![]() |
Our epic bike ride from Imus to Sto Tomas, Batangas (National Shrine of Padre Pio) |
It's a quarter to two while I'm writing this little piece at mukhang nagbabanta na naman ang malakas na pag-ulan. Ganitong oras ako nakakapagsulat, dalawang oras pagkatapos ng pananghalian. I feel better and a little peaceful during this time kaya naman nakakapagconcentrate tayo magsaad ng mga gusto nating sabihin sa ating kuwento ngayong tanghali. This cloud of black mass covering the skies is also compared to the status of my well-being know as you all know, my old disease, my heart condition, has come back and is haunting me again, which prevents me from biking since the last months of 2023. Nakakamiss pero ngayon wala ka talagang magagawa to keep myself safe. Nakakaboring? Of course, there were times when I would like to shout and cry, but there's nothing I can do because of this illness. God knows when I will be healed or if I should be healed, but fingers crossed, I always trust God's plan for what's next for me. I believed in the Bible verse: "The Lord says, 'I will give you back 7 times what you lost." - Joel 2:25, and that will be my happiest days. I know that soon I can ride and continue with my cycling adventures once again. Hindi ako nawawalan ng pag-asa, kapit lang talaga sa dasal, pagtitiwala sa Diyos at mga panalanging binubulong sa hangin.
But in the meantime, the only thing I can do is to dive into my social world like blogging my throwback rides, since I have never put these rides on paper to share the story of my bike rides, where I went, and what food trips down the street I went to, or where I went to record the longest ride I did. At sa blog post na ito, sasagutin natin yan with a mix of faith and determination.
Nung nagsisimula pa lang ako mag-ride after my successful heart surgery in 2019 nagpo-post na ako kung saan ako nagppupunta gamit lang ang aking mini-mountain bike. Sinimulan ko sa malalapit lang pero halos everyday na ako nagbibisekleta at iba't-ibang ruta. Minsan umiikot lang sa Imus, sa mga bayan ng Imus at sa simbahan ng Imus malapit sa plaza. Umaga o kaya hapon, yan ay walang palya sapagkat kailangan ng aking bagong ugat na mag flow ng maayos ang dugo.
Until my high school classmates saw my rides in Facebook, yun pala ay hilig din nila ang hilig ko. Kaya minsan ay nag-usap kami para magkita, halos 25 years din ang nakaraan bago kami magkita ng mga kaklase ko nung high school. Napakatagal na panahon, napakaraming kuwento. Bago ko sila mameet ay nakakapagbike na rin ako noon sa Maynila kagaya ng Intramuros, Quiapo at Rizal Park. I met them and meron pala silang cycling group a ang pangalan ay Takuza, hindi siya Japanese name at ang ibig sabihin ay mga "Takot sa asawa", natawa ako nung binulgar nila sa akin ang meaning, ang sabi ko mukhang sabit lang muna talaga ako sa grupong ito dahil single pa rin ako hanggang ngayon.
One time, they set a ride. Naka schedule ang ride three weeks bago ko sila ma-meet at kailangan nga daw muna mag-ensayo dahil hindi rin sila gaano nakakapagbisikleta. Kung wala ka kasing ensayo sa pagba-bike madali kang mahahapo at dito sa ride na ito ay mahaba-habang padyakan. Ang aming tutuntunin ay ang National Shrine of Padre Pio sa Sto Tomas, Batangas. Sa totto lang, nagdalawang isip ako kung kakayanin ko ba ang ride na yun kasi halos isang taon lang ang pagitan nang ako'y maoperahan. Hindi ko alam kung anong estado ng mga daan na papadyakan at baka hindi ko kayanin at maging sagabal lang ako sa ride nila at maubos ang oras sa akin, dahil sa tingin ko ay mga sanay na sila sa malalayong padyakan. Sila naman daw ang bahala sa akin at hindi nila ako pababayaan sa biyahe, at dahil kondisyon naman ang aking pakiramdam ay pumayag na rin ako.
For me, this ride was not just about distance—it was a testament of faith, healing, and strength. I wouldn't have been able to make it without God’s divine protection and the determination and strength He gave me throughout the journey.
Kasama ko sa biyahe ang ilan sa matagal ko nang kaibigang riders at ang solid na grupo ng Takuza Riders. Naramdaman ko ang init ng samahan, ang saya ng sabay-sabay na pagpedal, at ang suporta nila sa bawat hinto at hataw. Pinagtagumpayan naming sabay ang pinakamatitinding ahon at ininitan ng araw—pero lahat ng pagod ay sulit.
Bawat bayan na dinaanan ay may sariling kwento, sariling init ng araw, at sariling hamon sa kalsada. Pero ang bawat pedal ay papalapit sa isang banal na lugar—ang Padre Pio Shrine.
Pagkarating sa Padre Pio Shrine, lahat ng pagod ay parang nawala. Ang katahimikan ng lugar, ang mga dasal ng mga deboto, at ang presensya ng Panginoon sa bawat sulok ng dambana ay ramdam na ramdam.
Mga dapat puntahan sa shrine:
- Main Church – Open air, tahimik at may kakaibang presensya ng pananampalataya.
- Sanctuary of Healing – Dito kadalasang humihingi ng kagalingan at milagro ang mga deboto.
- Stations of the Cross – Pwedeng ikutin habang nagdarasal, sa paligid ng shrine.
- The Blessed Sacrament Chapel – Tahimik na lugar para sa personal na dasal.
- Padre Pio Relic Chapel – Makikita rito ang mga relics ni Padre Pio at ilang alaala ng kanyang buhay.
- Souvenir Shops and Candle Offering Area – Para sa mga gustong mag-alay ng dasal at magdala ng alaala.
- Malalim na panalangin
- Tubig at energy bars
- Helmet at reflectors
- Matibay na binti at pusong may pananampalataya
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento