Sabado, Oktubre 31, 2015

Kamatayan: Dia Del Muertos

'Hindi lang ang pag-ibig ang nagsasabing "love  moves in a mysterious ways" kung di ang buong buhay ng tao  misteryoso'

Undas na naman hindi ito panahon para magparty sa sementeryo o kaya magtakutan, panahon ito upang magnilay-nilay tayo sa ating sariling mortalidad. Kung tutuusin hindi sa Espanya nagmula ang Katolisismo ng Pilipinas. Ito ay galing sa Mexico. Mas matagal rin ang palitan ng mga panindang negosyo ng Mexico sa pamamagitan ng Galleon Trade kesa sa tatlong daang taong pananakop ng Espanya sa Pilipinas. Nagpapatunay lang na wala talagang poreber sa loob ng 333 years bilang bihag sa mga kamay ng Kastila. Ang Mexico ay may ipinagdiriwang na DIA DEL MUERTOS o DAY OF THE DEAD. May paniniwala na dito natin nakuha ang ganitong tradisyon. Sa Mexico ito ay isang makulay na selebrasyon.

Godsmack - "Spiral" (Reincarnation song)

Ang kamatayan ay natural na bahagi ng buhay. Mukang dito lang halos nagkakasundo sundo ang paniniwala ng bawat relihiyon sa buong mundo. Sinasabi nga ng ilang mga philosophers na kaya naimbento ang relihiyon at pananampalataya ay para mas maintindihan natin ang kamatayan. Kasi nga naman may mga taong hindi matanggap na sa sementeryo na lamang nagtatapos ang lahat. Hindi natin matanggap na lalagyan lang tayo ng bulak sa ilong, mamake up-an,  at ilalagay sa isang panghabambuhay na kaha. Ba't ba kailangan ng make up at lipstick at nakabarong kapag ibuburol? Gusto ko kasi yung T-shirt ko lang na "Megadeth" at nakashort lang, tsaka ayoko ng formal leather shoes, puwede bang yung rubbe shoes ko na lang para kung sakali man sa impiyerno ang bagsak ko eh makakatakbo ako ng maayos kung hahabulin man ako ng mga demonyo. Bakit ba? para ba presentable pag kaharap mo na si San Pedro? Sure ba tayo na lahat ng anghel dun sa langit eh puti ang suot? Puwede naman sigurong rakrakan ang porma basta andun pa rin ang angel's wings at halo. Parang sa tingin ko mas cool. Anyway, para sa Kristiyanismo at Muslim ang buhay ng tao ay isa lamang matinding paghahanda para sa susunod na buhay. Sa Bibliya sa John 11:25, ang sinumang maniwala kay Kristo ay makakamtan ang buhay walang hanggan sa langit. Sa Islam naman, kailangan ang tapat na paglilingkod kay Allah para makamtan ito. Sa mga relihiyon naman na Hinduism at Buhdhism, nakadepende ang susunod mong buhay kung paano mo trinarato ang isang ito. Kung salbahe ka puwede kang mareincarnate bilang uod,ipis,kuto o di kaya gagambang stick. Kung mabait ka naman, siguro hmmmm puwede kang maging hari? o kaya Presidente ng Pilipinas? Yun eh kung tatanggapin mong maging Presidente ng Pilipinas. 

Ang problema eh, walang pang nakabalik mula sa kabilang buhay pa ra mag-ulat kung anong meron sa itaas o sa ilalim. Kaya ang tanong...ano ba ang nasa dako pa roon? Kaya kahit na ano pang sabihin na nila na may puting ilaw na nakakabulag na kailangan mong sundan para sa tuwid na daan, o nagpaflaflash daw ang buong buhay mo sa iyong mga mata, wala at wala pa ring kongkretong siyentipikong eksplanasyon o patunay na meron ngang buhay sa dako pa roon at pa rito. 

Kaya kung ikaw ay walang pananampalataya at sa kabaong lang magtatapos ang kwento ng buhay mo. Paano mo ba gagamitin ang buhay na ito? Magpapaka happy happy ka na lang? o magpapakamartir ka na lang? sabihin na nating parang mga Santo dahil umaasa ka na may mangyayari pa sa'yo pag-exit mo sa mundong ito. Pero yun ang kagandahan ng buhay eh, nananatiling misteryo pa rin kung ano ang mangyayari sa atin kapag natodas na tayo. Unless kung ikaw ay isang Buddhist na naniniwala sa "re-incarnation". Kaya nga i-enjoy na nalang natin ang buhay dahil isang beses lang tayo mabubuhay. Ikaw nga ng kasabihan You Only Live Once (YOLO).

Kaya tatlon salita lang aking sasabihin, sabay sabay tayong isigaw..........

MABUHAY ANG KAMATAYAN!!! MABUHAY ANG KAMATAYAN!!! MABUHAY!!! 

Biyernes, Oktubre 30, 2015

Strange But True: The Urban Legend of Maria Labo

'Lesson learned, wag basta  basta subo ng subo, wag basta basta lunok ng lunok.'
Sa Pilipinas, otomatik ang takutan kapag bisperas na ng Araw ng mga Patay, nakaugalian na nating magtakutan, magkuwentuhan ng mga nakakapanindig balahibong istorya, manood ng mga nakakatakot na pelikula sa bahay (for sure pirated o kaya torrent), o di kaya sa sinehan. Walang makakapigil sa atin dahil minsan gusto ng mga Noypi na kiligin hindi dahil sa isang romantikong palabas, kung di para maihi sa katatakutan sa tuwing may mababasa, madidinig o mapapanood tayong  mga heart pounding stories o documentaries. Panahon na naman maglabasan  ng ASWANG INCORPORATION,  sikat na naman ang mga aswang, manananggal,duwende,kapre,sigbin,tikbalan, tsaka doll, rugby boys, at kung anu-ano pang kampon ng kadiliman. Sama mo na si Nognog sa kampon na yan....opssss  easssyyyy! 

Kung naging habit mo ang pagreresearch mas marami siguro tayong matutuklasan na mga kwento sa mga nagdaang panahon tungkol sa mga aswang. Isa na rito ang urban legend ni Maria Labo. No offense to Capiz ha, pero ever since na mamulat ang aking tamang pagiisip (ewan ko kung kelan) marami na akong naririnig na mga bali-balita na meeting place daw ng mga aswang at engkanto ang nabanggit na probinsiya, kasama na rin ang kalapit na probinsiya ng Antique at Aklan. Noong nabubuhay pa si erpats may mga  nakuwento na rin siya sa akin na pinamumugaran nga daw  talaga ng aswang ang isang baranggay duon, ito ay kuwento din ng kanyang Lolo na taga Leyte naman. Sinugod daw ng mga mamamayan ang baranggay na ito at sinunog ng buhay ang lahat ng taga-rito. Mayroon daw mga nakatakas at nagbantang maghihiganti sa mga taong sumira ng kanilang pamayanan. At pagkalipas nga daw ng ilang buwan ay sunod sunod na kamatayan ang naganap at kung saan saan may mga katawang natatagpuan sa kagubatan, wasak ang tiyan, walang bakas ng dugo, walang mga lamang loob kasama ang puso. 


Rob Zombie-House of 1000 Corpses OST

Sino nga ba si Maria Labo?

Si Maria ay simple lamang na namumuhay sa kanilang lugar sa Capiz, ordinaryong lifestyle na may asawa at dalawang anak. Hindi ganoon kaganda ang ekonomiya noong dekada 80 kaya nagpasya si Maria na mangibang bansa sa Canada bilang OFW para suportahan ang gastusin ng kanyang pamilya habang ang asawa niya naman ay isang pulis.

Nakapagtrabaho siya bilang caregiver sa Canada sa isang matandang lalake. Naging maganda naman ang pakikitungo ng kanyang amo kahit pa hindi sila nagkakaintindihan gaano sa pananalita o lengguwahe. Hanggang sa dumating ang isang gabi na natagpuan niyang naghihingalo ang matanda na nakahiga sa kama. Inutusan siya nitong lumapit pa ng kaunti sa pamamgitan ng pagkumpas ng kamay. May iniabot sa kanyang maliit na  itim na bato at inutusang siyang lunukin ito at hindi para isigaw ang katagang "Darna".  Hindi niya alam kung para saan ang batong iyon, pero nilunok niya pa rin at sinunod ang matanda. Namatay ang matandang lalake pagkatapos niyang lunukin ang itim na bato.

At dahil wala  nang aalagaan si Maria, nawalan siya ng trabaho at bumalik sa Pilipinas sa kanilang probinsiya sa Capiz. Dumaan ang mga araw, madalas sumasama ang kanyang pakiramdam at laging nakakaramam ng pagkagutom at kahit pa kakakaen niya lang eh parang kulang pa rin ang kinakain. So ganun nga ba ang sintomas ng pagiging aswang? Eh di andami palang aswang sa kasalukuyang panahon? Aswang din pala ang manunulat ng blog na ito. Napansin na ito ng kanyang asawa dahil hindi naman ganito dati si Maria na mas pinipili pang laging gising sa gabi. (Aswang nga ata talaga ako, parehas kame ng sintomas.) Hindi na siya yung dating asawa niya na nakikihalubilo sa mga tao sa labas para makipagkwentuhano di kaya ay makipagtsikahan. Mas pinipili niyang magkulong sa bahay sa umaga. Na ang akala naman ng asawa niya ay nag-aadjust lamang ito dahil na rin sa iba ang oras sa bansa na kanyang pinagtrabahuhan dati.

Isang gabi, dumating ang asawa niyang pulis, umupo sa hapagkainan para kumaen ng hapunan. Tinanong niya si Maria, "Nasaan ang mga anak natin?" hindi pa makapagsalita si Maria dahil ngumunguya pa ito sa kanyang nilutong putahe. Pagkatapos, tinignan niya ang kanyang asawa at itinuro ang stove sa kusina. "Andun sila". Lumapit ang pulis sa kalan at mula doon kitang kita niya sa isang lamesita ang putol putol na katawan ng kanilang anak kasama ang mga pugot na ulo at mula sa kawali ay naroon ang mga lamang loob nito. Halos maubos na ni Maria ang mga lamang loob sa kawali. At mula doon ay hinagilap niya ang bolo o labo at walang anu-ano ay handa niyang patayin ang kanyang asawa. At dito naging monicker o katawagan kay Maria yung labo at binansagan siya ng mga tao na Maria Labo. Ang sabi sabi ay nasugatan lamang si Maria sa muka at bakas dito ang peklat na naiwan ng sugat. Sinasabing nakatakas siya sa South Visayas hanggang Mindanao at pinaniniwalaang buhay pa  rin siya sa kasalukuyang panahon at gutom pa rin sa lamang loob ng tao.

Ito ang ilang istorya mula sa buhay  ni Maria Labo ng Capiz. Hindi akin ito at bunga lamang ng aking pagsasaliksik:

Mula sa  Internet:


Mula sa mga text messages:



Ang tanong, buhay pa nga kaya si Maria Labo?







Huwebes, Oktubre 29, 2015

UNDAS 2015: LAM MO YAN, LAMAYAN, MORE FUN IN THE PHILIPPINES!

'Mas masarap mamatay sa Pilipinas, parang sirkus ang lamayan, for sure happy ang soul mo.'

Pasasaan din ba't  darating din tayo sa Araw ng mga Patay, kaya let's do the death struck topics here sa walang ka kwenta-kwentang blog ng  Ubas na may Cyanide, at kahit na ligaw na kaluluwa hindi pipiliing magbasa dito. 

Skyflakes, Coke 500 at pahingi ng kiss ang pang-abuloy ko sa patay ay kulang pa ng diyes. Baraha, biskwet, kape, kendi, kornik, tigpipisong chichirya ay ilang lang sa mga pagkaing makikita mo sa lamesa ng mga naglalamay kapag may patay na  pinaglalamayan sa isang baranggay. Ito ang isa sa mga pinakamasarap tambayan kapag walang kang mapuntahan o kung gusto mong  makasagap ng tsismis tungkol duon sa namatay. Ang sakit eh noh, patay ka na nga pinagtsitsismisan ka pa. Minsan naman eh mga mabubuting salita ang masasagap mo tungkol duon sa  namatay, pero bakit nga ba ganoon ano? kung kelan patay ka na, tsaka ka nila mapapansin na may mabuti  kang nagawa? Kung kelan patay ka na tsaka mo lang maririnig sa mga kaibigan, at mga kaanak  na ang bait bait  mo. Bakit naglalabasan ang  mga papuri kung kelan parang natutulog ka na lang? Pakshet talaga bakit sila ganyan. 

Mabuti pa sa funeral parlor, they killing me softly, dahan dahan nilang binubuksan ang katawan ko at pinapapapogi sa kikay kit ni ate. Revlon pa nga. Sosyal! Kung puwede ko lang siya iinvite sa lamay ko gagawin ko kaso baka tumakbo at hindi maging maayos ang pagkakalipistek sa akin.

Ayos umorder na sila ng kaha ko, sabi ko kulay red eh, punyeta naman talaga, old skul na yang brown eh. Minsan na nga lang mamatay ayaw ka pa sundin eh noh. Gusto ko red para hindi ako multuhin ng ibang kaluluwa kapag idiniretso na ako sa huling hantungan. 

Kapag kaluluwa ka na pala lahat mapapansin mo kapag lamay time na. Nakikita mo kung sino yung mga tapat na kaibigan mo na dadalaw sa'yo, at malalaman mo rin kung sino yung mga "wala lang". Eh ano nga bang mga tanawin sa loob ng isang lamayang Pilipino?

Una hindi diyan mawawala ang mga gambling lords, yung iba diyan dayo pa kung saan. Para kasi sa mga ganitong tao, negosyo ang turing nila sa mga namamatay. May tong-its, madyong at sakla. At kapag medyo malawak ang bakuran ng namatayan meron ding pabingo. Sa letrang B - Bangkay 8! Puwedeng magsugal basta may pang kape kay chief na oorbit sa paligid. Hindi lang simpleng Cafe Puro yan ha, kadalasan presyong Star Bucks ang lagayan. At ang ibang tong ay mapupunta sa namatayan pang-tulong sa gastos ng pagpapalibing.

Sari-sari may mga religious people din na dadating at sila daw ang bahala sa kaluluwa ng namatay. Wow ano ito? instant ritual para ma-teleport ka kaagad sa langit? Eh di wow! Sila kumbaga ang tagalakad at taga build up sa namatay para sunduin agad ng liwanag. Sundan mo lang ang liwanag papunta sa daang matuwad (Liberal Party) opppssss easssyyyy!

May mga social thinker. Mga nagdedebate, mga feeling smart ever. Pagtatalunan ang mga bagay bagay na tungkol sa pulitika, sports na may kinalaman siyempre sa boxing sa mga naging laban ni Pacquiao, meron ding showbiz ka cheapan at kung anu-ano pa. Pero kadalasan asahan mo ang magtitipon tipon diyan eh mga senior citizen at minsan paguusapan din yung mga sarili nilang kamatayan.

May mga artist din minsan. Free concert  to the tune of "Hindi kita Malilimutan", "Gloomy Sunday" at kung anu-ano pang mga kantang pampaiyak sa namatayan  habang pinaflash yung mga pictures nung namatay sa isang projector screen. Yung singer sa inuman magiging instant folk singer. Asahan mo yan. Sa ilang lamayan, hindi mawawala ang videoke, tatlong piso kada kanta.  50-50 ang bigayan ng kita, sa renta ng videoke at sa namatayan.

Hindi papahuli ang pi..........nakamalaking sektor ng bansa ang mga FT's mga Forever Tambays. Mga tahimik lang gumawa ng ingay ang mga katulad nila. Puwedeng ngumiti o tumawa huwag lang hahalakhak. Sila yung  pinakamatagal na grupo kong tumambay dahil mga wala namang ginagawa sa buhay at siyempre may libreng kutkuting makakaen. 

May lamayang may catering. Maya't-maya ang labas ng pagkain, maya't maya ang pakaen ng miryenda, para pang-hatak sa mga naglalamay at para alang umalis agad. Kapag bigtime may papansit at sopas. Mas maraming umaatend sa last night kasi mas bonggacious daw ang food sa huling gabi.

Eto walang mga kupas toh, mawawala ba naman ang mga politiko? Siyempre all the year at sa lahat ng season nariyan yan kapag may namamatay. Present  sila anumang lamayan. Hindi daw boto ang habol nila (mga hung-hang). Bukal sa puso nila ang pakikiramay, pagpapadala  ng bulaklak, pagbibigay ng abuloy at pagmumudmod ng pocket calendar na nakaimprenta ang makakakapal nilang  mukha. 

Eh yung That's Entertainment naabutan mo ba? Yan! yan namang mga Saturday Edition ang nagpupuntahan sa lamay kung aabutin ng Sabado ang lamayan. Ito yung kabataang ginagawang Nayong Pilipino ang  lamayan o di kaya eh Wildlife. Oo nga  naman isa sa pinakamabisang palusot sa mga magulang eh kung bakit ginabi dahil nakipaglamay. Pero pagdating sa bahay, susuray suray at sumusuka. Lamayan o lasingan? 'lam mo yan!

At ang  higit sa lahat, nariyan ang pinakamalaking grupo ng Manang's Mass Media. Sila ang nakakaalam ng buhay ng may buhay at patay ng may patay. Lahat ng pinaka latest at nagbabagang balita ay alam. Pati na rin ang buhay ng namatay at mga kaanak nito. San ka pa di ba? Sila rin ang in-charge sa pagpapaliwanag sa mga bagong dating kung ano ang ikinamatay, paano, saan, kelan namatay at kelan ang libing. Mas matindi pa itong mga ito sa mga sosyal na tabloid sa mga news stand. 

Ganyan sa bayan ko: LAM MO YAN, LAMAYAN, MORE FUN IN THE PHILIPPINES!

Martes, Oktubre 27, 2015

Wag ka nang Humabol: Suicidal Boys and Girls Surviving Tips

'And now, the end is near and so I face the final curtain.'
Op! Op! usapang patay muna tayo at dahil malapit na rin naman ang Undas, siyempre pag Pinoy dapat in ka sa mga aktibidad ngayong Halloween. Hindi natin paguusapan dito ang mga engkanto,aswang,duwende,kapre,manananggal, manananggal ng lakas, ng puri at iba pang mga ka-pederasyon ng kampon ng kadiliman. Hindi natin isisingit ang  mga zombie sa usapin natin dito, walang paksang Walking Dead na kahit mainit pa ngayon ang usapin na patay na nga si Korean boy Glenn. Teka lang, pero sige aaminin ko na buhay siya, nabuhay siya pagtapos siya pagpiyestahan ng mga hayok sa isaw,betamax at dugo na mga "walkers" na yun. Ika nga, ang motto sa TV series na yan "You Only Live Twice." 

Tutal mauuwi din naman sa kamatayan ang post na ito, bakit di natin pag-usapan kung bakit maraming  taong suicidal? Bakit marami ang nagpapakamatay? Saan sila humuhugot ng lakas para gawin ang ganitong bagay? Anong dahilan? 

Gutom/Kahirapan? "Mahirap lang kame at ayoko mamatay sa gutom huling lata ko na ito ng sardinas, pagkatapos nito anong kakainin ko."

Iniwan ng sinisinta? "Iniwan niya na ako sumama na siya sa isang mukang goons na jackstone player, pagkatapos kong ibigay ang lahat, lahat, lahat sa kanya, parang clothing apparel na Forever 21 niya lang ako kabilis palitan."

At para mas lalong madala ang mga mambabasa, patalastas muna, isang kanta mula kay Boyet Vasquez

Napagalitan ng magulang? "Tigilan ko raw ang kakapanood ng Aldub, marami raw akong natututunang kalandian sa kakapanood nun. Laging patay ang TV sa tanghalian  at mas pilit niya akong pinakikinig ng drama sa radyo. Ayoko na Mama! Samantalang siya walang mintis siyang nakapanood ng drama nobela ng Daisy Siyete nuon tapos di pa nakuntento, bumili pa siya ng pirated CD ng buong episode ng Daisy Siyete. Napakalupet mo Mama!"

Nasabihan ng mataba? "Muka na raw akong bull frog at hindi na  raw ako papayat dahil daw matigas na yung taba at wala na raw akong pag-asang magkaron kahit isang abs sa noo. Ang sasakit  niyo magsalita. Goodbye world!"

Pero teka, dapat nga bang tapusin ang buhay dahil sa ganitong pangungutya o estado ng buhay? Maaaring nakakatawa pero mayroong mga ganitong napabalita  na dahil sa pangaalipusta o pangbubully sa kapwa may mga dinala sa puso at isipan ang mga nasabi ng nauna at ang ilan sa  kanila ay hindi nakayanan ang masasakit na salita at hinatulan ang kawawang sarili at tinapos ang buhay sa mundo. Aww ang sad. =(

Pero dito sa Ubas na may Cyanide, hindi natin hahayaan ang mga suicidal na katulad nila. Nada! Nevah! Bibigyan natin ng karamptang suhestiyon ang lahat, para na rin walang matotodas sa mga gustong  humabol ngayong Todos Los Santos. 

Ganito yan:

* Alam kong ilang beses ng maraming magpatiwakal sa pagtalon sa mga billboards sa Kamaynilaan, siyempre wala naman tayong superhero na katulad ni Spiderman na nakakasense ng panganib at mas mabilis pa sa naka sampung Cobra energy drink na pagong nalilitaw na lang bigla para saluhin ang magpapakamatay, kaya kailangan DIY o do it yourself na galawan. So, bakit kaya hindi na lang tayo maglatag ng safety net sa buong lansangan ng bansa. Hindi trampoline ha, yung iba kasi yun ang ginagamit baka magbounce sila at sa railings pa ng MRT bumagsak, mas patay tayo diyan. Rescuer murderer ang labas mo.

*Maraming nagpapakamatay dahil sa lason, ngayon ang magandang gawin magimbento ng lason na hindi nakakamatay, yung tamang makakatulog lang sila, tapos pagising niya sa realidad, magtatanong yan "nasa langit na ba ako o impiyerno?" Mapapamura pa yan, "ay putangina buhay pa ko." Ang matindi sa lahat magrereklamo pa sa DTI na walang epekto ang lason at sasabihin "dapat patay na ko ngayon eh!" Isa pang suhestiyon mas maganda siguro kung may flavors.

*Tohl, isa sa pinakamataas na istadistika na maraming nagpapakamatay dahil sa pagpapasagasa. Ang suhestiyon ko diyan ay bakuran ang lahat ng highways, mataas na mataas na bakod pa ra duon lang dadaan ang tao. Sa gilid-gilid na lang dadaan ang tao na dadaigin ang Great Wall of China sa haba. 

*Laslas, wakwak ng pulso? eh di magbenta na lang ng mapupurol na blade, kutsilyo, gunting at para walang ligtas kahit thumbtacks purulan na din. 

*Ops, tubig! Maraming magpapakamatay sa pagkalunod. Ang magandang suhestiyon dito ay magsaboy ng maraming salbabida sa pool, ilog, dagat, lawa at kanal. O kaya para safe na safe patuyuin na lang ang lahat ng anyong tubig sa Pilipinas. O kaya magpasa ng batas na dapat ang buong karagatan hanggang tuhod lang ang lalim. Kung gayon lang din naman, mabuti pa ang baha umabot hanggang hita.

*Teka, teka, teka, paano itong mga suicide bomber na ito? Kasi mas maraming mamamatay kung hahayaan nating magpakamatay ang suicide bomber na ito. Meaning gagawa na lang din tayo ng pampasabog na di nakakamatay? Ipunin na lang ang lahat  ng utot, para kapag pinasabog niya, hindi siya madedeads  high na high lang siya.

*Baril? Paano yung magbabaril sa sarili?Obligahin na lang din natin na gumawa ng bala na hindi  nakamamatay, yung nakakakiliti lang.

*Kung kontrahan lang naman, magbenta na lang din tayo ng marurupok na tali, alambre at nylon kasi maraming magbibigti at magmumulto pa ang mga lekat na yan.

*Eh yung matataba,  yung mga sobra sobra sa cholesterol, sodium, at asukal yung mga H+ na isinasali sa hypertensive program? Mabuti pa pagbawalan na lang din sila kumaen. O kaya udyokan na mag South beach diet. Sosyal!

*Paano yung mga abnormal na gustong magpakamatay sa sobrang saya? o yung mga magpapakamatay sa sarap? Magpasa na rin tayo ng  batas na bawal na ang maging sobrang saya.

Ayan, safe na wala nang hahabol sa Todas Los Santos. Teka at magagabi na pala wala pa akong tulog at papasok na naman sa ridiculous life na ito, itatago ko na lang muna ang sleeping pills na hindi nakakapagpaantok.

Martes, Oktubre 20, 2015

Sa Gabing Madilim: Ang Kahalayang Ginawa kay Totoy Tikbalang at Mariang Manananggal + Special Guest

"Aswang man o engkanto may feelings pa rin ."

Sa gitna ng kadiliman ng kagubatan at sa ilalim ng bilog na buwan, magkatabing pinapahiran ng Efficascent Oil ni Totoy Tikbalang si Mariang Manananggal. Nagkubli na parang nahihiya ang buwan sa nasaksihan.

"Punyeta talaga Totoy, hindi ko sukat maisip na sa ganitong paraan pa ako mabubuntis?" habang hinihimas ni Maria ang tyan ng langis. "Hanggang ngayong buwan na lang ako puwede makapangbiktima...at malaki na ang aking tiyan, mahihirapan na akong makalipad sa bigat ng dinadala ko."

"Bwaka nang teteng na buhay talaga 'to, akalain mo bang may magkainteres pa sa akin" Habang unti-unting humihiwalay ang pang-itaas sa pang-ibabang katawan ni Maria na binibitbit ng kanyang malalapad na pakpak.

"Akala mo ba Maria, ikaw lang ang may mapait na nakaraan." ani Totoy. "Ako demonyong kabayo na ako pero naisahan pa rin ako ng tao." "Hindi ko makakalimutan ang gabing nakainom ako ng Red Horse na yan, wasak na wasak ako at lunod sa alak, pagkagising ng diwa ko ay nakita ko na lang ang sarili ko sa San Lazaro. Punyeta talaga, wala akong nagawa dahil hindi ko kayang magsa-tikbalang dahil pagkaguluhan ako ng mga tao. Alam mo naman sa ating mga alagad ng dilim, at sa beauty natin hindi dapat nashoshowbiz di ba?"

"Kaya nagtiis ako at nag-antay ng dilim, okay lang malagaya ako sa kwadra dahil kayang-kaya ko naman yun wasakin." "Pero bandang tanghali, duon ko sinuko ang aking pagkatikbalang, itong maton na balbas sarado at mahaba ang patilya na mukang goons sa pelikula, mukang may pagnanasa sa isang kabayo, Maria, nilapastangan niya ang pagkatikbalang ko, ang sakit sakit ng tumbong ko Maria. Binaboy niya ako, este kinabayo niya ako sa mga oras na yun at wala akong nagawa at ang matindi pa pinost pa niya ako sa isang porno site at nakatag pa ako sa category na Bestiality." "Naka alpas na lang ako nung kinagabihan at buong lakas kong winasak ang kwadra at tumakbong papalayo sa impiyernong lugar na yun."

"Kaysaklap pala ng iyong naranasan sa mga taong iyan Totoy." ang wika ni Maria habang pumapagaspas ang kanyang pakpak.

"Ako sa sobrang katangahan ko nabuntis ako, kasi ba naman......bakit ba naman eh. Putragis talaga, bakit ko ba kasi naiwan itong kaputol ko sa kamalig nila Mang Buleng, di ko aakalaing pakikialaman ito ng anak niyang sintu-sinto. Ah, nilapa  ko nga sa galet. Diyaskeng abnormal na iyan.

At mula sa isang puno ng balete, lumitaw si Ashley, Ashling Aswang...."hoy, kanina ko pa naririnig iyang mga hinanakit niyo sa buhay. Aba hindi kayo nagdadalawa, meron din ako napakarimarimarim na alaala."  "Ano nga ang sabi mo Mariya, nabuntis ka ng isang baliw?" "Buti ka nga eh, kahit sinto-sinto tao ang laman ng tiyan mo. Eh how about me?" Nakapanghihilakbot ang tinig  ni Ashley habang lumilitaw na ang makakapal na balahibo, matatalim na pangil at matutulis na kuko.

"Ha? teka nga Ashley bago ka maghurumintado diyan, teka nga muna ano bang ibig mong sabihin, sino bang anak niyan?"

"Oo nga Ashley, sino ba?" - ang sabat ni Totoy.

"Noong hinahabol ako ng barangay tanod, nagsa-aso ako at agad na pumasok sa bakuran nila Mang Rodi. Akalain ko bang sangkaterba ang mga Pitbull doon?"

Huwebes, Oktubre 8, 2015

Vandalized Your Thoughts: Tohl, Paano ko ba Sisimulan ang Pagsusulat?

'When Greek Gods buys vinegar, fish sauce and soy sauce.'
Ang kailangan mo lang naman ay kapayapaan ng isip, puso at diwa idagdag mo pa ang tahimik na kapaligiran ay makakabuo ka ng isang napakagandang likha. Hindi kailangang planado, hindi kailangang mag-isip ng malalim pero ang kailangan ay malikhain, sundin mo lang kung  anong naiisip mo at isulat sa papel dahil sa bawat pagkapayapa ng utak mo ay duon ka makakalikom ng maraming impormasyon, mga detalyeng sumasagitsit at bumabalandra sa iyong isipan. Umpisahan  mo sa simpleng flashback,throwback na tila nagsusulat ka lang ng "Formal theme" mo noong elementarya, dito wala ng  teacher mo na mangbuburaot na kukuritan ng pulang guhit   ang mga maling grammar o spelling mo dahil dito ikaw na mismo ang magtatama. Dito hind uso ang "Original" at "Rewritten" dahil ikaw na mismo ang gumagawa ng sarili mong kuwento. Ang mga taga-basa mo ang magbibigay ng grado sa iyo kung sila ba'y nagkaron ng interes sa mga nais mong ipabatid na galing sa puso, isipan at pagiging malikhain dagdag na lang ang mga salitang ginamit para mas magkaroon ng damdamin ang binabasa ng mga mambabasa. Teka banat na ako ng banat pero alam niyo na ba ang aking pinupuntirya? Ayan ganyan din dapat, kailangang no holds barred, dire-diretso lang, kagaya nga ng aking sinabi sa una walang plano-plano kung anong ibinubulong ng utak mo, irekta mo sa pag-istrongka ng kamay, walang mali, walang tama, walang lingo-linngo pakanan, walang lingo-lingo pakaliwa. Diretso lang, tuloy-tuloy lang ang daloy ng impormasyon sapagkat kapag ikaw ay nawala sa pokus, yung mga ulap above your head bigla na lamang yan maglalaho. Pero puwede ka naman siyempre mangamot, mangulangot  at magkamot ng  puwet hindi mo naman mapipigilan yun eh.

Halimbawa, mayroong tatlong magkakapatid si Athena, Ares at Apollo. Sabihin nating taga Kabite ang tatlo at inutusan sila ng kanilang Nanay Abigail na bumili ng suka, patis at toyo. Mayroong instruction na binigay ang kanilang ina bukod sa pagbili ng kanya-kanyang condiments. Pinagdala sila ng lapis at papel at kailangan isulat nila ang makikitang mga bagay bagay sa tindahan na kanilang pupuntahan. Si Athena ay inutusan bumili ng suka sa Divisoria, si Ares ay inutusang makadiskarte ng patis sa Makati at si Apollo naman ay inutusang makabili ng Toyo sa Alabang. At sabay-sabay umalis ang tatlo kasama ang papel at lapis na kanilang tangan.


After a few hours........(parang Del Monte Kitchenomics lang, luto na)

Unang dumating si Athena inilapag ang bitbit niyang isang bote ng suka sa lamesa at dinukot sa bulsa ang papel. "Anak, ano ang nilalaman ng iyong papel maaari mo bang banggitin sa akin ang iyong mga nakita sa iyong pinuntahan?" Binuklat ni Athena ang pagkakatiklop ng kanyang papel at isa-isang nilahad sa kanyang ina ang mga napansin ng kanyang mga mata. "Nay ang nakita ko po ay isang malaking tindahan na may karatulang "Egoy's store", sa harap ng tindahan ay may bakal na animo'y rehas at mula sa loob ay naka display ang mga garapon ng iba't-ibang brand ng kendi; stork, mentos,snow bear,viva kendi,kendi mint, orange sweets at white rabbit. May mga nakasabit po na shampoo sachet; sunsilk, palmolive, lux, hannah, head and shoulders, dove, pantene at clear. Katabi naman po nuon ay tatlong basket na nakasabit, ang unang basket po ay naglalaman ng mga sachet na kape; kopiko, nescafe, great taste, cafe puro at energen. Ang pangalawang basket po ay mga noodles; maggi, lucky me, cup noodles, quick chow, yakisoba, at  indo-mie. Sa iskaparate naman  po ay naka display ang mga delatang pagkain katulad ng sardinas,corned beef, meat loaf, sausage, tuna at palaman sa  tinapay. Sa loob po ay may refrigerator na may lamang iba't-ibang softdrinks, juice at mga bottled ice tea at bottled enegy drinks, meron din po silang mga softdrinks in can. Yan po inay ang aking mga nakita sa aking pagbili ng suka sa Divisoria.

Pagkaraan ng ilang sandali, may kumatok sa pinto at tumambad sa kanilang harapan si Ares. Siya ay inutusang bumili ng patis sa Makati. Pawisan ang binata, habol ang hininga at inilapag ang hawak na bote ng Lorin's patis sa lababo. Idinetalye sa kanyang ina ang kaniyang isinulat. Halos kaparehas lang din ng mga nabanggit ni Athena ang kanyang mga sinabi, ang kaibahan lang ay mayroong lalagyanan ng frozen meats and ice cream sa kanyang nabilhan. Binanggit ang kanyang pinagbilhan, sa Frances Middleton store sa Jupiter Street, Makati, katapat ng Shell Gasoline station at sa kaliwa ay 7-11. Nagkaroon ng pagkakataon si Ares na makapag kwentuhan sa bantay ng tindahan, hanggang sa matanong siya nito kung taga saan siya dahil bago ang kanyang mukha sa lugar. Sinabi niyang  taga Cavite siya, "ah nagbabakasyon ka dito utoy? taga saan ka dito banda sa Jupiter street  iho?", "Hindi po, taga Cavite po talaga ako at nautusan lang pong bumili ng patis dito sa Makati." Sabay lakad papalayo....

"Aba't tarantadong batang ire...." ang sambit ni Aling Frances.

Lumipas ang anim na oras, hindi pa dumarating ang huli, pagkaraan pa ng isang oras may mahinang katok sa pinto. Si Apollo ang huli nilang kapatid, ubos ang lakas at hapong hapo sa pagod. Ibinagsak ang katawan sa sopa at pati na rin ang hawak nitong toyo. Kinuhaan ng tubig ni Athena ang kanyang kapatid at ipinainum. "Anak anong nangyari sa'yo at ginabi ka na ng  todo?" ang tugon ni Aling Abigail.

"Nay, pasensiya na po, pagkababa ko po kasi sa Zapote ay hindi muna ako dumiretso sa Alabang para maghanap ng toyo sa halip ay dumiretso po muna ako ng Baclaran at sumakay ng Baclaran Tambo. Naglakad po ako sa tindi ng sikat ng araw sa Redemptorist at nagdaan muna sa simbahan para magsimba at ipinagtirik ko na  rin po ng kandila ang Tatay at Lolo. Pagkatapos po nuon ay namasyal na muna po ako sa Mall of Asia, naglakad lakad lang po duon at nagliwaliw. Sadyang napakalaki po pala nuon nay, sana po ay makapasyal tayo duon at makapanood po ng sine, yung may isinusuot pa po na salamin na  kung tawagin nila ay tridi. Napatambay din po ako duon sa mga nagroroller blades on ice at natatawa po ako duon sa mga hindi po makatayo at laging mga nakahawak lang sa railings kasi baka madulas sila at mahalata silang puro porma lang po at di marunong. At marami din po palang masasarap na kainan dun bukod pa po sa Jollibee at McDonalds. Ang totoo po talaga hindi ko po  talaga alam ang daan palabas at nakalimutan ko kung saan po ako pumasok dahil napakarami pong lagusan, Buti na lang  po at nagtanong tanong  ako s amga guard na hindi ko po pinapahalata ang pagpatak ng luha ko. Kasi naliligaw na po talaga ako sa loob. Napakatrapik po pabalik dahil meron pong bangaan ng bus at kariton sa may Roxas Boulevard, buti na lang po at hindi nasaktan ang driver ng bus, joke lang po na'y, buti na lang po ay nakaligtas ang mamang nangangalakal ng bote,diyaryo at garapa. Nagkalat lang yun  mga boteng basag sa kalsada, dahan-dahan ang mga sasakyan dahil baka mabutas yung mga gulong nila na Made in China  kaya ayun usad pagong  ang trapik. Pagdating ko naman  po sa mga  tindahan sa Alabang ay panay sold out   po ang toyo dahil napakyaw raw ang lahat ng toyo dahil sa gagawing Adobo Festival sa kanilang lugar sa darating Linggo. Gusto ko nga sana na'y na mag-stay pa hanggang Linggo para makipag fiesta sa kanila pero alam kong hahanapin niyo na ako. Wala po akong choice kaya sa SM Southmall na lang po ako bumaba, ang kaso po napakahaba ng pila sa counter, bulto-bulto ang mga bilihin na paninda na nauna sa akin samantalang ako isang Marca Pina soy sauce lang ang hawak ko. Kaya nag decide na lang po ako sumakay ulet ng jeep at bumaba ng Alabang Town Center o ATC para bumili ng toyo. Napakasosyal pala ng lugar na yun na'y at masaya ko dahil may nakita akong bilihan lanng ng mga spices at hindi ko na kailangan pumili pa sa grocery store. Tignan niyo yan hindi yan basta lokal na toyo, imported yan nay!"

"Aba oo nga anak at sulat hapon at ang model ay hapon. Ang galing naman ng anak ko!" Inilapag ng Nanay ang toyo sa lamesa. "Yun nga lang na'y sa sobra pong mahal ng toyo na nabili ko ay limang piso na lang po ang sukli sa perang ipinadala niyo kaya inabot na rin po ako ng gabi dahil naglakad na lang po ako mula doon hanggang dito sa atin. Hehehehe! Pero wag kang mag-alala nay masaya naman po at marami akong adventure."

Ngayon sino sa tatlo sa tingin niyo ang magaling na manunulat?

Si Athena ay sumunod sa rules, kung saan nagpokus siya sa kung ano lamang ang mga bagay na makikita niya sa tindahan, maaaring nailista niya ang mga bagay na napansin at hanggang duon lamang. Masasabi kong ang pangalawa ang mas magaling na manunulat kaysa sa nauna, may pagkakalog ata at nakipagkwentuhan pa sa may-ari ng tindahan at duon nadagdagan ang kanyang impormasyon higit pa sa mga nakita niya sa loob ng tindahan. Ngunit isa sa karakteristiks ng isang manunulat ay makikita mo sa huling dumating, hindi siya sumunod sa rules dahil wala namang oras na ibinigay kung anong oras niya kailangang makauwi. Hindi lang siya kalog katulad ng pangalawa at nababaliw pa ata sa knyang paglalakbay. Umikot-ikot pa siya sa maraming lugar bago tapusin ang pinaka climax ng kanyang kuwento. Pinagtawanan natin siya. Hanggang sa makarating siya sa isang lugar kung saan nandoon ang pakay ng isang kuwento. Siya ang pinakamahusay sa tatlong manunulat. Dahil binigyan niya ng kulay ang mga bawat salita, nagkaroon ng interes ang mga mambabasa dahil hindi lamang nakasentro sa pagbili niya ng toyo sa Alabang ang naging daloy ng kanyang paglalakbay.

Walang iisang tama at wala ring naka fix na approach sa pagsusulat, walang iisang standard na kung ano nga ba ang magandang isulat. Go with the flow, smoothly and interestingly, wala tayong mga dibisyon, wala tayong kailangang sundin. Sa pagsusulat ang rules ay nandiyan para wasakin.

"Let your wildest imaginations run free and let your pencils do the talking." - Jack Maico

Wala namang author na kusa na lang siyang sumulat na wala siyang binabasehan, lahat ng paborito mong manunulat ay mayroon ding mga sources of authors na kanilang sinusundan at iniidolo. Ngunit hindi para gayahin kung di para makalikom ng mabibisang ideya sa pagsusulat. 

Napakasarap magbasa, mula sa mga kilalang mga sikat na nobelista, mga lokal at  foreign authors na may kanya-kanyang istilo ng pagsusulat. Kahit anong babasahin bigyan mo ako, wag lang ang mga kalandian ni Marcelo Santos, pagtatiyagaan ko pa magbasa ng cookbook.

Pero kamakailan lang ay napahiya ako at nakalimutan kong magbasa. Sinabi ko nang masarap mag-isip ng mga ideya kapag ikaw ay mag-isa lalo na sa banyo kung saan kulob, tahimik at nililinis mo si manoy. Hindi kasi ako yung taong mabili ng mga ipinapahid pahid sa katawan o kaya sa  buhok. Tama na sa akin ang sabon na Safeguard na pangligo, okay na sa akin na shampoo lang na Hanna ang  pang shampoo sa buhok, hindi ako yung taong nagcoconditioner at gumagamit ng pampaputing sabon, dahil tanggap ko na ang kulay ko at sa pag-isis ko naman siguro ng loofa sa katawan ko ay natatanggal ang libag,dumi at libog sa katawan. Sa simpleng pag shampoo ay naaalis naman siguro ang aking balakubak,kuto at lisa. Pero netong isang araw dahil nag grocery ang aking kapatid na babae, ay marami akong nakitang mga de kolorete sa katawan. At parang pusang naging curious   kung ipapahid ko nga iyon sa muka, gusto ko lang kasi gayahin yung Hash5 na pinaliguan ang muka ng Klorox eh nag-iba ang mga anyo at kuminis ang mga puwet, este muka. Kinuha ko sa tabi ng sabonera ang kulay itim na animo'y toothpaste na hugis, naglagay sa palad ng kaunti at buong sayang ipinahid at ikinuskos sa muka ng limang minuto. Ayos ang lamig ng feeling, hinintay kong mapuno ang balde habang umiikot ikot ang tabo sa loob ng balde. At pagka puno ay nagbanlaw, nagbanlaw ng nagbanlaw hanggang mawala ang mga bula at mapawi ang lagkit ng sabon,shampoo at ng ipinahid ko sa muka na facial wash. Sa pintuan, nakasabit at ang aking  tuwalya at hinila ito ngunit natamaan ang facial wash na binili  ni utol at nahulog sa tiles ng banyo at gumulong ng bahagya, dinampot ko iyon at nakaharap sa akin ang aking bagay na pinulot. Napabasa ako bigla...............at ang sabi sa sarili (punyeta nakalimutan kong magbasa) at ang hawak ko ngayon ay......ay isang VAGINAL WASH pala! 

Putang ina! 

.....at unti-unting hinigop ng sink ang tubig mula sa akin pinagbanlawan.

Lunes, Oktubre 5, 2015

Sa Kabilugan ng Buwan sa Ubasan: Ang Alulong ng Paghihiganti

'Pssssttt, ikaw anong klase kang amo sa mga  alaga mo?'


Ano ang nasa dako pa roon?

Tohl. mahilig ka ba noon makinig ng katatakutan sa radyo, ang alam ko kung merong drama meron din namang katatakutan. Masarap makinig  noon neto lalo na kapag brownout sa lumang de-bateryang radyo na pag-aari pa nila Lolo at Lola mo na namayapa na. Yung tipong sa katahimikan ng gabi at kabilugan ng  buwan, huni lang ng mga kulisap ang iyong maririnig at bigla ka na lang makakarinig ng alulong ng aso. Oo, hindi mawawala sa katatakutang Pinoy ang alulong ng aso, matik na yan eh. Ewan ko lang kung hindi ka  rin kilabutan sa klasik pero epektib na "Awoooooohhh" ng aso na yan lalo na kung tahimik ang kapaligiran at ikaw lang mag-isa. 

Ngayong gabi dito sa Ubas na may Cyanide, tatanungin ko kayo kung paano ka ba mag-alaga ng aso? Ikaw ba yung tipo ng amo na mabait? maawain? mahaba ang pasensiya? o ikaw yung tipo ng amo na kaunting pagkakamali lang ng iyong alaga at umihi sa loob ng bahay niyo ay  paghahampasin mo na at hambalos? Eh di sana tinanggalan   mo na lang sana siya ng ari at puwet . Kung mag-aalaga tayo ng aso, sana ay mahaba ang ating pasensiya at hindi lamang "aso" ang turing sa kanya. Ang ibig kong sabihin ay hayop na nga sila, eh hayop pa ang turing mo. Asar ako sa mga among nagpapakaen ng punyetang  kaning-baboy na yan, may sikmura din naman ho sila at sumasakit din ang tiyan at nagtatae sa lecheng kaning baboy na yan. Tutal naman eh napapakinabangan naman natin silang magbantay sa gabi at protektahan ang ating mga bakuran sa mga masasamang elemento eh bakit hindi natin silang ituring na ka-isa sa atin pagdating sa pagkain, sa halip ay nakakatulong din ito sa kanilang pagbabantay. 

At gusto ko lang din sabihin na hindi natin sila alila, bakit hindi natin ituring na isa sa kapamilya natin ang ating mga alaga. Hindi sila habambuhay na magiging sunud-sunuran sa mga gusto nating ipagawa, katulad ng paghabol ng mga bagay na ating ibinabato at kailangan ibalik  niya iyon sa'yo, ibabato mo na naman, ibabalik sa'yo, ibabato.....ibabalik......ibabato.......ibabalik. Tapos kapag hindi na niya kaya dahil lawlaw na ang dila niya magagalet tayo. Huwag sanang maging tanga ang mga   amo, hindi robot ang aso mo na hindi hinihingal at nanghihina kapag nasobrahan na sa mga gusto  mong ipagawa.

At dito maguumpisa ang ating kuwento......


Si Juno at Si Goro

Mabait si Goro, maamo, masunurin, at higit sa lahat masarap kalaro. Purong kulay itim, mataba, may kalakihan at putol ang bundot. Tuwangng-tuwa si Juno, sa tuwing itinatapon niya ang plastik na bola at hinahabol ni Goro at ibinabalik sa kanya. Tuwing napapagalitan ng Ina si Juno at nagmumukmok sa isang sulok lumalapit si  Goro. Nagpapakitang gilas at laging nakasunod sa kanya. Kalaro,bantay at tagapaghatid ng kasiyahan sa kanya.

Sa gabing madilim mahimbing at natutulog si Juno, laging alerto at bukas ang tainga ni Goro, konting kaluskos lamang sa likod-bahay ay pinupuntahan niya ito na parang security guard at kung wala lang naman ay babalik agad sa ilalim ng kama ni Juno para ipagpatuloy ang pagbabantay. Habang nakahiga sa lapag si Goro ay payapa  nitong pinakikinggan ang langitngit ng kama ni Juno kapag ito'y nagpapaikot-ikot sa kanyang kama.

Si Goro rin ang taga-ubos ng pagkaing tira ni Juno. May kung  anong kasiyahan ang nadarama ni Juno tuwing makikitang tila sabik si Goro sa pagsaid ng pagkaing kanyang pinagsawaan. Walang regular na pagkain si Goro kung ano lamang ang tirang pagkain ni  Juno yun lamang ang kanyang pinagtitiyagaan. At sa araw-araw ganun ang sistema.

Mga ilang taon pa ang nagdaan ay tuluyan nang namayat si Goro. Kaya nang minsang maglaro uli sina Goro at Juno sa gabi at liwanag ng buwan, ipinukol sa malayo ang bolang pula, matagal bago nakabalik si Goro. Hapong-hapo at hinang hina ngunit naroon pa rin ang kasiyahan na ihatid kay Juno ang bolang itapon-kuhanin, itapon-kuhanin,itapon-kuhanin. "Ano ba naman Goro.....ang kupad-kupad mo naman, di ka na kagaya ng dati, ha? Sige, baka palitan na kita?" Ang biro ni Juno kay Goro habang hinihimas  himas ng kaliwang kamay ang ulo ni Goro na naghahabol pa rin ng hininga.

Walang anu-ano, biglang SINAKMAL  ni  Goro ang kaliwang kamay ni Juno. At buong lakas nitong sinundot ang mga mata ni Juno. Napalupasay siya habang humihiyaw sa sakit. Hawak ng kanang kamay ni Juno ang kanyang mata na sumisirit at umaagos ang dugo, samantalang ang kaliwang kamay na sinakmal ay nakabitin sa hangin, wakwak ang kanyang hinlalaking daliri at halos matanggal na at mula doon bumubulwak ang sariwa't-malansang dugo. Habang hindi makakita si Juno ay aninag lang ng isang malaki, mabalahibo, nagsakatawang tao, ngunit aso ang itsura, nanlilisik ang mata, matatalim na pangit ang tumambad sa harapan ni Juno at ito'y nagsalita sa pinaka-nakakakilabot na tinig: "PUTA KA, PUMAYAG NA 'KONG ITURING  MONG PANGHABAMBUHAY NA ASO, WAG LANG ITRATO MONG PANGHABAMPANAHONG GAGO!" Tumalon si Goro sa bubungan at mula sa tuktok ng bubong at tanaw na kabilugan ng buwan, isang alulong ng nakapangingilabot na aso ang narinig ng buong barangay.

Ngayon ang tanong anong gagawin mo "Mag-ingat sa aso, o ingatan ang inyong alagang aso?"

Magandang hatinggabi sa lahat!

Miyerkules, Setyembre 30, 2015

TaskUs Pet Lover's How To Save a Life: Operation Krusty

'Every life is precious.'

"You have not lived today until you have done something for someone who can never repay you."

'Saving One Dog will not change the world, but surely for that one dog. The world will change FOREVER.'


Buto't balat, halos bakat na ang kanyang ribs sa pagkapayat, nagmumuta, may sugat sa muka at pipilay-pilay nang makita ko ang asong ito sa labas ng aming opisina. Halos madurog ang puso ko nang makita ko siyang tuliro at balisa, hindi malaman kung saan pupunta, paikot-ikot at halatang nag-aalangan sa mga  taong lumalabas pasok sa aming building. Bahag ang buntot na nangangahulugang takot ang kawawang nilalang. Bago ako tuluyang umuwi pagkatapos ng aking shift ng bandang alas dos ng hapon, ay sinubukan ko siyang hanapan ng maipapakaen, dumiretso sa kainan ni Aling Pat ngunit tanging gulay na lang ang natira. Subukan ko sanang umakyat pa sa pantry ngunit mataba ang inyong lingkod at madali nang hingalin, kaya't sinubukan ko na lang sa Mini Stop makadiskarte ng kung ano mang puwedeng pamatid gutom niya.

Ito ang unang pagpapakaen sa kanya para maibsan ang gutom sa kanyang nangninipis na sikmura, Sinubukan ko ang "hot chix" na alam ng karamihang kainin. Pagkatawid, hinanap ko ulit siya pero hindi ko na nakita, umakyat muna sa taas upang magbawas at nagbaba-sakaling sa aking pagbaba ay makikita ko siyang muli. Nakita ko siya na malapit na sa entrance ng pintuan, inilapag sa harap niya ang pagkain ngunit bahag ang buntot na lumayo. Ang akala niya siguro ay sasaktan ko siya  o sadyang natakot siya sa muka ko. At dun ko nakausap ang isang sentinel at ang sabi niya "salamat, gutom na nga yan" at itinuro yung isa niyang kasamahan at sinabing kanya ang  asong iyon.

At doon ko siya sinubaybayan...

"Mabuti pa ang aso loyal ang tao hindi." Yan ay isang katotohanan na hindi mababali kailanman, kung puwede nga lang umibig sa isang aso. Biro lang! Pero kung pagiging loyal  nga ang paguusapan, gayong nalaman ko na siya ay pag-aari ng sentinel o guard sa aming pinapasukan, napansin ko, na kung nasaan ang kanyang amo sa dalawang building kung saan nakadestino ay naroon din siya pumipirmi at nagbabantay. Kadalasan mo siyang makikita sa ilalim ng mga kotseng naka park sa aming building. Tahimik na nag aabang kung sakaling lilipat naman sila sa ARC, pasunod sunod at nakabuntot  lamang. Makikita mo na determinado ang munting nilalang na mabuhay sa lansangan kahit alam nating sa kalagayan niya nuon na maraming sugat at paniguradong may nararamdaman na sakit sa katawan kasama na ang pagkapilay niya.

Naulit ang pagkakataon na nakita ko siya sa ARC building bago ako magbreak para maglunch, naroon lamang siya sa ilalim ng pulang kotse sa tindi ng init ng sikat ng araw. Hindi pa marunong kumain ng kanin ang ating munting kaibigan kaya't manok na lamang ang ibinigay ko sa kanya pagkatapos mag lunch sa pantry. Mula sa kanyang pagkakalugmok kung tignan na paghiga sa ilalim ng sasakyan, agad niya naman nginasab ito habang hawak ng dalawa niyang kamay. Duon ko nasabi sa sarili ko na may pag-asa siyang mabuhay dahil hindi siya tumatanggi sa pagkain. At dun ko na nga nakita na pinag-uusapan na siya sa TaskUs Pet Lovers Chatroom kung saan minsan nanonood lang ako ng chat, hanggang sa makita ko at nagtatanong sila kung may nakakita sa asong ito, sinigurado ko muna kung siya nga ang hinahanap nila, inilarawan at...... sakto siya nga ang kanilang hinahanap. Nabanggit ko na huli ko siya nakita sa ilalim ng pulang sasakyan na nakapark sa ARC Building at mula duon simula na siyang alagaan ng grupo at dito nakaramdam ng unti-unting pagbabago at ginhawa ang ating kaibigan.

.....at tinawag na nga natin siyang KRUSTY! Simula na ng kanyang make-over. Dumating ang mga tulong magmula sa pagkain,vitamins,pet treats,sabon,canned goods,at leash para hindi na pagala-gala si Krusty sa kalye, mahirap na at baka mahagip pa ng mga walang pasubaling driver sa daan.



Ang TaskUs Pet Lovers ay isang grupo sa aming kumpanya kung saan hindi lamang ang mga sariling mga alaga sa bahay ang binibigyang pansin at pinag uusapan. Hindi lamang pagpopost ng mga pictures at videos sa groups sa Facebook. Marami nang nagawang kabutihan ang  grupong nabanggit at aking sinalihan. Para sa akin, ito na yung pinakamagandang tulong na puwedeng maibigay ng isang nilalang, bakit? sapagkat buhay ang pinag-uusapan, ang layunin ng grupo ay bigyan ng pagkakataon mabuhay at bigyang kaukulang pansin ang mga asong pakalat-kalat sa kalsada na inabandona ng kanilang mga dating amo. Magmula kay "Minnie" stray dog ng Mini Stop na nahanapan ng owner ng grupo; kay TU ang asong laging sumasalubong sa mga empleyado sa entrance door ng TaskUs DeCastro Bldg at ang kasalukuyang nirerehab ng TUPL si Krusty.

Saan ka makakakita ng ganitong kumpanya kung saan binibigyang halaga ang buhay na mabuhay kahit sa sandaling panahon, ang makaramdam ng pagmamahal at importansiya. Kaya't mas lalo kong pinagmamalaki ang aming kumpanya, sa kanilang pamamaraan mas lalong maraming mapapahanga at mas maraming inspirasyon ang mabubuo dahil sa kabutihang taglay ng bawat miyembro. Isa lamang pagpapatunay na hindi lamang ordinaryong pasok-trabaho-uwi-sweldo sa halip ay tumutulong buhayin ang dahong nalalanta sa pait ng mundong ginagalawan ng mga stray dogs na ito. Saan ka makakakita ng  asong pinaliliguan ng empleyado habang nagtratrabaho, saang kumpanya ka makakakita ng kusang loob na  donasyon ng mga empleyado na nagbigay ng mga pakain at pet goodies? at saan ka rin makakakita ng tulong para dalhin at ipacheck-up sa beterinaryo ang asong kalyeng ito? 

TaskUs Pet Lovers - 'Helping hand to save life'
At mula sa kanyang mala kawayang katawan unti unti na ang pagbabago ni Krusty, tinutubuan na siya ng balahibo para maprotektahan ang kanyang manipis na katawan, at panalangin na rin ng lahat na mas kumapal pa ang kanyang balahibo at patuloy pa rin sana ang pagbibigay ng food donation para sa kanya. Ang bahag na buntot ay napalitan ng masayahing pagwagwag, masigla at payapa at malayang nakikisalamuha na sa mga empleyado ng TaskUs. Wala  ng sasarap pang makasagip ng buhay na ang akala  ng lahat ay wala ng pag-asa,  at kung  nakita mo at nasubaybayan mo sa simula  ang asong ito, mas lalo kang matutuwa sa laki ng pinagbago ng kanyang katawan. Kaya't maraming  salamat sa  TaskUs Pet Lovers na ka-isa ako sa grupo, maraming salamat din sa TaskUs na nagbigay pahintulot para makahanap ng pansamantalang bahay si Krusty sa loob ng isang kabinet sa likod ng building. At sana nga ay mas lalo maging malusog ang ating munting alaga, at matuloy din sana ang donation ng kanyang kennel.

Hindi lamang ako ang nasisiyahan sa tulong na inyong ginagawa, marami ring ibang tao ang natutuwa sa ipinapakita niyong kabayanihan. Kung makakapagsalita lamang ang mga asong ito ay taos puso ang kanyang pagpapasalamat dahil sa ikli ng itatagal ng kanilang buhay nakaramdam sila ng importansiya, pagtitiyaga, at higit sa lahat pagmamahal. Kabutihan ang  ipinakita, ay kabutihan din ang ibabalik ng Diyos para sa ating kumpanya. 

Mabuhay tayong lahat at sana'y ipagpatuloy nating lahat ang ating ginagawang pagtulong. Walang sanang magbago at walang bibitaw, malay natin balang araw baka magkaroon na tayo ng TaskUs Animal Rescue Shelter. :p

  

Linggo, Setyembre 27, 2015

Karera

'Kung ikaw lang ang makakarera ko, suko na ko, panalo ka na. Aangkas na lang ako sa likod.'

Una sa lahat wala akong gustong pahagingan o patamaan sa post na ito. Meron lang akong gustong malaman, para saan ba ang karera sa daan o yung tinatawag na drag racing kahit alam naman nating hmmmn illegal, di ba?

Marami na rin naman ang nagreklamo sa publiko sa lansangan lalo na kung gabi o madaling-araw at nagkalat itong mga ito sa kalye. Maaari mong sabihin na walang pakealamanan ng trip, pero aba naman tohl kung meron kayong sariling planeta bukod sa Earth okay lang, hindi lang kasi kayo ang nabubuhay sa  mundong ito. Kahit pa magkarera kayo sa buwan walang makekealam at wala kayong mapeperwisyo. 

Ito yung mga anak ng mayayaman na nasobrahan sa radiation ng kung anu-anong teknikal na gadgets na kumain sa mga kukote nila. Sila ang pasimuno ng drag racing na kung tutuusin ay walang kakwenta-kwentang sports at walang napapatunayan. Nakapanood lang ng Fast & The Furious nag- transform na ang mga mokong. Eh di wow! Kapag mabilis magpa-arangkada at magpasingit-singit sa daan.... cool na? astig na? iba ka na? Bwahahaha! Eh di kayo na si Michael Schumacher.

Pero siyempre dito sa Ubas na may Cyanide hindi namin kayo, bibigyan ng masamang pagtingin sa halip ay bibigyan pa namin kayo ng matitipunong suhestiyon para lalo kayong hangaan ng mga chiks na makakapanood sa inyo. 

*Bakit magkakarerahan sa gabi o madaling-araw kung wala naman masyadong sasakyan o tao sa lansangan? Kahangalan! Marapat na magkarerahan kung kelan peak/rush hours. Kailangan yung usad pagong daan at kabi-kabila ang tumatawid na  tao.

Sabihin nating ang starting point ay sa Baclaran dun sa ilalim ng LRT at matatapos sa NLEX. Rush hour at higit sa lahat, salubong sa trapik. Ang unang makakarating sa dulo nang buhay at walang gasgas ang sasakyan sa loob ng medya ora, magpapakaalipin ako sa loob ng isang taon. Pero kapag pinaglamayan naman siya ako ang magsisilbi ng kape, biskwit, tinapay at baraha sa mga mag-totong its... Pramis!

*Bakit makikipagkarerahan sa kapwa nila karerista na hindi naman mga propesyonal na karerista sa tunay na lansangan, sitwasyon at buhay? Karerista lang sila sa likod ng script. Ang suhestiyon ko, makipagkarerahan sila sa trak ng bumbero at ambulansiya. Ang sinumang karerista na makakatalo sa tunay na drayber ng trak ng bumbero at ambulansiya....siya na ang papalit sa mga ito. At last nagkatrabaho ka pa. Baka nga sa tunay na drayber ng karo ng Funeraria ay di kayo manalo.

*At dahil tunay naman na mga anak kayo ng burgis, bakit pera o kotse ang pustahan? Mas maganda kung sinong matalo, susunugin ang village o subdivision, o kaya pasabugin ang opisina ng kanya kanyang angkan, pabrika, warehouse ng negosyo ng pamilya. Mas may thrill hindi ba? Kung pera lang o kotse ang korni.

*Tohl bakit kayo magkakarerahan kung kailan maganda ang panahon? Nasaan ang challenge dun? Saan namin mahahanap ang kaastigan? Mas okay kung magkakarerahan sila kapag may super typhoon at baha sa mga pangunahing lansangan. 


Marami pa sana akong sasabihin. Kaso, mukhang nagiinit na ang karburador nila, botaks muna ako at baka sagasaan pa ako ng mga kupal na ito! 

Adios!


Huwebes, Setyembre 24, 2015

Mga Basang Pahina

'Minsan masarap paganahin ang isang motibasyon na nanggagaling sa isang inspirasyon. Masaya ang mag-isip, lumilok  manahi, manggatsilyo ng mga salita para makabuo ng isang piyesa sa  isang tulaan ng pag-ibig.'


Kagabi nanahi ng mga salita at gumawa  ng tula, dahil sa bilis ng inspirasyong dulot ng mga piyesa ni Juan Miguel Severo na nag-aaral sa UP. Ma-emosyon, mabigat ang mga banat na salita. Nakakadala at nakakabighaning makapagsulat ng mga ganitong piyesa. Ramdam ang pagkalungkot, galit at tuwa. Heto at panoorin ninyo ang hebigats na performance niya sa entablado.


"Ang Huling Tula na Isusulat ko para sa'yo"



At eto naman ang aking likhang piyesa sa pinamagatang......


Mga Basang Pahina

Sa isang librong kayputi, pumatak ang luha
kaya't wala kang naaninag kahit isang talata
Bumaha ang luha sa gitna ng pahina
Pilit inaral,inisip at kinabisa
Tumanda na tayo't lahat ngunit ang kaalaman ay di sapat.


Pag ibig ano ka nga ba?
Saan ka nagmula at paano ako namulat sa'yo ng hindi kita kinikilala
Noong umpisa,simple lamang ako at payak
Ngunit ngayo'y kinakausap ang sarili at laging na lamang nakayapak


Bulag ka nga ba o nagbubulag-bulagan lamang
Sapagkat pinasok mo ang aking isipan, puso't sinaniban ang kaluluwa
Lumapit ako sa'yo nang matagal ang pagsuyo ngunit naglaho
Lumayo ako sa'yo, tagos ang kalungkutan, nananaghoy ang pagsuyo


Sana'y hindi na lang kita nakita, sana'y hindi na lamang nasilayan.
Ngayo'y bumabalik ang mga alaala kung saan kita unang nakilala.
Para kang mala-asidong alak na pumupunit ng aking lalamunan at kalamnan
Isang mabagsik at maamong kidlat na gumuhit sa aking katahimikan.


Ang pag-ibig kapag bahag ang buntot ay parang ilog na payapa't walang agos
walang pagwasiwas at paghampas ng alon,walang tigil ang paggalaw at walang sigla
Ang pag-ibig na matapang ay hindi lamang puso ang inaanod
Pati ang kanyang balon-balunan,bituka,baga,atay,lapay at apdo
Nalunod na rin ang dangal, yaman at dunong.


Ang pag-ibig hahamakin ang lahat masunod lamang
Ngunit kapag ika'y umurong sa tatahakin mong sakuna't panganib
Takot ba ang pag-ibig mo, walang tibay, walang gabay at hindi ka pa umiibig.
Dahil ang naturang pag-ibig, kahit hanggang hukay na lang ang pag-asa ay pilit 
mong aariin ang kanyang langit


Ang pag-ibig ay hindi pagnanasa 
Hindi ito ang pag-angkin ng perlas na puti
Wala kang karapatang umibig kung iyan lamang ang iyong mithi
Ang pagkasasa sa bukirin para lamang durugin ang isang napakagandang bituin?


Itong pag-ibig na ito ay may mata, ang pag-ibig ko'y hindi bulag
Ang marunong umibig ay laging dilat sa mga sugat na natamo at natanggap
Dahil ang pag-ibig ay masakim at hindi kakailanganin ng kabyak
Dalawang pinagka-isa at dalawang pinagbigkis
Hindi tayo kambal, ngunit ikaw ang gusto kong katambal sa pelikula ng buhay 
Kung saan maaari nating danasin ang lungkot at ligaya, takot at pighati


Kaya't kayong mga kabataang pag-ibig ang ninanais
Mga animo'y paru-parong lumiligid sa ilawan ng lampara
Kapag kayo'y umibig na, hahamakin ang panganib,
at ang bawat pakpak ninyo'y masusunog sa alab ng pag-ibig


Isasara ko na ang libro na binaha na ng luha
Ang puting libro ko ngayo'y pula na ang mga talata
Dulot ng matatalim na bawat pahinang ikaw ang gumawa ng masasakit na salita
Pinabaha ng luha't dugo, isasara ko na at hindi muling bubuksan pa.
At sa isang bagsak, nagtilamsikan ang dugo't luhang para sa'yo....para sa'yo
At pinapangako sa sarili na ako'y magsisimulang muli

Mga Angel at Demonyo 2.0

Huwebes Santo. Mahal na Araw 2025. Araw ng Panginoon. Araw-araw na pagsamba.  Ano ba daw ang kailangan para magbalik loob sa Diyos? Bakit? ...