![]() |
Padyak sa Concrete Jungle ng Makati City |
Alas-kuwatro pa lang ng Linggo umaga, gising na ang kaluluwa ko—pero yung katawan ko, ayaw pa rin bumangon. Pero syempre, dahil isa akong certified bike-lakwatsero day, pinilit ko na rin ang sarili ko. Bitbit ang helmet, bote ng tubig, at kaunting dasal, sinimulan ko na naman ang isang makasaysayang ride mula Imus, Cavite patungong Makati City.
Nakailang beses na rin akong nakabiyahe sa Makati City, bago dumating sa aking final destination kung pupunta akosa Pateros ay lagi kong nadaraanan ang bahagi ng Makati.
Kung iisa lang ang pipiliing lugar na sumasalamin sa modernong mukha ng Pilipinas, walang dudang ang Lungsod ng Makati ang isa sa mga nangunguna. Kilala bilang sentro ng negosyo at pananalapi ng bansa, puno ito ng matatayog na gusali, abalang kalye, at mga multinasyunal na kumpanya. Ngunit higit pa sa pagiging business hub, taglay ng Makati ang makulay na kasaysayan, sining, at isang bagong henerasyon ng urbanong kultura — at isa sa mga simbolo nito ay ang Circuit Makati.
Ang pangalang Makati ay nagmula sa salitang “kati,” na nangangahulugang "pagtaas at pagbaba ng tubig," na inilarawan ni Miguel López de Legazpi noong napadpad siya sa lugar noong panahon ng Kastila. Noon, isa itong bahagi lamang ng Maynila na kilala sa mga palayan at latian.
Noong 1600s, naging bayan ito na may pangalang San Pedro de Makati, at isa sa mga kilalang landmark noon ay ang simbahan ng San Pedro Makati (ngayon ay Saints Peter and Paul Parish). Pagsapit ng ika-20 siglo, unti-unti nang nakilala ang Makati bilang lugar ng pag-unlad, lalo na nang itayo ng Ayala Corporation ang mga unang modernong komunidad at negosyo rito.
Pagsapit ng dekada ’90 at 2000, tuluyang lumutang ang Makati bilang sentro ng komersyo, tahanan ng mga bangko, embahada, opisina, at shopping centers tulad ng Glorietta at Greenbelt. Kasabay nito, nananatiling matatag ang pamahalaan ng lungsod sa pagtataguyod ng mga serbisyong panlipunan, kalinisan, at urban planning.
Mula Imus, dinaanan ko ang paborito kong ruta: Quirino Avenue Station, tapos derecho sa San Andres Bukid- A. Francisco to Circuit Makati. Isang masalimuot pero exciting na daan—kaliwa’t kanan may mga nag-aalmusal ng kwek-kwek, taho, at usok ng jeep. Pero kahit matraffic at mainit, laban pa rin! Ang Circuit Makati ay ang dating Sta Ana Race Track.
Ang Circuit Makati ay isang mixed-use development project na binuo ng Ayala Land sa dating site ng Santa Ana Racetrack — isang sikat na karerahan ng kabayo noong dekada ’30. Ngayon, isa na itong 21-ektaryang lifestyle and entertainment district na may layuning gawing sentro ng sining, musika, at aliwan sa lungsod.
Ano ang makikita sa Circuit Makati?
1. Concert Grounds at Globe Circuit Events Grounds
2. Ayala Malls Circuit
Isang modernong shopping center na may mga boutique stores, restaurants, sinehan, arcade, at open-air dining spots. Sikat din ang Activity Center nito bilang venue ng mga exhibit at bazaar.
3. Samsung Performing Arts Theater
Ang makabagong teatro na ito ay may 1,500 upuan at idinisenyo para sa mga musical plays, concerts, ballet, at cultural shows. Madalas itong tahanan ng mga produksyon mula sa Repertory Philippines, Ballet Manila, at iba pang theater groups.
4. The Circuit Lane
5. Outdoor and Recreational Spaces
-
Skate Park – Isa sa mga pinupuntahan ng kabataang skaters sa lungsod.
-
Football Turf – May football field para sa tournaments at community sports.
-
Jogging Paths at Open Park – Perpekto para sa mga nag-e-exercise o naghahanap ng nature break.
Imagine mo ‘to: pagkatapos ng ilang kilometrong pagpadyak, may isang lugar na parang sinadya para sa mga katulad kong pagod, pawisan, at gutom—Circuit Makati Park. Hindi ito basta park lang, mga kaibigan. Ito ang lugar kung saan:
May dog park para sa mga asong mas sosyal pa sa atin (may suot pa silang shades, pramis).
May mini soccer field kung saan may mga batang mas malakas pa ang stamina kaysa sa akin.
May skating rink na para sa mga punk rock kids na skater boys. Hindi ako marunong nito kaya tamang viewing lang ako sa mga nagliliparan na kabataan gamit ang kanilang mga skateboards.
At siyempre, ang napakagandang tanawin ng Guadalupe River—oo, may parte pala ang ilog na photogenic!
Sandwich - BisikletaDito ako nagrerelax para sa susunod na destinasyon, umiinom ng tubig, at humihinga ng malalim habang pinagmamasdan ang mga nagjojogging, nagti-TikTok, nagsskate boards, nagsosoccer at mga aso na parang mas may direksyon sa buhay kaysa sa akin.
Bukod sa aliw at ganda ng Circuit Makati, nakakatuwang isipin na meron pa rin palang mga urban parks sa gitna ng siyudad na talagang well-maintained at bike-friendly. Safe ang paligid, may sapat na upuan, at marami kang makikitang kapwa biker na nagpapahinga rin. Kaya perfect itong "pahingahan spot" ko tuwing nagbabyahe mula Imus. Kung hindi lang kainian ay masarap humiga dito sa field ng damuhan ng concert grounds ng Circuit Makati. Ito ay pinagdadausan ng iba't-ibang event tulad ng Christmas parties, theatre arts, exhibits, dance fest at kung anu-ano pang masasayang activities.
Kung ikaw ay kagaya ko—adventurous, pawisin, at may kaunting pagka-sabaw tuwing madaling araw—subukan mo na rin ang ruta ko. At kapag narating mo ang Circuit Makati Park, magpahinga ka muna, uminom ng tubig, at namnamin mo ang hangin (at amoy ng hotdog at sari-saring pagkain mula sa food stalls).
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento