Lunes, Pebrero 12, 2018

Feb Ibig Series: Habang Wala Pa Siya



'Show me that love is worth the wait'


"Being single doesn't mean you know nothing about love. Sometimes being solo is wiser than being in a false relationship."

Tutal 48 hours na lang Valentines day na naman. Nariyan na naman ang kulay pulang mga bagay at uulanin ang ating mga mata sa tinaguriang araw ng kulay ng pag-ibig. Maglalabasan ang mga stocks ng Ferrero Rocher at dadagsain ang lugar ng may pinakamababango at kahali-halinang bulaklak sa lugar ng Dangwa. Sa kabila lahat ng ganitong gawain ng ilan, ang ibang tao naman ay patuloy na madedepress dahil hanggang sa pagkakataong ito eh single pa rin sila.

Ang layuning siguro ng post kong ito ay para sa mga single ngayon para di masyadong nalulungkot habang naghihintay o naghahanap sa taong tatanggap sa'yo at yung taong makakatuluyan niyo. Isang paalala lamang mga tohl, tandaan na hindi ang pagkakaroon ng lovelife ang dahilan kaya tayo nabubuhay sa mundo. Ang umibig ay isa lamang sa features ng life, isa lamang itong paraan para mabigyang kulay ang buhay ng bawat isa, pero hindi ito ang rason kaya tayo nandito. Hanggang sa narerealize niyo ang kawalan ng kapareha, sigurado ako na di mawawala ang depression sa buhay niyo. Clear your cache and expand your  understanding why you're here. 

                                               Tonic - Sugar


Ayoko din naman mag preach, hindi ako si Father. Kaya simulan na natin. Ito ang mga maaari ninyong gawin habang wala pa siya:

MAG IPON

Medyo may pagka hedonism itong post na ito, dahil ito yung mga bagay na dapat kong gawin din. Siyempre gusto nating pag nakilala na nating yung ating "the one" eh dapat medyo stable na tayo, para naman di na kailangang maghintay ng matagal bago niyo dalhin sa dambana ang inyong iniibig. Kaya ngayon, habang wala ka pa namang ginagastusan masyado, eh magsimula ka nang magtabi para sa inyong future. Alam naman nating  lahat na major pogi points para sa mga babae ang lalaking may malaki ang hinaharap ooops wag berde ang utak ang ibig sabihin ay may plano para sa kinabukasan, sa future. Ang gusto ng mga babae ay yung kaya niyo sila buhayin  hindi yung puro love kaya minsan mali yung kanta ng The Eagles na "Love will keep us alive" eh, hindi ka mabubuhay kung maghapon lang kayo magka-akap magiinit lang ang inyong katawan at masisira ang family planning.

MAKIPAGKILALA KUNG KANI-KANINO

Habang wala pang sisita sa'yo na makipag date kung kani-kanino eh lumabas ka at iexplore ang iyong mga options. Kaya masarap maging single dahil hindi ka natatali sa iisang tao (hindi naman ako nagrereklamo, just saying). Kung hindi ka pa sigurado na ang kasama ay siya nawa maaari ka pa ng maghanap ng walang nasasaktan. Kung di mo kayang makipag-date, maghanap ka ng mga bagong kaibigan. Magandang foundation sa isang relationship kung nagsimula kayo bilang friends. Wag lang mauuwi sa "friend zone."

GAWIN ANG GUSTO NIYONG GAWIN

Sabi ko nga habang wala pang pipigil sa inyo, gawin niyo ang mga gusto niyong gawin sa buhay. Kung gusto mo mag travel fine! Ngayon ang best t ime habang wala ka pang iiwanan at papasalubungan. Habang wala pang mangongonsesiya sa inyo, do whatever you wanted to do, magbunjee jumping ka, mountain trekking, scuba diving, sky diving, manuod ka ng sine, buong araw na inuman with friends, makipagpatintero ka sa mga rumaragasang sasakyan sa EDSA, sumamama ka sa mga rally, manood ka ng porn bahala ka basta gawin mo kahit ano kasi you're still free as a bird. Malaya ka. Wala ka pang pagpapaalaman at magbabawal sa'yo. Good experience mo yan ngayon, para kung nariyan na si girlie o boyet, may mga activities na kayo para sa mga date niyo.

                                     Mike Villegas - "Bilanggo"                                      feat. Kevin Roy & Zach Lucero



TRABAHO

Pag busy-busyhan ka sa trabaho o sa kahit ano, madali mong makakalimutan yung pagiging single mo. Kasi may ibang nag-ooccupy sa isip mo. Okay lang yun at least hindi ka nalulungkot. Kung nasa call center ka at nasa field ng customer service gawin mo lahat ng sabay sabay mag email ka, sumagot ng live chats at sagutin ang mga inbound calls hindi mo na kailangan ipaflex kung saan ka nila gusto dalhin dahil masaya ka na gawin ito ng sabay sabay ewan ko na lang kung ma-call out pa ang pangalan mo.Pagbutihin mo maging top agent at maka receive ng joy hindi kasiyahan, kundi Joy dishwashing liquid at kung anu-ano pang makabuluhang pa premyo. Kagatin mo lahat ng ioofer na overtime. Siguro mapapagod ka, pero at least kapalit naman nun pera, di ba? Sabi nga nila kung di ka swerte sa pag ibig, malaking pag-asa na sa ibang bagay ka naman susuwertehin. Malay mo, baka sa trabaho mo yun mapupunta. Habang wala pa siya, eh mabigyan ka ng headstart para maging stable sa buhay. Pero wag masyadong pakalunod sa trabaho. Ika nga nila kailangan din nating ng work-life balance.

Ang lahat ng ito ay mungkahi ko lang. Madalas lang nakakaligtaan ng ibang tao dahil nagmumukmok at hindi pa nila nakikita ang kanilang life partner. Iniisip ko lang, na imbes mag drama sa buhay eh gawin nating productive itong mga panahon na ganito. Para pagdating "niya" ay wala na tayong hahanapin pang iba.

Miyerkules, Pebrero 7, 2018

Parisukat na Mundo




'Masarap magburda ng mga salita sa mundong parisukat'


Kape. Ubo. Dahak.
Alas singko beinte dos
(madaling araw)

Nakakailang tipa pa lamang ako ng letra sa unang linya ay naka tatlong kahol na ako. Higop ng kapeng mainit upang humagod ang lalamunan. Nakakulong sa isang silid na di ko mawari kung paano ko matatakasan. Nakatago sa isang aparador na puno ng mga bagay na hindi ko madama. Ako'y nakaupo sa isang silya na gawa sa metal at sadyang nakagigimbal ang lamig, sapagkat bukod sa pagkakaupo'y nakatali ang aking mga kamay ng makakapal na kadenang umuubos ng enerhiya. Hindi ko alam kung nasaan ako. 

Nilisanan na ako 
ng mga luhang
noo'y hindi
lumilisan sa 
aking mga mata.

Tila niyayakap
na ako
ng takot at kalungkutan
masikip at hindi makahinga
sa pagkakabigkis
ngunit ako ay
hindi patitibag.


                                            KWARTO - Sugarfree



Kung may sariling buhay lang  'tong blog na 'to, sa madaling araw at sa oras na ito, malamang ay tampong tampo na ito sa akin. Sapagkat nabibigyan ko lang siya ng pansin kapag kailangan ko ng katahimikan mula sa mapanghusga, mabangis at magulong mundo ng isang pagiging manunulat. Siguro binubulyawan na ako ng mga ubas na nakadisplay sa banner na ito. Baka nilason na nila ko sa sa pamamagitan ng cyanide. Anong sasabihin nila sa akin? "Andito ka na naman punyeta ka kasi hindi mo masubuan ng salita ang isa mong post? Andito ka na naman kasi pnamumugaran ka na naman ng karuwagan at kalungkutan?" Kung sisigawan niya ako ng ganito, tatahimik lang ako't tatango kasi yun naman talaga ang totoo. Baka nga punung puno na naman ng karuwagan ang puso ko. Duwag na ipahayag ang totoong saloobin. Dito kasi, ako lang ito, ako ang hari ng aking mundo, ako ang namumuno sa bawat salitang aking binibitawan. Pero naman kasi hindi niyo naman ako kilala. Kasi hindi niyo naman ako kinakausap. Kasi isa lamang akong hangin (wag lang masamang hangin) na dumadaan sa inyong mga dashboard na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang tagalog. Dashboard. Ewan, basta wala atang katumbas na tagalog para sa salitang ito. Maganda na rin siguro ang ganito. Napakatahimik kahit nagtitipa lang naman talaga ako ng letra at tanging paghigop ko lang ng kape ang naririnig ng sarili kong tenga sa pag-usbong ng isang mangandang umaga.

Di niyo lang alam napakasarap magsulat lalo na sa mga oras na pakiramdam mo tinalikuran ka na ng mundo. Kapag pakiramdam mo na wala nang nagnanais na makinig sa mga nakakasawa mong kwento. Masarap mangsulat lalo na kung nagiisa ka at walang nag-aabot ng kamay upang patayuin ka't yakapin sa kalungkutang kinasasadlakan mo. Masarap bumurda ng mga salita kung marami kang nais isigaw sa mundo ngunit ika'y nagmimistulang pipi sapagkat walang lumalabas na tinig galing sa bibig mo. Masarap magsulat sa mundo ng tinta at papel, may mga kaibigan o di mo kakilala na nais makinig sayo, may mga taong gusto kang damayan. Ang mga tinta't papel sa harap mo ang siyang mga totoong kaibigan na kailanman ay hinding hindi ka lilisanin. Masarap magsulat lalo na kung ang sinusulat mo ay ang sarili mo at ang pinapasulat mo ay yung totoong ikaw.

Minahal ko ang pagsulat gamit ang wikang sarili. Hindi ka cheapan sa isang blogosperyo ang paggamit ng dilang kayumanggi at dito ako sasang-ayon kay Baby Ama, mag-tagalog ka! May mga taong ma-Ingles noon at sabik daw na makita ang aking mundo ng salita ngunit noong napag-alaman na Tagalog ay wala na akong narinig mula sa kanya, siya na mismo ang nagmistulang naging pipi at bingi nang bumulantang ang mga letrang nakaukit sa pananagalog. Hindi kita makakalimutan Ginang. 

Labis kong ikinagalak ang pagsiksik ko ng mga kaisipan sa bawat talata ng aking prosa. Minahal ko ang pahinang ito. Ang mga bawat pahinang repleksiyon ng puso ko ng aking pagkatao. Sa kabilang banda'y nalulumbay ako dahil kahit ano pang gawing pagpapakatotoo - sa bawat salitang sinasambit ko, sa bawat salitang likhang isinusulat ko, ay wala pa ring saysay. Ayaw kong huminto subalit lubhang napakasidhi nitong puwersang lumalamon sa akin. Bibitaw na ba? Aayaw na ba?

Malamig na ang kape mula sa isang libong ubo't-dahak. Magandang panimulang umaga mula sa aking parisukat na mundo.


Alas syete kwatro.
(umaga)

Huwebes, Pebrero 1, 2018

Feb-Ibig Series: The Legislation of Conservation of Feelings



Panahon na naman.....

I don't know but I'm seating right here and woke up at exactly 2:30 AM. My cough does not stand still,  dalawang linggo na ata 'toh baka nga may napanalunan na kong TV sa bagong shift na nito. Well congrats sana slim type at full HD. Coffee becomes more powerful at dawn it fuels my fire in writing something na ewan magpapatawa ba o magpapataas ng inahit na kilay ng iba.

Malapit na naman ang Araw ng mga Puso! Maraming sabik, maraming kilig na umaasang makakatanggap ng mga rosas, tsokolate at minsan mga proposals. Shet! wag lang marereject noh? malamang isumpa mo ang araw na ito kung sakali. Pero bukod sa kapangyarihan ng pag ibig mas maraming bitter at namamapak ng ampalaya sa araw na ito. 

Kung single ka at unattached hindi mo naman nanaiisin na magkaroon ng maaliwalas na panahon sa araw na ito. Hindi ka magiging choosy, kahit ano mang klima at kung anong mang ibibigay ng panahon sa labas ay wala kang pakialam ang tanging iintindihin mo na lamang siguro ay ang mga isinampay mo kahapon kung umulan man sa katorse. Tatambay na lamang sa iyong kuwarto at haharap sa bintana habang nakatingin sa malayo at minamasdan ang tila luha na umaagos na dulot ng ulan sa bintana. Ito ba yung tinatawag na "window pain?" 

Tuluyan mang mag alboroto si Magayon dahil may LQ sila ni Panganoron, wapakels ka. Ang tanging gagawin mo na lamang ay mag-Facebook, pero olats ka pa rin dahil ang tanging gagawin mo lamang ay mag scrolldown ng mag scrolldown ng newsfeed at pumuso sa wall post mga pinakamasasayang kumag sa araw na ito. Nakangiti ang haring-araw pero napapaligiran ka naman na magkakaparehas na nilalang na naka couple shirt at magka holding hands. Kahit yung alaga mong love birds sa bahay pinagbubulungan/pinagtsitsismisan ka na walang kang kapareha.Yung pusa mo na tangi mong kasama sa bahay at tinawag mo wswswswswswsws hindi sumagot ay nasa bubungan na pala  at may ka-date na rin.

                              "Always" by Atlantic Starr



Punta naman tayo sa mga naging single dahil nasawi.

Sumasakto nga siguro ang pag-inog ng mga musika sa kasalukuyan sa nalalapit na hearts day, tagalog man at jejemon ang dating marami ang nakakarelate. Baka jejemon din yung mga nakakarelate? Ewan siguro nga hindi ko tipo yung mga ganung tugtugan. 


"Calimotan mo na ian sigue sigue mag-liban
Uag cang magpacajiban dapat ay itaua
Haiaan mo sila an mag-javol saio di ba?"
Lan an problema sa babayi dapat di iniinda


-kung nabuhay ang kanta at itrinanslate sa Doctrina Christiana

I'ts okay to chase someone. Lalo na kung hanggang ngayon hindi pa rin siya bayad sa utang. Anong hayaan? ulol! It's also okay to beg someone to stay. Lalo na kung malakas siya lumafang pero hindi siya marunong maghugas ng pinggan.Sabi nga nung tokhang candidate dun sa kanto namin, "If you're not gonna chase anyone, then who will notice you?" Paanon ka mapapansin ng crush mo kung di ka magpapapansin? "If you won't beg for anyone to stay, then who the pak will remain?" Paano magtatagal ang isang relasyon kung palagi na lang paiiralin ang pride? Hindi laging Pride mas mabula ang Axion na panghugas ng plato at least yung name ng brand positive ang vibe 100% grease removal pa. (Dapat mabasa'toh ng Axion Dishwashing).

Okay lang maghabol. Okay lang ipilit ang sarili. Pero dapat alam mo rin kung alin ang hindi na okay? Yung ipagpilitan ang sarili mo sa mga taong ilang beses ka nang ipinagtabuyan na parang dinaig mo pa ang masamang espiritu na sinapian sa katawan ng panget. Yung mga taong naaalala ka lang kapag may kailangan pero kapag  nakuha na ang gusto parang hindi ka na ulit nageexist. Yung ipagpilitan ang sarili mo na mahalin ka ulit kahit ilang beses ka nang ipinagpalit. Yun ang sablay.

Ikaw ang gumagawa ng pamantayan para sa sarili. Kung hanggang saan lang dapat, kung para kanino ka at kung ano ang dapat. Wag kang magpalamon sa ibang tao dahil hinahayaan mo lang silang gawin kung ano ang gusto nila. Kung nagdurugo na ang mga palad sa lubid na tinubuan na ng tinik. Bitaw na ka Ex-B. Wag mo gawing priority ang isang tao kung para sa kanya back-up plan ka lang. Huwag kang matakot na mawala ang mga taong in the end you will totally lose yourself.


                                   Lionel Richie - Stuck On You


Kung kailangan mo ng toothpick bibigyan kita para sundutin mo yang lalamunan mo at para isuka siya sa buhay mo. Lumayo ka sa mga taong nakakapanget. Ang mahal mahal ng Aztec clay at mga toner na nilalagay mo sa muka ee.Nagtitiyaga kang mag-apply ng ganyan gabi gabi para sa fresh na kinabukasan tapos ma-iistress ka lang. Pota naman. Give a break, have a kiat-kiat. 

Maglaaan ng space para sa mga taong karapat-dapat, sa mgabagong taong parating pa lang at maaaring magbigay buhay sa mga ugat mong hindi na dinadaluyan ng dugo. Hooray sa mga bagong karanasan. Ooohhh-lala!

Kasing-ikli lang ng sausage mo ang buhay kaya wag aksayahin ang enerhiya sa mga taong pansamantala lamang. "Energy can neither be created nor destroyed rather, it can only be transformed from one form to another." Ilaan na lamang ang emosyon at enerhiya sa mga taong kayang pantayan ang kaya nating ibigay. Maghintay ka na may mag alok sayo ng Milo para pantayan ang energy mong nagkukulang kung pagod ka na sa kaka callout ng pangalan mo kapag queing. Darating din yung taong mamahalin mo at mamahalin ka din sa paraan at posisyon na gusto mo. So you will never feel the need to chase or beg someone to stay.

Tangina malamig na yung kape ko! Bahala ka na. Basta.