'good ol days' |
May mga bagay na gusto kong balikan sa loob ng apat na sulok ng aming silid-aralan. Mga pangyayaring nagaganap sa araw-araw mapa-estudyante man o teacher. Ang pawang mga pangalan na mababangit sa blog post na ito ay gawa-gawa lamang ngunit naglalarawan ng mga katutuwang ganap sa loob ng isang paaralan.
Ang aming classroom teacher ay napakabait si Mrs. Dumaguinding. Papasok siya sa silid-aralan namin, hawak ang kanyang record book sa kanang kamay at ang plastik na puno ng pastilyas sa kaliwa. Akala mo mamimigay siya sa buong klase noh? Diyan ka nagkakamali.
Ang mga guro ay talaga namang mga haligi ng edukasyon. Kung wala sila, siyempre walang pers onor, walang piltrip at higit sa lahat, walang latay ng ruler ang aking mga kamay! Ipapakilala ko sa inyo ang ilan sa aking mga naging guro nung elementarya at hayskul.
1. Shempre, unang una ay ang negosyanteng mala-Henry Sy si Mrs. Dumaguinding. Lahat ay kanyang ibinebenta - pastilyas, kaldereta, binatog, champorado, kilawen, Marvin and Jolina notebooks at madami pang iba. Kulang na lang ay pumasok siya sa skul nang naka-daster at may hawak na pambugaw ng langaw. "Hoy! H'wag n'yong pisat-pisatin ang notebook na yan! Baka maging bilasa si Jolens diyan! Andami niyong tanong hindi naman kayo bibili! Ok, turn your books to page 34."
2. Mr. Reyes - siya ang panot kong titser sa Math. Napakagaling neto sa mga numero. Alam niyang sagutin lahat ng tanong namin. Lahat ng bagay ay alam niya ang sukat. Basta numero yan, walang tatalo kay Mr. Reyes. Kamakailan lang ay napadaan ako sa Sta.Ana. Nakita ko si Mr Reyes, kubrador na ng jueteng at ng karerahan. Kaya pala nagresign si sir. Ayos!
3. Si Maestro Celerio - Siya ang aming 85 years old music teacher. Siya na malamang ang nakita kong pinaka-gurang na tao sa aming skul. Ngunit hindi pa din siya pinapalitan at siya pa din ang kunduktor ng skul band. Isang araw, habang nagmimisa kami sa skul, tinugtog ng banda ang "Bahay Kubo" habang nagkokomunyon. Nagtaka ang lahat kung bakit Bahay Kubo ang ibinackground music pota! At nung variety show naman ng skul ay "Ama Namin" ang tinugtog ng banda. Haay Maestro...
The Lazy Song (teacher edition)
4. Miss Buenafe - ang seksing seksi si Miss Buenafe... Haay ilang leeg na ang nabale dahil kakaboso sa kanya. Science naman ang kanyang tinuturo. Nasa plants pa lang kami ay gusto na naming tumalon sa human anatomy. Sa tingin ko naman ay alam niyang binobosohan siya dahil lagi siyang nagsusuot ng mga kaboso-boso at makamundong pananamit tulad ng see-through sa pantaas at mga maninipis na damit na talaga nga namang nagpapabakat sa lahat ng mag puwedeng bumakat sa katawan niya. Uggghhh. Sana ay kunin na siya ng Seiko Films.
5. Si Mr. Versoza - Kulot, bigotilyo at mabalahibo ang dibdib. Siya ang aming official na manyakis na P.E. titser. Puro kami lalake at kitang kta ang tuwa sa kanyang mga mata tuwing nagbibihis kami at nagpapalit ng aming P.E. uniform. Maigsi ang kanyang shorts at halos kumaway na ang kanyang yag-balls sa amin kada P.E. Dati ay tinawag niya kami isa isa para mag physical test. Nung ako na ay....ay.... teka.... (hikbi!)....uh....sandale....hindi ko ata kayang ituloy....let's move on to the next teacher...
6. Ms. Mendoza - siya ang matandang terror na walang asawa. Sa tingin ko'y lahat ng ekwelahan ay may katulad niya. Grabe pa sa T-rex ang lupit ng titser kong 'to! Matignan lang niya ko e para na akong natutunaw sa takot. Kapag hindi mo naisulat ang pangalan mo sa test paper mo ay pupunitin niya ito sa harap mo. Kulang na lang ay hugutin niya ang puso mo mula sa katawan mo at nguyain ito sa harap ng buong klase. Nasa chapter 1 pa lang kami ay nagtatanong na siya tungkol sa chapter 10. Tanginang titser yan!
"Ma'am ma'am ma'am ma'am ma'am!" nakataas ang kamay ko at halos nasa muka niya na ang muka ko. Nakakainis! Talagang ayaw akong tawagin para makasagot sa recitation.
Kahit bwisit na bwisit ako sa titser kong mukhang may peyborit na tawagin, lab ko pa rin siya. Totoong pangalawang magulang na natin sila ee, dahil maliban sa nanay at tatay ko ay siya ang pumapalo sa pwet ko.
Tipikal nang nauuna ang mga estudyante sa kanya sa klasrum, para may 'effect' pagpasok niya. Bababa talaga ang happy school day meter ko ee. Feeling ko parati niya akong tatawagin bigla para itanong kung ano ang bagong science news report na alam ko.
Ito ang kadalasang mga armas ng aking butihing guro:
1. Chalk at pambura. Minsan nakalagay pa sa bulsa ni mam ang pambura. Sulat nang sulat. Bura nang bura. Pwede rin niyang ipambato ang chalk sa makulit na daldalero sa row 4. Minsan kapag todo meter ang galet pambura ang inihahagis sana lang target lock si mam sa madaldal na yun dahil iba ang tatamaan.
2. Big eyeglasses. Matalinaw talaga. Kayang-kayang hulihin ang mga nagkokopyahan sabay dilat na paranf kakain ng bata.
3. Patpat. Panturo ng mga salita sa pisara. Panghampas din sa pisara kapag maingay na ang klase. At syempre, hahampas din 'yan sa mga palad mo 'pag makulit ka.
4. Teacher's table. 'Yan ang base niya. Bigla na lang sumasakit ang ulo kapag lumalapit ako diyan ee. Parang may electromagnetic waves.
5. Spy. Tangina ito ang sipsip na kaklase mong hindi mo alam eh nagchuchuchu na pala sa titser niyo. Madaming ganyan ee.
(special mention: ang takong ng sapatos ni ma'am na pang-apak sa sapatos mo, at ang mahahabang kukong pangkurot sa singit mo)
Tanya Markova - Linda Blair
Pero hindi naman lahat ng titser eh terror talaga. Nagkataon lang na nakakatawa ang eksena 'pag nagkakahulihan ng mga maiingay at natutulog sa klase.
Napansin niyo bang may mga titser na parang balisa magturo? Kung mapapansin niyo, kaliskisin ang mga kamay nila. 'Yan ay dahil nagmamadali na silang umuwi para isilong ang mga sinampay nilang damit sa labas ng bahay nila. Hindi na nga nagpapa-pray yan ee.
Meron din mga titser na 'cool'. At diyan ako kadalasang walang natututunan. Mas madalas kasi silang magpakopya sa blackboard kesa magsalita. Sila rin madalas magpauwi ng maraming assignment sa libro.
Si sir. Hindi naman lahat ng mga naging titser ko e babae. Meron din namang lalake, pero kadalasan eh P.E. teacher yun. At hindi kayo nag l-lesson. Puro laro lang kayo sa quadrangle ng kahit anong sports. Isa rin siya sa mga pinaka-laidback na uri ng titser. Mabilis pang mag-check ng papel. Hindi sinasadyang nakakuha ako ng 98 sa isang exam na dapat sana ay 89 lang. Yahooooo!
Ang napakabait at maluwag - eto ang paborito naming lahat, si Mrs. Tolentino. Bihira siya magalit at mananway ng mag-aaral. Basta magtuturo siya at bahala na kayo kung ano gawin niyo. Daldalan at kulitan to the max na! Inggit na inggit na naman ang kabilang klase dahil parang palengke sa gulo ang klasrum namin. Palaging hirit ng mga mahigpit na titser yan, ang palengke hirit. "Nasa iskul ba ko o nasa palengke? Ang iingay niyo parang palengke ah!". O mabalik na tayo kay Mrs.Tolentino.
Pinakapaborito talaga namin siya kapag exam. Huwag ka nang mag-aral at siguradong parang "xerox copy" ang mga test papers namin sa kopyahan. Kulang na lang eh pati pangalan namin magkakapareho (pero nangyari na talaga 'yun dati isang beses. Ambobo ng kaklase ko eh!).
Salamat sa inyo aking mga guro. Iimbitahin ko kayong lahat kapag kinasal na ako at sana naman Mr.ersoza, magpantalon ka sa oras na 'yon.
"Goodbye teacher! See you to-mooh-rroooow!"