayo siya para saluhin. Muling tumama ang tuhod niya sa nakausling patungan ng keyboard. Tumagilid ang kompyuter table. Tuluyan nang natapon ang kape sa mesa ng kompyuter. Tuluyan nang tumaob ang mesa kasama ng buong  kompyuter.

Namatay ang monitor.
Biglang kinumutan ng dilim a ng buong silid.
Tumayo siya para hanapin ang switch ng ilaw.
May narinig siyang ingay. May nasagi siya. Natapakan niya. Tumumba rin ito.

Nang magbukas ng ilaw, bagsak ang bentilador. Basa ang keyboard. Durog ang screen ng monitor.

Nang walang anu-ano'y "HOY, PUTANG INA KANG BATA KA, ANO NA NAMANG KAPALPAKAN DIYAN ANG GINAWA MO? HINDI KA BA PAPASOK NGAYON? PUTANG INA KA, LUNES NA LUNES, A-ABSENT KA NA NAMAN."

Maingat niyang itinayo ang natumbang mga bahagi ng kompyuter. Habang umiikot pa ang elesi ng bentilador. Marahan. Parang humahalakhak.

Biyernes, Oktubre 28, 2016

My Throwback Horror Story



'Horror Story ko na pang-Wattpad'

Tutal naman dalawang araw na lang bago ang ginaya nating tradisyon sa Amerika, ang Halloween, nais ko kayong kwentuhan ng aking mapanindig balahibong karanasan noong ako'y paslit pa lamang. Uso na rin naman ang takutan, mga maskarang katatakutan, mga Halloween theme sa opisina, mga party na may temang nakakasindak at mga pusong nagsosolian ng kandila, sagarin na natin ang takutan at mula dito ibabahagi ko na sa inyo ang aking kwento.

That was October, the same day as today kung saan month of the Holy Rosary. I was at Grade 4 and our school uniform is khaki shorts and white polo na nakatack in para sa boys. Nag-aral ako sa Catholic school kaya ganito ka-obligado sa amin ang mga ganitong aktibidades tuwing buwan ng Oktubre pero sa akin napa-aga ng dalawang araw ang Halloween. Madilim ang langit, matatalas ang ihip ng hangin halos parang Gillete Ruby kung maka-landing sa balat at dagdag mo pa ang terror na teacher na naatasan na magpa-Holy Rosary.

At nagsimula na ang sorrowful mystery ng araw na iyun. Alas nuwebe nagsimula ang rosaryo at sa pangalawang yugto pa lang ng pagrorosaryo ay nakaramdam na ako ng kakaiba. Sana nga sumama na lamang ako sa kay Hesus sa Garden of Gethsemane mula sa aking kinaluluhuran. Dito nakaramdam na ako ng pangingilabot, nagtatayuan na ang mga buhok sa aking balat at pawis na pawis ang aking noo, batok at leeg kahit na malamig naman ang panahon at lalo akong nangingilabot habang tinatamaan ako ng elektrik fan. Tangina ayoko ng nararamdaman ko. Ayokong magpasakop sayo. Ayokong marining ang after math ng mga kanilang sasabihin pagkatapos nito. Hindi na ako makasabay sa pagbigkas ng hail mary at holy mary, sana matapos na, sana Hail Holy Queen na, sana tawagin na nila lahat ng santo at ang aking tugon ay "pray for me". Hindi ko na kinaya.

Ang demonyo sa sikmura ko nag-inaso! Bumulwak ang mainit at maitim na bagay habang nakaluhod ako. Yung ernabels ko full blown sa waput. Akala ko'y nagpakawala lamang ako ng hangin,ngunit ang hangin na inaasahan kong hangin lang ay may kasamang Magnolia Chocolait, the chocolatiest. May dalawa pa kameng klase bago mag-lunch. Math ata? Di ko na maalala kasi halos mategi ako sa kahihiyan. Lumipat ako sa sulok ng klase para walang maka-amoy ng nagawa kong krimen. Diyan lang kayo, dito lang ako. Gusto kong magpaka-layo layo hindi muna tayo magkakaibigan. 

Pagkatapos ng pagrorosaryo, rekta agad sa banyo at agad na nagdeploy ng ebs. Kuskos, banlaw, walang sabon.... Sa buong isang oras sa klase, gusto kong balatan ng buhay yung mga gumagatong sa hindot na nagreklamo bakit daw amoy tae sa room?? Tangina mukhang may nakatunog ng lagim kanina. Patay-malisyang dumiretso ng canteen para lumapang at todo layo sa ibang students. Baka maamoy. Etong isa na katabi ko sa pila naispatan akong umoorder ng Yakisoba, nagmamadali ako kaya gusto ko yung one quick instant cooking lang na pagkain. Maya-maya puta nagulat ako nagsalita si koya, sabi niya "DIBA IKAW YUNG TUMAE SA GRADE 4?" May mga high school sa likod namin! Halos matunaw ako sa kahihiyan. Sabi ko "HINDI AH. PANO MO NAMAN NASABI?"....

Inubos niya lahat ang natitirang patak ng self confidence ko. Tinapos niya ko..."IKAW TALAGA YUNG TUMAE. TIGNAN MO SINUSUNDAN KA NG MGA LANGAW."

AND TRUTH BE TOLD ANDAMI NGANG LANGAW NA KUMPOL KUMPOL SA LIKOD KO. HINAWI KO PA AMPUTA. SABAY TAKBO DALA YUNG CUP NG YAKISOBA.

Basta ito yung pinaka-horror story ng buhay ko yung natae ako sa school nung Grade 4. 

Hanggang ngayon kinikilabutan at kinikilig sa fact na n atiis kong may malagkit at mainit-init na tae sa brip ko sa isang oras. Hindi ko makakalimutan yun. Nakakatakot pa kay Freddie Krueger.