Do not be an Ebenezer Scrooge this Christmas season Paborito ko ang pangangaroling bilang starkid ng 90s naranasan ko ito. Di naman alintana noon kung anong susuotin mo sa pangangaroling basta tatawagin na lang ako ng mga kabarkada kong tsikiting pagkatapos naminmaglaro ng teks sa kalye ay diretso na kami mangaroling kanya-kanyan dala ng epektus na instrumento sa pambubulahaw sa mga kalapit na bahay ay all set na ang kantahang pampasko.
Garapalan noon. Panahon na para hatiin ang barkdada sa dalawang grupo para 2 times ang makokolektang pera. Duon namin hahatiin yan sa tindahan nila Aling Meding para rekta na ang gusto naming bilhin makakain o laruan. Simplier times has the best memories. Lata ng Nido o Birch Tree, mga tansang ginawang tambourine, pangit na boses at matitining na boses na pumupunit na animoy pumupunit ng yero, talino at diskarte yan ang puhunan namin sa pangangaroling!
Ang medley!
- sa may bahay
- we wish you a Merry Christmas
- kay sigla ng gabi
- pasko na naman
Ganyan talaga ang pagkakasunod sunod kasi yan ang mga soundtrip check noon, klasik and traditional.
It was a different era that time, ang panahon ng nobenta. Sa mga panahong yan ang pampublikong pamasahe, cost of living (utilities, rent and daily expenses) ay hindi ganoon kataasan hindi katulad sa panahong kasalukuyan, and people were generally all loving and warm-hearted. Noon nakakaengganyo pa magbigay kasi may lugar pa sa pitaka niyo na maglaan para sa mga nangangaroling kahit bata ka o matanda okay lang mag-abot ng mga barya. Di katulad ngayon kahit yung pinakamaliit mong barya isasave mo sapagkat napakamahal ng bilihin.
Sa panahon ngayon lahat sinapian ng lahi ni Makahighblood yung kalbong vlogger na nakasandong itim, nakaalpombra at laging nanghahamon ng away. Isang salita pa lang, "kaysigla... " sasampalin ka na agad ng "PATAWAAAD!", karamihan ngayon ay allergic na sa mga Christmas carols. Yung iba patatapusin muna kayo ng Christmas medley niyo bago kayo patatawarin. Wala naman kayong ginawang kasalanan binigyan na kayo ng kapatawaran. Minsan naiisip ko na sobrang hirap na ng Pilipinas kahit siguro yung bentsiko ay hindi na nila kaya ibigay at kadalasan na rin na itinatago sa lagayan ng barya. Hindi nga naman mabubuo ang piso kung walang apat na bentsingko. Ano pa nga bang silbi ng ating pangangaroling kundi ang "patawad" at "patatawarin" lang ang ating matatanggap? Baka muli na lang nating isilid ang mga epektus na tambol, ang tambourine at ang ating sintunado ngunit palaban na boses.
Tanggapin na lang natin na sobrang nagbago na ang panahon ngayon hindi na katulad dati na tayo ay nabibigyan ng kahit kakaunti para na rin sa espiritu ng Kapaskuhan ang pagbibigayan. Malungkot para sa mga kabataan ngayon na panay patawad at wala ang natatanggap at hindi nabibigyang pagkakataon na makakakanta man lang. Hindi masaya para sa mga lumaki sa otsenta at nobenta kasi tanging henerasyon ng childhood natin ang pinakahuli na nakasaksi sa klasik at pinakasimple pero pinakamasayang panahon.
Pero wag kayong susuko para na lang sa bonding at kasiyahan ng barkada tuloy niyo lang pangangaroling may magbibigay din diyan