Sabado, Oktubre 31, 2015

Kamatayan: Dia Del Muertos



'Hindi lang ang pag-ibig ang nagsasabing "love  moves in a mysterious ways" kung di ang buong buhay ng tao  misteryoso'

Undas na naman hindi ito panahon para magparty sa sementeryo o kaya magtakutan, panahon ito upang magnilay-nilay tayo sa ating sariling mortalidad. Kung tutuusin hindi sa Espanya nagmula ang Katolisismo ng Pilipinas. Ito ay galing sa Mexico. Mas matagal rin ang palitan ng mga panindang negosyo ng Mexico sa pamamagitan ng Galleon Trade kesa sa tatlong daang taong pananakop ng Espanya sa Pilipinas. Nagpapatunay lang na wala talagang poreber sa loob ng 333 years bilang bihag sa mga kamay ng Kastila. Ang Mexico ay may ipinagdiriwang na DIA DEL MUERTOS o DAY OF THE DEAD. May paniniwala na dito natin nakuha ang ganitong tradisyon. Sa Mexico ito ay isang makulay na selebrasyon.

Godsmack - "Spiral" (Reincarnation song)

Ang kamatayan ay natural na bahagi ng buhay. Mukang dito lang halos nagkakasundo sundo ang paniniwala ng bawat relihiyon sa buong mundo. Sinasabi nga ng ilang mga philosophers na kaya naimbento ang relihiyon at pananampalataya ay para mas maintindihan natin ang kamatayan. Kasi nga naman may mga taong hindi matanggap na sa sementeryo na lamang nagtatapos ang lahat. Hindi natin matanggap na lalagyan lang tayo ng bulak sa ilong, mamake up-an,  at ilalagay sa isang panghabambuhay na kaha. Ba't ba kailangan ng make up at lipstick at nakabarong kapag ibuburol? Gusto ko kasi yung T-shirt ko lang na "Megadeth" at nakashort lang, tsaka ayoko ng formal leather shoes, puwede bang yung rubbe shoes ko na lang para kung sakali man sa impiyerno ang bagsak ko eh makakatakbo ako ng maayos kung hahabulin man ako ng mga demonyo. Bakit ba? para ba presentable pag kaharap mo na si San Pedro? Sure ba tayo na lahat ng anghel dun sa langit eh puti ang suot? Puwede naman sigurong rakrakan ang porma basta andun pa rin ang angel's wings at halo. Parang sa tingin ko mas cool. Anyway, para sa Kristiyanismo at Muslim ang buhay ng tao ay isa lamang matinding paghahanda para sa susunod na buhay. Sa Bibliya sa John 11:25, ang sinumang maniwala kay Kristo ay makakamtan ang buhay walang hanggan sa langit. Sa Islam naman, kailangan ang tapat na paglilingkod kay Allah para makamtan ito. Sa mga relihiyon naman na Hinduism at Buhdhism, nakadepende ang susunod mong buhay kung paano mo trinarato ang isang ito. Kung salbahe ka puwede kang mareincarnate bilang uod,ipis,kuto o di kaya gagambang stick. Kung mabait ka naman, siguro hmmmm puwede kang maging hari? o kaya Presidente ng Pilipinas? Yun eh kung tatanggapin mong maging Presidente ng Pilipinas. 

Ang problema eh, walang pang nakabalik mula sa kabilang buhay pa ra mag-ulat kung anong meron sa itaas o sa ilalim. Kaya ang tanong...ano ba ang nasa dako pa roon? Kaya kahit na ano pang sabihin na nila na may puting ilaw na nakakabulag na kailangan mong sundan para sa tuwid na daan, o nagpaflaflash daw ang buong buhay mo sa iyong mga mata, wala at wala pa ring kongkretong siyentipikong eksplanasyon o patunay na meron ngang buhay sa dako pa roon at pa rito. 

Kaya kung ikaw ay walang pananampalataya at sa kabaong lang magtatapos ang kwento ng buhay mo. Paano mo ba gagamitin ang buhay na ito? Magpapaka happy happy ka na lang? o magpapakamartir ka na lang? sabihin na nating parang mga Santo dahil umaasa ka na may mangyayari pa sa'yo pag-exit mo sa mundong ito. Pero yun ang kagandahan ng buhay eh, nananatiling misteryo pa rin kung ano ang mangyayari sa atin kapag natodas na tayo. Unless kung ikaw ay isang Buddhist na naniniwala sa "re-incarnation". Kaya nga i-enjoy na nalang natin ang buhay dahil isang beses lang tayo mabubuhay. Ikaw nga ng kasabihan You Only Live Once (YOLO).

Kaya tatlon salita lang aking sasabihin, sabay sabay tayong isigaw..........

MABUHAY ANG KAMATAYAN!!! MABUHAY ANG KAMATAYAN!!! MABUHAY!!! 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento