NOW PLAYING NO ONE WILL SAVE YOU NOW by THE AVIATORS
dagdag na kanta at kasama na sa gothic entry ng playlist ko, bagong diskubre na banda at solid at juicy ang mga liriko.
"Don't cry when lanterns fade
Soon we'll be awakened
But it breaks my heart to say
No one will save you now"
Najejebs ako kakakain ko lang ng burger ng Burger Machine
Thanos is now friends with Kim Jong Un
Jhemerlyn likes your photo.
Johnny Sins retweeted.
Twitter, Tumblr, Plurk at Facebook killed my writing skill.
Ba't ka magsusulat kung pwede ka naman kumuha ng litrato at iexpress ang nararamdaman mo sa larawan na iyon.
Bakit ka gagawa ng pagkahaba-habang blog entry kung kaya mo naman sabihin ang gusto mo ipahiwatig sa loob lamang ng 160 characters.
Ang lungkot na dito sa mundo ng blogosperyo, Tsk! Hindi na tulad dati na maraming may sense na entries. Karamihan sa mga bloggers na palagi kong binabasa ay huminto na sa pagbablogging hindi ko na alam kung nasaan na sila o kung mga deads na ba? Sumalangit nawa ang kanilang mga kaluluwa.
Aminado ako na hindi naman talaga ako mahusay magsulat dati pero naniniwala ako na mas maayos akong magsulat noon kesa ngayon. Halos ilang buwan na rin akong di nakakapagsulat pero last week naumpisahan ko naman uli. Minsan nakukulangan na talaga ng oras at panahon. Nakakabasa na lang paminsan minsan ngunit unti unti na rin lumalabo ang mga mata at karaniwan ay kakaantukan na lamang hanggang sa makatulog. Pumurol na rin ang paraan ko sa pagsusulat dahil nakuntento na lang sa pagbabasa ng katha ng iba kesa sa isulat ko sa ilang paragraph ang gusto kong sabihin.
Well, ngayon? napirmi ako sa pagkukuwento ng mga pangyayare sa buhay ko sa 160 characters. Gusto kong magsulat ulet yung umaabot ng hanggang 500-700 mahigit na words na nalilimbag ko sa blog ko hindi yung 100 words pa lang suko na at wala na akong masabi o maidagdag pa.
160 characters.
160 fucking characters lagi na akong nababad diyan. Rekta na wala nang pasikot-sikot.
Ano ang kulay ng rosas? sasagutin ko yang ng Pula wala ng karugtong hindi tulad dati na maari kong sagutin yan na ang rosas ay kasing-kulay ng pag-ibig ko sa isang dilag na umakit sa akin at ang tanging kulay na bumihag sa puso ko. Ang kulay ng dugo na naghatid ng sugat, ,nadarang at natinik sa kagandahan ng rosas sa hardin blah blah blah
Ibig kong magsulat ulet, gusto kong magsulat ng may sense hindi yung nagsulat lang ako dahil sa gusto kong may bagong entry. Nais kong magsulat ng higit sa 160 characters yung pagsusulat.
Basta, bahala na si Bat...oops iba na sikat ngayon. Hail the Villains! Bahala na si Thanos!